[DIWA E-Journal Tomo 7, Nobyembre 2019] Tala ukol sa mga Kontribyutor

Si KERBY CLADO ALVAREZ ay kasalukuyang Katuwang na Propesor sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman.  Nagtapos siya ng B.A. History, magna cum laude (2010) at M.A. History (2014) sa UP Diliman, at Doctorat en Histoire, Histoire de l’Art et Archéologie (HISTAR) sa Université de Namur (UNamur) sa Belgium. Ginawaran siya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng Young Historian’s Prize noong 2015. Pokus ng kanyang mga pananaliksik ang kasaysayang pangkapaligiran, kalamidad, agham, at kasaysayang pampook ng Malabon, at kulturang popular.

Kasalukuyang katuwang na propesor sa Pamantasang De La Salle, Maynila, si DARREN E. DUMAOP. Noong 2018, dumalo siya sa Summer School ng Society of Australiasian Social Psychologists sa Canberra, Australia kung saan nagkaroon siya ng malalimang pag-aaral sa rekonseptwalisasyon ng prejudice. Makailang ulit din siyang tumanggap ng katedrang akademiko para sa kanyang paglilingkod sa kasalukuyan niyang institusyon. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng kanyang disertasyon tungkol sa kinalaman ng relihiyon at prejudice sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pagpatnubay ni Dr. Diwa Quiñones ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Si JOSE RHOMMEL B. HERNANDEZ ay kasalukuyang Associate Professor at Graduate Program Coordinator sa Departamento ng Kasaysayan, Pamantasang De La Salle, Maynila. Nagtapos siya ng kanyang Masterado at Doktorado sa kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakapagturo siya sa iba’t ibang kolehiyo at Unibersidad kabilang na sa Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman at sa Departamento ng Pilosopiya sa Eclessiatical Faculties ng Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Nagsalin ng mga dokumentong pangkasaysayan mula sa Español tungong Filipino at nakapaglimbag na rin ng mga artikulo na tumatalakay sa kasaysayan at diskurso ng kaisipang Pilipino. Ilan sa mga artikulong ito ang Mula Anito Hanggang Kasaysayan ng Langit: Panimulang Pagbalangkas Tungo sa Bagong Kasaysayan ng Pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas, 3000 BK-1950 (Malay, 2018); Anituismo at Kristiyanismo (Saliksik, 2015); Manipulasyon o Pakikipagkapwa: Ugnayang Tao-Anito sa Sinaunang Pananampalatayang Pilipino (Malay, 2014); “The Philippines: Everything in Place” sa Regional Community Building in East Asia: Countries in Focus na inilimbag ng Routledge (2017).

Nagtapos ng kolehiyo si CHESTER HOWARD M. LEE sa Pamantasang De La Salle sa Maynila na may kursong Bachelor of Arts in Psychology at Bachelor of Secondary Education major in Guidance and Counseling.  Nagtapos din siya sa parehong institusyon ng Master of Science in Human Development Psychology.  Bago naging guro sa kolehiyo, naging guidance counselor siya sa isang hayskul ng isang taon.  Matapos nito’y napunta sa kolehiyo upang magturo. Kasalukuyang nagtuturo si Lee sa Pamantasang De La Salle at sa College of St. Benilde sa Maynila.  Tinuturo niya ang mga subjects tulad ng General Psychology, Developmental Psychology, Understanding the Self, at marami pang mga psychology subjects.  Nagtuturo din siya ng Sociology sa kolehiyo.  Bilang isang sikolohista, umiikot ang mga riserts ni Lee sa mga usaping Psychology of Religion, Spiritual Development, Human Attaction, Consumer Behavior, at Psychology of Learning.  Sentro ng sikolohiya ni Lee ang pagsasanib pwersa ng siyentipikong sikolohiya at mga aral ng Biblya sa pag-intindi ng pag-iisip ng tao.  Kanyang pinanghahawakan ang kaisipang malaki ang kinalaman ng espiritwalidad ng tao sa kanyang takbo ng isipan.

Si CARMELO L. MARTINEZ, SDB ay kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa Sikolohiya, major in Human Development sa Pamantasang De La Salle sa Maynila kung saan din siya nagtapos ng Masterado sa Social & Cultural Psychology. Natapos naman niya ang kanyang Masterado sa Religious Studies mula sa Don Bosco Center of Studies sa Paranaque City. Ang tuon ng kanyang mga pananaliksik ay tungkol sa mga kabataan, kabataang nasa panganib/youth at risk, positive youth development, at Sikolohiyang Pilipino/Kultural. Nagtuturo siya sa Don Bosco Technical Institute, Makati City at nagtatrabaho sa palimbagang Don Bosco Press, Inc.