Ang DIWA na may ISSN na 2350-7624 ay isang refereed e-journal na naglalayong maglathala ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino na nagsusuri at umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino. Bagama’t may mga nauna nang isyu ng journal na DIWA simula 1972 sa pamamatnugot ng Ama ng Sikolohiyang Pilipino na si Dr. Virgilio G. Enriquez na nagtatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) noong 1975, nahinto ang paglalathala nito sa pagpanaw ni Dr. Enriquez noong 1994. Nitong 2013, muling binuhay ang DIWA bilang opisyal na refereed e-journal ng PSSP na nagtatampok sa mga pinakabagong pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino. Nagsisilbing tagagabay ng patnugutan ng refereed e-journal na ito ang Pamunuan ng PSSP at Lupong Tagapayo ng DIWA. Kabilang sa mga isyu ng DIWA ang sumusunod: