Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
Isinasagawa taon-taon ang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino. Komprehensibong tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya ang isang piling tema. Nitong mga nakaraang taon, isinasagawa ang pambansang kumperensiya tuwing Nobyembre bilang paggunita rin sa kaarawan ni Dr. Virgilio G. Enriquez, ang Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Sa tuwing ikalawang taon, isinasagawa ang kumperensiya sa labas ng Kalakhang Maynila.
Kasalukuyang Kumperensiya
Mga Nakaraang Kumperensiya
Kapihan sa PSSP
Ang Kapihan sa PSSP ay isang okasyon kung saan tinatalakay ang mga bagong pananaliksik kaugnay ng mga isyung konseptwal, teoretikal, pilosopikal, at metodolohikal sa Sikolohiyang Pilipino.
Mga Nakaraang Kapihan
Piling Piling Araw
Paksa. Inumin. Pagkain. Ito ang mga sangkap na nagpapalinamnam sa Piling Piling Araw (PPA). Nag-aanyaya ng mga piling tagapagsalita upang magtalakay sa isang natatanging paksa. Sinusundan ito ng pagsasalo sa katutubong inumin at pagkain. Inililibot ang PPA sa iba’t ibang eskwelahan, kolehiyo, at unibersidad.
Mga Nakaraang PPA
Tatsulok sa PSSP
Itinataguyod ang Tatsulok sa PSSP upang pagtagpuin ang mga pinuno ng mga organisasyong pang-mag-aaral ng iba’t ibang eskwelahan, kolehiyo, at unibersidad na nagsusulong ng pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino. Pagkakataon ito para sa pagpupulong tungkol sa pakikipagtulungan ng mga organisasyon sa mga gawain at programa ng PSSP at pagbubuo ng mga gawain at programa ng pagtutulungan ng mga organisasyong pang-mag-aaral.
Pagpapakilala sa Tatsulok
Kasalukuyang Psynergy
Mga Nakaraang Psynergy
Linangan sa Sikolohiyang Pilipino
Binubuo ng iba’t ibang pagsasanay sa lalong pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino ang Linangan sa Sikolohiyang Pilipino (LSP). Sa kasalukuyan, may dalawang natatanging kurso at programa ang LSP: Mga Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik at Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino.
Kasalukuyang Linangan
Mga Nakaraang Linangan
Saliksikan
Itinataguyod ang Saliksikan sa Sikolohiyang Pilipino bilang programang pananaliksik ng PSSP.
Kasalukuyang Saliksikan
Mga Nakaraang Saliksikan
Aklatan
Pinapangasiwaan din ang Aklatan sa Sikolohiyang Pilipino sa tanggapan ng PSSP. Naglalaman ang naturang aklatan ng malawak na koleksiyon ng mga babasahin at lathalain ukol sa sikolohiya, lipunan, kultura, at kasaysayang Pilipino. Malaki ang maitutulong ng aklatan sa pag-aaral at pananaliksik ng mga dalubhasa, estudyante, at may interes sa Sikolohiyang Pilipino.
Publikasyon sa Sikolohiyang Pilipino
Itinataguyod ang iba’t ibang Publikasyon sa Sikolohiyang Pilipino gaya ng mga aklat, jornal, at monograp tungo sa higit pang paglalaganap ng Sikolohiyang Pilipino. Inilalathala ang mga katitikan at ulat ng Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino, Kapihan sa PSSP, Piling Piling Araw, at materyales mula sa Linangan sa Sikolohiyang Pilipino at Saliksikan sa Sikolohiyang Pilipino.
Aklat | Binhi | DIWA E-Journal | ISIP | Mga Gamit Panturo | Mga Nakaraang Publikasyon