Petsa: 27-28 Mayo 2016
Lugar na Pagdadausan: Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
Workshop Fee: Php 3,000.00 (Kasapi); Php 3,500.00 (Di-kasapi)
Liham-Paanyaya:
Online Registration Form:
Sa loob ng dalawang araw, papaksain ng workshop ang mga batayang kaisipan at usapin sa Sikolohiyang Pilipino. Kasama rin sa pagtalakay ang mga mahahalagang paksa na kailangang maisama sa anumang panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino. May pagtalakay rin sa mga metodong angkop para sa kurso.
Bukas ang mga workshop para sa mga sumusunod:
o Mga guro na nagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino o interesadong magturo ng Sikolohiyang Pilipino
o Interesadong mga kasapi ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) at Psychological Association of the Philippines
PAGPAPATALA
Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpatala online hanggang 20 Mayo 2016. Maaari ding magtanggap ng mga walk-in participant depende sa availability ng slots.
Maaaring bayaran ang workshop fee sa pamamagitan ng aming PNB UP Diliman Checking Account Number 473427800012 (Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc.). Maaari itong ihulog sa pinakamalapit na sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa inyong lugar.