{"id":750,"date":"2017-11-16T02:39:07","date_gmt":"2017-11-16T02:39:07","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=750"},"modified":"2018-08-28T02:15:23","modified_gmt":"2018-08-28T02:15:23","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-pangkaraniwang-pagpapakahulugan-at-behavioral-na-manipestasyon-ng-pakikisama","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-pangkaraniwang-pagpapakahulugan-at-behavioral-na-manipestasyon-ng-pakikisama\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Ang Pangkaraniwang Pagpapakahulugan at Behavioral na Manipestasyon ng Pakikisama"},"content":{"rendered":"<p><strong>Maria Guadalupe C. Salanga, Ph.D. <\/strong>at<strong> Homer J. Yabut, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Sikolohiya<br \/>\nDe La Salle University, Manila<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Isa ang <em>pakikisama<\/em> sa mga paayong paimbabaw na pagpapahalaga (<em>accomodative surface value<\/em>) kasama ng <em>hiya<\/em> at <em>utang na loob<\/em> (Enriquez 1992).\u00a0 Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang balikan muli at siyasatin ang mga depinisyon at manipestasyon ng katutubong konsepto ng <em>pakikisama<\/em> ayon sa mga mag-aaral ng mga unibersidad sa isang <em>sequential <\/em>na pagkalap ng kwalitatibong datos.\u00a0 Para sa unang bahagi ng pag-aaral, sinagutan ng mga kalahok ang <em>open-ended questionnaire<\/em> tungkol sa kanilang mga depinisyon ng <em>pakikisama<\/em>, mga katangian at mga kilos ng isang \u201ctaong<em> marunong makisama<\/em>\u201d at \u201ctaong <em>hindi marunong makisama<\/em>,\u201d at mga personal na mga karanasan na tumutukoy sa mga manipestasyon ng mga katangian at ugali na nagpapakita ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Sa ikalawang yugto naman ng pag-aaral, ginawa ang mga <em>focus group discussion<\/em> sa ibang grupo ng mga estudyante para lalong masiyasat ang mga manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em> at mga konteksto kung saan ito nakikita.\u00a0 Ang mga resulta ng pag-aaral ay inilahad gamit ang mga temang nakatuon sa mga <em>behavioral<\/em> na manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em>, mga salik na sitwasyonal kung saan naipapakita ang <em>pakikisama<\/em>, at mga relasyonal na katangian ng mga taong kasangkot sa <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Tinalakay rin ang ilang implikasyon sa teorya at pananaliksik sa <em>Sikolohiyang Pilipino <\/em>at <em>Sikolohiyang Panlipunan<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>Pakikisama<\/em> is among the accommodative surface values, together with <em>hiya<\/em> and <em>utang na loob<\/em> (Enriquez 1992). This study is an attempt to review and examine the definitions and manifestations of the indigenous conceptualization of the <em>pakikisama<\/em> among university students using sequential techniques in collecting qualitative data. In the first part of the study, the respondents completed an open-ended questionnaire on their definitions of <em>pakikisama<\/em>, characteristics and behaviors of an individual who manifests <em>pakikisama<\/em> and one who does not manifest it, and personal experiences relating to the characteristics and behavioral manifestations of <em>pakikisama<\/em>. In the second part of the study, focus group discussions were implemented with a different set of respondents to further examine the manifestations of <em>pakikisama<\/em> and the contexts where it is manifested. The findings of the study are discussed using themes focusing on the manifestations of <em>pakikisama<\/em>, situational factors leading to the manifestations of <em>pakikisama<\/em>, and relational characteristics of an individual manifesting <em>pakikisama<\/em>. Implications for theory and research in <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em> and Social Psychology are also discussed.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Tayo ay nakikisalamuha sa iba\u2019t ibang tao araw-araw.\u00a0 Ang iba rito\u2019y ating mga kaibigan, katrabaho, mahal sa buhay, o mga kakilala.\u00a0 Sa ating pakikisalamuha sa <em>ibang tao<\/em>, nakadepende ang uri ng ugnayan natin sa kanila sa kung paano natin sila pakikitunguhan.\u00a0 Sa layuning unawain kung papaano makibagay ang mga tao sa iba\u2019t ibang konteksto ng kanilang pakikipag-ugnayan, maaaring tingnan ang mga konsepto sa larangan ng <em>Sikolohiyang Panlipunan<\/em>.\u00a0 Isa sa mga mahalagang konsepto ang pagmomonitor sa sarili (<em>self-monitoring<\/em>).\u00a0 Ang pagmomonitor sa sarili ay tumutukoy sa \u201cantas kung saan pinagmamasdan at kinokontrol ng isang tao ang kanilang pagkilos.\u201d\u00a0 Ang mga indibidwal na mataas sa pagmomonitor sa sarili ay yaong mga tinitingnan ang lipunang kanilang ginagalawan, pati na rin ang mga maaaring makuha sa <em>ibang tao<\/em>, para malaman nila paano sila gumalaw.\u00a0 Meron din namang ibang mataas sa pagmomonitor sa sarili at tinitingnan sa sarili nila ang mga \u201cpag-uugali, katangian, at nararamdaman\u201d (Synder 1987 sa Reifman <em>et al.<\/em> 1989, 245).\u00a0 Isa pang dalumat mula sa <em>Sikolohiyang Panlipunan<\/em> ang <em>ingroup <\/em>at<em> outgroup<\/em> na ugnayan.\u00a0 Sa pamamagitan ng mga <em>ingroup<\/em>, kung saan natin kinikilala ang ating sarili bilang kasapi, doon din tayo nakakuha ng ugnayan at nakukuha ang pangangailangan natin para sa <em>belongingness<\/em>.\u00a0 Sa pagkilala natin sa ating grupo, nandun din tayo sa proseso ng pagkilala kung sino ang hindi kasama sa grupong ito na tinatawag na <em>outgrou<\/em>p (Tajfel 1974).<\/p>\n<p>Sa larangan ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>, napansin ng mga mananaliksik na ang nagawa ni Virgilio Enriquez (1992) sa iba\u2019t ibang lebel ng interaksyon sa Pilipinas ay tila isang kultural na produkto na hindi na nabigyan ng konseptwal at operasyonal na pagpapayabaong sa pamamagitan ng mga empirikal na imbestigasyon sa pagtalakay nila sa katutubong pinagmulan ng mga ito.\u00a0 Ayon kay Enriquez, ang ating mga pakikisalamuha ay may iba\u2019t ibang lebel at ang bawat lebel ay may natatanging porma ng pakikisalamuha.\u00a0 Ang magkakaibang lebel ay maipapakita sa mga bilog na may pagkapareho-pareho sa gitna.\u00a0 Sa pinakalabas na bilog ay ang mga tagalabas (<em>outsider<\/em>) o <em>ibang taong kinakasalamuha<\/em> natin na may \u201c<em>civility<\/em>\u201d sa pamamagitan ng <em>pakikitungo<\/em>.\u00a0 Ang ikalawang bilog ay tumutukoy sa <em>pakikisalamuha<\/em> kung saan ang isang tao ay may mga interaksyon na matatawag na \u201c<em>engaging with or mingling with<\/em>.\u201d\u00a0 Ang ikatlong lebel na bilog ay tumutukoy naman sa <em>pakikilahok<\/em> na sinasabing nasa antas ng \u201c<em>joining with or participating with<\/em>.\u201d\u00a0 Ang mga tao sa ilalim nito ay magkakilala lang o dili naman ay yaong mga taong alam lang pero walang koneksyong emosyonal.\u00a0 Ang uri o halaga ng relasyong mayroon tayo sa ating kapwa ay nasasalamin kung paano tayo makisalamuha sa kanila.\u00a0 Sa mga taong itinuturing nating iba sa atin o tagalabas, mas mababang antas ang ating interaksyon.\u00a0 Ang susunod na panloob na bilog ay mailalarawan ng <em>pakikibagay <\/em>bilang \u201c<em>in conformity with or in accord with<\/em>,\u201d habang ang susunod na lebel dito ay ang <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Ang <em>pakikisama<\/em> ay tumutukoy sa \u201c<em>getting along or going along with others<\/em>.\u201d<\/p>\n<p>Ang <em>pakikisama<\/em> ay tumutukoy sa pakikitungo sa <em>ibang tao<\/em> para maiwasan ang mga hindi pagkakasundo sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Kapag ang isang tao ay <em>nakikisama<\/em>, ipinapakita ng indibidwal na siya ay may pagka-<em>agreeable<\/em>.\u00a0 Sa ganitong klaseng interaksyon, ang tao ay mas nakatuon sa emosyonal na bahagi ng sitwasyon at nagiging mas sensitibo sa mga taong nakapaligid sa kanya.\u00a0 Dahil dito, mas nakikiramdam siya sa pag-ayon ng kanyang mga kilos na tumutugon sa mga kinakailangan sa isang interaksyong panlipunan.\u00a0 Dahil sa <em>pakikisama<\/em>, nagkakaroon ng <em>smooth interpersonal relation <\/em>(Lynch 1964 sa Enriquez 1992) dahil ito ang pangunahing basehan ng huli at dahil dito nagkakaroon ng pagpapanatli ng \u201c<em>social acceptance<\/em>\u201d (Lynch 1963 sa Church at Katigbak 2000).\u00a0 Ang mga lalaki na kulang sa edukasyon, galing sa mas mababang antas ng lipunan, at galing sa rural na lugar ay nakitang mataas ang ganitong pagpapahalaga (Lynch 1973).\u00a0 Ang mga pananaliksik sa ideyal na <em>boss<\/em>, magsasaka, o mga may-ari ng lupa ay nagsasabing mahalaga ang pagpapakita ng <em>pakikisama<\/em> (Church 1987).\u00a0 Sa isang nagawang pag-aaral sa mga relasyon ng mga nars at <em>Filipino Canadian<\/em> na pasyente, nakitang ang <em>pakikisama<\/em> ay nadarama kapag may tiwala ang mga pasyente at sumusunod sila sa mga plano ng mga nars (Pasco <em>et al.<\/em> 2004).<\/p>\n<p>Sa mga pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, may mga itinuturing na <em>functional<\/em> ang gampanin ng <em>pakikisama<\/em> tulad ng <em>utang na loob<\/em> at <em>hiya<\/em>.\u00a0 Ang <em>pakikisama<\/em> ay itinuturing na pinakamataas na antas ng interaksyon sa kategoryang \u201c<em>ibang tao<\/em>\u201d pero ito ay itinuturing lamang na \u201c<em>functional<\/em>\u201d na \u201c<em>value<\/em>\u201d di katulad ng <em>kapwa<\/em> na itinuturing na may \u201c<em>superior role<\/em>\u201d (Enriquez 1992).\u00a0 Itinuturing itong mahalagang sangkap kasama ng <em>pakikipagpalagayang-loob<\/em> at <em>pakikiisa <\/em>upang umunlad ang lebel ng pakikipagrelasyon ng isang tao.\u00a0 Pinapahalagahan ng mga Pilipino ang <em>pakikisama<\/em> sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na pananalita upang maiwasan ang mga di-pagkakaunawaan sa <em>ibang tao<\/em> (Garcia <em>et al.<\/em> 1984).<\/p>\n<p>Ipinapakita ng mga konseptwal na konstraksyon at mga nagawang empirikal na pag-aaral ang mahalagang gampanin ng <em>pakikisama<\/em> sa mga interaksyong panlipunan.\u00a0 Ang mahalagang gampaning ito ng <em>pakikisama<\/em> ay lalong makikita sa mga sinasabi ng mga taong \u201c<em>walang pakikisama<\/em>\u201d kung saan ay itinuturing na masama para sa mga Pilipino (Enriquez 1992).\u00a0 Tumutukoy ito sa isang taong hindi alam kung paano makiayon at makitungo sa iba.\u00a0 Nilinaw ni Enriquez na ang sabihang \u201c<em>walang<\/em> <em>pakikisama<\/em>\u201d ay mababaw lang na lebel kumpara sa \u201c<em>walang utang na loob<\/em>\u201d at \u201c<em>walang kapwa<\/em>.\u201d<\/p>\n<p>Ninais balikan at suriin ng papel na ito ang <em>pakikisama<\/em> bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Para kina Shalom Schwartz (2012), ang isang \u201c<em>value\u201d <\/em>o pagpapahalaga ay transsitwasyonal na hangarin, na nagbabago ang halaga, at nagsisilbing prinsipyong gumagabay sa isang tao o grupo.\u00a0 Hindi ito nalalayo sa paglalarawan ni F. Landa Jocano (2001) sa isang <em>value <\/em>bilang mga paniniwalang mahalaga para sa isang lipunang nagtatakda ng mga pagkilos ng isang tao sa mga pangyayari sa kanyang buhay.\u00a0 Tinawag niya ang mga pagpapahalaga bilang mga prinsipyong gumagabay o <em>pamantayan <\/em>sa buhay ng isang tao at laging positibo ang mga ito.\u00a0 Nagiging negatibo lang ang mga ito kapag may mga paglabag sa mga pamantayan ng isang pagkilos o maling paggamit ng mga ito.\u00a0 Dagdag pa ni Jocano (2001), sa halaga nalalaman ng isang tao kung ano ang mabuti, importante, at tama sa mga desisyon at pagkilos ng isang tao.\u00a0 Itinuturing ni Enriquez ang <em>pakikisama<\/em> bilang paimbabawan na pagpapahalaga (Pe-Pua at Marcelino 2000).\u00a0 Nilayon ng pag-aaral na itong siyasatin at linawin ang kahulugan ng <em>pakikisama<\/em> bilang isang pagpapahalaga sa lipunang Pilipino.\u00a0 Ano ang ibig sabihin ng <em>pakikisama<\/em>?\u00a0 Paano ito naipapakita sa mga interpersonal na pakikisalamuha?\u00a0 Mayroon bang mga implikasyong panlipunan kapag <em>hindi marunong makisama<\/em> ang isang tao?<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>METODO<\/strong><\/p>\n<p>Gumamit ang pag-aaral na ito ng isang deskriptibong kwalitatibong disenyo sa pananaliksik.\u00a0 Tinanong ang mga kalahok tungkol sa tingin at karanasan nila sa <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Gumagamit ito ng lapit na konstraktibista na inuugnay sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Nilalayon ng lapit na konstraktibistang mapag-aralan ang mga dalumat batay sa kung paano binibigyan ng mga tao ng kahulugan ang mga ito (Gergen 1985).\u00a0 Masasabing maiiugnay ito sa <em>pagsasakatutubo mula sa loob<\/em> ni Enriquez (1993) kung saan itinuturing ang kultura bilang pangunahing pinanggagalingan ng kaalaman at hindi ang mga imposisyon ng Kanluran.\u00a0 Ginawan ng kwalitatibong pagsusuri ang mga sagot ng mga kalahok.<\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sa unang bahagi ng pag-aaral na ginawa sa mga estudyante ng kolehiyo sa isang pamantasan sa kalakhang Maynila noong 2012, namigay ng mga <em>open-ended questionnaire<\/em>, mayroong 276 kalahok na mga estudyante (76 lalaki, 130 babae) na may <em>mean<\/em> na edad na 18.23 taong gulang (SD=1.73).\u00a0 Sa ginawang <em>focus group discussion<\/em> naman sa mga gwadradong estudyante sa parehong pamantasan bilang ikalawang yugto ng pag-aaral, nagkaroon ng tatlong uri ng mga kalahok.\u00a0 Lahat sila ay mga gradwadong mag-aaral na mayroong mga <em>full-time<\/em> na trabaho.\u00a0 Ang unang grupo ay may 7 kalahok (2 lalaki, 5 babae; M=27 edad, SD=4.94).\u00a0 Ang pangalawang grupo ay may 5 kalahok (3 lalaki, 2 babae; M=24.8 edad, SD=1.92).\u00a0 Ang panghuling grupo ay may 6 kalahok (2 lalaki, 4 babae; M=28.67 edad, SD=8.73).\u00a0 Ang mga estudyante ay kusang sumali sa pag-aaral at nabigyan ng<em> debriefing<\/em> pagkatapos lumahok sa sarbey at mga <em>focus group discussion<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Instrumento<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Gumamit ng <em>open-ended questionnaire<\/em> ang mga mananaliksik para sa pag-aaral na ito.\u00a0 Nakapaloob sa <em>questionnaire<\/em> ang mga <em>open-ended<\/em> na tanong tungkol sa kahulugan at pagpapakita ng mga tao o manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em>, mga katangian ng mga taong <em>marunong makisama<\/em>, at mga katangian ng mga taong <em>hindi marunong makisama<\/em>.\u00a0 Ang lahat ng mga tanong ay nasa wikang Filipino.<\/p>\n<p>Gumamit din ang mga mananaliksik ng mga <em>focus group discussion<\/em>.\u00a0 Pinag-usapan sa mga <em>focus group discussion<\/em> ang mga tanong sa <em>questionnaire<\/em>.\u00a0 Ginawa ang mga <em>focus group discussion<\/em> para rin ibahagi ang mga resulta ng <em>questionnaire <\/em>(unang bahagi ng pag-aaral) sa mga kalahok ng mga <em>focus group discussion <\/em>(ikalawang yugto ng pag-aaral).<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aanalisa ng Datos<\/em><\/strong><\/p>\n<p>May isang <em>rater<\/em> na tumukoy sa mga tema mula sa mga sagot ng iba\u2019t ibang kalahok sa pamamgitan ng pagsagawa ng mga grupo ng mga tema na magkakapareho at ginawa itong mga kategorya.\u00a0 Ang mga kategorya ay tumutukoy sa mga aspekto ng isang konstrak na pinagsama-sama para mabuo ang mga tema.<\/p>\n<p>Ang mga nairekord na <em>focus group discussion<\/em> ay itrinanskrayb at inanalisa ng dalawang independenteng <em>rater<\/em>.\u00a0 Inanalisa ng mga <em>rater <\/em>ang mga sagot ng mga kalahok sa pamamagitan ng ekstrasyon ng mga salita, parirala, at pangungusap na sumasagot sa mga tanong o mga puntos na natalakay sa mga <em>focus group discussion<\/em>.\u00a0 Pagkatapos nito, tinalakay ang mga resulta ng analisis at gumawa ng paghahambing.\u00a0 Ang edad ng mga kalahok mula sa unang bahagi patungo at ikalawang yugto ay magkaiba.\u00a0 Ang mga kalahok sa unang yugto ay mas nakababata dahil sila ay mga mag-aaral ng kolehiyo.\u00a0 Samantalang ang mga kalahok mula sa ikalawang yugto ay mas nakatatanda dahil karamihan sa kanila ay mga nagtatrabaho na.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RESULTA<\/strong><\/p>\n<p>Nilayon ng kasalukuyang pag-aaral na pag-aralan ang pagkakahulugan ng mga Pilipino sa <em>pakikisama<\/em> na makikita sa kanilang pang-araw-araw na pakikitungo.\u00a0 Namahagi ng mga <em>open-ended questionnaire<\/em> at nagsagawa ng mga <em>focus group discussion<\/em> bilang mga pangunahing pamamaraan sa pagkalap ng datos.\u00a0 Ang mga kalahok ay pawang mga mag-aaral sa isang pamantasan para sa unang bahagi ng pag-aaral samantalang mga nagtatrabahong kalahok ang mga kasali sa ikalawang yugto ng pag-aaral.\u00a0 Ginamit ang mga metodong ito para mas makakuha ng konstraksyong panlipunan ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Nilalayon ng lapit na konstraktibistang mapag-aralan ang mga dalumat batay sa kung paano binibigyan ng mga tao ng kahulugan ang mga ito (Gergen 1985).<\/p>\n<p>Ang mga resulta ay hinati sa dalawang bahagi.\u00a0 Sa unang bahagi inilahad ang mga kahulugan ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Samantalang sa ikalawang bahagi naman ay inilahad ang mga manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Kahulugan ng Pakikisama<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Maraming pagpapakahulugan sa <em>pakikisama<\/em> na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa iba, pagiging bukas sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, pakikibagay, at pagsunod sa mga nakagawian at kagustuhan ng grupo.<\/p>\n<p><em>Pakikipag-ugnayan sa Iba<\/em><\/p>\n<p>Ang <em>pakikisama<\/em> ay malinaw na tumutukoy na pakikipag-ugnayan sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Ito ay pangkaraniwang nakikita sa konteksto ng trabaho at pag-aaral.\u00a0 Ang isang tao ay lumalabas sa kanyang sarili at nakikipag-ugnay sa pamamagitan ng pag-intindi at pakikisalamuha sa <em>ibang tao<\/em> lalung-lalo na sa mga pagkakataong kinakailangang makisalamuha.\u00a0 Nabanggit ng mga kalahok na sila rin ay <em>nakikisama <\/em>sa kanilang mga kaibigan at ibang miyembro ng pamilya.\u00a0 Ito ay isang mahalagang pagpapahalaga kung saan ay dapat may abilidad ang taong makisalamuha sa iba\u2019t ibang klase ng tao.\u00a0 Ayon nga sa ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang kakayanang makipagsalamuha sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Ito ang pagtanggap at pag-intindi sa iba (Sheryll).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ang pagkakaroon ng abilidad na makisalamuha sa iba\u2019t ibang tao (Mike).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pakikipag-ugnayan sa iba\u2019t ibang tao kahit saan man ito nabibilang at kahit sila ay magkakaiba (Shey).<\/p>\n<p><em>Pagiging Bukas sa Pakikipag-ugnayan sa Kapwa<\/em><\/p>\n<p>Mahalaga sa <em>pakikisama<\/em> ang pagiging bukas sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.\u00a0 Ang taong <em>nakikisama<\/em> ay hindi lang nakikisalamuha sa isang taong hindi iba sa kanya kundi pati na rin sa isang taong iba sa kanya.\u00a0 Isa itong ugnayan sa iba\u2019t ibang tao kahit iba pa ang kanilang kultura at kahit hindi magkapareho ang kanilang ninanais o adhikain.\u00a0 Ang pagiging bukas ay napakahalaga dahil hindi <em>makikisama <\/em>ang isang tao kung ang kagustuhan lamang niya ang nasusunod.\u00a0 Nagsisimula ito sa isang pag-iisip o pananaw na hindi lamang ang pansariling kagustuhan ang masusunod kundi ang pananaw ng iba ang isinasaalang-alang.\u00a0 Batay sa pananaw ng ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Para sa akin ang ibig sabihin ng <em>pakikisama<\/em> ay ang pagiging isang klase ng tao na marunong makibahagi sa kanyang kapwa-tao kahit na ang mga ito ay hindi mula sa kanyang kultura o lugar na pinanggalingan (Larry).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Para sa akin, ang kahulugan ng <em>pakikisama<\/em> ay ang pakikibagay mo sa iba; pag-iisip ng hindi lamang para sa sarili, kundi pag-iisip o pakikibagay sa iba (Ricky).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pakikipagkaibigan sa iba\u2019t ibang tao at hindi lagi nasusunod ang gusto (Janet).<\/p>\n<p><em>Adjustment o Pakikibagay<\/em><\/p>\n<p>Ipinapakita ng datos na ang <em>pakikisama<\/em> ay pangkaraniwang naiiuugnay sa <em>adjustment <\/em>o<em> pakikibagay<\/em> ng isang tao sa kanyang panlipunang kapaligiran.\u00a0 Ang mga aktibidad kaugnay sa <em>pakikisama<\/em> ng isang tao ay para sa pagbubuo, pagpapanatili, at pagpapahusay ng kanyang mga relasyon.<\/p>\n<p>Maaari itong mangyari sa konteksto ng pagkakaibigan o sa trabaho kung saan maaaring ginagawa lamang ng isang tao ang ginagawa ng iba para sa pagbubuo, pagpapanatili, at pagpapahusay ng kanilang ugnayan.\u00a0 Ito ay pangkaraniwang nangyayari kapag nagkakayayaan ang mga kasama sa trabaho na kumain o kaya naman ay gumimik at baguhan pa lang ang niyayaya ng mas nakatatandang katrabaho.\u00a0 Ito ay puwede ring iugnay sa magkakabarkada kung saan ay nakikisakay lang ang isang baguhan sa isang grupo.\u00a0 Paglalahad nga ng ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Para sa akin ang kahulugan ng <em>pakikisama<\/em> ay pakikipag-ugnayan sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Puwede ring sabihing <em>nakikisama<\/em> ang isang tao kapag ginagawa niya ang ginagawa ng kanyang mga kasama o kung ano ang gusto ng kanyang kasama (Ruby).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa akin ang kahulugan ng <em>pakikisama<\/em> ay pakikitungo sa kapwa.\u00a0 Yung parang pagiging <em>friendly <\/em>sa iba and yung parang \u201cnakiki-<em>ride<\/em>\u201d (Bella).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay <em>being friends with others<\/em>.\u00a0 <em>Nakikisama<\/em> ka dahil gusto mo sila o napilitan lang (Mike).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang abilidad ng taong mag-<em>adapt<\/em> sa isang <em>environment<\/em> o <em>community <\/em>at maging bukas sa komunikasyon (Risa).<\/p>\n<p><em>Pagsunod sa mga Nakagawian at Kagustuhan ng Grupo<\/em><\/p>\n<p>Ang <em>pakikisama<\/em> ay maituturing ding pagsunod sa mga nakagawian at kagustuhan ng isang grupo.\u00a0 Malapit din sa temang ito ang pakikiayon o ang pagtanggap sa mga kagustuhan ng <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Ito ay parang <em>conformity<\/em> kung saan ay tumatalima ang isang tao sa kagustuhan ng kanyang grupo nang hindi napipilitan pero hindi rin malinaw na nangangahulugang buong puso niya itong ginagawa.\u00a0 Sang-ayon sa ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Pakikisama<\/em>?\u00a0 Ito ay ang kakayahan ng isang tao na sumunod sa gusto ng isang grupo o isang tao kung hindi naman pagsunod, \u2018yung pagtanggap dito nang hindi galit o iba pang masamang pakiramdam (Mika).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay ang pagkakasama sa mga gawain ng isang grupo ng mga kaibigan (Richard).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pagsang-ayon ng isang tao sa kanyang mga kasama.\u00a0 Sumasang-ayon siya sa mga ginagawa ng mga kasama niya (Hillary).<\/p>\n<p>Ang isang temang kaugnay nito ang <em>pakikisali sa iba sa pagtamo ng isang mithiin<\/em>.\u00a0 Ito ay ang pagiging bukas na makipagtulungan sa iba alang-alang sa isang mithiin o sa ikabubuti ng mas marami.\u00a0 Mahalagang sangkap dito ang pagiging sensitibo sa <em>ibang tao<\/em> o mas nakakarami bago ang pansariling kapakanan ng isang tao.\u00a0 Paliwanag pa ng ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ito ang pagiging <em>cooperative<\/em> at <em>sensitive<\/em> sa iyong mga kasama.\u00a0 Dapat ay isinasaalang-alang o ikinokonsider ang iba sa mga gawin lalo na kung ito ay makakaapekto sa kanila (Sheryll).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay maihahalintulad sa <em>pakikipagkapwa<\/em> at pagtutulungan sa bawat kasama pero sa ikabubuti ng karamihan (Gerry).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pag-uusap ng dalawa o maraming tao at sila\u2019y nagkakasundo sa iba\u2019t ibang bagay at interes (Karen).<\/p>\n<p>Ang isa pang kaugnay na tema ay ang pagkakaalam ng tao <em>kung papaano o kelan magkompromiso<\/em>.\u00a0 Kaugnay ng marunong magkompromiso ang pagsasakripisyo ng isang tao sa kanyang kagustuhan para sa iba lalung-lalo na sa panahon ng mga hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan.\u00a0 Ito ay nakadikit sa pag-iwas sa di-pagkakaunawaan o ang pagiging hadlang sa mga layunin o kagustuhan ng <em>ibang tao<\/em> o ng grupong kinabibilangan.\u00a0 Ito ay pangkaraniwang ginagawa sa isang kontekstong pinapahalagahan ng isang tao ang kanyang relasyon o ugnayan sa isang tao o mga kasama sa isang grupo.\u00a0 Paglalahad ng ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ito ay ang pakikisalamuha sa <em>ibang tao<\/em>; at pareho kayo ay nagkakaintindihan.\u00a0 Ito rin ay puwede maging pagsasakripisyo ng isang bagay sa sarili upang makagawa ng kompromiso sa kabilang grupo\/tao (Chin).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pagkokompromiso ng mga desisyon at gawain upang maresolba ang mga di-mapagsang-ayunang bagay (Seann).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ito ay ang pagkompromiso sa mga tao sa paligid mo.\u00a0 Ito ay ang pag-asal ng tama para sa kapakanan ng magkakasama (Aina).<\/p>\n<p><strong><em>Manipestasyon ng Pakikisama<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bilang isang pamantayan o prinsipyong gumagabay sa mga pagkilos ng isang tao, mahalagang malaman ang mga manipestasyon ng <em>pakikisam<\/em>a lalung-lalo na sa iba\u2019t ibang konteksto sa pakikisalamuha ng isang tao sa kanyang kapwa.\u00a0 Sa mga asal at pagkilos ng isang tao nakikita ang manipestasyon ng isang pagpapahalaga.<\/p>\n<p><em>Adjustment o Pakikibagay sa Panlipunang Kapaligiran<\/em><\/p>\n<p>Bilang isang pamantayan ng pagkilos, isa sa mahalagang manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em> ang hamon sa isang tao na dapat marunong siyang mag-<em>adjust<\/em> sa kanyang kapaligiran at hindi lang ang sarili niya ang kanyang pokus.\u00a0 Tumutukoy sa <em>adjustment <\/em>sa panlipunang kapaligiran ang mga pagbabago sa pagkios at isip ng tao para sa <em>ibang tao<\/em> sa lipunang kanyang gingalawan.\u00a0 Magagawa lamang ito ng isang tao kung mayroon siyang pakikiramdam sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Maliban dito, marunong din ang taong umunawa at rumespeto sa pagkilos ng iba para maiayon niya ang kanyang mga pagkilos alinsunod sa iba para siya ay makisama.\u00a0 Maaari ring makisama ang tao sa pamamagitan ng pag-<em>adjust<\/em> sa kanyang mga <em>attitude<\/em> o pag-iisip sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Kasama na rito ang pagbibigay ng respeto sa ibang taong salungat sa kanyang mga paniniwala.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Nakikibagay ako sa grupong kinabibilangan ko ang mga nararamdaman, maging kung paano ako makitungo sa kanila (Erika).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>In order for me to show that<\/em> marunong ako makisama, <em>I simply respect one\u2019s behavior and culture while somewhat trying to temporarily adapt to his\/her ways<\/em> (Ben).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>I deal with atittudes that are normally awkward or irritating to other people.\u00a0 I tolerate, to some extent, atittudes that I don\u2019t like<\/em> (Mark).<\/p>\n<p><em>Magandang Relasyon sa Ibang Tao<\/em><\/p>\n<p>Mahalaga sa <em>pakikisama <\/em>ang magandang relasyon sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Ang isang taong <em>marunong makisama<\/em> ay tumitiyak na maganda ang kanyang relasyon sa <em>ibang tao<\/em> at isinaalang-alang lagi ang iba bago ang sarili.\u00a0 Hindi siya masyadong mapili sa tao dahil pinipilit niyang magkaroon ng magandang pakikitungo sa <em>ibang tao<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay pagkakaroon ng magandang pakikitungo sa lahat ng klase ng tao (Alex).<\/p>\n<p>Isang mahalagang sangkap ng magandang relasyon sa iba ang pagkakaroon ng magandang ugali sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Ang taong <em>marunong makisama<\/em> ay nakikihalubilo sa iba\u2019t ibang tao sa iba\u2019t ibang konteksto tulad sa paaralan o sa trabaho.\u00a0 Ito ay pangkaraniwang makikita sa mga baguhan sa trabaho kung saan ay kailangan nilang makihalubilo, makipag-usap, at minsan lumabas kasama ang mga katrabaho.\u00a0 Mahalaga rin sa <em>pakikisama<\/em> ang pagrespeto sa <em>ibang tao<\/em> sa lalung-lalo na sa mga opinyon at ugali na may pagkakaiba sila.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay pakikitungo sa <em>ibang tao<\/em> ng maayos at pagpapakita ng mabuting ugali para magkaroon ng mapayapang pagsasama (Ellah).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Para sa akin, ang <em>pakikisama<\/em> ay pakikihalubilo sa iba.\u00a0 Paraan ito ng pagrespeto sa pagkakaiba ng mga tao (Jess).<\/p>\n<p><em>Pakikibahagi sa Iba<\/em><\/p>\n<p>Ang pakikibahagi sa iba ay tumutukoy sa pakikibahagi ng isang tao sa kanyang grupong kinabibilangan na puwedeng mga kaibigan, kamag-anak, kasama sa isang organisasyon o pamayanan, at katrabaho.\u00a0 Ang mahalaga rito ay mas inuuna o pinapahalagahan ng isang tao ang <em>ibang tao<\/em> bago ang kanyang sarili.\u00a0 Bago ang sarili, mas inuuna ang mga kagustuhan ng <em>ibang tao<\/em> o ng kanyang grupo.\u00a0 Ginagawa ito ng walang bahid na galit o sama ng pakiramdam.\u00a0 Ito ay itinuturing na isang uri ng <em>pakikipagkapwa<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Pagtalima sa karaniwang pangangailangan at kagustuhan ng grupo.\u00a0 Ang <em>pakikisama<\/em> ay <em>pakikipagkapwa-tao<\/em>.\u00a0 Ito ay pagsunod sa kagustuhan ng iba (Gracia).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Pakikisama<\/em>?\u00a0 Ito ay ang kakayahan ng isang tao na sumunod sa gusto ng isang grupo o isang tao kung hindi naman pagsunod, \u2018yung pagtanggap dito nang hindi galit o iba pang masamang pakiramdam (Maria).<\/p>\n<p>Isa sa mga mahalagang sangkap ng pakikibahagi sa iba ang <em>Pagsali sa iba para makibahagi sa pagtamo ng isang layunin.\u00a0 <\/em>Mas pinagtutuunan ng pansin at ng pagkilos ng isang tao ang kolektibong pagkilos para sa isang layunin ng isang grupo.\u00a0 Ang indibidwal ay nakikipagtulungan para matamo ang isang mithiin sa trabaho o sa paaralan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> para sa akin ay ang abilidad na makipagtulungan sa iba upang maabot ang isang <em>goal <\/em>(Pam).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay maihahalintulad sa <em>pakikipagkapwa<\/em> at pagtutulungan sa bawat kasama pero sa ikabubuti ng karamihan (Michael).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay isang katangian ng isang kaibigan na <em>makisama <\/em>at makitungo sa mithiin ng <em>ibang tao<\/em> (Jeric).<\/p>\n<p>Isa ring sangkap ng marunong makibahagi sa iba ang <em>alam makipagkompromiso.\u00a0 <\/em>Hindi ipipilit ng isang indibidwal ang kanyang gustuhin bagkus ay marunong siyang magsakripisyo para sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Kahit sa mahahalagang desisyon, ang taong <em>marunong makisama<\/em> ay marunong magpakumbaba at hindi ipipilit ang gusto para maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ito ay ang pakikisalamuha sa <em>ibang tao<\/em>; at pareho kayo ay nagkakaintindihan.\u00a0 Ito rin ay puwedeng maging pagsasakripisyo ng isang bagay sa sarili upang makagawa ng kompromiso sa kabilang grupo\/tao (Kathy).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pagkokompromiso ng mga desisyon at gawain upang maresolba ang \u00a0\u00a0 mga di-mapagsang-ayunang bagay (Seann).<\/p>\n<p><em>Positibong Relasyon sa Iba<\/em><\/p>\n<p>Isa sa mga manipestasyon na matingkad sa <em>pakikisama<\/em> ang pagkakaroon ng positibong relasyong sa <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Dahil pinapahalagahan nila ang kanilang mga kasama sa trabaho o paaralan, sinisiguro nilang maganda ang kanilang relasyon sa kanilang mga kasamahan.\u00a0 Nakikipag-usap sila sa iba at kasama sa mga aktibidad kahit hindi nakaugnay sa eskwelahan o trabaho para mapalago ang kanilang ugnayan sa <em>ibang tao<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay pagkakasundo ng mga tao sa iisang o madaming bagay.\u00a0 Ito ay ang pagre-<em>reach out<\/em> ng mga tao sa isa\u2019t isa (Angel).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ang <em>pakikisama<\/em> ay ang pakikipag-ugnayan ng isang tao sa <em>ibang tao<\/em> para magkaroon ng magandang relasyon (Erica).<\/p>\n<p>Isa sa mga sangkap ng may positibong relasyon ang pagiging <em>palakaibigan.\u00a0 <\/em>Ang mga manipestasyon ng palakaibigan ay ang pagiging bukas na makisalamuha sa iba\u2019t ibang tao at hindi masyadong namimimili ng kaibigan.\u00a0 Sa kanilang pagiging palakaibigan, imbes na ang sarili ang tuon, nagiging tuon din ng taong <em>nakikisama<\/em> ang <em>ibang tao<\/em> tulad ng kanilang mga interests sa buhay at saloobin.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa pamamagitan ng pagkakaibigan at pagpapakita ng interes sa isang bagay na ginagawa ng isang grupo ng tao (Blessie).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Nakikipag-usap ako sa mga taong unang beses ko pa lang nakikita at nagiging palakaibigan sa kanila (Shey).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>DISKUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Para sa pagtalakay ng mga resulta, pinahalagahan ang <em>pakikisama<\/em> bilang paayong paimbabaw na pagpapahalaga.\u00a0 Ipinakita ring bilang pagpapahalaga, may manipestasyon sa asal\/ugali at katangian ang <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Sa huli, tiningnan ang <em>pakikisama<\/em> batay sa lapit ng <em>Sikolohiyang Panlipunan<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Paayong Paimbabaw na Pagpapahalaga ng Pakikisama<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Pinapabilis ng <em>pakikisama<\/em> ang mga transaksyon mula sa kategoryang <em>ibang tao<\/em> patungo sa kategoryang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Dahil sa hindi maiiwasang halaga nito sa mga transaksyong interpersonal, nakikita sa pag-aaral na ito ang kanyang halaga sa iba\u2019t ibang konteksto: <em>task-based<\/em>, pagkakaibigan, at pamilya.\u00a0 Nakita sa mga resulta ng pag-aaral ang halaga ng <em>pakikisama<\/em> bilang isang pamantayan at prinsipyong gumagabay sa mga kilos at ugali ng mga tao.<\/p>\n<p>Malinaw na nakikita sa mga resulta ang pagiging paimbabaw na pagpapahalaga ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Ang pagpapakita ng isang indibdwal na hindi siya makasarili at hindi lang nakatuon sa pansariling pangangailangan ay isang pangungahing sangkap ng <em>pakikisama<\/em> ngunit ang mga manipestasyon nito ay mas mababaw dahil ang turing pa rin sa tao ay <em>ibang tao<\/em> kumpara sa ibang manipestasyon sa modelong ipinakita ni Enriquez (1992) na tumutukoy sa kategoryang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Nakapaloob sa <em>pakikisama<\/em> ang kamalayan at <em>adjustment<\/em> sa mga elemento ng panlipunang kapaligiran, pakikisali sa iba sa kanilang mga pag-uusap at mga aktibidad, aktibong paglahok sa mga panlipunang interaksyon, at pagiging bukas.\u00a0 Sa mga resultang nakalap, makikita ang pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, at pakikibagay ay laging kasama.\u00a0 Ang pakikitungo at pakikibagay ay kasama ng <em>pakikisama<\/em> sa kategoryang <em>ibang tao<\/em> o tagalabas (Enriquez 1992).\u00a0 Kasama rin sa <em>pakikisama<\/em> ang pakikiayon sa mga pamantayan, pangangailangan, at kagustuhan ng kinabibilangang grupong panlipunan.\u00a0 Partikular na kasama rito ang pagsunod sa grupo, pakikipag-usap sa iba nang mahusay, at pagtalima na may kamalayan sa personal na limitasyon at hangganan.\u00a0 Ito ay ang pagkilos ng pagkompromiso sa pagitan ng sarili at iba.<\/p>\n<p><strong><em>Pagpapahalagang Pakikisama na May Manipestasyon sa Asal\/Ugali at Katangian<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Kasama rin sa <em>pakikisama<\/em> ang pagkilala at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng mga tao.\u00a0 Ang taong <em>nakikisama<\/em> ay yaong marunong rumespeto at umunawa sa <em>ibang tao<\/em> at kayang tingnan ang kanilang perspektibo.\u00a0 Para magawa ito, kailanganng maging bukas ang isang indibidwal sa mga pangangailangan ng lipunang ginagawalan.\u00a0 Nakikita ito sa pagmomonitor sa sarili.\u00a0 Sinasabi ritong ang isang indibidwal na <em>nakikisama<\/em> ay gumagamit din ng pagmomonitor sa sarili (Snyder 1987).\u00a0 Ang mga indibidwal na mataas ang pagmomonitor sa sarili ay mas nakikiramdam sa kanilang lipunang ginagalawan at nag-a-<em>adjust<\/em> ng kanilang mga pagkilos para matugunan ang mga kaugalian at kinakailangan sa lipunang kanilang ginagalawan.<\/p>\n<p>Ang pagpapakita ng <em>adjustment<\/em> o pakikibagay sa panlipunang ginagalawan, magandang relasyon sa <em>ibang tao<\/em>, pakikibahagi sa iba, at positibong relasyon sa iba ay mga manipestasyon ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Ipinapakita ng mga resulta na kinakailangan sa <em>pakikisama<\/em> na ang isang indibidwal ay gumawa ng mga kognitibo at emosyonal na mga <em>adjustment <\/em>para matugunan ang mga pangangailangan ng lipunang pangkat at alam din ang halaga nito.\u00a0 Samakatwid, ang taong <em>nakikisama<\/em> ay isang aktibong ahenteng panlipunan, may kontrol at alam kung bakit niya kailangang gawin ang mga kognitibo at emosyonal na <em>adjustment <\/em>para sa panlipunang ginagalawan.<\/p>\n<p>Samakatwid, naipapakita ritong ang <em>pakikisama<\/em> ay may instrumental o <em>functional <\/em>na halaga sa mga interaksyong interpesonal.\u00a0 Ipinapakita ng mga sagot ng mga kalahok na pangkaraniwang ginagamit sa mga relasyong hindi pa masyadong buo o hindi pa matibay ang relasyon.\u00a0 Sa mga transaksyong ito, ang <em>pakikisama<\/em> ay nagiging mahalagang aktibidad para mas magkakilala ang dalawang tao upang lalo nilang mapagtibay ang kanilang relasyon.\u00a0 Sa ganitong mga transaksyon, maaaring alam ng indibidwal ang halaga ng <em>pakikisama<\/em> niya sa <em>ibang tao<\/em> dahil mas mapagtitibay nito ang relasyon niya sa iba.\u00a0 Dahil dito, hindi dapat nagiging negatibo ang pagtingin sa <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Sabi nga ni Jocano (2001) hindi ang pagpapahalaga ang mali kung hindi ang konteksto.<\/p>\n<p><strong><em>Lapit na Sikolohiyang Panlipunan:\u00a0 Belongingness Motive<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ipinapakita ng mga sagot ng mga kalahok na ang mga indibidwal na <em>nakikisama<\/em> ay kinikilala ang instrumental na pagpapahalaga nito sa kanilang mga transaksyon sa trabaho at iba pang konteksto kung saan may pagkakaiba sa kapangyarihan at estado lalung-lalo na sa mga pagkakataong kailangan nilang magpakita ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Gamit ang mga <em>core social motive<\/em> na lapit ni Susan Fiske (2004), masasabing ang paggamit ng <em>pakikisama<\/em> ay dahil sa motibasyon ng isang tao <em>to belong<\/em>, umintindi, kontrolin, at paghusayan ang sarili.\u00a0 <em>Hindi makikisama<\/em> ang isang tao kapag nakikita niya ang mundo bilang isang delikadong lugar.\u00a0 Sa pamamagitan ng pagiging bukas sa iba at magbigay ng oras na makisalamuha sa sosyal na interaksyon, ipagpapalagay ng isang indibidwal na ang mundo ay isang magandang lugar para matamo niya ang kanyang mga layunin sa buhay.\u00a0 Ito ang <em>trusting motive <\/em>ayon kay Fiske.\u00a0 Sa pamamagitan din ng <em>pakikisama<\/em>, alam ng isang indibidwal na siya ay makakapagsimula ng mga relasyon at bumuo ng mga kaaya-ayang mga relasyon.\u00a0\u00a0 Ito naman ang <em>understanding and controlling motive <\/em>batay kay Fiske.\u00a0 Ang pinakamahalaga sa lahat, kahit anong kultura pa man, ang lahat ng tao ay nagsusumikap na magkaroon ng magandang pakiramdam tungkol sa kanilang mga sarili at maramdamang bahagi at tanggap sila ng isang panlipunang grupo.\u00a0 Ito ang <em>belonginess motive<\/em>, o pangangailangan sa pagkakaugnay.<\/p>\n<p>Ang kasalukuyang pag-aaral ay isang pagpapatunay sa <em>functional <\/em>na kahalagahan ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Kahit ito ang pinakamababang lebel ng interaksyon, ito ang nagiging basehan ng iba pang transaksyon.\u00a0 Kapag wala itong pangunahing lebel ng interaksyon, mahirap matamo ang mas matataas na lebel ng interaksyon.<\/p>\n<p><strong><em>Lapit na Sikolohiyang Panlipunan:\u00a0 Conformity<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>adolescence <\/em>ay isang yugto sa pag-unlad ng isang tao kung saan umuusbong ang mga ugnayan ng isang tao sa kanyang mga kaibigan.\u00a0 Malimit na tinatawag itong barkada.\u00a0 Sa seminal na pag-aaral na ginawa ni Erik Erikson (1968) tungkol sa identidad, ang <em>conformity<\/em> ay itinuturing na isang mahalagang bahagi ng ugnayang panlipunan ng isang tao sa kanyang mga kaibigan kung saan ay nagkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa ang kanyang sarili tungkol sa kanyang identidad.\u00a0 Dahil kalahok siya sa isang barkada at sinusundan niya ang mga kaugalian at pamantayan ng kanyang grupo, nagiging maganda ang pakiramdam ng isang kabataan tungkol sa kanyang sarili.\u00a0 Ipinakita ng pag-aaral nina Marc Heerdink (2013), na kapag nagkulang sa <em>conformity <\/em>o pag-alinsunod ang isang tao, magdudlot ito ng <em>rejection<\/em> ng isang tao dahil sa maaaring ipakitang negatibong asal na maaaring ipakita ng mga kabarkada niya.\u00a0 Dahil dito, mas gagawa ng pagkilos ang isang tao para matanggap ulit ng grupo.\u00a0 Ang pagtanggap ng mga kagrupo o kabarkada sa tao ay magdudulot ng kasiyahan para sa kanya.\u00a0 Malinaw na ipinapakita rito ang mahalagang gampanin ng ibang tao na itinuturing na mahalaga sa pag-aayos o <em>regulation<\/em> ng mga pagkilos ng isang tao.<\/p>\n<p>Ang mga kalahok sa kasalukuyang pag-aaral ay halos mga kabataan na nasa antas na <em>adolescence<\/em>.\u00a0 Nakita ng mga mananaliksik na ang mga tugon nila tungkol sa <em>pakikisama<\/em> ay hindi nalalayo sa kanilang konteksto.\u00a0 Samakatwid, ang mga pagkilos na ito ay wala sa konteksto dahil ipinapakita ng kanilang mga karanasan ng <em>pakikisama <\/em>ay nakatuon sa mga taong itinuturing nilang mga kabarkada o kagrupo.\u00a0 Mahalagang punto ito dahil ipinapakita nitong ang mga pagkilos na ipinakita ng mga kabataan sa <em>pakikisama <\/em>ay nakabatay sa kanilang mga desisyon upang maging bahagi ng isang grupo o barkada na kanilang pinapahalagahan at alam nila ang halaga ng mga pagkilos na ito upang mas lalong mapagyaman ang kanilang mga ugnayan sa kanilang mga kaibigan.\u00a0 Sa pag-aaral nina Jennifer Ann Lajom (2009) sa mga kabataang Pilipino, nakita nilang ang <em>pakikisama<\/em> ay isang inaasahang pagkilos ng isang kabataan kung saan may elemento ng tiwala at kooperasyon.\u00a0 Dahil dito, ang <em>pakikisama <\/em>ay nagiging isang pagpapahalaga dahil ito ang nagiging pamantayang inaasahan sa mga kabarkada at ito ang nagiging paraan para maipakitang pinapahalagahan nila ang kanilang pagkakaibigan or barkadahan.<\/p>\n<p>Ang mga natuklasan sa kasalukuyang pag-aaral ay nagpapatibay sa mga argumento nina Rod Bond at Peter Smith (1996) sa kanilang meta-analitikong pag-aaral gamit ang <em>Asch-type line judgement take<\/em> tungkol sa mga pag-aaral tungkol sa <em>conformity<\/em>.\u00a0 Mahalaga ang gampanin ng mga kultural na salik sa pag-unawa sa mga konteksto at kondisyon tungkol sa <em>conformity<\/em>.\u00a0 May pangangailangan ding unawain ang konstraksyon ng <em>conformity<\/em> sa mga bansang <em>individualism<\/em> ang mas pinapahalagahan kumpara sa mga bansang mas <em>collectivism <\/em>ang pamantayan.\u00a0 Sa kasalukuyang pag-aaral, ang paggamit ng <em>pakikisama<\/em> at ang kanyang nakikitang gamit ay nakikitang may pagkakahawig sa <em>conformity<\/em>.\u00a0 Ngunit, ang paggawa ng mga konklusyong nakatuon sa pagkakahawig ng pakikisama at <em>conformity <\/em>ay magiging problemado dahil sa mga kultural at salik na sitwasyonal na puwedeng mabalewala o hindi pagtutunan ng pansin.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONKLUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Sa pangkalahatan, ipinapakita ng mga resulta ang pagiging paayong paimbabaw ng <em>pakikisama<\/em> at dahil dito, napapabilis ng <em>pakikisama<\/em> ang mga transaksyon mula sa kategoryang <em>ibang tao<\/em> patungo sa kategoryang <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Mahalaga ang <em>pakikisama<\/em> dahil ang mga manipestasyon nito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang kapwa kahit na ang turing pa niya sa iba ay kategoryang <em>ibang tao<\/em>.\u00a0 Pangalawa, bilang isang pagpapahalaga na nagiging pamantayan at gabay na prinsipyo, nakita ang instrumental na layunin ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Isang pagpapatibay ito sa sinabi ni Enriquez (1992) tungkol sa <em>functional signficance<\/em> ng <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Tinitingnan ng mga indibidwal ang praktikal na pananaw sa kanilang mga relasyon sa panlipunang ginagalawan.\u00a0 Tinitingnan ang kanilang mga relasyon kung ito nga ba ay panandalian lang o pangmatagalan.\u00a0 Batay sa mga sagot ng mga kalahok, ang mga interaksyong pangmatagalan ay nangangailangan ng mga <em>adjustment <\/em>sa parte ng indibidwal.\u00a0 Ang isang relasyong tinitingnang pangmatagalan ay nangangailangan ng mas maraming <em>adjustment<\/em>.\u00a0 Mas kakailanganin ng indibidwal ng mga pagbabago sa pag-iisip (<em>cognitive accommodation<\/em>), emosyonal na regulasyon, at pagkilos (<em>behavioral accomodation<\/em>).\u00a0 Pangatlo, ipinapakita ng <em>pakikisama<\/em> ang isang salik sa Kanluranin na <em>belongingness motive<\/em> o pangangailangan sa pagkakaugnay.\u00a0 Kasama sa pangangailangan sa pagkakaugnay ang pagiging bukas sa iba at magbigay ng oras sa ibang tao na may tiwala para matamo ang layunin sa buhay at magkaroon ng magandang relasyon sa iba.\u00a0 Sa pagkakaugnay sa <em>conformity,<\/em> kahawig ito ng <em>pakikisama<\/em> lalo na sa aspektong pagpapahalaga sa kagrupo kaya ang mga pagkilos ay nagpapakita ng pagpapahalaga rin sa kagrupo.\u00a0 Dahil dito, nagiging pagpapahalaga ang <em>pakikisama <\/em>dahil ito ang nagiging pamantayan ng pagkilos ng isang tao.<\/p>\n<p>Ang kasalukuyang pananaliksik ay isang pagtatangkang suriin ang paayong paimbabaw na pagpapahalagang <em>pakikisama<\/em> ng gumamit ng lapit ng <em>Sikolohiyang Panlipunan<\/em> at <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Ang mga naipakitang resulta ay kailangan pang mas malinaw sa hinaharap para mas maging tiyak ang istraktura ng pagpapahalagang <em>pakikisama<\/em>.\u00a0 Batay sa mga resulta ng kasalukuyang pag-aaral, maaaring gumawa ng iskala ng <em>pakikisama<\/em> para makagawa ng mga kwantitatibong pag-aaral para malaman ang <em>factor structure<\/em> na <em>pakikisama<\/em> at relasyon nito sa ibang pagpapahalaga.\u00a0 Isang mahalagang puwedeng pagtuunan ng pansin sa hinaharap ay kung papaano nagiging <em>functional value<\/em> ang <em>pakikisama<\/em> na maaaring tumulay sa kategoryang <em>ibang tao<\/em> patungo sa <em>hindi ibang tao<\/em>.\u00a0 Panghuli, maaari ring tingnan ang <em>pakikisama<\/em> bilang isang katangian o <em>trait <\/em>ng isang tao.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Bond, R. at P.B. Smith (1996).\u00a0 Culture and conformity: A meta-analysis of studies using Asch\u2019s (1952b, 1956) Line Judgment Task.\u00a0 <em>Psychological Bulletin<\/em>, 119 (1), 111-137.<\/p>\n<p>Church, A.T. (1987).\u00a0 Personality research in a non-Western culture: The Philippines.\u00a0 <em>Psychological Bulletin<\/em>, 102 (2), 272-292.<\/p>\n<p>Church, A.T. at M.S. Katigbak (2002).\u00a0 Indigenization of psychology in the Philippines.\u00a0 <em>International Journal of Psychology, <\/em>37 (3), 129-148.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology: The Philippine Experience<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1993).\u00a0 Developing a Filipino psychology.\u00a0 Nasa U. Kim at J.W. Berry (mga pat.), <em>Indigenous psychologies: Research and experience in cultural context<\/em>.\u00a0 CA: Sage Publications, Inc., 152-169.<\/p>\n<p>Erikson, E.H. (1968).\u00a0 <em>Identity, youth, and crisis.\u00a0 <\/em>New York: Norton.<\/p>\n<p>Fiske, S.T. (2004).\u00a0 <em>Social beings: A core motives approach to social psychology<\/em>.\u00a0 Indianapolis: Wiley Press.<\/p>\n<p>Garcia, M., F. Zulueta, at C. Caritativo (1989).\u00a0 <em>Sociology: Focus on Filipino society and culture<\/em>.\u00a0 Manila: National Bookstore Inc.<\/p>\n<p>Gergen, K.J. (1985).\u00a0 The social constructionist movement in modern psychology.\u00a0 <em>American Psychologist<\/em>, 40 (3), 266\u2013275.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1997).\u00a0 <em>Filipino value system: A cultural definition<\/em>.\u00a0 Quezon City: PUNLAD Research House.<\/p>\n<p>Heerdink, M.W., G.A. Van Kleef, A.C. Homan, at A.H. Fischer (2013).\u00a0 On the social influence of emotions in groups: Interpersonal effects of anger and happiness on conformity versus deviance.<em>\u00a0 Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 105 (2), 262-284.<\/p>\n<p>Lajom, J.A., N. Canoy, R. Amarnani, A.M. Parcon, at P.M. Valera (2009).\u00a0 Barkadahan: A study of peer group norms and values among Filipino adolescents.\u00a0 <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 42 (2), 195-212.<\/p>\n<p>Lynch, F. (1973).\u00a0 Social acceptance reconsidered.\u00a0 Nasa F. Lynch at A. de Guzman II (mga pat.), <em>Four readings on Philippine values; Fourth edition<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1-68.<\/p>\n<p>Pasco, A.C.Y., J.M. Morse, at J.K. Olson (2004).\u00a0 Cross-cultural relationships between nurses and Filipino Canadian patients.\u00a0 <em>Journal of Nursing Scholarship<\/em>, 36 (3), 239-246.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at E. Protacio-Marcelino (2000).\u00a0 Sikolohiyang Filipino (Filipino Psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez.\u00a0 <em>Asian Journal of Psychology, <\/em>3 (1), 49-71.<\/p>\n<p>Reifman, A., J.G. Klein, at S.T. Murphy (1989).\u00a0 Self-monitoring and age.\u00a0 <em>Psychology and Aging, <\/em>4 (2), 245-246.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H., J. Cieciuch, M. Vecchione, E. Davidov, R. Fischer, C. Beierlein, A. Ramos, M. Verkasalo, J.E. L\u00f6nnqvist, K. Demirutku, O. Dirilen-Gumus, at M. Konty (2012).\u00a0 Refining the theory of basic individual values.\u00a0 <em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 103 (4), 663-688.<\/p>\n<p>Tajfel, H. (1974).\u00a0 Social identity and intergroup behaviour.\u00a0 <em>Social Science Information, <\/em>13 (2), 65-93.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Maria Guadalupe C. Salanga, Ph.D. at Homer J. Yabut, Ph.D. Departamento ng Sikolohiya De La Salle University, Manila Abstrak Isa ang pakikisama sa mga paayong paimbabaw na pagpapahalaga (accomodative surface value) kasama ng hiya at utang na loob (Enriquez 1992).\u00a0 &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-pangkaraniwang-pagpapakahulugan-at-behavioral-na-manipestasyon-ng-pakikisama\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Ang Pangkaraniwang Pagpapakahulugan at Behavioral na Manipestasyon ng Pakikisama<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/750"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=750"}],"version-history":[{"count":8,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/750\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":802,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/750\/revisions\/802"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=750"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=750"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=750"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}