Gabay sa mga Kontribyutor

Inaanyayahan ang mga iskolar, gradwadong mag-aaral, guro, mananaliksik, at propesyonal mula sa agham panlipunan, humanidades, kasaysayan, pilosopiya, at siyensya na magsumite ng kanilang kontribusyon sa DIWA.

Mga Uri ng Kontribusyon:

  • Pananaliksik: 8-10 na pahina (single-spaced) (bukod pa sa mga larawan at ilustrasyon)
  • Rebyu ng aklat, palabas, pelikula, o sining biswal: 2-5 na pahina (single-spaced)
  • Panayam sa mga iskolar tungkol sa iba’t ibang paksa kaugnay ng Sikolohiyang Pilipino: 8-10 na pahina (single-spaced)
  • Salin sa wikang Filipino ng iba’t ibang akda, at komentaryo ng nagsalin: Hindi lalampas sa 10 na pahina (single-spaced) [kinakailangang may permiso ng orihinal na may-akda at tagapaglathala, kung wala pa sa public domain ang akda]
  • Liham sa patnugutan: Hindi lalampas ng 2 na pahina (single-spaced)

Pangkalahatang Panuntunan:­

  • Nasa wikang Filipino ang anumang kontribusyon
  • Kompyuterisadong manuskrito (single-spaced) sa papel na may sukat na 8.5” x 11” (letter size) at may marjin na 1” sa itaas, ibaba, kaliwa, at kanan
  • Estilong American Psychological Association (APA) 7th Edition, sa pagkilala, pagsipi, at paghahanda ng bibliograpiya < https://bit.ly/33o5sYp>
  • May abstrak sa wikang Filipino at wikang Ingles na may 200-300 na salita at maikling tala ukol sa may-akda (bionote) na may 100-200 na salita
  • Ilan pang gabay: (a) .doc o .docx ng Microsoft Word ang manuskrito, abstrak, at tala ukol sa may-akda; (b) .jpeg o .jpg na 300 dpi para sa mga larawan; (c) font na 12 pt Times New Roman; (d) may patlang ang bawat talata; (e) nakahanay sa kaliwa ang bawat talata; (f) walang page break; (g) bold na font sa bawat titulo ng mga seksyon; (h) lahat ng talahanayan ay sa hulihang bahagi ng teksto; (i) ang tumbasan ng talahanayan ay nasa itaas samantalang ang mga tala ay nasa ilalim; (j) ang mga ilustrasyon o litrato ay sa hulihang bahagi ng teksto na may legend sa ilalim; (k) ang e-mail address at URL ay nakapaloob sa tatsulok na panaklong (“<” at “>”), at (l) ang mga URL ay dapat pinaikli gamit ang Bitly URL Shortener < https://bitly.com/>

Proseso ng Pagreferee sa mga Pananaliksik:­

  • Sa pagsumite ng kanilang kontribusyon, sumasang-ayon ang mga kontribyutor na sumailalim sa proseso ng pagreferee
  • Tatasahin ng mga referee ang mga pananaliksik ayon sa mga sumusunod na pamantayan: (a) kahalagahan ng pag-aaral; (b) kaparaanan sa pananaliksik; (c) kalidad o kahusayan ng pagkakasulat; at (d) kontribusyon sa Sikolohiyang Pilipino
  • Tatanggap ang mga kontribyutor ng pangkalahatang pagtatasa sa kanilang submisyon na maaaring: (a) mailalathala na; (b) kailangan pa ng rebisyon; at (c) hindi mailalathala; at kung nangangailangan pa ng rebisyon, inaasahang maisusumite ang pinal na manuskrito sa Patnugutan ng DIWA ng hindi lalagpas sa isang buwan matapos matanggap ang pangkalahatang pagtatasa

Maaaring ipadala ang manuskrito sa secretariat@pssp.org.ph.