Ipinahahayag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ang aming labis na pagkadismaya sa naging puna ni Senador Robin Padilla sa kasalukuyang kabataang Pilipino na nag-uugnay sa mga suliranin sa lusog-isip o mental health bilang tanda ng pagiging “weak” o mahina.
Nais naming bigyang-linaw na ang mga kondisyon tulad ng depresyon, pagkabalisa o anxiety, trauma, at iba pang suliranin sa lusog-isip ay hindi tanda ng kahinaan ng pagkatao. Ang mga ito ay kinikilalang kondisyon na maaaring dulot ng pinagsamang impluwensiya ng masasalimuot na karanasan sa buhay, suliraning pampamilya, problema sa pisikal na kalusugan, kahirapan, sakuna, presyur o mabigat na dalahin sa paaralan o trabaho, at iba pang hamong panlipunan. Ang ganitong mga karanasan ay maaaring makaapekto sa sinuman. Kaya, katulad ng ibang karamdaman gaya ng ubo, sipon, at sakit sa puso, ang mga suliranin sa lusog-isip ay nangangailangan ng pag-unawa, suporta, at tamang tulong.
Sa karanasan ng maraming sikolohista at mga manggagawa sa larangan ng pagkalinga, malinaw na ang paghingi ng tulong ay isang anyo ng katatagan at lakas ng loob. Hindi madaling aminin na may pinagdaraanan ang isang tao, lalo na sa isang kulturang may matinding stigma laban sa usaping panlusog-isip. Ang paglapit sa mga mahal sa buhay, kaibigan, o propesyonal ay isang mahalagang hakbang tungo sa kaginhawaan at paghilom.
Mahalaga ring tandaan na ang pahayag ng mga pinuno ng bayan ay may malaking impluwensiya sa pagtingin ng publiko sa mahahalagang isyu. Kapag ang suliranin sa lusog-isip ay inilarawan bilang kahinaan, maaari nitong pigilan ang maraming Pilipino, lalo na ang kabataan, na magpahayag ng sarili at humingi ng tulong. Kapag naman ang usaping ito ay tinalakay nang may pang-unawa at malasakit, mas nagiging bukas ang lipunan sa pagbibigay ng suporta at solusyon.
Bilang mga tagapagtaguyod ng Sikolohiyang Pilipino (SP), naniniwala ang PSSP sa pagpapahalaga sa kapwa, malasakit sa komunidad, at kolektibong pangangalaga sa lusog-isip. Ang pagharap sa mga hamon sa lusog-isip ay hindi laban ng iisang tao lamang. Ito ay responsibilidad ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at buong lipunan.
Nananawagan ang PSSP sa mga pinuno ng bayan na magtulungan sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa lusog-isip, pagsugpo sa stigma, at pagpapalakas ng mga serbisyong makatutulong sa mga nangangailangan.

Sa isang lipunang tunay na mapagkalinga, ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pagbangon at paghilom.