By | 09/11/2014

SP Primer 4Simula noon hanggang ngayon ay tinatangkilik na ng mga-mag-aaral ang Sikolohiyang Pilipino Primer, na inihahandog ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at Tatsulok-Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilpino, at walang pinagkaiba ang katatapos lang na SP Primer na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines na ginanap noong ika-6 ng Setyembre, 2014. Ang SP Primer sa taong ito ay may temang “#SPNoonatNgayon: Balikan ang Sinimulan, Ipagpatuloy ang Pinaninindigan” at dinaluhan ng halos 900 na mga mag-aaral at propesor. Pinangunahan ito ng 14 na kasaping unibersidad at pamantasan ng Tatsulok kabilang ang Centro Escolar University, De La Salle-Dasmariñas, De La Salle University-Manila, Emilio Aguinaldo College-Cavite, Far Eastern University, Holy Angel University, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Manila Tytana Colleges, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines, San Beda College, University of the East, at University of the Philippines Diliman. May mag dumalo rin mula sa Adamson University, Batangas State University, Centro Escolar University-Makati, Cavite State University (Gen. Trias, Imus, at Main), Philippine Christian University, at University of Makati. Dumalo rin ang mga observer school ng Tatsulok na galing sa Bulacan State University, De La Salle-Lipa, Our Lady of Fatima University, at San Beda College-Alabang.

SP Primer 2014 1Ang mga mga naimbitahang tagapagsalita ay sina Prop. Jay Yacat at Prop. Jayson Petras, na parehong mula sa UP Diliman at kasalukuyang bahagi ng PSSP. Tinalakay ni Prop. Yacat ang kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino na maiuugnay sa pamumuno ni Dr. Virgilio Enriquez, ang ama ng Sikolohiyang Pilipino. Natalakay rin ni Prop. Yacat ang ilang napapanahong isyu na pumapalibot sa Sikolohiyang Pilipino, katulad ng mga metodo ng pananaliksik at aplikasyon nito sa ibang larangan. Tinalakay naman ni Prop. Jayson Petras ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa wika at ilang implikasyon nito simula noon hanggang ngayon. Natalakay rin ni Prop. Jayson Petras ang kontrobersyal na CHED Memorandum na makakaapekto sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo.

Lubos na nagpapasalamat ang Tatsulok sa Departamento ng Sikolohiya ng Polytechnic University of the Philippines, PUP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino, at lalong-lalo na sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino. Nagpapasalamat din ang Tatsulok sa mga sponsor, ang Mogu-Mogu Manila at When In Manila. Maraming salamat din sa lahat ng mag-aaral ng Sikolohiya na patuloy na tumatangkilik sa lahat ng gawain ng Tatsulok. Magkita-kita tayo sa Psynergy sa susunod na taon!Jessica Catrina Sta. Isabel

 

Para sa iba pang mga larawan ng SP Primer 2014, bisitahan lamang ang Facebook page ng Tatsulok.

Leave a Reply