Inaanyayahan ang mga iskolar, gradwadong at di-gradwadong mag-aaral, guro, mananaliksik, at propesyonal mula sa agham panlipunan, humanidades, kasaysayan, pilosopiya, at siyensya na magsumite ng kanilang kontribusyon sa ISIP.
Ang ISIP: Mga Kaisipan sa Sikolohiya, Kultura, at Lipunang Pilipino ang serye ng mga pinamatnugutang libro ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Sa pangkalahatan, layunin ng ISIP na magtampok ng mga pagtalakay sa mga makabuluhan at napapanahong konsepto, dalumat, kaisipan, at balangkas na ipinapalagay na makatuturan sa ating sikolohiya, kultura, at lipunan.
Maaring maitampok sa ISIP 2 ang sumusunod:
- Iba’t ibang relihiyon sa lipunan at kalinangang Pilipino sa paglipas ng panahon;
- Mga tradisyonal at modernong paniniwala (belief systems) ng mga Pilipino;
- Ekspresyong pangrelihiyon (religious expressions) na makikita sa ating wika, mga ritwal at mga debosyon;
- Halaga ng relihiyon sa ugnayang panlipunan sa iba’t ibang mga konteksto sa lipunang Pilipino; at
- Aplikasyon ng relihiyon sa ibang larangan tulad ng media, politika, edukasyon at iba pang mahahalagang larangan.
Iskedyul
Hulyo – Agosto 2018
Pagusumite ng Abstrak ng mga Kontriyutor
Oktubre 2018
Pagsusumite ng mga Papel
Oktubre 2018 – Enero 2019
Pagtatasa ng mga Referee
Marso 2019
Pagsumite ng mga Rebisadong Papel
Marso – Abril 2019
Pag-apruba ng Patnugutan
Pag-layout ng Libro
Mayo 2019
Paglulunsad ng Libro
Maaaring tingnan ang gabay para sa kontribyutor sa bit.ly/DiwaGabay.
Mangyaring ipadala ang inyong kontribusyon sa pssponline@gmail.com at homer.yabut@dlsu.edu.ph. Isumite ang extended abstract alinsunod mga layon ng pag-aaral, disenyo o metodo, resulta, at mga implikasyon o kontribusyon (teoretikal o praktikal) lalo na sa Sikolohiyang Pilipino.
Homer J. Yabut
Lars Raymund C. Ubaldo
Mga Patnugot