By | 12/08/2014

10828026_987259834621634_2219084046407377352_oMatagumpay na naidaos ang ikalawang Sandaluyan: Serye ng Diskusyon, Daluyan ng Kaalaman na may paksang “Isang Usaping Positive Psychology” noong 6 Disyembre 2014 sa Bonifacio P. Sibayan Hall ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.  Ito ay pinangunahan ng Tatsulok sa pakikipagtulungan ng PNU Psychological Society.  Nagsilbing tagapagsalita si Bb. Armina Mangaoil, propesor at tagapayo ng PNU Psychological Society.  Naging makabuluhan at magaan ang diskusyon sa pagtatalakay ng iba’t ibang teorya, perspektibo at mga napapanahong karanasan sa Positive Psychology.  Humigit-kumulang 90 na mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ang lumahok sa nasabing aktibidad.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Tatsulok sa PNU Psychological Society, kay Bb. Armina Mangaoil at sa lahat ng nakiisa sa ikalawang serye ng Sandaluyan.  Abangan ang susunod na serye sa Pamantasang De La Salle, Maynila na gaganapin sa 31 Enero 2015. —JCSI/KCLR

13

15

Para sa ibang mga larawan, bisitahin lamang ang Tatsulok Facebook page.

Leave a Reply