{"id":79,"date":"2013-11-02T05:44:38","date_gmt":"2013-11-02T05:44:38","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=79"},"modified":"2014-09-04T11:03:58","modified_gmt":"2014-09-04T11:03:58","slug":"diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kasaysayan-lipunan-at-sikolohiyang-pilipino","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kasaysayan-lipunan-at-sikolohiyang-pilipino\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino"},"content":{"rendered":"<p><strong>Atoy M. Navarro<\/strong><br \/>\nFaculty of Allied Health Sciences<br \/>\nThammasat University (TU), Rangsit, Thailand<\/p>\n<p><strong>Jayson D. Petras<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p><strong>Maria Theresa Ujano-Batangan, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartment of Psychology<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p>Mahigit 40 taon matapos nang unang lumabas ang <em>Diwa<\/em> bilang \u201cdyornal sa sikolohiya, agham, kultura, at lipunang Pilipino,\u201d muling binubuhay ito bilang <em>DIWA E-Journal<\/em>, ang opisyal na <em>refereed<\/em> <em>e-journal<\/em> ng <em>Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (PSSP).\u00a0 Unang lumabas ang <em>Diwa<\/em> noong 1972 na may temang \u201cKatipunan ng mga Lathalaing Pansikolohiya\u201d sa pamamatnugot nina Virgilio Enriquez, <em>Ama ng Sikolohiyang Pilipino<\/em> at Lilia Antonio.\u00a0 Simula 1972 hanggang sa pagkakatatag ng PSSP noong 1975, naging patnugot ng serye si Enriquez.\u00a0 Kasunod ni Enriquez, naging patnugot din ng serye at patnugot ng mga isyu sina Antonio at Rogelia Pe-Pua.\u00a0 Samu\u2019t sari ang pinaksa ng <em>Diwa<\/em> na kadalasang tematiko bawat isyu.\u00a0 May pumaksa sa iba\u2019t ibang usaping sikolohikal (Enriquez at Antonio 1972; Enriquez at Alfonso 1973), malayang paggunita (Alfonso 1974), sikolinggwistikang Pilipino (Enriquez 1974b), lipunan at panitikan (Antonio 1975), sosyo-sikolohikal na pagsusuri sa pagkakaingin (Velasco 1976), lihis na pagkilos (David 1976), pagbabago at pag-unlad ng mga Agta (Bennagen 1977), pandarayuhan (Enriquez-Alejo 1980), panitikang popular (Samson 1981), karanasan ng mga anak ng bilanggong pulitikal (Protacio-Marcelino 1985), at iba pa.\u00a0 Hindi ganap na nailimbag ang lahat ng mga isyu ng <em>Diwa<\/em> at nanatiling salansanang may kaunting kopya lamang ang ilan sa mga ito.\u00a0 Pinamatnugutan ni Grace Aguiling-Dalisay (1993) ang pinakahuling nalathalang isyu ng <em>Diwa<\/em> na may temang \u201cSekswalidad at Lipunang Pilipino.\u201d\u00a0 Sa pagpanaw ni Enriquez noong 1994, nahinto na ang paglalathala ng <em>Diwa<\/em> bilang seryal ng PSSP.\u00a0 Sa halip, inilathala ng PSSP ang <em>Binhi<\/em> bilang serye ng monograp (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002; Pe-Pua 2005; Javier 2005; Ong 2007) at <em>Isip<\/em> bilang serye ng pinamatnugutang libro (Cantiller at Yacat 2011) (tingnan ang Larawan 1 at 2).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 1<\/strong><br \/>\n<em>Mga Pabalat ng mga Nalathalang Isyu ng Diwa noong 1977 at 1980<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-91 size-medium\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-300x203.png\" alt=\"Diwa\" width=\"300\" height=\"203\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-300x203.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-100x67.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-150x101.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-200x135.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-450x304.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa-600x406.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Diwa.png 679w\" sizes=\"(max-width: 300px) 100vw, 300px\" \/><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Larawan 2<\/strong><br \/>\n<em>Mga Pabalat ng mga Nalathalang Isyu ng Binhi noong 2002\/2007 at Isip nitong 2011<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter  wp-image-92\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/09\/Binhi-at-ISIP-300x198.png\" alt=\"Binhi at ISIP\" width=\"300\" height=\"204\" \/><\/p>\n<p>Ngunit ngayong 2013, kasabay ng patuloy na paglalathala ng <em>Binhi<\/em> at <em>Isip<\/em>, muling binubuhay ang naunang journal ng PSSP bilang <em>DIWA E-Journal<\/em> sa layuning maglathala ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino (SP)na nagsusuri at umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at kamulatan ng sambayanang Pilipino.\u00a0 Bilang opisyal na <em>refereed <\/em>e<em>-journal<\/em> ng PSSP, magtatampok ang <em>DIWA E-Journal<\/em> ng mga pinakabagong pag-aaral sa SP.\u00a0 Nagsisilbing tagagabay ng patnugutan ng <em>refereed e-journal<\/em> na ito ang pamunuan ng PSSP at lupong tagapayo ng <em>DIWA E-Journal <\/em>na kinabibilangan din ng mga dating patnugot na sina Antonio, Pe-Pua, at Aguiling-Dalisay.\u00a0 Mula sa kasapian ng PSSP ang bubuo sa patnugutan ng <em>DIWA E-Journal <\/em>na manunungkulan sa loob ng isang taon.\u00a0 Magmumula sa kasapian ng PSSP at kapanalig sa SP ang mga <em>referee<\/em> ng <em>DIWA E-Journal <\/em>na magtatasa sa mga pananaliksik ayon sa mga sumusunod na pamantayan: (a) kahalagahan ng pag-aaral; (b) kaparaanan sa pananaliksik; (c) kalidad o kahusayan ng pagkakasulat; at (d) kontribusyon sa SP.<\/p>\n<p>Sa inawgural na isyung ito ng <em>DIWA E-Journal<\/em>, matutunghayan ang iba\u2019t ibang artikulo at rebyu na nagtatampok sa kasaysayan, lipunan, at SP.\u00a0 Hinahati sa dalawang tema ang nilalamang walong artikulo ng isyung ito: (a) <em>loob<\/em> at <em>kapwa<\/em> sa kasaysayan at SP at (b) wika, pananampalataya, pamumuno, at SP.\u00a0 Samantala, may nilalaman ding limang natatanging rebyu ang isyung ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong><em>Loob<\/em><\/strong><strong> at <em>kapwa<\/em> sa Kasaysayan at SP<\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>loob <\/em>at <em>kapwa <\/em>ang dalawa sa pinakamahahalagang katutubong konseptong dinalumat, dinadalumat, at patuloy na dinadalumat hindi lamang sa SP kundi sa iba pang agham panlipunang Pilipino (APP) na kinabibilangan ng bagong kasaysayan (BAKAS), pilosopiyang Pilipino (PP), teolohiyang Pilipino (TP), at Pilipinolohiya.<\/p>\n<p>Malalim ang pagkakaugat ng <em>loob <\/em>at <em>kapwa <\/em>sa kalinangan at kasaysayang Pilipino na pinatutunayan ng pagkakatala at pagkakatukoy sa mga ito sa mga sinaunang bokabularyo, diksyunaryo\u2019t tesauro.\u00a0 Sa mga bokabularyong Ilokano-Espa\u00f1ol ni Andres Carro (1849, 1888), pinakahulugan niya ang kasingkahulugan ng <em>loob<\/em> na \u201cnaquem\u201d o <em>nakem<\/em> bilang huwisyo, katatagan ng pag-unawa, paggamit ng pangangatwiran, at pagboboluntaryo o pagkukusa (<em>juicio, cordura, entereza de entendimento, uso de razon, y voluntad<\/em>).\u00a0 Samantala, pinakahulugan naman ang katumbas ng <em>loob<\/em> na \u201cboot\u201d o \u201cbuot\u201d o <em>buut<\/em> bilang may kahusayan o karunungan sa isang bagay, pagboboluntaryo o pagkukusa, pagkagusto, at paghusga (<em>ser alguno ducho diestro esperimentado en alguna cosa, voluntad, desear, querer, ser de gusto, juzgar<\/em>) sa mga diksyonaryong Bisaya-Espa\u00f1ol nina Juan Felix de la Encarnacion (1851) at Antonio Sanchez de la Rosa (1895).\u00a0 Sa bokabularyong Tagalog-Espa\u00f1ol naman nina Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar (1860), pinakahulugan ang \u201ccapoua\u201d bilang pagtukoy sa parehong dalawa (<em>ambos \u00e1 dos igualmente<\/em>) at \u201cloob\u201d bilang pagpasok, pagkagusto, at pagboboluntaryo o pagkukusa (<em>adentro, entrar aposento, querer, voluntad, hacer algo voluntariamento<\/em>).\u00a0 Patuloy na itinala\u2019t tinukoy ang <em>buot<\/em>, <em>buut<\/em> o <em>kabubut-on<\/em>; <em>loob<\/em>; <em>nakem<\/em> o <em>pakinakem<\/em>; at <em>kapowa<\/em>, <em>kapuwa,<\/em> <em>kapwa<\/em> o <em>pakikipagkapuwa-tao<\/em> sa mga sumunod pang bokabularyo, diksyunaryo\u2019t tesaurong Tagalog, Pilipino, at Filipino nina Pedro Serrano Laktaw (1914), Jose Villa Panganiban (1966, 1972), Leo James English (1977), Vito Santos (1978), at ng <em>Linangan ng mga Wika ng Pilipinas<\/em> (LWP) (1989), <em>Komisyon sa Wikang Filipino<\/em> (KWF) (1996), at <em>University of the Philippines <\/em>(UP)<em> Sentro ng Wikang Filipino <\/em>(SWF) (Almario 2001, 2010).<\/p>\n<p>Pinalawak at pinalalim ang mga pagpapakahulugan sa mga katutubong konseptong ito sa mga konseptwal at teoretikal na talastasan sa SP, BAKAS, PP, TP, at Pilipinolohiya.\u00a0 Sa kanyang hermeneutikal na pagsusuri sa <em>buut-loob-nakem <\/em>na nagpatampok sa iba\u2019t ibang tema (intelektwal, bolisyunal, emosyunal, etikal, at samu\u2019t sari) batay sa gamit ng mga katagang ito at mga kaugnay na salita, itinuring ni Leonardo Mercado (1972, 1974) ang mga katutubong konseptong ito bilang holistiko at interyor na sarili na kaugnay ng pagkataong Pilipino.\u00a0 Sa kaso naman ni Enriquez (1977), kinilala niyang mayamang larangang teoretikal ang <em>loob<\/em> na makikita sa implikasyong panlipunan ng mga konseptong sikolohikal na gaya ng <em>kusang loob<\/em>, <em>lakas ng loob<\/em>, <em>sama ng loob<\/em>, at <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ngunit bukod sa pagdadalumat sa <em>loob<\/em>, higit na nakilala si Enriquez (1978) sa pagtatampok niya sa <em>kapwa<\/em> bilang \u201cbatayang konsepto sa ugnayang panlipunan\u201d na nakasalalay sa pagpapakahulugan dito bilang pagkakaisa ng \u201csarili\u201d at \u201ciba.\u201d\u00a0 Karaniwang ginagamit ang \u201csarili\/<em>self<\/em>\u201d bilang kasalungat ng \u201ciba\/<em>others<\/em>,\u201d ngunit sa <em>kapwa,<\/em> may iisa o magkatulad na pagkakakilanlan ang \u201csarili\u201d at \u201ciba.\u201d\u00a0 Sa kanyang pagbabalangkas ng pagpapahalagang Pilipino, tinukoy ni Enriquez (1987, 1992) ang <em>hiya<\/em>, <em>utang na loob<\/em>, at <em>pakikisama <\/em>bilang <em>paayong paimbabaw na pagpapahalaga<\/em>; <em>biro<\/em>, <em>lambing<\/em>,at <em>tampo <\/em>bilang mga <em>kaugnay na kilos<\/em>; at <em>bahala na<\/em>, <em>lakas\/sama ng loob<\/em>,at <em>pakikibaka <\/em>bilang <em>palabang paimbabaw na pagpapahalaga<\/em>.\u00a0 Binigyang-empasis niya sa pagbabalangkas na ito ang <em>kapwa <\/em>bilang \u201cbuod na pagpapahalaga\u201d na kaugnay ng <em>pakiramdam <\/em>bilang <em>pagpapahalagang tulay ng sarili at iba<\/em> at <em>kagandahang-loob <\/em>bilang <em>pagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan<\/em>.\u00a0 Iniugnay sa mga nabanggit ang mga <em>pagpapahalagang panlipunan <\/em>tulad ng <em>karangalan<\/em>, <em>katarungan<\/em>, at <em>kalayaan<\/em>.\u00a0 Bukod pa rito, tiningnan ni Enriquez (1977, 1978, 1987, 1992) na may dalawang kategorya ang <em>kapwa <\/em>na salalayan ng <em>pakikipagkapwa<\/em>: <em>hindi ibang tao <\/em>(kabilang sa atin o taga<em>loob<\/em>) at <em>ibang tao<\/em> (taga<em>labas<\/em>) na tungtungan din sa pagtutunguhan sa makapilipinong pananaliksik.\u00a0 Samantala, sa sikolinggwistikal na pagsusuri ni Zeus Salazar (1977) sa pagkakaugnay ng <em>kaluluwa <\/em>at <em>ginhawa<\/em> na sinasabing bumubuo sa <em>kalooban<\/em> ng tao at naglalarawan sa pagkatao mula sa <em>loob<\/em>, malawakang ipinakita ang tambalan ng <em>loob<\/em> at<em> labas<\/em>.\u00a0 Sinasabing tinataguriang \u201cmahina\u201d o \u201cmalakas,\u201d \u201cmalambot o matigas\u201d ang <em>loob<\/em> bilang \u201cdamdamin\u201d batay sa kina<em>labas<\/em>ang \u201cgawa\u201d o \u201ckilos.\u201d\u00a0 Mas pinagyaman pa ni Salazar (1981) ang pag-aaral sa tambalan ng <em>loob <\/em>at <em>labas <\/em>sa kanyang sikolinggwistikal na pagsusuri sa <em>hiya <\/em>at mga panlaping maaaring ikabit dito.\u00a0 Sa kanyang pagsisiyasat, napansin niyang may isang pangkat ng mga katagang kinabibilangan ng \u201chiyain,\u201d \u201cikahiya,\u201d at \u201cmapahiya\u201d na kaugnay ng \u201cgawa\u201d o \u201ckilos,\u201d ibig sabihin, <em>labas<\/em>, at may isang pangkat naman ng mga salitang kinabibilangan ng \u201ckahihiyan\u201d at \u201cmahiyain\u201d na pumapatungkol sa \u201cdamdamin,\u201d samakatwid, <em>loob<\/em>.\u00a0 May pagtukoy rin sa <em>loob<\/em> sina Roque Ferriols (1979) at Jose De Mesa (1987) sa kanilang pag-aaral sa PP at TP ukol sa pagkatao at kulturang Pilipino.\u00a0 Mahusay namang nilagom, pinalawak, at pinalalim nina Dionisio Miranda (1989) at Albert Alejo (1990) ang talastasan ukol sa <em>loob<\/em> lalo na sa konteksto ng kultura at pananampalatayang Pilipino.\u00a0 Sa pagsisiyasat ni Serafin Talisayon (1990), lumitaw na mahahalagang sabklaster ng pagpapahalagang Pilipino yaong mga umiikot sa <em>loob<\/em> at <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> na kaugnay ng iba\u2019t ibang makroklaster na may kinalaman sa papaloob na pagtingin, pagiging optimistiko, pagkakaroon ng kaugnayan o relasyon, at panlipunang pagtingin.\u00a0 Sa pag-aaral sa pamantayang Pilipino, itinuring ni F. Landa Jocano (1997) na pamantayang pang-ugnayan ang <em>kapwa<\/em> at <em>pakikipagkapwa-tao<\/em> na kaugnay ng mga buod na elementong <em>halaga<\/em> at <em>asal <\/em>samantalang kinalalagyan at luklukan naman ng buod na elementong <em>diwa<\/em> ang <em>loob<\/em>.\u00a0 Sa Pilipinolohiya, ipinaloob naman ni Prospero Covar (1991, 1993, 2004) ang <em>loob-labas<\/em> at <em>pakikipagkapwa<\/em> sa isang pagbabalangkas ng pambansang kaisipan, kultura, at lipunang Pilipino na nagsasaalang-alang sa pagkataong Pilipino at istrukturang panlipunan na kinabibilangan ng <em>kamag-anakan\/angkan\/sambahayan<\/em>, <em>samahan\/kapisanan\/simulain<\/em>, <em>pamayanan<\/em>, at <em>sambayanan<\/em>.\u00a0 At sa pagsisiyasat naman ni Clemen Aquino (1999, 2013), pinag-ugnay-ugnay ang mga katutubong konsepto ng <em>kapwa <\/em>sa SP sa pangunguna ni Enriquez, <em>kapatiran <\/em>sa Pilipinolohiya sa pangunguna ni Covar, at <em>bayan <\/em>sa BAKAS sa pangunguna ni Salazar.\u00a0 Pinaksa ni Aquino (1999, 2013) ang <em>kapwa <\/em>bilang panlipunang pagpapakahulugan at ipinaloob ito sa panlipunang pagbabanghay na isang mabisang paraan sa pag-unawa sa sariling lipunan.<\/p>\n<p>Sumasayapak sa mga pagpupunyaging ito, tampok sa e-journal na ito ang limang artikulong naglalapat ng mga pagpapakahulugan sa <em>loob <\/em>at <em>kapwa<\/em> sa pag-aaral ng kasaysayan na nagpapayaman sa historikal at empirikal na talastasan sa SP, BAKAS, PP, TP, at Pilipinolohiya.\u00a0 Inayos sa kronolohikal na paraan, pinatutunayan ng mga sanaysay na magagamit ang mga katutubong konsepto sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa sa iba\u2019t ibang yugto ng ating kasaysayan.\u00a0 Inuumpisahan ang unang bahagi ng e-journal na ito sa artikulo nina Ignatius Vinzons at Mary Dorothy Jose na pumapaksa sa pagtatalaban ng <em>kagandahang panloob<\/em> (pagmamalasakit, pakikipagkapwa, at kalinisan ng loob) at <em>kagandahang panlabas<\/em> (pagiging maputi, makinis, maganda, at mahinhin) sa paglalarawan ng kababaihan sa piling epikong Pilipino na itinuturing na sinaunang anyo ng kasaysayan (Gallardo at Ramos 1986; Veneracion 1990; Navarro 2000).\u00a0 Tatlong epiko ang pinili (<em>Hudhud hi Aliguyon<\/em> mula sa Luzon; <em>Epiko ni Labaw Donggon<\/em> mula sa Visayas; at <em>Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin<\/em> mula sa Mindanao) at sinuri na nagpalitaw na bagama\u2019t masasabing sa pangkalahatan mas mataas ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang kabihasnan kumpara sa panahong kolonyal, masasabing may seksistang pagtingin pa rin laban sa kababaihan kahit na sa sinaunang lipunan pa lamang na ipinahiwatig ng mas maigting na paglalarawan sa <em>kagandahang panlabas<\/em> na may pagturing sa kababaihan bilang obheto na kailangang maging kaaya-aya sa paningin lalo na ng kalalakihan.\u00a0 Hindi niroromantisa ang sinaunang kabihasnang Pilipino, ipinakita sa sanaysay na may diskriminasyon at opresyon na rin laban sa kababaihan sa sinaunang lipunan.<\/p>\n<p>Sa sanaysay naman ni Amelia Ferrer tungkol sa <em>sanduguan <\/em>nina Katunao at Miguel Lopez de Legazpi, na nagsilbing pangunahing hudyat sa higit na masalimuot na ugnayan ng mga Pilipino sa mga Espa\u00f1ol, isinakonteksto ang naturang <em>sanduguan<\/em> sa uri ng pamumuhay ng mga Bol-anon noong dantaon 16 na hindi kadalasang binibigyang-diin sa mga pinakahuling malawakang pagtalakay sa paksa (Abrera 1994, 1995; Almario 2003; Aguilar 2010).\u00a0 Sa sinaunang panahong ito, umusbong bilang sentro ng kalakalan ang maraming komunidad baybayin at kailugan sa kapuluan na gaya ng Bohol na naging bahagi ng masalimuot na ugnayang pangkalinangan, pangkabuhayan, at pangkapangyarihan ng mga pamayanan sa Timog Silangang Asya.\u00a0 Mula sa ganitong konteksto tiningnan ang <em>sandugo <\/em>bilang anyo ng <em>makig-ingon-ingon<\/em> o <em>pakikipagkapwa<\/em> na maiiugnay rin sa katutubong konseptong <em>buut<\/em> ng mga Bisaya.\u00a0 Sa harap ng paglawak ng interes ng mga Europeo tulad ng mga Espa\u00f1ol sa Timog Silangang Asya, nalansag ang balanse ng kapangyarihang namamayani noon sa maraming pamayanan sa rehiyon.\u00a0 Kaugnay nito, binago ng mga Bol-anon ang kahulugan at gamit ng <em>sandugo<\/em> bilang <em>pakikipagkapwa<\/em> sa kanilang pagtatangkang pag-ibayuhin ang posisyon sa harap ng nagbabagong reyalidad na dala ng mga Espa\u00f1ol.<\/p>\n<p>Pag-uugnay-ugnay naman ng iba\u2019t ibang katutubong konseptong Bisaya\u2019t Pilipino tungo sa pag-unawa sa katatagan ng <em>buut<\/em> ng mga bayani ng himagsikang Pilipino sa Panay noong 1896-1898 ang pinagtuunan ng pansin sa artikulo ni Vicente Villan.\u00a0 Pagpapatuloy ito ng naunang pag-aaral ni Villan (2013) ukol sa bisa ng kinagisnang sikolohiya sa pagsisiyasat hinggil sa kasaysayan at himagsikang Pilipino.\u00a0 Sa kasalukuyang sanaysay, tinukoy ni Villan ang <em>ilub<\/em> (pagpapakumbaba at pagpaparaya sa lahat ng uri ng dalamhating sosyolohikal), <em>unong <\/em>(pagiging maaasahan at matapat sa sinumang itinatanging nilalang), at <em>amok <\/em>(pagiging makatarungan at makatwirang pagpapahayag ng niloloob para sa inaasam na ginhawang pangkatawan, pangkaisipan, at pangkalooban) bilang mabibisang daan sa pag-unawa sa katatagan ng <em>buut<\/em> ng mga bayani.\u00a0 Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pag-uugat sa pagpapakahulugan sa kabuuan ng tao na binubuo ng <em>lawas<\/em> (katawan), <em>huna-huna<\/em> (kaisipan), at <em>batyag<\/em> (pakiramdam).\u00a0 Sinundan ito ng pagtalakay sa pagkakaugnay ng <em>buut <\/em>sa <em>pakig-abian<\/em> (pakikipagkaibigan) at <em>pakig-anghod<\/em> (sanduguan) lalo na sa harap ng kolonyalismo.\u00a0 Inuugnay rin niya ang <em>kabuhi<\/em> (buhay), <em>kinaayo<\/em> (ginhawa\/<em>pag-uswag<\/em>), at <em>dungog<\/em> (dangal) sa pagsasalaysay sa mga isinagawang paghihimagsik na tinitingnang pagsasakabuluhan ng paglilingkod-bayan tungo sa inaadhikang pagbabagong panlipunan noong himagsikang Pilipino.\u00a0 Sa kabuuan, daluyan, luklukan, at tagapaglikha ng panlipunang halagahin ang <em>ilub<\/em>, <em>unong<\/em>, at <em>amok <\/em>na mga panlipunang kasangkapan sa pagpapahayag ng katatagan ng <em>kalooban<\/em> ng mga bayani ng bayan.<\/p>\n<p>Kung sa kanyang naunang pag-aaral tiningnan ni Ayshia Kunting (2012) ang pagkakaugat ng dalumat at praktis ng <em>sabil<\/em> (tagapagtanggol ng bayan sa ngalan ni Allah) sa konsepto ng <em>jihad<\/em> (pakikibaka para kay Allah) at pananampalatayang Islamiko na naggiit na hindi <em>juramentado<\/em> kundi <em>mujahid<\/em> (nagsasagawa ng Islamikong <em>jihad<\/em>) ang mga mandirigmang Moro, sa kasalukuyang pagsisiyasat, iniugay naman niya ang praktis ng <em>sabil<\/em> sa katutubong konsepto ng <em>loob<\/em> (<em>pangatayan<\/em>).\u00a0 Tungtungan ang mahabang kasaysayan ng pakikibakang Moro, ipakita ni Kunting sa kanyang artikulo na mali ang persepsyong isang walang kaisipang pakikibaka ang <em>juramentado<\/em> kundi nakaugat ito sa <em>sabil<\/em>.\u00a0 Nilinaw niya ang mga pananaw ng mga Moro sa Sulu ukol sa <em>loob<\/em> at ang kaugnayan nito sa pakikibakang Moro noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.\u00a0 Iniugnay rin niya ang <em>sabil<\/em> sa pangkalahatang konsepto ng <em>loob<\/em> ng mga Pilipino at ipinakita ang mga manipestasyon ng <em>kalinisan ng loob<\/em> (<em>kalissinan sin pangatayan<\/em>), <em>lakas o tapang ng loob<\/em> (<em>isug sin pangatayan<\/em>), at <em>tibay ng loob<\/em> (<em>hughut sin pangatayan<\/em>) sa praktis ng <em>sabil<\/em> sa Sulu noong digmaang Pilipino-Amerikano.\u00a0 Matapos ito, sinasabing nagpatuloy pa rin ang <em>sabil<\/em> bilang paglaban para sa pagbabagong panlipunan at tunay na kalayaan ng bayan.<\/p>\n<p>Bagama\u2019t maihahanay ang pag-aaral ni Jalton Taguibao sa mga nauna nang pagsisiyasat sa kultura at pulitika ng retorika ng pamumuno sa kasaysayan at lipunang Pilipino (Ileto 1984; Javier 2012), naiiba pa rin ang kanyang pag-aaral sa tuwirang pagtukoy nito sa mga katutubong konsepto ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa konteksto ng ugnayang pulitikal sa pagitan ng pangulo at mamamayan.\u00a0 Sa kanyang sanaysay, sinuri niya ang mga representasyon ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa mga talumpati at pagtatalumpati ng pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 Naging tungtungang teoretikal ni Taguibao ang malawakan at malalimang talastasan sa <em>kapwa<\/em> at <em>loob <\/em>na iniugnay niya sa mga pagdadalumat sa ugnayang pulitikal sa Pilipinas.\u00a0 Mula sa talastasang ito, iniharap niya ang mga talumpati at pagtatalumpati ng pangulo sa pamamagitan ng paglalarawan, paghahambing, at pag-uugnay sa mga ito.\u00a0 Sa kanyang pangkalahatang pagtalakay sa representasyon ng <em>kapwa<\/em> at <em>loob<\/em> sa mga talumpati at pagtatalumpati, sinabi niyang iba\u2019t iba ang antas at uri ng pakikitungo ng pangulo sa okasyon ng kanyang pagtatalumpati.\u00a0 Sinasabing maaaring magkaroon ang pakikipagtunguhan sa ugnayang pulitikal na ito ng iba\u2019t ibang katangian tulad ng pagbibigay-alam, pag-aaruga, pagmamalasakit, at pakikiisa.\u00a0 Ngunit bagama\u2019t madarama ang <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> sa pagtatalumpati ng pangulo kasabay ng mga hayag at matatag na tendensya sa kanyang pakikipag-usap sa mamamayan, mahirap namang makita kung tunay nga bang sinasalamin ng <em>kapwa\/pakikipagkapwa<\/em> ng pangulo ang kanyang <em>loob\/kalooban<\/em>.\u00a0 Nagtatapos ang artikulo sa paanyayang pagyamanin ang mga pilosopikal, metodolohikal, at praktikal na usapin sa pananaliksik ukol sa retorika ng pamumuno sa kasaysayan at lipunang Pilipino.<\/p>\n<p>Mula sa pagsasakasaysayan sa sinaunang kabihasnan hanggang sa kontemporaryong panahon, sa bisa ng interdisiplinaryo at multidisiplinaryong ugnayan ng mga APP, ipinakita ng limang artikulo sa unang bahagi ng e-journal na ito na makabuluhan at makatuturan ang paglalapat ng mga katutubong konsepto ng <em>loob<\/em> at <em>kapwa<\/em> sa pag-aaral, pagsusuri, at pag-unawa sa ating kasaysayan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>WIKA, pananampalataya, pamumuno, at SP<\/strong><\/p>\n<p>Kabilang sa mga larangang nilinang ng SP ang pag-aaral ng wika (Enriquez 1974a, 1974b; Cipres-Ortega 1981; Enriquez at Protacio-Marcelino 1983; Javier 2000; Antonio at Tiamson-Rubin 2003; Antonio <em>et al<\/em>. 2011), pananampalataya (Mercado 1977), at pamumuno (Lupdag 1984; ELF 1997).\u00a0 Tampok sa e-journal na ito ang tatlong artikulong nagpapayabong pa sa pagsisiyasat sa mga larangang ito.<\/p>\n<p>Matingkad ang pagkiling ng SP sa paglalahad ng mga pag-aaral at kaalaman sa mga lokal na wikang siyang sumasalamin, nagbubuod, at nagbabansag ng mga karanasan ng mga Pilipino.\u00a0 Nauugat ang pananaw na ito sa paniniwalang ang wikang ginagamit ay nakakaimpluwensiya sa paraan ng pag-iisip at saloobin ng mga tao.\u00a0 Sa kasalukuyang kalakaran ng paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles ng kabataang Pilipino, mahalagang tingnan ang mga saloobin at pananaw tungo sa paggamit ng mga nasabing wika.\u00a0 Ito ang pinagtuunan ng pansin sa pag-aaral ni Krupskaya A\u00f1onuevo.\u00a0 Sinimulan ng may-akda ang kanyang artikulo sa pamamagitan ng paglalahad sa pinag-ugatan ng paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles, gayundin ang usapin ng bilinggwalismo.\u00a0 Sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat sa mga saloobin ng kabataang Pilipino, nakita ang dalawang paglalarawan sa mga wikang ito.\u00a0 Ang Filipino ay kadalasang iniuugnay sa konsepto ng \u201ckapamilya\u201d habang ang Ingles naman ay iniuugnay sa konsepto ng \u201ckaibigan.\u201d\u00a0 Sa usapin ng paggamit, nakita ang pagbabalangkas ng Filipino bilang wika ng pagpapahayag ng damdamin at\u00a0\u00a0 pakikipag-ugnayan.\u00a0 Sa kabilang banda, ang Ingles naman ay kadalasang ginagamit sa akademikong diskurso ng pagbabasa at pagsusulat, gayundin sa panonood ng mga palabas.\u00a0 Mahihinuha mula sa kinahinatnan na kinikilala ng mga kalahok sa pag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng Filipino, bagama\u2019t nagpahiwatig ang ilan sa kanila ng hirap sa pag-unawa sa nasabing wika.\u00a0 Mahalaga ring ikunsidera ang positibong pagtingin ng mga kalahok sa bilinggwalismo, ang kakayanang magpahayag ng sarili sa Filipino at Ingles, na ayon sa kanila ay nakapagbibigay ng iba\u2019t ibang paraan sa pagpapahayag ng kanilang sarili.<\/p>\n<p>Alinsunod sa pagtatalaga ng pagkakahalintulad at pagkakaiba ng konseptong sikolohikal, mahalaga ang ambag ni Homer Yabut sa paglilinaw ng paniniwala at pagpapahalaga sa ispiritwalidad at relihiyon ng mga Pilipino.\u00a0 Sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong, nakita ang dalawang matitingkad na tema ng pagkaranas at pagbibigay-pakahulugan ng mga Pilipino sa ispiritwalidad at relihiyon.\u00a0 Ang unang tema ay ang pagiging penomelohikal ng karanasan ng ispirtwalidad.\u00a0 Nakita mula sa mga tugon ng kalahok na ang ispiritwalidad ay bahagi ng karanasang panloob at hindi panlabas.\u00a0 Itinatalaga itong kaibuturan ng tao na may iba\u2019t ibang katangian at paraan ng pagkaranas.\u00a0 Ang pangalawang tema ay nakatuon sa pag-uugnay nito sa Diyos at kapwa.\u00a0 Ang ispiritwalidad ay sinasalamin ng ugnayan ng tao sa isang mataas na entidad at sa kanyang kapwa-tao.\u00a0 Makikita ang panloob na aspekto nito sa konteksto ng pagbabahagi ng sarili sa relasyong binubuo ng tao sa kanyang kapwa.\u00a0 Ang pakikipagkapwa-tao ay kalakip ng pagkaranas ng ugnayan ng tao sa kanyang Diyos.\u00a0 Kung lalagumin ang ugnayan ng ispiritwalidad at relihiyon, may paniniwala ang mga kalahok na ang daan ng paglalahad ng ispiritwalidad ay sa pamamagitan ng relihiyon.\u00a0 Ang huli ay ang bahaging panlabas na nag-uugnay sa mga paniniwala at pananampalataya.<\/p>\n<p>Samantala, ang pag-aaral naman ni Darren Dumaop ukol sa pamumuno ay nagsimula sa pamamagitan ng paghahambing ng mga batayang pag-aaral sa Pilipinas ukol sa <em>leadership<\/em>.\u00a0 Ayon sa kanyang obserbasyon, marami sa mga naunang pag-aral sa larangan ay ginamitan ng balangkas na Kanluranin sa pag-unawa sa pagiging lider ng mga Pilipino.\u00a0 Inihambing niya ang mga naunang pag-aaral sa mga pananaliksik na tumingin sa pamumuno gamit ang lente ng kultura.\u00a0 Inilahad mula ritong madalas na ang pagtingin sa namumuno ng mga Pilipino ay nakaugnay sa pagtataglay ng mga katangian tulad ng pagiging palakaibigan, katiyagaan, pagmamalasakit, pagkadominante, at pagkaresponsable.\u00a0 Sa pamamagitan ng paggamit ng <em>Panukat ng Pagkataong Pilipino <\/em>(PPP) ni Annadaisy Carlota (1985, 1997) at <em>Masaklaw na Panukat <\/em>(MAPA) <em>ng Loob<\/em> ni Gregorio del Pilar III (2011, 2012), inihambing ng mananaliksik ang katangian ng mga lider (pulitikal na lider) at di-lider (mamamayang walang pulitikal na posisyon).\u00a0 Mula sa kinahinatnan ng pananaliksik ay nakitang ang mga lider ay may katangiang mas mayabang, mas hindi maayos, mas palakaibigan, at mas matulungin, kumpara sa mga di-lider.\u00a0 Mapapansin ding may mga sosyo-demograpikong katangiang nauugnay sa pagiging lider, tukoy rito ang edad (karamihan ay mas matanda), kasarian (karamihan ay kalalakihan), at antas ng edukasyon (karamihan ay nakatuntong ng kolehiyo).<\/p>\n<p>Ang mga nabanggit na pag-aaral ay nagbukas ng mga bagong tunguhin sa pananaliksik upang lalong maunawaan ang sikolohiya ng wika, pananampalataya, at pamumuno.\u00a0 Inihayag ang pangangailangan sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat upang lalo pang mapagtibay ang mga kaalaman sa mga nasabing paksa.\u00a0 Nag-iwan ng mga hamon ang mga pagsisiyasat sa nakagawiang pananaw at pagbabalangkas sa wika, pananampalataya, at pamumuno.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Panunuring SP<\/strong><\/p>\n<p>Dikit sa pagtatampok sa SP bilang sikolohiya ng <em>kapwa<\/em> ang tunguhin nito sa isang malaya at mapagpalayang sikolohiya.\u00a0 Kaganapan ng ganitong mithi ang pagbaklas ng tanikalang dulot ng mga mananakop sa kaisipang Pilipino, pag-ilanlang sa kumunoy ng imposisyong hatid ng mayayamang bansa sa iba\u2019t ibang aspekto ng reyalidad ng mga naghihikahos, at pagbalikwas mula sa mapanupil na papel ng sikolohiya sa mga walang boses o piniping bahagi ng lipunan (Enriquez 1992; Yacat 2013).\u00a0 Sa ganitong konteksto, napatitibay ang dalawang magkasalikop na mukha ng SP bilang disiplina at kilusan na tinalakay at patuloy na binabagtas ng iba\u2019t ibang iskolar sa sikolohiya at iba pang larangan ng agham panlipunan (Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002; Torres 2002; San Juan 2006; Yacat 2013).<\/p>\n<p>Maihuhulma sa nasabing pagdalumat sa SP ang limang pagsusuring nakapaloob sa nagbabalik at nagbabagong-bihis na publikasyon ng <em>DIWA E-Journal<\/em>.\u00a0 Mula sa iba\u2019t ibang larangan at praktis, maaaninaw ang kawing ng SP sa pagsusuri ng mga usaping akademiya at panlipunan na isinagawa ng mga kasalukuyang rebyuwer.\u00a0 Una na rito ang pagbalangkas ni Adonis Elumbre sa mga proposisyon at argumentong isinambulat ni R. Kwan Laurel (2010) bilang kontra-diskurso sa mga kontra-diskursong muhon sa kanyang aklat na <em>Philippine Cultural Disasters: Essays on an Age of Hyper Consumption<\/em>.\u00a0 Gamit ang dimensyong <em>loob <\/em>at <em>labas<\/em> ng <em>kulturang sawi<\/em> sa konteksto ng \u201cpakikipagpatintero\u201d sa akademiya (<em>loob<\/em>) at ng lohika ng kalinangang bayan (<em>labas<\/em>), isiniwalat ng pagsusuri ang katotohanan at kabalintunaan ng mga pahayag ni Laurel hinggil sa kapantasan at produksyong kultural sa bansa\u2014na habang may pagkilala sa matatag na pundasyong Marxista sa may-akda ay aninag ang hibo ng pakikipagpatintero nito sa pagtataguyod sa sariling bersyon ng ideolohiya na nagsisilbing tabing sa higit na malawak na pagtanaw sa mga lubog-sa-bayang usapin ng wikang Filipino, kabansaan, at pagkamakabayan.\u00a0 Sa huli, sa kabila ng mga puna, nakita ni Elumbre ang bisa ng akda sa patuloy na pagdaloy ng mahahalagang paksa ng talastasan hinggil sa \u201cpagbubuong pangkalinangan na lampas pa sa produksyong kultural ng mga elit.\u201d<\/p>\n<p>Ang usapin ng wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas na nakapaloob sa suri ni Elumbre ay malaon nang bitbit sa mga balitaktakan sa akademiya.\u00a0 Hindi naiiba rito ang kaso ng SP na tumitindig sa pagpapayaman at pagsusulong ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng paghubog ng mga katutubong konsepto, teorya, at lapit at pamamaraan ng pananaliksik bilang ambag sa ganap na sikolohiyang unibersal at sa mapagbuong sikolohiyang kumilala sa pagkakapantay-pantay (Enriquez 1981; Antonio 2000; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002; Pe-Pua 2005; Yacat 2013).\u00a0 Ibinunga nito ang pagsasanga ng SP sa larangan ng <em>sikolohiya ng wikang Filipino<\/em> na nagluwal ng iba\u2019t ibang kalipunan ng mga pananaliksik (Enriquez at Antonio 1972; Enriquez 1974a, 1974b; Antonio at Tiamson-Rubin 2003).\u00a0 Katuloy sa mithiin ng pagtatampok at paglilinang sa wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas sa larangan ng sikolohiya ang sinuring aklat ni Ma. Althea Enriquez na <em>Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Filipino<\/em> nina Lilia Antonio, Anatalia Ramos, at Aura Albano-Abiera (2011).\u00a0 Bagama\u2019t walang tiyak na paghahati ang dalawampung artikulong lahok sa aklat, isinalansan ni Enriquez sa kanyang pagtalakay ang mga kontribusyon sa tatlong kategorya: 1) ugnayang sikolohiya at wika; 2) ugnayang kultura at wika; at 3) istruktura o gramar ng wika.\u00a0 Isa-isang binuod at sinuri ang bawat artikulo sa bawat klasipikasyon upang palitawin ang kalakasan at kahinaan ng aklat sa kabuuan.\u00a0 Aniya, higit na lumilitaw sa mga babasahin ang pagkakaugnay nito sa sikolohiyang pangkultura, etnosikolohiya, at\/o sosyolinggwistika kaysa sa sikolinggwistika na nagdudulot upang sa kabila ng husay ng mga kontribusyon ay nagkaroon ng agam-agam sa kaangkupan ng mga ito sa mismong idinadambanang larangan ng aklat.\u00a0 Sa ganang ito, mahalagang linawin at sinsinin ang kasaklawan ng pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino\u2014ang angkla sa kabuuang larangan ng sikolinggwistika at sa partikular na karanasang kultural.\u00a0 Makatutulong sa pagsasakatuparan ng ganitong panawagan ang kolaborasyon sa pagitan ng iba\u2019t ibang disiplina gaya ng sikolohiya, linggwistika, at komunikasyong pangmadla na minsan na ring idinulog ni Virgilio Enriquez sa artikulong \u201cSikolinggwistikang Pilipino: Pananaw at Tunguhin\u201d na mismong pangunahing artikulo sa sinuring aklat.<\/p>\n<p>Isa pang mayamang larangan ng mga pananaliksik at pagsusuring SP ang usaping kasarian at sexualidad (Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 1996; Aguiling-Dalisay at Jagmis-Socrates 2000; Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2000; Ong 2011) na kinalalagakan ng tatlong magkakasunod na rebyung nakapaloob sa e-journal.\u00a0 Hindi ito nakapagtataka sapagkat lantad itong lunan ng tunggalian at ng relasyong nakapangibabaw-pinangingibabawan.\u00a0 Sa pagsusuri ni Carl Dellomos sa akdang <em>Love Triangles: Understanding the Macho-Mistress Mentality<\/em> nina Margarita Go Singco Holmes at Jeremy Alan Frank Baer (2012), inapuhap niya ang iba\u2019t ibang pamamaraang paggabay-pagpapayo na kinasangkapan ng mga may-akda upang epektibong matugunan ang katanungan at mga suliraning inihahapag ng mga sumulat-nagtanong.\u00a0 Naging tungtungan ni Dellomos ang mga tanong, sitwasyon, at maging mga tugon dito upang ipook ang usapin ng trayanggulong pag-iibigan sa lente ng pagkataong Pilipino, tambalang <em>katawan<\/em> at <em>kaluluwa<\/em>, at dimensyong <em>loob<\/em> at <em>labas<\/em>.\u00a0 Mula rito, nakita niya ang bisa ng higit pang pagsasakonteksto at paglalapit sa mambabasa ng mga paggabay-pagpapayo hinggil sa usaping pag-ibig na isang katotohanan sa lahat, anuman ang kanilang uri ng pamumuhay.<\/p>\n<p>Gaya ng nauna, umiinog din sa trayanggulong pag-iibigang nakapaloob sa heterosekswal na romantikong relasyon ang dulang sinuri ni Jose Antonio Clemente na pinamagatang <em>Sa Wakas: A New Pinoy Rock Musical<\/em> na handog nina Andrei Nikolai Pamintuan, Charissa Ann Pammit, at Mariane Abuan (2013).\u00a0 Bilang isang <em>jukebox musical<\/em>, isinakongkreto ng mga eksena ang mga awiting pinasikat ng <em>Sugarfree<\/em>, ang bandang aminadong kinagigiliwan ni Clemente.\u00a0 Kalakasan at kahinaan ang ganitong taktika sa dula ayon sa rebyuwer dahil kawing ng mga kanta ang mga alaalang nabuo sa isipan ng mga tagapakinig nito at kung gayon, maaaring kaaliwan ang mga lapat na tagpo samantalang ikadismaya ang hindi.\u00a0 Gayunman, lagpas sa saklaw ng musika ang nalilikhang mukha ng dula hinggil sa heterosekswal na romantikong relasyon.\u00a0 Sa paghimay ni Clemente sa naratibo ng dula, napagtanto niyang hindi pa rin ito kumakawala sa mga muhong pamamalagay hinggil sa relasyon, trayanggulong ugnayan, at pag-iimahen sa kasarian.<\/p>\n<p>Kung may mga obrang nanatili sa de-kahong pamantayan ng kasarian, mayroon namang humaharap at tumutunggali sa opresyon.\u00a0 Ito ang nakita ni Eugene Evasco sa aklat na <em>Anong Pangalan mo sa Gabi? At iba pang Tanong sa mga LGBT<\/em> nina Tetay Mendoza at Joel Acebuche (2013).\u00a0 Binansagan ni Evasco bilang aklat ng masasalimuot na tanong, inilatag sa akda sa pamamagitan ng mga larawan ng mga personalidad mula sa iba\u2019t ibang larangan ang mga mapangmatang katanungang ipinapataw sa mga <em>lesbian<\/em>, <em>gay<\/em>, <em>bisexual<\/em> o <em>transgender<\/em> (LGBT) kakabit ang masisisteng tugon na kung lilimiin ay nagsusumikap na \u201cwasakin ang mga mito at pag-aalinlangan kaugnay sa mga LGBT.\u201d\u00a0 Sa ganang ito, makikita ang bisa ng aklat sa pag-alpas sa espasyong itinatakda sa kasarian at sexualidad tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga LGBT.<\/p>\n<p>Sa pamamagitan ng pagsasakonteksto ng iba\u2019t ibang akda at likhang sining sa lente ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino na pinasimulan at nalinang sa SP, tinutugunan ng mga rebyu ang mas malalim at kritikal na pag-unawa sa mga usapin ng kultura, wika, at kasarian at sexualidad bilang pagbaklas sa opresyon at pagsasantabi.\u00a0 Nagsisilbi rin ang mga itong panawagan sa patuloy pang pagsusuri ng lipunan sa tunguhing kumawala sa misedukasyon at kamangmangan tungo sa pagbabangong-dangal ng bayan (Enriquez 1994).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGKALAHATANG PAG-UUGNAY<\/strong><\/p>\n<p>Kumakawala sa matagal nang preokupasyong pag-aralan lamang ang sikolohiya ng mga dominanteng katayuan at uri, etnisidad at lipi, pananampalataya at relihiyon, kasarian at sekswalidad, at gulang, nagtatampok ang inawgural na isyung ito ng mga pagsisiyasat hindi lamang sa SP ng mga galing sa nakapangyayaring sektor panlipunan kundi lalo\u2019t higit mula sa mga isinagilid, sinasamantala, at walang kapangyarihang sektor panlipunan.\u00a0 Sa isyung ito, may mga pag-aaral sa SP kapwa ng mga pinuno at karaniwang mamamayan (Taguibao, Dumaop) bukod pa sa pagpaksa sa mga akademiko at isyu ng katayuan at uring panlipunan (Elumbre).\u00a0 May mga pagsisiyasat din sa SP mula sa iba\u2019t ibang panig ng kapuluan (Vinzons at Jose) lalo na sa Kabisayaan (Ferrer, Villan) at Kamindanaoan (Kunting) na kinakatawan din ng kasalimuotan ng sikolinggwistikang Pilipino (Enriquez).\u00a0 May mga pagtalakay rin sa SP ng mga Kristiyano, Moro, at iba pang pananampalatayang Pilipino (Kunting, Yabut).\u00a0 May mga pag-uusisa rin sa SP ng iba\u2019t ibang kasarian at sexualidad (Dellomos, Clemente) lalo na kaugnay ng kababaihan (Vinzons at Jose) at <em>lesbian<\/em>, <em>gay<\/em>, <em>bisexual<\/em>, <em>transgender<\/em> (LGBT) (Evasco).\u00a0 At may pag-aaral sa pananaw sa wika ng kabataang Pilipino (A\u00f1onuevo).\u00a0 Sa pagtatampok sa iba\u2019t ibang sektor panlipunan, lalo\u2019t higit sa mga isinagilid, sinasamantala, at walang kapangyarihan sa kasaysayan at lipunang Pilipino, masasabing ganap na naisabubuhay ng SP ang pagiging malaya at mapagpalayang sikolohiya nito.<\/p>\n<p>Sa pagsusulong ng SP, nagkakaugnay ang mga artikulo at rebyu sa inawgural na isyung ito sa pagkuha ng inspirasyon kay Enriquez.\u00a0 Bilang paunang handog sa paggunita sa ika-30 taon ng pagpanaw ni Enriquez sa sunod na taon, tinatapos ang isyung ito sa tatlong natatanging talang nagpapahalaga kay Enriquez na pangunahing tagapasimuno ng SP bilang malaya at mapagpalayang sikolohiya.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Abrera, M.B.L. (1994).\u00a0 Ang sandugo sa Katipunan.\u00a0 Nasa F.C. Llanes (pat.), <em>Katipunan: Isang pambansang kilusan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 93-104.<\/p>\n<p>Abrera, M.B.L. (1995).\u00a0 Sandugo sa Katipunan.\u00a0 Nasa Z.A. Salazar, E.C. Yulo, at A.M. Navarro, <em>Talaarawan 1996; Handog sa sentenaryo; Himagsikang 1896.\u00a0 <\/em>Quezon City: Miranda Bookstore, Mr3\/Mr4 [35].<\/p>\n<p>Aguilar, F.J. (2010).\u00a0 The <em>pacto de sangre<\/em> in the late nineteenth-century nationalist emplotment of Philippine history.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 58 (1-2), 79-109.<\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G. (pat.) (1993).\u00a0 Sekswalidad at lipunang Pilipino<em>. <\/em>\u00a0<em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 10 (1-4).<\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G., R.M. Mendoza, J.B. Santos, at A. Echevaria (1996).\u00a0 <em>Luto ng Diyos: Mga kuwento ng buhay mag-asawa<\/em>.\u00a0 Manila: De La Salle University Press.<\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G. at N. Jagmis-Socrates (2000).\u00a0 <em>Usapang lalake: Paglalahad ng mga lalaking Cuyonon<\/em>.\u00a0 Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G., R.M. Mendoza, E.J.L. Miraflex, J.A. Yacat, M.R. Sto. Domingo, at F.R. Bambico (2000). <em>Pagkalalake: Men in control? Filipino male views on love, sex, and women<\/em>. Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.\u00a0 Binagong edisyon, 1992.<\/p>\n<p>Alfonso, A.B. (1974).\u00a0 Malayang paggunita (Ang epekto ng agwat, pag-uulit, at pagsasalin).\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 3 (1-2).<\/p>\n<p>Almario, V.S. (pat.) (2001).\u00a0 <em>UP diksiyonaryong Filipino.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Almario, V.S. (pat.) (2003).\u00a0 <em>Pacto de sangre: Spanish legacy in Filipinas<\/em>.\u00a0 Manila: Philippine-Spanish Friendship Day Committee.<\/p>\n<p>Almario, V.S. (pat.) (2010). <em>UP diksiyonaryong Filipino; Ikalawang Edisyon<\/em>. Quezon City: University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Antonio, L.F. (1975).\u00a0 Lipunan at panitikan (Ang ugnayan ng lipunan at panitikan sa mga maikling kuwento ni Brigido C. Batungbakal: 1935-1975).\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 4 (1-4).<\/p>\n<p>Antonio, L.F. (2000, Agosto).\u00a0 Mga malikhaing lapit sa pagtuturo ng sikolohiya ng wikang Filipino.\u00a0 Nasa L.F. Antonio at L. Tiamson-Rubin (mga pat.), <em>Sikolohiya ng wikang Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 2003, 31-49.<\/p>\n<p>Antonio, L.F., A.G. Ramos, at A. Albano-Abiera (mga pat.) (2011).\u00a0 <em>Mga babasahin sa sikolinggwistikang Filipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Antonio, L.F. at L. Tiamson-Rubin (mga pat.) (2003).\u00a0 <em>Sikolohiya ng wikang Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Aquino, C.C. (1999).\u00a0 Mula sa kinaroroonan: Kapwa, kapatiran, at bayan sa agham panlipunan.\u00a0 Nasa A.M. Navarro at F. Lagbao-Bolante (mga pat.), <em>Mga babasahin sa agham panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, at pantayong pananaw<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 2007, 201-240.<\/p>\n<p>Aquino, C.C. (2013).\u00a0 Panlipunang pagbabanghay: Piling usapin sa pag-unawa sa sariling lipunan.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 133-167.<\/p>\n<p>Bennagen, P.L. (1977).\u00a0 Pagbabago at pag-unlad ng mga Agta sa Palanan, Isabela.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 6 (1-4).<\/p>\n<p>Cantiller, J.C.R. at J.A. Yacat (mga pat.) (2011).\u00a0 Gaan at gana sa buhay: Sikolohiya ng sarap, ligaya, at ginhawa.\u00a0 <em>Isip: Mga Kaisipan sa Sikolohiya, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 1.<\/p>\n<p>Carlota, A.J. (1985).\u00a0 The development of the Panukat ng Pagkataong Pilipino (PPP)<em>.<\/em>\u00a0 <em>Philippine Journal of Educational Measurement<\/em>, 4 (1), 55-68.<\/p>\n<p>Carlota, A.J. (1997).\u00a0 <em>Panukat ng pagkataong Pilipino (Manual).<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines.<\/p>\n<p>Carro, A. (1849).\u00a0 <em>Vocabulario de la lengua Ilocana, trabajado por varios religiosos del orden<\/em>.\u00a0 Manila: Establecimiento Tipografico del Colegio de Santo Tomas.<\/p>\n<p>Carro, A. (1888).\u00a0 <em>Vocabulario Iloco-Espa\u00f1ol, trabajado por varios religiosos del orden<\/em>.\u00a0 Manila: Establecimiento Tipo-litografico de M. Perez, Hijo.<\/p>\n<p>Cipres-Ortega, S. (pat.) (1981).\u00a0 <em>Ulat ng ikalabindalawang seminar sa sikolohiya ng wika. <\/em>\u00a0Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1991).\u00a0 Pilipinolohiya.\u00a0 Nasa V.V. Bautista at R. Pe-Pua (mga pat.), <em>Pilipinolohiya: Kasaysayan, pilosopiya, at pananaliksik<\/em>.\u00a0 Manila: Kalikasan Press, 37-45.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1993).\u00a0 Kaalamang bayang dalumat ng pagkataong Pilipino.\u00a0 <em>Diliman Review<\/em>, 41 (1), 10-15.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (2004).\u00a0 Pilipinolohiya, larangan, at kalinangan ng pagkataong Pilipino.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 12 (2), 41-50.<\/p>\n<p>David, K.C. (pat.) (1976).\u00a0 Lihis na pagkilos sa lipunang Pilipino.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 5 (4-6).<\/p>\n<p>De Mesa, J.M. (1987).\u00a0 <em>In solidarity with culture: Studies in theological re-rooting<\/em>.\u00a0 Quezon City: Maryhill School of Theology.<\/p>\n<p>Del Pilar, G.E.III. (2011, Agosto 17-19).\u00a0 The development of the Masaklaw na Panukat ng Loob (MAPA ng Loob).\u00a0 Di-nalathalang papel, 48<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, Central Philippine University, Jaro, Iloilo City.<\/p>\n<p>Del Pilar, G.E.III. (2012, Agosto 15-17).\u00a0 Further development of the Masaklaw na Panukat ng Loob (MAPA ng Loob).\u00a0 Di-nalathalang papel, 49<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, University of San Carlos, Cebu City.<\/p>\n<p>Education for Life Foundation (ELF) (1997).\u00a0 <em>LIDER; Pamunuang bayan: Karanasan, katanungan, at kinabukasan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Education for Life Foundation.<\/p>\n<p>Encarnacion, J.F.dla. (1851).\u00a0 <em>Diccionario Bisaya-Espa\u00f1ol.<\/em>\u00a0 Manila: Tipografia de Amigos del Pais, 1885.<\/p>\n<p>English, L.J. (1977).\u00a0 <em>Tagalog-English dictionary.<\/em>\u00a0 Quezon City: Congregation of The Most Holy Redeemer, 1986.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (pat.) (1974a).\u00a0 <em>Philippine Studies on the Psychology of Language (Series of 1971-1974)<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (pat.) (1974b).\u00a0 Sikolinggwistikang Pilipino.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 3 (3-6).<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1977).\u00a0 <em>Filipino psychology in the third world<\/em>.\u00a0 Quezon City: Philippine Psychology Research House.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1978, Enero-Disyembre).\u00a0 Kapwa: A core concept in Filipino social psychology.\u00a0 <em>Philippine Social Sciences and Humanities Review<\/em>, 42 (1-4), 100-108.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1981).\u00a0 Nanganib nga ba ang sikolohiyang Pilipino dahil sa wikang Ingles?\u00a0 Nasa L.F. Antonio at L. Tiamson-Rubin (mga pat.), <em>Sikolohiya ng wikang Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: C&amp;E Publishing, Inc., 2003, 50-58.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1987, Nobyembre).\u00a0 Filipino values: Towards a new interpretation (Using local language as a resource).\u00a0 <em>Tagsibol, <\/em>1 (1), 8-13.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology; The Philippine experience.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1994).\u00a0 <em>Pagbabangong-dangal: Indigenous psychology and cultural empowerment.\u00a0 <\/em>Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. at A.B. Alfonso (mga pat.) (1973).\u00a0 Panayam sa sikolohiya: Mga piling papel.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 2 (1-4).<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. at E. Protacio-Marcelino (1983).\u00a0 Neo-colonial politics and the language struggle in the Philippines.<em>\u00a0 Philippine Social Sciences and Humanities Review, <\/em>47 (1-4), 265-300.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. at L.F. Antonio (mga pat.) (1972).\u00a0 Katipunan ng mga lathalaing pansikolohiya.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 1 (1-4).<\/p>\n<p>Enriquez-Alejo, C. (1980).\u00a0 Ginintuang pangako: Mga sanaysay ng pandarayuhan.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 9 (1-4).<\/p>\n<p>Ferriols, R.J. (pat.) (1979).\u00a0 <em>Magpakatao: Ilang babasahing pilosopiko<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1999.<\/p>\n<p>Gallardo, M.A.A. at E.S. Ramos (1986, Setyembre).\u00a0 Kasaysayan ng kasaysayan bilang disiplina sa Pilipinas ayon sa klase ng historiograpiya ni Dr. Salazar.\u00a0 Nasa A.M. Navarro, M.J.B. Rodriguez, at V.C. Villan (mga pat.), <em>Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan; Pambungad sa pag-aaral ng bagong kasaysayan.<\/em>\u00a0 Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997, 159-170.<\/p>\n<p>Holmes, M.G.S. at J.A.F. Baer (2012).\u00a0 <em>Love triangles: Understanding the macho-mistress mentality<\/em>.\u00a0 Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Ileto, R.C. (1984).\u00a0 Orators and the crowd: Philippine independence politics, 1910\u20111914.\u00a0 Nasa P. Stanley (pat.), <em>Re\u2011appraising an empire: New perspectives on Philippine\u2011American history<\/em>.\u00a0 Cambridge: Harvard University Press, 85-114.<\/p>\n<p>Javier, R.E.Jr. (pat.) (2000).\u00a0 <em>Filipino ang wika; Pilipino ang diwa<\/em>.\u00a0 Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Javier, R.E.Jr. (2005).\u00a0 Pangpamamaraang kaangkinan ng pakikipagkuwentuhan.\u00a0 <em>Binhi<\/em>, 2 (2).<\/p>\n<p>Javier, R.E.Jr. (2012).\u00a0 Mga tiwala sa daang matuwid at ang mga talinghaga\u2019t tema sa talumpati ni P-Noy.\u00a0 <em>Malay<\/em>, 25 (1), 19-34.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1997).\u00a0 <em>Filipino value system: A cultural definition<\/em>.\u00a0 Quezon City: PUNLAD Research House.<\/p>\n<p>Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) (1996).\u00a0 <em>Diksyunaryo Filipino-English.<\/em>\u00a0 Pasig: Komisyon sa Wikang Filipino, 1998.<\/p>\n<p>Kunting, A.F. (2012).\u00a0 Hindi juramentado, kundi mujahid: Ang dalumat at praktis ng sabil sa isla ng Sulu (1876-1913).\u00a0 Nasa A.M. Navarro, M.F. Orillos-Juan, J.S. Reguindin, at A.L. Elumbre (mga pat.), <em>Kasaysayang pampook: Pananaw, pananaliksik, pagtuturo<\/em>.\u00a0 Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 226-240.<\/p>\n<p>Laktaw, P.S. (1914).\u00a0 <em>Diccionario Tag\u00e1log-Hispano; Segunda parte.<\/em>\u00a0 Manila: Imp. Y Lit. De Santos y Bernal.<\/p>\n<p>Laurel, R.K. (2010).\u00a0 <em>Philippine cultural disasters: Essays on an age of hyper consumption<\/em>. Pasig: Willing Ox Publishing.<\/p>\n<p>Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), Instructional Materials Corporation (IMC), at National Book Store, Inc. (NBS) (1989).\u00a0 <em>Diksyunaryo ng wikang Filipino.<\/em>\u00a0 Mandaluyong: Cacho Hermanos, Inc.<\/p>\n<p>Lupdag, A.D. (1984).\u00a0 <em>In search of Filipino leadership.<\/em>\u00a0 Quezon City: New Day Publishers.<\/p>\n<p>Mendoza, T. at J. Acebuche (2013).\u00a0 <em>Anong pangalan mo sa gabi? At iba pang tanong sa mga LGBT<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Center for Women\u2019s Studies.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (1972).\u00a0 Reflections on buut-loob-nakem.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 20 (4), 577-602.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (1974).\u00a0 <em>Elements of Filipino Philosophy.\u00a0 <\/em>Tacloban City: Divine Word Publications.<\/p>\n<p>Mercado, L.N. (pat.) (1977).\u00a0 <em>Filipino religious psychology.<\/em>\u00a0 Tacloban City: Divine Word Publications at Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1989).\u00a0 <em>Loob; The Filipino within: A preliminary investigation into a pre-theological moral anthropology<\/em>.\u00a0 Manila: Divine Word Publications.<\/p>\n<p>Navarro, A.M. (2000).\u00a0 Ang bagong kasaysayan sa wikang Filipino: Kalikasan, kaparaanan, pagsasakasaysayan.\u00a0 <em>Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas<\/em>, 11.<\/p>\n<p>Noceda, J.d. at P.d. Sanlucar (1860).\u00a0 <em>Vocabulario de la lengua Tagala<\/em>.\u00a0 Manila: Imprenta de Ramirez y Giraudier.<\/p>\n<p>Ong, M.G. (2007).\u00a0 Sama-samang pagtuklas at paglilimi: Ang workshop bilang pamamaraan ng maka-pilipinong pananaliksik.\u00a0 <em>Binhi<\/em>, 3 (1).<\/p>\n<p>Ong, M.G. (2011).\u00a0 Katawan, sarap, babae (Hindi ito porno).\u00a0 Nasa J.A.R. Cantiller at J.A. Yacat (mga pat.), Gaan at gana sa buhay: Sikolohiya ng sarap, ligaya, at ginhawa.\u00a0 <em>Isip: Mga Kaisipan sa Sikolohiya, Kultura at Lipunang Pilipino<\/em>, 1, 47-87.<\/p>\n<p>Pamintuan, A.N. (direktor at manunulat), C.A. Ann Pammit (prodyuser), at M.A.R.T. Abuan (manunulat).\u00a0 <em>Sa wakas: A new Pinoy rock musical <\/em>[Dulang musikal].\u00a0 Quezon City: Culture Shock Productions at FringeMNL.<\/p>\n<p>Panganiban, J.V. (1966).\u00a0 <em>Talahuluganang Pilipino-Ingles.<\/em>\u00a0 Manila: Bureau of Printing.<\/p>\n<p>Panganiban, J.V. (1972).\u00a0 <em>Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles.<\/em>\u00a0 Quezon City: Manlapaz Publishing Co.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (2005).\u00a0 Kros-katutubong perspektibo sa metodolohiya: Ang karanasan ng Pilipinas.\u00a0 <em>Binhi<\/em>, 2 (1).<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at Protacio-Marcelino, E. (2002).\u00a0 Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez.\u00a0 <em>Binhi<\/em>, 1 (1).<\/p>\n<p>Protacio-Marcelino, E. (1985).\u00a0 Pag-angkop sa kagipitan at ligalig: Isang panimulang pag-aaral sa karanasan ng mga anak ng bilanggong pulitikal.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 14 (1-2).<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1977).\u00a0 Ang kamalayan at kaluluwa: Isang paglilinaw ng ilang konsepto sa kinagisnang sikolohiya.\u00a0 Nasa L.F. Antonio, L.L. Samson, E.S. Reyes, at M.A. Paguio (mga pat.), <em>Ulat ng ikalawang pambansang kumperensya sa sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, 131-144.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1981).\u00a0 Wika at diwa: Isang panglinggwistikang analisis sa halimbawa ng konsepto ng \u201chiya.\u201d\u00a0 Nasa S. Cipres-Ortega (pat.), <em>Ulat ng ikalabindalawang seminar sa sikolohiya ng wika. <\/em>\u00a0Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology, 38-43.<\/p>\n<p>Samson, L.L. (1981).\u00a0 Kahirapan at ideyolohiya sa panitikang popular: Isang pagsusuri sa panlipunang implikasyon ng mga larawan at pilosopiya ng kahirapan sa maikling kuwento ng <em>Liwayway<\/em>.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 10 (1-4).<\/p>\n<p>Sanchez de la Rosa, A. (1895).\u00a0 <em>Diccionario Bisaya-Espa\u00f1ol para las provincias de Samar y Leyte.<\/em>\u00a0 Manila: Imp. Y. Lit. de Santos y Bernal, 1914.<\/p>\n<p>San Juan, E.Jr. (2006).\u00a0 Toward a decolonizing indigenous psychology in the Philippines: Introducing sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <em>Journal for Cultural Research<\/em>, 10 (1), 47-67.<\/p>\n<p>Santos, V. (1978).\u00a0 <em>Pilipino-English dictionary.<\/em>\u00a0 Manila: National Book Store, Inc.<\/p>\n<p>Talisayon, S.D. (1990, Marso).\u00a0 Teaching values in the Philippine context in the natural and physical sciences.\u00a0 <em>Pantas: A Journal of Higher Education<\/em>, 3 (2), 3-10.<\/p>\n<p>Torres, A.T. (2002). Methods, mind or meaning: Shifting paradigms in Philippine psychology. <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 35 (1-2), 17-37.<\/p>\n<p>Velasco, A.B. (1976).\u00a0 Ang ikabubuti ng mga kainginero: Isang pagsusuring sosyo-sikolohikal ng pagkakaingin sa Pilipinas.\u00a0 <em>Diwa: Dyornal sa Sikolohiya, Agham, Kultura, at Lipunang Pilipino<\/em>, 5 (1-3).<\/p>\n<p>Veneracion, J.B. (1990).\u00a0 Ang kasaysayan sa kasalukuyang henerasyon.\u00a0 <em>Historical Bulletin,<\/em> 27-28 (1983-1984), 13-27.<\/p>\n<p>Villan, V.C. (2013).\u00a0 Lawas, buut, patugsiling, \u2018ag dungan: Isang pag-unawa sa papel ng kinagisnang sikolohiya sa kasaysayang kolonyal at himagsikang Pilipino sa Panay, 1896-1898.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 73-110.<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013).\u00a0 Tungo sa isang mas mapagbuong sikolohiya: Hamon sa makabagong sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 5-32.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PASASALAMAT<\/strong><\/p>\n<p>Lubos na nagpapasalamat ang patnugutan ng inawgural na isyung ito sa mga nag-ambag ng mga artikulo na sina Krupskaya M. A\u00f1onuevo (Teach for the Philippines), Darren E. Dumaop (De La Salle University, Dasmari\u00f1as, Cavite, Philippines), Amelia S. Ferrer (University of the Philippines, Los Ba\u00f1os, Laguna), Mary Dorothy dL. Jose (University of the Philippines, Manila), Ayshia F. Kunting (Western Mindanao State University, Zamboanga City, Philippines), Jalton G. Taguibao (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Vicente C. Villan, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Ignatius H. Vinzons (University of the Philippines, Manila), at Homer J. Yabut, Ph.D. (De La Salle University, Manila, Philippines) at nagkontribyut ng mga rebyu na sina Jose Antonio R. Clemente (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Carl O. Dellomos (Central Colleges of the Philippines at University of Caloocan City, Philippines), Adonis L. Elumbre (University of Malaya, Kuala Lumpur, Malaysia), Ma. Althea T. Enriquez, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), at Eugene Y. Evasco, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City).<\/p>\n<p>Gayundin, nagpapasalamat ang patnugutan sa mga nagsilbing <em>referee <\/em>ng mga artikulo na sina Faina Abaya-Ulindang, Ph.D. (Mindanao State University, Marawi, Philippines), Clemen C. Aquino, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Lilia F. Antonio, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Michael Charleston B. Chua (De La Salle University, Manila, Philippines), Prospero R. Covar, Ph.D. (retirado, University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Adonis L. Elumbre (University of Malaya, Kuala Lumpur, Malaysia), Jely A. Galang (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Ma. Angeles Guanzon-Lape\u00f1a (De La Salle University, Manila, Philippines), S. Lily L. Mendoza, Ph.D. (Oakland University, USA), Nilo S. Ocampo, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Elizabeth Protacio-De Castro, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), Janet Reguindin-Estella (Miriam College, Quezon City, Philippines), Zeus A. Salazar, Ph.D. (retirado, University of the Philippines, Diliman, Quezon City), at Carlos P. Tatel Jr., Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City).<\/p>\n<p>Nagpapasalamat din ang patnugutan sa mga nagbigay ng iba\u2019t ibang suporta na kinabibilangan ng <em>Presidential Museum and Library, Republic of the Philippines <\/em>na nagbigay ng larawang kuha ng guhit\/pintura ni Juan Luna na nasa Palasyo ng Malaca\u00f1an at <em>Social Weather Station<\/em> (SWS) na nagbigay ng pahintulot na gamitin ang kanilang <em>graph<\/em> ng <em>net satisfaction ratings<\/em> ng pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 2013.\u00a0 Salamat din kina Daisy P. Lopez, Ph.D. (University of the Philippines, Diliman, Quezon City) na tumulong sa pagsasalin ng ilang pahayag\/sipi sa Espa\u00f1ol at Michael Charleston B. Chua (De La Salle University, Manila, Philippines), John Joshua M. Duldulao (University of the Philippines, Diliman, Quezon City), at Joan Tara S. Reyes (University of the Philippines, Los Ba\u00f1os, Laguna) na tumulong sa pakikipag-ugnayan sa mga kontribyutor.<\/p>\n<p>Lubos na nagpapasalamat din ang patnugutan sa pagtataguyod ng pamunuan ng PSSP sa pangunguna ng Pangulo nitong si Jay A. Yacat (University of the Philippines, Diliman, Quezon City) sa mga proyektong pampublikasyong tulad ng <em>DIWA E-Journal<\/em>.<\/p>\n<p>Sa inyong lahat, maraming, maraming salamat po sa pagiging bahagi ng inawgural na isyu ng <em>DIWA E-Journal<\/em>!\u00a0 Tungo sa isang malaya at mapagpalayang sikolohiya!<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Atoy M. Navarro Faculty of Allied Health Sciences Thammasat University (TU), Rangsit, Thailand Jayson D. Petras Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Maria Theresa Ujano-Batangan, Ph.D. Department of Psychology University of &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-1-bilang-1-nobyembre-2013-kasaysayan-lipunan-at-sikolohiyang-pilipino\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 1, Bilang 1, Nobyembre 2013] Kasaysayan, Lipunan, at Sikolohiyang Pilipino<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[6],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/79"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=79"}],"version-history":[{"count":12,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/79\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":318,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/79\/revisions\/318"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=79"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=79"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=79"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}