Talaban at Hugpungan: Ang Gampanin ng SP sa Pagtugon sa Hating Kultural (Tensions and Intersections: The Role of SP in Addressing Cultural Divides)
22-23 Nobyembre 2024
via Zoom
CPD units: Psychology (9 CPD units); Guidance and Counseling (11.5 Units), Social Workers (in-process)
Registration Form: tinyurl.com/pksp48pagpapatala
Taon-taon, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), isang panlipunan at propesyonal na organisasyong itinatag noong 1975 na may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang interdisiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan.
Ngayong taon, isasagawa ng PSSP katuwang ang UPLB Departamento ng Agham Panlipunan ang Ika-48 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na may temang “ Talaban at Hugpungan: Ang Gampanin ng SP sa Pagtugon sa Hating Kultural (Tensions and Intersections: The Role of SP in Addressing Cultural Divides).”
Mga Layunin ng Kumperensiya
- Matalakay ang gampanin ng Sikolohiyang Pilipino sa pag-unawa at pagtugon sa mga hating kultural tungo sa karangalan, katarungan, at kalayaan;
- Magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan, at Sikolohiyang Pilipino; at
- Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.
Inaanyayahan ang lahat ng may pananaliksik na kaugnay ng paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.
Bayad sa Pagdalo
Narito ang bayad sa pagdalo batay sa uri ng partisipasyon:
Tagapaglahad ng Papel/Paper Presenter
- Php700
- Php1,700 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2025; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)
Delegadong Propesyonal/Gradwadong Mag-aaral
- Php700 (Kasaping Panghabambuhay ng PSSP; Kasaping Propesyonal ng PSSP na bayad ng membership fee sa taong 2024)
- Php800 (Di-Kasapi ng PSSP; Kasaping Propesyonal ng PSSP sa mga nakaraang taon pero HINDI bayad ng membership fee sa taong 2024)
- Php1,700 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2025; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)
Delegadong Mag-aaral (Di-Gradwadong Mag-aaral na Hindi Maglalahad ng Papel)
- Php400 (Kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo; Kailangang mag-upload ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment)
- Php600 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2025 para sa kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo; Kailangang mag-upload ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)
Paraan ng Pagbayad
Maaari kayong maghulog ng inyong bayad sa aming bank account gamit ang inyong mobile banking app (sa pamamagitan ng InstaPay, iwasan ang paggamit ng PESONet dahil mahirap ma-trace ang transaksiyon), mobile wallet (GCash, PayMaya, GrabPay, DiskarTech, atbp), o sa kahit saang branch ng Chinabank. Narito po ang detalye ng aming bank account:
- China Banking Corporation (HINDI China Bank Savings, Inc. dahil ibang bangko ito)
- Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc. (Alternatibong Account Name para sa Online Fund Transfer/Bank Transfer: NASPI)
- Account Number: 114202018446 (Savings Account)
- Branch: Corinthian Hills, Quezon City
Maaaring gamitin ang “GCash Bank Transfer” sa pagbabayad ng inyong membership fee papunta sa aming China Banking Corporation account. Pindutin lang ang Send, piliin ang Transfer sa ilalim ng Send Money through Our Partners, at hanapin ang China Banking Corporation (muli, HINDI China Bank Savings, Inc.).
Lahat ng tseke ay DAPAT nakapangalan sa “National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc.” HINDI tatanggapin ang tseke na “NASPI” lamang ang nakasulat.
Samantala, maaari rin kayong magpadala ng bayad sa Gcash account na (for Gcash to Gcash only):
- Gcash Account Number: 09543703646
- Gcash Account Name: Jholyan Francis S. Fornillos
Ang bayad ay NON-REFUNDABLE ngunit TRANSFERABLE.
Hindi real-time ang posting ng bayad na pinroseso sa pamamagitan ng PESONet kaya iminumungkahi ang paggamit ng InstaPay kung parehas na pwede ang dalawang transfer services sa inyong mobile banking/wallet app upang mabilis na ma-validate ang inyong bayad at makumpirma ang inyong rehistrasyon.
Lahat ng kalahok ay dapat magpatala sa online registration form: tinyurl.com/pksp48pagpapatala. Magiging opisyal lamang ang rehistrayon kapag natanggap na namin ang bayad at naisumite sa online form ang katunayan ng bayad. Ang huling araw ng rehistrasyon ay sa 18 Nobyembre 2024 ngunit maaaring isara ang rehistrasyon kapag napuno na ang 450 slots.
