By | 03/11/2016

Plenaryo 1Tunay na naging masayang pagdiriwang ang PSYnergy 10 na idinaos noong ika-26 at ika-27 ng Pebrero 2016 na pinangunahan ng Tatsulok-Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino, De La Salle University-Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya at ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino. Mula sa mahiwagang kaganapan noong PSYnergy 9 sa Holy Angel University, Pampanga, ang masayang pagdiriwang ng PSYnergy 10 na may temang “Diwang Pinoy sa mga Pagdiriwang Pinoy” ay dinaluhan ng higit sa isang libong mga mag-aaral at guro mula sa iba’t ibang lugar at unibersidad sa Pilipinas.
Plenary 2 Edited

Sa unang araw ng kumperensiya ay nagkaroon ng mga plenaryong sesyon na tumalakay sa iba’t ibang konsepto ng Diwang Pilipino at ng ating mga natatanging Pagdiriwang. Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina Dr. Rozel Balmores-Paulino (Unibersidad ng Pilipinas Baguio) na tumalakay sa Sayang Pinoy at Filipino Humor, Dr. Manuel Victor J. Sapitula (Unibersidad ng Pilipinas Diliman) na nagsalita tungkol sa Sosyolohikal na Perspektibo ng mga Pagdiriwang Pinoy, Dr. Lars Raymund C. Ubaldo (Pamantasang De La Salle) na nagtampok ng Kasaysayan ng mga Pagdiriwang Pinoy at Prop. Diwa Malaya Quiñones (Unibersidad ng Pilipinas Diliman) na nagpaliwanag sa tunay na kahulugan ng pagiging Makabayan at Filipino Pride.

Sa ikalawang araw, isinagawa ang mga sabayang sesyon na nagtampok sa humigit-kumulang 100 na piling papel-pananaliksik at tesis ng mga di-gradwadong mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad. Sa araw ding ito ay naganap ang fellowship activity na kung saan kinatampukan ng mga delegado ang mga sayawan, tugtugan at mga palaro. Naging matagumpay at kasiya-siya ang ikasampung PSYnergy. Tunay na naging isang pagdiriwang ng Diwang Pilipino ang kumperensiya. Nawa’y magkita-kita muli tayo sa susunod na taon! –Jose Rafael Marquez at Kenneth Carlo Rives

DSC_6047

Sabayang Sesyon

Sabayang Sesyon 1

Culminating 1

Para sa ibang mga larawan, bisitahin lamang ang Tatsulok Facebook page.

Leave a Reply