Sagisag

Ang sagisag ng PSSP ay binubuo ng isang disenyong nagpapahiwatig sa Sikolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng pagsasalarawan sa mga unang letra ng Sikolohiyang Pilipino sa harap ng sinag ng araw na nahahawig sa watawat ng Pilipinas.  Nilukis ito na animo’y utak ng Pilipina at Pilipino bilang alay sa Pilipinas at nagbibigay-liwanag tulad ng araw sa bandilang tatsulok na kumakatawan sa tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

pssp logo