Sa darating na sa 22-23 Mayo 2014, isasagawa po ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino sa pakikipagtulungan ng Department of Social Sciences, UPLB ang Linangan: Isang Seminar Workshop sa Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna.
Sa loob ng dalawang araw, papaksain ng kurso ang mga batayang kaisipan at usapin sa Sikolohiyang Pilipino. Kasama rin sa pagtalakay ang mga mahahalagang paksa na kailangang maisama sa anumang panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino. May pagtalakay rin sa mga metodong angkop para sa kurso. Ang workshop fees ay nagkakahalaga ng Php3,000.00 (kasapi) at Php3,500.00 (di-kasapi) bawat isang tao. Kasama sa halagang ito ang pagkain, workshop kit at katibayan ng paglahok.
I-download ang mga sumusunod: