By | 03/10/2015

Mula sa kaliwa: Dr. Bernadette Abrera, Prop. Jay Yacat (Pangulo, PSSP), Bb. April Bacolod (Pangulo, Tatsulok), at Dr. Homer Yabut (Pangalawang Pangulo, PSSP at Tagapayo, Tatsulok)

Talagang naging mahiwaga ang katatapos na Psynergy 9 sa pangunguna ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at Tatsulok-Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino. Mula sa tagumpay ng Psynergy 8 sa De La Salle University-Dasmarinas, idinaos naman ang Psynergy ngayong taon sa Holy Angel University sa Lungsod Angeles, Pampanga.  Ang dalawang araw na kumperensiya, na may temang HIWA9A: Isang Paglalakbay Tungo sa Mundo ng Paniniwalang Pinoy, ay dinaluhan ng higit kumulang 700 mag-aaral at guro ng Sikolohiya mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.  Pinangunahan ito ng 14 na kasaping unibersidad at pamantasan ng Tatsulok: Holy Angel University (host school), Centro Escolar University-Manila, De La Salle University, De La Salle University- Dasmariñas, Emilio Aguinaldo College-Cavite, Far Eastern University, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Manita Tytana Colleges, San Beda College-Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines, University of the East, at University of the Philippines Diliman. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang kumperensiya sa hilagang Luzon, isang pamamaraan ng pagpapalaganap ng mithiin ng PSSP at Tatsulok na isulong ang Siklohiyang Pilipino.

Ang unang araw ng kumperensiya ay nagtampok ng iba’t ibang plenaryong sesyong tumalakay sa konsepto ng hiwaga na matingkad sa kulturang Pilipino. Kabilang sa mga tagapagsalita ay sina G. Ian Alfonso, Dr. Rhommel Hernandez, Prop. Daryl Malonzo, Prop. Joel Mallari, Dr. Bernadette Abrera, at Prop. Jay Yacat.

Sa pagtatapos ng programa sa unang araw, ginawaran ng PSSP ang mga natatanging papel-pananaliksik at tesis sa Sikolohiyang Pilipino. Nagkamit ng unang gantimpala ang papel-pananaliksik na “Manipestasyon ng Hiya sa Kabataang Pilipino” nina Pamela Danielle T. Lanuza, Katja M. Estioko, Camille Angela P. Ferrer, at Kristel Iris G. Tiburcio ng UP Diliman.  Samantala, ang “Mga Pahiwatig: Mga Pagbabago sa Di-Berbal na Kilos ng Mag-asawa sa Paglipas ng Panahon” nina Ma. Christine S. Cuvinar, Veyrainchiel V. Villon, Victor Brylle V. Bona, at Mark Joseph Cansino ng Palawan State University ang pinarangalang natatanging tesis.

Sa ikalawang araw, isinagawa ang sabayang sesyon na kinatampukan ng 100 napiling papel-pananaliksik at tesis.  Naging matagumpay ang ikasiyam na Psynergy at siguradong aabangan ulit ito sa susunod na taon! –JCSI/KCLR

4

Unang araw ng Psynergy 9

1

Mga kinatawan ng Tatsulok

2

Mga tagapaglahad ng papel mula sa De La Salle University-Dasmariñas kasama si Prop. Silfa Napicol

Para sa ibang mga larawan, pumunta lamang sa Facebook page ng Tatsulok at PSSP.

Leave a Reply