Inaanyayahan ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ang mga mananaliksik, Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ang ika-50 taon nito sa pamamagitan ng Ika-50 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino, na gaganapin mula Nobyembre 26 hanggang 28, 2026 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila.
Ang tema ng Kumperensiya ay “Sikolohiya ng Pakikibaka para sa Makatarungang Lipunan.” Tatalakayin ng kumperensiya ang gampanin ng kapangyarihan, kapwa, at katarungan sa pagtindig para sa lahat, gayundin ang mga anyo ng pakikibaka at sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor tungo sa isang makatarungan at makataong lipunan. Layunin nitong tipunin ang mga mananaliksik, sikolohista, social workers, guro, practitioner, at estudyante ng Sikolohiyang Pilipino upang magbahagi ng kaalaman, karanasan, at pananaliksik na tumutugon sa hamon ng ating panahon.
Gabay sa Pagsusumite ng Papel para sa Paglalahad at Symposium
Inaanyayahan ang mga mananaliksik, guro, practitioner, at estudyante na magsumite ng abstract para sa oral presentation o symposium.
- Format ng Abstrak: Word document, hindi lalagpas sa 300 salita
- Wika: Filipino o Ingles (hinihikayat ang Filipino)
- Huling Araw ng Pagsusumite:
Setyembre 30, 2026Oktubre 15, 2026 - Petsa ng Pagpapabatid ng Resulta: Oktubre 20, 2026
- Dadaan ang mga abstract sa double-blind peer review batay sa kaugnayan sa tema, kalinawan ng layunin, pagka-orihinal, metodolohiya, at implikasyon sa praktis
Mga Iminumungkahing Sub-Tema:
- Gampanin ng Kapangyarihan, Kapwa, at Katarungan sa Pagtindig Para sa Lahat
- Ang Lakas ng Pagkakaisa at Sama-samang Pagkilos
- Ang Pakikipagkapwa sa Gitna ng mga Pagkakaiba-iba
- Pakikibaka ng mga Mamamayan
- Iba’t Ibang Anyo ng Pakikibaka ng mga Propesyonal at Manggagawang Panlipunan
- Sikolohiyang Pilipino at ang Diskurso ng Pagpapalaya
Para makapagsumite ng papel at/o symposium, mangyaring tingnan o i-scan ang Google Form: https://bit.ly/pssp_ika-50.

