By | 09/09/2024

Inaanyayahan ang mga iskolar, gradwadong at di-gradwadong mag-aaral, guro, mananaliksik, at propesyonal mula sa agham panlipunan, humanidades,, pilosopiya, siyensya, at mga kaakibat na disiplina na magsumite ng kanilang kontribusyon sa DIWA.

Ang DIWA (http://diwa.pssp.org.ph/) ay isang refereed e-journal ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) na naglalayong maglathala ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino (SP) na nagsusuri at umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino.

Mga Uri ng Kontribusyon:

  • Pananaliksik (empirikal na pananaliksik, teoretikal na pagsusuri, o sistematikong rebyu ng pananaliksik): 8–10 pahina (single-spaced) [bukod pa sa mga larawan at ilustrasyon]
  • Rebyu ng aklat, palabas, pelikula, o sining biswal: 2–5 pahina (single-spaced)
  • Panayam sa mga iskolar tungkol sa iba’t ibang paksa kaugnay ng Sikolohiyang Pilipino: 8–10 pahina (single-spaced)
  • Liham sa patnugutan: Hindi lalampas ng 2 pahina (single-spaced)

Maaaring tingnan ang gabay para sa kontribyutor sa https://www.pssp.org.ph/diwa/gabay-sa-mga-kontribyutor/para sa mga karagdagang panuntunan.

Mangyaring ipadala ang inyong kontribusyon kalakip ng cover letter  sa secretariat@pssp.org.ph hanggang Nobyembre 15, 2024. 

Danielle P. Ochoa
Francis Simonh M. Bries
Eda Lou C. Ochangco

Mga Patnugot