By | 10/30/2021

CPD Units: Registered Psychologist & Registered Psychometrician (6 units); Registered Social Worker (10.5 units); Registered Guidance Counselor (8 units); Licensed Professional Teacher (5 units)

Taon-taon, nagtataguyod ng Pambansang Kumperensiya ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), isang panlipunan at propesyonal na organisasyong itinatag noong 1975 na may misyong palaganapin ang Sikolohiyang Pilipino (SP) sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang isang inter-disiplinaryo at maka-Pilipinong pananaw at pamamaraan. 

Katuwang ang UP Visayas Tacloban College-Division of Social Sciences (UPVTC-DSS), gaganapin online ang ika-45 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino na may temang “#TindogTayo: Pagbangon at Paninindigan para sa Sarili, Kapwa, at Bayan” sa 25-27 Nobyembre 2021

Layunin ng kumperensiya ang sumusunod: 1. talakayin ang mga karanasan ng pagbangon para sa sarili, kapwa, at bayan; 2. suriin ang kahulugan ng paninindigan sa karanasang Pilipino; 3. magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at 4. magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.

Ang bayad sa pagdalo ay ang sumusunod:

Tagapaglahad ng Papel/Paper Presenter
*Php900
*Php1,900 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2022; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)

Delegadong Propesyonal/Gradwadong Mag-aaral
*Php900 (Kasaping Panghabambuhay ng PSSP; Kasaping Propesyonal ng PSSP na bayad ng membership fee sa taong 2021)
*Php1,200 (Di-Kasapi ng PSSP; Kasaping Propesyonal ng PSSP sa mga nakaraang taon pero HINDI bayad ng membership fee sa taong 2021)
*Php1,900 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2022; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)

Delegadong Mag-aaral (Di-Gradwadong Mag-aaral na Hindi Maglalahad ng Papel)
*Php300 (Kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo; Kailangang magpadala ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment)
*Php500 (May kasamang membership sa PSSP sa taong 2022 para sa kasalukuyang mag-aaral sa kolehiyo; Kailangang magpadala ng proof of enrolment at kopya ng current student ID kasama ng proof of payment; Kailangang sagutan ang Online Membership Form: http://bit.ly/psspmembershipform)

Maaari magpadala ng inyong bayad sa aming China Banking Corporation (Chinabank) account gamit ang mobile banking app (sa pamamagitan ng InstaPay o PESONet), mobile wallet (GCash, PayMaya, GrabPay, DiskarTech, atbp), o sa kahit saang branch ng China Banking Corporation (Chinabank). Narito ang detalye ng aming account:

  • Account Name: National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc.
  • Alternatibong Account Name para sa Online Fund Transfer Lamang: NASPI
  • Account Number: 114202018446 (Savings Account)
  • Branch: China Banking Corporation (Chinabank) Corinthian Hills, Quezon City

Lahat ng tseke ay DAPAT nakapangalan sa “National Association for Sikolohiyang Pilipino Inc.” HINDI tatanggapin ang tseke na “NASPI” lamang ang nakasulat.  Ang bayad ay NON-REFUNDABLE ngunit TRANSFERABLE.

Lahat ng kalahok ay dapat magpatala sa online registration formtinyurl.com/pksp45pagpapatala.  Magiging opisyal lamang ang rehistrayon kapag natanggap na namin ang bayad at naipadala sa pssponline@gmail.com ang katunayan ng bayad.  

Major Sponsors

Sponsor