Mapagpalayang araw!
Ang Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino o TATSULOK-PSSP ay isang organisasyon ng mga mag-aaral ng Sikolohiya mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Pangunahin po sa mga isinusulong ng samahan ay ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sikolohiyang Pilipino (SP), isang sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino at sagayo’y tunay ding tumutugon sa mga pangangailangan at adhikain nito.
Sa darating na ika-3 hanggang 4 ng Marso, 2017 ay idaraos ng TATSULOK ang PSYNERGY na may temang “KAPWA WER NA U: Paghahanap sa Konsepto ng Kapwa sa Makabagong Panahon” sa De La Salle Lipa Sentrum, Lungsod ng Lipa, Batangas, mula 8 n.u. hanggang 4:00n.h. Isa po sa mga layunin ng gawain ay ipakilala ang Sikolohiyang Pilipino sa mga mag-aaral at palawakin ang kaalaman nila ukol dito.
Ang kumperensiya po ay isasagawa sa loob ng dalawang araw. Sa unang araw po ay magkakaroon ng iba’t ibang talakayan ang mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang unibersidad at pamantasan. Sa ikalawang araw naman po ay magkakaroon ng paglalahad ng higit-kumulang isang daang pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad at pamantasan. Matapos ang mga presentasyon ay magkakaroon ng fellowship ang mga delegadong mag-aaral.
Kaugnay po nito, gusto po naming imbitahan ang inyong unibersidad sa gawaing ito. Ang registration fee po ay P650.00, kaakibat na po ang souvenir kit, program, at certificate. Limitado lamang po ang maaaring dumalo sa kumperensiya kaya’t ang mga unang makakapagparehistro po ang mabibigyan ng slots. Sa pamamagitan po ng bangko ng Philippine National Bank ang magiging paraan ng pagbabayad. Ang account name ay National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. na may account number na 47-342-780001-2 at branch na UP Diliman Campus. Maari niyo pong ipadala ang kopya ng inyong deposit slip sa angtatsuloknewsletter@gmail.com kasama narin ang listahan ng pangalan ng inyong mga delegado.
Kung kayo po ay may karagdagang katanungan ay maaari kayong makipag-ugnayan sa 0905-4148536.