Sikolohiya ng Pakikibaka para sa Makatarungang Lipunan
26-28 Nobyembre 2026
Pamantasang Normal ng Pilipinas, Lungsod ng Maynila
Registration Link: tinyurl.com/PKSP50Pagpapatala
Taon-taon, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. (Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino), isang panlipunan at propesyonal organisasyong may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang inter-disiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan. Komprehensibong tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya ang isang piling tema. Ngayong taon, isasagawa ng PSSP katuwang ang Pamantasang Normal ng Pilipinas ang Ika-50 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang na may temang “ Sikolohiya ng Pakikibaka para sa Makatarungang Lipunan.”
Sa tatlong araw na kumperensiya, magkakaroon ng mga plenaryong sesyon at mga learning session kung saan tatalakayin ang gampanin ng kapangyarihan, kapwa, at katarungan sa pagtindig para sa lahat, gayundin ang mga anyo ng pakikibaka at sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor tungo sa isang makatarungan at makataong lipunan.
Magtitipon sa kumperensiya ang mga mananaliksik, sikolohista, social workers, guro, practitioner, at estudyante ng Sikolohiyang Pilipino upang magbahagi ng kaalaman, karanasan, at pananaliksik na tumutugon sa hamon ng ating panahon.
Mga Layunin ng Kumperensiya:
Sa loob ng tatlong araw, pagtutuunan ng pansin ng kumperensiyang ito ang sumusunod:
- Pagsusuri at pagtalakay ng gampanin ng kapangyarihan, kapwa, at katarungan sa pagtindig para sa lahat;
- Pagsusuri at pagtalakay ng iba’t ibang anyo ng pakikibaka at sama-samang pagkilos tungo sa isang makatarungan at makataong lipunan; at
- Pagbabahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa ikauunlad ng Sikolohiyang Pilipino bilang malaya at mapagpalayang sikolohiya at sa pagtataguyod ng isang makatarungan at makataong lipunan.
Bayad sa Pagdalo:
- Php 3,500 — Mga tagapaglahad ng papel, kasaping panghabambuhay, kasaping propesyonal para sa taong 2025, at mag-aaral (gradwado at di-gradwado; kung kasalukuyang mag-aaral, kailangang mag-upload ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment)
- Php 4,500 — Regular na pagpapatala (mga di-kasapi ng PSSP)
May kasamang membership sa PSSP sa taong 2027; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: bit.ly/psspmembershipform
- Php 5,500 — Regular na pagpapatala na may kasamang membership fee sa taong 2027 para sa propesyonal at gradwadong mag-aaral
- Php 3,800 — Pagpapatala ng mga di-gradwadong mag-aaral na may kasamang membership fee sa taong 2027


