Follow us on Twitter Follow us on Facebook
PSSP
Skip to content
  • Bahay
  • Tungkol sa PSSP
    • Maikling Kasaysayan
    • Pagpapahalaga at Paninindigan
    • Sagisag
    • Mga Gawain at Programa
    • Saligang Batas ng PSSP
  • Pamunuan at Kasapian
    • Pamunuan
    • Dating Pangulo
    • Gawad SP
    • Mga Kasapi
    • Pagsapi
  • Pambansang Kumperensiya
    • Kasulukuyang Kumperensiya
    • Mga Nakaraang Kumperensiya
  • Psynergy at Tatsulok
    • Pagpapakilala sa Tatsulok
    • Kasalukuyang Psynergy at SP Primer
    • Mga Nakaraang Psynergy at SP Primer
  • Linangan
    • Kasulukuyang Linangan
    • Mga Nakaraang Linangan
  • Artsibo
    • Balita
    • Tatak SP
    • Alituntunin
    • Aklat
    • Publikasyon
    • BINHI
    • DIWA E-Journal
    • ISIP
  • Kontak

2007

By PSSP | 11/22/2007
0 Comment

(Manila): Ikatatlumpu’t dalawang Pambansang Kumperensiya: “www.PINOYster.com: Sikolohiya at Teknolohiya sa Kultura at Lipunang Pilipino.”  Far Eastern University Conference Hall, 22-24 Nobyembre 2007. Pinamahalaan nina Jay Yacat at Jose Maria Diestro.

Category: Mga Nakaraang Kumperensiya
Post navigation
← 2007 2008 →

Mga Kamakailang Post

  • Panawagan sa Abstrak: Unang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa 04/19/2021
  • Panawagan para sa Tatak SP 2021 04/09/2021
  • [WEBINAR] Pananaliksik at Paglalathala sa Wikang Filipino 03/16/2021
  • [PABATID] Bago na po ang numero ng telepono ng PSSP: (02) 7255-7488 02/13/2020
  • PSSP-UN Women RTD 02/11/2020

Maghanap

Artsibo

Facebook Feed

Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino

11 hours ago

Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
Panawagan sa Abstrak: Unang Pambansang Kumperensiya sa GinhawaIsang mainit na pagbati mula sa pamunuan ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP)!Taon-taon, nagtataguyod ang PSSP ng mga gawaing naglalayong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang inter-disiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan. Katuwang ang UP Diliman Psychosocial Services (UPD PsycServ), isasagawa po ng PSSP ngayong taon ang kauna-unahang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa na may temang “Ginhawa sa Panahon ng Pandemya: Pag-unawa at Pagtugon sa mga Hamong Dulot ng Pandemya” na gaganapin sa 1-3 Hulyo 2021.Sa loob ng isang taon, binago ng COVID-19 ang buhay at pamumuhay ng mga indibidwal, pamilya, komunidad, at lipunan sa buong mundo. Para sa ating mga Pilipino, patuloy ang hamon ng pakikibaka sa sakit na ito, pag-angkop sa mga hirap at suliraning dala nito, at paghahanap ng mga pagkakataong makaranas ng paglago sa gitna, at sa kabila, ng pandemya. Kailangan ang pagsasama-sama ng iba’t ibang kadalubhasaan at pananaw sa pagbubuo ng “better normal” o bagong pamumuhay sa paraang aktibo at nakikilahok.Layunin ng kumperensiyang ito ang magbigay ng pagkakataon para sa pagbabahagi ng mga pananaliksik at karanasang pang-praktika na may kinalaman sa: (i) pag-unawa sa karanasan ng pandemya para sa mga Pilipino, (ii) mga modelo at pamamaraan ng pagpapaigting ng nakagiginhawang pag-angkop at paglago sa iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng sa sarili, pamilya, komunidad, at pinagtratrabahuhan, at (iii) mga batayang panuntunan sa pangangalaga at pagsulong ng ginhawa sa panahon ng pandemya.Inaanyayahan po ang lahat ng mga mananaliksik at mga practitioner na magsumite ng kanilang abstrak tungkol sa paksang ito. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, kritikal na repleksyon, o rebyu. Para magsumite ng abstrak, tumungo lamang sa: bit.ly/GinhawaConferencePanawaganSaAbstrak. Maaaring magsumite ng kontribusyon hanggang 16 May 2021.Ang mga matatanggap na papel ay magkakaroon ng pagkakataong mailathala sa isang special issue ng Diwa E-journal tungkol sa napapanahong paksang ito.Ang buong kumperensiya ay gaganapin on–line.Aasahan namin ang inyong mga abstrak. Salamat sa patuloy na suporta sa mga gawain ng PSSP.Dr. Danielle P. OchoaProp. Argel MasandaDr. Violeta V. BautistaDr. Divine Love A. SalvadorMga Convenor ...
Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino

7 days ago

Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
[SAVE THE DATE] Handa na ba kayo para sa kauna-unahang pambansang kumperensiya sa Ginhawa?Ginhawa sa Panahon ng Pandemya: Pag-unawa at Pagtugon sa mga Hamong Dulot ng Pandemya1-3 Hulyo 20218:30 n.u.-12:00 n.t.Inorganisa ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at UP Diliman Psychosocial Services (UPD PsycServ)Tungkol sa KumperensiyaSa loob ng isang taon, binago ng COVID-19 ang buhay at pamumuhay ng mga indibidwal, pamilya, komunidad, at lipunan sa buong mundo. Para sa ating mga Pilipino, patuloy ang hamon ng pakikibaka sa sakit na ito, pag-angkop sa mga hirap at suliraning dala nito, at paghahanap ng mga pagkakataong makaranas ng paglago sa gitna, at sa kabila, ng pandemya. Kailangan ang pagsasama-sama ng iba’t ibang kadalubhasaan at pananaw sa pagbubuo ng “better normal” o bagong pamumuhay sa paraang aktibo at nakikilahok. Layunin ng kumperensiyang ito ang magbigay ng pagkakataon para sa pagbabahagi ng mga pananaliksik at karanasang pang-praktika na may kinalaman sa: (i) pag-unawa sa karanasan ng pandemya para sa mga Pilipino, (ii) mga modelo at pamamaraan ng pagpapaigting ng nakagiginhawang pag-angkop at paglago sa iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng sa sarili, pamilya, komunidad, at pinagtratrabahuhan, at (iii) mga batayang panuntunan sa pangangalaga at pagsulong ng ginhawa sa panahon ng pandemya. ...
Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino

2 weeks ago

Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
[Panawagan para sa Tatak SP 2021]Isang mapagpalayang araw! Ang PambansangSamahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ay isang panlipunan at propesyonalna organisasyong itinatag noong 1975 sa layuning isulong at itaguyod ang SikolohiyangPilipino (SP) bilang disiplina at kilusan para sa makabuluhan atmakatuturang pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa ng diwa at pagkataong Pilipinomula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ngpambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino. Sa patuloyna pagtataguyod ng Sikolohiyang Pilipino ay malugod po naming ipinapaalam nabukas na ang pagsusumite sa aplikasyon para sa TATAK SP 2021. Ang gawad na ito ay ipagkakaloob sa mgainstitusyon at organisasyong tumatalima at sumasalamin sa mga prinsipyo,paniniwala, at gawain ng PSSP. Kaugnaynito, iniimbatahan namin ang inyong mga institusyon/organisasyon na lumahok sagawad na ito. Ang mga institusyon/organisasyonna magsusumite ng aplikasyon ay tatasahin ng mga piling hurado batay sa apat nakategorya: (1) pagsusulong ng SP; (2) pagtataguyod sa sariling wika; (3)pananaliksik; at, (4) pagpapaunlad ng pamayanan. Hiling po naming magsumitekayo ng mga kaukulang dokumento na siyang kahingian sa gagawing ebalwasyon. Pakisumite po ang inyong aplikasyon sa online form: bit.ly/TatakSP2021. Ang dedlayn para sa pagsusumiteng mga dokumento ay sa 30 Mayo2021. Sapagkakataong maitanghal ang inyong institusyon/organisasyon na may Tatak SP, bukodsa pagkilalang nasyonal, bibigyan ng diskwento at prioritization ang mga propesor na kabilang sa inyong institusyonna nais lumahok sa Kumperensya, Linangan at iba pang mga gawain ng PSSP. Para sa iba pang detalye,maaari po kayong tumawag sa (02) 7255-7483 o mag-email sa pssponline@gmail.com. Umaasa kami sa inyong positibong paglahok sa mahalagang gawaing ito. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Prop. Carl O. DellomosPamantasang Normal ng PilipinasTagapag-ugnay, Tatak-SP 2021 Dr. Jose Antonio R. ClementeUnibersidad ng Pilipinas DilimanPangulo, PSSP ...
Publisho Theme | Powered by Wordpress