By | 09/03/2019

Pagpapakilala sa Sikolohiyang Pilipino at Pagdiriwang ng Kulturang Pilipino

11 Oktubre 2019
Angeles University Foundation
Lungsod ng Angeles, Pampanga
Online Registration Form: bit.ly/SPPrimer2019

Tungkol sa seminar:

Pangunahing layunin ng seminar na ito na ipakilala sa mga mag-aaral na hindi pa nakakakuha o hindi makakakuha ng kurso sa Sikolohiyang Pilipino (SP) ang mga batayang konsepto sa at gamit ng SP. Sekondaryang layunin naman ang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na sama-samang itaguyod ang iba’t ibang aspeto ng kulturang Pilipino.

Bayad sa pagdalo:
*Miyembrong Organisasyon : Php500
*Organisasyong Tagapagmasid : Php550
*Di- Miyembrong Organisasyon : Php600

Kasama sa bayad ang seminar kit, tanghalian at katibayan ng paglahok.

*HINDI TATANGGAP NG ONSITE DELEGATE SA SEMINAR. ANG HULING ARAW NG PAGPAPATALA AY SA 4 OKTUBRE 2019.

*ANG SEMINAR FEE AY TRANSFERABLE NGUNIT HINDI REFUNDABLE.

Tungkol sa Tagapagsalita:

Si. Dr. Jose Antonio R. Clemente ay kasalukuyang Kawaksing Propesor sa Departamento ng Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman kung saan niya rin natapos ang kanyang MA at BA digri.  Nagtapos siya ng kanyang PhD sa University of Macau.  Siya ay kasaping panghabambuhay at kasalukuyang kasapi ng Lupon ng mga Kadiwa (Board of Trustees) ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.  Ang kanyang mga interes sa pananaliksik ay nakasentro sa sikolohiyang panlipunan ng hindi pagkakapantay-pantay at klase sa lipunan (social psychology of social inequality and social class), mga pagpapahalagang Pilipino at pakikipag-ugnayan sa lipunan (Filipino values and social interactions), at sa papel ng midya sa edukasyon at sa pagtigil ng stigma at diskriminasyon (role of media in education and in minimizing stigma and discrimination).

I-download: Paanyaya, CHED Endorsement, Tentatibong Programa

 

Leave a Reply