{"id":833,"date":"2017-11-16T08:08:21","date_gmt":"2017-11-16T08:08:21","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=833"},"modified":"2018-10-04T10:39:04","modified_gmt":"2018-10-04T10:39:04","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-e-di-ikaw-na-ang-matalino-isang-pagsusuri-sa-penomenon-ng-smart-shaming-sa-mga-pilipinong-gumagamit-ng-facebook","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-e-di-ikaw-na-ang-matalino-isang-pagsusuri-sa-penomenon-ng-smart-shaming-sa-mga-pilipinong-gumagamit-ng-facebook\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] E, di Ikaw na ang Matalino!  Isang Pagsusuri sa Penomenon ng Smart-Shaming  sa mga Pilipinong Gumagamit ng Facebook"},"content":{"rendered":"<p><strong>Raphael D. Rodriguez<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Sikolohiya<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>smart-shaming<\/em> (SS) ay isang kilos na naobserbahan sa <em>social media<\/em> partikular na sa <em>Facebook<\/em>.\u00a0 Sa kasalukuyan, wala pang pag-aaral na naisasagawa tungkol dito at wala pa rin itong pormal na kahulugan.\u00a0 Nagsagawa ng dalawang pag-aaral upang maunawaan nang husto ang kilos na ito.\u00a0 Ang unang pag-aaral ay naglayong alamin ang depinisyon ng SS at magbigay ng desksripsyon ng kilos at ng mga taong sangkot dito sa pamamagitan ng pag-interbyu sa mga taong nakaranas nito.\u00a0 Gumamit naman ng <em>online<\/em> <em>survey <\/em>sa mga Pilipinong <em>Facebook user<\/em> ang ikalawang pag-aaral para suriin ang mga posibleng relasyon ng SS sa mga katutubong konsepto gaya ng <em>kapwa<\/em> at <em>hiya<\/em> pati na rin sa mga Kanluraning konsepto tulad ng <em>big five personality factors <\/em>at <em>social dominance orientation <\/em>(SDO).\u00a0 Nabuo mula sa resulta ng unang pag-aaral ang pormal na depinisyon ng SS at deskripsyon ng mga taong sangkot (<em>smart-shamer<\/em> at <em>smart-shamed<\/em>) at mga posibleng target ng kilos na ito.\u00a0 Napag-alaman ding may negatibong relasyon ang SS sa isang dimensyon ng <em>kapwa<\/em> (<em>egalitarian views<\/em>) pati na rin sa dimensyon ng pagkatao na <em>agreeableness<\/em> at <em>neuroticism<\/em>, habang positibo naman ang relasyon sa SDO.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>Smart-shaming<\/em> (SS) is an observed social media behavior, particularly on Facebook.\u00a0 There are currently no existing studies that try to understand SS and no formal definition has been offered yet.\u00a0 Two studies were conducted in order to gain an understanding of this behavior.\u00a0 The first study aims to develop a definition for SS and provide a description of the behavior and also the people involved in it by interviewing individuals that have experienced SS.\u00a0 For the second study, an online survey was done on Filipino Facebook users to investigate the possible relationship between SS and indigenous psychological concepts such as <em>kapwa<\/em> and <em>hiya<\/em> as well as Western concepts like <em>big five personality factors <\/em>and <em>social dominance orientation<\/em> (SDO).\u00a0 From the results of the study, a formal definition of SS was created as well as descriptions of the <em>smart-shamer<\/em> and the <em>smart-shamed<\/em> and also a list of possible targets of SS were presented.\u00a0 Negative relationships were found between SS and one of the dimensions of <em>kapwa<\/em> (<em>egalitarian views<\/em>) and also with the personality dimensions of <em>agreeableness<\/em> and <em>neuroticism<\/em>.\u00a0 On the other hand, a positive relationship was found between SS and SDO.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Sikat sa mga Pilipino ang paggamit ng internet at ng mga <em>social networking site<\/em> (SNS) dahil napapadali nito ang pag-uusap ng mga tao kahit na sila\u2019y nasa iba\u2019t ibang parte ng mundo.\u00a0 Ayon kina Beth Anderson at mga kasama (2012), isa sa mga pinakasikat na SNS sa mundo ang <em>Facebook<\/em> at ito, ayon naman sa www.wearesocial.com (2016), ang pinakaaktibong <em>social platform<\/em> sa Pilipinas.\u00a0 Sa buwan ng Enero 2016, umabot na sa 48 milyong Pilipino ang aktibong gumagamit ng <em>social media <\/em>(We Are Social 2016).\u00a0 Nakikita ng mga mananaliksik ang <em>Facebook<\/em> bilang isang lugar na mayaman sa datos na maaaring pag-aralan.\u00a0 Sinabi nina Robert Wilson at mga kasama (2012) na maaari itong makapagbigay ng pagkakataon upang suriin ang kilos ng mga tao sa natural na kapaligiran at iba pang dahilan; halimbawa, may mga kilos na maaaring maobserbahan lamang sa <em>online<\/em> na konteksto.\u00a0 Nabanggit din ng mga awtor ang tatlong punto tungkol sa importansya ng pag-aaral ng <em>Facebook<\/em>: una, makapagbibigay ang interaksyon ng mga <em>user<\/em> ng maraming impormasyong maaaring gamitin sa pananaliksik; pangalawa, maaaring makagawa ang mga interaksyon ng panibagong uri ng mga ugali at kilos na tanging sa mga SNS lamang makikita; at panghuli, may mga kaakibat na pakinabang at panganib na kailangang pagtuunan ng pansin ang mga SNS at ang mga interaksyong nagaganap dito (Wilson <em>et al.<\/em> 2012).<\/p>\n<p>Hindi na bago ang mga pananaliksik tungkol sa <em>Facebook<\/em>.\u00a0 May sapat na bilang ng mga pag-aaral sa mga nakalipas na taon, ngunit iba\u2019t iba ang paksang kanilang tinalakay (<em>e.g.<\/em>, Anderson <em>et al.<\/em> 2012; Wilson <em>et al.<\/em> 2012).\u00a0 Sa pagsusuri ng mga pag-aaral sa <em>Facebook<\/em>, mukhang nakatuon ang karamihan sa mga ito sa mga sumusunod na paksa: mapaglarawang pagtatasa sa mga <em>user<\/em> (Tufekci 2008; Quinn <em>et al.<\/em> 2011); mga motibasyon sa paggamit ng <em>Facebook<\/em> (Steinfield<em> et al.<\/em> 2008; Viswanath<em> et al.<\/em> 2009); pagpresenta ng pagkakakilanlan (<em>identity presentation<\/em>) (Gosling<em> et al.<\/em> 2007); ginagampanang papel ng <em>Facebook<\/em> sa mga interaksyon (Dholakia at Durham 2010; Bohnert at Ross 2010); at <em>privacy <\/em>at<em> information disclosure<\/em> (Gross at Acquisti 2005; Christofides<em> et al.<\/em> 2009).\u00a0 Ngunit sa kabila ng mga pag-aaral na ito, nabanggit nina Anderson at mga kasama (2012) na kailangan ding suriin ang mga posibleng negatibong epekto ng <em>Facebook<\/em>.\u00a0 Kung higit pang susuriin ang mga nabanggit na pag-aaral, marami sa mga ito ang tumatalakay sa paksang pangdeskripsyon.\u00a0 Upang lalo pang mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga taong gumagamit ng SNS at mga penomemong nangyayari rito, ginawang isa sa mga layunin ng pag-aaral na ito ang makadagdag sa kontribusyon ng mga naunang pananaliksik sa pamamagitan ng pagtuon sa mga negatibong konsepto tulad <em>peer pressure<\/em> at <em>cyberbullying<\/em> (Anderson <em>et al.<\/em> 2012).<\/p>\n<p>Sa kasalukuyang pag-aaral, susubukang sagutin ng mananaliksik ang ilang katanungang bumabalot sa isang naobserbahang kilos ng mga tao sa internet\u2014ang <em>smart-shaming<\/em> (SS).\u00a0 May ilang artikulong tumalakay rito at inilarawan ito bilang isang uri ng pagpapahiya sa mga taong matatalino.\u00a0 Hindi pa malinaw sa ngayon kung ito nga ba talaga ang ibig sabihin ng SS dahil wala pang naisasagawang pag-aaral tungkol dito.\u00a0 Susubukan ng kasalukuyang pag-aaral na tingnan ang perspektibo ng mga taong nakaranas ng penomenong ito upang makabuo ng matibay na pundasyon sa pagbuo ng naangkop na depinisyon para SS.\u00a0 Susuriin din ang mga kaugnay na konseptong posibleng makapagbigay-linaw sa kung ano nga ba ang mga salik sa pagsagawa ng SS.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONTRIBUSYON NG CYBERPSYCHOLOGY<\/strong><br \/>\n<strong>SA PAG-AARAL NG <em>SMART-SHAMING<\/em><\/strong><\/p>\n<p>May ilang naunang pag-aaral sa larangan ng <em>cyberpsychology<\/em> na maiuugnay sa pananaliksik ukol sa SS.\u00a0 Maiuugnay ang SS sa <em>cyberbullying<\/em>, <em>slut-shaming<\/em>, at iba pang anyo ng <em>online shaming<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Cyberbullying at Cyber-aggression<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>cyberbullying<\/em> ang isa sa mga pinakaunang konseptong naiuugnay kapag napag-uusapan ang SS.\u00a0 Isang uri ito ng <em>bullying<\/em> na nagaganap <em>online<\/em>.\u00a0 Binigyang-kahulugan ito ni Bill Belsey sa kanyang websayt na www.cyberbullying.ca bilang \u201cpaggamit ng impormasyon at mga teknolohiyang pangkomunikasyon tulad ng <em>e-mail<\/em>, <em>cell phone<\/em>, <em>text message<\/em>, <em>instant message<\/em>, mga mapanirang websayt, at iba pa upang suportahan ang sadyaan, paulit-ulit, at <em>hostile<\/em> na kilos ng isang indibidwal o grupo na maaaring makasama o makapanira sa ibang tao\u201d (Li 2007; Li 2008).\u00a0 Batay naman kina Lucie Corcoran at mga kasama (2015), ipinapahiwatig ng salitang <em>cyberbullying<\/em> na may mga <em>cyber-based<\/em> na katumbas ang tradisyunal na pambu-<em>bully<\/em>.\u00a0 Kabilang sa pamantayan upang masabing <em>cyberbullying<\/em> ang isang kilos <em>online<\/em> ang paulit-ulit na pagsagawa nito at ang intensyong makasakit ng ibang tao (Kraft 2006; Vandebosch at Van Cleemput 2008; Corcoran <em>et al.<\/em> 2015).<\/p>\n<p>Napakalawak ng saklaw ng mga pag-aaral tungkol sa <em>cyberbullying.<\/em>\u00a0 Karaniwang pinag-aaralan ang persepsyon at karanasan ng mga bata (Cybersafe 2015) at mas nakatatanda (Brack at Caltabiano 2014; Balakrishnan 2015; Lee 2017) ngunit ang pinakamadalas ay kabataan o mga estudyante (Bauman 2010; Kraft 2006; Li 2007; Vandebosch at Van Cleemput 2008; Li 2008; Cassidy<em> et al.<\/em> 2009; Witkus 2012; Barlett <em>et al.<\/em> 2014; Nilan<em> et al.<\/em> 2015; Nixon 2014).\u00a0 Ayon kina Justin Patchin at Sameer Hinduja (2006 sa Barlett <em>et al.<\/em> 2014), ang kabataan ang may pinakamataas na bilang ng gumagawa, nakasasaksi, at nakararanas ng <em>cyberbullying<\/em>.\u00a0 Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang paglaganap ng bagong teknolohiya na tinatangkilik ng kabataan, na bagama\u2019t may dalang mga benepisyo, nagiging daan din upang malapit sila sa panganib tulad ng <em>cyberbullying<\/em> (Cassidy <em>et al.<\/em> 2009).\u00a0 Naipakita naman sa isang ulat (Thorp 2004 sa Li 2007) na mas madami ng bahagya ang mga babaeng nagsasagawa ng <em>cyberbullying<\/em> kaysa sa mga lalaki.<\/p>\n<p>May ilang lokal na pag-aaral tungkol sa <em>cyberbullying<\/em> na isinagawa sa Pilipinas.\u00a0 Tumuon ang una sa mga bata (Cybersafe 2015) kung saan nagsagawa ng <em>survey<\/em> sa iba\u2019t ibang aspekto ng <em>cyberbullying<\/em> tulad ng sino ang mga gumagawa, biktima, at pamamaraan ng paggawa nito.\u00a0 Isa pang pag-aaral ang isinagawa ni Shella Witkus (2012) kung saan mga Pilipinong kabataan mula sa Visayas ang kanyang kalahok.\u00a0 Naipakita sa kanyang pag-aaral na mas maraming estudyante sa mga pribadong paaralan ang nagiging biktima ng <em>cyberbullying<\/em> kumpara sa mga nasa pampublikong paaralan.\u00a0 Taliwas ang resulta ng pag-aaral na ito sa resulta ng isang naunang pag-aaral (Thorp 2004 sa Li 2007) dahil nakita ritong halos pantay lamang ang bilang na babae at lalaki na nagsasagawa ng <em>cyberbullying<\/em>.\u00a0 Napag-alaman naman sa pananaliksik ni Elsie Lynn Baronia-Locson (2012) na kabataang gumagamit ng SNS, higit sa kalahati ang mga babae, ang may pinakamataas na bilang ng biktima ng <em>cyberbullying<\/em>.<\/p>\n<p>Ayon sa mga kalahok sa pag-aaral na isinagawa ni Dorothy Wunmi Grigg (2010), malawak ang sakop ng mga negatibong kilos na maaaring maranasan o makita sa internet at mga <em>mobile phone<\/em>; kaya para sa kanila at kay Grigg, masyadong mahigpit ang terminong <em>cyberbullying<\/em> pagdating sa inklusyon ng mga kilos at hindi masyadong malinaw pagdating sa deskripsyon ng mga ito.\u00a0 Kaya kanilang iminungkahing magkaroon ng ibang terminong mas angkop at mas malawak ang sakop para sa mga negatibong kilos na makikita sa internet.\u00a0 <em>Cyber-aggression<\/em> ang inilatag ni Grigg (2010) na mas angkop na gamitin para sa mga sinasabing kilos.\u00a0 Ayon sa kanya, ang <em>cyber-aggression<\/em> ay isang intensyonal na paninira o pag-atake, sa pamamagitan ng mga elektronikong pamamaraan, sa isang tao o grupo na maski anuman ang edad.\u00a0 Itinuturing na nakakasakit ng damdamin, nakakasira, at hindi kanais-nais ang paggawa nito.\u00a0 Inilalarawan ng <em>cyber-aggression<\/em> ang malawak na saklaw ng mga negatibong pagkilos na maaaring mangyari habang nasa internet ang isa tao.\u00a0 Napapabilang dito ang mga kilos na paulit-ulit o minsanan na may posibilidad na makasakit sa mga nakakatanggap nito (Grigg 2010).\u00a0 Ang paggamit ng <em>mobile phone<\/em> at internet upang makapam-<em>bully<\/em>, manggulo, mang-<em>stalk<\/em>, mang-abuso, pati na rin ang mga bayolenteng pagkilos tulad ng <em>happy slapping<\/em> o paglabas ng mga litrato o <em>video<\/em> ng biktima nang hindi nito nalalaman upang ipahiya ito; <em>outing <\/em>o pagsapubliko ng mga pribadong impormasyon ng biktima; at <em>flaming<\/em> o pagmumura, pambabastos o pamamahiya sa kausap; ang maaaring matawag na <em>cyber-aggression<\/em> (Grigg 2010; No Bulllying 2015).<\/p>\n<p><strong><em>Slut-shaming<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bago pa man nabigyan ng atensyon ang SS, mayroon nang ibang penomenong nagaganap hindi lang sa internet kundi pati na rin sa labas nito; isa itong kilos na batay rin sa pamamahiya sa isang taong gumagawa o nakagawa ng isang bagay na labag sa pamantayan ng lipunan\u2014ang <em>slut-shaming<\/em>.\u00a0 Tumutukoy ito, ayon kina Leanna Papp at mga kasama (2015), sa pag-atake sa pagkatao ng isang babae batay sa kanyang <em>sexual activity<\/em> na maaaring hinala lamang (<em>perceived<\/em>) o may katotohanan (<em>actual<\/em>).\u00a0 Naipakita ng mga pag-aaral na mababa ang tingin ng mga tao sa mga indibidwal na tinatawag na <em>slut<\/em> at higit pa rito, hindi rin nila gustong makihalubilo sa mga taong tulad nila (Kreager at Staff 2009 sa Papp <em>et al.<\/em> 2015).<\/p>\n<p>Maaaring maganap ang <em>slut-shaming<\/em> hindi lamang sa <em>social media<\/em> kundi pati na rin sa mga <em>classroom<\/em> at <em>workplace<\/em> (Bamberg 2004 sa Papp <em>et al.<\/em> 2015).\u00a0 Ipinapahiya ang mga <em>slut<\/em> ng ibang tao sa iba\u2019t ibang paraan tulad ng mga <em>face-to-face insult<\/em> o direktang pang-iinsulto, di-direktang komentaryo o mga parinig o pasaring, at pati mga komentaryo tungkol sa tao na matatagpuan <em>online<\/em> (Tanenbaum 2000 sa Papp <em>et al.<\/em> 2015).\u00a0 Isa sa mga pinakakaraniwang paraan ng pag-<em>slut-shame<\/em> ang sa pamamagitan ng <em>Facebook<\/em> na tinitingnang isang uri ng <em>cyberbullying <\/em>(Sourander 2010 sa Papp <em>et al.<\/em> 2015).<\/p>\n<p><strong><em>Online Shaming<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sinasabing laganap sa buong mundo ang epekto ng mga <em>online shaming website <\/em>(Saranow 2007 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010).\u00a0 Kadalasang mga <em>socially undesirable behavior<\/em> o mga kilos na hindi angkop sa pamantayan ng lipunan tulad ng di-ligtas na pagmamaneho at di-maayos na pagpapark ng sasakyan ang target ng mga <em>online shaming website<\/em>.\u00a0 Bunga nito, muling kumalat ang paggamit ng <em>shame<\/em> o pamamahiya bilang pangkontrol sa mga di-kanais-nais na mga kilos na ito.\u00a0 Kadalasang paraan ng paggawa ang pagkuha ng <em>video<\/em> ng gumagawa ng mga di-naaayong kilos at pag-<em>upload<\/em> nito sa kanilang websayt upang makita ng iba pang miyembro ng komunidad.\u00a0 Nag-ugat ang paglaganap ng ganitong klaseng <em>online shaming<\/em>, ayon kina Marko Skoric at mga kasama (2010), mula sa paniniwalang magagamit ang pagmamatyag o <em>surveillance<\/em> bilang pangkontrol sa mga kilos na di-kanais-nais.<\/p>\n<p>Ayon sa mga sikolohista, binibigyang-kahulugan ang <em>shame<\/em> bilang \u201cdi-malay, primitibo, at isang pisikal na tugon sa <em>rejection<\/em> at <em>social isolation<\/em>\u201d (Martens 2005 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010).\u00a0 Binigyang-kahulugan din ang <em>shaming<\/em> bilang proseso kung saan binibigyang-pansin sa publiko ang mga negatibong kilos at ugali ng isang tao (Kahan at Posner 1999 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010). Nagsisilbi itong parusa sa paggawa ng mga ito.\u00a0 Sa kontekstong Asyano, sinasabing isa sa mga dahilang nag-uudyok sa mga taong gawin ito ang sinasabing mga pagpapahalagang Asyano (<em>Asian values<\/em>) na malakas ang impluwensya sa mga saloobin at kilos ng mga tao lalo na sa mga bansang tulad ng Singapore kung saan isinagawa ang pag-aaral nina Skoric at mga kasama (2010).\u00a0 Idinidiin ng mga pagpapahalagang Asyano ang pagiging masunurin at pagsang-ayon sa kagustuhan ng nakararami.\u00a0 Sinasabi ring dapat humango sa mga pagpapahalagang ito ang bawat isang miyembro ng lipunan (Cleary 1991 at Martin at Nakayama 2004 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010).<\/p>\n<p>Natuklasan sa pag-aaral nina Skoric at mga kasama (2010) na mas binibigyang-pansin ng mga tao ang negatibong kilos na nagawa ng isang indibidwal kaysa sa pamamahiya sa nakagawa nito.\u00a0 Nalaman ding hindi kailangang ipahiya ang taong may sala ayon sa mga kalahok.\u00a0 Bukod pa rito, sinasabi ring isa sa mga pangunahing pakay ng mga <em>online shaming website<\/em> na ito ang mapabuti ang buhay ng nakararami sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga kilos o ugali na hindi dapat ginagawa.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGLITAW NG <em>SMART-SHAMING<\/em> SA INTERNET<\/strong><\/p>\n<p>Dahil sa mga nabanggit na negatibong epekto ng <em>Facebook<\/em> gaya ng <em>cyberbullying, slut-shaming<\/em> at <em>online shaming<\/em>, napukaw ang interes ng mananaliksik sa SS.\u00a0 Dahil kailan lamang ito nabigyan ng pansin, wala pa talagang pananaliksik na naisagawa tungkol dito.\u00a0 Wala pa ring pormal na depinisyon ang SS sa ngayon at ang basehan kung ano ang penomenong ito\u2019y ang mga artikulo, post, <em>tweet<\/em>, at iba pang bagay na makikita sa internet na bumabanggit at naglalarawan dito.<\/p>\n<p>Nagsagawa ng <em>web search<\/em> ang may-akda at sa <em>Twitter<\/em> ang pinakaunang beses na nabanggit ang SS.\u00a0 Nagpost ang <em>Twitter<\/em> <em>user<\/em> na si Ms. Magazine (2010) ng link sa kanyang <em>blog<\/em>.\u00a0 Sa <em>blog<\/em> na ito, may post ang awtor na si Kathleen Richter (2010) na may pamagat na \u201cMy Little Homophobic, Racist, Smart-Shaming Pony\u201d at kanyang inilarawan ang isang <em>cartoon<\/em> kung saan niyaya ng isa sa mga karakter ang kasamahan nitong gumawa ng ibang bagay at iwanan ang pagbabasa ng libro.\u00a0 Maliban sa nabanggit na paglalarawan na ito, wala nang ibang sinabi tungkol sa ano at paano mailalarawan ang SS.\u00a0 Sa <em>Twitter<\/em> uli ang sumunod na pagkakataong nabanggit ang termino.\u00a0 Sinabi ng <em>Twitter<\/em> <em>user<\/em> na si The Green Rat (2011) na hindi naiintindihan ng <em>boyfriend<\/em> ng kanyang <em>flatmate<\/em> ang isang matematikal na konsepto at sabay pag-insulto naman nito sa mga <em>mathematician<\/em>\u2014dito naglagay si The Green Rat ng <em>hashtag<\/em> na #smartshaming.\u00a0 Sa <em>Twitter<\/em> pa rin ang sumunod kung saan nagbanggit ang <em>Twitter<\/em> <em>user<\/em> na si Xobolaji (2012) tungkol sa SS sa link ng kanyang <em>blog<\/em>.\u00a0 Sa <em>blog<\/em> na ito, binigyang-kahulugan ang may-akdang si Brittany (2012) ang SS bilang \u201cisang kilos kung saan naipararamdam sa isang taong sila\u2019y napahiya at nakakasakit ng damdamin dahil sa kanilang angking talino o pakikisangkot sa kritikal na pagtatasa (<em>critical<\/em> <em>analysis<\/em>) ng isang ideya.\u201d\u00a0 Nabanggit din ng may-akda na nasasaktan siya sa tuwing may mga taong nagagalit o naiinis sa kanya dahil matalino siya at itinuturing din siyang elitista.<\/p>\n<p>Sa kaso ng Pilipinas, mayroon lamang ilang artikulo at <em>blog<\/em> na tumutukoy sa SS. \u00a0Ang una\u2019y post ni Julia Jasmine Madrazo-Sta. Romana (2015) kung saan inilarawan ang relasyon ng pagtanggap ng mga Pilipino sa kamangmangan at ang negatibong tingin sa matatalinong tao.\u00a0 Sinasabi rin sa artikulong kadalasang ipinapahiya ng mga Pilipino ang mga taong \u201csobrang talino.\u201d\u00a0 Ayon pa rin kay Madrazo-Sta. Romana (2015), tila ba itinuturing ng kulturang Pilipino na napakanegatibong aspekto ng isang tao ang pagiging matalino.\u00a0 Isang ibinigay na halimbawa sa artikulo ang sa konteksto ng pulitika kung saan ipinapakita ng mga kandidato sa eleksyon na hindi sila ganoong katalino upang makuha ang puso ng masa.\u00a0 Naihambing din ang matatalinong tao sa mga elitista dahilan sa kasaysayan ng pagiging kolonya ng Pilipinas kung kailan iilan lamang ang nakaroon ng pagkakataong makapag-aral.\u00a0 Sinasabi pa ni Madrazo-Sta. Romana (2015) na nananatili pa rin ang ganitong pagtingin magpasahanggang ngayon.\u00a0 Sumunod dito ang paglitaw ng isang <em>blog<\/em> ng pinamagatang \u201cSmart-Shaming\u201d kung saan binigyang-kahulugan ni Kim Edward Raymundo (2015) ang SS bilang \u201cpamamahiya sa tao dahil mas matalino sila sa iba.\u201d\u00a0 Kanya ring ipinuntong unti-unti itong lumalaganap sa ating lipunan at katulad ng sinabi ni Madrazo-Sta. Romana (2015), para kay Raymundo (2015), nakikita ring isang <em>negative trait<\/em> ang pagiging matalino.\u00a0 Ayon kay Raymundo (2015), kabilang sa mga halimbawang sinasabi ng mga tao ang \u201cE, di wow!,\u201d \u201cIkaw na!,\u201d at \u201cAko na ang di-marunong!\u201d\u00a0 Naihambing din ng awtor ang SS sa konsepto ng <em>crab mentality<\/em> kung saan pilit na ibinababa ng iba ang matatalinong tao upang hindi sila maging angat sa kanila.\u00a0 Pagkalipas ng ilang buwan, isa pang post ang lumabas (Sison 2015) na tumalakay sa SS kung saan ipinakita rin ng may-akda ang ilan sa mga sinasabi sa mga taong nagpapahayag ng mga pinag-isipan o pangmatalinong pangungusap (<em>e.g.,<\/em> \u201cSige na, matalino ka na\u201d at \u201cBobo na ako, sige na\u201d).\u00a0 Sinabi ni Shakira Sison (2015) na sumasama ang loob ng mga Pilipino sa matatalinong tao dahil nararamdaman nilang pinagmumukha silang walang alam habang ipinagyayabang naman nila ang kanilang kaalaman.\u00a0 Nakikita ng marami sa mga Pilipino ang paggamit ng wikang Ingles sa pananalita bilang sagisag ng pagiging angat sa iba at nasasanay sila sa paniniwalang ang paggamit nito, katulad ng kritikal na pag-iisip, ay para lamang sa mayayamang tao (Sison 2015).<\/p>\n<p>Mula sa mga nakalap na paunang impormasyon, deskripsyon, at paliwanag tungkol sa SS, binuo ng mananaliksik ang isang tentatibong depinisyon ng penomenong ito: <em>Ang smart-shaming ay pamamahiya at pananakit ng damdamin ng isang taong itinuturing na matalino at mga taong sangkot sa diskursong intelektwal<\/em>.\u00a0 Ito ang gagamiting basehan ng kasalukuyang pag-aaral at marapat itong aayusin at gagawan ng pormal na kahulugan pagkatapos ng pag-analisa ng mga datos.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>MGA NEGATIBONG KILOS AT UGALI<\/strong><br \/>\n<strong>SA MGA <em>SOCIAL NETWORKING SITE<\/em><\/strong><\/p>\n<p>May iba\u2019t ibang uri ng norm o pamantayan ngunit ang mga norm sa mga SNS ay mga <em>implicit<\/em> norm (Burnett at Bonnici 2003 sa Hooper at Kalidas 2012) o sa madaling salita, mga pamantayan itong hindi pormal na nasusulat o dokumentado ng komunidad.\u00a0 Dahil dito, natututunan ng mga indibidwal ang mga angkop na kilos o asal sa mga SNS sa pamamagitan ng pagmamasid at pagbibigay-kahulugan sa kanilang nakikita sa kanilang paligid.\u00a0 Sinasabing sa mga pagkakataong walang katiyakan o sobrang kumplikado at mahirap suriin ang mga pagpipiliang gawin, umaasa ang indibidwal sa mga senyales tulad ng mga kilos ng iba (Banerjee 1992 sa Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Tinatawag itong <em>informational cascade<\/em> at madalas itong nangyayari kapag hindi pinahahalagahan ang personal na impormasyon (Bikhchandi <em>et al.<\/em> 1992 at Bikhchandi <em>et al.<\/em> 1998 sa Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Mayroon ding laganap na paniniwalang <em>consensus implies correctness<\/em> o kapag sang-ayon ang karamihan sa isang ideya o kilos, nagmimistulang tama ito (Maheswaran at Chaiken 1991 sa Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Dahil sa mga ito, may mga pagkakataong nagiging tama ang maling gawain at nagiging mali ang tamang gawain dahil ang mayorya o karamihan ng tao sa paligid ang nagdidikta, direkta man o di-direkta, sa indibidwal kung ano ang angkop na kilos sa SNS.<\/p>\n<p>Natuklasan sa pag-aaral nina Val Hooper at Tarika Kalidas (2012) na mas malinaw para sa kanilang mga kalahok kung ano ang mga di-katanggap-tanggap na kilos (<em>unacceptable behavior<\/em>) <em>online<\/em> kaysa sa mga kasalungat nito (<em>acceptable behavior<\/em>).\u00a0 Inilista nina Hooper at Kalidas (2012) ang mga sinasabing katanggap-tanggap at di-katanggap-tanggap na gawain sa mga SNS.\u00a0 Binuod ito mula sa mga taong kanilang mga nakapanayam:<\/p>\n<p>Mga katanggap-tanggap na kilos (<em>acceptable behaviors<\/em>): Paggalang, pagrespeto sa kausap, hindi pagpost ng mga nakababastos sa <em>profile<\/em> ng iba, kakaunting laman ng personal na impormasyon sa sariling <em>profile<\/em>.<\/p>\n<p>Mga di-katanggap-tanggap na kilos (<em>unacceptable behaviors<\/em>): Masyadong personal na impormasyon, bastos na pananalita o pagmumura, nakahihiyang mga post, paglabag sa <em>privacy<\/em> ng iba, pag-<em>stalk<\/em>, pag-<em>request<\/em> ng <em>friendship<\/em> sa mga di-kakilala, at panggugulo sa ibang tao.<\/p>\n<p>Kung ihahambing ang mga di-katanggap-tanggap na kilos na ito at ang mga deskripsyon ng SS, tila ba may pagkakahawig ito sa ilang nabanggit tulad ng bastos na pananalita at panggugulo sa ibang tao.\u00a0 Kung gayon, may posibilidad na may relasyon ang SS sa mga kilos na ito.<\/p>\n<p>Mula kina Hooper at Kalidas (2012), kanilang sinabing nagpapakita ang kakayahang makipag-usap sa isang tao nang hindi nakikita ang kanilang istura o <em>facial expression<\/em> at ang kawalan ng kakayahang malaman ang kahihinatnan o epekto ng kanilang mga sinasabi ng posibilidad na masabi ng mga tao ang anuman ang gusto nila nang walang alinlangan.\u00a0 Hindi rin direkta ang mga kinahihinatnan o <em>consequence<\/em> ng mga kilos <em>online<\/em> at kadalasan, wala talaga kung sakali mang gawin ng mga tao ito (Foulger <em>et al.<\/em> 2009 sa Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Ilan ito sa mga maaaring dahilan kaya nakagagawa ng mga di-katanggap-tanggap na pagkilos ang mga miyembro ng SNS dahil sa ideyang mas malaya silang gawin ito at may posibilidad na maliit o wala itong kaakibat na parusa.\u00a0 Maaari ring maiugnay ang mga gawaing ito sa tinatawag na <em>online disinhibition effect<\/em>.<\/p>\n<p>Ayon kay John Suler (2004), tinatawag na <em>online disinhibition effect<\/em> ang paraan ng pananalita o pagkilos sa <em>cyberspace<\/em> na hindi kadalasang ginagawa sa pangkaraniwan o harap-harapang sitwasyon.\u00a0 Dahil dito, pakiramdam ng mga tao sa internet, hindi sila mapipigilan ng iba at mas malaya sila sa pagsabi ng kung anuman ang nasa isip nila.\u00a0 Ayon pa sa may-akda, napakalaganap ng penomenong ito.<\/p>\n<p>Maaaring mas maintindihan pa ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang taong nagbabago ng kilos at ugali habang nasa internet, ang bagong katauhang ito\u2019y sinasabing hiwalay sa tunay na pagkatao ng indibidwal at binabawasan ang pakiramdam ng <em>guilt<\/em> at iba pang kadalasang nararamdaman ng <em>in-person self<\/em> o ang tunay na pagkatao nito.\u00a0 Sa ilang pagkakataon, nakakakita tayo ng mga taong bastos magsalita, madalas magbigay ng nakasasakit na kritisismo, pagkagalit, at pagbabanta sa ibang tao.\u00a0 Tinatawag ito ni Suler (2004) na <em>toxic disinhibition<\/em>.\u00a0 Upang mas mapalalim ang pag-unawa sa penomenong ito, mahalagang mailarawan ang ilan sa mga aspekto nito:<\/p>\n<p><em>Dissociative anonymity<\/em>: Ito ang pagkakataong hindi naiuugay ang anumang ugali o kilos na mayroon ang isang tao <em>online<\/em> at sa kanilang buhay sa labas ng internet.<\/p>\n<p><em>Invisibility<\/em>: Dahil kadalasang di-nakikita o di-nakikilala ang mga taong nagpopost <em>online<\/em>, nagbibigay ito ng lakas ng loob sa kanilang gawin o sabihin ang mga bagay na hindi nila kadalasang ginagawa o sinasabi.\u00a0 Kahit na nakikilala ang mga indibidwal <em>online<\/em>, dahil wala ang kanilang pisikal na presensya, lalong lumalakas ang epekto ng penomenong ito.<\/p>\n<p><em>Asynchronicity<\/em>: Di-kadalasang <em>real-time<\/em> o di-nangyayari ora mismo ang mga pag-uusap <em>online<\/em> at dahil dito, mas nagkakaroon ng oras na pag-isipan ng mga tao ang kanilang sinasabi.\u00a0 Dahil din sa <em>delayed<\/em> na pag-uusap na ito, lalo ring napapalapit sa pagsagawa ng mga <em>toxic disinhibition<\/em> ang isang indibidwal.<\/p>\n<p><em>Minimization of status and authority<\/em>: Sa buhay, may mga taong mas nakakaangat sa iba, lalo na ang mga taong may kapangyarihan o nasa posisyon ng gobyerno o hirarkiya.\u00a0 Sa <em>cyberspace<\/em>, nababawasan ang impluwensya ng mga taong ito pati na rin ang lebel ng kanilang estado, dahil kapag nasa <em>online space<\/em> ang isang tao, pantay lamang ang relasyon nito sa ibang tao.\u00a0 Sa kadahilanang ito, mas maluwag sa kalooban ng ibang tao na ipahiwatig ang gusto nila at mas may lakas sila ng loob na magpakita ng di-kanais-nais na kilos (Suler 2004).<\/p>\n<p>Kung susuring mabuti, makikitang may ilang pagkakapareho sa katangian ang mga di-katanggap-tanggap na gawain sa SNS at ang mga deskripsyon ng SS (<em>e.g.<\/em>, bastos na pananalita at panggugulo sa ibang tao).\u00a0 Maaaring dahil sa <em>consensus<\/em> na nakikita ng mga miyembro ng SNS sa kilos ng iba pang miyembro, tulad ng pagpapahiya kapag nakakausap nila ang taong sinasabing matalino kung kaya\u2019t ginagaya o sinusunod nila ang mga ito dahil ito ang sa tingin nilang angkop na kilos.\u00a0 Maaari ring maging sanhi ang <em>online disinhibition effect<\/em> ng kilos ng mga miyembrong ito sapagkat nababawasan ang responsibilidad na kaakibat nito at maaaring tumatangkilik sila sa ideyang hindi repleksyon ng kanilang tunay na pagkatao ang kanilang mga kilos sa internet.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>MGA KONSEPTONG MAAARING MAY KINALAMAN<\/strong><br \/>\n<strong>SA <em>SMART-SHAMING<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Maraming konsepto ang maaaring may kinalaman sa SS.\u00a0 Para sa pag-aaral na ito, titingnan ang posibleng relasyon ng SS sa mga katutubong konsepto gaya ng <em>kapwa<\/em> at <em>hiya<\/em> at mga Kanluraning konsepto tulad ng <em>big five personality factors <\/em>at <em>social dominance orientation <\/em>(SDO).<\/p>\n<p><strong><em>Kapwa<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Iprinesenta ni Virgilio Enriquez (1978 sa Yacat 2013) ang <em>kapwa <\/em>bilang pangunahing konsepto ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em> (SP). \u00a0Pagkilala ang <em>kapwa<\/em> sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng <em>shared identity<\/em>\u2014kung saan nagiging bahagi ng sarili ang mga tao sa kanyang paligid. \u00a0Sa perspektibo ni Enriquez (1978 sa Yacat 2013), iisa lamang ang konsepto ng \u201cako\u201d at \u201ciba sa akin\u201d at ito ang nagsisilbing <em>kapwa<\/em>: <em>Hindi ako iba sa aking kapwa. \u00a0<\/em>Dagdag naman ni Maharaj Desai (2016), sa konsetpo ng <em>kapwa<\/em>, hindi ibig sabihing dapat magustuhan ng isang indibidwal ang lahat ng tao sa kanyang paligid, kundi magkaroon ng pananagutan sa isa\u2019t isa para sa kapakanan ng nakararami. \u00a0Inihambing din ni Desai (2016) ang <em>kapwa<\/em> sa isang <em>balangay<\/em>, kung saan nakatira ang mga tao sa isang bangka at sa loob nito\u2019y isang maliit na komunidad. \u00a0Kanilang pinapatili ang maayos na relasyon sa isa\u2019t isa upang maiwasan ang gulo at malayo sila sa kapahamakan (<em>e.g.<\/em>, paglubog ng bangka). \u00a0Nailalarawan nito ang konsepto <em>kapwa<\/em> dahil konektado sa isa\u2019t isa at kumikilos bilang isa ang bawat tao sa maliit na komunidad na ito.<\/p>\n<p>Ayon kina Liane Alampay at Maria Rosanne Jocson (2011) ang <em>kapwa<\/em> ang gumagabay sa mga ugali at kilos ng mga Pilipino, kung saan pinahahalagahan ang respeto sa ibang tao. \u00a0Bunga rin ito ng ideya kung saan katulad at kapantay natin ang ibang tao. \u00a0Ang pag-iisip na hiwalay o hindi kabilang sa kapwa ang isang indibidwal ay nangangahulugang isa siyang indibidwalista at walang kapwa-tao. \u00a0Itinuturing itong masama ng mga Pilipino.\u00a0 Dalawa ang kategorya ng <em>kapwa<\/em> ayon kay Enriquez (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000): <em>ibang tao<\/em> (IT) at <em>hindi ibang tao<\/em> (HIT). \u00a0Sa mga interaksyon ng mga Pilipino, maaaring mapabilang ang isang tao sa alinmang kategorya at matutukoy ang karampatang kategorya batay sa lebel o antas ng interaksyon nito sa iba. \u00a0Magkaiba ang interaksyon ng isa tao sa mga IT at HIT. \u00a0Halimbawa, ginagamit ang pakikitungo, pakikisalamuha, at pakikisama sa interaksyon sa mga IT habang pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot, at pakikiisa naman ang ginagamit para sa mga HIT.<\/p>\n<p>May dalawang konseptong kaugay ang <em>kapwa<\/em> batay sa ginawang <em>Panukat ng Kapwa <\/em>ni Jay Yacat (nasa imprenta): <em>egalitarianism<\/em> (EGA) at <em>smooth interpersonal relations<\/em> (SIR). \u00a0Ayon kay Shalom Schwartz (1994), ang EGA ang pagsantabi sa mga pansariling interes para sa pagtataguyod ng kapakanan ng nakararami. \u00a0Kabilang sa mga pagpapahalagang nakakabit sa konseptong ito ang pagkakapantay-pantay (<em>equality<\/em>), katarungang panlipunan (<em>social justice<\/em>), responsibilidad (<em>responsibility<\/em>), at katapatan (<em>honesty<\/em>). \u00a0Ang SIR naman ang sinasabing ugat ng pagiging kolektibista ng mga Pilipino. \u00a0Ayon kay Frank Lynch (1973 sa Alampay at Jocson 2011), ang SIR ang pagnanais ng pagkakaisa at pakikisama sa iba. \u00a0Kasabay nito ang pag-iwas sa mga di-pagkakaintindihan upang hindi masira ang mabuting relasyon ng indibidwal sa ibang tao.<\/p>\n<p>Dahil bahagi ng Asya ang Pilipinas, hindi maitatangging may bahid ng kolektibismo ang kultura ng mga mamamayan nito. \u00a0Ito, ayon kay Geert Hofstede (2011) ay isang dimensyon ng kultura kung saan napapabilang sa isang <em>in-group<\/em> ang mga taong bahagi ng kulturang ito mula kapanganakan hanggang sa pagtanda. \u00a0Ayon pa rin kay Hofstede (2011), nagbubunga ng pakiramdam ng kahihiyan ang pagsuway sa mga norm ng kulturang ito.<\/p>\n<p><strong><em>Hiya<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang kahulugan ng <em>hiya <\/em>para kay Lynch (1961 at 1973 sa Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000) ay \u201cang hindi magandang pakiramdam kapag nalaman ng isang tao na nasa posisyon siyang di-katanggap-tanggap o nakagawa ng ibagay na sumusuway sa mga norm ng lipunan\u201d at nararamdaman ito kapag napagtanto ng isang indibidwal na hindi naaayon sa dikta ng lipunan ang ikinilos niya. \u00a0Ayon naman kay Jaime Bulatao (1964 sa Church 1987), ang <em>hiya<\/em> ang pagkaranas ng kakulangan, pagkabalisa, at kawalan ng pagpapahalaga sa sarili. \u00a0Nakabatay ito sa grupo kung saan nabibilang ang isang indibidwal. \u00a0Mararamdaman ang <em>hiya<\/em> kung labag sa pamantayan ng <em>in-group<\/em> ang nagawang kilos. \u00a0Posibleng pagmulan ng <em>hiya<\/em> ang mga sitwasyong nagbubukas sa sarili na maging target ng panghuhusga at pangungutya mula sa ibang tao (Bulatao 1964 sa Clemente <em>et al.<\/em> 2017).<\/p>\n<p>Nabanggit sa papel ni A. Timothy Church (1987) ang isa sa mga sinabi ni Lee Sechrest (1969 sa Church 1987) na malakas ang <em>amor proprio<\/em> (o <em>personal dignity<\/em>) ng mga Pilipino at masyadong sensitibo pagdating sa kahihiyan. \u00a0Palaging isinasaalang-alang ang magiging bunga ng bawat kilos ng isang tao upang hindi ito maging labag sa pamantayan ng karamihan, kaya\u2019t isang epekto ng <em>hiya<\/em> ang pagpipigil (<em>inhibition<\/em>) tulad ng pangingimi, pag-aatubili o pag-aalinlangan sa pagkilos (Torres 1985 at Jocano 1997 sa Clemente<em> et al.<\/em> 2017).<\/p>\n<p>May tatlong anyo ng <em>hiya<\/em> na tinalakay sa papel nina Jose Antonio Clemente at mga kasama (2017). \u00a0Kanilang inilarawan ang <em>hiya<\/em> bilang isang damdamin, isang ugali, at isang pagpapahalaga. \u00a0Isang damdamin ang <em>hiya<\/em> o <em>shame<\/em> batay sa depinisyon ni Lynch (1961 at 1973 sa Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2000) gaya ng nabanggit nang isa itong negatibong emosyong nararamdaman kapag nalaman ng isang taong lumabag sa dinidiktang kanais-nais ng lipunan ang kanyang kilos o pananalita. \u00a0Ang <em>pagkamahiyain<\/em> naman ay isang ugali (<em>trait<\/em>), isang <em>pattern<\/em> ng pagkilos at pag-iisip na ipinapamalas ng isang inibidwal at madalang magbago-bago sa mga sitwasyon o panahong kinaroroonan ng indibidwal na ito (Nilsson 2014 sa Clemente<em> et al.<\/em> 2017). Panghuli, isang pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em> kung saan isa itong pamantayan, prinsipyo o paniniwala na nagsisilbing gabay sa pagkilos ng tao (Schwartz 2006 sa Clemente<em> et al.<\/em> 2017). \u00a0Binigyang-kahulugan din nina Clemente at mga kasama (2017) ang <em>hiya<\/em> bilang paniniwalang nararapat o mahalagang isaalang-alang ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao tungkol sa sarili bago ang anumang pagkilos, lalo na sa mga kontekstong may normatibo at moral na implikasyon.<\/p>\n<p>Bakit pinahahalagahan ng mga Pilipino ang konsepto ng <em>hiya<\/em>?\u00a0 Iginiit nina Clemente at mga kasama (2017) na isa sa mga pangunahing motibasyon nito ang kabutihang-asal\u2014ang pagkilos ng tama o naaayon sa panuntunan ng lipunan. \u00a0Kung gayon, pinagsisikapan ng isang taong may <em>hiya<\/em> ang kumilos nang naaayon sa inaasahan sa kanya ng ibang tao at ng lipunan, mula sa mga kapamilya at kaibigan hanggang sa mga awtoridad at taong makapangyarihan, dahil ito ang tamang gawin.<\/p>\n<p>Sa pagbuo nina Clemente at mga kasama (2017) ng <em>Panukat ng Hiya bilang Pagpapahalaga<\/em> (PHP), nakita nilang maaaring may dalawang mukha ang <em>hiya<\/em>: ang una ang <em>hiya<\/em> na nakatuon sa pagsasaalang-alang sa nararamdaman at iisipin ng mga itinuturing na HIT o mga taong malapit sa sarili tulad ng pamilya at mga kabigan. \u00a0Ang ikalawa naman ang <em>hiya<\/em> sa IT na nakatuon naman sa ano ang normatibo para sa lipunan, mga nakatataas sa isang tao, mga estranghero, at maging mga taong hindi lubusang kilala (Enriquez 1992 sa Clemente <em>et al.<\/em> 2017).<\/p>\n<p><strong><em>Big Five Personality Factors<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>big five personality factors<\/em> ang limang dimensyon ng pagkatao na nahahati sa: <em>neuroticism<\/em> (N), <em>extraversion<\/em> (E), <em>openness<\/em> <em>to<\/em> <em>experience<\/em> (O), <em>agreeableness<\/em> (A), at <em>conscientiousness<\/em> (C). \u00a0Batay sa komprehensibong artikulo nina Robert McCrae at Oliver John (1992), ipinapakita ang iba\u2019t ibang katangian at pag-uugali ng mga taong may mataas o mababang lebel ng bawat dimensyon ng <em>big five personality factors <\/em>o mga katangiang kadalasang kaugnay ng mga ito:<\/p>\n<p>Ang mga taong mababa ang E ay sinasabing tahimik (<em>quiet<\/em>), hindi palaimik (<em>reserved<\/em>), \u00adat mahiyain (<em>shy<\/em>), habang ang matataas ang E ang tipo ng taong dominante (<em>dominant<\/em>), masalita (<em>talkative<\/em>), mahilig makisalamuha sa iba (<em>sociable<\/em>), masigla (<em>energetic<\/em>), at mapagsapalaran (<em>venturesome<\/em>). \u00a0Sinasabi ring ang E (Ewen 1998 sa Popkins 1998) ang interes sa ibang tao at mga pangyayari sa paligid.<\/p>\n<p>Kapag dimensyong A naman ang pinag-uusapan, sinasabi nina Clemente at mga kasama (2017) na isang inklinasyon ang <em>agreeableness<\/em> tungo sa pagpapanatili ng positibong relasyon sa ibang tao.\u00a0 Ang mga indibidwal na mataas sa dimensyong ito\u2019y kadalasang mataas ang tiwala sa ibang tao (<em>trusting<\/em>); tapat at mapagkakatiwalaan (<em>straightforward<\/em>); may konsiderasyon sa iba; at matulungin (<em>altruistic<\/em>); masunurin, mahinahon, at hindi agresibo (<em>compliant<\/em>); at mapagkumbaba (<em>humble<\/em>).<\/p>\n<p>Ang C ang <em>trait <\/em>ng pagiging tapat at masipag. \u00a0Nangangahulugan ang pagkakaroon ng mataas na C na ang isang tao\u2019y masusi sa paggawa ng mga bagay (<em>thorough<\/em>), organisado (<em>well organized<\/em>), at nakatuon sa pagkamit ng mga mapapanagumpayan (<em>achievement-oriented<\/em>) (McCrae at John 1992).<\/p>\n<p>Ang paghahanap ng mga bagong karanasan (<em>seeking for new experiences<\/em>), pagpapalago ng kaalaman (<em>intellectual pursuit<\/em>), pagkamaharaya (<em>imaginativeness<\/em>), at pagkamalikhain (<em>creativeness<\/em>) ang ilan sa katangian ng mga taong may O. \u00a0Bukod pa rito, sinasabi rin ni Nathan Popkins (1998) na tumutukoy ang O sa kahandaan ng isang indibidwal na mag-<em>adjust<\/em> sa mga bagong ideya o sitwasyon.<\/p>\n<p>Inklinasyong makaramdam ng pagkabahala (<em>anxiety\/distress<\/em>) ang dimensyon ng N. \u00a0Inilarawan nina McCrae at John (1992) ang mga taong mababa ang N bilang kalmado (<em>calm<\/em>), pasensyoso (<em>even-tempered<\/em>), at panatag (<em>unflappable<\/em>). \u00a0Dagdag pa nila, hindi matatag ang emosyon (<em>emotional stability<\/em>) ng mga taong mataas ang N at madali silang maudyokan (<em>impulsive<\/em>) at mababa ang kanilang pagpapahalaga sa sarili (<em>low self-esteem<\/em>).<\/p>\n<p>Mula sa mga pag-aaral ng mga <em>personality factor<\/em> na ito (Einstein at Lanning 1998 at Abe 2004 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010), makikitang may positibong relasyon ang N at A sa posibilidad ng pagkaramdam ng <em>shame<\/em> o <em>hiya<\/em>, habang negatibo naman ang relasyon nito sa O at E. \u00a0Sa pag-aaral na isinagawa nina Samuel Gosling at mga kasama (2011), kanilang sinuri ang relasyon ng <em>big five personality factors <\/em>sa mga <em>Facebook-related behavior<\/em>. \u00a0Nakita nilang ang E ang may pinakamaraming relasyon sa mga kilos sa <em>Facebook<\/em> tulad ng pagpaparami ng mga kaibigang miyembro at pagkomentaryo sa mga <em>Facebook page<\/em>. \u00a0Pagdating naman sa A, ang mga taong kadalasang tumingin sa kanilang sariling <em>Facebook page<\/em> at maging sa mga <em>Facebook page<\/em> ng ibang miyembro ang may mataas na lebel nito. \u00a0Ang mga taong may mababang lebel ng C ay naglalaan ng mas malaking bahagi ng kanilang oras sa paggamit ng <em>Facebook<\/em>. \u00a0Samantalang ang mga taong may mataas na O naman ang sinasabing mas posibleng makilahok sa iba\u2019t ibang uri ng aktibidad sa <em>Facebook<\/em>.\u00a0 Panghuli, walang nakitang relasyon sa kahit anong <em>Facebook-related behavior<\/em> ang N.<\/p>\n<p>Nabanggit nina Constantinos Kokkinos at mga kasama (2016) na sa mga nakaraang pag-aaral ng <em>cyberbullying<\/em> sa <em>Facebook<\/em> ng estudyante, napag-alamang ang mga taong madalas na mang-<em>bully<\/em> ay may mababang lebel ng A, C, at O. \u00a0Magkasalungat ang mga nakalap na ebidensya tungkol sa relasyon ng E sa <em>cyberbullying<\/em>. \u00a0May mga mananaliksik na nabanggit sina Kokkinos at mga kasama (2016) na sumusuporta sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng E ng mga <em>cyberbully<\/em> (<em>e.g.<\/em>, Baldasare <em>et al.<\/em> 2012) habang may iba namang nagsasabing mababa ang E ng mga ito (Mishna<em> et al.<\/em> 2010). \u00a0Sa kabilang banda, sinasabi ng resulta ng pag-aaral nina Kokkinos at mga kasama (2016) na may negatibong relasyon ang A at <em>cyberbullying<\/em> sa <em>Facebook<\/em> sa parehong lalaki at babae, habang may negatibong relasyon din ang C dito ngunit nakita lamang ito sa kalalakihan. \u00a0Kabilang sa iba pang nabanggit ang relasyon ng O sa mga <em>prosocial online behavior<\/em> (Butt at Phillips 2008 sa Kokkinos <em>et al.<\/em> 2016) na ayon sa kanila\u2019y walang kinalaman sa <em>cyberbullying<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Social Dominance Orientation<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Batay sa <em>social dominance theory<\/em>, may mga aktitud (<em>attitude<\/em>) o saloobin ang mga indibidwal patungkol sa di-pagkakapantay-pantay ng mga grupo sa lipunan o ang tinatawag na SDO (Pratto <em>et al.<\/em> 1994; Ho <em>et al.<\/em> 2015). \u00a0Bukod pa rito, ayon din sa mga may-akda, malaki ang pakinabang sa pag-aaral ng SDO bilang isang kabuuang konsepto dahil nagbibigay ito ng daan upang mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa saloobin at ugali ng isang grupo at ang interaksyon nito sa iba pang grupo.<\/p>\n<p>Sa papel ni Allan Bernardo (2013), kanyang ipinakitang may mga nagsasabing may kaugnayan ang SDO sa <em>generalized prejudice<\/em> (Duckitt at Sibley 2007 at McFarland 2010 sa Bernardo 2013). \u00a0Bilang karagdagan, sinasabi ring nagbunga ang kasaysayan ng Pilipinas bilang kolonya ng ibang bansa ng hindi pantay na relasyon sa pagitan ng mga tao na nananatili magpahanggang sa ngayon.\u00a0 Nagsisilbi itong patunay na mayroong SDO ang mga Pilipino (Bernardo 2013). \u00a0Ang EGA ay paniniwalang dapat pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng tao at sinasabing may negatibong relasyon ito sa SDO (Pratto <em>et al.<\/em> 1994; Sidanius <em>et al.<\/em> 2000). \u00a0Nakitang may kaugnayan ang paniniwala sa EGA sa mababang lebel ng <em>prejudice<\/em> (Perkins 1992 at Monteith at Walters 1998 sa Bernardo 2013), habag may iba namang nagsasabing napapababa ng EGA ang lebel ng <em>prejudice<\/em> (Crandall at Eshleman 2003 sa Bernardo 2013).\u00a0 Inilarawan ng resulta ng pag-aaral ni Bernardo (2013) ang mga Pilipino na walang negatibong relasyon ang SDO at EGA, ngunit sinasabi ng ibang pag-aaral sa ibang bansa na magkasalungat ang dalawang ito.<\/p>\n<p>Bumuo sina Arnold Ho at mga kasama (2015) ng isang panukat ng SDO na tinatawag na <em>Social Dominance Orientation Scale 7 &#8211; Short Form<\/em> (SDO7s). \u00a0Mayroon itong dalawang dimensyong iprinesenta nina Ho at mga kasama (2012 sa Ho <em>et al.<\/em> 2015): <em>dominance subdimension <\/em>(SDO-D) at <em>egalitarianism subdimension<\/em> (SDO-E).\u00a0 Ang SDO-D ang paniniwala ng mga tao sa pagdodomina ng kanilang group sa hirarkiya at kanilang inaapi ang mga grupong nasa ibaba.\u00a0 Samantala, ang SDO-E naman ang pagtutol sa pagkakapantay-pantay ng mga grupo. \u00a0Sa malawakang pagsusuri nina Nour Kteily at mga kasama (2016) kung saan nagsagawa sila ng walong pag-aaral na isinaalangalang ang lahi (<em>race<\/em>), kasarian (<em>gender<\/em>), at uri (<em>class<\/em>), kanilang nakitang maraming taong naniniwalang dapat magkaroon hirarkiya sa lipunan. \u00a0Sa pagsusuri naman nina Kirsti Jylh\u00e4 at mga kasama (2016) sa SDO at epekto nito sa pagtanggi ng mga tao sa bansang Brazil at Sweden na mayroon <em>climate change<\/em>, nakitang ang kalalakihang may konserbatibong pulitikal na pananaw ang mataas ang posibilidad na itanggi ito kumpara sa kababaihang may kaparehong pananaw. \u00a0Sa parehong pag-aaral, ginamit ang SDO7s bilang pangunahin o isa sa kanilang instrumento at sinuri ang SDO sa kabuuan nito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAG-AARAL SA <em>SMART-SHAMING<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang mga limitasyong nakita sa mga pananaliksik sa <em>Facebook<\/em> na nabanggit sa pagsusuri nina Wilson at mga kasama (2012), ang pagkakaroon ng mga negatibong aspekto ng SNS na sinabi nina Anderson at mga kasama (2012), at ang unti-unting paglaganap ng SS sa mga SNS, ang mga nag-udyok sa mananaliksik na isagawa ng kasalukuyang pag-aaral.<\/p>\n<p>Gumamit ang pananaliksik ng disenyong <em>mixed methods <\/em>na may dalawang pag-aaral upang mas mapalalim pa ang pag-unawa sa konsepto ng SS.\u00a0 Nakatuon ang unang pag-aaral sa pagsagot sa mga tanong na \u201cAnu-ano ang mga pagkilos <em>online<\/em> na maaaring matawag na matalino?\u201d at \u201cAno ang s<em>mart<\/em>&#8211;<em>shaming<\/em>? sa pamamagitan ng panuklas na panayam (<em>exploratory interview<\/em>) ng mga <em>Facebook user<\/em> na naranasan nang ma-<em>smart-shame<\/em>. \u00a0Ito\u2019y upang makalikha ng pormal na depinisyon ng SS at upang makabuo rin ng deskripsyon nito, paglalarawan sa mga gumagawa nito, mga kadalasang target ng SS, at mga epekto sa mga nakaranas nito. \u00a0Sa ikalawang pag-aaral, nagsagawa ng isang <em>online survey<\/em> upang malaman ang relasyon ng mga konseptong tinalakay sa SS. \u00a0Ang teorya ng <em>kapwa<\/em> (Enriquez 1978 sa Yacat 2013), konsepto ng <em>hiya<\/em> (Enriquez 1992; Clemente <em>et al.<\/em> 2017), <em>big five personality factors, <\/em>SDO (Ho <em>et al.<\/em> 2015), pati na rin ang mga negatibong kilos sa SNS [<em>negative social media behaviors <\/em>(<em>NSMB<\/em>)] ang titingnan ang relasyon sa SS.\u00a0 Para sa ikalawang pag-aaral, susuriin ang mga posibleng relasyon ng SS sa mga konseptong ito.<\/p>\n<p>Nabanggit nina Alampay at Jocson (2011) na nagsisilbing gabay ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> sa pag-uugali at pagkilos ng mga Pilipino. \u00a0Dahil dito, kung naniniwala sa <em>kapwa<\/em> ang isang tao, pahahalagahan nito ang respeto sa iba. \u00a0Mukhang sa paggawa ng SS, hindi nabibigyang-halaga ang respeto sa iba dahil sa mga negatibong sinasabi ng mga tao sa matatalinong indibidwal.\u00a0 Sa mas ispesipikong aspekto, nakatuon ang EGA sa pagtataguyod ng kapakanan ng iba kaysa sa sariling interes.\u00a0 Taliwas naman ito sa nakikitang ideya sa SS kung saan posibleng mas may prayoridad sa mga taong gumagawa nito ang sariling interes (mahugot pababa ang mga itinuturing na elitista). \u00a0Sa kabilang dako, mukhang magkasalungat din ang SIR at SS dahil hindi binibigyang-atensyon ng mga taong gumagawa ng SS ang <em>pakikisama<\/em> sa iba at ang pagsasabi ng mga negatibong bagay sa iba\u2019y hindi nakakatulong sa mabuting relasyon sa pagitan nila at ng mga biktima ng SS. \u00a0Kaya naman may posibilidad na may kaugnayan ang EGA at SIR sa SS:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">H1: Magkakaroon ng relasyon sa SS ang <em>kapwa<\/em> at dalawang dimensyon nito (EGA\/SIR).<\/p>\n<p>Ang <em>hiya<\/em> ang nagiging gabay sa mga kilos ng isang tao upang sumang-ayon siya sa dikta ng lipunan ayon kina Clemente at mga kasama (2017) at ito ang isa sa mga pangunahing layunin ng <em>hiya<\/em>. \u00a0Ipinapakita nitong mas maingat sa pagsasagawa ng mga kilos ang mga taong sinasabing <em>may<\/em> <em>hiya<\/em>. \u00a0Sa madaling sabi, may mababang probabilidad na gumawa ng hindi kanais-nais o hindi nararapat ang mga <em>may hiya<\/em> (Clemente <em>et al.<\/em> 2017). \u00a0Maaaring ituring na isang kilos na labag sa pamantayan ng lipunan ang SS dahil ang paggawa nito\u2019y hindi kanais-nais gawin sa iba. \u00a0Batay rito, maaari ring may kaugnayan ang <em>hiya<\/em> at SS:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">H2: Magkakaroon ng relasyon sa SS ang <em>hiya<\/em> at ang dalawang dimensyon nito (HIT\/IT).<\/p>\n<p>Iminungkahi nina Skoric at mga kasama (2010) na importanteng malaman ang pagkatao ng mga taong nag-aambag sa mga <em>online shaming website<\/em> upang malaman kung sinu-sino ang may mataas na posibilidad na gumawa at sumali sa ganitong aktibidad. \u00a0Sinasabi pang mas maiintindihan natin ang <em>shame<\/em> kung susuriin ito gamit ang lente ng <em>big five personality factors<\/em> (Einstein at Lanning 1998 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010).<\/p>\n<p>Matapos ang pagpresenta sa mga depinisyon, katangian, at kaugnay na pag-aaral tungkol sa <em>big five personality factors<\/em>, napili ng mananaliksik na suriin ang kaugnayan ng E, A, at N sa SS at hindi naman isama ang C at O. \u00a0Kung ang mga kahulugan ang pagbabatayan, mukhang walang kinalaman ang C sa nasabing konsepto dahil nakapokus ang <em>trait<\/em> na ito sa pagiging masipag at pagiging organisado. \u00a0Hindi rin isasali ang O sa pag-aaral dahil mas tumatalakay ito sa <em>trait<\/em> ng taong naghahanap ng mga bagong karanasan at pagiging malikhain, na mukhang wala ring relasyon sa SS. \u00a0Sa kabilang banda, maaaring alamin kung may relasyon ang E at SS dahil kung titingnan, may posibilidad na ang mga taong may mataas na E ay mas maaaring magsabi ng kanilang naiisip lalo na sa mga SNS. \u00a0Maaari ring pag-aralan ang A dahil mukhang ang mga taong gumagawa ng SS, batay sa mga deskripsyon ng mga artikulo, ay may pagkaagresibo at maaaring hindi rin sila umiiwas sa mga di-pagkakasundo dahil mukhang sila mismo\u2019y parte nito. \u00a0Kaya naman maaaring magtulak sa isang taong isagawa ang SS ang pagkakaroon ng mababang lebel ng A. \u00a0Pagdating naman sa relasyon ng SS at N, mukhang gaya rin ng A at E, maaaring makita rin ito sa mga taong gumagawa nito dahil maaaring hindi <em>stable<\/em> ang kanilang mga emosyon. \u00a0Pwede ring makita ang pagiging <em>impulsive<\/em> at kaugnayan nito sa SS dahil may posibilidad na hindi nila makontrol ang kanilang <em>impluse<\/em> kaya sila nakakagawa ng SS:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">H3: Mayroong relasyon ang E, A, at N ng <em>big five personality factors<\/em> sa SS.<\/p>\n<p>Nabanggit nina Ho at mga kasama (2015) na bagama\u2019t may dalawang dimensyon ang SDO, mainam na pag-aralan muna ito bilang isang buong konsepto lalo na kung hahanapan ito ng relasyon sa iba pang konsepto. \u00a0Kanila ding binanggit na magbibigay-daan sa mga mananaliksik ang SDO7s na mas lalo pang maintindihan ang mga hirarkiya at mga saloobin ng mga indibidwal tungkol dito. \u00a0Kung susuriin, tumutukoy ang SDO sa saloobin ng mga taong naniniwala sa hirarkiya at ang SS nama\u2019y isang kilos upang mapababa ang lebel ng mga taong itinuturing na elitista\u2014mga tao nasa itaas ng hirarkiya. \u00a0Kung gustong ipahiya ng mga taong gumagawa ng SS ang matatalinong tao at iparamdam sa kanilang hindi sila angat sa kanila, ibig sabihin, may saloobin ang mga taong itong mayroon ngang di-pagkakapantay-pantay sa lipunan. \u00a0Kung gayon, may posibilidad na may kaugnayan sa paggawa ng SS ang SDO ng mga tao:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">H4: Magkakaroon ng relasyon sa SS ang SDO.<\/p>\n<p>Susubukin ding tingnan ang posibilidad ng pagkakaroon ng relasyon ng SS at mga di- katanggap-tanggap na kilos sa SNS na binanggit nina Hooper at Kalidas (2012) dahil sa nakitang pagkakatulad ng katangian ng dalawa. \u00a0Tatawagin sa pag-aaral na nitong NSMB ang mga ito:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">H5: Magkakaroon ng relasyon ang NSMB at SS.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>UNANG PAG-AARAL: PENOMENON NG <em>SMART-SHAMING<\/em><\/strong><br \/>\n<strong>AYON SA MGA NAKARANAS NITO<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Mga Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>May walong (8) taong boluntaryong lumahok sa panayam, may edad mula labingwalo (18) hanggang tatlumpu\u2019t apat (34).\u00a0 Gumamit ng <em>snowball sampling<\/em> upang makakalap ng mga posibleng kalahok sa pag-aaral, nang wala nang matukoy ang mga nakapanayam ng mananaliksik na posibleng iba pang maaaring maging kalahok, gumamit naman ng <em>purposive sampling<\/em> upang makahanap ng iba pa.\u00a0 Pawang mga Pilipinong gumagamit ng <em>Facebook<\/em> ang mga kalahok kung saan nagbahagi sila ng kanilang karanasan tungkol sa SS.\u00a0 Ang ilan sa kanila\u2019y mga taong direktang nakaranas nito habang ang iba nama\u2019y may karanasang di-direkta o pagkakasaksi sa pag-<em>smart-shame<\/em> ng ibang tao.\u00a0 Pinalitan ng mga alyas ang pangalan ng mga kalahok at ito ang mga pangalang ginamit sa kinasapitan ng pananaliksik: Aia, Luz, Dean, Lira, Sam, Mia, Brie, at Gels.<\/p>\n<p><strong><em>Mga Materyal<\/em><\/strong><\/p>\n<p><em>Online Semi-Structured Interview<\/em><\/p>\n<p>Nagbibigay ang <em>semi-structured<\/em> at <em>unstructured interviews<\/em> ng kalayaan sa mga kalahok na ibahagi ang kanilang karanasan (Mishler 1986 at Murray at Sixsmith 1998 sa Kazmer at Xie 2008).\u00a0 Nagpapahintulot ito sa mananaliksik na tuklasin ang mga kahulugan ng mga karanasang ito pati na rin ang mga ideyang nakalakip dito.\u00a0 Sa kadahilanang ang SS ay naobserbahan <em>online<\/em>, naisip ng mananaliksik na gawin ding <em>online<\/em> ang panayam.\u00a0 Dahil ito sa <em>contextual naturalness<\/em> kung saan maaaring gamitin ng kalahok ang wikang kanilang ginagamit sa pang-araw-araw (Mann at Stewart 2002 at Shuy 2002 sa Kazmer at Xie 2008).\u00a0 Iniulat din nina Thorsten Gruberat mga kasama (2008) na mas maginhawa at masaya sa mga <em>online<\/em> na panayam ang mga kapanayam at mas nagbibigay sila ng detalye sa kanilang mga sagot.<\/p>\n<p><em>Facebook Chat\/Messenger<\/em><\/p>\n<p>Ipinakita nina Stefan Stieger at Anja G\u00f6ritz (2006) na ang paggamit ng mga <em>Instant Messenger<\/em> (IMs) (kung saan may <em>Facebook Chat\/Messenger<\/em> ang <em>Facebook<\/em>) sa pakikipanayam ay mas madaling maisagawa dahil mas mababa ang maaaring magawang pagkakamali sa transkrip sapagkat ang <em>chat log<\/em> na mismo ang gagamitin bilang transkrip.\u00a0 Sinasabi ring mas naibabahagi ng mga kalahok ang kanilang saloobin sa isang <em>online environment<\/em> kumpara sa tradisyunal na panayam (Hanna <em>et al.<\/em> 2005 sa Gruber <em>et al.<\/em> 2008).\u00a0 Nababawasan ang mga sagabal na kaakibat ng tradisyunal na panayam tulad ng impluwensya ng tagapanayam, dami ng trabaho (pagkuha ng iskejul at pakikipagkita sa kalahok, pag-aayos ng lugar ng interbyu, pagsasalin ng transkrip, at iba pa), at gastusin sa pagsasagawa ng panayam sa isang <em>online environment<\/em> (Gruber <em>et al.<\/em> 2008).<\/p>\n<p><strong><em>Pagsasagawa ng Pananaliksik<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Matapos matukoy ang mga kalahok, ipinakilala ng mananaliksik ang kanyang sarili sa kanila.\u00a0 Ipinaalam sa kanila ang layunin, metodo, tungkulin ng mananaliksik at kalahok, saklaw ng mga katanungan, at abiso ng pagiging kompidensiyal ng kanilang personal impormasyon.\u00a0 Sinagot din ang kanilang katanungan bago mag-umpisa ang panayam.\u00a0 Humingi rin ng pahintulot sa kanilang paglahok ang mananaliksik sa pamamagitan na pagpapadala sa kanila ng kopyang PDF ng pahayag ng malay na pag-sang-ayon sa paglahok (<em>informed<\/em> <em>consent form<\/em>) at matapos nila itong basahin, kanilang ibinigay ang berbal na pagpayag.\u00a0 Inihanda ang unang katanungan upang mapalagay ang loob ng kalahok at upang magkaroon ng maayos na daloy na usapan.\u00a0 Idinaos ang buong panayam sa <em>Facebook Chat\/Messenger<\/em> at nagkaroon ng kalayaan ang mga kalahok na gamitin ang wikang nais nilang gamitin.\u00a0 May katanungang ibinigay na tungkol sa ugaling pangmatalino na nakikita <em>online<\/em> at sa SS.\u00a0 Matapos nito, kung sa tingin ng mananaliksik hindi malinaw ang sagot, may mga <em>follow-up<\/em> na pagtatanong sa kalahok upang magkaroon ito ng kalinawan.\u00a0 Sa lahat ng ito, binigyan ng mananaliksik ang mga kalahok ng sapat na panahon para sagutin ang lahat ng katanungan.\u00a0 Matapos sagutin ang lahat ng nakahandang tanong, dine-<em>brief<\/em> ang bawat kalahok at pinasalamatan sila sa kanilang oras.<\/p>\n<p>Nagsilbing transkrip ang <em>chat log<\/em> at sinuri ito gamit ang <em>thematic analysis<\/em>.\u00a0 May basbas mula sa mga kalahok na gamitin ang mga transkrip upang suriin ng mananaliksik.<\/p>\n<p>Ang mga sumusunod ang naging proseso ng pag-analisa ng nakalap na datos:<\/p>\n<ul>\n<li>Gumamit ng <em>thematic analysis<\/em> sa pagsusuri ng mga transkrip. Hango sa metodo nina Virginia Braun at Victoria Clarke (2006) kung saan <em>data driven<\/em> ang mga <em>code<\/em>, na ibig sabihin nito, walang basehang teorya ang mga <em>code<\/em>.\u00a0 Manggagaling mismo sa datos na nakalap mula sa mga transkrip ang mga <em>code<\/em> na mabubuo.<\/li>\n<\/ul>\n<ul>\n<li>Isang paunang mapang tematiko ang nabuo mula sa pagsusuri at pinagsama-sama at muling sinuri ang mga sipi ng bawat transkrip na napapaloob sa bawat tema.<\/li>\n<\/ul>\n<ul>\n<li>Pagkatapos, pinag-isa ang mga temang may pagkakapare-pareho at inalis ang ibang temang may hindi sapat o sobrang kaunting datos.<\/li>\n<\/ul>\n<ul>\n<li>Pinakahuli, bumuo ng panghuling mapang tematiko kung saan nakalatag ang mga temang nabuo matapos ang maiging pagsusuri ng mga <em>code<\/em> (tingnan ang Pigura 1).<\/li>\n<\/ul>\n<p><strong><em>Kinasapitan at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Nilalayong tuklasin ng unang pag-aaral kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng SS.\u00a0 Gamit ang mga panuklas na panayam at base sa pagkaunawa ng mga taong nakaranas ng direkta at di-direktang SS, binuo ang mga tema (tingnan ang Pigura 1).\u00a0 Nahahati sa tatlong seksyon ang resulta na nakatuon sa iba\u2019t ibang aspekto ng penomenon at sa bawat seksyon, may maikling diskusyon ng mga tema.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Pigura 1. Panghuling Mapang Tematiko<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-835 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.png\" alt=\"Rodriguez 1\" width=\"553\" height=\"214\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.png 553w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-300x116.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-100x38.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-150x58.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-200x77.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-450x174.png 450w\" sizes=\"(max-width: 553px) 100vw, 553px\" \/><\/a><\/p>\n<p><em>Seksyon 1: Ang Penomenon ng Smart-Shaming<\/em><\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema A: Ang Smart-Shaming<\/em><\/p>\n<p>Ibinubuod ng pangunahing temang ito ang kabuuan ng SS, ang mga sanhi ng pagkilos, pati na ang iba\u2019t ibang uri at paraan ng paggawa nito. \u00a0Maraming nakitang dahilan tulad ng \u201cmay masabi lang sa usapan\u201d pati na ang \u201cpakiramdam ng kayabangan.\u201d\u00a0 Inilalarawan din dito ang mismong kilos pati na ang mga posibleng maging biktima nito.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>1.1. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Paraan ng Pamamahiya o Shaming<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sentro ng SS ang pamamahiya sa mga taong nagpost ng pangmatalinong kontent o teksto sa <em>social media<\/em>. \u00a0Nakikita ang nagpost sa iba\u2019t ibang perspektibo, ngunit kadalasan, itinuturing siyang matalinong tao at nagiging biktima ng pamamahiya. \u00a0May dalawang paraan ng pagsagawa nito: direktang pamamahiya o di-direktang pamamahiya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>1.1.1. \u00a0 Direktang Pamamahiya<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ang pag-atake sa pagkatao ng nagpost ang pinakamaraming halimbawang nabanggit ng mga kalahok, kung ihahambing sa ibang mga uri.\u00a0 Ang pinakamadalas na halimbawa ang pamamahiya sa pagiging matalino ng isang tao. \u00a0Pinupuntirya rin ang sekswalidad pati na ang pisikal na mga katangian ng matalinong tao. \u00a0Ilan sa mga mababanggit ang mga halimbawa mula kina Aia at Luz:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">Naririnig \u2018yung mga pahayag <em>like<\/em>, \u201cIkaw na matalino!\u201d (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\"><em>Like<\/em> \u201cIkaw ang panget mo lang pero ang dami mo pa sinatsat tungkol sa blah blah blah&#8230;\u201d (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ang pangalawang uri naman ang pag-atake sa pinanggalingan.\u00a0 Pinapatamaan naman sa ganitong uri ang pinag-aralan, eskuwelahan, probinsya, at nasyonalidad ng isang tao. \u00a0Nagbigay si Luz ng pagkakataon kung kailan siya na nakakita ng ganitong pang-iinsulto:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">Basta isasangkot nila kung anong pinag-aralan mo <em>or<\/em> anong <em>school<\/em> or hanggang saan ang inabot mong <em>level of education<\/em> (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ang isa pang uri ay gumagamit ng di-magagandang salita upang atakihin ang laman ng post o komentaryo ng isang tao. \u00a0Sinusubukan nilang ipakitang mali ang sinasabi nito at kinukwestyon ang pagiging totoo nito sa pamamagitan ng pagpost ng mga salungat na komentaryo at pahayag. \u00a0Mula sa mga kalahok, ilan sa kanila ang naranasang atakihin ang laman ng kanilang post.\u00a0 Ikinuwento ni Sam na:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\"><em>&#8230;this very good classmate of mine\u2026 then will comment, if there\u2019s really a god, \u201cthen why are we experiencing this\u2026\u201d<\/em> at <em>\u201clol why god allowed this,\u201d \u201cgod doesn\u2019t exist,\u201d so on and so forth, <\/em>ang <em>sensitive<\/em> talaga ng<em> religious topics<\/em> (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>1.1.2. \u00a0 Di-Direktang Pagmamahiya<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Sa uring ito, di-tuwirang binabanggit ang taong nagpost kundi gumagamit ang mga <em>user<\/em> ng ibang paraan tulad ng mga patama at mga <em>memes<\/em> na di-direktang umaatake sa nagpost. \u00a0Nakaranas ng ganito si Mia:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">May <em>meme<\/em> pa pala, parang minsan <em>feeling<\/em> mo ang dami mong alam, nagiging mayabang ka na pala, etc. at &#8230;<em>or<\/em> magppost sha na parang patama or parinig (Mia, 27, Zambales).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>1.2.\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Dahilan sa Paggawa ng Smart-Shaming<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isang kakaibang dahilang nakalap ang \u201cmay masabi lang.\u201d \u00a0Mukhang ginagawa ito ng mga <em>smart-shamer<\/em> dahil wala na silang masabi ukol sa paksa at para may masabi pa rin sa usapan hinggil sa isang pangmatalinong post. \u00a0Nakikita rin ang SS bilang panghuling baraha (<em>last resort<\/em>) ng isang tao kapag wala na silang masagot pabalik sa kanilang kausap. \u00a0Isa sa mga pinakamadalas mabanggit na dahilan ang pagkaramdam ng pagmamayabang ng nagpost. \u00a0Sa tingin nila, ipinagyayabang lamang nito ang kanyang katalinuhan sa lahat. \u00a0Parehong may ideya sina Luz at Brie tungkol dito:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Pero minsan meron talaga yung mga <em>comments<\/em> na para me masabi lang at magmukha silang <em>updated<\/em> sa <em>issue<\/em>. \u00a0Yun yung mga napapa-<em>facepalm<\/em> na lang ako (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Pero may mga <em>instances<\/em> na kapag may isang tao na nag-<em>comment<\/em> o nagpost ng <em>something intellectual<\/em>, mayabang na agad ang dating sa mga Pilipino (Brie, 28, Cavite).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Malinaw na makikita sa resulta ng unang pag-aaral na sinasalamin ng mga ito ang mga paglalarawan na nabanggit sa literatura (Brittany 2012; Madrazo-Sta. Romana 2015; Raymundo 2015; Sison 2015). \u00a0Halos katulad din ang mga pahayag na natatanggap ng mga kalahok sa mga inilista ng mga awtor ng mga artikulo tungkol sa SS sa Pilipinas tulad ng pagsasabi ng \u201cIkaw na matalino!\u201d at ang pamamahiya sa tao dahil sa itinuturing silang matalino (Madrazo-Sta. Romana 2015; Raymundo 2015; Sison 2015). \u00a0May mga nakita ring ibang klaseng pamamaraan ng pamamahiya na hindi nabanggit sa mga pangunahing obserbasyon ng literatura.\u00a0 Nakita na hindi lamang limitado sa mga personal na atake ang SS kundi maaari ring masangkot ang pinanggalingan ng tao (<em>e.g.<\/em>, pinanggalingang eskuwelahan). \u00a0Mukhang alinsunod din sa deskripsyon ni Sison (2015) ang isa sa mga nabanggit na dahilan ng mga kalahok\u2014ang persepsyon ng kayabangan ng matatalinong tao. \u00a0Interesanteng pagtuunan ng pansin ang isang partikular na aspekto ng SS\u2014ang mga di-direktang pamamahiya. \u00a0Kung titingnan ang mga naunang pananaliksik sa <em>cyberbullying<\/em> at <em>cyber-aggression<\/em>, direkta ang karamihan sa deskripsyon ng mga ito tulad ng pagmumura, pang-aabuso, at pamamahiya sa publiko at dito may kaunting pagkakaiba ang SS dahil hindi lamang ito limitado sa direktang pamamaraan kundi mayroon ding di-direktang bersyon ito.<\/p>\n<p><em>Seksyon 2: Ang Biktima ng SS: Ang Smart-Shamed<\/em><\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema B: Ang Matalinong Kontent Online<\/em><\/p>\n<p>Nilalagom ng temang ito ang mga pananaw at pagkaunawa ng mga kalahok sa kung ano ang pag-uugali at pagkilos ng matatalino <em>online<\/em>. \u00a0Inilalarawan din dito ang mga katangian at uri ng mga post pati na ang mga pinaniniwalaang dahilan sa pagpost.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>2.1.\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Paksa ng Matalinong Kontent Online<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cPolitika\u201d ang madalas na mabanggit ng mga kalahok at malimit nilang mabasa ang mga post tungkol sa paksang ito sa <em>social media<\/em>. \u00a0Malawak din ang saklaw ng mga \u201ckasalukuyang pangyayari\u201d (<em>current events<\/em>) dahil iba\u2019t ibang paksa ang maaaring maisangkot dito basta\u2019t \u201c<em>trending<\/em>\u201d ito o usap-usapan ng nakararami. \u00a0Madami ring nakikitang opinyon tungkol sa mga isyu sa <em>social media<\/em> at naituturing din itong pangmatalinong paksa. \u00a0Nabanggit ni Aia na itinuturing niya ang mga taong nagpopost bilang matalino kung nagpopost sila tungkol sa mga paksang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;tulad ng mga <em>relevant<\/em> na <em>issue<\/em> sa ngayon, <em>political<\/em>, <em>philosophical<\/em>, <em>etc<\/em>. (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ayon naman kay Sam, higit na matalino ang mga taong nagpopost o nagkokomentaryo kapag:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">\u2026<em>most of the time<\/em>, <em>for me<\/em> ah, yung magpopost sila ng kanilang <em>opinion or thoughts on a present issue on FB<\/em> minsan <em>in English<\/em>\u2026 (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>2.2.\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Katangian ng Matalinong Kontent Online<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Importante para sa mga kalahok na pinag-isipang mabuti ang mga pinopost sa <em>social media<\/em> upang matawag itong pangmatalino.\u00a0 Binibigyan ng atensyon ng mga kalahok ang lohika sa likod ng mga post na ito. \u00a0Ang wikang ginamit ay mahalaga ring paalala sa mga kalahok na pangmatalino ito.\u00a0 Madalas nasa wikang Ingles ang mga nababasa nilang post at may mga pagkakataong gumagamit ang mga nagpost ng mga kumplikadong salita at tamang gramatika. \u00a0Ang huling katangiang nabanggit ang pagkakaroon ng konsiderasyon ng nagpost sa damdamin ng mga mambabasa.\u00a0 Layunin niyang hindi makasakit ng damdamin ng mga tao at makasira ng paniniwala ng iba.\u00a0 Para kay Luz, ang isang matalinong komentaryo ay:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>Intellectual<\/em>? \u00a0Para sa kin <em>intellectual<\/em> ang <em>comment<\/em> pag pinag-isipan siya mabuti, hindi siya nananagasa ng tao o paniniwala ng isang indibidwal (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kapag nakababasa ng post o komentaryo si Dean, sinusuri niya ito nang mabuti at tinitingnan ang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">\u2026<em>comment\/s<\/em> na may kasamang <em>facts or citations<\/em>. \u00a0<em>Plus<\/em>, <em>grammar<\/em>. \u00a0Haha (Dean, 32, Quezon City).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>2.3. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Uri ng Matalinong Kontent Online<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">May tatlong pangunahing uri ng matalinong kontent <em>online <\/em>na nabuo mula sa mga kasagutan, kung saan dalawa sa mga ito ang pinakamadaming beses na nabanggit: mga post ng opinyon at mga post na may patunay o <em>facts<\/em>.\u00a0 Karamihan sa mga post ay mga pagpapahayag ng opinyon o panig sa isang isyu.\u00a0 Apat sa walong kalahok ang nagpahayag na upang maituring na pangmatalino ang isang post, dapat mayroon itong kalakip na patunay sa kanyang sinabi. \u00a0Sabi ni Luz, ang mga opinyong ito ay mga post na ipinapakita ang mga positibong aspekto ng isang katwiran:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ahh, sa mga <em>columns usually about the issue<\/em>. \u00a0Yung mga <em>comments<\/em> na ipo-<em>point out<\/em> nila yung <em>strengths<\/em> ng <em>arguments<\/em>\u2026 (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Importante ang mga patunay o <em>facts<\/em> para kay Lira upang matawag na pangmatalino ang isang post:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Hm, Tunog <em>intellectual<\/em> kung wala kang tinatapakang tao <em>or<\/em> kahit ano mang bagay, may <em>integrity<\/em>, may <em>facts<\/em>, may <em>point<\/em> at higit sa lahat hindi <em>bias<\/em> (Lira, 23, Manila).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang nakikita ng mga kalahok na pangmatalinong kontent ay mga may paksang tungkol sa pulitika, kasalukuyang pangyayari, at mga opinyon tungkol sa mga isyung matunong sa <em>social media<\/em>. \u00a0Isa sa mga nakikitang dahilan ng mananaliksik kung bakit lumitaw ang paksang ito\u2019y dahil sa kasagsagan ng eleksyon, kung kailan isinagawa rin ang pagkalap ng datos para sa pag-aaral.\u00a0 Sa eleksyon, laging nakakabit ang pulitika, nagiging kasalukuyang pangyayari rin ito dahil sa pangangampanya ng mga kandidato, at higit sa lahat, nagiging sanhi rin ito ng paglabas ng mga isyu tungkol sa mga kandidato\u2014lahat ng ito, maaaring pagmulan ng diskusyon at pagbibigay ng opinyon ng mga tao. \u00a0Maliban sa eleksyon, ang mga <em>social issue<\/em> na kadalasang nagte-<em>trend<\/em> sa <em>social media<\/em> ay possible ring makapagsiklab ng mainit na diskusyon\u2014maaaring may mga taong sang-ayon at di-sang-ayon sa mga isyung ito. \u00a0Upang suportahan ang kanilang panig, nagpepresenta sila ng <em>facts.\u00a0 <\/em>Sinasalamin ang pagkakataong ito ng resulta na ang matalinong kontent <em>online <\/em>ay may kasamang suporta sa argumento ito.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang isang kontent <em>online <\/em>na pinag-isipang mabuti at nakasalin sa wikang Ingles ay madalas na itinuturing na pang-intelektwal na alinsunod naman sa paglalarawan ni Sison (2015) kung paano nakikita ng mga Pilipino ang ganitong klase ng kontent. \u00a0May positibo at negatibong katangian ang mga nagpopost ayon sa mga kalahok, halimbawa na lang ang pagiging bukas ang isip (<em>open minded<\/em>) o kaya nama\u2019y pagkakaroon ng kinikilingan (<em>biased<\/em>).<\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema C: Ang Taong Pinagmulan ng Matalinong Kontent Online<\/em><\/p>\n<p>Humingi ng paglalarawan ng mga taong pinanggagalingan ng mga pangmatalinong content <em>online <\/em>mula sa mga kalahok. \u00a0Mula sa kanilang tugon, nakitang may dalawang klase ng paglalarawan sa kanila\u2014maaaring positibo at maaari ring negatibong katangian.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>3.1. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Positibong Katangian<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang mga taong ito ay bukas sa mga kritisimo sa kanilang post.\u00a0 Hindi sila nagagalit sa mga taong may taliwas na opinyon. \u00a0Ayon din sa mga kalahok, kailangan ding matalas ang isip ng mga nagpopost upang matawag na matalino. \u00a0Inilarawan nina Luz at Gels ang isang indibidwal na matalino bilang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Isa syang taong may <em>sense of fairness<\/em>? \u00a0Hahahaha! \u00a0<em>Probably<\/em> hindi sya taong <em>judgmental<\/em> <em>or someone who jumps to conclusions <\/em>agad agad (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Hmmmmmm. \u00a0Siguro, <em>I should describe them as smart people<\/em> talaga? (Gels, 23, Rizal).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>3.2. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Negatibong Katangian<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Salungat sa positibong katangian, nakikita ng ibang sarado ang isip ng mga ito.\u00a0 May kinikilingan silang panig at madalas mamintas ng ibang tao. \u00a0Ilan sa mga poster at <em>commenter<\/em> ay itinuturing na sarado ang isip dahil hindi sila tumatanggap ng opinyon ng iba at hindi pinapakinggan ang mga salungat na ideya. \u00a0Napapansin din ang pagiging <em>biased<\/em> ng mga ito dahil kanilang pinipili ang mga gusto nilang marinig mula sa iba at minsan, sarili lamang ang pinaniniwalaan. \u00a0Naikuwento ni Aia na:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>Well<\/em>, sa mga <em>recently<\/em> po na nakita ko, <em>closed-minded<\/em> po sila at salig lang sa iisang <em>side <\/em>ng<em> issue<\/em>\u2026 at &#8230;\u2019yung hindi naman iko-<em>consider<\/em> ang sasabihin ng iba, ganyan (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>3.3. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Dahilan sa Pagpopost<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Iba\u2019t ibang dahilan ang nakuha ng mananaliksik mula sa datos ng panayam\u2014may mga positibo at mayroon ding negatibo. \u00a0Ang unang dahilan ay ang pagpapakitang-gilas ng mga <em>user<\/em> upang makuha ang atensyon ng iba. \u00a0Isa ring sanhi ng pagpopost sa wikang Ingles ay para ipakitang marami silang nalalaman. \u00a0Tulad ng nabanggit, isa ring nakikitang dahilan ang pagpapakita na matalino sila. \u00a0Isa ito sa mga salik na nag-uudyok sa mga <em>user<\/em> upang magpost at makipagdebate sa mga paksang may kinalaman sa pulitika at mga kasalukuyang pangyayari. \u00a0Naniniwala si Brie na nagpapakitang-gilas lamang ang mga nagpopost nito:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>Either show-off<\/em> ng <em>English vocabulary<\/em> nila o madami lang talaga sila naiisip sabihin. \u00a0<em>Most of the time, it\u2019s the former<\/em> (Brie, 28, Cavite).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">May mga tao, ayon sa pahayag ni Aia, na gumagamit ng opinyong iba upang may masabi sa isang usapan:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Kinuha lang para magmukhang matalino, ganun po siguro ang nangyari do\u2019n\u2026 <em>Exactly<\/em> po\u2026 \u00a0Para ayun magmukhang matalino (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Mahalagang tandaang batay ang mga dahilang ito sa pag-unawa ng mga taong nakabasa ng mga na post sa mga SNS na tingin nila\u2019y pangmatalino. \u00a0Sa mata ng mga kalahok, parehong may positibo at negatibong katangian ang mga <em>source<\/em> o ang mga pinagmumulan ng matalinong kontent <em>online<\/em>. \u00a0Para sa kanila, ang mga taong ito\u2019y maaaring bukas ang isip, ngunit sa kabilang banda, may ibang nakikita sila bilang mga taong walang pakialam sa damdamin ng iba.\u00a0 Nakikita namang dahilan ng pagpopost ng mga taong ito ang pagmamayabang ng kanilang talino. \u00a0Kung titingnan pa ng mas maigi, nangingibabaw ang mga dahilang nabanggit tungkol sa pagpopost ng kontent <em>online<\/em> dahil batay sa persepsyon ng mga kalahok\u2014nagyayabang ang mga <em>source<\/em> ng kontent <em>online<\/em> dahil matalino sila. \u00a0Sumasang-ayon ang resultang ito sa deskripsyon ni Sison (2015) kung saan nararamdaman ng mga Pilipinong itinataas ng matatalinong taong ang kanilang sarili, habang ipinaparamdam ang kamangmangan ng iba.<\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema D: Mga Epekto sa mga Taong Na-Smart-Shame<\/em><\/p>\n<p>Binubuo ang temang ito ng mga epekto sa mga kalahok matapos nilang maranasan ang direkta o di-direktang SS. <em>\u00a0<\/em>Isiniwalat nilang nakaranas sila ng ilang egatibong epekto sa kanilang damdamin pati na rin mga pagbabago sa kanilang pagkilos sa SNS.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>4.1.\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Negatibong Damdamin<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Matapos nilang maranasang mapahiya o makita ang ibang tao na mapahiya dahil sa pagsasabi ng kanilang opinyon na tinuring na intelektwal, ipinarating ng mga kalahok na nakaramdam sila ng pagkabigo o <em>frustration<\/em> sa pangyayari pati na rin sa mga taong namahiya. \u00a0Kung ang iba\u2019y pagkabigo ang naramdaman, ang iba nama\u2019y nakadama ng kalungkutan\u2014dahil ito sa hindi magagandang salitang ibinabato sa kanila. \u00a0Matapos na maranasan nina Mia at Luz ang pamamahiya, ito ang kanilang naradaman:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Nakaka-<em>frustrate<\/em>\u2026 para kasing <em>people<\/em> <em>have to apologize for being intellectual<\/em> (Mia, 27, Zambales).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>It felt weird to be told that. \u00a0And<\/em> medyo nakaka-<em>badtrip<\/em>, <em>like you try to make a meaningful conversation<\/em> tapos sasabihan ka ng ganon. \u00a0Medyo sad (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>4.2. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Pagbabago sa Kilos<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Matapos ma-<em>smart-shame<\/em>, halos lahat ng mga kalahok ay naging mas maingat na sa kanilang mga ginagawa at sa kanilang mga pinopost\u2014ito ay upang maiwasang muling maging biktima ng mga namamahiya. \u00a0Ang iba nama\u2019y patuloy pa ring nagpopost at nagkokomentaryo ng kanilang opinyon ngunit mayroon nang kaakibat na pag-iingat sa pananalita, habang ang iba nama\u2019y pinili na lang na manahimik at huwag pansinin ang mga taong gustong mamahiya. \u00a0Binanggit nina Sam, Aia, at Luz ang ilan sa mga pagbabagong ito:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>\u2026real life, nothing, in the net, it made me to be very careful<\/em>\u2026 (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Parang ngayon <em>there is a need to tone down<\/em> yung mga <em>opinions or questions so as not to offend others<\/em> na hindi ka maintindihan (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;hindi na po ako nakikisali sa usapan kahit gusto ko sana (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Matapos ang pagsusuri sa mga salaysay ng mga kalahok, mukhang hindi lamang limitado sa emosyonal na aspekto ang epekto ng pagkaranas ng SS kundi pati na rin sa pagkilos nila sa SNS. \u00a0Ang kabiguan at kalungkutan ang kadalasang nararamdaman ng mga taong na-<em>smart-shame<\/em> at nababago rin ang kanilang pagkilos dahil sinusubukan na nilang iwasang maranasan ito muli.\u00a0 Alinsunod naman ang mga epektong ito sa mga nabanggit ng mga may-akda tulad ng paglalarawan ni Brittany (2012) na nakakasakit nga ng damdamin ang SS. \u00a0Ayon kay Madrazo-Sta. Romana (2015), dahil mas tanggap na ang kamangmangan ng kulturang Pilipino, nagiging negatibo na ang tingin ng lipunan sa matatalinong tao. \u00a0Dahil din dito, mukhang isinasagawa ang pamamahiya bilang pag-udyok sa mga taong ito na maging tulad ng nakararami at baguhin ang kanilang kilos\u2014alinsunod ito sa resulta ng pananaliksik nina Skoric at mga kasama (2010) kung saan nagsisilbing pangkontrol ang SS sa mga kilos na hindi angkop sa pamantayan ng lipunan.<\/p>\n<p><em>Seksyon 3: Ang Taong Nagsasagawa ng Kilos: Ang Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema E: Ang mga Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p>Kailangan ding malaman kung sinu-sino ang mga taong matatawag na <em>smart-shamer<\/em>. \u00a0Anu-ano ang kanilang mga katangian? \u00a0Ano sa tingin ng mga biktima ang mga sanhi at mga bagay na nag-uudyok sa pagkilos ng mga taong ito?<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>5.1. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Katangian ng Isang Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isa sa mga pangunahing katangian ng pagiging isang <em>smart-shamer<\/em> ang pagiging pabigla-bigla o kaagad na humuhusga ng isang tao o bagay nang hindi pinag-iisipan ng mabuti. \u00a0Sila rin ay kaagad na nagkakaroon ng konklusyon sa isang pangyayari. \u00a0Ang isa pang katangian nila ang di-pagkakaroon ng pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. \u00a0Maaaring sadya o di-sadya na hindi nila napapansin na nakasasakit sila ng damdamin ng iba at minsan, akala nila, wala epekto ang kanilang mga sinasabi o ginagawa sa iba. \u00a0Ganito ang paglalarawan sa mga <em>smart-shamer<\/em> ng karamihan sa mga kalahok.\u00a0 Bilang halimbawa:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Yung nakukumento lang basta dahil nabasa nila yung <em>title<\/em> ganon\u2026 (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ibang <em>motives<\/em> na <em>I think<\/em> hindi po talaga nila alam na nampapahiya na sila. \u00a0Di sila <em>aware<\/em> (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>5.2.\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 <\/em><em>Sanhi ng Pagiging Isang Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang mga ito ay ilan pa sa mga nakitang dahilan kung bakit sa tingin ng mga kalahok nagiging <em>smart-shamer<\/em> ang isang tao. \u00a0Ang pagkakaroon ng saradong pag-iisip ay katangian ng mga taong hindi kayang tanggapin o kilalanin ang opinyon o ideya ng iba. \u00a0Ang isa pa\u2019y ang kakulangan sa kaukulang impormasyon tungkol sa paksa. \u00a0Dahil dito, ipinapahiya na lamang nila ang taong nagpost upang pagtakpan ang kanilang kakulangan sa kaalaman.\u00a0 Nagpahayag ng mga karagdagang kuwento sina Luz at Aia:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Oo. \u00a0Yung mga hindi marunong tumanggap or umintindi ng POV (<em>point of view<\/em>) ng ibang tao. \u00a0Ganun siguro (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Kulang po sila sa kaalaman sa paksa ng usapan (Aia, 18, Isabela).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>5.3. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 <\/em><em>Mga Motibasyon sa Pagiging Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isa sa mga nalaman na nag-uudyok na isagawa ang SS ang panatisismo (<em>fanaticism<\/em>)\u2014isang konsepto kung saan may kawalan ng pagtitiis o pagtitimpi sa mga salungat na pananaw o paniniwala. \u00a0Kapag may nagpost o nagkomentaryo ng opinyon na salungat sa paniniwala ng taong nakabasa (at siya\u2019y panatiko nito), may posibilidad na ipahiya niya ang taong nagpost. \u00a0Ang personal na kasiyahan naman\u2019y inilalarawan ang mga taong nasisiyahan kapag namamahiya o napapatunayang mali ang isang tao. \u00a0Inilarawan ang mga panatiko sa mga salaysay nina Sam at Mia:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;<em>and also another concept comes on\u2014fanaticism<\/em>, parang <em>i\u2019m devoted to this concept<\/em>\/<em>candidate<\/em>\/<em>religion<\/em>\/<em>sports<\/em> <em>team that i will make ways <\/em>na <em>if there\u2019s any post against them i will bash you<\/em> (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">uhm, ang dami! pano ko ba ika-<em>categorize<\/em>\u2026 may <em>outright<\/em> na &lt;inalis na pangalan&gt; <em>fanatics<\/em>\u2026 (Mia, 27, Zambales).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Naikuwento rin ni Sam ang kasiyahan ng mga tao sa pamamahiya:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;<em>there\u2019s no right or wrong but still people kept on shaming others to gain some personal satisfaction<\/em>\u2026<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>generally, when you\u2019re able to disprove or somewhat show dominance to others, it gives you this satisfaction that others will also notice<\/em> (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa kadahilanang ang ilan sa mga kalahok ay direktang nakaranas ng SS, marami silang naibahaging deskripsyon ng mga <em>smart-shamer<\/em>, habang ang iba pang kalahok na di-direkta o di-nakasaksi ng pag-<em>smart-shame<\/em> sa ibang tao ay mayroon din sariling persepsyon. \u00a0Malinaw na mahihinuha sa bahaging ito na may mga <em>smart-shamer<\/em> na intensyonal ang pamamahiya dahil apektado sila sa salungat na opinyon o paniniwala ng nagpost ng kontent <em>online<\/em> at posibleng SS ang kanilang tugon. \u00a0Ang nakikitang dahilan ng mga kalahok sa paggawa ng mga tao nito ang masyadong pagtangkilik sa isang paniniwala, na hindi na sila tumatanggap ng mga salungat na ideya o opinyon.\u00a0 Subalit may iba naming personal na kaligayahan ang nadarama kapag napapahiya nila ang iba. \u00a0May ilan ding sinasabi ang mga kalahok na mga taong pabigla-bigla, sa konteksto ng salaysay ni Luz, may mga taong kaagad na nagbibigay ng komentaryo matapos mabasa ang titulo ng post at hindi ang buong laman nito. \u00a0Maaaring nahusgahan na kaagad nila ang <em>source<\/em> batay lamang sa titulo ng kanyang kontent <em>online<\/em>. \u00a0Nakakapukaw rin ng interes ang isang nakitang resulta kung saan may mga tao ring hindi namamalayang namamahiya na pala sila ng ibang tao. \u00a0Posibleng may mga taong sadyang mas naipapahayag ang kanilang naiisip at hindi nila namamalayang nakakapagpahiya ng iba ang kanilang mga nagagamit na salita.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Bagama\u2019t hindi nakita sa literatura ang resultang ito, mahalagang bigyan pa rin ang mga ito ng pansin sapagkat maaari nitong mapalalim pa ang kaunawaan tungkol sa sa penomenon ng SS. \u00a0Ang pagkakahawig ng penomenon sa <em>crab mentality<\/em> na sinabi Raymundo (2015) ay isa lamang sa maaaring interpretasyon at iba naman ang para sa mga kalahok. \u00a0Dahil sa resultang ito, nakita nating iba\u2019t iba rin ang posibleng maging dahilan ng SS at may ispesipikong mga katangian, sanhi, at motibasyon ang mga <em>smart-shamer.<\/em><\/p>\n<p><em>Pangunahing Tema F: Mga Target ng mga Smart-Shamer<\/em><\/p>\n<p>Pinagsama-sama ng temang ito ang lahat ng mga nakitang katangian, uri, at paksa ng kontent <em>online<\/em> na maaaring maging target ng SS.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>6.1. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Tao Bilang Target<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isang mahalagang katangian ng isang taong karaniwang target ng SS ang pagpopost o pagkokomentaryo nang may kasamang ebidensya (<em>e.g.,<\/em> <em>statistics<\/em>, mga balita, <em>etc<\/em>.). \u00a0Sa ganitong paraaan, nagbibigyan ang argumento ng matibay na pundasyon, kaya lamang, nakikita ito ng ibang tao bilang pagyayabang ng kanilang kaalaman. \u00a0Ang pangalawang katangian ay kapag nakasalin ang kanilang post o komentaryo sa wikang Ingles. \u00a0Pakiramdam ng karamihan sa mga kalahok, pangangalandakan ng pagiging magaling at matalino ang paggamit ng mga komplikadong salita pati na ang paggamit ng Ingles sa mga post at komentaryo. \u00a0Mula sa mga sagot ng mga kalahok, naipakitang karaniwang nagiging target ng SS ang paggamit ng wikang Ingles at paglalagay ng mga patunay:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Siguro yung mga <em>comments<\/em> or <em>posts<\/em> na may <em>supporting evidence<\/em> (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;pag may mga <em>English terms<\/em> na hindi <em>common<\/em>, pag <em>critically<\/em> <em>sharp<\/em> ang pagkakasabi (Mia, 27, Zambales).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>6.2. \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Mga Post Bilang Target<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>6.2.1. \u00a0 Mga Uri ng Target na Post<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ang unang klase ay inilarawan bilang isang post o komentaryong sinusubukang ipaliwanag ang isang ideya o isyu. \u00a0Ang mga ganitong kontent <em>online <\/em>ay kadalasang makikitang nagbibigay-linaw sa isang isyu upang mas maintindihan ito ng iba. \u00a0Habang ang ibang post at komentaryo naman na di-pasok sa batayan ng lipunan o mga <em>against the <\/em>norm ay mga posibleng biktima rin ng SS. \u00a0Kahit na hindi agresibo at walang intensyong magyabang ang nagpost ng kontent <em>online <\/em>na ito, may mga tao pa ring iyon ang naiisip matapos basahin ang kanilang post:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">\u2026<em>comments that defend or explain why this post is relevant<\/em> (Sam, 24, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">\u2026<em>if the idea is against the norm<\/em> (Mia, 27, Zambales).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">O yung mga hindi pabor sa nakakarami (Brie, 28, Cavite).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\"><em>6.2.2. \u00a0 Mga Paksa ng mga Post<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ang mga paksang nakitang posibleng maging target ay mga kontent <em>online <\/em>na tumatalakay sa relihiyon, pulitika, at mga kasalukuyang pangyayari. \u00a0Hindi lamang iisa ang relihiyon ng mga tao <em>online<\/em>, kaya iba\u2019t iba rin ang mga pananaw ng mga tao (dahil sa mga miyembro ng ibang relihiyon at mga ateista) na nakababasa ng mga post tungkol dito. \u00a0Maaaring may mga reaksyon at komentaryo sa mga post na hindi naglalayong makasakit ng iba, ngunit hindi natin maitatangging may mga taong nakikita ito bilang pagkakataon para mamahiya ng iba. \u00a0Hinikayat ang mga kalahok na magbigay ng mga posibleng paksa kaugnay ng SS at lumitaw ang mga sumusunod:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">Lalo na kapag relihiyon at politika ang usapan (Gels, 23, Rizal).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 90px;\">Basta <em>issues on politics, religion, sexuality<\/em>. \u00a0Yung mga <em>controversial<\/em> (Luz, 25, Pampanga).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Pansinin ang ilang pagkakapareho ng Pangunahing Tema B at C sa F.\u00a0 Natuklasan sa bahaging ito ng resulta na posibleng maging target ng mga <em>smart-shamer<\/em> ang matalinong kontent <em>online<\/em>. \u00a0Pagdating sa mga tao, nakitang ang mga nagpopost ng may kasamang ebidensya at\/o <em>statistics<\/em> o kaya nama\u2019y nakasalin sa wikang Ingles ang kanilang post ay posibleng maging target.\u00a0 Ang mga taong ito ayon sa Tema B at C ay maituturing ding intelektwal o mga taong <em>source<\/em> ng matalinong kontent <em>online<\/em>. \u00a0Muling nakita sa seksyong ito na tinatarget ang mga kontent <em>online <\/em>na may paksang tungkol sa pulitika at kasalukuyang pangyayari ngunit may isang nadagdag\u2014ang paksang pangrelihiyon. \u00a0Nabanggit na hindi maiiwasan ang di-pagkakapareho ng opinyon ng mga Pilipino tungkol dito dahil sa iba\u2019t ibang klaseng relihiyon sa bansa. \u00a0May posibilidad na magkaroon ng di-pagkakaunawaan na maaari ring mauwi sa pamamahiya dahil magkasalungat ang kanilang mga ideya.\u00a0 Mapapansing nagiging target din ang mga post na may ideya salungat sa pamantayan ng lipunan o <em>against the norm<\/em>. \u00a0Balikan ang diskusyon sa Tema A, dahil sa paglabang sa norm, ipinapahiya ang taong nakagawa nito.\u00a0 Ito rin ang posibleng paliwanag kung bakit nagiging target ang ganitong klase ng mga post.<\/p>\n<p><strong><em>Buod ng Resulta ng Unang Pag-aaral<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Inumpisahan ng pag-aaral na ito ang pagtatakda sa kilos sa internet na tinatawag na SS bilang isang sikolohikal na konsepto. \u00a0Nang tanungin ang mga kalahok kung pamilyar sila sa salitang SS, karamihan ang nagsabing hindi. \u00a0Matapos ang kaunting pagtatanung-tanong, napagalamang naranasan ng karamihan sa kanila ang kilos na ito ngunit hindi sila pamilyar sa terminong ginagamit upang tawagin ito. \u00a0Isa ito sa mga palatandaang nagaganap ang SS sa mga interaksyon sa <em>cyberspace<\/em> ngunit walang nakatakdang pangalan ang penomemon batay sa perspektibo ng mga kalahok.<\/p>\n<p>Sinikap alamin ng mananaliksik, sa tulong ng mga isinalaysay na karanasan ng mga kalahok, kung paano mailalarawan ang penomenong ito at kung sinu-sino ang mga taong nasasangkot dito. \u00a0Mula sa perspektibo ng mga kalahok, na mga miyembro ng SNS na <em>Facebook<\/em> at direkta o di-direktang naranasan ang SS, sinasabing pamamahiya ito sa mga taong itinuturing \u201cmatalino\u201d kapag ang mga taong ito\u2019y nagpopost ng kanilang opinyon tungkol sa mga matunong na isyu o hindi kaya nama\u2019y nagbibigay-komentaryong may kasamang <em>facts<\/em> o ebidensya. \u00a0Ang mga kadalasang paksa ng isang post o komentaryong madalas na pinupuntirya ay tungkol sa pulitika, relihiyon, kasalukuyang pangyayari, at iba pang kontrobersyal na isyu. \u00a0Posible ring makatanggap ng SS ang mga taong gumagamit ng wikang Ingles at malalim na salita sa kanilang mga post o hindi kaya nama\u2019y ang laman nito\u2019y <em>against the norm <\/em>o di-sang-ayon sa pamantayan ng nakararami.<\/p>\n<p>Maaaring direkta o di-direkta ang pamamahiyang ginagawa sa mga taong nakaranas ng SS.\u00a0 Sa direktang paraan, inaatake ang pagkatao o pinanggalingan, maaari ring sabihan ng di-magagandang salita tulad ng mga mura. \u00a0May posibilidad ding subukang ipakitang mali ang laman ng post sa pamamagitan ng pagbibigay ng salungat na komentaryo. \u00a0Mga pasaring at pagpopost ng <em>memes<\/em> na may pinatatamaan naman ang mga pamamaraan kaugnay ng di-direktang pamamahiya. \u00a0Nalaman din ang mga epektong naidulot ng SS sa mga nakaranas nito: mga negatibong damdamin at mga pagbabago sa kilos. \u00a0Nakaramdam ng kalungkutan at pagkabigo ang ilan sa mga kalahok dahil sa pagkapahiya nila at pagtanggap ng di-magagandang salita. \u00a0May mga pagbabago rin sa kanilang kilos kung saan naging mas maingat na sila sa kanilang pagpopost o hindi kaya nama\u2019y umiiwas na silang makipag-usap sa iba sa <em>Facebook<\/em>.<\/p>\n<p>Dalawang uri ng tao ang inilarawang sangkot sa SS: ang biktima o ang <em>smart-shamed<\/em> at ang gumagawa ng SS o ang <em>smart-shamer<\/em>. \u00a0Inilarawan ang <em>smart-shamed<\/em> bilang matatalinong taong pinagmumulan ng pangmatalinong kontent <em>online <\/em>na ipinopost sa mga SNS. \u00a0Batay sa paglalarawan ng mga kalahok, sinasabing sila ang mga taong nagpopost ng kanilang mga komentaryo o opinyon tungkol sa mga isyu ng pulitika, kasalukuyang pangyayari, at iba pang kontrobersyal na isyu, at wikang Ingles ang ginagamit nilang wika sa mga post na ito.\u00a0 Inilarawan naman ang mga <em>smart-shamer <\/em>bilang mga taong <em>impulsive<\/em> o padalosdalos, madaling maudyukan at walang pakialam sa damdamin ng iba. \u00a0Sinasabing ginagawa ng mga taong ito ang SS dahil may kasiyahan silang nadarama kapag napapahiya ang iba, di-tanggap ang opinyon ng iba o nayayabangan sa taong nagpost.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>IKALAWANG PAG-AARAL: PAGSUSURI SA UGNAYAN NG <em>SMART-SHAMING<\/em><\/strong><br \/>\n<strong>AT IBANG PANG KONSEPTO<\/strong><\/p>\n<p>Nagbigay-daan ang resulta ng unang pag-aaral para makabuo ng iskala upang subukang sukatin ang SS ng mga Pilipinong miyembro ng SNS partikular na ang <em>Facebook<\/em>. \u00a0Ginamit ang resulta at panghuling mapang tematiko bilang basehan sa paggawa ng <em>smart-shaming scale<\/em> (SSS). \u00a0Sa pagbuo ng iskalang ito, nilikha ang mga aytem batay sa mga binanggit na perspesyon ng mga kalahok tungkol sa SS bilang isang kilos, deskripsyon ng mga taong na-<em>smart-shame<\/em>, at mga <em>smart-shamer<\/em>. \u00a0Bumuo rin ng mga karagdagang aytem tungkol sa mga negatibong kilos sa <em>social media<\/em> (NSMB) batay sa resulta ng pag-aaral nina Hooper at Kalidas (2012) na isinali sa SSS.<\/p>\n<p>Matapos maitakda ang SS bilang isang sikolohikal na konsepto, nais namang alamin ng mananaliksik kung anu-ano ang mga posibleng kaugnay na konsepto nito. \u00a0Dahil may binuo nang panukat ng SS, maaari nang pag-aralan ang relasyon nito sa iba pang konsepto.\u00a0 Naglalayon ang ikalawang pag-aaral na itong suriin ang mga posibleng ugnayan ng SS sa mga konseptong tulad ng kapwa, hiya, SDO, at dimesyon ng pagkataong E, A, at N ng <em>big five personality factors<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Mga Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p><em>Nonprobability sampling<\/em> ang ginamit sa bahaging ito na isinagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng link ng <em>survey<\/em> sa mga nasa listahan ng mga kaibigan ng mananaliksik sa <em>Facebook<\/em> at inanyayahan din ang mga kaibigang ito na ipasa ang link sa kanilang kaibigan.\u00a0 Ipinost din ang link sa isang sikat na <em>Facebook group<\/em> (<em>Overheard at UP<\/em>) at sa <em>Reddit page<\/em> na <em>r\/Philippines<\/em> upang mapalawak ang sakop ng mga posibleng kalahok. \u00a0Ang <em>Overheard at UP<\/em> ay isang <em>Facebook group<\/em> na may higit sa 150,000 na miyembro kung saan aktibong nagpopost at nag-uusap ang mga estudyante at <em>alumni<\/em> ng <em>University of the Philippines<\/em> (UP) <em>System<\/em> (iba\u2019t ibang kampus ng UP sa buong bansa), ngunit hindi lamang limitado sa mga estudyante at <em>alumni<\/em> ang mga miyembro nito, dahil maaaring sumasali rito ang kahit na sinong <em>user<\/em> kahit na hindi sila estudyante o nanggaling sa UP. \u00a0Ang <em>Reddit<\/em> naman ay isang uri ng <em>discussion website<\/em> kung saan may sariling forum ang mga Pilipino, ang <em>r\/Philippines<\/em>. Mayroon itong higit sa 100,000 miyembro na mula sa iba\u2019t ibat parte ng bansa at maging mga Pilipinong nakabase sa ibang bansa. \u00a0Napiling ipost ang link ng <em>survey<\/em> sa dalawang lugar na ito upang mas maging malawak ang sakop nito at hindi lamang malimitahan sa mga tao sa kalakhang Maynila. \u00a0Ang kabuuang bilang ng mga tugon ay 136 ngunit ito\u2019y naging 127 matapos alisin ang mga duplikadong sagot, mga menor de edad, tugon na maraming kulang sa ibang bahagi, tugon na halatang peke (<em>e.g.,<\/em> iisang sagot mula umpisa hanggang dulo, edad na \u201c999,\u201d at iba pa). \u00a0Ang kabuuang bilang ay n = 127 (tingnan ang Hanayan 1).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 1. Katangian ng mga Kalahok sa Ikalawang Pag-aaral<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-836 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.jpg\" alt=\"Rodriguez 1\" width=\"377\" height=\"546\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1.jpg 377w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-207x300.jpg 207w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-100x144.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-150x217.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-200x289.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-1-300x434.jpg 300w\" sizes=\"(max-width: 377px) 100vw, 377px\" \/><\/a><\/p>\n<p><strong><em>Mga Materyal<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ipapakita sa bahaging ito ang maikling deskripsyon ng mga panukat na ginamit. \u00a0Binuo ng may-akda ang tatlo sa mga ito (<em>kapwa<\/em>, <em>hiya<\/em>, at <em>SSS<\/em>) sa wikang Filipino habang ang dalawa (SDO-7s at TIPI) naman ang isinalin sa wikang Filipino mula sa wikang Ingles.<\/p>\n<p><em>Panukat ng Kapwa<\/em><\/p>\n<p>Sumusukat ang iskalang ito na may 9 na aytem sa dalawang domeyn ng <em>kapwa<\/em> (<em>shared identity<\/em>; Enriquez 1978 sa Yacat, 2013): ang <em>smooth interpersonal relationships<\/em> (<em>kapwa<\/em>-SIR) at ang <em>egalitarian views<\/em> (<em>kapwa<\/em>-EGA) (tingnan ang Tala 1). \u00a0Ang ilan sa mga halimbawang aytem ay \u201cNais niyang maayos agad ang gusot sa isang relasyon o ugnayan\u201d at \u201cNais niyang hangga\u2019t maaari ay maging patas sa sinumang kanyang nakakasalamuha.\u201d \u00a0Pinapili ang mga kalahok kung hanggang saan nila kapareho ang mga deskripsyong ito gamit ang iskala mula 1 (hinding-hindi ako \u2018yan) hanggang 6 (akong-ako \u2018yan).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Tala 1. Panukat ng <em>Kapwa<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Sa bahaging ito, maglalarawan kami ng ilang tao.\u00a0 Pakibasa ang mga deskripsyon sa kanila at pag-isipan mo kung katulad o kapareho mo ang taong inilalarawan ng bawat aytem sa pamamagitan ng pagpili ng bilang &#8211; 1 (hinding-hindi ako \u2018yan), 2 (hindi ako \u2018yan), 3 (ako \u2018yan nang kaunti), 4 (medyo ako \u2018yan), 5 (ako \u2018yan), 6 (akong-ako \u2018yan).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">1 \u00a0\u00a0 Mahalaga sa kanyang maging kasundo ang mga taong nakakasalamuha niya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">2 \u00a0\u00a0 Nais niyang maayos agad ang gusot sa isang relasyon o ugnayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">3 \u00a0\u00a0 Iniisip niyang hangga\u2019t maaari\u2019y umiwas sa anumang ikagugusot ng isang relasyon.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">4 \u00a0\u00a0 Importante para sa taong ito na mapanatiling maayos ang kanyang pakikitungo sa iba.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">5 \u00a0\u00a0 Importante para sa taong ito na maramdaman niyang bahagi siya ng isang grupo.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">6 \u00a0\u00a0 Naniniwala siyang posibleng magkasundo pa rin ang mga taong magkaiba ang mga paniniwala o interes.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">7 \u00a0\u00a0 Para sa taong ito, hindi hadlang ang pagkakaiba sa mabuting pakikipag-uugnayan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">8 \u00a0\u00a0 Nais niyang hangga\u2019t maaari ay maging patas sa sinumang kanyang nakakasalamuha.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">9 \u00a0\u00a0 Importante para sa taong ito na pantay o patas ang pagturing sa ibang tao.<\/p>\n<p><em>Panukat ng Hiya Bilang Pagpapahalaga (PHP)<\/em><\/p>\n<p>Naglalayon ang panukat ng <em>hiya<\/em> na suriin ang konsepto ng <em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga.\u00a0 Nahahati rin ito sa dalawang domeyn: <em>Hiya<\/em> sa <em>Hindi Ibang Tao<\/em> (Hiya-HIT) at <em>Hiya<\/em> sa <em>Ibang Tao<\/em> (Hiya-IT) (tingnan ang Tala 2). \u00a0Katulad ng panukat ng <em>kapwa<\/em>, namili ang mga kalahok mula sa iskalang 1 (hinding-hindi ako \u2018yan) hanggang 6 (akong-ako \u2018yan) kung gaano sila kapareho ng mga nakalistang paglalarawan tulad ng \u201cMahalaga para sa kanyang malaman kung paano siya nakikita ng ibang tao\u201d at \u201cImportante para sa kanyang mapanatili ang kanyang magandang reputasyon o mabuting pangalan.\u201d<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Tala 2. Panukat ng <em>Hiya<\/em> Bilang Pagpapahalaga (PHP)<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Sa bahaging ito, maglalarawan kami ng ilang tao.\u00a0 Pakibasa ang mga deskripsyon sa kanila at pag-isipan mo kung katulad o kapareho mo ang taong inilalarawan ng bawat aytem sa pamamagitan ng pagpili ng bilang &#8211; 1 (hinding-hindi ako \u2018yan), 2 (hindi ako \u2018yan), 3 (ako \u2018yan nang kaunti), 4 (medyo ako \u2018yan), 5 (ako \u2018yan), 6 (akong-ako \u2018yan).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">1 \u00a0\u00a0 Mahalaga para sa kanyang sundin ang kanyang konsensya at gawin kung ano ang tama kahit walang nakakakita sa kanya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">2 \u00a0\u00a0 Naniniwala siyang may katanggap-tanggap na kilos sa bawat sitwasyon.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">3 \u00a0\u00a0 Mahalaga para sa kanyang isaalang-alang ang damdamin ng mga kapamilya niya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">4 \u00a0\u00a0 Mahalaga para sa kanyang isaalang-alang ang damdamin ng mga kaibigan niya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">5 \u00a0\u00a0 Kahit hindi niya kaya ang pinapagawa sa kanya, pipilitin niyang pagsumikapan ito para siya ay hindi makadismaya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">6 \u00a0\u00a0 Importante para sa kanyang magbigay ng karangalan sa kanyang pamilya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">7 \u00a0\u00a0 Naniniwala siyang ang isang tao ay dapat may pakialam sa iniisip ng kanyang kapwa.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">8 \u00a0\u00a0 Naniniwala siyang dapat sundin ang batas sa lahat ng pagkakataon.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">9 \u00a0\u00a0 Mahalaga para sa kanyang sundin o tuparin ang anumang napagkasunduan o napag-usapan kahit hindi siya sabihan o paalalahanan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">10\u00a0 Mahalaga para sa kanyang malaman kung paano siya nakikita ng ibang tao.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">11\u00a0 \u00a0Mahalaga para sa kanyang iwasang gumawa ng mga bagay na pagsisihan niya para may mukha siyang ihaharap sa mga tao.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">12\u00a0 \u00a0Importante para sa kanyang mapanatili ang kanyang magandang reputasyon o mabuting pangalan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">13\u00a0 \u00a0Importante para sa kanyang kumilos ng tama sa harap ng mga mas nakatataas sa kanya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">14\u00a0 \u00a0Mahalaga sa kanyang hindi isipin ng iba na masamang tao siya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">15\u00a0 \u00a0Importante para sa kanyang kumilos ng tama sa harap ng mga hindi kakilala para hindi siya masita o masabihan na mali ang ginagawa niya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">16\u00a0 \u00a0Mahalaga sa kanyang alam ng ibang tao na marunong siyang mahiya.<\/p>\n<p><em>Social Dominance Orientation Scale-7- Short Form (SDO-7s)<\/em><\/p>\n<p>Naglalayon ang SDO-7s na sukatin ang SDO o ang paniniwalang may di-pagkakapantay-pantay sa mga grupo sa lipunan (tingnan ang Tala 3). \u00a0Mayroon din itong dalawang dimensyon ngunit tulad ng nabanggit sa diskusyon sa konsepto ng SDO, mas mainam na suriin muna ang konsetpo bilang kabuuan at alamin ang ugnayan nito sa pinag-aaralang konsepto. \u00a0Kaya ang SDO-7s bilang kabuuan ang isinali sa survey. \u00a0Sa SDO-7s, tinanong ang mga kalahok kung gaano sila ka sang-ayon sa mga pangungusap na ipinakita tulad ng \u201cHindi natin pangunahing layunin ang pagiging magkapantay ng mga grupo sa lipunan\u201d at \u201cKinakailangang magkaroon ng mga grupong nasa itaas at nasa ilalim para mabuo ang isang maayos lipunan.\u201d \u00a0Pinagpilian ng mga kalahok ang iskala na mula 1 (Lubos na hindi sumasang-ayon) hanggang 7 (Lubos na sumasang-ayon).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Tala 3. <em>Social Dominance Orientation Scale 7 \u2013 Short Form<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Ipakita kung gaano ka kasang-ayon o di-sang-ayon sa bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng bilang &#8211; 1 (Lubos na hindi sumasang-ayon), 2 (Medyo hindi sumasang-ayon), 3 (Bahagyang hindi sumasang-ayon), 4 (Neutral), 5 (Bahagyang sumasang-ayon), 6 (Medyo sumasang-ayon), 7 (Lubos na sumasang-ayon). \u00a0Ang una mong naramdaman sa pagbasa ng pangungusap ang pinakamainam na isagot.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">1 \u00a0\u00a0 Kinakailangang magkaroon ng mga grupong nasa itaas at nasa ilalim para mabuo ang isang maayos lipunan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">2 \u00a0\u00a0 Sadyang may mga grupo ng taong mas mababa kaysa sa iba.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">3\u00a0\u00a0\u00a0 Sa isang lipunan, walang ibang grupo ang mas mataas sa iba.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">4\u00a0\u00a0\u00a0 Nararapat lang sa mga grupong nasa ibaba ng lipunan na nasa ibaba sila, gayundin na nararapat na nasa itaas ang mga grupong nasa itaas.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">5\u00a0\u00a0\u00a0 Hindi natin pangunahing layunin ang pagiging magkapantay ng mga grupo sa lipunan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">6\u00a0\u00a0\u00a0 Ang subukang gawing magkakapantay ang mga grupo sa lipunan ay hindi makatarungan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">7\u00a0\u00a0\u00a0 Sa ating buong makakaya, dapat ay gawin nating pantay-pantay ang kondisyon ng magkakaibang grupo sa lipunan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">8\u00a0\u00a0\u00a0 Ating bigyan ng pantay-pantay na pagkakataong maging matagumpay ang lahat ng grupo sa lipunan.<\/p>\n<p><em>Ten-Item Personality Inventory (TIPI)<\/em><\/p>\n<p>May 10 aytem ang maikling iskalang ito na sinusukat ang <em>big five personality factors<\/em> kung saan tatlo sa mga ito ang tinitingnan ang relasyon sa SS:<em> agreeableness, neuroticism, at extraversion <\/em>(tingnan ang Tala 4). \u00a0Sinukat ang pagsang-ayon ng mga kalahok sa pamamagitan ng iskalang mula 1 (Lubos na hindi sumasang-ayon) hanggang 7 (Lubos na sumasang-ayon). \u00a0Inilagay nila ang iskor sa bawat deskripsyon ng pagkatao tulad ng \u201cKalmado, hindi pabagu-bago ng damdamin\u201d at \u201cHindi pala imik, tahimik.\u201d<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Tala 4. <em>Ten-Item Personality Inventory<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Narito ang ilang <em>personality trait<\/em> na maaari o hindi maaaring maglarawan sa iyo.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Piliin ang bilang sa bawat item upang ipahiwatig kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa bawat pares ng mga <em>trait<\/em> sa pamamagitan ng pagpili ng bilang &#8211; 1 (Lubos na hindi sumasang-ayon), 2 (Medyo hindi sumasang-ayon), 3 (Bahagyang hindii sumasang-ayon), 4 (Neutral), 5 (Bahagyan sumasang-ayon), 6 (Medyo sumasang-ayon), 7 (Lubos na sumasang-ayon).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Kailangang i-<em>rate<\/em> mo ang bawat pares na naglalarawan sa iyo kahit na may isang <em>trait<\/em> sa pares na ito na pakiramdam mo\u2019y mas naglalarawan sa iyo kaysa sa kapares nito.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Nakikita ko ang aking sarili bilang:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">1\u00a0\u00a0\u00a0 Mapag-kaibigan, masigasig.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">2\u00a0\u00a0\u00a0 Mapintasin, pala-away.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">3\u00a0\u00a0\u00a0 Maaasahan, may disiplina sa sarili.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">4\u00a0\u00a0\u00a0 Balisa, madaling magalit.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">5\u00a0\u00a0\u00a0 Bukas sa mga bagong karanasan, hindi madaling unawain.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">6\u00a0\u00a0\u00a0 Hindi palaimik, tahimik.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">7\u00a0\u00a0\u00a0 Maawain, mabuting-loob.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">8\u00a0\u00a0\u00a0 Burara, mapagpabaya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">9\u00a0\u00a0\u00a0 Kalmado, hindi pabagu-bago ng damdamin.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">10\u00a0 Sumusunod sa pangkaraniwan, hindi malikhain.<\/p>\n<p style=\"text-align: left;\"><em>Smart-Shaming Scale (SSS)<\/em><\/p>\n<p>Isa itong iskalang binuo ng mananaliksik upang masukat ang SS bilang kabuuan (tingnan ang Tala 5). \u00a0Halimbawa ng mga aytem na ginamit ay \u201cNararamdaman niyang arrogante ang mga taong nagpopost at nagkokomentaryo ng tungkol sa pulitika\u201d at \u201cNasisiyahan siya kapag napapahiya niya ang isang tao sa isang <em>online discussion<\/em>.\u201d\u00a0 Sinukat gamit ang iskalang 1 (malayong-malayo sa akin) hanggang 6 (hawig na hawig sa akin) ang pagkakapareho ng kalahok sa mga aytem na ito. \u00a0Bilang karagdagan, isinali rin sa mga aytem ng SSS ang ibang NSMB mula sa pag-aaral nina Hooper at Kalidas (2012) dahil may pagkakahawig ang mga ito sa SS at upang malaman ang relasyon nila sa konseptong ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Tala 5. <em>Smart-Shaming Scale (SSS)<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Sa bahaging ito, maglalarawan kami ng ilang ginagawa ng tao <em>online<\/em>.\u00a0 Pakibasa ang mga deskripsyon sa kanila at pag-isipan mo kung katulad o kapareho mo ang taong inilalarawan ng bawat aytem sa pamamagitan ng pagpili ng bilang &#8211; 1 (malayong-malayo sa akin), 2 (malayo ang pagkakahawig sa akin), 3 (may kaunting pagkaka-hawig sa akin), 4 (medyo pagkakahawig sa akin), 5 (may pagkakahawig sa akin), 6 (hawig na hawig sa akin).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">1\u00a0 \u00a0\u00a0Nararamdaman niyang arrogante ang mga taong nagpopost at nagkokomentaryo ng mga tungkol sa pulitika.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">2\u00a0 \u00a0 Hindi siya nayayabangan sa mga taong nagpopost at nagkokomentaryo ng Ingles.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">3\u00a0 \u00a0\u00a0Nakikita niyang hambog ang mga taong nagbibigay ng opinyon sa tungkol sa sarili niyang relihiyon o relihiyon sa iba.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">4\u00a0 \u00a0 Nakikinig siya sa mga opinyon ng ibang tao sa isang diskusyon sa <em>Facebook<\/em>.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">5\u00a0 \u00a0\u00a0Ang mga taong salungat sa kanyang paniniwala ay hindi niya tinatanggap ang paliwanag.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">6\u00a0 \u00a0\u00a0Ang mga taong kumukontra o nagbibigay ng taliwas na ideya sa kanyang post o komentaryo ay ayaw niya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">7\u00a0 \u00a0 Hindi niya pinipintasan ang kausap kapag wala na siyang maisagot sa isang mainit na diskusyon <em>online<\/em>.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">8\u00a0 \u00a0\u00a0Nagkokomentaryo pa rin siya kahit na hindi na siya masyadong pamilyar sa isyu.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">9\u00a0 \u00a0\u00a0Nagkokomentaryo siya sa isang post para maipakita sa ibang may alam siya sa mga nangyayari kahit wala naman talaga.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">10\u00a0\u00a0Nasisiyahan siya kapag napapahiya niya ang isang tao sa isang <em>online discussion<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">11\u00a0\u00a0Gumaganda ang pakiramdam niya kapag napapatunayan niyang mali ang isang tao.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">12\u00a0 Hindi siya masaya sa pakiramdan na lamang siya sa ibang taong kausap niya.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">13\u00a0\u00a0Nararamdaman niyang matalino siya kapag napatunayan niyang mali ang sinasabi ng kausap <em>online<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">14\u00a0\u00a0Naghahanap siya ng mga pagkakamali sa <em>grammar<\/em> ng taong nagkomentaryo sa kanyang post.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">15\u00a0 Wala siyang nararamdamang pagtaas ng tingin ng iba sa kanya kapag pinapahiya niya ang taong nagkomentaryo sa kanyang post.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">16\u00a0\u00a0Nagkokomentaryo siya ng \u201cikaw na matalino!\u201d sa post ng taong nagbigay ng kanyang paniniwala tungkol sa pulitika.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">17\u00a0\u00a0Sa pagkakataong hindi niya matibag ang katwiran ng kausap niya <em>online<\/em>, nasasabi niyang \u201cang dami mong alam!\u201d<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">18\u00a0 Hindi siya nagsasabi ng mga di-magandang salita sa mga taong hindi sang-ayon sa kanyang post.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">19\u00a0\u00a0Pinupuntirya niya ang pisikal na katangian ng mga taong madaming alam at madaming sinasabi <em>online<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">20\u00a0\u00a0Nagsasabi siya ng \u201cayaw kita kausap, matalino ka e\u201d sa mga post ng taong tingin niya ay madaming alam.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">21\u00a0 Hindi niya naiisip na nagmamagaling ang isang tao dahil nag-aral sa mamahaling eskwelahan.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">22\u00a0\u00a0Nasasabi niya ang katagang \u201cnag-aral ka kasi sa &lt;pangalan ng sikat ng unibersidad&gt;, kaya ayaw kitang kausap.\u201d<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">23\u00a0\u00a0Kapag nararamdaman niyang masyadong madaming alam ang isang tao, nasasabi niyang \u201csige na, bobo na ako, taga &lt;pangalan ng sikat ng unibersidad&gt; ka kasi e.\u201d<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">24\u00a0\u00a0Nagpopost siya ng komentaryong \u201cMadami ka kasing pera, kaya alam mo lahat\u201d sa post ng mga kausap sa <em>Facebook<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">25\u00a0\u00a0Nagsasabi siya sa mga taong madaming sinasabi sa isyu na \u201cE, di ikaw na, <em>the best<\/em> ka!\u201d<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">26\u00a0\u00a0Naglalagay siya ng dagdag na mga impormasyon para patunayang mali ang sinasabi ng taong nagpost.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">27\u00a0\u00a0Nagpapakita siya ng mga datos na nakalap niya upang ipakita sa ibang hindi totoo ang sinasabi ng taong nagkomentaryo sa kanyang post.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">28\u00a0\u00a0Nagsasabi siyang mali o nagsisinungaling ang nagpost dahil hindi ito kapareho ng kanyang paniniwala.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">29\u00a0 Hindi siya gumagamit ng mga <em>memes<\/em> at mga patama sa kanyang mga komentaryo sa mga post tungkol sa mga isyu ng bansa.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">30\u00a0\u00a0Kinukwestyon niya ang laman ng post dahil hindi niya matanggap na totoo ang mga ito.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">31\u00a0\u00a0Nagpopost siya sa <em>Facebook<\/em> upang patamaan ang isang tao, grupo, pangyayari, at iba pa.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">32\u00a0\u00a0Umiiwas siya na mag-<em>upload<\/em> ng mga nakakahiyang bagay tungkol sa kanya o sa ibang tao.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">33\u00a0\u00a0Nagpopost o nakakapagkomentaryo siya ng mga bulgar or hindi nararapat sa salita.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">34\u00a0\u00a0Nagpopost siya sa <em>Facebook<\/em> ng mga personal na bagay tulad ng <em>address<\/em> kung saan siya nakatira, problema sa pamilya, maraming litrato ng <em>girlfriend<\/em>\/<em>boyfriend<\/em>, o araw-araw na pangyayari sa buhay.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">35\u00a0\u00a0Nang-iinis siya ng kaibigan ng kanyang mga kaibigan sa <em>Facebook<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">36\u00a0\u00a0Hindi siya nag-i-<em>stalk<\/em> ng <em>profile<\/em> ng mga tao sa <em>Facebook<\/em>.*<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">* Negatibong aytem.<br \/>\nPatungkol ang aytem 1-30 sa SS samantalang tungkol naman sa NSMB ang aytem 31-36.<\/p>\n<p><strong><em>Pagsasagawa ng Pananaliksik<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Kasama ng panukat ng <em>kapwa<\/em>, panukat ng <em>hiya<\/em>, SDO-7s, at TIPI, ipinakalat ang SSS gamit ang isang <em>online survey<\/em> na binuo gamit ang <em>Google Forms<\/em>. \u00a0Ipinaalam sa mga interesadong sumagot sa <em>survey<\/em> sa panimulang bahagi nito na may premyong PhP 300 na <em>cellphone load<\/em> na ira-<em>raffle<\/em> bilang insentibo sa kanilang pagsagot. \u00a0Binuksan ang <em>survey<\/em> upang sagutan at isinara ito matapos ang 3 araw.<\/p>\n<p>Matapos ang pangunahing pagsusuri ng mga sagot, nakabuo ng deskripsyon ng demograpikong datos ng mga kalahok. \u00a0Kinuha ang mga <em>mean<\/em> ng panukat ng <em>kapwa<\/em>, panukat ng <em>hiya<\/em>, SDO-7s, TIPI, at NSMB habang <em>Pearson product-moment correlation<\/em> naman ng ginamit upang subukin ang relasyon ng mga ito sa SS bilang kabuuan.<\/p>\n<p><strong><em>Kinasapitan at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Gamit ang <em>SPSS Statistics 22<\/em>, isinagawa ang <em>Pearson product-moment correlation<\/em> at nakita ang mga mahahalagang relasyon sa pagitan ng mga sumusunod na konsepto at SS (tingnan ang Hanayan 2).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 2. <em>Correlation Matrix<\/em> ng <em>Smart-Shaming<\/em> at ng <em>Kapwa<\/em>, <em>Hiya<\/em>, at <em>Big Five<\/em> (E, A, N)<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-837 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2.jpg\" alt=\"Rodriguez 2\" width=\"596\" height=\"280\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2.jpg 596w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2-300x140.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2-100x46.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2-150x70.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2-200x93.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/11\/Rodriguez-2-450x211.jpg 450w\" sizes=\"(max-width: 596px) 100vw, 596px\" \/><\/a><\/p>\n<p><em>Smart-Shaming (SS) at Kapwa<\/em><\/p>\n<p>Sinuri ng mananaliksik ang ugnayan ng SS sa konsepto ng <em>kapwa<\/em>. \u00a0Pinag-ugnay ang dalawang konseptong ito dahil itinuturing na gabay sa pagkilos ng mga tao ang ideya ng <em>kapwa<\/em>, na mayroong pagbibigay-halaga sa respeto sa ibang tao, habang tila ba isang kilos ng kawalan ng respeto sa iba ang kilos na SS. \u00a0Ipinalagay ng mananaliksik na magkakaroon ng relasyon ang <em>kapwa<\/em> at ang dalawang dimensyon nito sa SS. \u00a0Sa pagsusuring ginawa, hindi nakitaan ng makabuluhang relasyon ang <em>kapwa<\/em> bilang kabuuan sa SS, <em>r<\/em> (125) = -.16 (<em>p<\/em> &gt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.03, pati na rin ang <em>kapwa<\/em>-SIR at SS, <em>r<\/em> (125) = -.16 (<em>p<\/em> &gt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.03. \u00a0Sa kabilang banda, may makabuluhan at negatibong relasyon naman ang <em>kapwa<\/em>-EGA at SS ngunit mahina ito, <em>r<\/em> (125) = -.27 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>= .07. \u00a0Matatandaang binigyang-kahulugan ni Schwartz (1994) ang EGA (<em>egalitarianism<\/em>) bilang pagbibigay-halaga sa kapakanan ng nakararami bago ang sarili.\u00a0 Batay rito, masasabi nating ang taong may inklinasyon sa paggawa ng SS ay ang taong mababa ang lebel ng <em>kapwa<\/em>-EGA. \u00a0Sila ang mga taong maaaring unahin ang pansariling interes bago ang sa iba at mas naniniwala sa di-pagkakapantay-pantay. \u00a0Pagdating sa kawalan ng relasyon ng SS at <em>kapwa<\/em>-SIR, ang maaaring dahilan nito\u2019y ang kawalan ng totoong relasyon ng taong gumagawa ng SS sa taong nagpost ng kontent <em>online<\/em>. \u00a0Matatandaang sinabi ni Lynch (1973 sa Alampay at Jocson 2011) na kaakibat ng SIR ang pag-iwas sa pagkakaroon ng alitan o di-pagkakaintindihan ng tao at iba upang di-maapektuhan ang mabuting relasyon nila. \u00a0Sa kaso ng mga <em>online environment<\/em> tulad ng <em>Facebook<\/em>, hindi kinakailangang magkaroon ng mabuting relasyon ang dalawang miyembro nito upang makapag-usap o maging konektado kaya mukhang walang kailangang pangalagaang relasyon ang gumagawa ng SS.<\/p>\n<p><em>Smart-Shaming (SS) at Hiya<\/em><\/p>\n<p>Sa konseptwalisasyon nina Clemente at mga kasama (2017), isang pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em> na tulad ng <em>kapwa<\/em> ay nagsisilbi ring gabay sa mga kilos ng tao at kung ito ba\u2019y sang-ayon sa dikta ng lipunan. \u00a0Ang SS nama\u2019y isang kilos na maaaring ituring na di-sang-ayon sa dikta ng lipunan. \u00a0Kung gayon, ang palagay ng mananaliksik, posibleng may ugnayan din ang <em>hiya<\/em> at SS dahil isang gabay sa kilos ang una habang ang pangalawa\u2019y isang kilos na maaaring husgahan ng tao gamit ang gabay na ito. \u00a0Sa ginawang pagsusuri ng datos, walang makabuluhang ugnayan ang <em>hiya<\/em> bilang kabuuan sa SS, <em>r<\/em> (125) = -.06 (<em>p<\/em> &gt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.00. \u00a0Ang dalawang dimensyon naman nito\u2019y pareho ring walang kinalaman sa SS \u2013 Hiya-HIT, <em>r<\/em> (125) = -.17 (<em>p<\/em> &gt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.03; Hiya-IT, <em>r<\/em> (125) = .05 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.00. \u00a0Napakababa ng mga nakitang relasyon ng SS at <em>hiya<\/em> na hindi ito nakitaan ng kabuluhan. \u00a0Kung babalikan ang ginamit na kahulugan nina Clemente at mga kasama (2017), sinasabing ang konseptong ito\u2019y pagbibigay-halaga sa iisipin at mararamdaman ng ibang tao na posibleng resulta ng kilos ng isang tao. \u00a0Sa kabilang banda, nabanggit din ng mga may-akda na walang pormal na pagtatakda sa kilos ang mga norm o pamantayan sa mga <em>online<\/em> na konteksto. \u00a0Kaya naman nakita nila sa kanilang pag-aaral na kahit na posibleng ituring na paglabag sa norm ang mga di-katanggap-tanggap na mga kilos <em>online<\/em>, gagawin pa rin ng mga kalahok ito kung sa tingin nila\u2019y ginagawa rin ito ng karamihan (Clemente <em>et al<\/em>. 2017). \u00a0Ganito rin ang nakikita ng mananaliksik na dahilan kung bakit walang nakitang makabuluhang relasyon sa pagitan ng <em>hiya<\/em> at SS, dahil maaari ngang di-katanggap-tanggap na kilos ang SS pero kung mukhang normatibo naman ito sa tingin ng tao, posible pa rin nila itong gawin. \u00a0Maaaring ring hindi nagagamit ang <em>hiya<\/em> bilang gabay sa kanilang mga kilos sa <em>online<\/em> na konteksto dahil din sa nabanggit na walang pormal na nakatakdang tamang kilos doon.<\/p>\n<p><em>Smart-Shaming (SS) at Agreeableness, Neuroticism, Extraversion<\/em><\/p>\n<p>Alalahaning may pagkakatulad ang <em>cyberbullying<\/em> at SS ngunit nakapailalim ang SS sa mas malawak na konsepto na <em>cyber-aggression <\/em>na kaugnay rin ng <em>cyberbullying<\/em>. \u00a0May kabuluhan pa ring ikumpara ang resulta ng pag-aaral na ito sa mga nakitang resulta sa pagsusuri ng pagkatao ng mga <em>cyberbully<\/em>. \u00a0Pagdating sa ugnayan ng SS at ilan sa mga dimensyon ng <em>big five personality factors<\/em>, inalam ng mananaliksik kung mayroong makikitang ugnayan sa pagitan ng SS at A (<em>agreeableness<\/em>), N (<em>neuroticism<\/em>), at E (<em>extraversion<\/em>).<\/p>\n<p>Ang A ang inklinasyon ng isang taong mapanatili ang magandang relasyon nito sa iba. \u00a0Makabuluhan at negatibo ang relasyon nito sa SS, <em>r<\/em> (125) = -.44 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.19 at sang-ayon ito sa palagay ng mananaliksik na magkakaroon ang dalawa ng ugnayan. \u00a0Binanggit sa pag-aaral nina Clemente at mga kasama (2017) na ang mga taong may mataas na A ay may konsiderasyon sa iba, mahinahon, at hindi agresibo\u2014kung gayon, ang pagkakaroon ng mataas ng inklinasyon sa SS ay posibleng makita sa mga taong mabababa ang lebel ng A.\u00a0 Mailalarawan sila bilang mga taong walang pagpapahalaga sa pakiramdam ng iba at agresibo.\u00a0 Maaaring hindi rin nila binigyan ng halaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa iba.<\/p>\n<p>Ang posibilidad ng pagiging kalmado (<em>calmness<\/em>), pasensyoso (<em>even-tempered<\/em>), panatag (<em>unflappable<\/em>) sa isang banda, habang maaari rin ang makaramdam ng pagkabahala (<em>anxiety\/distress<\/em>) ang pagkakaroon ng N. \u00a0Nakitang negatibo at makabuluhan ang relasyon ng SS at N, <em>r<\/em> (125) = -.24 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.06. \u00a0Mailalarawan ang mga kalahok batay sa relasyon ng dalawa. \u00a0Masasabing ang taong may mababang N (sa konteskto ng pag-aaral na ito) ay may posibilidad na may mataas na inklinasyon sa paggwa ng SS. \u00a0Maaaring mahina ang kontrol nila sa kanilang emosyon o kaya nama\u2019y madali silang naudyukan ng iba na gumawa ng SS.<\/p>\n<p>Panghuli, inilalarawan ang taong mababa ang E bilang tahimik, hindi mahilig makisalamuha sa iba, at hindi masalita. \u00a0Napag-alamang wala itong makabuluhang relasyon sa SS, <em>r<\/em> (125) = -.07 (<em>p<\/em> &gt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.00. \u00a0Matatandaang iniulat nina Kokkinos at mga kasama (2016) na may mga mananaliksik na iniugnay ang dimensyon ng E sa pagkatao ng mga <em>cyberbully<\/em> kung saan magkasalungat ang resulta tungkol sa lebel ng E ng mga ito (mataas ayon kina Baldasare <em>et al<\/em>. 2012; mababa sabi nina Mishna <em>et al<\/em>. 2010). \u00a0Sa resulta ng pag-aaral na ito, hindi nakakita ng makabuluhang relasyon sa E at SS. \u00a0Isa sa mga posibleng dahilan nito ang kaibahan ng mga kalahok kung saan madalas nakatuon sa mga estudyante ang mga pananaliksik sa <em>cyberbullying<\/em> (e.g., Bauman 2001; Barlett <em>et al<\/em>. 2014) habang ang kasalukuyang pag-aaral ay malawak ang sakop na edad at katayuan sa buhay. \u00a0Posible ring may papel na ginampanan ang pagkakaiba ng kultura dahil sa konteksto ng Pilipinas ang pag-aaral sa SS habang halos mga Kanluranin ang sa <em>cyberbullying<\/em> (<em>e.g.<\/em>, Lee at Caltabiano 2014; Lee 2017).<\/p>\n<p><em>Smart-Shaming (SS) at SDO<\/em><\/p>\n<p>Ang palagay ng mananaliksik, may relasyon din ang SDO at SS. \u00a0Ang paniniwala sa hirarkiya o ang pagkakaroon ng mga taong nasa ibabaw at nasa ibaba na antas sa lipunan ang sinasalamin ng SDO. \u00a0Posibleng magkaroon ito ng relasyon sa SS sa kadahilanang sinasabing isang kilos ang SS na isinasagawa upang mapababa ang lebel o antas ng isang taong nasa mataas na antas at dahil gusto nila itong mangyari, isang senyales ito ng kanilang paniniwala sa hirarkiya. \u00a0Nakita naman sa analisis ng datos na nakalap na mayroon ngang makabuluhan at positibong relasyon ang dalawa, <em>r<\/em> (125) = .34 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.12. \u00a0Kung gayon, para sa mga taong mataas ang lebel ng SDO, may posibilidad na mataas din ang inklinasyon nila sa paggawa ng SS.<\/p>\n<p><em>Smart-Shaming (SS) at mga Negatibong Pagkilos sa Social Media (NSMB)<\/em><\/p>\n<p>Tinuklas din ang posibleng relasyon ng NSMB at SS dahil isang koleksyon ng mga di-katanggap-tanggap kilos sa SNS ang unang konsepto na binuo nina Hooper at Kalidas (2012) habang ang pangalawang konsepto nama\u2019y may katangiang hawig sa mga binanggit na uri na NSMB. \u00a0Sa pagsusuri ng mga sagot sa <em>online survey<\/em>, nakitang mayroon ngang makabuluhan at positibong ugnayan ang SS at NSMB, <em>r<\/em> (125) = .53 (<em>p<\/em> &lt; .01); r<sup>2 <\/sup>=.28. \u00a0Ang maaaring kahulugan nito ay kung may mataas na inklinasyon ay posible ring mataas ang probabilidad ng pasagawa ng iba pang NSMB. \u00a0Isang posibleng paliwanag sa positibong relasyon ng dalawa ang pagkakahawig ng katangian ng SS sa ilan sa mga nabanggit na uri ng NSMB tulad ng pagmumura at panggugulo sa ibang tao. \u00a0Maaari ring dahil itinuturing na isang uri ng NSMB ang SS kaya naman may makabuluhang ugnayan ang dalawa.<\/p>\n<p><strong><em>Buod ng Resulta ng Ikalawang Pag-aaral<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sinuri ng ikawalang pag-aaral ang relasyon ng SS sa ibang tinalakay na konsepto na maaaring kaugnay nito. \u00a0Sa paggamit ng <em>online survey<\/em>, ginamit ang <em>self-report data<\/em> ng mga Pilipinong gumagamit ng <em>Facebook<\/em> upang tingnan kung mayroon ngang makikitang kaugnayan ang SS sa <em>kapwa<\/em>, <em>hiya<\/em>, SDO, <em>agreeableness<\/em>, <em>neuroticism,<\/em> at <em>extraversion<\/em> ng <em>big five personality factors<\/em>, at NSMB.<\/p>\n<p>Nakitaan ng makabuluhang relasyon ang SS sa <em>kapwa<\/em>-EGA (negatibo), <em>agreeableness<\/em> (negatibo), <em>neuroticism<\/em> (negatibo), SDO (positibo), at NSMB (positibo). \u00a0Batay sa mga nakitang relasyon ng SS sa mga konseptong ito, maaaring makabuo ng ilang paglalarawan tungkol sa mga taong posibleng makagawa nito. \u00a0Sa negatibong relasyon ng SS at <em>kapwa<\/em>-EGA, masasabi nating mga tao silang mas naniniwala sa di-pagkakapantay-pantay ng mga taong sinusuportahan din ng positibong relasyon ng SS at SDO, kung saan tumutukoy ang SDO sa paniniwala sa hirarkiya at sa ideyang may mga taong mas mataas o mas mababa sa iba.<\/p>\n<p>Pagdating naman sa pagkatao ng mga posibleng gumagawa ng SS, masasabing sila\u2019y mga taong agresibo at hindi nagbibigay-halaga sa damdamin ng iba (negatibong relasyon ng SS at A). \u00a0Maituturing din ang mga taong ito na padalosdalos sa kanilang ginagawa dahil madali silang maapektuhan ng kanilang mga emosyon at mayron silang maikling pasensya (negatibong relasyon ng SS at N).<\/p>\n<p>Panghuli, mataas din ang posibilidad na ang mga taong may inklinasyon sa paggawa ng SS ay makakagawa rin ng iba pang di-katanggap-tanggap na kilos sa SNS dahil sa positibong relasyon ng dalawa.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGKALAHATANG DISKUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Sa papel na ito, sinubukang tuklasin ang isang kilos na naobserbahan sa internet na tinatawag na SS. \u00a0Inalam sa unang pag-aaral ano ang SS at kung sinu-sino ang mga taong sangkot dito batay sa persepsyon ng mga <em>Facebook user<\/em> na direkta o di-direktang nakaranas nito. \u00a0Ang layunin naman ang ikalawang pag-aaral ay malaman kung mayroon bang makikitang relasyon sa pagitan ng SS at iba pang konsepto. \u00a0Matapos ang proseso ng pagkalap at pagsusuri ng mga datos sa dalawang pag-aaral, pinagtuunan ng pansin kung anu-ano ang mga bagong natuklasan tungkol sa paksa at ano ang kaugnayan ng bawat konsepto sa SS. \u00a0Nakabuo ng pormal na depinisyon para rito at nagkaroon ng tiyak na mga paglalarawan sa kilos at sa mga taong gumagawa nito pati na ang mga posibleng maging target ng SS. \u00a0Nalaman din kung ano ang mga intelektwal na kilos na siyang kadalasang biktima nito. \u00a0Natuklasan din ang katangian ng mga taong namamahiya at ang kanilang mga dahilan sa pagsagawa nito pati na rin ang mga epekto sa mga biktima. \u00a0Napagalaman ding kaugnay ng SS ang paniniwala sa hirarkiya (SDO) at paggawa ng mga negatibong kilos sa SNS (NSMB). \u00a0Nakita ring may relasyon ang SS sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sariling interes ng indibidwal kaysa sa nakararami (<em>kapwa<\/em>-EGA) at ilang aspekto ng pagkatao na ayon sa <em>big five personality factors<\/em> (<em>agreeableness<\/em> at <em>neuroticism<\/em>).<\/p>\n<p>Nabuong pormal na kahulugan ang SS bilang: \u201cisang negatibong reaksyon sa matatalinong tao at intelektwal na kontent sa pamamagitan ng pamamahiya.\u201d\u00a0 Itinuring itong negatibong reaksyon batay sa mga salaysay ng mga kalahok kung ano ang ginawa sa kanila (Pangunahing Tema A). \u00a0Ang deskripsyon ng mga taong posibleng target ng SS ay mula sa mga paglalarawan ng mga target ng SS (Pangunahing Tema F). \u00a0Hindi na muna isinali ang mga natukoy na dahilan sa depinisyon dahil nagmula ito sa perspektibo ng mga taong nakaranas ng SS at may posilidad na hindi ito ang mga natatanging dahilan sa paggawa nito.<\/p>\n<p>Ang mga pangmatalinong kilos <em>online<\/em> sa pamamagitan ng pagpopost at pagkokomentaryo sa SNS ang nagiging target ng SS. \u00a0Karaniwang tumatalakay ang mga ito sa partikular na mga paksa tulad ng pulitika, relihiyon, mga kasalukuyang pangyayari, at iba pang kontrobersyal na isyu. \u00a0Ang mga taong pinanggalingan ng mga ito na itinuturing na matalino ay sinasabing target din ng SS.\u00a0 Maliwanag na makikitang ang unang uri ng paksa ay ang pinakamadalas na mabanggit dahil sa panahon ng eleksyon isinagawa ang pag-aaral kaya naman halos lahat ng kontent <em>online<\/em> ay tumutukoy sa pulitika. \u00a0Gaya ng nabanggit sa diskusyon sa unang pag-aaral, ang usapin ng relihiyon ay isa ring paksa kung saan maaaring mangyari ang SS.\u00a0 Nabanggit na dahil sa pagkakaiba-iba ng relihiyon ng mga tao, magkakaiba rin ang pananaw ng mga ito sa paksa. \u00a0Posibleng mauwi sa SS ang talastasan tungkol sa relihiyon dahil may mga taong mas maalam tungkol sa paksang ito kaysa sa iba. \u00a0Kaakibat nito ang posibilidad na itama ng isang indibidwal ang ibang tao kung mali ang intepretasyon nila sa isang pangrelihiyong konsepto, na siya namang maaaring maging sanhi SS. \u00a0Ang posibleng maging intepretasyon ng iba tao na sa pagtatama ng indibidwal sa kanila\u2019y ipinagyayabang nito ang kanyang talino na siya naman ikinasasama na kanilang loob (Sison 2015). \u00a0Sa parehong paraan din posibleng mangyari ang SS kung ang paksa\u2019y isang kasalukuyang pangyayari o isang kotrobersyal na isyu. \u00a0Maaaring may sinabi ang isang <em>Facebook user<\/em> sa isang diskusyon at may isang sumagot dito na nagbigay ng ebidensya na mali ang kanyang sinabi, maaaring bigyang-kahulugan ang pagtatamang ito sa kanya bilang pangangalandakan ng talino ng sumagot.<\/p>\n<p>Ang isang kontent na pinag-isipang mabuti at nakasalin sa wikang Ingles, madalas na itinuturing na pang-intelektwal na naaalinsunod naman sa paglalarawan ni Sison (2015) sa kung paanong nakikita ng mga Pilipino ang ganitong klase ng kontent. \u00a0Simbolo ang paggamit ng wikang Ingles ng pagiging elitista at kaugnay nito ang paniniwala ng mga Pilipinong tanging ang mga nakakaangat lamang sa buhay ang gumagamit ng wikang ito (Sison 2015). \u00a0Nagkaroon din ng saysay ang paghahambing ni Raymundo (2015) sa SS at <em>crab mentality<\/em> kung pagbabatayan ang persepsyon ng mga kalahok na naniniwala ang mga <em>smart-shamer<\/em> na nakakaangat nga ang mga taong matalino at gagawa ng paraan ang mga ito upang mapababa sila.<em>\u00a0 <\/em>Ayon din kay Madrazo-Sta. Romana (2015), mukhang bahagi na ng kultura ng Pilipinas ang pagturing sa katalinuhan bilang negatibong aspekto ng pagkatao at dahil sa pagiging <em>collectivistic <\/em>ng kultura, nagiging normatibo na ang pagiging hindi matalino kung ito ang iniisip at pinaniniwalaan ng nakararami. \u00a0Dahil dito, itinuturing ang pagiging matalino na pagsaway sa mga norm at nagbubunga ng kahihiyan ang pagsaway na ito ayon kay Hofstede (2011). \u00a0Ngayon itinuturing na hindi naaayon sa mga norm ang pagiging matalino, posibleng isang dahilan sa pagsagawa ng SS ay upang parusahan at kontrolin ang mga taong lumalabag dito katulad ng sa sinabi nina Skoric at mga kasama (2010) na ginagawa ng kanilang kalahok.<\/p>\n<p>Batay sa resulta at temang nabuo sa unang pag-aaral, mukhang maaaring mapabilang ang SS sa isa sa mga uri ng <em>cyber-aggression<\/em>. \u00a0Nabanggit na ni Grigg (2010) ang ilang katangian ng <em>cyber-aggression<\/em> na tumutukoy sa pag-atake sa isang tao sa pamamagitan ng <em>eletronic means<\/em> tulad ng internet at batay sa resulta ng unang pag-aaral, maaari ngang sabihing katulad din ito ng SS. \u00a0Matatandaang iminungkahi ni Grigg (2010) na mas angkop na gamitin ang salitang <em>cyber-aggression<\/em> para sa mga ganitong kilos kaysa <em>cyberbullying<\/em> dahil mas malawak ang sakop nitong mga negatibong kilos. \u00a0Isa sa mga partikular na katangian ng <em>cyberbullying<\/em> ang paulit-ulit na pag-atake sa biktima, hindi ito kadalasang nakikita sa <em>cyber-aggression<\/em> sapagkat hindi kailangang maging paulit-ulit ang paggawa ng mga ito (Grigg 2010). \u00a0Masasabi ring isang uri ng negatibong kilos sa SNS ang SS dahil ang ilan sa mga katangian nito\u2019y katulad ng ilan sa mga binanggit nina Hooper at Kalidas (2012) na mga di-katanggap-tanggap na kilos (<em>e.g.,<\/em> bastos na pananalita o pagmumura, panggugulo sa ibang tao).<\/p>\n<p>Sa kabilang dako, makikita naman ang pagkakatulad ng SS sa <em>slut-shaming<\/em>. \u00a0Tulad ng SS, ang <em>slut-shaming<\/em> ay isa ring kilos na naglalayong ipahiya ang ispesipikong tao sa internet at pareho rin silang maaaring maituring na <em>cyber-aggression<\/em> (Papp <em>et al<\/em>. 2015). \u00a0Isa pa sa mga kapansin-pasing pagkakatulad ng dalawa ang pagturing ng mga tao sa mga biktima na hindi nila sila kapantay\u2014ang taong tinatawag na <em>slut<\/em> sa <em>slut-shaming<\/em> ay itinuturing na mababa habang ang mga taong matalino o <em>smart<\/em> sa SS ay itinuruing na mataas ang lebel\u2014pareho silang ipinapahiya o pinapakitaan ng mga <em>hostile behavior<\/em> sapagkat sila\u2019y mga taong nakagawa ng mga bagay na tingin ng mga taong gumagawa ng kilos na ito\u2019y labag sa pamantayan ng lipunan. \u00a0Ang <em>perceived\/actual sexual activity<\/em> ng mga <em>slut <\/em>(Papp <em>et al<\/em>. 2015) at ang pagiging matalino naman ng ibang tao (Madrazo-Sta. Romana 2015) ang nakikitang dahilan ng pamamahiya sa kanila dahil ang dikta ng lipuna\u2019y dapat hindi mataas ang <em>sexual activity <\/em>ng isang tao, at sa konteksto naman ng Pilipinas, nakikitang negatibo aspekto ng pagkatao ang pagiging matalino (Madrazo-Sta. Romana 2015). \u00a0Nakikita rin ang impluwensya ng mga pagpapahalagang Asyano (Cleary 1991 at Martin at Nakayama 2004 sa Skoric <em>et al.<\/em> 2010) dahil sa ideyang mas maraming Pilipino ang tanggap ang kamangmangan kaysa katalinuhan (Madrazo-Sta. Romana 2015) at maaaring nagagawa ang pamamahiya sa matatalinong tao upang sila\u2019y maging masunurin, sumang-ayon sa kagustuhan ng nakararami, at maging katulad nila.<\/p>\n<p>Nauna nang nabanggit nina Clemente at mga kasama (2017) na hindi pormal na itinakda ang mga norm <em>online <\/em>at nakadepende ang mga katanggap-tanggap kilos sa kung ano ang ginagawa ng karamihan. \u00a0Kung itiuturing na di-katanggap-tanggap ang pagpopost at pagko- komentaryo ng intelekwal na kontent sa SNS, posibleng makatanggap ng SS ang pinagmulan ng kontent na ito. \u00a0May mga epekto ang SS sa damdamin at kilos ng mga taong nakakaranas nito. \u00a0May mga taong nakaramdam ng pagkabigo at pagkalungkot dahil pakiramdam nilang dapat humingi ng paumanhin ang matatalinong tao dahil sa lawak ng kanilang kaalaman, nakukulong sa mga paksang sang-ayon sa nakararami at pinipilit na mag-isip sa tradisyunal na paraan (o ang pagsunod sa nakasanayan). \u00a0Matapos mapahiya, marami sa mga kalahok ay nawalan na ng gana na makipag-talastasan sa ibang tao <em>online<\/em> at umiiwas na rin sa mga diskusyon upang maiwasan ang mapahiya pang muli. \u00a0Sumasang-ayon ang nalamang resulta sa mga nabanggit ng mga may-akda tungkol sa <em>online shaming<\/em> (Skoric <em>et al.<\/em> 2010). \u00a0Maaaring mauwi sa mga personal na atake at pamamahiya sa publiko sa taong nakagawa ng paglabag sa norm kapag hindi na kontrol ayon kina Skoric at mga kasama (2010). \u00a0Maituturing ang mga atakeng ito na mga <em>digital stressor<\/em> ayon kina Emily Weinstein at Robert Selman (2016) at maaaring magbunga ng pagsakit ng damdamin. \u00a0Bilang karagdagan, napag-alamang ang mga biktma ng <em>cyberbullying<\/em> at <em>slut-shaming<\/em>, pati na rin ang mga nang-<em>bully<\/em> sa SNS ay nakakaranas ng iba\u2019t ibang problema tulad ng sa pisikal at sikolohikal na suliranin pati na rin ang pagkakaroon ng mababang <em>academic achievement<\/em> kumpara sa mga di-kasangkot dito (Kowalski at Limber 2013 sa Papp <em>et al<\/em>. 2015). \u00a0Nabanggit din ni Qing Li (2007) na mataas ang bilang ng kabataang nakakaranas ng <em>cyberbullying<\/em> kaya itinuturing nang isang lumalaking problema ito ng mga paaralan at ng lipunan.<\/p>\n<p>Nagbibigay-suporta ang kinasapitan ng unang pag-aaral sa mga obserbasyon ng mga may-akda ng mga artikulo tungkol sa SS (Brittany 2012; Madrazo-Sta. Romana 2015; Raymundo 2015; Sison 2015). \u00a0Nagsilbing ebidensya ang mga ibinigay na paglalarawan ng karanasan ng mga kalahok na mayroon ngang kilos na nakakapagpahiya sa mga taong itinuturing na matalino. \u00a0Sa mga deskripsiyon ding ito naipakitang mayroon ngang mga taong nagsasabi ng katagang \u201cIkaw na matalino!\u201d at iba pa tulad ng mga binanggit ni Raymundo (2015). \u00a0Batay sa resulta, mas nagkaroon pa ng kalinawan kung anong klaseng mga kilos ang maaaring matawag na SS. \u00a0Natuklasan ding may dalawang paraan sa pagpapahiya: ang direkta, na kadalasang inilalarawan ng literatura (Madrazo-Sta. Romana 2015; Raymundo 2015; Sison 2015) at ang di-direkta, na hindi inaasahang lumitaw mula sa datos. \u00a0Marahil hindi lahat ng mga <em>smart-shamer<\/em> ay gustong sabihin ng diretso ang kanilang naiisip kaya naman ipinahahayag nila ito sa ibang paraan. \u00a0Bukod pa sa mga ito, nakabuo rin ng listahan ng mga katangian ng parehong <em>smart-shamer<\/em> at <em>smart-shamed<\/em> na batay sa persepsyon ng mga nakaranas nito. \u00a0Isa rin itong mahalagang karagdagan sa literatura ng SS dahil napapalawak pa nito ang pag-unawa sa penomenon dahil hindi na lamang limitado sa obserbasyon ng kilos kundi mayroon na ring deskripsyon ng mga taong sangkot dito. \u00a0Isa sa mga posibleng makapagpaliwanag kung bakit may mga gumagawa ng SS ang <em>online disinhibition effect<\/em> (Suler 2004). \u00a0Ayon dito, mas nagkakaroon ng kalayaan ang isang taong gawin o sabihin ang anumang gustuhin niya dahil may paniniwala ang mga taong gumagamit ng internet na hindi kakabit ng kanilang tunay na pagkatao ang kanilang mga ginagawa at sinasabi sa internet. \u00a0Kung titingnan ang resulta, mukhang tugma ang mga salaysay ng kalahok sa mga deskripsyon sa isang uri ng <em>online disinhibition<\/em>: ang <em>toxic dishinhibition<\/em>, kung saan nakakagawa ng mga bagay ang mga tao na hindi nila ginagawa sa kanilang buhay sa labas ng internet tulad ng bastos na pananalita, pagbibigay ng nakakasakit na kritisismo, pagkagalit, at pagbabanta sa ibang tao (Suler 2004).<\/p>\n<p>Dahil sa unang pag-aaral, naitakda ang SS bilang isang sikolohikal na konsepto at nakabuo na rin ng panukat nito mula sa resulta. \u00a0Ngayong mayroon nang paraan upang masukat ang SS, nagbigay-daan ito para naisakatuparan ang layunin ng ikawalang pag-aaral: ang pag-ungkat sa posibleng ugnayan nito sa mga konseptong natalakay tulad ng <em>kapwa<\/em>, <em>hiya<\/em>, SDO, <em>big five personality factors,<\/em> at NSMB.<\/p>\n<p>Ang unang <em>personality factor<\/em> na nagkaroon ng relasyon (negatibo) sa SS ay ang <em>agreeableness <\/em>(A). \u00a0Ayon kina Sebastiaan Rothmann at Elize Coetzer (2003), ang isang <em>agreeable<\/em> o hiyang na tao ay hindi makasarili, madaling makasundo, at gustong tumulong sa iba. \u00a0Dahil negatibo ang relasyon, ibig sabihin, kapag mababa ang lebel nito sa isang tao, mataas ang posibilidad ng pagsagawa ng SS. \u00a0Posibleng ang taong ito\u2019y mas gustong itaas ang sarili at mas tatanggapin ang sariling opinyon kaysa sa iba. \u00a0Maaari ring paraan ang pagpapahiya nito sa ang mga salungat sa kanyang mga ideya upang maiangat ang sarili.\u00a0 Sinasalamin din ang kababaan ng lebel ng A ng pagiging agresibo ayon kina Clemente at mga kasama (2017), kung gayon, mataas din ang posibilidad na gumawa ng SS ang taong may ganitong lebel ng A dahil kung ikukumpara sa taong kalmado (mataas na A), mas may posibilidad na hindi makasundo ng isang agresibong indibidwal ang kanyang kausap.\u00a0 Sang-ayon din ang ugnayang nakita sa resulta ng pag-aaral nina Kokkinos at mga kasama (2016) na may negatibong relasyon ang A sa mga negatibong gawain sa <em>Facebook<\/em> tulad ng <em>cyberbullying<\/em>. \u00a0Maihahambing din ang resulta tungkol sa relasyon ng SS at ang kaugnayan nito sa A sa nakitang resulta nina Kokkinos at mga kasama (2016) kung saan mababa ang lebel ng A ng mga taong madalas gumawa ng <em>cyberbullying<\/em>.<\/p>\n<p>Negatibo rin ang relasyon ng SS at <em>personality factor<\/em> na <em>neuroticism<\/em> (N). \u00a0Sa unang tingin, nakapagtatakang negatibo ang relasyon ng dalawa dahil sinasabing inilalarawan ng mataas na lebel ng N ang mga taong di-matatag ang emosyon at madaling maudyukan. \u00a0Dapat kung mataas ang inklinasyong ng gumawa ng SS, dapat positibo dapat ang magiging ugnayan ng dalawa. \u00a0Ang posibleng dahilan nito\u2019y ang ginamit ng <em>polarity<\/em> ng instrumentong TIPI sa <em>neuroticism<\/em>. \u00a0Ang <em>emotional stability<\/em> (ES) o ang mababang lebel ng N ang ginamit na batayan ng mga aytem ng TIPI, kaya kung mataaas ang iskor ng isang tao sa dimensyon ng ES sa TIPI, ibig sabihinm mababa ang N nito\u2014kaya naman negatibo ang relasyon nito sa SS.\u00a0 Sa literatura, walang nakitang relasyon ang N at mga <em>Facebook related behavior<\/em> (Gosling <em>et al<\/em>. 2012) dahil mga <em>neutral behavior<\/em> ang mga kilos na pinag-aralan tulad ng daming ng oras na naka-<em>log in<\/em> at pagtingin sa mga <em>page<\/em>. \u00a0Itinuring ang SS na di-katanggap-tanggap na kilos sa SNS (<em>negative behavior<\/em>) at ang nakitang relasyon nito sa N ay mayroong pa ring halaga dahil isa ito sa mga nakitang makabuluhang relasyon sa pagitan ng isang <em>personalilty factor<\/em> at isang di-katanggap-tanggap na kilos sa SNS.<\/p>\n<p>May positibong relasyon sa SS ang SDO. \u00a0Sinasabi ng ebidensyang ito na kung may inklinasyon ang taong maniwala sa sistemang may di-pagkakapantay-pantay na katayuan sa lipunan, mataas din ang posibilidad gumawa ito ng SS. \u00a0May saysay naman ang nakitang relasyon ng dalawa. \u00a0Kung babalikan ang sinasabi ng <em>social dominance theory<\/em>, ang paniniwala ng mga tao na may di-pagkakapantay-pantay sa lipunan (Pratto <em>et al.<\/em> 1994; Ho <em>et al.<\/em> 2015) ay maaaring makita sa persepsyon ng mga gumagawa ng SS na mas nakakaangat sa kanila ang mga taong matatalino. \u00a0Kung gagawing batayan ito, posible ngang magkaugnay ang SS at SDO dahil ang pagsagawa ng SS ay maaaring repleksyon ng paggawa ng mga tao ng paraan upang mawala ang di-pagkakapantay-pantay sa lipunan, kung saan ang paniniwalang ito\u2019y siya namang sinasalamin ng kanilang lebel ng SDO.<\/p>\n<p>Marapat ding bigyan ng pansing ang paniniwalang <em>egalitarian<\/em> ng <em>kapwa<\/em> ay may mahinang at negatibong relasyon sa SS. \u00a0Ating makikita sa resultang ito na ang mga taong may mataas na inklinasyon sa paggawa ng SS ay may mababang lebel ng <em>egalitarian<\/em> na paniniwala.\u00a0 Sumang-ayon naman ang resultang ito sa palagay ng mananaliksik. \u00a0Mukhang mas pinahahalagahan ng mga taong may mababang lebel ng <em>kapwa<\/em>-EGA ang interes na pansarili bago ang kapakanan ng iba at sinasalamin ng paggawa ng SS ang pagnanais na mapababa ang matatalinong tao dahil naniniwala silang sa ideya ng di-pagkakapantay-pantay o <em>inequality<\/em>. \u00a0Isang gabay sa pagkilos ang konsepto ng <em>kapwa<\/em> ayon kina Alampay at Joscson (2011), batay rito, nagkakaroon ng saysay ang negatibong relasyon ng <em>kapwa<\/em>-EGA at SS dahil kung hindi nga naman naniniwala ang isang indibidwal na kapantay nito ang isang tao, may katwiran ito upang gawin ang SS bilang isang paraan na mapagpantay ang kanilang lebel.<\/p>\n<p>Naniniwala ang mananaliksik na makapagbibigay ang resulta ng dalawang pag-aaral ng kontribusyon sa pag-unawa sa mga kilos na itinuturing na negatibo <em>online<\/em> sa konteksto ng Pilipinas. \u00a0Ang kasalukuyang pananaliksik ay isang paraan ng pagsusuri ng lokal na kilos na nakapagbigay ng resultang angkop sa konteksto ng mga Pilipino. \u00a0Sinasabi ni Clemente (2011) nasasailalim sa SP ang ganitong klase ng pananaliksik. \u00a0Isa sa mga pangunahing layunin ng pananaliksik sa SP ay makabuo ng sikolohiyang nakabatay sa mga karanasan, ideya, at oryentasyon ng mga Pilipino, anuman ang katayuan nila sa buhay, at gumagamit ng mga metodong angkop sa ating kultura (Clemente 2011). \u00a0Bukod pa rito, maituturing ding isang <em>topical indigenization<\/em> ang pananaliksik dahil may kaugnayan ito sa mga isyu ng lipunan at mga miyembro nito (Church at Katigbak 2002 sa Clemente 2011).<\/p>\n<p>Matatandaang binanggit nina Wilson at mga kasama (2012) ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa mga SNS tulad ng <em>Facebook<\/em> dahil nagbibigay ito ng oportunidad upang masuri nang maigi ang mga kilos na naoobserbahan <em>online<\/em>. \u00a0Dagdag pa nina Anderson at mga kasama (2012) na lalong napapalawak ang pag-unawa sa mga epekto internet sa buhay ng tao ng mga pananaliksik tungkol sa mga penomemon sa SNS at mga taong gumagamit nito. \u00a0Binigyan din ng importansya nina Anderson at mga kasama (2012) ang pagkakaroon pa ng mas malalim na kaalaman tungkol sa mga sikolohikal na prosesong nakakaapekto sa mga kilos ng tao sa konteksto ng SNS. \u00a0Nagkaroon ng kontribusyon ang kasalukuyang pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang kilos na naoobserbahan <em>online<\/em> (ang SS). \u00a0Naging daan din ang pananaliksik upang mapalawak ng pag-unawa ng SS, ito\u2019y dahil sa: 1) ang mga nabuong tema mula sa karanasan ng mga kalahok ay nakadagdag sa kaalaman tungkol sa depinisyon at deskripsyon ng SS; 2) ang mga kaugnayang naungkat sa pagitan ng SS at iba pang konsepto ay nagbigay-linaw sa kung anong mga sikolohikal na proseso at teorya ang maaaring makapagpaliwanag ng kilos na ito; 3) ang pagtuon sa negatibong kilos <em>online<\/em> ay nakatulong sa pagpapalago ng literatura tungkol dito (bagay na binigyang-diin nina Anderson at mga kasama 2012); at 4) ang kombinasyon ng paggamit ng katutubong konsepto (<em>kapwa<\/em> at <em>hiya<\/em>) at Kanluranin (SDO at <em>big five personality factors<\/em>) sa <em>digital<\/em> na konteksto ay nakapag-ambag sa pangangailangan ng <em>revalidation<\/em> ng mga konseptong ito na nabuo bago ang pagdating ng makabagong teknolohiya (Anderson <em>et al.<\/em> 2012).<\/p>\n<p>Panghuli, magbubukas ng pinto ang pagkakaroon ng pormal na depinisyon ng SS para sa iba pang interesadong mananaliksik at makapagbibigay ng daan upang lalo pang maintindihan ang mga ganitong klase ng kilos <em>online<\/em>. \u00a0Dahil likas na negatibo ang SS, makatutulong sa mga propesyunal ang pagkakaroon ng mas maigting na pag-unawa rito upang makabuo sila ng mga paraan para mabawasan o mapigilan ito. \u00a0Ang pagbibigay-atensyon sa paglitaw ng SS bilang isang negatibong kilos <em>online<\/em> ay makakapag-bigay rin ng kaalaman at kamalayan sa mga karaniwang mga <em>user<\/em> ng <em>Facebook<\/em>.<\/p>\n<p>Mahalagang tukuyin ang ilan sa mga limitasyon ng mga pag-aaral at kaugnay nito, magbibigay ng mga rekomendasyon upang magkaroon ng ideya ang iba pang mananaliksik na interesadong pag-aralan ang konsepto ng SS. \u00a0Pagdating sa mga kalahok, higit sa kalahati (50.3%) ang mga may edad na 18 hanggang 24 taong gulang kaya malakas ang impluwensya ng mga ito kaysa sa ibang grupo ng edad sa nakitang resulta ng pag-aanalisa ng mga datos.\u00a0 Ipinapakita nitong mas nagkakaroon ng repleksyon ang mga 18-24 gulang sa resulta kung ikukumpara sa mga mas nakakabata o mas nakakatanda. \u00a0Iminumungkahing kumuha ng sapat na bilang ang interesadong mananaliksik sa iba pang grupo ng edad upang maayos na maihambing ang inklinasyon sa SS ng iba\u2019t ibang henerasyon. \u00a0Posible ring tingnan ang kaibahan ng mga lalake at babae pagdating sa SS.\u00a0 Maaaring alamin kung aling kasarian ang mas may inklinasyon sa paggawa ng SS. \u00a0Ang panghuling limitasyon pagdating sa mga kalahok ay ang kanilang tahanang rehiyon dahil karamihan ng mga pinadalahan ng <em>survey link<\/em> ay mga kaibigan at kakilala ng mananaliksik, mataas ang posibilidad na ang malaking bahagi ng mga kalahok ay nakatira sa <em>National Capital Region<\/em> (NCR) o hindi kaya nama\u2019y sa Gitnang Luzon. \u00a0Mukhang magiging mas makabuluhan ang resulta ng pag-aaral kung mayroon ding mga kalahok mula sa iba pang rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.<\/p>\n<p>Ang metodong ginamit sa unang pag-aaral ay <em>exploratory interview <\/em>at ginawa ito sa pamamagitan ng <em>chat\/instant messaging<\/em>. \u00a0Natalakay na ang mga dahilan kung bakit mainam itong gamitin sa mga penomenong nangyayari sa internet ngunit tulad ng dali sa pag-<em>code<\/em> ng transkrip at <em>accessibility<\/em> ng mga kalahok. \u00a0Ngunit sa kabila nito, may limitasyon pa ring hatid ang metodong ito dahil posibleng hindi buo ang atensyon ng mga kalahok sa <em>chat interview<\/em> sa pagsagot sa mga tanong ng mananaliksik dahil hindi sila harapang nag-uusap.\u00a0 Mas matagal din ang ginugol na oras sa pag-uusap sa <em>chat<\/em> (tatlong oras at higit pa) kumpara sa kadalasang oras ng harapang panayam (humigit-kumulang isang oras) kaya posibleng nainip sa pagsagot ang mga kalahok. \u00a0Para sa mga gusto pang palalimin ang pagkaunawa sa SS, posibleng gumamit pa ng ibang kwaalitatibong metodo tulad ng <em>ginabayang talakayan<\/em> (GT). \u00a0Sa pamamagitan nito, maaaring makakuha pa ng ibang salaysay, karanasan, at obserbasyon ang mga kalahok ng GT na makapagpapakapal pa sa laman ng mga temang nabuo sa unang pag-aaral. \u00a0Ang mga datos na makakalap ay maaari ring gamitin sa <em>data triangulation<\/em> kasama ng resulta sa <em>chat interview<\/em> upang makumpirma kung talagang tama at makatotohanan ang mag resulta ng pananaliksik.<\/p>\n<p>Pagdating sa mga materyal na ginamit, isang malaking limitasyon ang pagkakagawa ng SSS dahil kailangan pang sumailalim sa iba pagsusuri ng bisa (<em>validity<\/em>) at katatagan (<em>reliability<\/em>) nito. \u00a0Noong binuo ang iskalang ito, dumaan pa lamang ito sa <em>face validation<\/em> at <em>internal consistency test<\/em>. \u00a0Kung magiging mas matatag at mabisa ang SSS, mas magiging tiyak ang pagsukat nito sa SS at maaari ring mas magkaroon ng kalinawan ang relasyon nito sa iba pang konsepto. \u00a0Sa kaso ng <em>online survey<\/em>, mga <em>self-report<\/em> ang mga datos na nakakalap nito na posibleng maapektuhan ng <em>social desirability<\/em> o ang inklinasyon ng mga kalahok ng magbigay ng mga kaaya-ayang sagot. \u00a0Bilang karagdagan, may kahabaan din ang <em>survey<\/em>, umabot ng higit sa 79 na aytem ang sinagot ng mga kalahok kaya maaari ring napagod sila sa pagsagot at hindi na seryosong sinagot ang ilan sa mga tanong o aytem. \u00a0Kung sakali mang may mga isasagawang pag-aaral sa SS at ang ugnayan nito sa ibang konsepto, iminumungkahing gumamit ng mas maikling <em>survey<\/em> at pagtibayin pa ang SSS upang maiwasan ang mga limitasyong ito.<\/p>\n<p>Panghuli, hindi lahat ng mga konseptong tinalakay ay nagkaroon ng makabuluhang ugnayan sa SS (<em>e.g.,<\/em> <em>hiya<\/em>, <em>kapwa<\/em>-SIR, at <em>extraversion<\/em>). \u00a0Maaaring isa rin itong epekto ng paggamit ng SSS, ngunit sa kabilang banda, may posibilidad ding hindi talaga magkaugnay ang mga konseptong ito. \u00a0Isa sa mga mungkahing pag-aralang <em>variable <\/em>at suriin ang kaugnayan nito sa SS ng <em>anti-intellectualism<\/em> na binanggit ni Madrazo-Sta. Romana (2015) sa kanyang artikulo kung saan sinasabing parte na ito ng ating kultura. \u00a0Ang dalas ng paggamit ng SNS tulad ng <em>Facebook<\/em> ay maaari ring hanapan ng relasyon sa SS\u2014kung ang mga madalas ba o ang mga madalang gumamit nito ang mas may inklinasyon sa paggawa ng SS.<\/p>\n<p>Ang pananaliksik na ito ang unang hakbang sa pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga kilos na unti-unting kumakalat sa mga SNS, ngunit kailangan pang magkaroon ng mas malawak na pagkalap ng datos kung bubuo ng deskripsyon na angkop para sa lahat ng Pilipino. \u00a0Alalahanin ang ang mga nabuong tema ay batay sa mga persepsyon ng mga taong direkta o di-direktang nakaranas ng SS.\u00a0 Maaaring iba ang malalamang obserbasyon at karanasan kung manggagaling naman ang datos mula sa mga gumagawa ng SS.\u00a0 Nangangailangan pa rin ng mga karagdagang pag-aaral upang mapagtibay ang pundasyong nabuo at may iba pang salik ang maaaring suriing may posibleng kaugnayan sa SS. \u00a0Umaasa ang may-akda na maka-engganyo ang pananaliksik na ito ng iba pang mananaliksik upang pag-aralan ang konsepto ng SS.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Alampay, L.P. at M.R.M. Jocson (2011, Hulyo). \u00a0Attributions and attitudes of mothers and fathers in the Philippines. \u00a0<em>Parenting<\/em>, 11 (2-3), 163-176.<\/p>\n<p>Anderson, B., P. Fagan, T. Woodnutt, at T. Chamorro-Premuzic (2012, Enero). \u00a0Facebook psychology: Popular questions answered by research. \u00a0<em>Psychology of Popular Media Culture<\/em>, 1 (1), 23-37.<\/p>\n<p>Balakrishnan, V. (2015, Mayo). \u00a0Cyberbullying among young adults in Malaysia: The roles of gender, age and Internet frequency. \u00a0<em>Computers in Human Behavior<\/em>, 46, 149-157.<\/p>\n<p>Baldasare, A., S. Bauman, L. Goldman, at A. Robie (2012).\u00a0 Cyberbullying? Voices of college students.\u00a0 <em>Cutting-edge Technologies in Higher Education<\/em>, 5, 127\u2013155.<\/p>\n<p>Barlett, C.P., D.A. Gentile, C.A. Anderson, K. Suzuki, A. Sakamoto, A. Yamaoka, at R. Katsura (2014, Pebrero).\u00a0 Cross-cultural differences in cyberbullying behavior: A short-term longitudinal study. \u00a0<em>Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 45 (2), 300-313.<\/p>\n<p>Baronia-Locson, E.L.C. (2012, Oktubre 20-23).\u00a0 Impact of cyberbullying among selected high school students in Philippines, 2011.\u00a0 Di-nalathalang papel, 2012 American Academy of Pediatrics (AAP) National Conference and Exhibition, New Orleans, Louisian, USA.<\/p>\n<p>Bauman, S. (2010, Disyembre). \u00a0Cyberbullying in a rural intermediate school: An exploratory study. \u00a0<em>Journal of Early Adolescence<\/em>, 30 (6), 803-833.<\/p>\n<p>Bernardo, A.B. (2013). \u00a0Social dominance orientation and attitudes towards the poor: Contrasting lower and higher socioeconomic groups in the Philippines. \u00a0<em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 46 (1), 39-69.<\/p>\n<p>Bohnert, D. at W.H. Ross (2010, Hunyo). \u00a0The influence of social networking web sites on the evaluation of job candidates. \u00a0<em>Cyberpsychology, Behavior, and Social Networking<\/em>, 13 (3), 341-347.<\/p>\n<p>Brack, K. at N. Caltabiano (2014). Cyberbullying and self-esteem in Australian adults.\u00a0 <em>Cyberpsychology:<\/em> <em>Journal of Psychosocial Research on Cyberspace<\/em>, 8 (2).<\/p>\n<p>Braun, V. at V. Clarke (2006, Hulyo). \u00a0Using thematic analysis in psychology. \u00a0<em>Qualitative Research in Psychology<\/em>, 3 (2), 77-101.<\/p>\n<p>Brittany (2012, Enero 16). \u00a0On smart shaming. \u00a0Nakuha noong Hulyo 5, 2017, mula sa Brittany Blog: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/7tTfn4\">https:\/\/goo.gl\/7tTfn4<\/a>.<\/p>\n<p>Bulatao, J.C. (1964, Hulyo). \u00a0Hiya. \u00a0<em>Philippine Studies<\/em>, 12 (3), 424-438.<\/p>\n<p>Cassidy, W., W. Jackson, at K.N. Brown (2009, Agosto). \u00a0Sticks and stones can break my bones, but how can pixels hurt me? \u00a0Students\u2019 experiences with cyberbullying. \u00a0<em>School Psychology International<\/em>, 30 (4), 383-402.<\/p>\n<p>Christofides, E., A. Muise, at S. Desmarais (2009, Hunyo). \u00a0Information disclosure and control on Facebook: Are they two sides of the same coin or two different processes?\u00a0 <em>CyberPsychology &amp; Behavior<\/em>, 12 (3), 341-345.<\/p>\n<p>Church, A.T. (1987, Setyembre). \u00a0Personality research in a non-Western culture: The Philippines.\u00a0 <em>Psychological Bulletin<\/em>, 102 (2), 272-292.<\/p>\n<p>Clemente, J.A. (2011, Enero-Hunyo). \u00a0An empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Philippine Social Sciences Review<\/em>, 63 (1), 1-34.<\/p>\n<p>Clemente, J.R., A.R. Galang, A.T. at Arpon (2017, Nobyembre). Sino ang may hiya at sino naman ang wala? Paunang pagtitibay sa panukat ng hiya bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 <em>DIWA E-Journal, <\/em>5, 39-73.<\/p>\n<p>Corcoran, L., C.M. Guckin, at G. Prentice (2015, Hunyo). \u00a0Cyberbullying or cyber aggression?: A review of existing definitions of cyber-based peer-to-peer aggression. <em>Societies<\/em>, 5 (2), 245-255.<\/p>\n<p>Cybersafe (2015). \u00a0<em>Cybersafe survey 2015<\/em>.\u00a0 Oriental Mindoro: Stairway Foundation, Inc.<\/p>\n<p>Desai, M. (2016, Mayo). \u00a0Critical \u201cKapwa\u201d: Possibilities of collective healing from colonial trauma.\u00a0 <em>Educational Perspectives<\/em>, 48 (1-2), 34-40.<\/p>\n<p>Dholakia, U.M. at E. Durham (2010, Marso). \u00a0One caf\u00e9 chain\u2019s Facebook experiment. \u00a0<em>Harvard Business Review<\/em>, 88 (3), 26.<\/p>\n<p>Eigenberger, M.E. at K.A. Sealander (2001, Oktubre). \u00a0A scale for measuring students&#8217; anti-intellectualism. \u00a0<em>Psychological Reports<\/em>, 89 (2), 387-402.<\/p>\n<p>Gosling, S.D., A.A. Augustine, S. Vazire, N. Holtzman, at S. Gaddis (2011, Setyembre). \u00a0Manifestations of personality in online social networks: Self-reported Facebook-related behaviors and observable profile information. \u00a0<em>Cyberpsychology, Behavior and Social Networking<\/em>, 14 (9), 483-488.<\/p>\n<p>Gosling, S.D., P.J. Rentfrow, at W.B. Swann (2003, Disyembre). \u00a0A very brief measure of the Big-Five personality domains. \u00a0<em>Journal of Research in Personality<\/em>, 37 (6), 504-528.<\/p>\n<p>Gosling, S.D., S. Gaddis, at S. Vazire (2007).\u00a0 Personality impressions based on Facebook profiles.\u00a0 <em>ICWSM<\/em>, 7, 1-4.<\/p>\n<p>Grigg, D.W. (2010). \u00a0Cyber-aggression: Definition and concept of cyberbullying. \u00a0<em>Australian Journal of Guidance and Counselling<\/em>, 20 (2), 143-156.<\/p>\n<p>Gross, R. at A. Acquisti (2005). \u00a0Information revelation and privacy in online social networks. Nasa Association for Computing Machinery (pat.), <em>Proceedings of the 2005 ACM workshop on privacy in the electronic society<\/em>.\u00a0 New York: Association for Computing Machinery, 71-80.<\/p>\n<p>Gruber, T., I. Szmigin, A.E. Reppel, at R. Voss (2008). \u00a0Designing and conducting online interviews to investigate interesting consumer phenomena. \u00a0<em>Qualitative Market Research: An International Journal<\/em>, 11 (3), 256-274.<\/p>\n<p>Ho, A.K., J. Sidanius, N. Kteily, J. Sheehy-Skeffington, F. Pratto, K.E. Henkel, R. Foels, at A.L. Stewart (2015, Disyembre). \u00a0The nature of social dominance orientation: Theorizing and measuring preferences for intergroup inequality using the new SDO7 scale. \u00a0<em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 109 (6), 1003-1028.<\/p>\n<p>Hofstede, G. (2011). \u00a0Dimensionalizing cultures: The Hofstede model in context<em>. \u00a0Online Readings in Psychology and Culture<\/em>, 2 (1), 1-26.<\/p>\n<p>Hooper, V. at T. Kalidas (2012, Nobyembre). \u00a0Acceptable and unacceptable behaviour on social networking sites: A study of the behavioural norms of youth on Facebook.\u00a0 <em>Electronic Journal of Information Systems Evaluation<\/em>,\u00a015 (3), 259-268.<\/p>\n<p>Jylh\u00e4, K.M., C. Cantal, N. Akrami, at T.L. Milfont (2016, Agosto). \u00a0Denial of anthropogenic climate change: Social dominance orientation helps explain the conservative male effect in Brazil and Sweden. \u00a0<em>Personality and Individual Differences<\/em>, 98, 184-187.<\/p>\n<p>Kazmer, M.M. at B. Xie (2008, Marso). \u00a0Qualitative interviewing in Internet studies: Playing with the media, playing with the method. \u00a0<em>Information, Community and Society<\/em>, 11 (2), 257-278.<\/p>\n<p>Kokkinos, C.M., E. Baltzidis, at D. Xynogala (2016, Pebrero). \u00a0Prevalence and personality correlates of Facebook bullying among university undergraduates. \u00a0<em>Computers in Human Behavior<\/em>, 55, 840-850.<\/p>\n<p>Kraft, E. (2006). \u00a0Cyberbullying: A worldwide trend of misusing technology to harass others.\u00a0 <em>WIT Transactions on Information and Communication Technologies<\/em>, 36, 155-166.<\/p>\n<p>Kteily, N.S., J. Sheehy-Skeffington, at A.K. Ho (2016, Mayo). \u00a0Hierarchy in the eye of the beholder: (Anti-)egalitarianism shapes perceived levels of social inequality<em>. Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 112 (1), 136-159.<\/p>\n<p>Lee, E.B. (2017, Enero). \u00a0Cyberbullying: Prevalence and predictors among African-American young adults<em>. \u00a0Journal of Black Studies<\/em>, 48 (1), 57-73.<\/p>\n<p>Li, Q. (2007, Hulyo). \u00a0New bottle but old wine: A research of cyberbullying in schools. \u00a0<em>Computers in Human Behavior<\/em>, 23 (4), 1777-1791.<\/p>\n<p>Li, Q. (2008, Setyembre). \u00a0A cross-cultural comparison of adolescents\u2019 experience related to cyberbullying. \u00a0<em>Educational Research<\/em>, 50 (3), 223-234.<\/p>\n<p>Madrazo-Sta. Romana, J. (2015, Hulyo 6). \u00a0Smart-shaming and our Pinoy culture of anti-intellectualism. \u00a0Nakuha noong Marso 29, 2016, mula sa GMA News Online: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/DA2pJO\">http:\/\/goo.gl\/DA2pJO<\/a>.<\/p>\n<p>Marcelino, E.P. (1990, Oktubre). \u00a0Towards understanding the psychology of the Filipino. \u00a0<em>Women &amp; Therapy<\/em>, 9 (1-2), 105-128.<\/p>\n<p>McCrae, R.R. at O.P. John (1992, Hunyo).\u00a0 An introduction to the five\u2010factor model and its applications.\u00a0 <em>Journal of Personality<\/em>, 60 (2), 175-215.<\/p>\n<p>Mishna, F., C. Cook, T. Gadalla, J. Daciuk, at S. Solomon (2010). \u00a0Cyberbullying behaviors among middle and high school students. \u00a0<em>American Journal of Orthopsychiatry<\/em>, 80, 362\u2013374.<\/p>\n<p>Ms. Magazine (2010, Disyembre 10).\u00a0 My little homophobic, racist, smart-shaming pony.\u00a0 Nakuha noong Hulyo 5, 2017, mula sa Ms. Magazine Twitter: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/5ohcBt\">https:\/\/goo.gl\/5ohcBt<\/a>.<\/p>\n<p>Nadkarni, A. at S.G. Hofmann (2012, Agosto). \u00a0Why do people use Facebook? \u00a0<em>Personality &amp; Individual Differences<\/em>, 52 (3), 243-249.<\/p>\n<p>Nilan, P., H. Burgess, M. Hobbs, S. Threadgold, at W. Alexander (2015, Hulyo-Disyembre). \u00a0Youth, social media, and cyberbullying among Australian youth: \u201cSick Friends.\u201d <em>Social Media + Society<\/em>, 1 (2), 1-12.<\/p>\n<p>Nixon, C.L. (2014). \u00a0Current perspectives: The impact of cyberbullying on adolescent health.\u00a0 <em>Adolescent Health, Medicine and Therapeutics<\/em>, 5, 143-158.<\/p>\n<p>No Bullying (2015, Disyembre 22). \u00a0Cyber bully. \u00a0Nakuha noong Enero 20, 2016, mula sa No Bullying Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/GbdLM5\">https:\/\/goo.gl\/GbdLM5<\/a>.<\/p>\n<p>Opdenakker, R. (2006). \u00a0Advantages and disadvantages of four interview techniques in qualitative research. \u00a0<em>Forum: Qualitative Sozialforschung\/Forum: Qualitative Social Research<\/em>, 7 (4), 1-13.<\/p>\n<p>Papp, L.J., C. Hagerman, M.A. Gnoleba, M.J. Erchull, M. Liss, H. Miles-McLean, at C.M. Robertson (2015, Marso). \u00a0Exploring perceptions of slut-shaming on Facebook: Evidence for a reverse sexual double standard. \u00a0<em>Gender Issues<\/em>, 32 (1), 57-76.<\/p>\n<p>Pe\u2010Pua, R. at E.A. Protacio\u2010Marcelino (2000, Abril). \u00a0Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez. \u00a0<em>Asian Journal of Social Psychology<\/em>, 3 (1), 49-71.<\/p>\n<p>Popkins, N.C. (1998). \u00a0The five-factor model: Emergence of a taxonomic model for personality psychology. \u00a0Nakuha noong Hunyo 17, 2017, mula sa Great Ideas in Personality Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/y11A5m\">https:\/\/goo.gl\/y11A5m<\/a>.<\/p>\n<p>Pratto, F., J. Sidanius, L.M. Stallworth, at B.F. Malle (1994, Oktubre). \u00a0Social dominance orientation: A personality variable predicting social and political attitudes. \u00a0<em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 67 (4), 741-763.<\/p>\n<p>Quinn, D., L. Chen, at M. Mulvenna (2011, Oktubre). \u00a0Does age make a difference in the behaviour of online social network users?\u00a0 Nasa Institute of Electircal and Electronics Engineers, Inc. (IEEE) (pat.), <em>Proceedings: 2011 IEEE International Conference on Internet of Things (iThings\/CPSCom) and Cyber, Physical and Social Computing<\/em>.\u00a0 New Jersey: Institute of Electircal and Electronics Engineers, Inc., 266-272.<\/p>\n<p>Raymundo, K.E. (2015, Abril 24). \u00a0Smart-shaming. \u00a0Nakuha noong Marso 11, 2017, mula sa Smart-shaming Blog: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/YubJkm\">https:\/\/goo.gl\/YubJkm<\/a>.<\/p>\n<p>Richter, K. (2010, Disyembre 9). \u00a0My little homophobic, racist, smart-shaming pony. \u00a0Nakuha noong Hulyo 5, 2017, mula sa Ms. Magazine Blog: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/MfS0mE\">https:\/\/goo.gl\/MfS0mE<\/a>.<\/p>\n<p>Rothmann, S. at E. Coetzer (2003, Oktubre). \u00a0The big five personality dimensions and job performance. <em>SA Journal of Industrial Psychology<\/em>, 29 (1), 68-74.<\/p>\n<p>Salmons, J. (2012). \u00a0Designing and conducting research with online interviews. \u00a0Nasa J. Salmons (pat.), <em>Cases in online interview research<\/em>. Thousand Oaks, California: Sage Publications, Inc., 1-30.<\/p>\n<p>San Juan, E. Jr. (2006).\u00a0 Toward a decolonizing indigenous psychology in the Philippines: Introducing sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Journal for Cultural Research<\/em>, 10 (1), 47-67.<\/p>\n<p>Schwartz, S. (1994). \u00a0Beyond individualism\/collectivism: New cultural dimensions of values. \u00a0Nasa U. Kim, H.C. Triandis, C. Kagitcibasi, S.C. Choi, at G. Yoon (mga pat.), <em>Individualism and collectivism: Theory, method and applications.<\/em> Thousand Oaks, California: Sage Publications, Inc., 85-119).<\/p>\n<p>Sidanius, J., S. Levin, J. Liu, J., at F. Pratto (2000, Enero-Pebrero). \u00a0Social dominance orientation, anti\u2010egalitarianism and the political psychology of gender: An extension and cross\u2010cultural replication. \u00a0<em>European Journal of Social Psychology<\/em>, 30 (1), 41-67.<\/p>\n<p>Singapore Management University (SMU) (2011, Mayo 11).\u00a0 Digital media in Philippines.\u00a0 Nakuha noong Hulyo 27, 2016, mula sa Singapore Management University Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/Fy1ged\">https:\/\/goo.gl\/Fy1ged<\/a>.<\/p>\n<p>Sison, S. (2015, Oktubre 15).\u00a0 What\u2019s up with the smart-shaming?\u00a0 Nakuha noong Marso 29, 2016, mula sa Rappler Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/tujmYi\">https:\/\/goo.gl\/tujmYi<\/a>.<\/p>\n<p>Skoric, M.M., J.P.E. Chua, M.A. Liew, K.H. Wong, at P.J. Yeo (2010). \u00a0Online shaming in the Asian context: Community empowerment or civic vigilantism? \u00a0<em>Surveillance &amp; Society<\/em>, 8 (2), 181-199.<\/p>\n<p>Steinfield, C., N.B. Ellison, at C. Lampe (2008, Nobyembre-Disyembre). \u00a0Social capital, self-esteem, and use of online social network sites: A longitudinal analysis. \u00a0<em>Journal of Applied Developmental Psychology<\/em>, 29 (6), 434-445.<\/p>\n<p>Stieger, S. at A.S. G\u00f6ritz (2006, Oktubre). \u00a0Using instant messaging for Internet-based interviews. <em>CyberPsychology &amp; Behavior<\/em>, 9 (5), 552-559.<\/p>\n<p>Suler, J. (2004, Hunyo). \u00a0The online disinhibition effect. \u00a0<em>CyberPsychology &amp; Behavior<\/em>, 7 (3), 321-326.<\/p>\n<p>The Green Rat (2011, Mayo 22). \u00a0Flatmate\u2019s boyfriend does not understand fractals; Is subsequently insulting the mathematicians; #smartshaming.\u00a0 Nakuha noong Hulyo 5, 2017, mula sa The Green Rat Tweet: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/S6gJEs\">https:\/\/goo.gl\/S6gJEs<\/a>.<\/p>\n<p>Tufekci, Z. (2008, Hunyo). \u00a0Grooming, gossip, Facebook and MySpace: What can we learn about these sites from those who won\u2019t assimilate? \u00a0<em>Information, Communication &amp; Society<\/em>, 11 (4), 544-564.<\/p>\n<p>Vandebosch, H. at K. Van Cleemput (2008, Agosto). \u00a0Defining cyberbullying: A qualitative research into the perceptions of youngsters. \u00a0<em>CyberPsychology &amp; Behavior<\/em>, 11 (4), 499-503.<\/p>\n<p>Viswanath, B., A. Mislove, M. Cha, at K.P. Gummadi (2009, Agosto). \u00a0On the evolution of user interaction in facebook. \u00a0Nasa Association for Computing Machinery (pat.), <em>Proceedings of the 2nd ACM workshop on online social networks<\/em>.\u00a0 New York: Association for Computing Machinery, 37-42.<\/p>\n<p>We Are Social (2016, Enero 27). Digital in 2016. Nakuha noong Abril 22, 2016, mula sa We Are Social Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/ZoLQtZ\">http:\/\/goo.gl\/ZoLQtZ<\/a>.<\/p>\n<p>Weinstein, E.C. at R.L. Selman (2016, Marso). \u00a0Digital stress: Adolescents\u2019 personal accounts. \u00a0<em>New Media &amp; Society<\/em>, 18 (3), 391-409.<\/p>\n<p>Wilson, R.E., S.D. Gosling, at L.T. Graham (2012, Mayo). \u00a0A review of Facebook research in the social sciences. \u00a0<em>Perspectives on Psychological Science<\/em>, 7 (3), 203-220.<\/p>\n<p>Witkus, S.G. (2012, Disyembre). \u00a0Cyber bullying among Filipino adolescents (Masteral thesis).\u00a0 Nakuha noong Hunyo 17, 2017, mula University of Hawaii at Manoa Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/Ra8Ex8\">https:\/\/goo.gl\/Ra8Ex8<\/a>.<\/p>\n<p>Xobolaji [I Think U Should] (2012, Enero 17). \u00a0@MKStallsmith i actually didn&#8217;t know that smart-shaming was a thing. but i referenced u in a comment i made on xoJane, i hope that was ok? Nakuha noong Hulyo 5, 2017, mula sa Xobolaji Tweet: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/8yiTWf\">https:\/\/goo.gl\/8yiTWf<\/a>.<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013). \u00a0Filipino Psychology (Sikolohiyang Pilipino). \u00a0Nasa K.D. Keith (pat.), <em>The encyclopedia of cross-\u00adcultural psychology<\/em>. \u00a0Hoboken, New Jersey: Wiley\u00ad\u2010Blackwell, 551\u00ad\u2010556).<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (nasa imprenta).\u00a0 Panukat ng Kapwa. Di-nalathalang papel, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Raphael D. Rodriguez Departamento ng Sikolohiya University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Ang smart-shaming (SS) ay isang kilos na naobserbahan sa social media partikular na sa Facebook.\u00a0 Sa kasalukuyan, wala pang pag-aaral na naisasagawa tungkol dito at &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-e-di-ikaw-na-ang-matalino-isang-pagsusuri-sa-penomenon-ng-smart-shaming-sa-mga-pilipinong-gumagamit-ng-facebook\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] E, di Ikaw na ang Matalino!  Isang Pagsusuri sa Penomenon ng Smart-Shaming  sa mga Pilipinong Gumagamit ng Facebook<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/833"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=833"}],"version-history":[{"count":9,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/833\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":846,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/833\/revisions\/846"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=833"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=833"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=833"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}