Inihandog ng TATSULOK – Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino at De La Salle Lipa Psychology Society ang PSYnergy 11 na may temang “Kapwa, Wer na u? Ang Paghahanap ng Konsepto ng Kapwa sa Makabagong Panahon” noong ika-3 at 4 ng Marso 2017 sa Lungsod ng Lipa, Batangas. Ang matagumpay na kumperensiya ay dinaluhan ng 704 delegado mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Kalakhang Maynila at Luzon.
Binuksan ni Prop. Darren E. Dumaop ng Pamantasang De La Salle ang kumperensiya sa pamamagitan ng pagtalakay sa kahulugan ng kapwa bilang isang value at sikolohikal na konsepto. Sinundan ito ng sesyon ni Bb. Mae “Juana Change” Paner na naglahad ng kaniyang mga personal na karanasan sa naging hamon ng pakikipagkapwa sa kaniyang identidad bilang isang social media activist.
Sa hapong sesyon, pinamahalaan ni Prop. Jay A. Yacat, Pangulo ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ang isang panel discussion na nagtumbok sa mga hamon at balakid sa pakikipagkapwa sa dalawang larangan sa sikolohiya: ang LGBT psychology at ang mental health work. Naging panelists sina Prop. Ricardo A. Clores ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas para sa LGBT psychology at Prop. Eric A. Amion ng Far Eastern University para sa mental health. Matingkad na naging paksa sa talakayan ang stigma na nararanasan ng mga indibidwal na may mga kalagayan o katayuang salungat sa nakakarami (hal., pagiging LGBT o pagkakaroon ng mental illness). Ang ganitong stigma ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang psychological well-being. Importante ang kapwa upang sugpuin ang prejudice, stigma at diskriminasyong ipinupukol sa mga indibidwal at grupong ito.
Matapos ang isang emosyunal na pagtatanghal ng Teatro Lasalyano tungkol sa karanansan ng mga kababaihan noong Martial Law, ipinaliwanag ni Bb. Susan V. Tagle ng Coalition Against the Marcos Burial in LNMB, kung paanong ang Martial Law ay panahon na kinakitaan ng kawalan ng pakikipagkapwa at hindi ang Golden Era na ipinapalagay ng iba.
Tinapos ang unang araw sa pamamagitan ng paggawad ng mga katibayan ng nagkilala sa mga natatanging tesis at papel-pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino na gawa ng mga di-gradwadong mag-aaral. Ginawaran ang sumusunod:
Natatanging Tesis
Unang Gantimpala:
Ang Konsepto ng Kaibigan ng mga Batang may Suliranin sa Batas nina Karla Kristine P. Bay, Jovie Ann A. Gabin, at Allana Joyce B. Sasotona ng Pamantasang De La Salle University
Ikalawang Gantimpala:
Paghain ng Kapatawaran: Pagsilip sa Kross-Kultural na Pag-aaral ng Transgresyon, Interpersonal na Motibo at Kultural na Pagpapahalaga ni Jasmin Masilang Sancha ng Lyceum of the Philippines University-Batangas
Katibayan ng Paglahok:
Magandang Buhay, Pagnanasang Sekswal, at Konsepto ng Duda sa Loob ng Isang Relasyon: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral ni Alea Shane V. Alcantara ng Lyceum of the Philippines University-Batangas
Pisikal na Ganda (Pre-school) nina Trisha Miche D. Marasigan at Allysha Ellaine M. Ponce ng ng Lyceum of the Philippines University-Batangas
Natatanging Papel-Pananaliksik
Unang Gantimpala:
Mga Karanasan ng mga Naging Batang Magulang sa Puerto Princesa City: Basehan Para sa Pagbuo ng Preventive Program Framework nina Christine Mae Arenio, Katrina Angela Martinez, Najwa Jane Licerio at Danilo Mercurio, Jr. ng Palawan State University
Ikalawang Gantimpala:
Sarili Sa Rehab: Isang Tematikong Pagsusuri sa mga Karanasan at Pananaw ng mga Adik sa Rehab nina Joseph Ian Franklin H. Aurellano, Gabriel Stephen Miguel O. De Leoz, Jose F. Magno, Paula Pamela DC. Tuaño ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Kwentong Kapangyarihan: Ang Pagtawag sa Pagiging Isang Albularyo nina Maryanne A. Abog, Micaela D. Cordero, Zoe Ysabel D. Padilla, at Nicole Keith T. Sacman ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Katibayan ng Paglahok:
Naglihi Si Mister: Pag-aaral sa Karanasan ng mga Kalalakihang Pilipinong Naglihi nina Sheena Laiza Olid, Alzara Omandam, Jerik Siason, Ecleah Sol Yadao, at Jackielyn Abela ng Palawan State University
Kaya Pa Ba?: Pagbubuo at Pagtatatag ng Reliability at Validity ng Iskala ng Pagkamatiisin nina Menorca Nyn Heruela, Stephanie Ann Lopez, Keanne Pauline Samar, at Darynne Ariana Solidum ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Pasalubong ko ha? : Paglalahad ng Totoong Kahulugan ng Pagbibigay ng Pasalubong at Pagsasalaysay ng mga Saloobin ng mga Nagbibigay ng Pasalubong nina Dennese Nicole S. Bucanegra, Elmar M. Caringal, at Mary Anne Therese D. Moreland ng Lyceum of the Philippines University-Batangas
Buhay Sa Likod ng Pagkalinga: The Lived Experiences of Family Caregiver of Mentally Challenged Individuals In Puerto Princesa City nina Marjorie Baclaan, Ric Henry Pagmanoja, Ma. Bea Pilar Palatino, at Antonette Villaruel ng Palawan State University
Mapapamura ka sa Tawad: Isang Pag-aaral sa Paghingi ng Tawad ng mga Mamimiling Pilipino sa Bilihin nina Stijn Dionsean L. Braga, Pablito Durano, Jr. at Jesstine Ronel S. Mendoza ng Lyceum of the Philippines University-Batangas
“May Kulang Nga Ba?” : The Lived Experiences of Childless Couples in Puerto Princesa City nina Kyle Dominic Acosta, Joshua Aaron Casila, Mia Maquitoque, at Mayrene Vidallo ng Palawan State University
Paano Nga Ba Nang Walang Ama?: The Lived Experiences of Fatherless Women nina Diana Rose Sangalang, Jemimah Joy Zabala, Christine Jencess Lutao, Cleun Paola Ballares, at Vienna Moanna Luisa Magbuhos ng Palawan State University
Equity and Liberty: Pag-aaral Tungkol sa Konsepto ng Kalayaan at Katarungan sa Pilipinas nina Israel Justine Data, Emilio Francesco Lucero, Chelsea Perez, at Joshua Quitalig ng De La Salle Araneta University
Sa ikalawang araw ng kumperensiya, tampok naman sa mga sabayang sesyon ang walumpu’t limang papel-pananaliksik at tesis ng mga mag-aaral sa sikolohiya. Ilan sa mga ito ay pinarangalan ng pagkilala bilang mga natatanging papel-pananaliksik at tesis sa Sikolohiyang Pilipino.