Maikling Kasaysayan

Itinatag ang PSSP sa pangunguna ni Dr. Virgilio G. Enriquez, Ama ng Sikolohiyang Pilipino, noong Disyembre 19, 1975 bilang kongkretong bunga ng Unang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na ginanap noong Nobyembre 6-11, 1975.  Kinilala sa nabanggit na kumperensiya ang kahalagahan na magkaroon ng isang organisasyon upang patuloy na maisakatuparan ang mga layunin para sa Sikolohiyang Pilipino kung kaya’t inilatag ang pundasyon ng pagbubuo ng isang pambansang samahan.

Inihanda nina Atty. Cecilio Bituin at Dr. Enriquez ang Artikulo ng Inkorporasyon ng PSSP na unang nilagdaan nina Prop. Amelia Alfonso at Dr. Enriquez ng Unibersidad ng Pilipinas; Prop. Ester Reyes ng Philippine Normal University; Prop. Paz Policarpio Mendez ng Centro Escolar University; at G. Victor Gamboa ng Bancom Institute of Development Technology.  Patuloy na pinangasiwaan naman nina Atty. Calixto Malabanan at Bb. Rogelia Pe ang paghahanda hanggang pormal na kilalanin at maparehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang PSSP noong Enero 23, 1976.

Sa pagsisimulang ito, naglingkod bilang unang Tagapangulo ng organisasyon si Dr. Enriquez kasama ang iba pang kasapi ng Unang Lupong Tagapamahala ng PSSP na sina Prop. Alfonso, Prop. Lilia Antonio, Prop. Mendez, Fr. Leonardo Mercado, Reyes, Dr. Zeus A. Salazar, Prop. Carmen Santiago, at Prop. Abraham Velasco.

Sinundan si Dr. Enriquez bilang Tagapangulo nina Prop. Reyes (1979-1980), Dr. Manuel Bonifacio (1981-1982), Prop. Velasco (1983-1984), Prop. Felipe De Leon Jr. (1985-1986), Dr. Alfredo Lagmay (1987-1988), Dr. Lilia Antonio (1989-1990), Dr. Rogelia Pe-Pua (1991-1992), Dr. Grace Aguiling-Dalisay (1993-1994), Dr. Proserpina Tapales (1995-1996), Dr. Elizabeth Protacio-Marcelino (1997-1998), Prop. Ma. Angeles Guanzon-Lapeña (1999-2000), Prop. Flordeliza Lagbao-Bolante (2001-2002), Dr. Grace Aguiling-Dalisay (2003-2007), G. Jose Ma. Bartolome (2008-2011), Dr. Benito L. Teehankee (2011), at Prop. Jay A. Yacat (2012-2015).

Itinatag ang PSSP sa pangunguna ni Dr. Virgilio G. Enriquez, Ama ng Sikolohiyang Pilipino, noong Disyembre 19, 1975 bilang kongkretong bunga ng Unang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na ginanap noong Nobyembre 6-11, 1975.  Kinilala sa nabanggit na kumperensiya ang kahalagahan na magkaroon ng isang organisasyon upang patuloy na maisakatuparan ang mga layunin para sa Sikolohiyang Pilipino kung kaya’t inilatag ang pundasyon ng pagbubuo ng isang pambansang samahan.

Inihanda nina Atty. Cecilio Bituin at Dr. Enriquez ang Artikulo ng Inkorporasyon ng PSSP na unang nilagdaan nina Prop. Amelia Alfonso at Dr. Enriquez ng Unibersidad ng Pilipinas; Prop. Ester Reyes ng Philippine Normal University; Prop. Paz Policarpio Mendez ng Centro Escolar University; at G. Victor Gamboa ng Bancom Institute of Development Technology.  Patuloy na pinangasiwaan naman nina Atty. Calixto Malabanan at Bb. Rogelia Pe ang paghahanda hanggang pormal na kilalanin at maparehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang PSSP noong Enero 23, 1976.

Sa pagsisimulang ito, naglingkod bilang unang Tagapangulo ng organisasyon si Dr. Enriquez kasama ang iba pang kasapi ng Unang Lupong Tagapamahala ng PSSP na sina Prop. Alfonso, Prop. Lilia Antonio, Prop. Mendez, Fr. Leonardo Mercado, Prop. Reyes, Dr. Zeus A. Salazar, Prop. Carmen Santiago, at Prop. Abraham Velasco.

Sinundan si Dr. Enriquez bilang Tagapangulo nina Prop. Reyes (1979-1980), Dr. Manuel Bonifacio (1981-1982), Prop. Velasco (1983-1984), Prop. Felipe De Leon Jr. (1985-1986), Dr. Alfredo Lagmay (1987-1988), Dr. Lilia Antonio (1989-1990), Dr. Rogelia Pe-Pua (1991-1992), Dr. Grace Aguiling-Dalisay (1993-1994), Dr. Proserpina Tapales (1995-1996), Dr. Elizabeth Protacio-Marcelino (1997-1998), Prop. Ma. Angeles Guanzon-Lapeña (1999-2000), Prop. Flordeliza Lagbao-Bolante (2001-2002), Dr. Grace Aguiling-Dalisay (2003-2007), G. Jose Ma. Bartolome (2008-2011), Dr. Benito L. Teehankee (2011), at Prop. Jay A. Yacat (2012-kasalukuyan).

————————–

Dr. Virgilio G. Enriquez, Ama ng Sikolohiyang Pilino

Si Dr. Virgilio G. Enriquez ang kinikilalang Ama ng Sikolohiyang Pilipino.

http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/09/17-Natatanging-Tala-Navarro.pdf