Kaisahan at Kaibahan sa Kaakuhan: Sikolohiya ng Identidad bilang Pilipino, Identidad ng Sikolohiyang Pilipino
19-21 Nobyembre 2015
Ateneo de Davao University
Lungsod Davao
Masalimuot na usapin ang identidad. Bilang mga Pilipino, sala-salabit at sapin-sapin ang dala-dala nating identitad: batay sa ating pananampalataya, wika, rehiyong pinagmulan, kasarian, kabuhayan o uring panlipunan. Sa ilang mga mahahalagang isyu, mahirap tiyakin kung aling identidad ang mananaig sa atin. Halimbawa, nagiging matingkad ang identidad natin bilang Kristiyano o Muslim sa ating paninindigan sa anumang usapin na may kinalaman sa kalagayan ng Mindanao, sa usapin man ng Bangsamoro Basic Law o sa pananaw natin sa insidenteng naganap sa Mamasapano. Identidad din ang ating tuntungan sa isyu ng patakaran ukol sa wikang panturo. Maging ang ating reaksyon sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer Laude ng isang Amerikanong sundalo ay nakukulayan ng lente ng ating kasarian, oryentasyong sekswal, lahi at/o pambansang identidad.
Kaya naman kasabay ng pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng PSSP, muling pagtutuunan ng Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino ang mga usaping may kinalaman sa identidad natin bilang Pilipino. Inilahad ni Dr. Virgilio G. Enriquez na isa ang identidad sa mga makabuluhang pokus para sa Sikolohiyang Pilipino. Bukod dito, nais ding pagnilayan ang nabuong identidad ng Sikolohiyang Pilipino bilang disiplina at kilusan sa nakalipas na 40 taon.
Mga Layunin ng Kumperensiya:
1.) Magsagawa ng inter-disiplinaryong talakayan ukol sa mga usaping may kinalaman sa sapin-sapin at sala-salabat na antas ng ating identidad (rehiyonal, etno-linggwistiko, pambansa, relihiyon at iba pa) lalo na sa konteksto ng ASEAN integration;
2.) Bigyan-pansin at suri ang katayuan ng Sikolohiyang Pilipino bilang maka-agham na disiplina at ang papel nito sa paghubog ng ating identidad bilang Pilipino;
3.) Magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
4.) Magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino.
Para magsumite ng papel, pumunta sa: bit.ly/pksp2015abstrak (EXTENDED DEADLINE: 31 Hulyo 2015)
Para naman magsumite ng symposium, pumunta sa: bit.ly/pksp2015symposium (EXTENDED DEADLINE: 31 Hulyo 2015)
Para magpatala sa kumperensiya, pumunta lamang sa: bit.ly/pksp2015. Narito po ang talaan ng conference fees:
Mga Tagapagsalita
I-download: Liham Paanyaya at CHED Endorsement; Tentatibong Programa; Listahan ng mga Hotel sa Lungsod Davao
*****
Katuwang ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at Ateneo de Davao University Departamento ng Sikolohiya sa pagtataguyod ng ika-40 Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino ang Step Up International Services, Inc. at Behavioral Dynamics, Inc.