Pagpapahalaga at Paninindigan

Ang PSSP ay bahagi ng higit na malawak na sambayanang Pilipino.  Sa paghahangad na mapaglingkuran ito, idinedeklara ng PSSP ang mga sumusunod na pagpapahalaga at paninindigan:

  • Naniniwala ang PSSP sa pagsusulong ng makakapwa at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan sa pag-aaral ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Naniniwala ang PSSP sa pagsusulong ng inter-disiplinaryo at sistematikong pag-aaral ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Naniniwala ang PSSP sa pagtataguyod ng sariling wika sa pag-aaral ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Naniniwala ang PSSP sa pagtataguyod ng makabuluhang pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pag-aaral ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Naniniwala ang PSSP sa pagtataguyod ng makabuluhang pakikiisa sa mga isinagilid, sinasamantala, at walang kapangyarihang sektor ng lipunan tungo sa pagkamit ng karangalan, katarungan, at kalayaan ng sambayanang Pilipino.

Mga Layunin

Sa pagtataguyod ng mga pagpapahalaga at paninindigan nito, isusulong ng PSSP ang mga sumusunod na layunin:

  • Bumuo ng kritikal na bilang ng mga indibidwal at grupong magsusulong sa Sikolohiyang Pilipino.
  • Mahikayat ang iba’t ibang sektor sa lipunan na maitaguyod ang Sikolohiyang Pilipino.
  • Makalikom ng mga materyal ukol sa kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Malinang ang paggamit ng mga pananaw at pamamaraan na batay sa yaman ng kultura, lipunan, at sikolohiyang Pilipino.
  • Mapahusay ang kakayahan ng samahan sa pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino.