[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] TALA UKOL SA MGA KONTRIBYUTOR
AMIHAN BONIFACIO-RAMOLETE, PH.D. Kasalukuyang Dean ng College of Arts and Letters sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Kasamang Propesor sa Department of Speech Communication and Theatre Arts. Nagtapos siya ng kanyang B.A. Psychology, cum laude, M.A. Theater Arts, at Ph.D. Psychology sa UP Diliman. Nakapag-ambag siya ng artikulo sa seryal na Asian Theatre Journal at sa librong Therapeutic Teaching: Loving, Healing, and Nurturing Children with Special Needs. Aktibo rin siya sa larangan ng pagtatanghal sa Dulaang UP at Teatrong Mulat ng Pilipinas.
ANTONIO P. CONTRERAS, PH.D. Kasalukuyang Propesor ng Department of Political Science sa De La Salle University (DLSU), Manila, Philippines. Nagtapos siya ng kanyang B.S. Forestry, magna cum laude, sa University of the Philippines (UP), Los Baños, Laguna at M.A. Political Science at Ph.D. Political Science sa University of Hawai’i, Manoa, United States of America. Dati siyang guro ng UP Los Baños. Nakapaglathala na siya sa iba’t ibang seryal at nakapaglimbag na ng mga aklat gaya ng The Kingdom and the Republic: Forest Governance and Political Transformation in Thailand and the Philippines. Interes niya ang teoryang pulitikal, araling kultural, at pulitika ng pangkaraniwan at pang-araw araw na mga usapin.
ADONIS L. ELUMBRE. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of History and Philosophy at Tagapag-ugnay sa Gradwadong Programa ng College of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Baguio. Nagtapos siya ng kanyang B.A. History, cum laude at International Masters in ASEAN Studies sa University of Malaya (UM), Kuala Lumpur, Malaysia. Nakapag-ambag na siya sa mga seryal gaya ng DIWA E-Journal, Philippine Social Sciences Review, Journal of Southeast Asian Studies, at Kasarinlan: Journal of Third World Studies. Nagsilbi rin siyang Patnugot ng SALIKSIK E-Journal. Dati rin siyang nagtrabaho sa UP Los Baños, Laguna at ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia.
CHARMAINE P. GALANO. Kasalukuyang nagtatapos ng kanyang M.A. Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City. Nagtapos siya ng B.A. Psychology, cum laude sa UP Diliman. Nakapagturo siya ng mga kurso sa Sikolohiya kabilang na ang Sikolohiyang Pilipino sa Department of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Los Baños, Laguna. Ilan sa mga interes niya sa pananaliksik ay may kinalaman sa bolunterismo, mga pagpapahalagang Pilipino, karangalan, karapatan at pakikisangkot ng mga bata at kabataan, at katatagan ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna o kalamidad.
CHRISTINE JOY C. LIM. Kasalukuyang Instruktor ng Department of Social Sciences sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte, Philippines. Nagtapos siya ng B.S. Psychology, cum laude at M.A. Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City. Nagturo na rin siya sa St. Mark Learning Center, Kids’ World Christian Academy, at MGC New Life Christian Academy. Dati rin siyang resident psychologist sa Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Foundation, Inc. Ang kanyang interes ay nakatuon sa mga pag-aaral tungkol sa pamilyang Pilipino partikular na sa relasyon ng magulang at anak.
NOAHLYN C. MARANAN. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Social Sciences sa University of the Philippines (UP), Los Baños, Laguna. Nagtapos siya ng B.A. Psychology, magna cum laude at M.A. Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City. Dati na rin siyang nagturo sa UP Baguio, Asia Pacific College, at Far Eastern University–East Asia College. Bukod sa sikolohiyang pangkaisipan, kabilang rin sa iba pang paksang interesado siyang saliksikin ay ang mga paksang may kinalaman sa sikolohiyang panrelihiyon, sikolohiya ng pagkatuto, at sikolohiya ng internet.
DANIELLE P. OCHOA. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Department of Psychology sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City. Nagtapos siya ng B.A. Psychology, magna cum laude at M.A. Psychology sa UP Diliman. Nakapagturo na rin siya sa Ateneo de Manila University (ADMU), Quezon City, Philippines. Interes niya ang pananaliksik tungkol sa pangangatwirang moral ng mga bata at magulang mula sa konteksto ng kahirapan. Ginawaran siya ng Best Master’s Thesis ng Psychological Association of the Philippines (PAP) at nakapag-ambag na rin siya sa seryal nitong Philippine Journal of Psychology.
APRIL J. PEREZ. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Kalihim ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW). Nagtapos siya ng B.A. Linguistics, cum laude at M.A. Linguistics sa UP Diliman. Nakapagturo na siya ng mga kursong may kinalaman sa wika, kultura, at lipunan; istruktura ng wikang Filipino; sarbey ng mga akdang panggramar sa Pilipinas; mga tunguhin at tradisyon sa analisis ng grammar; kasanayan sa komunikasyon; at wikang Filipino para sa mga banyaga. Interesado siya sa pananaliksik hinggil sa istruktura ng wika, linggwistiks at pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika.
JAYSON D. PETRAS. Kasalukuyang Katuwang na Propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Kalihim ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Nagtapos siya ng B.A. Araling Pilipino, magna cum laude; M.A. Araling Pilipino, at nagtatapos ng Ph.D. Filipino sa UP Diliman. Nakapaglathala na siya sa mga seryal na DALUMAT, LIKHAAN, at DALUYAN at naging kapatnugot na rin ng DIWA E-Journal. Kontribyutor din siya sa serye ng mga aklat ng Sawikaan, Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino, at Teksbuk sa Pagsasalin.
TERESITA T. RUNGDUIN, PH.D. Kasalukuyang Katuwang na Propesor at Senior Program Manager ng Philippine National Research Center for Teacher Quality ng Philippine Normal University (PNU), Manila. Nagtapos siya ng B.A. Psychology at M.A. in Education Specializing in School Psychology sa PNU. Interes niya ang edukasyong pangkaguruan sa Pilipinas; ang larangan ng positive psychology; at mga konsepto ukol sa pagpapatawad, pagpapalamapas, pagpapahalaga at iba pa. Nagsagawa rin siya ng pag-aaral ukol sa pakikipagkaibigan, moral decision-making, at ang ginagampanang tungkulin ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
DARWIN C. RUNGDUIN. Kasalukuyang Katuwang na Propesor sa Psychology Area ng College of Liberal Arts and Sciences ng Colegio de San Juan de Letran, Manila, Philippines. Nagtapos siya ng B.S. Psychology sa Adamson University, Manila, Philippines; M.A. Psychology sa Centro Escolar University, Manila, Philippines; at nagtatapos ng Ph.D. Psychology sa UP Diliman. Ang kanyang mga pananaliksik ay nauukol sa paggamit mga lapit eksperimental sa pagtuklas ng mga konsepto ng pagpapatawad, perceived control, self-regulation, at sa konsepto ng kapwa. Nakapaglathala na siya sa mga seryal tulad ng Luz y Saber at International Journal of Research Studies in Psychology.
MARIO R. STO. DOMINGO, PH.D. Kasalukuyang Research Scientist at Adjunct Faculty sa University of Maryland, Baltimore County (UMBC), United States of America, at Pangulong Tagapagtatag ng Lipunang Pangkasaysayan ng Morong (LIKAS Morong), Inc sa probinsya ng Rizal. Nagtapos siya ng kanyang B.S. Psychology at M.A. Psychology sa UP Diliman, Masters in International Relations sa International University of Japan (IUJ), at Ph.D. in Community Psychology and Applied Psychology sa UMBC. Naging exchange scholar din siya ng John Hopkins University, Washington D.C. kung saan sya nagpakadalubhasa sa usapin ng panlipunang pagbabago at pag-unlad. Kasapi rin siya ng Philippine-American Academy of Science and Engineering (PAASE) at kasaping panghabambuhay ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP).
JOSEPH L. TORRECAMPO. Kasalukuyang Katuwang na Propesor sa Department of Psychology ng University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City at Human Resource Consultant. Nagtapos siya ng B.S. Psychology at Masters in Technology Management (Educational/Instructional Technology) sa UP Diliman. Dati siyang Consultant sa Department of Education at ilang pribadong kompanya gaya ng Geodata Systems Technologies, Inc., Abi Drug and Medical Equipment Corporation, at Rai Rai Ken Foods Corporation. Interes niyang ituro ang kursong Sikolohiyang Pang-industriyal.