Makibahagi sa ginhawang pagyayamanin sa Unang Pambansang Kumperensiya sa Ginhawa sa 1-3 Hulyo 2021 kasama ng ating mga Tagapagsalita:
- Violeta V. Bautista, Ph.D., R.Psy., Prof. Emeritus
- Divine Love Salvador, Ph.D., R. Psy.
- Rene S.L. Resurreccion, M.A.
- June Caridad Pagaduan-Lopez, M.D.
Bukas ang kumperensiya para sa lahat ng interesadong dumalo. Maaaring magpatala sa pamamagitan ng online registration form: .
Registration Fee:
- Php900 (Kasaping Panghabambuhay ng PSSP; Kasapi ng PSSP na bayad ng membership fee sa taong 2021)
- Php900 (Tagapaglahad ng Papel)
- Php1,200 (Di-Kasapi ng PSSP; Kasapi ng PSSP sa mga nakaraang taon pero HINDI bayad ng membership fee sa taong 2021)
- Php1,900 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2021; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)
Tungkol sa Kumperensiya
Sa loob ng isang taon, binago ng COVID-19 ang buhay at pamumuhay ng mga indibidwal, pamilya, komunidad, at lipunan sa buong mundo. Para sa ating mga Pilipino, patuloy ang hamon ng pakikibaka sa sakit na ito, pag-angkop sa mga hirap at suliraning dala nito, at paghahanap ng mga pagkakataong makaranas ng paglago sa gitna, at sa kabila, ng pandemya. Kailangan ang pagsasama-sama ng iba’t ibang kadalubhasaan at pananaw sa pagbubuo ng “better normal” o bagong pamumuhay sa paraang aktibo at nakikilahok.
Layunin ng kumperensiyang ito ang magbigay ng pagkakataon para sa pagbabahagi ng mga pananaliksik at karanasang pang-praktika na may kinalaman sa: (i) pag-unawa sa karanasan ng pandemya para sa mga Pilipino, (ii) mga modelo at pamamaraan ng pagpapaigting ng nakagiginhawang pag-angkop at paglago sa iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng sa sarili, pamilya, komunidad, at pinagtratrabahuhan, at (iii) mga batayang panuntunan sa pangangalaga at pagsulong ng ginhawa sa panahon ng pandemya.