By | 10/03/2024

Inaanyayahan ang mga iskolar, gradwadong mag-aaral, guro, mananaliksik, at propesyonal mula sa agham panlipunan, humanidades, kasaysayan, pilosopiya, at siyensya na magsumite ng kanilang kontribusyon sa DIWA 10 para sa isang natatanging edisyon tungkol sa Ginhawa bilang mahalagang konsepto, hangarin, at balangkas sa Sikolohiyang Pilipino.

Bukas ang paanyayang ito sa lahat, at lalo sa mga lumahok sa mga kumperensiyang patungkol sa Ginhawa ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at UP Diliman Psychosocial Services (UPD PsycServ) noong taong 2021 at 2023.

Ang DIWA (http://diwa.pssp.org.ph/) ay isang refereed e-journal na naglalayong maglathala ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino (SP) na nagsusuri at umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino.

Tungkol sa DIWA 10

Kasama sa mga uri ng kontribusyong maaaring ipadala para sa DIWA 10 ang mga empirikal na pananaliksik, teoretikal na pagsusuri, o sistematikong rebyu ng pananaliksik. Mahahanap ang karagdagang gabay para sa mga kontribyutor sa: https://www.pssp.org.ph/diwa/gabay-sa-mga-kontribyutor/.


Bukod pa sa mga magpapaunlak sa panawagang ito para sa DIWA 10, kasama rin sa edisyong ito ang mga artikulo mula sa piling paglalahad sa dalawang nakaraang pambansang kumperensiya noong taong 2021 at 2023 na nauugnay sa mga pananaliksik at pagbubulay tungkol sa kalikasan at pagdanas sa Ginhawa.


Ang dedlayn ng pagsusumite ay sa Enero 31, 2025. Ipadala ang inyong mga papel sa secretariat@pssp.org.ph at ilagay sa paksa ng mensahe ang “DIWA 10”.

Violeta V. Bautista (Departamento ng Sikolohiya at UPD PsycServ, Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Divine Love A. Salvador (Departamento ng Sikolohiya at UPD PsycServ, Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Noahlyn C. Maranan (Departamento ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños)
Mga Patnugot