By | 10/22/2015

Ika-12 ng Setyembre 2015 nang idaos ng TATSULOK – Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino, Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at ng Lyceum of the Philippines University-Batangas Psychology Association ang SP Primer 2015 na may temang “I10TIDAD: Pagtuklas sa Maskara at Pagkatao ng mga Pilipino sa likod ng Makabagong Panahon” sa Freedom Hall ng Lyceum of The Philippines University, Batangas.  Ito ay dinaluhan ng humigit-kumulang 900 delegado mula sa 35 pamantasan.
12020003_1165681760112773_6852750129020942964_n

Ang kaganapan ay inumpishan ng panalangin at pag-awit ng lupang hinirang na pinamunuan ng chorale mula LPU-B. Ito ay sinundan ng pambungad na bati mula sa Vice President of Academics and Research ng LPU-B na si Dr. Esmenia R. Javier. Nagkaroon ng isang maikling introduksyon sa Sikolohiyang Pilipino na inilahad ni Prop. Miriam Grace Aquino-Malabanan, isang Kadiwa ng PSSP at tagapayo ng LPU-B Psychology Association.  Ito ay nagbigay ng panimulang kaalaman at interes sa mga mag-aaral na hindi pa pamilyar sa SP.

HomerAng pormal na unang talakayan ay pinangunahan ni Dr. Homer Yabut, Pangalawang Pangulo ng PSSP at Tagapayo ng TATSULOK. Ang talakayang isinagawa ay may layuning alamin ang kahalagahan ng identidad ng mga Pilipino at ang kanilang panlabas at panloob na katangian. Tinalakay ni Prop. Yabut ang apat na batayan ng pagpapakilala sa sarili tulad ng katangiang nagpapaiba sa bawat isa, panloob na katangian, grupong kinabibilangan, at ipinagmamalaking pinagmulan.

Sa ikalawang bahagi ng programa ay isang kahanga-hangang pagtatanghal ang isinagawa ng mga mananayaw ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.  Malinaw na naipakita at naibahagi ang kulturang maipagmamalaki ng mga Pilipino sa kanilang sayaw kaya naman lubos na nasiyahan ang mga manonood.  Sa pagpapatuloy ag programa ay nagsagawa ng isang debate tungkol sa paggamit ng social media bilang bahagihan ng nararamdaman. Ito ay sinalihan ng sampung mag-aaral mula sa mga organisasyong tagapagmasid ng TATSULOK.

DianneAng ikalawang talakayan ay pinangunahan ni Prop. Dianne Solis na may pamagat na “Sino daw ako? Ang mga Pilipino sa harap ng Social Media.” Ayon sa kanya ang social media ay naglalayong magkaroon ng pribadong pahina kung saan pwedeng magpahayag ng sarili. Kaakibat nito, tayong mga Pilipino ay naturingang adik sa internet dahil tayo ay may pagpapahalaga sa karelasyon, nakikipag-usap sa kaibigan, nakikibalita sa kamag-anak, at nagbabahagi ng tungkol sa sarili. Nabanggit sa kanyang diskusyon na ang social media ay sumasalamin sa ating pagkatao sapagkat ito ay nakaapekto sa sarili o isang grupo. Malakas ang loob ng iba na magpahayag  ng damdamin sa social media sapagkat hindi naman talaga makikilala rito nang personal.

Ang buong programa ay naging mas masaya at interaktibo dahil sa mga inihandang ice-breaker. Lalong naging mas maligaya ang mga akitibidad na inihanda sa tulong ng mga sponsor, ang Red Bull at Birkenstock.

Ang gawaing ito ay naging matagumpay sa tulong ng mga miyembro ng TATSULOK na kinabibilangan ng iba’t ibang komite. Sa pagtatapos ng programa ay ipinakilala ang mga nag-abala upang maging posible ang naturang pagtitipon ng mga mag-aaral ng sikolohiya. Ito ay pinangunahan ng Pangulo ng TATSULOK na si G. Mel Vinci D. Cruz ng Holy Angel University. Puno ng pasasalamat at di matatawarang ngiti ang inihandog ng mga bumubuo ng TATSULOK para sa mga mag-aaral at propesor na dumalo. –Marianne Elizabeth D. Silva at Kenneth Carlo L. Rives

171

150

12003331_1165679086779707_3375216155178513530_n

 

Para sa ibang mga larawan, bisitahin lamang ang Tatsulok Facebook page.

Leave a Reply