27 Marso 2021, 2:00-5:00 n.h.
Registration Fee: Php200 (Kasapi); Php300 (Di-Kasapi)
Registration Form:
Tagapagpadaloy: Prop. Hadji A. Balajadia (Pamantasang Ateneo de Davao)
Mga Batayang Kaisipan sa Pananaliksik at Paglalathala
Jay A. Yacat, MA (Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Tatalakayin ang kahalagahan ng pananaliksik at ang paglalathala nito sa mga akademiko at siyentipikong mga lathalain para sa larangan ng sikolohiyang Pilipino. Ipapakilala ang ilang mga pangkalahatang prinsipyo at kabuuang proseso ng paglalathala ng mga siyentipikong pananaliksik.
Pagsusulat sa Wikang Filipino
Jayson Petras, PhD (Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Lilinawin sa paglahahad ang kahalagahan ng pagsusulat sa wikang Filipino at itutuwid ang mga baluktot na pananaw ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa siyentipikong komunikasyon. Magbabahagi rin ng ilang mga payo at paalala sa mga nais magsulat at makapaglathala gamit ang sariling wika.
Paglalathala sa Diwa E-Journal
Homer Yabut, PhD (Pamantasang De La Salle)
Ipapakilala ang Diwa E-Journal bilang isa sa mga pangunahing dyornal na nagtataguyod ng mga saliksik sa Sikolohiyang Pilipino at ang paggamit ng wikang Filipino. Ilalahad ang mga pamantayan at proseso ng dyornal ukol sa paglalathala ng siyentipikong pananaliksik, maging ang mga pangkalahatang prinsipyo at paalala sa kung paano mapapahusay ang mga manuskritong isusumite sa Diwa E-Journal.
Tatalakayin ang kahalagahan ng pananaliksik at ang paglalathala nito sa mga akademiko at siyentipikong mga lathalain para sa larangan ng sikolohiyang Pilipino. Ipapakilala ang ilang mga pangkalahatang prinsipyo at kabuuang proseso ng paglalathala ng mga siyentipikong pananaliksik.
Maaari po kayong maghulog ng inyong bayad sa aming bank account gamit ang inyong mobile banking app (sa pamamagitan ng InstaPay o PESONet), mobile wallet (GCash, PayMaya, GrabPay, DiskarTech, atbp), o sa kahit saang branch ng Chinabank. Narito po ang detalye ng aming bank account:
Chinabank (Savings Account)
Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc. (Alternatibong Account Name: NASPI)
Account Number: 114202018446
Branch: Corinthian Hills, Quezon City
Makatatanggap ng sertipiko ang lahat ng dadalo.