{"id":746,"date":"2017-11-16T04:42:25","date_gmt":"2017-11-16T04:42:25","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=746"},"modified":"2018-08-28T02:12:28","modified_gmt":"2018-08-28T02:12:28","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-parang-pag-ibig-ibinibigay-ng-walang-kapalit-utang-na-loob-ugnayan-unawa-at-ugali","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-parang-pag-ibig-ibinibigay-ng-walang-kapalit-utang-na-loob-ugnayan-unawa-at-ugali\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Parang Pag-ibig, Ibinibigay Nang Walang Kapalit! Utang na Loob \u2013 Ugnayan, Unawa, at Ugali"},"content":{"rendered":"<p><strong>Roberto E. Javier Jr., Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Sikolohiya<br \/>\nDe La Salle University, Manila<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Sa 2015 sarbey na isinagawa sa may 218 estudyanteng nasa unibersidad at mga nasa antas panggradwado, sininop ang ugnayan, unawa, at ugali na meron sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Malaon nang nasa unawa ng Pilipino ang <em>utang na loob<\/em>, katibayan dito ang tala ng misyonerong Pransiskano na si Padre Pedro de San Buena Ventura sa <em>Vocabulario de Lengua Tagala<\/em> noong 1613.\u00a0 Sa paglipas ng 400 taon, natuklasang nasa unawa pa ito ng mga estudyanteng nasa sampol na kung saan ang 8 sa bawat 10 sa kanila ay nasa pagitan pa ng edad na 16 hanggang 29.\u00a0 Sulat-kamay ang sagot nila sa tanong tungkol sa sariling karanasan sa <em>pinagkakautangan<\/em> nila <em>ng loob<\/em>.\u00a0 Malinaw na may ugnayang namamagitan sa may <em>utang na loob<\/em> at nagkusang magpautang nito.\u00a0 Ang unawa sa <em>utang na loob<\/em> ay iyong bunga ng kabutihan at <em>kusang-loob<\/em> na nadaranas sa aruga, kalinga, at malasakit.\u00a0 Sa ugali pa rin namamalas ang <em>utang na loob<\/em> sa pagbibigay-respeto, pagpapasalamat, at pagtulong.\u00a0 Di tulad ng <em>original<\/em> <em>sin <\/em>na minamanang kahinaan kaya maaaring magkasala, ang <em>utang na loob<\/em> ay kalakasang ipinapasa sa paggawa ng mabuti sa darating pang panahon.\u00a0 Sakaling mawaglit sa malay, ang <em>budhi <\/em>ang uukilkil upang masumpungan ito para sa <em>pagbabalik-loob<\/em> sa mga ina\u2019t amang nagbigay-buhay o sa sinumang tumayong magulang lalo na sa panahon ng pangangailangan.\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> ay <em>pakiramdam<\/em> ng pagmamahal.\u00a0 Parang pag-ibig, ang halagahing ito ay ibinibigay ng kusa ng walang hinihintay na kapalit.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p>In a 2015 survey administered to 218 university graduate students, the relationships, understandings, and traits within <em>utang na loob<\/em> were analyzed.\u00a0 <em>Utang na loob<\/em> has long been understood by Filipinos as evidenced by the notes of Franciscan missionary Father Pedro de San Buena Ventura in his <em>Vocabulario de Lengua Tagala<\/em> in 1613.\u00a0 After 400 years, it was discovered that <em>utang na loob<\/em> is still part of the worldview of 8 out of 10 students aged 16 to 29 years who were part of the study.\u00a0 They gave handwritten answers to questions about their own experiences with those they have <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 It is clear that there is a relationship between those with <em>utang na loob<\/em> and those who extended <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 <em>Utang na loob<\/em> is understood as resulting from goodness and <em>kusang-loob<\/em> experienced in showing care, providence, and concern.\u00a0 <em>Utang na loob<\/em> is shown through traits associated with giving respect, gratitude, and help.\u00a0 Unlike the original sin which is an inherited weakness, <em>utang na loob<\/em> is considered a strength passed through generations by doing good.\u00a0 In cases when <em>utang na loob<\/em> leaves one\u2019s consciousness, the person\u2019s <em>budhi<\/em> will remind oneself to have <em>pagbabalik-loob<\/em> to one\u2019s parents in times of need.\u00a0 <em>Utang na loob<\/em> is <em>pakiramdam<\/em> or feeling of love.\u00a0 Like love, this value is given wholeheartedly and voluntarily without expecting anything in return.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan!\u00a0 Isang kasabihang nagpapaalala na tayo ay tumanaw ng <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Lumilingon na lamang tayo sa ating pinagmulan sapagkat mukhang lubhang mahirap nang muling magbalik pa roon.\u00a0 Ang hinihingi ay sulyapan ang dinaanan upang ang paroroonan ay hantungan.\u00a0 Sa madali\u2019t sabi, dapat ay batid na buong-buo ang kinagisnan, ang kinamulatan.\u00a0 Sa paglayo buhat dito, patungo sa kung saan kailangan naman ang tanawin nga ito.\u00a0 Ang pagtanaw ng <em>utang na loob<\/em> ay sintanda na yata ng <em>original sin<\/em> ng sangkakristiyanuhan.\u00a0 Masasabing gaya ng minamanang kasalanan ang <em>utang na loob<\/em> sapagkat hindi mawawaan kung papaanong makagaganti rito.\u00a0 Sa karaniwan ang \u201cutang\u201d ay dapat bayaran lalo pa\u2019t ito\u2019y salaping hiniram lamang o anuman na wala naman talagang kabagay-bagay.\u00a0 Malaon na rin namang naipag-iba ang pakahulugan natin ng \u201cutang\u201d na pera at <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ang utang na \u201cwalang\u201d <em>loob<\/em> ay inaasahang babayaran.\u00a0 Kung pera ang inutang, pera ang kabayaran.\u00a0 Samantala, ang <em>utang na loob<\/em> ay buhat yata sa mabuting gawa.\u00a0 Ang anumang ibinigay na bunga ng buti (o buot), bait o ganda ng intensyon ay isa nga ba kayang <em>utang na loob<\/em>?\u00a0 Sa idinaos na <em>Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (PSSP 2014) sa isang plenaryong sesyon nito kung saan inilahad ang tungkol sa pagmamagulang at pagdidisiplina ng anak ay may isang estudyante sa kolehiyo na nagtanong kung ano ang maipaliliwanag na kinalaman ng <em>utang na loob<\/em> sa pagpapalaki ng bata.\u00a0 Ito ang nagbunsod sa aking sinupin ang kaisipang kaugnay ng <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ayon kay Virgilio Enriquez (1992) ito ay halagahin natin na maiuugat sa <em>pakiramdam<\/em> kung saan ang <em>pakikipagkapwa<\/em> ay siya rin nating <em>pagkatao<\/em>.<\/p>\n<p>Mahalagang masuri ang linggwistikong ekspresyong ito mismo sa ating pagkakaunawa sa mga salitang bumubuo ng kahulugan nito.\u00a0 Lumalabas na hindi maihihiwa-hiwalay ang bawat kataga na bumuo sa <em>utang na loob<\/em> sapagkat isang kaisipan ito.\u00a0 Bagama\u2019t may tila dalawang mahahalagang katagang \u201cutang\u201d at \u201c<em>loob<\/em>\u201d dito, ang isa-isahin ito ay walang saysay.\u00a0 Manapa, kailangan munang muling halughugin sa linggwistikang Tagalog o Filipino ang pagkakabuo nito.\u00a0 Ayon sa mga eksperto sa ating wika, ang kayarian ng salita sa atin, partikular sa Tagalog ay ibinubunga ng paglalapi sa kataga o di kaya naman ay pagsasama-sama ng mga salita upang mabuo nga ang isang kataga (Santiago at Tiangco 2003).\u00a0 Sa gayon nag-iiba-iba nga ang mga kahulugan ng mga kataga kung nilalapian gaya ng <em>kalooban<\/em> (<em>loob<\/em> na nilapian sa unahan at hulihan nito) o di kaya naman ay sinasangkapan ng isa pang salita (<em>mabuting loob<\/em>).<\/p>\n<p>Mula sa mayamang kaisipan ng \u201c<em>loob<\/em>\u201d ang <em>utang na loob<\/em> na maluwat nang nasa ating kamalayan subalit kapos pa tayo sa pag-unawa rito.\u00a0 Ang isa sa pinakamatandang mapagkukunan ng katibayan na ito\u2019y nasa kaisipan na ng Pilipino noon pa man sa ating sinaunang panahon ay ang tala nitong kataga sa diksyunaryong nailathala noong 1613 pa.\u00a0 Sa <em>Vocabulario de Lengua Tagala<\/em> na binuo ng misyonerong paring Pransiskano na si Pedro de San Buena Ventura (1613), ang \u201c<em>otang loob<\/em>\u201d ay isinalin niya sa Espa\u00f1ol bilang \u201c<em>obligacion<\/em>.\u201d\u00a0 Ang Ingles ng \u201c<em>obligacion<\/em>\u201d ay \u201c<em>obligation<\/em>\u201d na galing sa Latin na \u201c<em>obligatio(n)<\/em>\u201d na mula naman sa \u201c<em>obligare<\/em>.\u201d\u00a0 Ang Latin na \u201c<em>obligare<\/em>\u201d ay binubuo ng \u201c<em>ob<\/em>\u201d na sa Ingles ay \u201c<em>towards<\/em>&#8216;\u201d at \u201c<em>ligare<\/em>\u201d sa Ingles din ay <em>\u201cto<\/em> <em>bind<\/em>\u201d (Merriam-Webster, Inc. 2015).\u00a0 Kaya kung ang \u201c<em>otang loob<\/em>\u201d ay \u201c<em>obligacion<\/em>\u201d nangangahulugan na dahil may tali o may tangan ang pinagkautangan sa pinautangan.\u00a0 Ito ang naglagi sa ating isipan sa ating <em>utang na loob<\/em> sa sinuman o kaninuman.\u00a0 Samantala, maitatanong kung ito nga ba ang unawa sa <em>utang na loob<\/em> ayon sa ating danas dito.\u00a0 Maaari rin namang ipalagay na isa sa mga unawa natin ang <em>utang na loob<\/em> ay obligasyon.\u00a0 Ang salin sa Ingles ng <em>utang na loob<\/em> sa mga nakasulat ay <em>\u201cgratitude<\/em>\u201d at \u201c<em>solidarity<\/em>\u201d (Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2004).\u00a0 Sa hanayan ni Enriquez (1992) ng mga halagahing Pilipino, ang <em>utang na loob<\/em> na kahanay ng <em>hiya<\/em> at <em>pakikisama<\/em> ay mga umiibabaw o siyang lilitaw sa ating pag-aayon ng sarili sa kapwa.\u00a0 Ang mga kawing na kagawia\u2019t kilos ng mga ito\u2019y <em>biro<\/em>, <em>lambing<\/em>, at <em>tampo<\/em>.\u00a0 Ang mga halagahing <em>bahala na<\/em>, <em>sama\/lakas ng loob<\/em>, at <em>pakikibaka<\/em> naman ang umiibabaw o lilitaw sa ating mga pagharap sa ating kapwa.\u00a0 Ang ating <em>pakiramdam<\/em> ang mamamagitang halagahin sa ating pag-aayon, pagharap, at pagkilos.\u00a0 Ito ang tinutukoy niya na <em>pakikipagkapwa<\/em> at ating <em>pagkatao<\/em>.\u00a0 Sa sikolohiyang ito ng kapwa matutunton natin ang <em>utang na loob<\/em> na bahagi ng nagpapakahulugan sa ating <em>katauhan<\/em>.\u00a0 Samakatwid, ang halagahing <em>utang na loob<\/em> ay magpapakilala pa sa ating <em>pagkatao<\/em>.<\/p>\n<p>Mahihiwatigan natin ang <em>utang na loob<\/em> sa mga pagtatalakay na ginawa sa masaklaw na <em>loob<\/em>.\u00a0 Ang mga ito\u2019y nasa mga pag-aaral sa larangang leksikal at paraang rasyunal.\u00a0 Mababalikan sa mga matalas na pagsusuring nilapatan ng sikolinggwistika nina Zeus Salazar (1981) at Prospero Covar (2011) sa <em>loob<\/em> ang halagahing <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Maidadagdag din ang mahusay na paggamit sa wika ng mga paring sina Albert Alejo at Dionisio Miranda (Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2004) sa kung ano ang <em>loob<\/em> na mapagtatantuan ng<em> utang na loob<\/em> bilang halagahin.\u00a0 Mahihinuha sa mga isinagawa nilang analisis na ang <em>utang na loob<\/em> ay isa sa mga nakapagpapaunawa sa atin ng <em>pagkatao<\/em> dahil maiuugnay natin ito sa <em>kaluluwa <\/em>(Salazar 1981), sa <em>budhi<\/em> (Covar 1995), <em>pagiging tao<\/em> (Alejo 1990), at sa <em>katauhan<\/em> (Miranda 1989; Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2004).\u00a0 Sa bahaging huli ng aklat ni Alejo (1990) kung saan tinipon niya ang maraming salitang kaugnay ng <em>loob<\/em>, kanyang binigyan ng katuturan ang <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Narito ang siniping dalawang depinisyon pati ang paliwanag sa <em>utang na loob<\/em> mula sa akda ni Alejo:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">(1) pagkilala sa <em>kagandahang-loob<\/em> na ipinakita ng kapwa; malalim na pananagutan bunga ng isang pabuya o biyaya na ipinagkaloob sa isang nangangailangan, lalo na sa panahon ng kagipitan na sa mata ng tumatanggap ay hindi mababayaran; pagtanaw sa <em>pakitang-loob<\/em> o pagdamay ng isang kapwa at tahimik na paghahandang <em>magpakitang-loob<\/em> din sa ibang paraan sa tamang panahon; pagkakatali sa taong nagbigay ng pabuya.\u00a0 (Ang <em>utang na loob<\/em> ay hindi binabayaran kundi tinatanaw o kinikilala; lagi itong nasa abot-tanaw ng <em>nangungutangan ng loob<\/em>, kaya nga sa maraming pagkakataon, nagagamit itong panghawak ng mga makapangyarihan sa mga hamak na nangangailangan. \u00a0Subalit kung tutuusin, ang <em>pakitang-loob<\/em> at tapat na damay ay hindi dapat isinusumbat.\u00a0 Inaalala ito ng tumanggap ngunit kinalilimutan ng nagbigay.\u00a0 Mas magandang sabihing sinusuklian ito, at hindi binabayaran.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">(2) pagmamakaawa; paghingi ng pakundangan o pagsasaalang-alang bilang kapwa-tao; pagkatok sa puso ng kapwa sa ngalan ng makataong pagkakapatiran; paghingi ng malasakit, kalinga o paglingap o pakikiramay; pagtataya ng sariling <em>pagkatao<\/em> bilang garantiya ng katapatan sa paghingi ng pabuya.<\/p>\n<p>Ayon sa depinisyon 1, ang <em>utang na loob<\/em> ay buhat sa <em>pagmamagandang-loob<\/em> o ang paggawa ng mabuti sa iba lalo na kung nasa gipit ito.\u00a0 May kusa o kagustuhang gawin ang <em>pagmamagandang-loob<\/em> kahit hindi hiningi.\u00a0 Samantala sa depinisyon 2 ay ipinagmamakaawa naman na gawan nang mabuti o <em>ipagmagandang-looban<\/em>. Sa parehong depinisyon maiuugnay ang <em>utang na loob<\/em> sa <em>kagandahang-loob<\/em> na maaaring ikusa o ipagmakaawa.\u00a0 Mapapansin ding ang <em>kagandahang-loob<\/em> na ipinamalas sa iba ay tinatanaw nang pinagparanasan nito bilang pagkilala sa pag-aabot ng tulong.\u00a0 Ang pagtanaw na ito ay mailalarawan na isang pagsasaalang-alang na parati sa <em>pagmamagandang-loob<\/em>.\u00a0 Masasabi pang kaya kinikilala ay dahil kita sa kongkretong kilos ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sa madali\u2019t sabi\u2019y maaaring pagpapakita ng <em>loob<\/em> ang <em>pagmamagandang-loob<\/em>.\u00a0 Ito nga\u2019y may buti buhat sa <em>loob<\/em> na siyang sinasabi nating kanyang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ang <em>ganda<\/em> ay gamit sa pagpuri at pag-uri ng ipinamamalas sa atin o namamalas natin.\u00a0 Sa gayon maaaring sadyain ang <em>pagmamagandang-loob<\/em> (kaya naririnig nating may nagsasabing \u201c<em>magmamagandang-loob<\/em> ako\u201d) para tumulong o gumawa ng mabuti.\u00a0 Ang pagkakawing ng <em>utang na loob<\/em> sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay isa sa mga nasasa ating umiiral na unawa.\u00a0 Iniugnay rin ni Ron Resurreccion (2007) sa <em>kalinisan ng loob<\/em> ang <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ang paghahanay sa <em>utang na loob<\/em> sa <em>kagandahang-loob<\/em> at <em>kalinisan ng loob<\/em> ay badya na ito ay positibong halagahin natin na buhat sa <em>loob&#8217;<\/em> na tigib ng kahulugan ng buhay.\u00a0 Subalit salat pa sa pagpapatibay-empirikal sa halagahing <em>utang na loob<\/em> upang makapagpaliwanag tayo ng ating <em>katauhan<\/em> at <em>pagkatao<\/em>.<\/p>\n<p>Samantalang nakakatulong ang pagsisinop sa larangang leksikal ng katagang <em>utang na loob<\/em>, higit na mapapalawak ang pag-unawa natin dito sa paghahagilap ng katibayan mula sa karanasan mismo.\u00a0 Tulad ng nabanggit na, bunsod ng palaisipan bunga ng naitanong ng isang estudyante na may himig na yamot sa magulang ang pagsisinop na ito.\u00a0 Hindi ko minsan naririnig ang hinanakit ng anak kung paratangan siya ng magulang niyang siya nga\u2019y walang <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 May mga anak ding nagsasabing kung ituring sila ng kanilang magulang ay \u201cparang ibang-tao!\u201d\u00a0 Mabuting halughugin ang <em>utang na loob<\/em> sa isipan ng mga taong nagkaroon nito (kung meron man), at kung ano ang kanilang naging karanasan, sa <em>ipinautang na loob<\/em>.\u00a0 Ang sumusunod na pagpapaliwanag ay bunga ng mga payak na tanong sa mga inaakalang may batid na <em>utang na loob<\/em> sa kaninuman ayon nga sa kanilang karanasan, ang kanilang mga panahilan sa nasabing karanasan, pati ang kanilang depinisyon para rito.\u00a0 Malimit din kasing ang dating nito\u2019y negatibo dahil sa ang unang kataga sa pariralang ito\u2019y \u201cutang\u201d na naiuugnay natin di lamang sa isang materyal na bagay kundi lalo na sa taong gipit o di kaya\u2019y walang kapera-pera.\u00a0 Higit na mahalaga sa atin ang tao kaysa pera kaya nga naririnig nating sinasabing \u201cpera lang yan at kinikita\u201d kaysa ikasawi ito ng pinagnakawan nito o ipagpalit ang pera sa tao.\u00a0 Gayumpaman, may kabigatan nga ang katagang \u201cutang\u201d kahit pa hindi pera o materyal ito sapagkat may \u201ckapangyarihan\u201d na namagitan sa nagbigay at binigyan nito.\u00a0 Kung tutuusin, ang nagbigay ang may \u201ckapangyarihan\u201d sa binigyan dahil sa ang nauna ang meron at wala ang huli.\u00a0 Itong may kinalaman sa \u201ckapangyarihan\u201d ang karaniwang nasa isipan ng mga tao kaya ang singilin ka sa iyong pagkakautang ay sadyang nakayayamot kundi man nakaiinis lalo pa\u2019t di ka tinatantanan sa iyong \u201cutang.\u201d\u00a0 Sa ganitong punto rin dapat malaman mula marahil sa mga magiging depinisyon ng mga merong karanasan sa <em>utang na loob<\/em> kung iniuukilkil sa kanilang isipan ang isang uri ng \u201cutang\u201d na ito.<\/p>\n<p>Ang <em>utang na loob<\/em> ay laging lumilitaw sa mga panimulang aklat sa sosyolohiya\u2019t antropolohiya na isinulat ng mga Pilipinong awtor, kung saan tinutukoy ito bilang bahagi ng halagahin sa kultura [tingnan ang teksbuk nina Mariano Ariola (2012) at Lee Mark Banaag (2011)].\u00a0 Sa ilang libro na para sa edukasyong pagpapahalaga, may pagtitiyak pang ang <em>utang na loob<\/em> ay nasa ating <em>value<\/em> <em>system<\/em> (Palispis 2006).\u00a0 Ayon kay Vitaliano Gorospe (1994), paring Heswita, ang <em>utang na loob<\/em> ay kakumpol ng mga halagahing tulad ng <em>bahala na<\/em>, <em>hiya<\/em>, <em>pakikisama<\/em>, at <em>pakiusap<\/em>.\u00a0 Ayon pa kay Emerita Quito (1994), ang <em>utang na loob<\/em> ay may parehong positibo at negatibong aspekto ng halagahin.\u00a0 Samantala, sinasabi ni F. Landa Jocano (2007) na ang <em>utang na loob<\/em>, pati ang <em>hiya<\/em> ay mga <em>dominant norm<\/em> na siyang batayan ng mga Pilipino para bantayan-gabayan ang kanilang asal kung nakikitungo sa <em>kapwa<\/em>.\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> aniya pa na <em>pervasive norm <\/em>ay nagbabadya ng pagganti o pagbabalik nito sa pinangutangan.\u00a0 Sa kanya pa ring pagpapakahulugan sa kaayusan ng halagahin tinukoy niya ang kabuluhan dito ng pamantayan.\u00a0 May tatlong sangkap ito: <em>halaga<\/em>, <em>asal<\/em>, at <em>diwa<\/em> (Aguiling-Dalisay <em>et al<\/em>. 2004; Banaag 2012).\u00a0 May tatlong dimensyon ang <em>halaga<\/em>: <em>pagkatao<\/em>, <em>pakikipagkapwa-tao<\/em>, at <em>pagkamakatao<\/em>.\u00a0 Ang <em>asal <\/em>ay may tatlo ring sangkap: <em>kapwa<\/em>, <em>damdamin<\/em>, at <em>dangal<\/em>.\u00a0 Ang <em>diwa <\/em>naman ay tumutukoy sa <em>kalooban<\/em>.\u00a0 Ano ang kahulugan at kabuluhan ng <em>utang na loob<\/em> sa panahong mabilis na nagsasamoderno?\u00a0 Ayon kay Manuel Dy (1994), ang halagahin ay <em>object<\/em> <em>of<\/em> <em>our intentional<\/em> <em>feeling<\/em> kaya batid ito dahil nadarama.\u00a0 Bahagi ng kanyang paghahagilap sa kung ano ang halagahin, nahagip niya ang katagang \u201ckahulugan\u201d sa ating wika para tumukoy rito.\u00a0 Aniya, ang salitang ito ay buhat sa \u201c<em>hulog<\/em>\u201d at nasumpungan niya sa ekspresyon sa Ingles na kapara ng \u201c<em>fall<\/em> <em>into<\/em> <em>place<\/em>.\u201d\u00a0 Mas magandang gamiting panapat dito ang gamit ng mga karpintero na \u201c<em>hulog<\/em>\u201d din dahil tiyak na sukat ito para malaman kung tama ang ilalagay nila sa itinatayong bahay.\u00a0 Maitatanong ngayon kung \u201c<em>nasa hulog<\/em>\u201d ba ang <em>utang na loob<\/em> sa sistema ng halagahin natin?\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> tulad ng mga kawing nitong halagahin na <em>pakikisama<\/em> at <em>hiya <\/em>ay mainam na hagilapin sa hinuha.\u00a0 Sabi nga ni Jocano:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>Even an unguarded\/intentional comment, stare, reprimand can cause serious, often fatal conflicts.\u00a0 Emotionalism is given higher premium than rationalism in handling situations or in coping with conditions.\u00a0 Our rationality often involves deep emotionalism particularly in interactions having to do with personal honor, dignity, and moral principles <\/em>(Jocano sa Banaag 2012, 51).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PARAAN NG PAGSASALIKSIK SA UTANG NA DI PERA<\/strong><\/p>\n<p>Mala-sarbey ang isinagawang pagkalap ng datos dahil marami ang hiningian ng sagot sa inihandang mga tanong tungkol sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Naganap noong Enero 8, 10, at 12, 2015 ang pagtatanong.\u00a0 Pawang mga salita ang datos na natipon mula sa 218 na mga estudyanteng hinilingan ng partisipasyon sa pagtatanong.\u00a0 Ang 156 sa kanila ay mga estudyanteng nasa mga huling taon na ng paglalabintaunin.\u00a0 Sila ay nagsisipag-aral sa <em>De La Salle University<\/em> (DLSU) sa Maynila.\u00a0 Halos pantay ang bilang ng mga babae at mga lalaking ito na nasa antas unibersidad at nabibilang sa mga programa sa kolehiyo ng inhenyeriya, kompyuter, siyensya, at malalayang sining.\u00a0 Ang 62 nama\u2019y mga guro ng elementarya\u2019t hayskul na kumukuha naman ng programang panggradwado sa edukasyon sa <em>Meycauayan College<\/em> sa Bulacan.\u00a0 Sila ay mga propesyunal na\u2019t lisensyado sa pagtuturo na ang pinakamarami ay nagtuturo sa mga pampublikong eskwelahan.\u00a0 Mas marami ang mga babae sa grupong ito ng mga gurong lumahok sa pagtatanong.\u00a0 Ang distribusyon ng edad ng mga estudyante (nasa antas pangkolehiyo at panggradwado):<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Edad 50 = 1\u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a020\u201329 = 50<br \/>\n40\u201349 = 13\u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 16\u201319 = 134<br \/>\n30\u201339 = 21<\/p>\n<p>Hiningian ang lahat ng mga kalahok ng pahintulot para sa kanilang partisipasyon sa pagtatanong.\u00a0 Bahagi ng paghingi ng pahintulot ang paglalahad ng pakay ng pagtatanong at pagsasabing maaari silang hindi lumahok dito.\u00a0 Sakaling sa kalagitnaan ng pagtatanong ay mapagpasyahan pa nilang hindi ipagpatuloy ang partisipasyon ay maaari nilang hindi isumite ang papel na sinulatan nila ng mga sagot.\u00a0 Ang mga nais maging bahagi ang kanilang sagot ng datos para sa pag-aaral ay hinilingan naman na kanilang lagdaan ang papel bago tuluyang isumite bilang pagsang-ayon.\u00a0 Napakaliit na bahagi sa bawat pangkat ng mga naroon sa kani-kanilang klase ang hindi nagpatuloy.<\/p>\n<p>Sa kabuuan, may siyam na grupo ng mga estudyante ang nagkaroon ng partisipasyon sa pagtatanong. May pitong seksyon (klase) ng mga lalabintauning estudyante na isinali sa pagtatanong.\u00a0 May apatnapu hanggang apatnapu\u2019t limang estudyante ang bawat klase.\u00a0 Anim sa mga klase ay iyong mga kumukuha ng kursong <em>Science, Technology, and Society<\/em> (kursong <em>General<\/em> <em>Education<\/em> ito para sa mga nasa programang pang-agham at teknolohiya).\u00a0 Ang ikapito naman ay mga estudyante sa sikolohiya na kumukuha ng kurso sa <em>Human Development<\/em>.\u00a0 Ang mga gurong nasa programang panggradwado sa edukasyon ay may dalawang seksyon, ang isa ay nasa kursong <em>Methods of Research<\/em> at ang isa pa\u2019y nasa <em>Foundation of Education <\/em>naman.\u00a0 Nasa tatlumpu hanggang tatlumpu\u2019t lima ang bilang ng estudyante sa bawat seksyon.\u00a0 Maliban sa dalawang grupong ito ng mga estudyanteng panggradwado ang unang pito ay pawang mga estudyante ng mananaliksik.\u00a0 At gaya nang nasabi na hinihingi ang kanilang pahintulot para sa pito hanggang siyam na minutong partisipasyon sa pagtatanong.\u00a0 Hiningi muna ang permiso ng mga propesor ng mga estudyanteng nasa antas gradwado bago isinagawa ang pagtatanong sa kanila.\u00a0 Tulad sa mga kalahok na nasa kolehiyo, pareho ang patakaran para sa paghingi ng pahintulot para sa kanilang partisipasyon.<\/p>\n<p>Sa instruksyon sa paglahok sa pananaliksik, sinabing isusulat nila bawat isa ang kani-kanilang sagot sa bawat tanong na ibibigay na pasalita.\u00a0 Ito ay sa dahilang bunga ng pansariling karanasan ang mga itatanong sa kanila.\u00a0 Ipinaalam sa kanila ang mga tanong ay pawang nasa Filipino kaya hinihingi na nakakaunawa sila ng wikang ito (nakasusulat at nakababasa).\u00a0 Sa mga klase na <em>Science, Technology, and Society<\/em>, may mangilan-ngilang estudyanteng dayuhan dito na mga Tsino, Koreano, at taga-India.\u00a0 Nabatid ng mananaliksik na ang mga Tsinong nagpasaPilipino na ay nakakaunawa ng Filipino gayundin ang mga mula sa India na isinilang at lumaki na sa bansa subalit hindi pa nakapagpasya kung nais nilang maging Pilipino na rin.\u00a0 Kakaunti naman ang mga estudyanteng ito na nais lumahok at naging kasama sa nagbigay ng sagot sa mga tanong tungkol nga sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ang mga Japino\u2019t Tsinoy sa klase ay sumali rin sa pagtatanong at pagsagot.\u00a0 Samantalang ang mga tanong ay binigkas sa Filipino, malaking bilang ng mga estudyanteng lalabintaunin ang sumagot sa wikang Ingles lalo na sa mga tanong na may kinalaman sa rason at relasyon.\u00a0 Marami rin naman ang sumagot gamit ang wikang Filipino sa paglalahad ng kanilang naiisip sa kung ano ang <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Sa kabilang banda naman sa mga guro, halos lahat sila ay sumagot sa Filipino.\u00a0 May sadyang pag-uulit sa pagtatanong upang may pagkakataon ang mga kalahok na mag-isip ng kanilang sagot at isulat ang mga ito.\u00a0 Hiniling na maging malinaw kahit pa maikli ang kanilang isusulat na sagot.<\/p>\n<p>Binubuo ng siyam na tanong lamang ang pagtatanong sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Bago ang mga ispesipikong tanong ay sinabing mag-isip sila kung may tao o entidad <em>(entity)<\/em> silang naiuugnay sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Hiningi pagkatapos na isulat nila kahit lamang tatlo, ang mga pangalan ng mga taong ito o entidad.\u00a0 Itinanong kung sinu-sino ang mga ito sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtitiyak ng kanilang relasyon sa bawat isa sa nginalanan na nila.\u00a0 Sa ikatlo, itinanong kung sino ang una sa mga ito kung ilalagay sa pinaka (<em>pinagkakautangan ng loob<\/em>) sa pamamagitan ng paglalagay sa bawat isa sa puwesto mula sa 1 na siyang pinakamataas at 3 ang mababa.\u00a0 Sa ika-apat na tanong, hiningi sa kanilang magbigay ng isang matingkad na dahilan kung bakit iniluklok sa una ang taong nginalanan nila.\u00a0 Sa ikalima naman ay hininging ibigay rin ang dahilan sa dalawang iba pa na nginalanan nila na iniuugnay sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Sa ika-anim, ibibigay naman nila ang dahilan kung bakit sila <em>pinautangan ng loob<\/em>.\u00a0 Sa ikapito, payak na tugon lamang ang sagot sa tanong kung sila\u2019y <em>magpapautang ng loob<\/em>.\u00a0 Sa ikawalo\u2019y kailangan nilang magdahilan sa <em>pagpapautang nila ng loob<\/em>.\u00a0 Ang pang-siyam ay pagbibigay nila ng kahulugan o pagkaunawa nila sa<em> utang na loob<\/em>.\u00a0 Samantalang 7-9 na minuto ang tinayang panahon sa pagsagot, inabot ng hindi naman lalampas sa 15 minuto natatapos ang bawat sesyon ng pagtatanong at pagsagot.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RESULTA NG RISIRTS:<\/strong><br \/>\n<strong>RELASYON AT RASON UKOL SA <em>UTANG NA LOOB<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Pawang mga salita ang datos na natipon sa bawat papel na sinulatan ng mga estudyante ng kanilang sagot sa siyam na tanong sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Sa pangkalahatan, maipapangkat ang resulta sa relasyon at rason ng mga estudyante sa <em>pagpapautang ng loob<\/em>.\u00a0 Inisa-isa muna ang 218 piraso ng papel na isinumite pagkatapos ng pagtatanong upang matiyak na may sagot na makukunan ng datos sa bawat isa nito.\u00a0 Pinangkat ayon sa edad, kasarian, at antas ng edukasyon ang mga nagsipagsagot sa pagtatanong.\u00a0 Ginawa ang simpleng paggugrupo sa kanila upang mailarawan ang kanilang katangian bilang mga kalahok sa pag-aaral\u2014<em>i.e.<\/em>, kung babae o lalaki, nakababata o nakatatanda, pangkolehiyo o panggradwado ang kurso.\u00a0 Ang dalawang huli ay inaakalang may kinalaman sa kanilang unawa sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Naiuna na ang pagbanggit sa karekteristiko ng mga estudyante\u2019t guro ayon sa natukoy nang mga demograpiko sa seksyon ng metodo.\u00a0 Inisa-isa ang papel para sa pagsasama-sama ng halos pare-pareho ang pakahulugan sa mga isinulat na sagot.\u00a0 Mula sa natipong sagot, bumubuo ng bungkos ng mga sagot upang matanto kung ano ang umiiral na unawa rito.\u00a0 Ang mga sumusunod na \u201culo\u201d ng tinatalakay ay galing sa klaster ng mga sagot na iisa ang inaakalang ideya nito.<\/p>\n<p><strong><em>Ugnayan Mula sa Utang ng Loob: Una ang Ina<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Una ang ina dahil \u201cutang\u201d anila ang buhay sa kanya:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201csiya ang nagsilang sa akin\u201d<br \/>\n\u201csiya ang nagbigay-buhay\u201d<br \/>\n\u201citinalaga na ng tadhana na magsilang sa akin\u201d<br \/>\n\u201ckung wala siya, wala ako!\u201d<br \/>\n\u201cnag-alaga sa akin\u201d<\/p>\n<p>Nangunguna ang ina sa mga tinukoy na may <em>utang na loob<\/em> ang may malaking bilang ng nagsabing siya ang nasa <em>pinakapinagkakautangan <\/em>nila<em> ng loob<\/em>.\u00a0 Ito\u2019y kapansin-pansin lalo na sa mga estudyanteng nasa kolehiyo kaysa sa antas panggradwado.\u00a0 Ang mga may ipinanghalili sa ina ay iyong ang tinukoy nila namang <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> dahil sila ay tumatayo bilang parehong ina at ama kung ama ito o tumatayong magulang para sa kanila tulad ng tiyo o tiya.\u00a0 Gayundin, kung ang manindigan para sa kanila na magulang ay ang ina o ama ng kanilang ina\u2019t ama.\u00a0 Mas madalas na lola ang tinutukoy na <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> kaysa lolo kung inihalili sila sa mga magulang.\u00a0 Ang mga tinukoy naman ay ang Diyos na siya anilang <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> ay iilan sa mga estudyanteng nasa gradwadong antas at lalong kakaunti sa mga nasa kolehiyo pa.\u00a0 Ayon sa mga nakatatandang estudyante, ang Diyos ang una kaysa ina dahil:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cSiya ang nagbigay-buhay sa lahat\u201d<br \/>\n\u201cSiya ang pinakamakapangyarihan!\u201d<br \/>\n\u201cibinigay Niya ako sa mabuting pamilya&#8230;\u201d<\/p>\n<p>Datapwa\u2019t ang mga panahilan sa <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> na tinukoy ay ang ama, lola o lolo, tiya o tiyo naman, ang mga sumusunod na halimbawang sagot ay sinasabi rin para sa ina:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cnagpalaki sa akin\u201d<br \/>\n\u201cnagsasakripisyo\u201d<br \/>\n\u201cnagbibigay ng pangangailangan\u201d<br \/>\n\u201cnag-aalaga sa akin araw-araw\u201d<br \/>\n\u201cnangangalaga\u201d<br \/>\n\u201cnagpapaaral sa akin\u201d<br \/>\n\u201cnagtuturo ng kung ano ang mahalaga sa buhay, na maging mabuti\u201d<br \/>\n\u201citinalaga ang buhay para ako\u2019y tamang palakihin\u201d<br \/>\n\u201cnagmamahal sa akin\u201d<br \/>\n\u201cminamahal ako, <em>unconditional<\/em>\u201d<br \/>\n\u201cnagtatrabaho para buhayin ako\u201d<br \/>\n\u201ctumatayong magulang\u201d<br \/>\n\u201ctumutulong sa pangangailangan ko sa pera, sa problema\u201d<br \/>\n\u201ctutulong para matupad ko ang pangarap\u201d<br \/>\n\u201cinihahanda ako para sa pinakamagandang kinabukasan\u201d<br \/>\n\u201cnamamahala ng pamilya\u201d<br \/>\n\u201cnagdidisiplina&#8230; naghuhubog\u201d<br \/>\n\u201cgumagabay\u201d<\/p>\n<p>Sa mga puwestong pumapangalawa at pumapangatlo sa <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> ay nagpapalitan lamang ang kabiyak ng puso (o asawa, ayon sa mga estudyanteng nasa antas gradwado), kasintahan o kaibigang matalik, kamag-anak katulad ng kapatid at kambal.\u00a0 Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod na kanilang idinadahilan:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cpinakamalapit\u201d<br \/>\n\u201cmadalas malapitan\u201d<br \/>\n\u201cnalalapitan kung may problema\u201d<br \/>\n\u201cnaririyan parati\u201d<br \/>\n\u201cnaniniwala sa kakayahan ko, sa galing ko!\u201d<\/p>\n<p><strong><em>Ugaling Natututunan sa Utang na Loob: \u00a0Pakiramdam ng Pagmamahal<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ina nga ang una sa <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> ng mga estudyante dahil sa kanya anila nagsimula ang kanilang buhay.\u00a0 Anila pa, kung wala ang kanilang ina ay wala sila sa mundo.\u00a0 Isinilang sila ng ina kung kaya\u2019t utang nila ang kanilang buhay sa kanya.\u00a0 Idinadagdag pa sa idinadahilan nila ang pag-aalaga\u2019t pag-aaruga ng ina mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang paglaki bilang tao.\u00a0 Sa mga inihalili sa ina ang ama o lola\u2019t lolo di kaya\u2019y tiyo\u2019t tiya, idinadahilan nila ang alaga\u2019t arugang ipinagkaloob sa kanila ng mga ito sa panahon ng kanilang paglaki.\u00a0 Ang iba\u2019y sinasabing pati ang pagpapaaral sa kanila sa kasalukuyan ay patuloy na <em>pagpapautang ng loob<\/em>.\u00a0 Ang pagsisikap upang lumaki\u2019t mabuhay sila ng sinuman sa magulang at tumatayong kahalili nila ay <em>pinagkakautangan ng loob<\/em>.\u00a0 Masasabi kasi na ang pag-aalaga\u2019t pag-aaruga ay pagbibigay sa pang-araw araw na pangangailangan para mabuhay.\u00a0 Sa gabi\u2019t araw ay nakasubaybay ang magulang, tunay o tumatayo na ina\u2019t ama man.\u00a0 Sa mga nakatatandang estudyante sinasabi pa nilang kahit pa ngayong nasa sapat na gulang na sila ay nariyan pa rin bilang gabay ang mga magulang.\u00a0 Subalit hindi naman dahil sa siya ang ina ay sapat na para akuin ng anak na may <em>utang na loob<\/em> siya sa kanya.\u00a0 Ang mga naging ibang nangunang ngalan na <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> ng mga estudyante\u2014<em>e.g.<\/em>, lolo o lola, tiyuhin o tiyahin, at maging ang yaya ay patunay na, ang anak o apo o alagang bata ang may tangan ng totoong <em>pakiramdam<\/em> ng <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Samakatwid, ang mga may <em>utang na loob<\/em> ang may unawa sa <em>pakiramdam<\/em> na ito.<\/p>\n<p>Halos iisa naman ang idinadahilan ng mga estudyante sa <em>pagpapautang ng loob<\/em> sa kanila ng mga magulang o sinumang umako para sa tungkuling ito.\u00a0 Ayon sa kanila, mahal at patuloy na minamahal sila ng tinukoy nilang <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em> na ina, ama o kung sinuman iyong humahalili sa mga magulang na ito.\u00a0 May mga gumamit ng Ingles na salita para ilarawan ang pagmamahal na ito, halimbawa ay <em>unconditional<\/em> ito ayon sa mga estudyante na ipinadarama sa kanila ng mga magulang nila.\u00a0 Walang hinihintay na kapalit ang pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanila ng mga kinikilalang magulang lalo na ang pagpapakasakit upang maitaguyod ang kanilang kinabukasan.\u00a0 Nagkakaroon ng paghahangad sa magandang hinaharap sa buhay dahil dama nila sa ginagawa ng mga magulang (tunay man o tumayo para rito) na inilalaan ang lahat para sa maayos nilang pamumuhay balang-araw.\u00a0 May mga estudyanteng nagsabi na sapagkat sila\u2019y mahina pa noon kaya napakalaking bagay na sila\u2019y sinaklolohan nila.\u00a0 Mayroon ding mga idinahilan namang sila ay mahalaga sa mga umaruga\u2019t kumalinga sa kanila.\u00a0 Sa gayon ang pagkilala sa <em>utang na loob<\/em> nilang ito sa mga inako nilang kanilang magulang ay nagpapameron sa kanila ng unawa na pati ang pag-asa ay nariyan.\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> ay totoong isang <em>pakiramdam<\/em> na bunga ng pagkalinga, pagmamalasakit, at pag-aaruga.\u00a0 Hindi lingid sa kaalaman ng <em>pinautangan ng loob<\/em> ang mga kabutihan ng <em>nagpautang ng loob<\/em>.\u00a0 Ilan sa mga sumusunod na halimbawang sagot sa panahilan ng mga estudyante kung bakit sila <em>pinautangan ng loob<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cmahal ako\u201d<br \/>\n\u201cmahalaga ako\u201d<br \/>\n\u201cmahina ako\u201d<br \/>\n<em>\u201cunconditional love\u201d<\/em><br \/>\n\u201cmay malasakit sa akin\u201d<br \/>\n\u201cSiya ang aking ina\u201d<br \/>\n\u201ctatay ko siya\u201d<br \/>\n\u201ctinutugunan niya ang kanyang pananagutan sa akin\u201d<br \/>\n\u201cmag-anak kami\u201d<br \/>\n\u201cako\u2019y anak\u201d<br \/>\n\u201ctrinato akong isang tunay na anak\u201d<br \/>\n\u201cobligasyon nila ito\u201d<br \/>\n\u201cpara matupad ang pangarap ko\u201d<br \/>\n\u201cupang magkaroon ako ng magandang kinabukasan\u201d<br \/>\n\u201chumingi ako ng tulong, kailangan ko ito\u201d<\/p>\n<p>Ang <em>utang na loob<\/em> ay isa ngang <em>pakiramdam<\/em> ng kabutihan na dinaranas o naranasan na, sa mga halimbawa katulad ng kalinga, aruga, at malasakit na mula sa mga gawa ng isang tao.\u00a0 Isang <em>pakiramdam<\/em> itong nasusumpungan sa ipinadaranas na pagmamahal sa pamamagitan mismo ng mga kongkretong ginagawa upang bumuti at biyayaan ang pinagkakalooban nito.\u00a0 Samantala hindi naman magmamalay pa ang tinutukoy na <em>pinagkakautangan ng loob<\/em> na ang kanyang kabutihang gagawin ay <em>utang na loob<\/em> nga.\u00a0 Ang <em>pinagpautangan ng loob<\/em> ang magmamalay nito kung sakaling mapukaw sa pagtatanong sa kanya kung meron siya nitong <em>pakiramdam<\/em>.\u00a0 Ito ang inilalarawan ng mga naging kasagutan ng mga tinanong-tanong tungkol sa kanilang naiisip na mangangalanan nilang totoong taong may <em>utang na loob<\/em> sila.\u00a0 Bunga ng kanilang tuwirang karanasan sa <em>loob<\/em> na ito\u2019y isang makabuluhang ugnayan.\u00a0 Ang ugnayang ito sa isinagawang pananaliksik, ay sa pagitan ng mga miyembro ng mag-anak\u2014<em>i.e.<\/em>, mga magulang at anak, matatandang magulang at apo, magkakamag-anak gaya ng tiyo o tiya at pamangkin, maging sa hindi kadugo subalit kapisan tulad ng yaya at alaga.\u00a0 Ang pagkamalapit ng mga kasapi sa kamag-anakan ang pinamumuhatan kung gayon ng <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 May katibayan pa na ang ugnayang ito ay nalalampasan ang hangganan ng kamag-anakan halimbawa sa pagitan ng magkabiyak, magkasintahan, mag-amo, manlilikha, at ng kanyang nilikha (Diyos at tao o di kaya ng modelo at ng tumitingala sa kanya).<\/p>\n<p><strong><em>Ugat ang Utang na Loob ng Kabutihan<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Maitutulad pa nga yata ang <em>utang na loob<\/em> sa konseptong Kristiyano ng <em>original sin<\/em> na naipapasa ng mga magulang ng walang patid at paulit-ulit na tila hanggang sa wakas ng panahon.\u00a0 Subalit di tulad ng <em>original sin<\/em> na tila pasaning mabigat dahil ibinabadya nito ang parati\u2019y maaaring magkasala o propensidad sa kasalanan, ang <em>utang na loob<\/em> ay karanasan sa kabutihan, isang kalakasan.\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> ay maihahambing sa <em>original sin<\/em> na naipamamana ng tuluy-tuloy nang walang pagmamalay rito sa pamamagitan ng pag-aaruga, pagkalinga, at pagmamalasakit sa isang tao.\u00a0 Ang paggawang ito ng kabutihan sa tao ay maiuugat sa <em>loob<\/em> na pinagbubukalan ng <em>pagkatao<\/em> at <em>pagiging tao<\/em> natin.\u00a0 Samakatwid, ang kinahinatnang buti ng <em>pakiramdam<\/em> ng <em>utang na loob<\/em> sa tuwina ay pakinabang sa totoong pagkakawanggawa na patuloy na nagaganap sa pagitan ng mga kaanak at manapa sa kapwa.\u00a0 Dahil dito, ang <em>pakiramdam<\/em> ng <em>utang na loob<\/em> ay nauuwi sa halos sistematikong pagpapasa-pasa nito dahil hindi masama ang kinahihinatnan.\u00a0 Sa mga tinanungan ng <em>utang na loob<\/em>, walang taong tinukoy na hindi kaanak man lamang o kapisang malaon na sa buhay at bahay, ang binanggit ng mga estudyante.\u00a0 Masasabi na ngayon, na ang <em>utang na loob<\/em> ay masinop na naipaparamdam sa ating lipunan tulad nga ng <em>original sin<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Unawa sa Utang na Loob: Hinuha sa Halagahin<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Halos lahat ng mga estudyanteng nagsisagot sa pagtatanong, ay tinukoy na muli ang mga nginalanan nilang may <em>utang na loob<\/em> sila, na pawang iyon na rin ang mga taong kanilang <em>pagpapautangan ng loob<\/em> sakali man.\u00a0 Samantala may mga nagsasabing \u201chindi na matatawag na <em>utang na loob<\/em>\u201d ang gagawing mabuti para sa <em>pinagkakautangan ng loob<\/em> sapagkat \u201cito ay pagbabalik lamang\u201d ng kabutihang una nang ipinuhunan.\u00a0 Naging isang pananagutan ang gumawa ng kabutihan sa kapwa bunga ng <em>utang na loob<\/em> na tinamo niya sa iba.\u00a0 Ang mga halimbawa nilang dahilan sa paggawa ng kabutihan sa mga <em>pinakapinagkakautangan ng loob<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cmag-anak\u201d<br \/>\n\u201cmahal ko\u201d<br \/>\n\u201cminamahal sila\u201d<br \/>\n\u201csila ang buhay ko\u201d<br \/>\n\u201cmalapit sa puso\u201d<br \/>\n\u201cganti sa gumawa ng mabuti\u201d<br \/>\n\u201cmay mga tumulong sa buhay\u201d<br \/>\n\u201cgusto kong ibalik ito sa mga tumulong\u201d<br \/>\n\u201cipakita na nagpapasalamat\u201d<br \/>\n\u201ckung may malasakit, tulungan\u201d<br \/>\n\u201cmay malasakit\u201d<br \/>\n\u201chindi nabubuhay nang nag-iisa o mag-isa\u201d<br \/>\n\u201ckailangang tumulong sa iba\u201d<br \/>\n\u201cmahalaga sa akin ang kapatid ko\u201d<br \/>\n\u201cmahal ko sila\u201d<br \/>\n\u201cmay pananagutan ako\u201d<br \/>\n\u201calam ko na mangangailangan ng tulong\u201d<br \/>\n\u201ckailangan nila ako\u201d<br \/>\n\u201canihin naman ang itinanim\u201d<br \/>\n<em>\u201cwilling to help\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201cmy love ones, so they can live longer\u201d<\/em><br \/>\n\u201ckailangan ng tulong\u201d<br \/>\n\u201csa oras ng pangangailangan ay may malapitan\u201d<br \/>\n\u201cdahil anak ko\u201d (ayon sa mga guro)<br \/>\n\u201cmakaganti sa naging tulong\u201d<br \/>\n\u201cpara maging mabuting tao\u201d<br \/>\n\u201cpara mapalaki ng tama\u201d<br \/>\n\u201cginawan ng mabuti, dapat gawin sa iba\u201d<br \/>\n\u201cobligasyon\u201d<br \/>\n\u201ckahit hindi ka inoobliga, dapat itong gawin\u201d<\/p>\n<p>Masasalamin sa mga sagot na ito ang halaga ng <em>utang na loob<\/em> na \u201cminana\u201d sapagkat nagiging isa ring katwiran sa pagpapatuloy ng kabutihan.\u00a0 Ibinubungang paulit-ulit ng <em>utang na loob<\/em> ang karanasan sa kabutihan, ito man ay maging sa ugnayan ng ina\/ama at anak, mag-anak, magkakadugo, malaon nang magkakasama sa buhay, at maging sa kinikilalang Lalong Higit na Makapangyarihan at ng kumikilala sa Kanya.\u00a0 Manapa, nabubuo mula sa karanasan sa kabutihang dulot nito ang pagmamahal, pati ang alaala nito.\u00a0 Isinasagot din ng mga estudyante na gagawin nila ang pag-aaruga, pagkalinga, at pagmamalasakit sa kanilang magiging mga anak balang-araw sapagkat sila\u2019y nabiyayaan nito.\u00a0 Sa gayon hindi lamang sa mga tinutukoy nilang may <em>utang na loob<\/em> sila magbabalik ng <em>kabutihang-loob<\/em> kundi maging sa kanilang mahahalin o mamahalagahin sa buhay.\u00a0 Malinaw ring nagbubuklod ang <em>utang na loob<\/em> dahil may pagpapahalaga, pagtutulungan, paggagalangan, at pagpapahalaga sa isa\u2019t isa.\u00a0 Ito rin ang lalong nagpapatibay pa ng mga ugnayan sa dahilang ang biyayang-bunga ng gawang mabuti ay nauuwing <em>pakiramdam<\/em>.\u00a0 Kaya nga sa may <em>utang na loob<\/em>, sapat na ang siya ay may <em>hiya<\/em> sa taong nagpala sa kanya.\u00a0 Matutunghayan sa mga pansariling depinisyon sa <em>utang na loob<\/em> ng mga estudyanteng nasa gradwadong antas, ang ilang katibayan dito:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cpagkilala sa magandang naiambag sa buhay\u201d<br \/>\n\u201cpagbibigay ng respeto\u201d<br \/>\n\u201cbahagi ng <em>pagkatao<\/em> na naipapakita ang pagkakaroon ng pagtanaw ng pasasalamat\u201d<br \/>\n\u201cpagpapahalaga sa pabor\u201d <em>(appreciate the favor)<\/em><br \/>\n\u201cang nagbigay ay bahagi na ng buhay\u201d<br \/>\n\u201cpagbabalik ng mga kabutihang ibinigay sa iyo\u201d<br \/>\n\u201cpansariling pagtanaw ng pasasalamat\u201d<br \/>\n\u201cpagbibigay pagpapahalaga sa magagandang nagawa ng kapwa\u201d<br \/>\n\u201cmagandang nagawa ng kapwa\u201d<br \/>\n\u201cwalang katumbas na halaga, hindi kayang bayaran ng salapi\u201d<br \/>\n\u201cipinamalas na sakripisyo para makatulong\u201d<br \/>\n\u201cisang sakripisyo para mapagtuunan ng importansiya\u201d<br \/>\n\u201cnagawang di malilimutan sa panahong kailangang-kailangan\u201d<\/p>\n<p>Sa mga naging depinisyon ng mga lalabintauning estudyante, ang mga katibayan sa <em>utang na loob<\/em>, na maliban sa isa itong <em>pakiramdam<\/em>, ito rin ay isang magandang alaala ng mabuting ginawa at ginagawa:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201c<em>pakiramdam<\/em> na may natamasang pagmamahal, malasakit, kalinga, at tulong\u201d<br \/>\n\u201cginawang kabutihan\u201d<br \/>\n\u201c<em>pakiramdam<\/em> na may taong dapat pasalamatan, igalang\u201d<br \/>\n\u201ctulong na bigay sa pahanon ng pangangailangan na dapat ibalik din\u201d<br \/>\n<em>\u201cpay it forward\u201d<\/em><br \/>\n\u201cpagbibigay sa iba sa kanilang kailangang tulong o pangangailangan\u201d<br \/>\n\u201cnakagawa ng bagay na mabuti, mahalaga sa buhay\u201d<br \/>\n\u201cpagkilala sa ginawang mabuti\u201d<br \/>\n<em>\u201cappreaciation\u201d<\/em><br \/>\n\u201cginawa dahil sa pag-ibig\u201d<br \/>\n\u201cginawang mabuti, <em>unconditional\u201d<\/em><br \/>\n\u201cmagbigay o magkaloob ng tiwala\u201d<br \/>\n<em>\u201cway of connecting to people\u201d<\/em><br \/>\n\u201cmula sa <em>goodness<\/em>\u201d<br \/>\n\u201cnakabuti\u201d<br \/>\n\u201cbumuti, umayos ang buhay\u201d<\/p>\n<p>Mahihinuha sa mga depinisyong ito ng mga lalabintauning estudyante na nagiging halagahin sa kanila ang <em>utang na loob<\/em> dahil sa direksyon na dulot nito sa kanilang buhay tungo sa pag-unlad ng kanilang <em>katauhan<\/em> at <em>pagkatao<\/em>.\u00a0 Namumuo sa diwa nila ang mga kawing pang halagahin nito gaya ng pagtitiwala, pagkalinga, pagtulong, pagmamalasakit, pag-ibig, pagmamahal, pagkilala, at pasasalamat.\u00a0 Kaya nga nasasaktan ang damdamin kung sabihang wala siyang <em>utang na loob<\/em> dahil sa minamaliit nito ang kanyang <em>katauhan<\/em> lalo pa sa isang lalabintauning nagpapatibay pa nito sa panahon ng <em>pagpapakatao<\/em>.\u00a0 Nauuwi nga sa hinanakit ang paratangan ng walang <em>utang na loob<\/em> dahil sa nadaramang tila wala siyang pinagmulan, pinag-ugatan. Iniinda ng anak na sabihan siyang walang <em>utang na loob<\/em> ng kanyang mga nag-arugang magulang o ninumang nag-ukol nito sapagkat higit sa naging obligasyon nila sa kanya, ang usapin nito\u2019y ukol sa kanyang <em>pagkatao<\/em>.\u00a0 Matatanto ito sa ilan pa sa mga sumusunod na sinulat nilang depinisyon sa <em>utang na loob<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cpagkilala sa sarili\u201d<br \/>\n\u201c<em>pakiramdam<\/em> na pagmamahal, na pinapahalagahan\u201d<br \/>\n<em>\u201crespect\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201clife is invested\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201ckindness<\/em>\u201d<br \/>\n\u201cisang pag-iisip na may magandang nagawa sa iyo\u201d<br \/>\n\u201cnagpakita sila sa iyo ng <em>mercy<\/em> at <em>compassion\u201d<\/em><br \/>\n\u201cpagtulong&#8230;<em> an act of helping\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201cselfless generosity\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201csacrifice\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201cunconditional love\u201d<\/em><br \/>\n\u201cmagagandang asal\u201d<br \/>\n<em>\u201cyou owe your life\u201d<\/em><\/p>\n<p>Kaya nga pambihira ang isang ina, ama o magulang na nariringgan ng paratang na ito sa kanyang anak lalo pa\u2019t kung tunay niyang inaruga\u2019t lubos na minamahal ang anak.\u00a0 Ito ay dahil dama rin niya ang sakit ng mga salitang <em>walang utang na loob<\/em> na tumitimo sa puso ng may <em>pakiramdam<\/em> ng isang totoong <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Sa mga lalabintauning ito, bahagi ng depinisyon nila ng <em>utang na loob<\/em> ang pagiging \u201claging nariyan\u201d ng ina, ama o magulang sa kanilang paglaki.\u00a0 Nangangahulugang ang tulong nila\u2019y tuluy-tuloy lalo\u2019t sa mga panahong mahigpit ang pangangailangan ng anak tulad ng pagkakasakit, pagdaan sa problema, at pagdanas ng kabiguan.\u00a0 Isang bahagi ng depinisyon ay \u201ckung dahil sa pagmamahal, wala itong hinihintay na kapalit\u201d at \u201cnagkaloob o nagbigay ng lahat nang walang inaasahang kapalit.\u201d\u00a0 Kaya nga kung ang himig ng pagsasabi ng <em>walang<\/em> <em>utang na loob<\/em> ay isang sumbat ng ina, ama o magulang sa kanyang anak ay dahil tumaliwas ito sa inaasahan nila.<\/p>\n<p>Sa mga estudyanteng nakatatanda sa mga lalabintauning ito, naging bahagi ng depinisyon nila sa <em>utang na loob<\/em> ang tungkol sa <em>katauhan<\/em> at <em>pagkatao<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cito ang siyang bumubuo sa <em>pagkatao\u201d<\/em><br \/>\n<em>\u201chinding-hindi<\/em> malilimutan ang mga tulong na walang kapalit\u201d<br \/>\n\u201ctulong sa kapwa dahil may labis, kakayanan o nakakaluwag\u201d<br \/>\n\u201ctulong sa nangangailangan\u201d<br \/>\n\u201cdi inaasahang pabor&#8230; bilang tao, dapat ibalik\u201d<br \/>\n<em>\u201cvalue that show sincerity\u201d<\/em><br \/>\n\u201ckabaitang nagagawa\u201d<br \/>\n\u201ckabutihan\u201d<\/p>\n<p>Ilan pa sa mga napakainteresanteng naiintindihan nila sa <em>utang na loob<\/em> ay kaugnay ng paglalarawan sa <em>loob<\/em> mismo na higit sa maganda ito ay mabuti.\u00a0 Isang <em>kagandahang-loob<\/em> kasi dahil namamalas sa ginagawa para sa pagsasaayos ng kalagayan sa pamamagitan ng tulong na ipinagkaloob.\u00a0 Higit dito, ito\u2019y isang nadaramang <em>kabutihang-loob<\/em> sapagkat walang inaasahang kapalit ang pagbibigay ng tulong o saklolo sa panahon ng pangangailangan.\u00a0 Inilalarawan ito ng ilang bahagi ng kanilang mga depinisyon:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cutang na kabaitan\u201d<br \/>\n\u201cutang na magandang nagawa\u201d<br \/>\n\u201cginagawa na mabuti ng walang inaasahang kapalit\u201d<br \/>\n\u201cpaggawa ng mabuti na pwedeng ibalik na mabuting loob pagdating ng panahon\u201d<br \/>\n\u201cgusto mong ibalik ang magandang ginawa\u201d<\/p>\n<p>Napansing may pag-uuri pa sa <em>utang na loob<\/em> ang mga estudyante.\u00a0 Ilan sa mga halimbawa:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cmas mataas ang u<em>tang na loob<\/em> kaysa pabor\u201d<br \/>\n\u201cmay <em>utang na loob<\/em> din ako\u201d<br \/>\n\u201cmalaki ang <em>utang na loob<\/em> ko\u201d<\/p>\n<p>Ang pag-uuri ay kaugnay ng mga buti o benepisyong natatamo sa <em>utang na loob<\/em> tulad ng mga sumusunod:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cmay ginawa para makinabang ka\u201d<br \/>\n\u201cnakapagsalba ng buhay\u201d<br \/>\n<em>\u201cyou owe your life\u201d<\/em><br \/>\n\u201cmay natutunan sa buhay<\/p>\n<p>Ang pag-uuri sa <em>utang na loob<\/em> ay napansin sa mga depinisyon ng mga estudyante na bukod sa ina, ama, tumayo o humaliling magulang, kamag-anak, kabiyak, at malapit na kaibigan ay isinama sa tala ng mga nginalanan nila ang Diyos (<em>Jesus Christ<\/em>), institusyon (DLSU), bayani (<em>e.g.<\/em>, Jose Rizal), idolo (<em>e.g.<\/em>, Isaac Newton), o modelo (<em>e.g.<\/em>, guro).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>LAGOM AT LIMI:<\/strong><br \/>\n<strong>BAIT, BUTI, AT BALANG-ARAW<\/strong><\/p>\n<p>Sa ating paglalagom, ang <em>utang na loob<\/em> ay kabutihan kaya kabutihan din ang itinutuloy o ibinabalik.\u00a0 Kundi man maibabalik ito sa tulad ng inang nagluwal sa kanya\u2019t nagbigay ng buhay, ibinabalik ito sa pagkalinga sa kanya sa kanyang pangangailangan nito halimbawa sa panahon ng kanyang pagtanda.\u00a0 Ito ay hango sa ilan sa mga depinisyon na ganito ang sinasabi ukol sa <em>pinakapinagkautangan ng loob<\/em> na ina, \u201c&#8230;nababayaran ito sa takdang panahon\u201d o magulang, \u201cibabalik balang-araw.\u201d\u00a0 Manapa ang panahong itinakda ay sa paglipas ng buhay ng kanyang ina, ama, magulang o sinumang kumupkop, nagpalaki\u2019t nag-aruga sa kanya.\u00a0 Ang susog para rito sa mga sinasabi nila sa depinisyon ay \u201cang buhay ay utang\u201d sa mga magulang, sa Diyos.\u00a0 Ito\u2019y isang \u201cutang sa buhay.\u201d\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> anila pa ay \u201cpagpapahiram ng <em>kabutihang-loob<\/em>\u201d at sa nagkaloob nito (ang ina, ama, magulang o Makapangyarihang Diyos) manapa\u2019y \u201cpara sa kanya hindi iyan isang <em>utang na loob<\/em>\u201d kundi isang \u201cregalo.\u201d<\/p>\n<p>Sa lunan ng malawak na <em>loob<\/em> natatagpuan ang <em>utang na loob<\/em> na siyang nag-uugnay sa bawat isa sa atin.\u00a0 Ito rin ang siyang nagpapatibay ng ugnayang nabuo nito.\u00a0 Ang <em>utang na loob<\/em> ay lalong nagbubuklod sa atin sapagkat ito\u2019y laging nasa ating pananaw at parating <em>pakiramdam<\/em>.\u00a0 Sa gayon, bahagi ito ng unawa sa kapwa, ang <em>utang na loob<\/em> ay kahanay ng umiibabaw na halagahin halimbawa, <em>kabutihang-loob<\/em> (bahagi ng <em>hiya<\/em> bilang <em>dangal<\/em>), <em>palagay na<\/em> <em>loob<\/em> (higit sa <em>pakikisama<\/em>), <em>pakikiisang-loob<\/em>, at <em>lakas ng loob<\/em>.\u00a0 Ito ang natuklasan natin sa pagpapangalan sa mga mismong tao at pangangatwiran dito ng mga estudyante na kanila ngang tunay na <em>pinakapinangungutangan ng loob<\/em>.\u00a0 Nahagilap din sa depinisyon bilang kanilang patotoo rito ang <em>pakiramdam<\/em> na parehong meron ang dumanas at nagparanas ng <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Sa kanila pa nga na ang <em>utang na loob<\/em> ay iniuukol sa Higit na Makapangyarihan ganito pa ang pagpapatotoo \u201c<em>pakiramdam<\/em> na mahal ka ng Diyos!\u201d\u00a0 Nakuha natin mula sa datos na ang mga umiiral na iniuugaling kaugnay ng <em>pakiramdam<\/em> na <em>utang na loob<\/em> ay iyong lalong nagpapalapit (gaya ng <em>lambing<\/em>) at nagpapatingkad (tulad ng <em>tampo<\/em>) sa relasyong ibinunga nito sa pagitan ng anak at ng kanyang ina, ama, humaliling magulang, at kinikilalang Diyos.<\/p>\n<p>Tunghayan pa natin ang mga depinisyon mula sa mga estudyante sa <em>utang na loob<\/em> na sumasalamin sa <em>pakiramdam<\/em>, <em>pakikipagkapwa<\/em>, at <em>pagkatao<\/em>.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u201cisang konseptong Pilipino na nagpapakita ng <em>kagandahang-loob<\/em> sa kapwa, ng pagbibigay ng malasakit&#8230;\u201d<br \/>\n\u201cpasasalamat\u201d<br \/>\n\u201cisang bagay na hindi hinihingi, kundi ibinibigay nang walang kapalit parang pag-ibig\u201d<br \/>\n\u201cpagpapahiram ng kabutihang-loob\u201d<br \/>\n\u201cginagawan ka ng mabuti ng may pagkukusa\u201d<br \/>\n\u201cmay utang ako sa lahat ng magagandang asal na naibigay sa akin kahit walang kapalit\u201d<br \/>\n<em>\u201cdebt of the soul, one that can only be repaid by good deeds and actions<\/em>\u201d<br \/>\n\u201ctutulong dahil tinulungan ka\u201d<br \/>\n\u201cgagawa ka ng tulong sa iba nang hindi hihingi ng kapalit\u201d<br \/>\n\u201cparang<em> blood debt, will always be there<\/em>\u201d<br \/>\n\u201cmay ginawa o bigay na ikinasiya mo na hindi mo makakalimutan\u201d<br \/>\n\u201cnakatulong sa iyo ng malaki nang walang kapalit\u201d<br \/>\n\u201cnagaganap ito habang ika\u2019y ginagawan ng kabutihan ng iyong kapwa\u201d<br \/>\n\u201cpagbibigay ng gabay at tulong\u201d<br \/>\n\u201cpagpapahalaga sa nagawang tulong ng taong hindi naghahangad ng anumang kapalit\u201d<br \/>\n\u201cbiyayang ipinagkaloob ng walang inaasahang kabayaran o kapalit.\u201d<\/p>\n<p>Dagdag ang mga huling depinisyong ito sa mga nauna nang inihaing paliwanag sa pag-uugnayan ng ugali at unawa sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0\u00a0 Sa sumusunod na hanayan matutunghayan ang anim sa maaaring buod ng bait, buti, at baling-araw na may kinalaman sa <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Ang anim na batid natin buhat nga sa mga depinisyon ay ang <em>pagkatao<\/em>, <em>pakiramdam<\/em>, <em>pakikipagkapwa<\/em>, <em>kahihinatnan<\/em>, <em>paglihis<\/em>, at <em>pagtutuwid<\/em>.\u00a0 Halimbawa, ang taong may <em>utang na loob<\/em> ay may <em>kusang-loob<\/em> na tumulong.\u00a0 Ito ay napapakiramdaman bilang <em>kabutihang-loob<\/em>.\u00a0 Bunsod nito ang <em>pagkikipagkapwa <\/em>na bunga naman ay magandang pamumuhay.\u00a0 Subalit, <em>paglihis<\/em> ang makawaglit ng kanyang <em>utang na loob<\/em>.\u00a0 Samantala, may<em> pagtutuwid<\/em> pa naman sakaling saglit na mawaglit ang <em>utang na loob<\/em> sa pamamagitan ng pagsisisi.\u00a0 Narito ang pagbubuo ng mga ugnayan:<\/p>\n<p><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-747\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1.jpg\" alt=\"Javier 1\" width=\"600\" height=\"189\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1.jpg 1270w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-300x94.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-1024x323.jpg 1024w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-100x31.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-150x47.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-200x63.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-450x142.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-600x189.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Javier-1-900x284.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 600px) 100vw, 600px\" \/><\/a><\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Ang <em>utang na loob<\/em> ay utang na walang katumbas na halaga, utang na hindi pera, utang na walang hinihinging kabayaran.\u00a0 Ito\u2019y <em>pakiramdam<\/em>, pasasalamat, at pagkilala sa tulong na tuluy-tuloy lalo na sa mga panahon na may mahigpit na pangangailangan.\u00a0 Ito\u2019y nadaranas sa ginagawang kabutihan at kabaitan.\u00a0 Ang salitang \u201cutang\u201d sa wika ng Indonesia ay \u201c<em>hutang<\/em>\u201d na sa Ingles ay \u201c<em>obligation<\/em>\u201d (Echols at Shadily 2008).\u00a0 Samantala, kung ikinakabit ito sa isa pang kataga tulad ng <em>utang na loob<\/em> ay naiiba ang kahulugan: <em>hutang<\/em> <em>budi<\/em> ay <em>debt<\/em> <em>of<\/em> <em>honor <\/em>sa Ingles, buhat sa <em>hutang<\/em>\u2014<em>debt<\/em>, <em>budi<\/em>\u2014<em>mind<\/em>, <em>reason<\/em>, <em>right<\/em> <em>thinking <\/em>(katwiran).\u00a0 Ayon kay Prisciliano Bauzon (2009), sa Malaysia mayroon pang <em>terhutang budi<\/em> na maipapakahulugan namang <em>utang na kabutihan<\/em>.\u00a0 Mahihinuhang ang <em>budi<\/em> (<em>innner intuitive feeling<\/em>) sa Malay ay kapara ng <em>loob<\/em> ng Pilipino.\u00a0 Hindi nalalayo ang \u201c<em>budi<\/em>\u201d sa \u201c<em>budhi<\/em>\u201d na naiuugat din sa <em>hiya<\/em> at <em>dangal<\/em>.\u00a0 Tunghayan natin ang \u201c<em>budhi<\/em>\u201d sa sinuring sikolohiya ng <em>pagkataong Pilipino<\/em> ni Covar.\u00a0 Ang <em>budhi<\/em> aniya ay \u201claganap sa buong <em>katauhan<\/em> ng buong <em>pagkatao<\/em>, sa ilalim o kaibuturan\u201d (Covar 1995).\u00a0 Ayon pa rin sa kanya, ito ay isang \u201c<em>built-in corrective mechanism\u201d<\/em> na siya aniyang \u201cumuukilkil sa <em>kaluluwa<\/em> kung ito ay nagkakamali\u201d (Covar 2003).\u00a0 Kung tutuusin, ang <em>utang na loob<\/em> ay nasasa <em>budhi<\/em> bunga ng <em>buti<\/em> (kapag ginawan ng kabutihan\u2014<em>i.e.<\/em>, pagtulong) o badya ng <em>bait<\/em> (sakaling hingian ng habag\u2014<em>i.e.<\/em>, pagmamakaawa).\u00a0 Sa inilatag na sistema ng halagahin ni Covar sa matuwid na pagkilos (matuwid na daan), paayon at hindi palihis ang iuugali o pag-uugali ng may <em>utang na loob<\/em> dahil ito sa tuwina ay tinatanaw, isang <em>pakiramdam<\/em>.\u00a0 Sakali mang taliwas sa tamang daan ang tahakin ng tao, tinutugis mismo ng <em>budhi <\/em>ang di marunong tumanaw ng <em>utang na loob<\/em> sa nagpala.\u00a0 Kaya nga ang masabihan ng <em>walang<\/em> <em>utang na loob<\/em> ay masakit sa <em>kalooban<\/em> sapagkat animo\u2019y <em>walang hiya<\/em> o dili kaya\u2019y <em>walang dangal<\/em>.\u00a0 Upang matauhan ay inuulit ulit ipaalala (ng <em>kapwa<\/em>, ng <em>budhi<\/em>) na siya\u2019y <em>walang<\/em> <em>utang na loob<\/em> (katumbas ng walang kuwentang tao).\u00a0 Samantala, di salat ang sistema sa tuwid na daan dahil may pagsisi, paghingi ng tawad, pagdurusa, pagsasakripisyo para maibalik ang <em>hiya\u2019t dangal<\/em>.\u00a0 Sa <em>pagbabalik-loob<\/em> (pagtanaw ng <em>utang na loob<\/em>, pagpapasalamat, pagkilala sa <em>pagkatao<\/em>), napapanatili ang ginhawa ng <em>loob<\/em>.\u00a0 Sa dakong huli, ang <em>utang na loob<\/em> ay larawan ng ating mga ugnayan, ugali, at unawa sa Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G.H., J.A. Yacat, at A.M. Navarro (2004).\u00a0 <em>Extending the self: Volunteering as pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Quezon City: Center for Leadership, Citizenship, and Democracy, University of the Philippines National College of Public Administration and Governance.<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.\u00a0 Binagong edisyon, 1992.<\/p>\n<p>Ariola, M.M. (2012).\u00a0 <em>Sociology and anthropology with family planning<\/em>.\u00a0 Manila: Purely Books Trading &amp; Publishing Corporation.<\/p>\n<p>Banaag, L.M.T. (2012).\u00a0 <em>Socio-anthro: An integrated and interdisciplinary approach to the study of society and culture<\/em>.\u00a0 Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corporation.<\/p>\n<p>Bauzon, P.T. (2009).\u00a0 <em>Essentials of values education; Third edition<\/em>.\u00a0 Manila: National Book Store.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (2003).\u00a0 Kaalamang bayan, pagkataong Pilipino, at matuwid na pagkilos.\u00a0 Nasa L.F. Antonio at L. Tiamson-Rubin (mga pat.), <em>Sikolohiya ng wikang Filipino.\u00a0 <\/em>Quezon City: C &amp; E Publishing, Inc., 131-141.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (1995).\u00a0 Kaalamang bayang dalumat ng pagkataong Pilipino.\u00a0 Nasa N.M.R. Santillan at M.B.P. Conde (mga pat.) (1998), <em>Kasaysayan at kamalayan: Mga piling akda ukol sa diskursong pangkasaysayan<\/em>.\u00a0 Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan, 1998, 75-85.<\/p>\n<p>Covar, P.R. (2011).\u00a0 Kultura at wika.\u00a0 Nasa L.F. Antonio, A.G. Ramos, at A. Albano-Abiera (mga pat.),<em> Mga babasahin sa sikolinggwistikang Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: C &amp; E Publishing, Inc., 46-58.<\/p>\n<p>Dy, M.B. (1994).\u00a0 The philosophy of value; The value of philosophy.\u00a0 Nasa M.B. Dy (pat.), <em>Values in Philippine culture and education<\/em>.\u00a0 Washington, D.C.: The Council for Research in Values and Philosophy, 9-17.<\/p>\n<p>Echols, J.M. at H. Shadily (2008).\u00a0 <em>Kamus Indonesia-Inggris; Third edition<\/em>.\u00a0 New York: Cornell University.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology: The Philippine Experience<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.\u00a0 Bagong edisyon, Manila: De La Salle University Press, 1994.<\/p>\n<p>Gorospe, V.R. (1994).\u00a0 Understanding the Filipino value system.\u00a0 Nasa M.B. Dy (pat.), <em>Values in Philippine culture and education<\/em>.\u00a0 Washington, D.C.: The Council for Research in Values and Philosophy, 55-61.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (2007). <em>\u00a0<\/em>Social organization in three Philippine villages.\u00a0 Nasa A.G. Soliven, A.S. Villanueva, at T.R. Perez (mga pat.), <em>The search for the Filipino soul: Anthology of selected researches in anthropology<\/em>.\u00a0 Manila: Centro Escolar University, 176-188.<\/p>\n<p>Merriam-Webster, Inc. (2015). Merriam-Webster dictonary.\u00a0 Nakuha noong Enero 9, 2015, mula sa Merriam-Webster, Inc. Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/tcn4\">http:\/\/goo.gl\/tcn4<\/a>.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1989).\u00a0 <em>Loob; The Filipino within: A preliminary investigation into a pre-theological moral anthropology<\/em>.\u00a0 Manila: Divine Word Publications.<\/p>\n<p>Palispis, E.S. (1995).\u00a0 <em>Introduction to values education<\/em>.\u00a0 Manila: Rex Book Store.<\/p>\n<p>Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) (2014).\u00a0 Pinoy values: Mula pagpapakatao tungo sa pakikipagkapwa-tao; Ika-39 na pambansang kumperensiya sa sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Programa, De La Salle University, Nobyembre 20-22.<\/p>\n<p>Quito, E.S. (1994).\u00a0 The ambivalence of Filipino traits and values.\u00a0 Nasa M.B. Dy (pat.), <em>Values in Philippine culture and education<\/em>.\u00a0 Washington, D.C.: The Council for Research in Values and Philosophy, 51-54.<\/p>\n<p>Resurreccion, R.R. (2007).\u00a0 Malasakit, pakikipagkapwa, at kalinisang loob: Mga pundasyon ng kagandahang-loob.\u00a0 <em>Malay<\/em>, 19 (3), 67-78.<\/p>\n<p>San Buena Ventura, P.d. (1613).\u00a0 <em>Vocabulario de lengua Tagala.<\/em>\u00a0 Manila: Impreso en la noble Villa de Pila.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1981).\u00a0 Wika at diwa: Isang pansikolingguwistikang analisis sa halimbawa ng konsepto ng hiya.\u00a0 Nasa Susan Cipres-Ortega (pat.), <em>Ulat ng ikalabindalawang seminar sa sikolohiya ng wika: Kasalukuyang kalakaran ng mga pagsusuri sa sikolohiya ng wika<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Department of Psychology, 38-43.<\/p>\n<p>Santiago, A.O. at N.G. Tiangco (2003).\u00a0 <em>Makabagong balarilang Filipino; Binagong edisyon<\/em>.\u00a0 Manila: Rex Book Store, Inc.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p><strong>\u00a0<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Roberto E. Javier Jr., Ph.D. Departamento ng Sikolohiya De La Salle University, Manila Abstrak Sa 2015 sarbey na isinagawa sa may 218 estudyanteng nasa unibersidad at mga nasa antas panggradwado, sininop ang ugnayan, unawa, at ugali na meron sa utang &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-parang-pag-ibig-ibinibigay-ng-walang-kapalit-utang-na-loob-ugnayan-unawa-at-ugali\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Parang Pag-ibig, Ibinibigay Nang Walang Kapalit! Utang na Loob \u2013 Ugnayan, Unawa, at Ugali<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/746"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=746"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/746\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":818,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/746\/revisions\/818"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=746"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=746"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=746"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}