By | 06/28/2022

Petsa: 2-5 Agosto 2022 (1:00 n.h.-5:30 n.h.)
via Zoom

CPD Credit Units: 3 (RPsy & RPm)

Workshop Fee: Php 1,000.00 (Kasapi); Php 1,200.00 (Di-kasapi); Php2,000 (May kasamang PSSP membership para sa taong 2022)
Magpatala sa: bit.ly/Linangan2022

Nakatuon ang Linangan sa pagtalakay sa mga batayang kaalaman sa teorya, metodo, at pananaw sa Sikolohiyang Pilipino at ang aplikasyon nito sa katutubong pananaliksik. Sa pagtatapos ng workshop, inaasahan na ang mga kalahok ay may sapat na kahandaan, kaalaman at kasanayan upang maisagawa ang katutubong pananaliksik sa sikolohiya at kaugnay na disiplina.

Layunin ng workshop na:
o Ilahad ang konteksto at kalikasan ng katutubong pananaliksik sa sikolohiya;
o Linawin ang mga batayang prinsipyo sa pagdidisenyo at pagsasagawa ng katutubong pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino;
o Talakayin ang mga katutubong metodo sa pagkalap ng datos: pagtatanung-tanong; pakikipagkuwentuhan; at ginabayang talakayan;
o Talakayin ang mga piling metodo sa pagsusuri ng datos: thematic analysis; KJ analysis; discourse analysis;
o Ibahagi ang ilang usapin sa pagsasagawa ng katutubong pananaliksik sa danas ng mga batikang mananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino; at
o Ilahad ang mga plano at programa ng PSSP sa pagpapahusay ng pagsasagawa ng katutubong pananaliksik sa Sikolohiyang Pilipino.

Bukas ang Linangan para sa sumusunod:
o Mga gurong nagtuturo ng pananaliksik
o Interesadong mga kasapi ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at Psychological Association of the Philippines (PAP)
o Mga propesyonal at mag-aaral na interesado sa katutubong pananaliksik

PAGPAPATALA

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpatala online hanggang 29 Hulyo 2022 ngunit maaaring isara ang rehistrasyon bago dumating ang araw na ito kapag napuno na ang 150 slots.

Maaari po kayong maghulog ng inyong bayad sa aming bank account gamit ang inyong mobile banking app (sa pamamagitan ng InstaPay o PESONet), mobile wallet (GCash, PayMaya, GrabPay, DiskarTech, atbp), o sa kahit saang branch ng Chinabank. Narito po ang detalye ng aming bank account:

China Banking Corporation (Chinabank)
Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc. (Alternatibong Account Name para sa Online Fund Transfer/Bank Transfer: NASPI)
Account Number: 114202018446 (Savings Account)
Branch: Corinthian Hills, Quezon City

Lahat ng tseke ay DAPAT nakapangalan sa “National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc.” HINDI tatanggapin ang tseke na “NASPI” lamang ang nakasulat.

MAHALAGANG PAALALA: Ang workshop fee ay NONREFUNDABLE ngunit TRANSFERRABLE.

I-download: