Ika-49 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino at Ikatlong Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa: Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya, Lipunang Maginhawa at Mapagkalinga
27-29 Nobyembre 2025
UP Diliman, Quezon City (Face-to-face)
Registration Form: bit.ly/PKSP49Ginhawa3Pagpapatala
CPD units: Registered Psychometrician/Psychologist (12); Registered Social Worker (14.50)
Taon-taon, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), isang panlipunan at propesyonal na organisasyong itinatag noong 1975 na may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang interdisiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan.
Natatangi ang magiging Pambansang Kumperensiya ngayong taon dahil sa tatlong dahilan: una, ito ang ikatlong pagkakataon kung kailan isasagawa ang pinagsamang Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino at Ika-3 Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa; ikalawa, matapos ang limang taon ay muling idaraos ang pisikal na kumperensiya; at ikatlo, ipinagdiriwang ngayong taon ang ikalimampung anibersaryo ng pagkakatatag sa Sikolohiyang Pilipino bilang isang siyentipikong disiplina at makataong protesta.
Katuwang ang UPD Psychosocial Services at UPD Departamento ng Sikolohiya, isasagawa ng PSSP ang pinagsamang Ika-49 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino at Ika-3 Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa na may temang “Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya, Lipunang Maginhawa at Mapagkalinga.”
Mga Layunin ng Kumperensiya
1. Masuri at mabalangkas ang mga tagumpay at hamon ng SP bilang isang kritikal na disiplina na nagtataguyod ng isang Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya;
2. Masuri at mabalangkas ang ambag ng SP sa pagtataguyod ng isang lipunang maginhawa at mapagkalinga; at
3. Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa ikauunlad ng Sikolohiyang Pilipino bilang malaya at mapagpalayang sikolohiya at sa pagtataguyod ng isang lipunang maginhawa at mapagkalinga.
Gaganapin ito sa 27-29 Nobyembre, 2025 sa Bulawang Tandang Sora, Lagmay Hall, at Palma Hall, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Quezon City.
BAYAD SA PAGDALO (REGISTRATION FEE)
Narito ang bayad sa pagdalo batay sa uri ng partisipasyon:
PHP 3,500
- Mga Tagapaglahad ng Papel
- Mga Kasaping Panghabambuhay ng PSSP
- Mga Kasaping Propesyonal ng PSSP sa Taong 2025
- Mga Mag-aaral (Gradwado at Di-Gradwado; kailangang mag-upload ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment)
PHP 4,500
- Di-Kasapi
PHP 3,800
- Di-Gradwadong Mag-aaral na may kasamang membership sa taong 2026
PHP 4,500
- Tagapaglahad ng Papel/Kasaping Propesyonal sa Taong 2025/Gradwadong Mag-aaral na may kasamang membership sa taong 2026
PHP 5,500
- Di-Kasapi sa taong 2025 na may kasamang membership sa taong 2026
I-download ang sumusunod:
Mga Workshop
Workshop 1: Tara na, sama-sama: Pagkakaisa sa kabila ng Pagkakaiba

Workshop 2: Friends with my Feelings: TalaKasanayan sa Pagkilala at Pagkalinga sa Sariling Damdamin tungo sa Ginhawa

Workshop 3: Di Pa Ba Sapat? Ang Pagkilala sa Tanikala ng Perfectionism Tungo sa Pagkalas Dito

Workshop 4: Ang makulay na buhay ay maginhawa, tru? Gabay sa Pagkalingang Queer Affirmative


