{"id":742,"date":"2017-11-16T02:35:10","date_gmt":"2017-11-16T02:35:10","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=742"},"modified":"2018-08-16T02:05:21","modified_gmt":"2018-08-16T02:05:21","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-pagpapakahulugan-at-manipestasyon-ng-pakikiramdam-sa-konteksto-ng-paggabay-pagpapayo-at-sikoterapiya","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-pagpapakahulugan-at-manipestasyon-ng-pakikiramdam-sa-konteksto-ng-paggabay-pagpapayo-at-sikoterapiya\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Pagpapakahulugan at Manipestasyon ng Pakikiramdam  sa Konteksto ng Paggabay-Pagpapayo at Sikoterapiya"},"content":{"rendered":"<p><strong>Homer J. Yabut, Ph.D. <\/strong>at<strong> Katrina Fernando-Resurreccion<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Sikolohiya<br \/>\nDe La Salle University, Manila<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Itinuturing ni Virgilio Enriquez (1992) bilang isang pagpapahalagang tulay ng sarili at iba (<em>pivotal interpersonal value<\/em>) ang <em>pakikiramdam<\/em> (<em>shared inner perception<\/em>).\u00a0 Sa pag-aaral ni Rita Mataragnon (1987), itinuturing na napakahalaga ng <em>pakikiramdam <\/em>sa paggawa ng isang pananaliksik lalo na sa mga eryang rural dahil isang importanteng katangian dito ang pagiging sensitibo ng isang mananaliksik.\u00a0 Sa mga interbensyon sa Sikolohiya na ginagampanan ng mga tagagabay-tagapayo (<em>guidance counselor<\/em>) at sikolohista, napakahalaga rin ng pagpapahalaga (<em>value<\/em>) na <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Tinangka sa pag-aaral na itong suriin ang mga depinisyon at manipestasyon ng katutubong konsepto ng <em>pakikiramdam<\/em> ayon sa mga tagagabay-tagapayo at sikolohista gamit ang mga <em>focus group discussion<\/em> sa pagkalap ng kwalitatibong datos.\u00a0 Nagkaroon ng dalawang <em>focus group discussion<\/em> upang mapag-usapan ng mga kalahok ang mga depinisyon nila ng <em>pakikiramdam<\/em>, mga katangian at asal ng isang taong marunong makiramdam at mga personal na karanasan na tumutukoy sa mga manipestasyon ng mga katangian at asal na nagpapakita ng <em>pakikiramdam<\/em> sa konteksto ng paggabay-pagpapayo (<em>counseling<\/em>) at sikoterapiya (<em>psychotherapy<\/em>).\u00a0 Ang mga resulta ng pag-aaral ay inilahad gamit ang mga temang nakatuon sa manipestasyon ng <em>pakikiramdam<\/em>, mga salik na sitwasyonal kung saan naipapakita ang <em>pakikiramdam<\/em>, at mga relasyonal na katangian ng mga taong nakikiramdam. Pinakita ng mga resultang ang pakikiramdam ay isang proseso at napakahalaga rito ang pagbubukas-loob.\u00a0 Ang magaling makiramdam na tagagabay-tagapayo at sikolohista ay nakatuon sa kapwa at hindi sa kanyang sarili.\u00a0 Siya ay marunong makinig, sinsero, at marunong magreplek.\u00a0 Tinalakay rin sa pag-aaral na ito ang mga implikasyon sa teorya at pananaliksik sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p>Virgilio Enriquez (1992) considers <em>pakikiramdam<\/em> (shared inner perception) as a pivotal interpersonal value. In the study of Rita Mataragnon (1987), <em>pakikiramdam<\/em> is regarded as an important skill in doing research most especially in the rural areas as sensitivity is an important trait of a researcher. In the psychological interventions performed by guidance counselors and psychologists, <em>pakikiramdam<\/em> is likewise important. This study attempted to investigate on the definitions and manifestations of the indigenous conceptualization of <em>pakikiramdam<\/em> among guidance counselors and psychologists using focus group discussions as a means to cull qualitative data. Two focus group discussions were conducted to talk about their qualifying definitions of <em>pakikiramdam<\/em>, characteristics and behaviors of an individual who manifests <em>pakikiramdam<\/em> as well as personal experiences relating to the characteristics and behavioral manifestations of <em>pakikiramdam<\/em>, and values manifesting <em>pakikiramdam <\/em>in the context of guidance counseling and psychotherapy. The findings of the study are discussed using themes focusing on the manifestations of <em>pakikiramdam<\/em>, situational factors leading to the manifestation of <em>pakikiramdam<\/em>, and relational characteristics of an individual manifesting <em>pakikiramdam<\/em>. Findings indicate that <em>pakikiramdam<\/em> is a process and it is also important in self-disclosure. A guidance counselor or psychologist who does <em>pakikiramdam<\/em> well focuses on the other and not on himself\/herself. S\/he knows how to listen, is sincere, and is able to reflect. This study also draws implications for theory and research in <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Napakahalaga sa konteksto ng paggabay-pagpapayo <em>(counseling)<\/em> at sikoterapiya (<em>psychotherapy<\/em>) ang ugnayan.\u00a0 Ang ugnayang ito ay hindi lang isang propesyonal na ugnayan bagkus kinakailangang isang malalimang ugnayan ito upang matamo ng isang kliyente ang pagbabago (Corey 2001).\u00a0\u00a0 Para sa sikolohistang si Carl Rogers (1951 sa Nietzel <em>et al<\/em>. 1994), napakahalaga ang pagkakaroon ng <em>empathy<\/em>, <em>genuiness<\/em>, at <em>unconditioned positive<\/em> <em>regard<\/em> sa isang terapyutikong ugnayan.\u00a0 Mahalagang magkaroon ng <em>empathy<\/em> ang isang tagagabay-tagapayo (<em>guidance counselor<\/em>) para matamo ang isang <em>therapeutic allicance <\/em>(Anderson <em>et al<\/em>. 2009).\u00a0 Isang mahalagang sangkap ang <em>empathy <\/em>para matulungan ang mga kliyenteng nakakaranas ng mga problema at tumutukoy ito sa kakayanan ng isang tao na maramdaman ang mga emosyonal na nararamdaman ng isang tao (McDonald at Messinger 2011).\u00a0 Para kay William Zinn (1999), ang <em>empathy<\/em> ay isang proseso ng pag-unawa sa subhektibong karanasan ng isang tao.\u00a0 Marami na ring pag-aaral na nagpapakita ng halaga ng <em>empathy<\/em> para maging epektibo ang <em>sikoterapiya<\/em> (Elliot <em>et al<\/em>. 2011).<\/p>\n<p>Sa kontekstong Pilipino, nauna nang sinabi ni Rita Mataragnon (1987) na mahalaga ang <em>pakikiramdam<\/em> sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Nabanggit niyang hindi posibleng magkaroon ng <em>empathy<\/em> kung walang <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Dagdag pa niya, alam ng taong may <em>pakiramdam<\/em> kung kailan kailangang sabihin ang isang bagay at naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ng isang pasyente at pati na rin ang hindi niya sinasabi.<\/p>\n<p>Sa mga interbensyon sa Sikolohiya na ginagampanan ng mga tagagabay-tagapayo at sikolohista, napakahalaga rin ng pagpapahalaga na<em> pakikiramdam<\/em>.<strong>\u00a0 <\/strong>Itinuturing ni Virgilio Enriquez (1992) bilang isang pagpapahalagang tulay ng sarili at iba (<em>pivotal interpersonal value<\/em>), ang <em>pakikiramdam <\/em>(<em>shared inner perception<\/em>).\u00a0 Sa pag-aaral ni Mataragnon (1987), itinuturing na napakahalaga ng <em>pakikiramdam<\/em> sa paggawa ng isang pananaliksik lalo na sa mga eryang rural dahil isang importanteng katangian dito ang pagiging sensitibo ng isang mananaliksik.\u00a0 Sa <em>pakikiramdam<\/em>, nagkakaroon ng pinatinding kamulatan (<em>heightened awareness<\/em>) ang isang tao (Enriquez 1992).<\/p>\n<p>Ang <em>pakikiramdam <\/em>ay galing sa dalawang salitang: <em>paki<\/em> at <em>ramdam<\/em> (Enriquez 1992).\u00a0 Pangkaraniwang ginagamit ang \u201cpaki\u201d ng mga tao kapag nakikiusap sila para gawan ng isang pabor.\u00a0 Samantalang ang \u201cramdam\u201d ay tumutukoy sa damdamin or nadarama ng isang tao.\u00a0 Samakatwid, ang <em>pakikiramdam <\/em>ay tumutukoy sa pagkilala sa \u201cloob\u201d ng isang tao (Enriquez 1992).\u00a0 Mahalaga ito lalo na sa mga sitwasyong hindi sigurado ang tao sa tamang pagkilos o pag-aasal na gagawin (Enriquez 1992).\u00a0 Sa pananaliksik, ginagamit ang <em>pakikiramdam<\/em> upang mas maging maging sensitibo o malakas makiramdam ang tao lalung-lalo na sa mga taong nasa bukid o rural na mga lugar upang malaman kung ang sinasabi ng mga kalahok ay totoo (Pe-Pua at Marcelino 2000).<\/p>\n<p>Itinuturing ang <em>pakikiramdam<\/em> bilang <em>pivot<\/em> o <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga dahil ito ay nangyayari na sa tao bago pa man siya makipag-ugnayan sa iba (Mataragnon 1987).\u00a0 Bilang <em>a priori <\/em>na pagpapahalagang Pilipino, napakahalaga nito sa ating <em>pakikipagkapwa <\/em>sapagkat ito ang nagiging tulay upang mas lalong mapalalim ang pakikipagkapwa ng isang tao na itinuturing na pinakamalalim na pagpapahalaga (<em>core value<\/em>).\u00a0 Nagbanggit si Mataragnon (1987) ng anim na mahahalagang sangkap ng <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Una, ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang konstrak na nangyayari sa ating pakikipag-ugnayan.\u00a0 Pangalawa, ang<em> pakikiramdam<\/em> ay nagtatakda ng mas bolisyonal at hindi impulsibong gawain.\u00a0 Ito ay pinag-iisipan.\u00a0 Pangatlo, bagama\u2019t mayroong pag-iingat at deliberasyon sa <em>pakikiramdam<\/em>, hindi naman kailangan ng pagpaplano ukol dito.\u00a0 Pang-apat, lagi itong tentatibo, exploratoryo, at improbisatoryong pagkilos.\u00a0 Panglima, mahalaga ang intuwisyon o sapantaha (<em>intuition<\/em>) sa <em>pakikiramdam<\/em> kumpara sa lohika.\u00a0 At pang-anim, ang <em>pakikiramdam <\/em>ay ginagamit sa mga ugnayang panlipunang may pagka-<em>ambiguous<\/em> at mahirap hulaan ang kahihinatnan.<\/p>\n<p>Ayon naman kay Raj Mansukhani (2005), ang <em>pakikiramdam<\/em> ay karaniwanang naiuugnay sa mga konseptong <em>emotional intelligence<\/em> at <em>empath<\/em>y.\u00a0 Sa kanyang artikulo, ipinaliwanag niyang ang <em>pakikiramdam<\/em> ay may iba\u2019t ibang pakahulugan.\u00a0 Ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang kakayahang makapansin at makaunawa ng mga di-berbal na pahiwatig (<em>non-verbal cue<\/em>) at galaw ng isang tao.\u00a0 Ito ay ang kakayahang initindihin ang nararamdaman ng isang tao kahit ito hindi sa pamamagitan ng \u201c<em>gut feel<\/em>\u201d o \u201cintuwisyon o sapantaha.\u201d\u00a0 Ang <em>pakikiramdam<\/em> din ay tentatibo\u2014nagbabago ang napapakiramdaman habang siya ay patuloy na nakikiramdam.\u00a0 Paliwanag pa ni Mansukhani (2005) na ang pagiging tentatibo nito ang nagiging daan din upang mabago ang mga desisyon o galaw.\u00a0 Kasama sa <em>pakikiramdam <\/em>sa isang tao ang pagiging sensitibo rin sa konteksto kung saan at kailan nagaganap ang <em>pakikiramdaman<\/em>.\u00a0 May mga tugon o galaw na akma sa isang konteksto ngunit hindi sa isa pa.\u00a0 Samakatwid, sa pamamagitan ng <em>pakikiramdam<\/em>, nababatid natin kung ano ang nararapat gawin o sabihin, at kung kailan ito dapat gawin o sabihin.\u00a0 Dahil sa interaktibong proseso ng <em>pakikiramdam<\/em>, masasabing isa itong uri ng komunikasyon na nagbibigay-daan sa isang malalim na koneksyong interpersonal sa pagitan ng dalawang tao, at nagdudulot ng malalim at masaklaw na pag-unawa sa taong pinakikiramdaman.\u00a0 Karaniwan sa mga Pilipino, inaasahan din ng nakikiramdam na siya ay pakiramdaman din ng kanyang kausap.\u00a0 Dito natin mababatid na ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang aktibong prosesong ugnayan at hindi maaaring isang tao lamang.<\/p>\n<p>Pangkaraniwan na sa mga Pilipino ang paggamit ng mga di-verbal na pahayag para maipabatid ang mensahe at mahirap itong maunawaan sa ating kultura.\u00a0 Ayon kay Melba Maggay (1999), mahalaga sa kulturang Pilipino ang konsepto ng <em>pahiwatig<\/em> para maintindihan ang mga verbal at di-verbal na pakikipag-usap natin sa isa\u2019t-isa.\u00a0 Mahalaga ito dahil sa kadalasan, ang nakikita natin ay iba sa layong ipabatid ng ating kausap.\u00a0 Para mas maunawaan ang mga <em>pahiwatig<\/em>, nabanggit ni Maggay (1999; 2002) na kailangan ang <em>pakikiramdam<\/em> upang malaman ang mga <em>pahiwatig <\/em>ng iyong kausap dahil kinakailangang mas maging senstibo ang tao sa kanyang kausap.\u00a0 Dagdag pa niya, dahil sa <em>pakikiramdam<\/em>, mas mauunawaan ang mga hindi litaw o hindi malinaw na kahulugan ng mensahe na ipinararating ng kausap.\u00a0 Mas nakikilatis din ng tao kung anong uri ang kanyang kausap na makakatulong gumabay sa kanya kung ang ugnayang ito ay tutungo sa mas malalaim na ugnayan.\u00a0\u00a0 Hindi umuubra ang <em>pahiwatig<\/em> kung ang kabilang panig ay walang <em>pakikiramdam<\/em> o manhid, walang pandama sa ipinapaabot na mga paramdam (Maggay 2002).<\/p>\n<p>Bilang buod sa mga napag-aralan na sa <em>pakikiramdam<\/em>, lumilitaw na napakahalagang salik nito sa ugnayan ng mga tao lalung-lalo na bilang pagpapahalagang tulay ng sarili at iba (Mataragnon 1987) at pagkilala sa loob ng isang tao (Enriquez 1992) na maaaring lumalim tungo sa <em>pakikipagpalagayang-loob<\/em> at sa mas malalim pang lebel ng ugnayan.\u00a0 Mahalaga ito upang mapalalim ang ugnayan sa mga tao dahil kadalasan sa kontekstong Pilipino ay nakagawian ang magpahiwatig.\u00a0 Mahalaga ang <em>pakikiramdam<\/em> para mas malaman ng isang tao ang <em>pahiwatig<\/em> ng iba.\u00a0 Nakikita ng mga mananaliksik na sadyang napakahalaga ng <em>pakikiramdam<\/em> lalung-lalo na sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya na kung saan ay napakahalagang pakiramdaman ng isa sikolohista o tagagabay-tagapayo ang mga <em>pahiwatig<\/em> na isang kliyente.\u00a0 Mahalagang malaman kung papaano nakikita ang pagpapahalagang ito sa konteksto ng ugnayan sa paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Bilang isang mahalagang sangkap sa paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, napakahalagang tingnan ang pagbibigay ng depinisyon sa pagpapahalagang <em>pakikiramdam<\/em> ng mga tagagabay-tagapayo at sikolohistang tumutulong sa mga tao.\u00a0 Ang mga pagpapahalaga ay mga trans-sitwasyonal na hangarin, na nagbabago ang pakinabang o importansya, at nagsisilbing prinsipyong gumagabay sa isang tao o grupo (Schwartz 2012).\u00a0 Tumutukoy rin ito sa paniniwalang mahalaga para sa isang lipunan na nagtatakda ng mga pagkilos ng isang tao kaugnay ng mga pangyayari sa kanyang buhay (Jocano 1997).\u00a0 Bilang <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga, nilayon ng pag-aaral na itong masuri ang kahulugan ng <em>pakikiramdam<\/em> mula sa pananaw ng mga tagagabay-tagapayo at sikolohista.\u00a0 Nilalayon nitong masuri ang depinisyon at manipestasyon ng katutubong konsepto ng <em>pakikiramdam<\/em> pati na rin ang mga katangian at asal ng isang taong marunong makiramdam.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>METODO<\/strong><\/p>\n<p>Gumamit ang pag-aaral na ito ng isang deskriptibong kwalitatibong disenyo sa pananaliksik.\u00a0\u00a0 Mga tagagabay-tagapayo at sikoterapist ang mga naging kalahok.\u00a0 Gumamit ito ng lapit na konstraktibista na inuugnay sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Ninalayon ng lapit na konstraktibistang mapag-aralan ang mga dalumat batay sa kung paano binibigyan ng mga tao ng kahulugan ang mga ito (Gergen 1985).\u00a0 Ginawan ng kwalitatibong pagsusuri ang mga sagot ng iba\u2019t ibang praktisyuner sa paggabay-pagpapayo at sikoterapiya<strong>.<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ginamitan ng <em>purposive sampling<\/em> ang kasalukuyang pag-aaral.\u00a0 Ang pangunahing salik sa pagpili ng mga kalahok ay dapat mga praktisyuner sila ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya.\u00a0 Sampung kalahok ang sumali sa pag-aaral noong 2013.\u00a0 Ang anim sa kanila ay mga tagagabay-tagapayo ng dalawang malaking unibersidad sa Maynila at Pampanga.\u00a0 Sila ay mga tagagabay-tagapayo ng mga estudyanteng nasa kolehiyo.\u00a0 Samantalang ang apat namang kalahok ay mga sikolohista.\u00a0 Sila ay mga praktisyuner ng sikolohiya na gumagamit at may malawak na karanasan sa sikoterapiya.\u00a0 Mayroong tatlong lalaki at walong babaeng kasama sa pag-aaral.\u00a0 Nasa 27-50 taong gulang ang mga kalahok.\u00a0 Inimbitahan silang sumali sa kasalukuyang pag-aaral ukol sa <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Pagkatapos sumang-ayon sa imbitasyon, noong aktwal na sesyon, ang mga layunin at mga tanong sa <em>focus group discussion<\/em> ay ipinaliwanag sa kanila.\u00a0 Binigyan sila ng pormolaryo para sa \u201c<em>informed consent<\/em>.\u201d\u00a0 Nakasaad ritong boluntaryo silang sumali sa pag-aaral.\u00a0 Dito rin siniguro ng mga mananaliksik ang <em>confidentiality<\/em> ng pag-aaral.\u00a0 Gumamit ng mga kowd neym (<em>code name<\/em>) para sa mga kalahok.<\/p>\n<p><strong><em>Instrumento<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Gumamit ang pag-aaral ng <em>focus group discussion<\/em>.\u00a0 Sinuri ang mga tanong sa <em>focus group discussion<\/em> ng isang mananaliksik at propesor ng <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Ang mga tanong ay nakasentro sa kanilang mga karanasan at kaalaman tungkol sa <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Ninais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang pagsasalarawan ng mga kalahok sa isang \u201ctaong marunong makiramdam,\u201d mga manipestasyon ng isang \u201ctaong marunong makiramdam,\u201d karanasan na nagpapakita ng <em>pakikiramdam<\/em>, at mga kahulugan ng <em>pakikiramdam<\/em>.<\/p>\n<p>Nagkakaroon ng dalawang <em>focus group discussion<\/em> upang mapag-usapan ng mga kalahok ang mga depinisyon nila ng <em>pakikiramdam<\/em>, mga katangian at asal ng isang \u201ctaong marunong makiramdam\u201d at mga personal na karanasan na tumutukoy sa mga manipestasyon ng mga katangian at asal na nagpapakita ng <em>pakikiramdam<\/em> sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aanalisa ng Datos<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sa pananaliksik na ito, ginamit ang kwalitatibong pagsusuri.\u00a0 Nilalayon ng pagsusuring ito na makuha ang pagpapakahulugan ng mga kalahok sa konseptong <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Batay sa mga naisagawang<em> focus group discussion<\/em>, kinuha ang mga kategorya at tema upang masagutan ang mga problemang nais tugunan ng pag-aaral na ito.\u00a0 Pagkatapos basahin ang mga transkripsyon ng mga <em>pagtatanung-tanong<\/em>, ginawan ng mga mananaliksik ng <em>open coding<\/em> bilang unang bahagi ng pag-aanalisa.<\/p>\n<p>Pagkatapos nito, ginawa naman ang <em>member checking. <\/em>\u00a0Ito ay isang porma ng pagsusuri (<em>validation<\/em>) upang matingnan ang katapatan ng mga resulta.\u00a0 Ipinakita ang mga resulta sa isang kalahok sa <em>focus group discussion<\/em> upang lalong masiyasat at makita ang katapatan ng mga manipestasyon ng <em>pakikiramdam<\/em> sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Ang mga resultang ito ay ipinakita sa nabanggit na kalahok sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga resulta ng naunang mga grupo.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RESULTA<\/strong><\/p>\n<p>Ipapakita sa mga resulta ng pananaliksik ang mga tema buhat sa mga sagot ng mga kalahok.\u00a0 Nahahati sa limang bahagi ang paglalahad ng mga resulta ng pananaliksik.\u00a0 Ipapakita rito ang mga depinisyon ng <em>pakikiramdam<\/em>, mga katangian ng taong nakikiramdam, at mga manipestayon ng <em>pakikiramdam<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Depinisyon ng Pakikiramdam<\/em><\/strong><\/p>\n<p><em>Pakikiramdam Bilang Importanteng Pagpapahalagang Pilipino<\/em><\/p>\n<p>Para sa mga kalahok, ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isa sa mga importanteng pagpapahalaga na katangian ng mga Pilipino lalung-lalo na sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Sinasabi lagi ng mga karaniwang tao na ang mga Pilipino ay may kakayahang makiramdam o maging sensitibo sa galaw, intensyon, at damdamin ng iba.\u00a0 Napagtibay ito ng kasalukuyang pag-aaral kung sinasabi ng mga kalahok na isang pagpapahalaga ang <em>pakikiramdam<\/em> na ating madalas na ginagamit ngunit hindi natin namamalayan.\u00a0 Sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, may mas mahalagang gamit ito dahil mas mauunawaan at maiintindihan lang ang tao kung ikaw ay gumamit ng <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Paliwanag nga ng ilang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>I consider pakikiramdam<\/em> yung isa sa mga <em>Filipino values<\/em> na mas malalim pa siya sa <em>empathy<\/em> (Thea).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Ako sir, <em>I consider pakikiramdam as one of the Filipino values<\/em> yun nga <em>actually<\/em> pinapraktis naman natin di ba pero di naman tayo <em>aware <\/em>na yun na ginagawa natin na nakikiramdam tayo (Mary).<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">So yung makiramdam isa yung maganda na <em>value<\/em> na siguro mapraktis namin bilang <em>counselor or<\/em> ma-<em>cultivate<\/em> namin ang ganun na klase.\u00a0\u00a0 <em>I agree with <\/em>Ms. Margie nung sinabing yung <em>very important<\/em> yung makiramdam kasi <em>it\u2019s one cue to be able to understand and communicate well with the person that you are talking with; or I mean listening with<\/em> (Sarah).<\/p>\n<p><em>Pakikiramdam Bilang Proseso\u00a0<\/em><\/p>\n<p>Ipapakita sa mga sumsusunod na bahagi ang mga temang nakuha sa ilalim ng <em>pakikiramdam<\/em> bilang isang proseso.\u00a0 Ang dalawang prosesong ito ay ang pagbubukas-loob tungo sa <em>pakikiramdam<\/em> at pagbubukas sarili ng nararamdaman.<\/p>\n<ul>\n<li><em>Pagbubukas-loob Tungo sa Pakikiramdam<\/em><\/li>\n<\/ul>\n<p>Ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang malalim ngunit hindi paimbabaw na proseso na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.\u00a0 Nagsisimula ito sa kagustuhan ng isang tao na maramdaman at maunawaan ang kanyang kausap o kasama.\u00a0 Ang <em>pakikiramdam<\/em> ng tagagabay-tagapayo o sikolohista sa kanyang kliyente ay hindi lamang nagaganap sa loob ng isang pormal na sesyon ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya kundi lalo na sa konteksto ng mga unibersidad na kung saan ay nakakasalamuha rin ng mga tagagabay-tagapayo o sikolohista ang mga estudyante sa labas ng kanilang mga opisina.\u00a0 Kaya ipinapakita ng mga resultang mahalaga ang pagiging bukas upang mas maunawaan ang mga kliyente o mga estudyante sa konteksto ng unibersidad.\u00a0 Ayon sa mga kalahok, kailangang bukas ang loob ng makikiramdam.\u00a0 Handang-handa ang tagagabay-tagapayo o sikolohista na maintindihan ang mga mensaheng ipinararating ng isa o ang kanyang <em>pahiwatig<\/em>.\u00a0 Ayon nga sa isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isang salita\u2014\u201cpagbubukas-loob;\u201d pag bukas-loob ka, hindi lang pag-iisip kundi <em>your whole self<\/em> na hindi madaling gawin at hindi lahat ng tao ay <em>willing<\/em> gawin (Arianne).<\/p>\n<p>Ang pagbubukas-loob na ito ay maaaring mangyari kahit sa labas ng pormal na sesyon.\u00a0 Sa pagkakakilala ng tagagabay-tagapayo o sikolohista sa kliyente, nararamdaman nila kung kailangan nilang makipag-ugnayan sa isang estudyante, tulad ng pagkamusta, sa kanyang kliyente.\u00a0 Ayon sa isang tagagabay-tagapayo:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Minsan mararamdaman mo na kailangan mo silang kamustahin.\u00a0 Ako <em>I always visit them<\/em>.\u00a0 Alam mong tama ang <em>pakiramdam <\/em>mo kasi parang kahit dumaan ka lang tapos makita ka nila, parang malaking bagay na \u2018yun sa kanila (Mary).<em>\u00a0<\/em><\/p>\n<p>Dahil dito, masasabi nating ang <em>pakikiramdam<\/em> ay likas na ipinapakita hindi lamang sa pormal bagkus kahit sa hindi pormal na konteksto at nagsisimula ito sa isang kutob o pagtatantya na susuriin ng tao kung tama ito.\u00a0 Importante rito ang pagiging bukas ng loob ng tagagabay-tagapayo o sikolohista para magawa ang pakikiramdam.\u00a0 Ang pagpapakita ng mga pagkilos na mararamdaman ng mga kliyente, ang presensya at malasakit ng isang tagagabay-tagapayo o sikolohista kahit sa labas ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya ay mahalaga.\u00a0 Salaysay ng isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">At tsaka yung nga yung sinabi ni Ms. May, yun nga yung parang nagtitinginan lang kayo alam mo na yung nararamdaman ng isa, di na siya kailangan magkuwento, or magsabi.\u00a0 Nabalitaan mo lang yung halimbawa&#8230; hindi yung <em>not necessarily<\/em> sa <em>counseling context<\/em> kung baga&#8230; meron ka lang nabalitaan ng isang sitwasyon tapos <em>at least<\/em> alam mo na kung ano yung maiisip mo na kung ano nararamdaman ng isang tao <em>through <\/em>pakikiramdam (Sheila).<\/p>\n<p>Ayon sa mga kalahok, ang pagbubukas ng loob sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya ay naipapamalas sa pamamagitan ng <em>pakikinig sa kliyente ng buong-buo<\/em> gamit ang isip at puso.\u00a0 Sa isang sesyon, inisantabi ng tagagabay-tagapayo o sikolohista ang kanyang mga personal na alalahanin upang mapakinggan at mapakiramdaman nang mabuti ang kliyente nang hindi nadidistrak, at nang walang halong panghuhusga o pagtatanong.\u00a0\u00a0 Ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang sa kliyente.\u00a0 Paliwanag ng isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa pamamagitan ng pakikinig, pakikinig na hindi mo iniisip ang sarili mo; pakikinig ng buong-buo, <em>non-verbal<\/em>, pagtingin sa mata, <em>gestures<\/em> ay pamamaraan ng pagpapakita, pagtango, paghawak sa tao; pakikinig nang walang <em>interruption<\/em>, hindi tanong ng tanong o sumisingit; sasabihin ng kausap mo na siya ang magvavalideyt kung nakinig ka nga o hindi (Carla).<\/p>\n<ul>\n<li><em>Pagbubukas-sarili ng Nararamdaman<\/em><\/li>\n<\/ul>\n<p>Ngunit hindi sapat na ang nakikiramdam lamang ang nagbubukas ng kanyang loob.\u00a0 Nagagawang makiramdam ng isa kung ang pinakikiramdaman ay nagbubukas din ng kanyang sarili.\u00a0 Ayon sa isang sikoterapist:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Nararamdaman kita dahil binibigyan mo ako ng pagkakataong maramdaman ka (Carla).<\/p>\n<p>Samakatwid, para sa mga kalahok, may mga sitwasyong mapakiramdaman mo ang isang tao, ngunit hindi mo naman maramdaman ang isa.\u00a0 Paliwanag pa ng kalahok na maaaring hindi ka makaramdam:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">&#8230;hindi dahil hindi ka marunong makiramdam, kundi importante na mayroon kayong <em>mutual wavelength and energy<\/em> (Carla).<\/p>\n<p>Samakatwid, masasabing ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang prosesong relasyonal na ang kinalalabasan ay isang \u201c<em>shared experience<\/em>\u201d na mayroong pagkakaintindihan ng hindi lamang ng nararamdaman kundi pati na rin ng mga iniisip at saloobin.\u00a0\u00a0 Ito ay isang talaban ng loob, isip, at damdamin.<\/p>\n<p>Sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, ang kakayahang makiramdam ay isang napakahalagang instrumento upang maging matagumpay ang isang sesyon ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya. \u00a0May mga pagkakataong hindi maibahagi ng mga kliyente ang kanilang nararamadaman o iniisip dala na rin ng kanilang sitwasyon o kondisyon dahil sa maraming posibleng rason.\u00a0 Sa mga pagkakataong ito, ang kakayahan ng isang tagagabay-tagapayo o sikolohistang makiramdam ay makakatulong sa kanya upang maunawaan at matulungan ang kanyang kliyente.\u00a0 Dagdag pa ng kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isang proseso ng \u201cpakikibahagi o pakikipag-ugnayan sa isang tao sa iba-ibang konteksto ng relasyon\u2014personal o propesyonal.\u201d\u00a0 Nakapaloob na doon sa proseso ang kamalayan at pagiging bukas ng bawat isa sa prosesong iyon; kung may kamalayan ka pero sarado naman ang isa, mahirap (Carla).<\/p>\n<p><strong><em>Mga Katangian ng Taong Nakikiramdam<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ayon sa mga kalahok, lahat ng tao ay may kakayahang makiramdam.\u00a0 Kailangan lamang na bukas ang isang tao na ipamalas ito.\u00a0 Ang <em>pakikiramdam<\/em> ay kombinasyon ng iba\u2019t ibang kakayahan at karakteristiko gaya ng kakayahang makinig, pagtuon sa kapwa pero may <em>pagkamalay sa sarili<\/em>, pagiging empatik, pagkakaroon ng sinseridad, at pagkakaroon ng pananagutan o komitment sa proseso.<\/p>\n<p><em>Kakayahang Makinig<\/em><\/p>\n<p>Ang taong nakikiramdam ay marunong <em>makinig.<\/em>\u00a0 Napapakinggan niya ang mga sinasabi ng isang tao.\u00a0 Ngunit hindi lamang siya naririnig sa mga aktwal na sinasabi kundi pati na rin sa mga mensaheng nakapaloob sa mga salitang binabanggit ng kanyang kausap.\u00a0 \u201c<em>Reading between the lines<\/em>,\u201d ika nga ng kalahok na si Ronald na isang sikolohista.<\/p>\n<p>Ang pakikinig ay hindi lamang limitado sa pag-intindi sa mga verbal na mensahe.\u00a0 Ang taong nakikiramdam ay \u201cnakikinig\u201d din sa mga galaw ng kanyang pinakikiramdaman.\u00a0 Sabi ng isang sikolohistang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Binibigyan niya ng <em>value <\/em>ang <em>mga <\/em>di-verbal.<em>\u00a0 <\/em>Naiintindihan niya na kahit hindi nagsasalita ang kliyente, ito ay may sinasabi (Mary).<\/p>\n<p>Ang mga galaw, tulad ng mga <em>facial expression<\/em> at <em>posture<\/em>, ang ilan sa mga palatandaan ng isang tagagabay-tagapayo o sikolohista kung ano ang gustong iparating ng kliyente.\u00a0 Dagdag pa ng isang kalahok:<\/p>\n<p>May mga <em>clients <\/em>na hindi naman sila <em>very expressive of what they feel<\/em>.\u00a0 <em>You just have to be careful and be sensitive<\/em> doon sa mga di-verbal na pahiwatig\/paramdam\/tugon o galaw (<em>non-verbal gestures)<\/em> nila (Ana).<\/p>\n<p><em>Pagtuon sa Kapwa Pero May Pagkamalay sa Sarili (Self-Awareness)<\/em><\/p>\n<p>Nabatid ng mga kalahok na kailangang may kakayahan ang isang taong maging <em>selfless<\/em> upang mapakiramdaman ang iba.\u00a0 Sa mga pagkakataong siya ay nakikiramdaman, naisasantabi niya ang kanyang mga pansariling pananaw.\u00a0 Ayon nga sa isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Sa loob ng 45 <em>minutes<\/em>, kaya niyang kalimutan ang kanyang sarili\u2014<em>o<\/em><em>ne\u2019s conception, biases, and assumptions<\/em> (Rosario).<\/p>\n<p>Nagiging balakid sa proseso ng <em>pakikiramdam<\/em> o pagkakaunawaan ang pagbibigay-tuon lamang sa sariling pananaw.\u00a0 Sa halip na maintindihan ng isang tao ng buong-buo ang isa pa, siya ay nadidistrak ng sarili niyang mga paghuhusga.<\/p>\n<p>Gayumpaman, nasabi ng ilang kalahok na hindi naman kinakailangang isantabi ng tagagabay-tagapayo o sikolohista ang lahat ng kanyang saloobin, nararamdaman, at alalahanin habang nakikiramdam.\u00a0 Minsan, mas naiintindihan ng isang tao ang karanasan ng iba kung ito ay naranasan na rin niya.\u00a0\u00a0\u00a0 Ang mahalaga, ayon sa mga kalahok, ay pagiging <em>self-aware<\/em>.\u00a0 Alam ng tagagabay-tagapayo o sikolohista kung ang kanyang pananaw ay nagiging <em>biased<\/em> na.\u00a0 Alam din niya kung paano gagamitin ang kanilang sariling karanasan at <em>insight<\/em> upang makiramdam at maintindihan ng mabuti ang kanyang kliyente.\u00a0 Samakatwid, may kamalayan ang isang tagagabay-tagapayo o sikolohista sa proseso ng pakikiramdam.\u00a0 Pagpapalawig ng isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Kasama diyan ang pagtatantya rin ng pagpapahayag ng nararamdaman&#8230; Kasama dito ang <em>awareness<\/em> sa proseso (Val).<\/p>\n<p><em>Pagiging Empatik<\/em><\/p>\n<p>Madalas na sabihin ng mga kalahok na hindi sapat na ang isang tao ay marunong lamang makinig at mag-<em>observe<\/em>.\u00a0 Ang isang taong nakikiramdam ay kailangang empatik din.\u00a0 Ayon nga sa iang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Alam niya kung paano mag-<em>empathize<\/em> sa isang tao&#8230;\u00a0 Yung inilalagay niya yung sarili niya sa sitwasyon ng tao (Ronald).<\/p>\n<p>Ang pagiging empatik ayon sa mga kalahok ang nakakatulong sa isang tao na maintindihan ng lubusan ang saloobin at damdamin ng isa pa.\u00a0 Ito ay ang kakayahang mailagay ang sarili sa sitwasyon ng kanyang pinakikiramdaman\u2014kakayahang makita ang sitwasyon sa pananaw ng kanyang pinakikiramdaman, at maramdaman ang damdaming dala ng sitwasyon.<\/p>\n<p><em>Pagkakaroon ng Sinseridad<\/em><\/p>\n<p>Upang magawa ang mga ito, nasabi ng mga kalahok na kailangang ang taong nakikiramdam ay sinsero.\u00a0 Sa paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, ang tagagabay-tagapayo o sikolohista ay nakikiramdam hindi lang dahil ito ay kailangan sa prosesong klinikal kung hindi dahil na rin sa kanyang kagustuhang maunawaan ng lubos ang kanyang kliyente.\u00a0 Sabi nga ng isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Alam mo sa sarili mo na ang ginagawa mo (sa <em>therapy<\/em>) ay ginagawa mo <em>with all sincerity<\/em> (Edward).<em>\u00a0<\/em><\/p>\n<p>Tapat siya sa kanyang nararamdaman at iniisip.\u00a0 Ang kanyang buong pagkatao\u2014ang isip, puso, at galaw, ay tunay at sabay-sabay na nakikiramdam.<\/p>\n<p><em>Pagkakaroon ng Pananagutan o Komitment sa Proseso<\/em><\/p>\n<p>Sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, nagiging epektibo ang <em>pakikiramdam<\/em> kung ang tagagabay-tagapayo o sikolohista ay may pananagutan sa kanyang ginagawa sa loob ng sesyon ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya.\u00a0 Ayon nga sa isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><em>It is our commitment to be fully present for them.\u00a0 It\u2019s very important<\/em> na <em>you are not just there<\/em> na nakikita nila, na nakikinig ka.\u00a0 Dapat <em>heart, mind, and body<\/em> (Bong).<\/p>\n<p>Ang mga tagagabay-tagapayo o sikolohista ay kailangang may pananagutan sa proseso ng pagtulong sa kliyente.\u00a0 Kasama ng kanilang komitment sa proseso ang pagbibigay ng kanilang <em>best<\/em> sa bawat sesyon.\u00a0 Kasama rito ang komitment ng mga tagagabay-tagapayo o sikolohista na panatilihing malusog ang katawan, isip, at emosyon.\u00a0 Dagdag ng isa pang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Dapat <em>healthy<\/em> ka.\u00a0 Kung maysakit ka, <em>you are not in your best health<\/em>, hindi mo mararamdaman ng tama ang <em>client<\/em> mo dahil ikaw mismo may dinaramdam (May).<\/p>\n<p><strong><em>Mga Manipestasyon ng Pakikiramdam sa Paggabay-Pagpapayo o Sikoterapiya<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang <em>pakikiramdam<\/em> sa konteksto ng isang paggabay-pagpapayo at sikoterapiya ay naipapamalas sa maraming paraan.\u00a0 Ang <em>pagpapakiramdaman<\/em> ay maaaring maganap sa loob o labas ng isang pormal na sesyon ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya.\u00a0 Ibig sabihin, kahit nasa labas ng pormal na sesyon ng paggabay-pagpapayo o sikoterapiya ay naipapakita ang <em>pakikiramdam<\/em> katulad ng isang tagagabay-tagapayo sa isang eskwelahan na napansing tila may problema ang isang estudyante. Sa isang sesyon, naipapakita ng tagagabay-tagapayo o sikolohista na siya ay nakikiramdam sa pamamagitan ng pakikinig, pagninilay-nilay o pagrereplek (<em>reflecting)<\/em>, at mga di-verbal na pahiwatig\/paramdam\/tugon o galaw.<\/p>\n<p><em>Pakikinig<\/em><\/p>\n<p>Ang pakikinig ang isa sa mga pinakaimportanteng paraan upang mapakiramdaman ang isang tao.\u00a0\u00a0 Nalalaman ng tagagabay-tagapayo o sikolohista ang saloobin ng isang tao sa pamamagitan ng <em>pakikinig sa kanyang mga sinasabi.<\/em>\u00a0 Dagdag pa ng isang kalahok, ang pakikinig ay kinakailangang buong-buo:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Hindi mo iniisip ang sarili mo.\u00a0 Pakikinig ng buong-buo.\u00a0 Pakikinig ng walang <em>interruption<\/em>.\u00a0 Hindi tanong ng tanong o sumisingit\u201d (Rose).<\/p>\n<p>Ngunit para sa mga kalahok, ang pakikinig sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya ay hindi lamang limitado sa pakikinig sa sinasabi.\u00a0 Upang maging matagumpay ang <em>pakikiramdam<\/em>, pinakikinggan din ng nakikiramdam ang mga nakatagong mensahe na nakapaloob sa mga salitang sinasabi.\u00a0 <em>\u201cReading between the lines,\u201d<\/em> ika nga ni Ronald.\u00a0 Bukod sa pakikinig sa sinasabi at sa mga tagong mensahe, naipapakita rin ang <em>pakikiramdam<\/em> sa pamamagitan ng <em>pakikinig sa galaw<\/em> ng kausap.\u00a0 Gaya ng nabanggit, ang mga kilos ng kliyente sa isang sesyon ay mayroon ding mga sinasabi.<\/p>\n<p><em>Pagninilay-nilay o Pagrereplek<\/em><\/p>\n<p>Ang pagninilay-nilay o pagrereplek ay isang estratehiya sa pakikipagkomyunikeyt na ginagamit sa paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Ito ay ang pagsasalamin sa sinasabi, ginagawa, o nararamdaman ng isang kliyente.\u00a0\u00a0 Nabatid ng mga kalahok na ang pagninilay-nilay o pagrereplek ay isa ring paraan upang maipamalas ng tagagabay-tagapayo o sikolohista na siya ay nakikiramdam sa isang sesyon ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Kasabay ng pakikinig, naipapakita ng tagagabay-tagapayo o sikolohista na naiintindihan niya ang sinasabi (sa salita o galaw) ng kanyang kliyente kung ang kanyang <em>reflection<\/em> ay tama.\u00a0 Ayon nga sa isang kalahok:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">Isang pamamaraan ng pagpapakita na nakikiramdam ka ay yung <em>ability to reflect what the client is saying or what the client is doing.\u00a0 You can\u2019t go wrong with reflection.<\/em>\u00a0 Sabay na sabay ka sa <em>client\u2014what the client is saying or doing<\/em> (May).<\/p>\n<p><em>Mga Di-verbal na Pahiwatig\/Paramdam\/Tugon o Galaw<\/em><\/p>\n<p>Ang paraan ng pagtugon ng tagagabay-tagapayo o sikolohista sa isang kliyente sa loob ng sesyon ay nagpapakita rin kung siya ay nakikiramdam.\u00a0 Bukod sa pagninilay-nilay o pagrereplek, ang mga kilos ng tagagabay-tagapayo o sikolohista ay nagpapamalas din ng pagiging sensitibo sa nararamdaman at iniisip ng kanyang kliyente.\u00a0 Ilan sa mga di-verbal na pahiwatig\/paramdam\/tugon o galaw na nabanggit ng mga kalahok ang tamang pagtingin sa mata (<em>eye contact<\/em>) habang nakikipag-usap.\u00a0 Nasabing \u201ctamang pagtingin\u201d sapagkat may mga pagkakataon sa isang sesyon, na ang kliyente ay maaaring hindi komportable sa pagtingin sa mata.\u00a0 Bukod pa rito, sang-ayon ang mga kalahok na ang lapit (<em>proximity<\/em>) ng tagagabay-tagapayo o sikolohista sa kliyente ay nagpapamalas din ng <em>pakikiramdam<\/em>.\u00a0 Hindi man sabihin ng kliyente, alam ng sikolohista kung gaano kalapit o kalayo niya ilulugar ang sarili sa kanyang kliyente.\u00a0 Isang halimbawang nabanggit ng isa sa mga kalahok ang kahalagahan ng distansya (lapit o layo) sa <em>pakikiramdam<\/em> at pagtugon sa mga bata sa <em>play therapy session<\/em>.\u00a0 Aniya:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">\u2018Yung lapit o <em>physical distance can say a lot<\/em> kung nakikiramdam ka sa bata&#8230; Tatabi ka ba sa kanila o mag-o-<em>observe<\/em> ka muna <em>from a distance<\/em>.\u00a0 Nararamdaman mo \u2018yan (Girlie).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>DISKUSYON<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Pakikiramdam sa Paggabay-Pagpapayo at Sikoterapiya<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang mahalagang gampanin ng <em>pakikiramdam<\/em> bilang pagpapahalaga sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya ay napagtibay ng kasalukuyang pag-aaral.\u00a0 Naipakita ang iba\u2019t ibang uri ng <em>pakikiramdam<\/em> sa pag-aaral at matingkad dito ang pagbibigay ng atensyon sa pamamagitan ng <em>pagbubukas ng loob<\/em> sa kliyente para mas lalong maging epektibo ang interbensyong ibibigay.\u00a0 Nakita sa mga resulta na sa kontekstong ito, ang <em>pakikiramdam<\/em> ay nagiging isang proseso ng pagbubukas hindi lang ng loob kung hindi ng buong sarili para matulungan ang kliyente.\u00a0 Ito ay isang pagtatantya at kutob sa simula ngunit maaaring lumalim pa.\u00a0 Ang pagpapakita ng <em>pakikiramdam<\/em> ay sa pamamagitan ng pakikinig, pagpapakita ng replektibong mga pagkilos, at kahit sa mga di-verbal na ugali (<em>non-verbal behavior<\/em>).\u00a0 Isang matingkad na nabanggit ang pagkakaroon ng sinseridad at pananagutan ng mga kalahok sa kanilang mga kliyente.\u00a0 Makikita rito na ang turing sa mga kliyente ay hindi lang mga <em>ibang tao<\/em> bagkus ay mga <em>hindi ibang tao<\/em> na para maintindihan nila ay binubuksan nila ang kanilang pagkatao upang lubusan silang maintindihan.\u00a0 Ang relasyong terapyutiko na binanggit ni Rogers (1951 sa Nietzel <em>et al<\/em>. 1994) at ng iba\u2019t ibang pag-aaral sa Kanluran ay tila naisasabuhay ng mga Pilipinong tagagabay-tagapayo o sikolohista sa pagharap sa kanilang mga kliyente ngunit mukhang higit pa ito rito.\u00a0 Para maging epektibo ang paggabay-pagpapayo at sikoterapiya, nababanggit ng mga pag-aaral sa Kanluran na mahalaga ang <em>empathy<\/em> (Elliot <em>et al<\/em>. 2011) ngunit sa <em>pakikiramdam<\/em> ito ay higit pa sa <em>empathy <\/em>(Mataragnon 1987).\u00a0 Sa ating katutubong sikolohiya, masasabi nating ang talaban ng loob, damdamin, at pag-iisip ay mahalaga sa kontekstong ito.\u00a0 Bagama\u2019t madalas sabihing ang <em>pakikiramdam<\/em> ay nasa taong dumarama nito, mahalaga sa kontekstong ito ang kahandaan ng kliyente sa pagbubukas ng loob niya para mas maradaman siya ng tagagabay-tagapayo o sikolohista.\u00a0 Samakatwid, ang propesyon ng isang tagagabay-tagapayo o sikolohista ay mas nagiging personal para mas makatulong sa kanyang kliyente.<\/p>\n<p><strong><em>Pagpapahalagang Pakikiramdam sa Ugnayan<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bagama\u2019t ang pokus ng pag-aaral na ito ay mga tagagabay-tagapayo o sikolohista, pinapakita ng mga resulta na ang <em>pakikiramdam<\/em> ay napakahalaga sa ating mga ugnayan.\u00a0 Ito ay isang pagpapatibay sa nauna nang sinabi ni Mataragnon (1987) na kung saan itinuring niya ang <em>pakikiramdam<\/em> bilang <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga.\u00a0 Bilang <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga, napakahalaga sa isang tao na marunong siyang makiramdam sa pamamagitan ng pagiging sensitibo, pagkakaroon ng sinseridad, kakayahang makinig, at pagiging empatik para maging mabuting tao siyang marunong makipagkapwa.\u00a0 Ang pagpapahalagang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang manipestasyon ng ating pinakamalalim na pagpapahalaga na <em>pakikipagkapwa<\/em> dahil naipapakita nito ang pagiging bukas-loob ng isang tao sa kanyang kapwa at kinakalimutan ang sarili upang lalong mapagtibay at mapalakas ang kanilang ugnayan.\u00a0 Ipinapakita ng pagpapahalagang <em>pakikiramdam<\/em> ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa loob ng isang tao na itinuturing na internal (Salazar 1985) at panloob na sarili na kung saan makikita ang tunay na halaga ng tao (Ileto 1979).<\/p>\n<p>Pinagtitibay ng resulta ng kasalukuyang pag-aaral ang mahalagang gampanin ng <em>pakikiramdam <\/em>tungo sa isang mas malalim na ugnayan sa dalawang tao (Maggay 2002; Mansukhani 2005).\u00a0 Sa panimula, ang <em>pakikiramdam<\/em> ay mahalagang <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga dahil ito ang gagabay sa ating mga desisyon (Jocano 1997).\u00a0 Ito ay maaaring lumalim dahil mas makukuha at mauunawaan ng isang tao ang mga <em>pahiwatig <\/em>ng ibang tao (Maggay 2002).\u00a0 Bago pa man humantong sa mas malalimang pag-uusap, pagpapaliwanag, paghihikayat, pagkakasundo, at pagpapahalaga, mahalagang dumaan muna sa <em>pakikiramdam<\/em> ang isang tao (Jocano 1997).\u00a0 Ito rin ang ang nabanggit na ni Enriquez (1993) na kung saan mahalaga ang <em>pakikiramdam<\/em> bago pa man matamo ang walong lebel ng interaksyon.\u00a0 Dahil sa <em>pakikiramdam<\/em>, puwedeng mas magkaroon ng talaban ng loob, damdamin, at pag-iisip.\u00a0 Ang ugnayan ay mas lumalalim dahil sa <em>pakikiramdam<\/em> dahil mas nauunawaan ng isang tao ng mas malaliman ang kanyang kapwa.<\/p>\n<p>Bilang buod, pinagtibay ng kasalukuyang pag-aaral ang naunang sinabi ni Mataragnon (1987) na ang <em>pakikiramdam<\/em> ay isang mahalagang pagpapahalaga dahil ito ang nagtutulay ng sarili at iba.\u00a0 Para kay Enriquez (1992), ito ang pagkilala sa loob ng tao.\u00a0 Ang <em>pakikiramdam <\/em>ay isang proseso na kung saan mahalaga ang pagbubukas-loob para mas matantsa ang tao at mas maging pokus din ang tao sa kanyang kutob tungkol sa kapwa.\u00a0 Dahil sa bukas ang loob ng tao, ito ay puwedeng humantong sa mas malalimang interaksyon sa kapwa na maaaring humantong sa \u201c<em>shared experience<\/em>\u201d na kung saan nagkakaroon na ng talaban ng loob, isip, at damdamin.\u00a0 Ang mga taong marunong makiramdam ay marunong din makinig, sinsero, marunong magreplek, at empatik.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONKLUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Tinalakay ang <em>pakikiramdam<\/em> bilang pagpapahalaga sa papel na ito.\u00a0 Bilang <em>a priori <\/em>na pagpapahalaga ang gampanin nito sa<em> pakikipagkapwa<\/em> ay napakahalaga lalung-lalo na sa konteksto ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Tulad ng nabanggit sa panimula, ito ay isang napakahalagang pagpapahalaga dahil ito ay pagpapahalagang tulay ng sarili at iba (Mataragnon 1987) at pagkilala sa loob ng isang tao (Enriquez 1992).\u00a0 Isang proseso ang <em>pakikiramdam<\/em> na kinakailangang bukas ang loob ng taong nakikiramdam para lubusang maunawaan at makagawa ng mga desisyon ang isang tao sa kanyang pagtatantya at pag-unawa sa kanyang kapwa.\u00a0 Dahil sa <em>pakikiramdam<\/em>, mas nagiging malalim ang ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa.\u00a0 Pinagtitibay ng papel na ito na sa kinalaunan, ang <em>pakikipagkapwa<\/em> pa rin ang pinakamalalim na pagpapahalaga sa pagpapahalagang <em>pakikiramdam<\/em> dahil ang pagturing sa kapwa ang siyang nagiging mas malalim na pamantayan.\u00a0 Ang mga propesyon ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya ay mas nagiging personal na relasyon gamit ang <em>pakikiramdam<\/em> dahil maaari itong lumalim tungo sa mas malalalim na lebel na interaksyon.<\/p>\n<p>Para sa mga pag-aaral sa hinaharap, mahalagang pag-aralan kung ano ang naidudulot sa ugnayan sa pagitan ng tagagabay-tagapayo o sikolohista na gumagamit ng <em>pakikiramdam<\/em> sa pagtatantya at kutob sa sesyon ng paggabay-pagpapayo at sikoterapiya.\u00a0 Bagama\u2019t may mga nabanggit nang naidulot ito, ang mga ito ay galing lamang sa mga pananaw ng mga tagagabay-tagapayo o sikolohista.\u00a0 Dahil paunang pag-aaral pa lamang ito sa <em>pakikiramdam <\/em>sa larangan ng paggabay-pagpapayo, napakahalagang mapag-aralan pa ng mas malaliman ang proseso ng <em>pakikiramdam <\/em>bilang isang <em>micro-skill<\/em> ng mga mga tagagabay-tagapayo o sikolohista.\u00a0 Mahalaga ring mapag-aralan ang mga pananaw at nararamdaman ng mga kliyente na pinapakiramdaman ng mga tagagabay-tagapayo o sikolohista dahil nabanggit ng ilang kalahok sa kasalukuyang pag-aaral na mahalaga ang gampanin din ng kliyente sa <em>pakikiramdam<\/em> lalo na sa pagbubukas ng kanilang kalooban para mas madaling mapakiramdaman.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Anderson T., B.M. Ogles, C.L. Patterson, M.J. Lambert, at D.A. Vermeersch (2009).\u00a0 Therapist effects: Facilitative interpersonal skills as a predictor of therapist success.\u00a0 <em>Journal of Clinical Psychology<\/em>, 65 (7), 755\u2013768.<\/p>\n<p>Corey, G. (2001).\u00a0 <em>Theory and practice of counseling and psychotherapy; Sixth edition.\u00a0 <\/em>Belmont, CA: Brooks\/Cole.<\/p>\n<p>Elliot, R., A.C. Bohart, J.C. Watson, at L.S. Greenberg (2011).\u00a0 Empathy.\u00a0 <em>Psychotherapy<\/em>, 48 (1), 43-49.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology: The Philippine Experience<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1993).\u00a0 Developing a Filipino psychology.\u00a0 Nasa U. Kim at J.W. Berry (mga pat.), <em>Indigenous psychologies: Research and experience in cultural context<\/em>.\u00a0 CA: Sage Publications, Inc., 152-169.<\/p>\n<p>Gergen, K.J. (1985).\u00a0 The social constructionist movement in modern psychology.\u00a0 <em>American Psychologist<\/em>, 40 (3), 266\u2013275.<\/p>\n<p>Ileto, R.C. (1979).<em>\u00a0 Pasyon and revolution: Popular movements in the Philippines, 1840-1910. <\/em>\u00a0Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1997).\u00a0 <em>Filipino value system: A cultural definition<\/em>.\u00a0 Quezon City: PUNLAD Research House.<\/p>\n<p>Maggay, M.P. (1999).\u00a0 <em>Understanding ambiguity in Filipino communication patterns<\/em>.\u00a0 Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture.<\/p>\n<p>Maggay, M.P.\u00a0 (2002).\u00a0 <em>Pahiwatig: Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press.<\/p>\n<p>Mansukhani, R. (2005).\u00a0 Pakikiramdam [Sensitivity to feelings]: A critical analysis.\u00a0 Nasa R.M. Gripaldo (pat.), <em>Filipino cultural traits: Claro R. Ceniza lectures<\/em>.\u00a0 Washington, D.C.: The Council for Research in Values and Philosophy, 185-202.<\/p>\n<p>Nietzel, M.T., D.A. Bernstein, at R. Milich (1994).\u00a0 <em>Introduction to clinical psychology; Fourth edition<\/em>.\u00a0 NJ: Prentice Hall.<\/p>\n<p>Mataragnon, R.H. (1987).\u00a0 Pakikiramdam in Filipino social interaction.\u00a0 Nasa E.R. Ventura (tagapag-ugnay), <em>Foundations of behavioral sciences: A book of readings.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Social Science Committee, 470-482.<\/p>\n<p>McDonald, N.M. at D.S. Messinger (2011).\u00a0 The development of empathy: How, when, and why.\u00a0 Nasa A. Acerbi, J.A. Lombo, at J.J. Sanguineti (mga pat.), <em>Free will, emotions, and moral actions: Philosophy and neuroscience in dialogue<\/em>. <em>\u00a0<\/em>Rome: Pontificia Universit\u00e0 de la Santa Croce.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at E. Protacio-Marcelino (2000).\u00a0 Sikolohiyang Filipino (Filipino Psychology): A legacy of Virgilio G. Enriquez.\u00a0 <em>Asian Journal of Psychology, <\/em>3 (1), 49-71.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1985).\u00a0 Four filiations in Philippine psychological thought.\u00a0 Nasa A. Aganon at M.A. David (mga pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Isyu, pananaw, at kaalaman<\/em>.\u00a0 Manila: National Book Store, 194-214.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H., J. Cieciuch, M. Vecchione, E. Davidov, R. Fischer, C. Beierlein, A. Ramos, M. Verkasalo, J.E. L\u00f6nnqvist, K. Demirutku, O. Dirilen-Gumus, at M. Konty (2012).\u00a0 Refining the theory of basic individual values.\u00a0 <em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 103 (4): 663-688.<\/p>\n<p>Zinn, W. (1993).\u00a0 The empathic physician.\u00a0 <em>Archives of Internal Medicine,<\/em> 153 (3), 306-312.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Homer J. Yabut, Ph.D. at Katrina Fernando-Resurreccion Departamento ng Sikolohiya De La Salle University, Manila Abstrak Itinuturing ni Virgilio Enriquez (1992) bilang isang pagpapahalagang tulay ng sarili at iba (pivotal interpersonal value) ang pakikiramdam (shared inner perception).\u00a0 Sa pag-aaral ni &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-pagpapakahulugan-at-manipestasyon-ng-pakikiramdam-sa-konteksto-ng-paggabay-pagpapayo-at-sikoterapiya\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Pagpapakahulugan at Manipestasyon ng Pakikiramdam  sa Konteksto ng Paggabay-Pagpapayo at Sikoterapiya<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/742"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=742"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/742\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":796,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/742\/revisions\/796"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=742"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=742"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=742"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}