[DIWA E-Journal Tomo 8, Nobyembre 2022] Talâ ukol sa mga Kontribyutor

Si KATHLYN T. CARAGAY ay nagtuturo ng kursong psychological measurement sa Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Bago maging full-time na miyembro ng fakulti, nagtrabaho siya bílang mananaliksik at konsultant sa iba’t ibang larang tulad ng edukasyon, kalusugan, at pagdidisenyo. Nagtapos siya ng Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya at Master sa Estadistika sa parehong unibersidad, at kasalukuyang gumagawa ng disertasyon para sa programang PhD sa Sikolohiya (Major: Personality and Individual Differences o PAID, Minor: Social Psychology). Bukod sa pagbuo ng panukat at pagsukat sa PAID, ang iba niyang interes sa pananaliksik ay environmental psychology, educational psychology, at pagkataong Pilipino.

Si ERWIN R. BUCJAN ay Ganap na Propesor sa Departamento ng mga Wika, Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng North Eastern Mindanao State University, Tandag Campus. Naging Tapagangulo siya ng nasabing departamento sa taong panuruang 2022- 2023. Miyembro siya ng National Research Council of the Philippines. Nakapaglathala siya ng mga pananaliksik sa nasyonal at internasyonal na publikasyon. Nagtapos siya ng Doktor ng Pilosopiya sa Filipino sa Mindanao State University, Iligan Institute of Technology, Iligan City noong 2017.

Si MARDIE E. BUCJAN ay nagtapos ng dalawang doktoradong digri na Doctor of Education in Educational Management (EdD) at Doctor of Philosophy in English major in Literature (PhD). Naging Dekana ng College in Business and Management noong 2017-2019, Dekana ng Gradwadong Paaralan noong 2019-2022, at naging Campus Director ng North Eastern Mindanao State University, Tandag Campus mula Disyembre 2022 hanggang Hunyo 2023. Sa kasalukuyan, siya ay Propesor 6 ng nasabing unibersidad at aktibong mananaliksik na naglalathala ng mga pag-aaral sa nasyonal at internasyonal na publikasyon. Bukod dito, isa siyang ina para sa dalawang anak, at isa ring kaibigan.

Si AXLE CHRISTIEN J. TUGANO ay kasalukuyang Instruktor 7 ng Kasaysayan sa Dibisyon ng Kasaysayan, Departamento ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Nagtapos siya ng Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan sa Polytechnic University of the Philippines, Manila (batch valedictorian, magna cum laude). Kasalukuyan niyang tinatapos ang Master sa Sining sa Araling Pilipino sa Asian Center, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakapaglimbag siya ng mga artikulong pananaliksik sa iba’t ibang lokal at internasyonal na journal, at ilang pag-aaral na inilathala ng ATAGAN Tayabas,ADHIKA ng Pilipinas at National Commission for Culture and the Arts, University of the Philippines Press, at PUP Center for Philippine Studies. Editor siya ng aklat na Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar (2019) at Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat (2023). Kasamang may-akda siya ng 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (2022). Noong 2021, natanggap niya ang karangalan bilang Mananaysay ng Taon 2021, Ikatlong Gantimpala na iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang kaniyang interes ay nakatuon sa lokal na kasaysayan ng Marikina, Filipino diaspora, identities, intercultural relations, Philippine Studies, at travel writing studies.