By | 08/28/2014

Pormal na binuksan ng UP Diliman Departamento ng Sikolohiya ang apat na araw na pag-alala sa  mga nagawa ni Dr. Virgilio “Doc E” G. Enriquez kahapon, 18 Agosto 2014, sa Palma Hall Annex Lobby, UP Diliman.  Ito ay pinamahalaan ni Dr. Elizabeth Protacio-De Castro katuwang ang UP Psychology Society at UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino.  Pinaunlakan at nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina Dr. Grace H. Aguiling-Dalisay, dekana ng UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, at Dr. Maria Carmen Jimenez, tagapangulo ng UP Departamento ng Sikolohiya.  Dumating at nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan kasama si Doc E sina G. Bobby Galvez at Dr. Violeta Villaroman-Bautista.

Naghandog naman ng mga pampasiglang bilang ang mga miyembro ng UP Psychology Society at UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino.  Nagtapos ang programa sa isang munting salu-salo.

Tampok din sa apat na araw na pagdiriwang ang isang eksibit kung saan ipapakita ang naging buhay at mga gawain ni Dr. Enriquez, gamit ang lente ngmga taong naging malapit sa kanya, kasama na rin ang mga mag-aaral ng Sikolohiya noon at hanggang sa kasalukuyan. Bukod dito, ipapakita rin ang naging malawak na impluensya ng Sikolohiyang Pilipino sa iba’t ibang larangan tulad ng kalusugan, sining, industriya at iba pa. Bukas ito sa lahat ng nais at lubos pang makilala si Doc E mula 26 hanggang 29 ng Agosto 2014.

Doc E Bobby Galvez

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa aming Facebook page.

Leave a Reply