SP bilang Mapagpabagong-Isip
24-26 Nobyembre 2022
Online
Inihahandog ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at Pamantasang Ateneo de Davao ang ika-46 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na may temang “SP bilang Mapagpabagong-Isip.” Itinatampok sa temang ito ang isa sa mga paninindigan ng Sikolohiyang Pilipino sa pagtatamo ng ‘isang tunay na malaya, mapagpalaya at mapagpabagong-isip na Sikolohiya’ (Enriquez, 1986).
Mga Layunin ng Kumperensiya
Sa pangkalahatan, nilalayon ng kumperensiya na:
1. matalakay ang mga karanasan, hamon, at paggigiit ng katotohanan sa iba’t ibang larangan (akademya, politika, kulturang popular, atbp.)
2. masuri ng kahulugan at kahalagahan ng SP bilang sikolohiyang ng pagbabagong-isip tungo sa pagtataguyod ng katotohanan sa kontekstong Pilipino;
3. magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
4. magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.
Inaanyayahan ang lahat ng may pananaliksik na kaugnay ng paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.
DEADLINE: 24 SETYEMBRE 2022 PINALAWIG NA DEDLAYN: 8 OKTUBRE 2022
Indibidwal na Paglalahad: https://tinyurl.com/pksp46papel
Panel o Symposium: https://tinyurl.com/pksp46panel
Para makapagpasumite ng symposium, kinakailangan ang sumusunod:
-Maikling paglalarawan sa lalamanin ng symposium (200-250 salita) na hinihingi sa unang seksiyon ng form-Abstrak ng 3-4 na papel na kalahok sa symposium (350-500 salita) na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Pangalan, kurso, at institusyon ng mga may-akda na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Uri ng proyektong ilalahad na pipiliin sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form-Mga hakbang para siguraduhing etikal ang pagsasagawa ng pananaliksik o programa na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form
-Iba pang impormasyon tungkol sa pananaliksik/proyekto na hindi nabanggit sa abstrak pero sa tingin ng (mga) may-akda ay makakatulong sa pagtatasa nito na hinihingi sa ikalawa hanggang ikalimang seksiyon ng form