{"id":730,"date":"2017-11-16T10:06:16","date_gmt":"2017-11-16T10:06:16","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=730"},"modified":"2018-08-28T02:15:48","modified_gmt":"2018-08-28T02:15:48","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-loob-at-pakikipagkapwa-sa-kagandahang-loob-pagsusuri-sa-pagpapakahulugan-at-mga-pagpapahalaga-ng-kabataan","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-loob-at-pakikipagkapwa-sa-kagandahang-loob-pagsusuri-sa-pagpapakahulugan-at-mga-pagpapahalaga-ng-kabataan\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Ang Loob at Pakikipagkapwa sa Kagandahang-Loob: Pagsusuri sa Pagpapakahulugan at mga Pagpapahalaga ng Kabataan"},"content":{"rendered":"<p><strong>Charmaine P. Galano<\/strong><br \/>\nDepartamento ng Sikolohiya<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\">Ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay nauna nang tinukoy ni Virgilio Enriquez (1992) bilang isang pagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan o \u201c<em>linking socio-personal value<\/em>.\u201d\u00a0 Ito ay may dalawang kalikasan: ang pagkakaroon ng aspektong loob-labas at ang pakikipag-ugnayan sa kapwa.\u00a0 Itinuturing din itong isang moral at etikal na pagpapahalaga na ginagamit upang maging gabay sa pagtatasa ng tama o mali at ng angkop o di-angkop na mga kilos.\u00a0 Sa kasalukuyang pananaliksik na ito, dalawang pag-aaral ang isinagawa upang masuri ang mga pagpapakahulugan ng <em>kagandahang-loob<\/em> na tinalakay sa mga nauna nang mga literatura (Salazar 1982; Miranda 1992; Resurreccion 2007; Vinzons at Jose 2013).\u00a0 Sa unang pag-aaral, lumilitaw na ang mga konseptong pinakamalapit na iniuugnay ng mga kabataang kalahok (N = 103) sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay malasakit, respeto, nagbibigay ng tulong nang walang kapalit, malinis na prinsipyo, at may inisyatibong tumulong.\u00a0 Gamit ang <em>multidimensional scaling<\/em> (MDS), lumitaw ang apat na klaster ng mga konseptong nagpapakita sa loob at labas na dimensyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sa ikalawang pag-aaral, kinuha ang <em>correlation<\/em> ng <em>kagandahang-loob<\/em> sa 10 unibersal na pagpapahalaga ni Shalom Schwartz (2006).\u00a0 Lumalabas mula sa tugon ng mga kalahok (N = 177) na ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay may <em>significant positive correlation<\/em> sa mga pagpapahalagang tulad ng <em>universalism<\/em> (r = .244) at <em>benevolence <\/em>(r = .318).\u00a0 Ipinapahiwatig nitong ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay isang pagpapahalagang nakatuon sa pagkilala at pagsusulong sa kapakanan ng kapwa.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p><em>Kagandahang-loob<\/em> (shared humanity) was first identified by Virgilio Enriquez (1992) as a value that links the self to the society or \u201clinking socio-personal value.\u201d It has two features: having a loob-labas (inner-outer) aspect and relationship with the fellow other. It is also considered a moral and ethical value that functions as a guide in evaluating what is right or wrong and what is an appropriate or inappropriate behavior. In this paper, two studies were conducted to look into the meanings of <em>kagandahang-loob<\/em> discussed in previous literature (Salazar 1982; Miranda 1992; Resurreccion 2007; Vinzons &amp; Jose 2013). In the first study, results showed that the youth participants (N = 103) relate <em>kagandahang-loob<\/em> to the concepts of <em>malasakit <\/em>(caring), respect, helping others without expecting return, virtuous principle, and initiative to help. Using multidimensional scaling (MDS), four clusters were formed illustrating the inner and outer dimensions of <em>kagandahang-loob<\/em>. In the second study, the correlation of <em>kagandahang-loob<\/em> to the 10 universal values of Shalom Schwartz (2006) was obtained. Participant (N = 177) responses showed that <em>kagandahang-loob<\/em> has significant positive correlation to universalism (r = .244) and benevolence (r = .318). This suggests that <em>kagandahang-loob<\/em> is a value that focuses on the recognition and advancement of the welfare of the fellow other.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Itinuturing na isa sa pinakamahalagang ambag sa pagpapaliwanag ng sikolohiya ng mga Pilipino ang binuong balangkas ng pagkataong Pilipino ni Virgilio Enriquez (Yacat 2013).\u00a0 Bagama\u2019t maraming beses nang nagamit ito sa iba\u2019t ibang larangan at aplikasyon [<em>e.g.<\/em>, grupong nangangalaga sa karapatan ng mga bata (Ong at Aguirre 2003), bolunterismo (Aguiling-Dalisay <em>et al.<\/em> 2004), atbp.], nananatili ang mga hamon sa empirikal na pagtatasa sa balangkas na ito ni Enriquez (Bernardo 1997; Clemente 2011; Yacat 2013).\u00a0 Isa sa madalas na puna ay ang kakulangan sa mas malalim na pagtalakay ng mga partikular na pagpapahalagang bumubuo sa nasabing balangkas.\u00a0 Maraming nasabi si Enriquez tungkol sa kapwa, pakikiramdam, at utang na loob, ngunit nagkulang naman siya sa pagpapalawig ng kahulugan ng iba pang pagpapahalaga tulad ng <em>kagandahang-loob<\/em>, kalayaan, katarungan, at karangalan. \u00a0Bibigyang-pansin ng papel na ito ang pagtalakay sa kahulugan at kalikasan ng <em>kagandahang-loob<\/em> at ang posibleng implikasyon nito sa kabuuang balangkas ng pagkataong Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><em><strong>KAGANDAHANG-LOOB:<\/strong><\/em><br \/>\n<strong>MANIPESTASYON NG PAKIKIPAGKAPWA AT NG LOOB<\/strong><\/p>\n<p>Tinukoy ni Enriquez (1992) ang <em>kagandahang-loob<\/em> bilang isa sa mga pagpapahalagang Pilipino na bumubuo sa balangkas ng pagkataong Pilipino.\u00a0 Sa kanyang pagpapaliwanag, binanggit niya ang dalawang mahalagang katangian ng <em>kagandahang-loob<\/em>: (a) ito ay kaugnay ng kapwa o pakikipagkapwa; at (b) ito ay may dimensyon ng loob-labas.<\/p>\n<p>Sapagkat ang teorya ng pagkataong Pilipino ni Enriquez ay teorya ng kapwa (<em>e.g.<\/em>, tingnan ang Yacat 2013), hindi kagulat-gulat na nakaangkla sa kapwa at pakikipagkapwa ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Kailangang bigyang-diing ang teorya ng pagkataong Pilipino ni Enriquez ay isang sistema na binubuo ng mga pagpapahalagang Pilipino.\u00a0 Bilang isang sistema, mayroon itong organisasyon kung saan ang bawat elemento ay may makabuluhang koneksyon sa isa\u2019t isa.\u00a0 Sa gitna ng sistemang ito ay ang kapwa, na tinukoy ni Enriquez bilang <em>core value<\/em> o buod na pagpapahalaga at ang kakabit nitong <em>kagandahang-loob<\/em> na tinawag niyang <em>linking socio-personal value<\/em> o \u201cpagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan\u201d (Yacat 2013).\u00a0 Kasama naman ang karangalan, katarungan, at kalayaan sa mga panlipunang pagpapahalaga.\u00a0 Paano nagkakaugnay ang tatlong kategoryang ito (<em>i.e.<\/em>, buod, tulay ng sarili at lipunan, at ang tatlong panlipunang pagpapahalaga) sa isa\u2019t isa?\u00a0 Para kay Enriquez, ang tatlong panlipunang pagpapahalaga ang mga batayang elementong bumubuo sa sosyo-pulitikal na aspekto ng sistema ng pagpapahalaga ng mga Pilipino.\u00a0 Pangunahing pundasyon ng tatlong ito ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ibig sabihin, ang isang taong may pagpapahalaga sa katarungan, karangalan, at kalayaan ay inaasahan ding nagtataglay ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Bilang <em>linking socio-personal value<\/em>, ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay isang pagpapahalagang maaaring magamit bilang gabay sa pagtatasa ng kilos na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, at gayundin sa mas malawak na ugnayan tulad ng relasyon ng sarili sa lipunan.<\/p>\n<p>Mahalaga sa pagpapaliwanag ng <em>kagandahang-loob<\/em> ang kapwa o pakikipagkapwa sapagkat mahirap itong makita kung walang kapwa na pagtutuunan nito (Miranda 1992; Resurreccion 2007; Vinzons at Jose 2013).\u00a0 Halimbawa, sa pag-aaral na ginawa ni Ron Resurreccion (2007), lumilitaw na ang kusang pagtulong sa kapwa gaya ng pag-asikaso ng papeles ng isang kaibigan, o kaya\u2019y pagpapahiram ng gamit ay ilan lang sa mga kilos na nagpapakita ng <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Sa kabilang banda, itinuring naman nina Jose Antonio Clemente <em>et al<\/em>. (2008) ang <em>kagandahang-loob<\/em> bilang isang pagpapahalagang matatagpuan sa dimensyong \u201cSarili-Grupo.\u201d\u00a0 Ibig sabihin, hindi kinakailangang may interaksyon agad sa kapwa upang maipamalas ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ang pagpapahalagang ito ay maaaring magamit na gabay sa kung ano ang mga nararapat na ipakitang kilos, may kapwa man o wala.\u00a0 Ito ay isang katangiang naipapamalas ng isang tao at nagmumula sa kanyang sarili.\u00a0 Ngunit maaari pa rin itong gamitin upang tasahin ang mga importanteng interaksyon sa malapit na kapwa gaya ng pamilya o kaibigan.<\/p>\n<p>Ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay bahagyang ipinaliwanag din ni Enriquez (1992) bilang isang konseptong makikita sa pamamagitan ng mga kilos na nagpapakita ng kabutihan o kabaitan.\u00a0 Ayon sa kanya, maraming kilos ang maaaring magpakita ng kabutihan at kabaitan, ngunit matatawag lamang itong <em>kagandahang-loob<\/em> kung ito ay kusang nagmumula sa kaibuturan ng puso at walang ibang motibo kundi ang magpakita mismo ng kabutihan.\u00a0 Sa madaling salita, mahalaga ang pagkukusa at ang motibo sa pagpapakita ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Binanggit din niyang ang isang taong maituturing na \u201cmasamang tao\u201d ay ang isang taong walang utang na loob\u2014isang taong walang pagkilala sa dignidad, karangalan, at <em>kagandahang-loob<\/em> ng kanyang kapwa.<\/p>\n<p>Bagaman binanggit ni Enriquez ang pagkakaroon ng dimensyong loob-labas ng <em>kagandahang-loob<\/em>, hindi naman niya ito pinalawig.\u00a0 Makakatulong sa puntong ito ang iba pang nagsulat tungkol dito. Ayon kay Zeus Salazar (1982), pundamental sa pag-unawa ng pagkataong Pilipino ang ugnayan ng loob at labas.\u00a0 Bagama\u2019t madalas na may pagpapahalaga sa kung ano ang nasa loob, sinasabing makakamit lamang ang ginhawa at ang pagiging buo ng pagkatao kapag may maayos na pagtatagpo kung ano ang nasa labas at nasa loob.\u00a0 Iniugnay ni Salazar ang loob sa konsepto ng \u201cbudhi\u201d at \u201ckonsyensya.\u201d\u00a0 Ang dalawang ito ang itinuturing na moral na aspekto ng pagkatao.\u00a0 Ang budhi ang pinanggagalingan ng kapasyahan ng mga kilos, kaya naman, \u201cAng taong may budhi ay nakakakilala ng kamalian\u201d (Salazar 1982, 90).\u00a0 Masasabing ang taong may budhi at may konsyensya ay siya ring taong nagtataglay ng \u201cmabuti\u201d at \u201cmagandang\u201d loob o kalooban.<\/p>\n<p>Nasa ganitong linya rin ng pagtalakay sina Leonardo Mercado (1974) at Dionisio Miranda (1992) kung saan binigyang-diin nila ang etikal at moral na dimensyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sinuri ni Mercado (1974) ang iba\u2019t ibang gamit ng salitang <em>loob<\/em> kasama ng katumbas nitong salita na <em>buut\/buot<\/em> sa Bisaya at <em>nakem <\/em>sa Ilokano.\u00a0 Mula sa pagtingin sa mga diksyunaryo at mga panayam, nakabuo siya ng apat na mahalagang klaster: intelektwal, bolisyunal, emosyonal, at etikal.\u00a0 Ang ikalima o huling klaster ay tinawag niyang <em>miscellaneous<\/em> na binubuo ng mga salitang hindi pasok sa naunang apat na kategorya.\u00a0 Ang <em>kagandahang-loob<\/em>\/<em>maayong kabubuti-on<\/em>\/<em>naimbag a panagnakem<\/em> ay kasama sa etikal na klaster na may iisang kahulugan bilang kabaitan, pagiging mapagbigay, at pagiging mapag-aruga.<\/p>\n<p>Ang <em>kagandahang-loob<\/em> bilang isang etikal at moral na pagpapahalaga ay nagsisilbing pamantayan ng kung ano ang tama o mali para sa isang tao o grupo ng tao.\u00a0 Ayon pa kay Miranda (1992), ang pagsasabuhay ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay matatagpuan sa pagiging maunawain, may puso sa kapwa, at sa mga katangian ng \u201ctagasalo.\u201d\u00a0 Ang pagiging maunawain ay maaaring tumukoy sa pang-unawang ginagamitan ng isip at sa pang-unawang may puso.\u00a0 Ang ikalawang klase ng pag-unawa ang sinasabing manipestasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em> dahil dito nag-uugat ang pagiging sensitibo at may pagkukusang tumulong.\u00a0 Ang sumunod na katangian, ang pagkakaroon ng puso para sa kapwa, ay makikita sa isang taong mapagmalasakit, maawain, at mapagpatawad.\u00a0 Ang ikatlong katangian, ang pagiging \u201ctagasalo,\u201d ay isang penomenang madalas matagpuan sa mga pamilyang Pilipino (Arellano-Carandang 1987).\u00a0 Ito ang papel na ginagampanan ng isang kasapi ng pamilya, madalas ng nakatatandang anak, kung saan siya ang nagiging sandalan at takbuhan sa oras ng pangangailangan.\u00a0 Siya ay maaasahan at laging handang magbigay ng tulong sa isang kapamilya.\u00a0 Para kay Miranda, sentral na katangian ng isang tagasalo ang <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Sa pagsusuri namang ginawa ni Rogelia Pe-Pua (2012) sa konsepto ng <em>loob<\/em>, nakapagtukoy siya ng 19 na porma nito kung saan kasama ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Aniya, katulad ng kapwa, ang loob ay maituturing ring isang buod na konsepto sa <em>Sikolohiyang Pilipino<\/em>.\u00a0 Ang loob ay may lawak at lalim.\u00a0 Maaari rin itong tumukoy sa pag-iisip, ulirat, alaala, kapasyahan, at pakiramdam.\u00a0 Tulad ni Enriquez, inilarawan ni Pe-Pua ang isang taong may magandang loob\/kalooban bilang mabuti at mabait.\u00a0 Nagtataglay ito ng dalisay na puso at may mabuting hangarin para sa kapwa.\u00a0 Sa paglilista ng iba\u2019t ibang porma ng loob, naipakita ni Pe-Pua na ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay may kaugnayan sa iba pang katangian ng loob.\u00a0 Halimbawa, sinasabing malapit na kamag-anak ng <em>kagandahang-loob<\/em> ang mabuting loob at bukas ang loob; habang mataas na anyo ng <em>kagandahang-loob<\/em> ang dakilang loob.\u00a0 Ang isang taong may mabuting loob ay mabait, dalisay ang puso, matapat, at mahusay makipagkapwa habang ang may bukas na loob ay bukas para sa kapwa, madaling lapitan, matulungin, at mabuti.\u00a0 Ang taong may dakilang loob ay nagtataglay ng kabayanihan, nagsasakripisyo ng sarili, nag-iisip para sa kabutihan ng nakararami, at mayroong malawak at malalim na pag-iisip.<\/p>\n<p>Mapapansing karamihan sa mga nabanggit na pagtalakay sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay nagmula sa pilosopikal at sikolinggwistik na pagsusuri.\u00a0 Kung titingnang maigi ang mga ibinigay na kahulugan, tila ba lahat ng magaganda at mabubuting katangian na maaaring taglayin ng isang tao ay maituturing na manipestasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Kaya itinuring ito ni Miranda (1992) na \u201c<em>quintessential\u201d<\/em> na pagpapahalagang Pilipino.\u00a0 Ito ang pinakamatingkad at pinakanatatangi sa mga pagpapahalaga ng ating kultura at sinasabing nagpapakita ng pagiging isang Pilipino.\u00a0 Taliwas naman ito sa teorya ni Enriquez na may pagturing sa kapwa bilang pinakamahalagang konsepto sa sikolohiya ng mga Pilipino.<\/p>\n<p>Katangi-tangi naman ang pag-aaral ni Resurreccion (2007) sapagkat nangalap siya ng empirikal na datos upang suriin pang mabuti ang kahulugan ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga eksperto ng iba\u2019t ibang disiplina (tulad ng sikolohiya, wikang Pilipino, relihiyon, at moralidad) at sa grupo ng tao na ipinagpapalagay niyang nagtataglay ng <em>kagandahang-loob<\/em> (<em>counselor<\/em>, pari, madre, at <em>volunteer<\/em>), nakapagpalitaw siya ng tatlong domeyn na itinuring niyang pundasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ito ang (a) malasakit, (b) pakikipagkapwa, at (c) malinis na kalooban.\u00a0 Isang kapansin-pansin sa kanyang pag-aaral ay ang pagturing niya na isang katangian (<em>trait<\/em>) ang <em>kagandahang-loob<\/em> sa halip na isang pagpapahalaga (<em>value<\/em>).\u00a0 Dagdag din niya, \u201cang mga katangian ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay mga katangian na hindi inaamin ng isang tao na taglay niya\u2026\u00a0 Dapat ibang tao ang nakakakita nito.\u00a0 Ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay iginagawad ng ibang tao\u201d (Resurreccion 2007, 75).\u00a0 Samakatwid, ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay kailangang naipapamalas sa kilos at ito ay kinikilala ng ibang tao.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG <em>KAGANDAHANG-LOOB<\/em> BILANG ISANG PAGPAPAHALAGA<\/strong><\/p>\n<p>Isa sa mga puna sa balangkas ni Enriquez ay ang kakulangan nito sa pagpapalawig sa pakahulugan ng mga pagpapahalagang Pilipino.\u00a0 Mas lalo pa, hindi niya tinalakay kung ano ba ang ibig sabihin ng \u201cpagpapahalaga\u201d (Clemente <em>et al<\/em>. 2008).\u00a0 Mahalagang maunawaan ito upang magkaroon din ng linaw kung paano mahusay na mapag-aaralan at susukatin ang mga pagpapahalagang kanyang nabanggit.<\/p>\n<p>Ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga konsepto at paniniwalang ginagamit na gabay sa pagtatasa ng kung ano ang nararapat at katanggap-tanggap na kilos para sa isang kultura (Jocano 1997).\u00a0 Sapagkat nakabatay ito sa kultura, ipinagpapalagay na mayroong mga pagkakasundo sa mga kasapi ng isang kultura kung ano ang katanggap-tanggap na kilos o naisin.\u00a0 Iniugnay ni F. Landa Jocano (1997) ang pagpapahalaga sa konsepto ng \u201cpamantayan.\u201d\u00a0 Sa ganitong pagpapakahulugan, ang mga pagpapahalaga ang nagsisilbing sukatan sa pinakamahusay at pinakamataas na anyo ng asal at pag-uugali.\u00a0 Kapag may paglabag sa mga pagpapahalaga, inaasahang makakaani ng negatibong reaksyon mula sa mga kasapi ng isang kultura at sa ilang pagkakataon ay maaaring makatanggap ng kaparusahan.<\/p>\n<p>Ilan sa mga komprehensibong pagbabalangkas tungkol sa mga pagpapahalaga ay nagmula sa mga kros-kultural na pag-aaral sa sikolohiya.\u00a0 Isa na rito ang \u201c<em>theory of basic human values<\/em>\u201d ni Shalom Schwartz.\u00a0 Kaiba kay Jocano, hindi agad ikinabit ni Schwartz ang mga pagpapahalaga sa kultura (Schwartz 2014) bagaman itinuturing niyang pinakamahalagang ugat ito.\u00a0 Ang mga pagpapahalaga, ayon sa kanya, ay may limang kalikasan: (a) ito ay mga konsepto at paniniwalang, (b) tumutukoy sa mga kaaya-aya at makabuluhang tunguhin o kilos, (c) walang pinipiling partikular na sitwasyon, (d) ginagamit na gabay sa pagpili at pagsusuri ng mga kilos at karanasan, at (e) nakasaayos batay sa kung gaano ito kaimportante sa isang tao o grupo ng tao (Schwartz at Bilsky 1990; Schwartz 2006).<\/p>\n<p>Naniniwala si Schwartz na may sampung pangunahing pagpapahalaga na makabuluhan sa alinmang kultura kaya itinuturing niya ang mga ito na \u201chalos unibersal.\u201d\u00a0 Ang sampung ito ay ang: <em>self-direction<\/em> (pagpapahalaga sa sariling pag-iisip at pagkilos\u2014pagpili, paglikha, at pagtuklas ng mga bagay o karanasan), <em>stimulation<\/em> (kasiglahan, pagpapahalaga sa di-pangkaraniwan at interesanteng pagsubok sa buhay), <em>hedonism<\/em> (sarap o kaya\u2019y pagtugon sa sariling ginhawa), <em>achievement<\/em> (pagkamit ng personal na tagumpay sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kahusayang tugma sa pamantayan ng lipunan), <em>power<\/em> (karangalan, pagkilala ng lipunan, pagkakaroon ng kontrol sa tao at yaman), <em>security<\/em> (pagpapahalaga sa kaligtasan, kaayusan, at katiwasayan ng lipunan, relasyon, at sarili), <em>conformity<\/em> (pakikibagay ng kilos at kagustuhan, pag-iwas sa maaaring makasama o makasakit sa iba at sa mga paglabag sa inaasahan ng lipunan), <em>tradition<\/em> (paggalang, komitment, at pagtanggap sa mga paniniwala at nakagawian ng sariling kultura o relihiyon), <em>benevolence<\/em> (pagpapanatili at pagsusulong ng kapakanan ng ibang tao, lalo na ang malalapit sa sarili), at <em>universalism<\/em> (pag-unawa, pagkilala, at pag-iingat sa kapakanan ng lahat ng tao, maging ng kalikasan) (Schwartz 2006).\u00a0 Ang sampung nabanggit na pagpapahalaga ay sinasabing matatagpuan sa maraming kultura, kundi man sa lahat, at nag-iiba lamang sa antas o tindi ng pag-eendorso sa mga ito.\u00a0 Kung si Enriquez ang ating pagbabatayan, maaaring ipagpalagay na pinakamakubuluhan sa ating kultura ang <em>benevolence<\/em> at <em>universalism<\/em> dahil sa pinakamalapit na ugnayan nito sa pakikipagkapwa at <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Halimbawa, binanggit niya na ang kapwa at pakikipagkapwa ang tanging mga konseptong sumasaklaw sa \u201c<em>outsider<\/em>\u201d (ibang tao) at sa \u201c<em>one of us<\/em>\u201d (hindi ibang tao) (Enriquez 1978).<\/p>\n<p>Batay sa mga nabanggit na kahulugan ng pagpapahalaga, maaaring sabihing konsistent naman dito si Enriquez sa kanyang konseptwalisasyon ng kung ano ang pagpapahalagang Pilipino kahit hindi niya ito direktang ipinaliwanag.\u00a0 Halimbawa, makailang ulit niyang binigyang-diin ang pagturing sa isang tao bilang isang \u201cmasamang tao\u201d kapag ito ay hindi nagpapakita ng pakikipagkapwa, pagtanaw ng utang na loob, o hiya.\u00a0 Gayundin, malinaw siya sa pagsasabing ang mga pagpapahalagang sumasalamin sa pagkataong Pilipino ay nakasaayos sa isang sistema kung saan itinuturing niyang sentro ang kapwa at ang iba pang pagpapahalaga ay nag-uugat mula rito.<\/p>\n<p>Maituturing bang isang pagpapahalaga ang <em>kagandahang-loob<\/em>?\u00a0 Kung pagbabatayan ang moral at etikal na aspekto ng <em>kagandahang-loob<\/em>, masasabing isa itong pagpapahalaga dahil sa ginagamit itong gabay sa mga angkop na kilos.\u00a0 Sa pag-aaral naman nina Clemente <em>et al<\/em>. (2008), tinanong nila ang isang grupo ng mga kabataan tungkol sa mga pagpapahalagang kanilang itinuturing na importante sa kanilang buhay.\u00a0 Nakakuha ang <em>kagandahang-loob<\/em> ng pinakamataas na <em>mean rating<\/em>, bagaman wala itong <em>significant statistical difference<\/em> sa mga pagpapahalagang tulad ng katarungan at pakikipagkapwa.\u00a0 Ibig sabihin, kasama ang katarungan at pakikipagkapwa, itinuturing ng mga kabataang kalahok ang <em>kagandahang-loob<\/em> hindi lang bilang isang pagpapahalaga, kundi isa sa mga pinakaimportanteng pagpapahalagang gumagabay sa kanilang buhay.<\/p>\n<p>Sa kabuuan, ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay isang pagpapahalagang may kaugnayan sa kapwa o pakikipagkapwa.\u00a0 Ang mga manipestasyon nito ay naipapakita sa kabutihang nakatuon sa kapwa.\u00a0 Ang <em>kagandahang-loob<\/em> din ay may dimensyon ng loob-labas: ang taong nagpapahalaga sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay may pagkilala sa kung ano ang tama o mali, angkop o hindi angkop, at isinasabuhay niya ito sa kanyang mga kilos. Panghuli, ang mga katangiang itinuturing na pundasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay malasakit, pakikipagkapwa, at kalinisang-loob.\u00a0 Matutunghayan sa Pigura 1 ang sintesis ng mga kahulugan at katangiang iniuugnay sa <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Pigura 1. Mga Kahulugan at Konseptong Kaugnay<br \/>\nng Kagandahang-Loob Ayon sa Literatura<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-731\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.png\" alt=\"Galano 1\" width=\"433\" height=\"324\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.png 875w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-300x224.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-100x74.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-150x112.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-200x149.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-450x336.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-600x448.png 600w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Nahahati sa dalawang pag-aaral ang kasalukuyang pananaliksik.\u00a0 Pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng empirikal na suporta sa mga tinalakay na depinisyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sa unang pag-aaral, susuriin ang mga katangian at konseptong iniugnay sa <em>kagandahang-loob<\/em> at titingnan kung tugma ba ito sa pagkakaunawa at pagpapakahulugan ng mga kabataan.\u00a0 Susuriin kung makabuluhan ba para sa kanila ang mga tinukoy na pundasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Partikular na pakay ang makabuo ng konseptwal at biswal na representasyon ng mga konseptong nabanggit.\u00a0 Sa ikalawang pag-aaral, susuriin ang <em>kagandahang-loob<\/em> sa pamamagitan ng paghahambing nito sa mga unibersal na pagpapahalaga na tinukoy sa teorya ni Schwartz.\u00a0 Makakatulong ito upang mabigyan ng pagpapatibay (<em>validation<\/em>) ang mga tinalakay na pagpapakahulugan tungkol sa <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAG-AARAL 1:<\/strong><br \/>\n<strong> PAGSUSURI SA MGA KONSEPTO AT KATANGIANG INIUUGNAY SA<\/strong><br \/>\n<strong> <em>KAGANDAHANG-LOOB<\/em>\u00a0<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Isang daan at tatlong (103) mag-aaral ng <em>University of the Philippines <\/em>(UP) Los Ba\u00f1os, Laguna na kumukuha ng kursong <em>General Education<\/em> sa Sikolohiya noong Ikalawang Semestre ng 2013-2014 ang naging kalahok sa unang pag-aaral.\u00a0 Ang <em>range<\/em> ng kanilang edad ay 16-21 taong gulang (M = 17.91, SD = 1.27).\u00a0 Walumpu\u2019t anim sa kanila ay babae (83.50%) at 17 naman ay lalaki (16.50%).\u00a0 Ang 97 sa kanila ay nag-ulat na Filipino (94.17%) ang wikang madalas gamitin, habang dalawa ang Cebuano (.02%), dalawang Ingles (.02%), isang Bikol (.01%), at isang Kapampangan (.01%).\u00a0 Ang paglahok sa pag-aaral ay boluntaryo.<\/p>\n<p><strong><em>Instrumento<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang mga kalahok ay sumagot ng isang palatanungan kung saan susuriin nila ang isang konsepto o katangian batay sa kanilang sariling pagtatasa sa kaugnayan nito sa <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ang unang bahagi ay naglalaman ng kanilang demograpikong impormasyon.\u00a0 Sa ikalawang bahagi ay nakalagay ang mga sumusunod na panuto: \u201cBasahing mabuti ang bawat aytem sa ibaba.\u00a0 I-<em>rate<\/em> ang mga ito batay sa iyong pagkakaunawa sa konsepto ng KAGANDAHANG-LOOB.\u201d\u00a0 Ang pagbibigay ng <em>rating<\/em> ay ginamitan ng 1-6 na iskalang Likert (1 \u2013 walang kaugnayan; 6 \u2013 may kaugnayan sa konsepto ng <em>kagandahang-loob<\/em>).\u00a0 Mayroong 47 aytem na kasama sa palatanungan.\u00a0 Karamihan sa mga aytem na ito ay nagmula sa pag-aaral ni Resurreccion (2007) tungkol sa pundasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em> at dinagdagan ng ilan pang nagmula sa ibang literatura.\u00a0 Ilan sa mga halimbawa ay malasakit, respeto sa ibang tao, pagiging sensitibo, at nag-aalay ng serbisyo.<\/p>\n<p>Ang palatanungan ay pinasagutan sa loob ng klase.\u00a0 Bago ito ipinamahagi ay ipinaliwanag muna ang paksa at layunin ng pag-aaral.\u00a0 Binigyan ng 15-20 minuto ang mga kalahok upang sumagot.\u00a0 Pagkatapos ay kinolekta ito at nag-imbita kung may katanungan ba tungkol sa pag-aaral at sa kanilang sinagutan na palatanungan.<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aanalisa ng Datos<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang nakalap na datos ay sinuri gamit ang programang <em>Statistical Package for Social Sciences <\/em>(SPSS).\u00a0 Kinuha ang <em>mean rating<\/em> ng bawat aytem at isinalang ito sa <em>multidimensional scaling <\/em>(MDS).\u00a0 Ang MDS ay isang metodong ginagamit upang maipakita ang sikolohikal na ugnayan ng mga konsepto gamit ang <em>euclidan distance model<\/em> (Cipres-Ortega 2003).\u00a0 Kapag mas malapit ang konseptwal na ugnayan ng dalawang konsepto, dapat ay mas malapit din ang distansya nila sa isa\u2019t isa sa isang <em>multidimensional<\/em> na espasyo.\u00a0 Inaasahang ang mga magkakaugnay na konsepto ay mapapabilang sa isang grupo o klaster.\u00a0 Ginamit ang opsyon na ALSCAL ng SPSS para sa pag-aaral na ito.\u00a0 Nagsagawa muna ng <em>recoding<\/em> ng mga <em>variable<\/em> (<em>i.e.<\/em>, ang nakakuha ng <em>rating<\/em> na 6 ay pinalitan ng 1, ang 5 ay ginawang 2, atbp.) upang makatugon sa kahingian ng SPSS.<\/p>\n<p>Kung tugma ang pagpapakahulugan ng mga kalahok sa domeyn na tinukoy ni Resurreccion (2007), inaasahang makakabuo rin ng tatlong pangkat na nagtataglay ng mga konseptong kanyang tinalakay kasama ang iba pang kaugnay na konsepto o katangian ng <em>kagandahang-loob<\/em> na binanggit sa itaas.<\/p>\n<p><strong><em>Resulta at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Lahat ng konsepto at katangiang kasama sa sinuri ng mga kalahok ay nakakuha ng mataas na <em>mean rating, <\/em>ang <em>range<\/em> ay 4.16 hanggang 5.56.\u00a0 Makikita sa Hanayan 1 na ang \u201cmalasakit\u201d ang nakakuha ng may pinakamataas na <em>mean rating<\/em>.\u00a0 Ibig sabihin, itinuturing ito ng mga kalahok na pinakamalapit na indikasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ito ay tugma sa naging obserbasyon ni Resurreccion (2007).\u00a0 Ang ilan pang nakakuha ng mataas na <em>rating<\/em> ay \u201crespeto,\u201d \u201cnagbibigay ng tulong na walang kapalit,\u201d \u201cmalinis na prinsipyo,\u201d at \u201cmay inisyatibong tumulong.\u201d\u00a0 Ang mga nakakuha naman ng mababang <em>rating<\/em> ay \u201cmalaya\u201d (M = 4.16), \u201chindi nang-aabala ng ibang tao\u201d (M = 4.22), \u201cnakakahanap ng kaligayahan sa iba\u201d (M = 4.28), \u201cmay tiwala sa sarili\u201d (M = 4.43), at \u201chindi gumagawa ng mali\u201d (M = 4.68).\u00a0 Kapuna-punang nakakuha ng pinakamababang <em>rating<\/em> ang \u201cmalaya\u201d sapagkat kung babalikan, sa <em>kagandahang-loob<\/em> inuugat ni Enriquez ang pagpapahalaga sa kalayaan.\u00a0 Gayumpaman, hindi agad masasabing tuluyang malayo ang ugnayan nila sa isa\u2019t isa dahil posibleng epekto lang ito ng paggamit ng salita.\u00a0 Posibleng mas makita ang ugnayan nila kung \u201cpagmamahal\/pagpapahalaga sa kalayaan\u201d ang ginamit sa palatanungan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 1. Mean Rating ng mga Konsepto o Katangian<br \/>\nBatay sa Lapit ng Ugnayan Nito sa Kagandahang-loob<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-732\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.jpg\" alt=\"Galano 1\" width=\"433\" height=\"352\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1.jpg 769w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-300x244.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-100x81.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-150x122.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-200x162.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-450x366.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-1-600x488.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Makikita naman sa Pigura 2 na nakabuo ng apat na klaster ng mga salita matapos itong isalang sa MDS.\u00a0 Tanging ang mga nakakuha ng <em>mean rating<\/em> na 5.00 pataas ang isinama sa pagsusuri.\u00a0 Ang lumitaw na pagpapangkat ay kaiba sa tatlong domeyn ng pundasyon ng <em>kagandahang-loob <\/em>na tinukoy ni Resurreccion (2007).\u00a0 Makikita sa Hanayan 2 ang mga konseptong nakapaloob sa bawat klaster.\u00a0 Ang Klaster A (Marangal-Maunawain) at B (Magalang-Matapat) ay kinabibilangan ng mga konsepto at katangiang may kinalaman sa kalinisan ng kalooban.\u00a0 Sa wikang Filipino, ang paggamit ng salitang \u201cmalinis\u201d ay nangangahulugan ng pagiging \u201cdalisay,\u201d \u201cmalinaw,\u201d o \u201cwalang bahid ng dumi.\u201d\u00a0 Kapag ginagamit na ito bilang katangian ng loob, nagpapakita na ito ng moral na aspekto ng pagkatao (Miranda 1992).\u00a0 Ang taong may malinis na kalooban ay nakakakilala ng tama at mali at naninindigan para rito.\u00a0 Ang pagiging marangal at matapat ang pinakamalapit na manipestasyon ng kalinisan ng loob ayon kay Miranda.\u00a0 Kung nakabuo ng magkahiwalay na pangkat ang Klaster A at B, may pagkakaiba ba sila?\u00a0 Isang posibleng pagkakaiba nila ay ang lawak at antas ng kanilang saklaw.\u00a0 Halimbawa, ang \u201cmarangal\u201d ay may kinalaman sa pagiging buo ng dignidad ng isang tao (Enriquez 1992) na tila mas malawak na konsepto kumpara sa \u201crespeto\u201d na maaaring makita naman sa paggalang o pagiging magalang.<\/p>\n<p>Ang ikatlo at ikaapat na klaster naman ay kinabibilangan ng mga konseptong may kaugnayan sa pakikipagkapwa.\u00a0 Sa Klaster C (Kabutihan sa Kapwa), mapapansing tumutukoy ito sa mas malawak na konsepto o kilos na maaaring hindi agad maikabit sa pakikipagkapwa habang ang Klaster D (Malasakit at Pagtulong sa Kapwa) naman ay tumutukoy sa mas ispesipikong kilos o katangian ng pakikipagkapwa.\u00a0 Pasok din sa Klaster C ang mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng utang na loob at lakas ng loob.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Pigura 2. Biswal na Representasyon ng Relasyon<br \/>\nng mga Konseptong May Kaugnayan sa Kagandahang-loob<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-733\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.png\" alt=\"Galano 2\" width=\"433\" height=\"242\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.png 930w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-300x167.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-100x55.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-150x83.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-200x111.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-450x251.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-600x335.png 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-900x503.png 900w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 2. Apat na Klaster ng mga Katangiang May Kaugnayan<br \/>\nsa Kagandahang-loob Batay sa Pagpapangkat na Lumabas<br \/>\nsa Multidimensional Scaling<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-734\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.jpg\" alt=\"Galano 2\" width=\"433\" height=\"281\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2.jpg 964w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-300x194.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-100x64.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-150x97.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-200x129.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-450x292.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-600x389.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-2-900x584.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Mapapansing ang \u201cmalasakit,\u201d na unang itinuring ni Resurrecion (2007) na may isang sariling domeyn, ay nakapaloob na ngayon sa isang mas malaking pangkat kasama ang mga konsepto at katangiang nagpapamalas ng pakikipagkapwa.\u00a0 Maaaring sabihing ang pagpapamalas ng malasakit, maging kilos man o katangian, ay laging may pinagtutuunan at madalas itong nakakabit sa interaksyon sa kapwa.\u00a0 Hindi naman ito naiiba sa naunang panukala ni Miranda (1992).<\/p>\n<p>Makikitang pinakamarami pa rin sa mga konseptong nagpapakita ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay may kinalaman pa rin sa pakikipagkapwa at mabuting pakikitungo sa kapwa.\u00a0 Ang pinakamatingkad na temang lumalabas sa mga ito ay may kinalaman sa pagtulong (<em>e.g.<\/em>, pagtulong na walang inaasahang kapalit, inisyatibo at kahandaang tumulong, pag-aalay ng serbisyo).\u00a0 Marahil ay tama si Enriquez sa pagbibigay importansya sa pagtulong (<em>generosity<\/em>) bilang manipestasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Lumilitaw na bagama\u2019t hindi naging kaparehas ang bilang ng mga klaster sa naunang tatlong domeyn na itinuring na mga pundasyon ng <em>kagandahang\u2013loob<\/em>, makikita pa rin ang mga ito sa mga lumabas na tema: ang domeyn na kalinisang-loob ay makikita sa Klaster A at B habang ang domeyn na pakikipagkapwa ay nasasalamin naman ng Klaster C at D.\u00a0 Ngunit sa halip na tingnan bilang mga domeyn ang apat na ito, mas makabuluhan kung ituturing na nakapaloob ang mga ito sa mas malawak pang tema\u2014ang dimensyon ng loob at labas.\u00a0 Ang Klaster A at B ang tumutukoy sa \u201cloob\u201d na dimensyon ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ito ang moral at etikal na gabay ng kilos.\u00a0\u00a0 Katulad ng tinalakay sa itaas, makikita sa dimensyong ito ang mga katangiang maaaring taglayin ng isang taong may pagpapahalaga sa <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ginagamit niyang gabay ang mga katangiang ito, may presensya man ng kapwa o wala.\u00a0 Ang Klaster C at D naman ang \u201clabas\u201d na dimensyon ng <em>kagandahang-loob<\/em> sapagkat mas madali itong maipamalas sa pamamagitan ng interaksyon sa kapwa.<\/p>\n<p>Sa halip rin na tingnan bilang <em>distinct<\/em> na mga kategorya, dapat ituring ang mga klaster bilang isang kontinuum o dimensyon kung saan ang loob at labas ay may dinamikong ugnayan sa isa\u2019t isa.\u00a0 Kumbaga, hindi lang sapat na maging malinis ang kalooban o kaya\u2019y taglayin ang mga magandang katangian kundi ay dapat maisabuhay rin ito, at ang isang posibleng paraan ay ang pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.\u00a0 Ito marahil ang tinutukoy ni Enriquez (1992, 57) na \u201cpagkamakatao na nag-uugat sa pakikipagkapwa.\u201d<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAG-AARAL 2:<\/strong><br \/>\n<strong> PAGSUSURI SA KORELASYON NG KAGANDAHANG-LOOB SA IBA PANG PAGPAPAHALAGA<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Mayroong 177 na mag-aaral ng UP Los Ba\u00f1os ang lumahok sa ikalawang pag-aaral.\u00a0 Kumukuha sila ng kursong \u201cBuhay at mga Akda ni Rizal\u201d noong Tag-init ng 2014.\u00a0 Ang <em>range<\/em> ng kanilang edad ay 16-21 taong gulang (M=18.13, SD=1.03).\u00a0 Isang daan at labing-tatlo ay babae (63.8%) at 64 ang lalaki (36.2%).\u00a0 Ang 169 sa kanila ay nag-ulat na Filipino (95.48%) ang wikang madalas na gamitin, habang ang apat naman ay Ingles (2.26%), dalawang Ilokano (1.13%), isang Bisaya (.56%), at isang Kapampangan (.56%).\u00a0 Katulad ng unang pag-aaral, ang paglahok sa ikalawang pag-aaral ay boluntaryo rin.<\/p>\n<p><strong><em>Instrumento<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang mga kalahok ay sumagot ng palatanungan na may tatlong bahagi.\u00a0 Ang unang bahagi ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa kanilang demograpikong impormasyon.\u00a0 Ang ikalawang bahagi ay ang maikling bersyon ng <em>Portrait Values Questionnaire <\/em>(PVQ) at ang ikatlo ay isang iskala ng <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Ang PVQ ay binuo ni Schwartz upang sukatin ang sampung pagpapahalagang tinalakay sa itaas.\u00a0 Naglalaman ito ng 21 aytem na nakalahad sa Ingles.\u00a0 Magbibigay ng<em> rating<\/em> ang mga kalahok kung gaano sila kasingtulad sa mga taong inilalarawan sa bawat aytem.\u00a0 Ang <em>rating <\/em>ay nakabatay sa 1-6 na iskalang Likert (1 \u2013 \u201c<em>very much like me<\/em>\u201d; 6 \u2013 \u201c<em>not like me at all<\/em>\u201d).\u00a0 Ilan sa halimbawa ng mga aytem ay \u201c<em>Thinking up new ideas and being creative is important to him.\u00a0 He likes to do things in his own original way (item 1, self-direction)<\/em>\u201d at \u201c<em>It\u2019s important to him to show his abilities.\u00a0 He wants people to admire what he does (item 4, achievement).<\/em>\u201d\u00a0 Ang PVQ ay nasubok na sa iba\u2019t ibang kultura kabilang ang Pilipinas (<em>e.g.<\/em>, Liem <em>et al<\/em>. 2011).<\/p>\n<p>Ang iskala ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay sariling dinebelop ng mananaliksik mula sa resulta ng unang pag-aaral.\u00a0 Ito ay naglalaman ng 16 na aytem na nakasulat sa Filipino at naglalaman ng mga konsepto at katangiang nakakuha ng pinakamataas na <em>mean rating<\/em> (<em>i.e.<\/em>, malapit ang ugnayan sa <em>kagandahang-loob<\/em>).\u00a0 Ang pagkakalahad ng bawat aytem ay itinulad sa PVQ ni Schwartz.\u00a0 Sa ganitong paglalahad, naikukumpara ng mga kalahok ang taong nasa paglalarawan (<em>portrait<\/em>) sa kanilang sarili sa halip na ang kanilang sarili sa taong inilalarawan.\u00a0 Sa gayon, ang aspektong \u201cipinapakita\u201d lamang ng paglalarawan, <em>i.e.<\/em>, ang pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin ng mga kalahok sa kanilang pagsagot (Schwartz 2006).\u00a0 Ang mga taong inilalarawan sa bawat aytem ay nagpapakita ng kanilang mga pinahahalagahan o naisin sa buhay, sa halip na taglay na katangian.\u00a0 Ilan sa halimbawa ng aytem ay \u201cAng pagtulong ay mahalaga sa kanya.\u00a0 Hangga\u2019t maaari, siya ay kusang tumutulong kahit hindi ito hinihingi\u201d (aytem 6) at \u201cAng pag-aalay ng serbisyo sa kapwa ay mahalaga para sa kanya.\u00a0 Handa siyang ibahagi ng libre ang anumang kakayahan na meron siya\u201d (aytem 13).\u00a0 Ang mga kalahok ay magbibigay ng <em>rating<\/em> sa mga paglalarawan, kung gaano ito kalapit o kalayo sa kanilang sarili, gamit ang 1-6 na iskalang Likert (1 &#8211; ganitong-ganito ako; 6 &#8211; hinding-hindi ako ganito).\u00a0 Ang iskala ay may <em>internal consistency<\/em> na <em>Cronbach\u2019s alpha<\/em> = 0.893.\u00a0 Katulad ng unang pag-aaral, ang palatanungan ay pinasagutan sa loob ng klase.<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aanalisa ng Datos<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Dalawang kalahok (1.13%) ang hindi isinama sa pag-aanalisa ng datos dahil hindi nila nakumpletong sagutan ang palatanungan.\u00a0 Upang makuha ang indeks ng <em>kagandahang-loob<\/em>, kinompyut ang <em>mean score<\/em> ng kanilang sagot sa 16 na aytem.\u00a0 Gamit ang SPSS, kinuha ang <em>correlation<\/em> ng <em>kagandahang-loob<\/em> sa sampung pagpapahalaga ni Schwartz.\u00a0 Upang maisakatuparan ito, kinuha muna ang \u201c<em>centered score<\/em>\u201d ng mga kalahok sa bawat pagpapahalaga.\u00a0 Ibig sabihin, kinompyut muna ang kabuuang <em>mean rating<\/em> ng mga kalahok sa 21 aytem at ibinawas ito sa <em>mean<\/em> ng bawat isa sa 10 pagpapahalaga.\u00a0 Ginawa ito upang maiwasan ang tinatawag ni Schwartz na \u201c<em>bias<\/em>\u201d sa pagsagot ng iskala.\u00a0 Sinasalamin ng \u201c<em>centered score<\/em>\u201d ang pagiging isang buong sistema ng mga nabanggit na sampung pagpapahalaga.<\/p>\n<p>Batay sa teorya at paglalarawan ng mga nabanggit na pagpapahalaga ni Schwartz, inaasahang makakakuha ng <em>significant positive correlation<\/em> sa pagitan ng <em>kagandahang-loob<\/em> at ng <em>universalism<\/em> at <em>benevolence <\/em>na mga pagpapahalaga. \u00a0Kung babalikan, ang dalawang ito ay tumutukoy sa mga naisin at tunguhing nagpapakita ng pagkilala at pagsulong sa kapakanan ng ibang tao, kasama na ang kalikasan (tinatawag ring \u201c<em>self-transcendence values<\/em>\u201d).\u00a0 Partikular na halimbawa ng <em>universalism<\/em> ay pagkakapantay-pantay, panlipunang katwiran, at kapayapaan habang ang <em>benevolence<\/em> naman ay pagkamatulungin, pagiging matapat, at mapagpatawad.\u00a0 Sa paglalarawan ay makikita ang pagkakaugnay ng dalawa sa mga katangiang tumutukoy rin sa <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Resulta at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Lumilitaw sa resulta (Hanayan 3) na mataas ang pag-endorso ng mga kabataang kalahok sa <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Sa sampung pagpapahalaga naman ni Schwartz, ang <em>universalism<\/em> at <em>benevolence<\/em> ang nakakuha ng dalawang pinakamataas na pag-eendorso.\u00a0 Ganito rin ang natagpuang resulta nina Jay Yacat <em>et al<\/em>. (2011) sa kanilang pag-aaral sa pagpapahalaga ng mga kabataan kaugnay ng bolunterismo.\u00a0 Sa naunang obserbasyon naman ni Schwartz (2006), natukoy na may konsensus sa iba\u2019t ibang kultura sa pagturing sa <em>benevolence<\/em> at <em>universalism<\/em> bilang una at ikalawang pinakaimportanteng mga pagpapahalaga.\u00a0 Ipinaliwanag niyang nag-uugat ito sa ating batayang pangangailangang panatilihin ang kooperasyon sa grupong ating kinabibilangan at sa mas malawak pang mga ugnayan (<em>i.e.<\/em>, lipunan, sangkatauhan).\u00a0 Ang kaibahan lang sa kasalukuyang pag-aaral, mas mataas ang pag-eendorso sa <em>universalism<\/em> kumpara sa <em>benevolence<\/em>.\u00a0 Mataas din ang pag-eendorso ng mga kalahok sa <em>stimulation<\/em> at <em>security<\/em>, habang pinakamababa naman ang <em>power<\/em> na sinundan ng <em>tradition<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 3. Correlation sa Pagitan ng Kagandahang-loob<br \/>\nat ng 10 Unibersal na Pagpapahalaga ni Shalom Schwartz<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"wp-image-735\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3.jpg\" alt=\"Galano 3\" width=\"431\" height=\"176\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3.jpg 965w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-300x122.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-100x40.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-150x61.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-200x81.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-450x183.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-600x244.jpg 600w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Galano-3-900x367.jpg 900w\" sizes=\"(max-width: 431px) 100vw, 431px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Tulad ng inaasahan, nakakuha ng makabuluhan at positibong <em>correlation<\/em> sa pagitan ng <em>kagandahang-loob<\/em> at <em>universalism<\/em> at <em>benevolence<\/em> bagaman masasabing mahina hanggang katamtaman lang ang kanilang ugnayan.\u00a0 Katulad ng nabanggit, ang dalawang nauna ay itinuturing na \u201c<em>self-transcendence values<\/em>.\u201d\u00a0 Ang pagkakaroon ng ganitong pagpapahalaga ay hindi taliwas sa tunguhin ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Parehas ang mga ito na nakatuon sa kapakanan ng kapwa sa halip ng sarili.\u00a0 Ang kaibahan ng <em>benevolence<\/em> at <em>universalism<\/em> ay nasa lawak ng grupong kanilang saklaw.\u00a0 Ang nauna ay tumutukoy sa mas malalapit na kapwa\u2014mga grupong ating kinabibilangan tulad ng pamilya at kaibigan habang ang isa naman ay tumutukoy sa mas malawak at malaking abstrak na grupo tulad ng lipunan o kaya\u2019y kapwa-Pilipino.<\/p>\n<p>Dalawa pang nakakuha ng positibong ugnayan sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay ang <em>conformity<\/em> at <em>tradition<\/em>.\u00a0 Bagama\u2019t hindi ito inaasahan, nakapagbigay naman ito ng makabuluhang pagninilay tungkol sa <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ang dalawang nabanggit ay may kinalaman sa pagpapanatili ng maayos at maaliwalas na relasyon sa pagitan ng sarili at ng grupong kinabibilangan, o sarili at sa tradisyon ng kultura at relihiyon.\u00a0 Ang kanilang mahina ngunit <em>significant<\/em> na <em>correlation<\/em> sa <em>kagandahang-loob<\/em> ay maaaring magpakita rin ng ganitong kalikasan.\u00a0 Partikular na halimbawa ng <em>conformity<\/em> ay ang paggalang at respeto sa nakatatanda, habang mapagkumbaba naman sa <em>tradition<\/em>\u2014mga katangiang tugma rin sa <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Mapapansin din ang negatibong <em>correlation<\/em> sa iba pang pagpapahalaga tulad ng <em>self-direction<\/em>, <em>hedonism<\/em>, <em>achievement<\/em>, at <em>power<\/em>.\u00a0 Hindi naman ito kataka-taka sapagkat ang tatlong huli ay tumutukoy sa tinatawag ni Schwartz na \u201c<em>self-enhancement values<\/em>.\u201d\u00a0 Ibig sabihin, ang pagsusulong nito ay nakapokus sa pagpapabuti ng sarili, na posible namang makasagabal sa kapakanan ng kapwa.\u00a0 Gayundin ang <em>self-direction<\/em> na ang pangunahing layunin ay nakatuon sa autonomiya at pagkakaroon ng sariling pag-iisip at kilos.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGKALAHATANG PAGTATASA<\/strong><\/p>\n<p>Ipinakita sa dalawang pag-aaral ang kahulugan at kalikasan ng <em>kagandahang-loob<\/em> bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Tumugma sa resulta ng unang pag-aaral ang naunang konseptwalisasyon ni Enriquez tungkol sa <em>kagandahang-loob<\/em>\u2014na ito\u2019y may dimensyon ng loob at labas at ito ay may malapit na kaugnayan sa pakikipagkapwa.\u00a0 Hindi perpekto ang modelong nabuo mula sa MDS ngunit sapat na ito upang maipakita ang aspektong loob at labas ng <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Katulad din ng tinalakay sa literatura, ang pinakamagandang halimbawa ng kongkretong pagsasabuhay ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay ang pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.\u00a0 Sa dami ng kaugnayan ng pakikipagkapwa at <em>kagandahang-loob<\/em> sa isa\u2019t isa, maaaring tanungin, magkaiba kaya silang sikolohikal na konstrak?\u00a0 Kung partikular na mga kilos ang susuriin, magkaiba ang pakikipagkapwa at <em>kagandahang-loob<\/em> (Manalastas 2009).\u00a0 Eksklusibo sa <em>kagandahang-loob<\/em> ang mga kilos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pamilya, trabaho, at pananampalataya habang nakasentro naman sa interpersonal na pakikipag-ugnayan ang pakikipagkapwa.<\/p>\n<p>Maihahambing din ang nabuong modelo ng MDS sa konseptwalisasyon ng <em>kagandahang-loob<\/em> na tinalakay sa literatura at makikita sa Pigura 1.\u00a0 Sa unang tingin, halos may pagtutugma ang mga konsepto at pagpapakahulugan na makikita sa dalawang modelo.\u00a0 Maoobserbahang ang kabutihan, malasakit, at pakikipagkapwa ay matatagpuan sa parehas na modelo.\u00a0 Ang tatlong ito na naunang tinukoy ni Enriquez at ng iba pa na kasingkahulugan ng <em>kagandahang-loob<\/em> ay naging maigting din sa pagpapakahulugan ng mga kabataan.\u00a0 Masasabing kaiba naman ang kasalukuyang modelo dahil tinitingnan nito ang <em>kagandahang-loob<\/em> na may dalawang dimensyon at apat na klaster sa halip na dalawang kategorya lamang (<em>i.e.<\/em>, pagpapahalaga <em>vs<\/em>. katangian).\u00a0 At kung ang loob ng tao ay mayroong lawak, lalim, at laman (Alejo 1990), gayundin ang <em>kagandahang-loob<\/em>.\u00a0 Ang mga partikular na kilos at katangiang nakapaloob sa bawat klaster ay maaaring tumukoy sa lawak at lalim ng kahulugan ng <em>kagandahang-loob<\/em>.<\/p>\n<p>Pinatunayan ng ikalawang pag-aaral na ang <em>kagandahang-loob<\/em> ay isang pagpapahalagang nakasentro sa pagkilala at pagsusulong sa kapakanan ng kapwa.\u00a0 Ang pagkakaroon ng ugnayan nito sa <em>universalism<\/em> at <em>benevolence<\/em> na mga pagpapahalaga ay nagpapahiwatig na sinasaklaw nito ang parehong malawak na relasyon sa tao at sa mas maliit na grupo tulad ng pamilya.\u00a0 Sa madaling salita, ang ibang tao at hindi ibang tao (Enriquez 1978, 1992).\u00a0 May implikasyon din ito sa tinatawag ni Schwartz (2007) na \u201c<em>moral inclusiveness<\/em>\u201d\u2014kanino natin nakikita ang aplikasyon ng pagkakapantay-pantay, katwiran, at pagtatasa sa tama at maling pagkilos.\u00a0 Ang pagbibigay ng importansya sa <em>universalism <\/em>ay nangangahulugan ng mas malawak (sa lahat ng tao, kilala man o hindi) na aplikasyon habang sa <em>benevolence<\/em> ay mas maliit o makitid (pamilya, kaibigan, at iba pang grupong kinabibilangan).\u00a0 Kung parehas itong pinahahalagahan, ang moral na aspekto ay dapat na isinasabuhay sa parehas na grupo.\u00a0 Masasalamin sa <em>kagandahang-loob<\/em> na ang moral na aspekto nito ay tumutukoy sa ugnayan ng indibidwal sa kanyang maliit na grupo, gayundin sa mas malawak na grupo.<\/p>\n<p>Nabanggit na ang mga pagpapahalaga, tulad ng <em>kagandahang-loob<\/em>, ay dapat naipapakita sa kilos (Miranda 1992; Resurreccion 2007).\u00a0 Bagama\u2019t natukoy sa papel na ito kung ano ang mga makabuluhang kilos na nagpapamalas ng <em>kagandahang-loob<\/em>, hindi naman masasabing kapag ang isang tao ay nagtataglay ng ganitong pagpapahalaga ay agad na nitong maipapakita ang kaakibat na kilos.\u00a0 Dalawang mahalagang katangian ng mga pagpapahalaga ay ang tinatawag na \u201c<em>accessibility<\/em>\u201d at \u201c<em>activation<\/em>\u201d nito.\u00a0 Kailangang maging malay o pinaaalalahanan ang isang tao sa kanyang mga pagpapahalaga upang laging maipakita o maisabuhay ito (<em>e.g<\/em>., tingnan ang Roccas 2003; Bardi at Schwartz 2003).\u00a0 Malawak ang pagtalakay sa dalawang konseptong ito na lagpas na sa sakop ng kasalukuyang papel ngunit mahalagang mabanggit dahil sa implikasyon nito sa edukasyon at sa pagpapalaki ng bata.<\/p>\n<p>Hindi pangunahing layunin ng kasalukuyang pananaliksik ang makabuo ng iskala ngunit nakatulong ito upang matugunan ang pangangailangang masukat ang <em>kagandahang-loob<\/em> at masuri ang ugnayan nito sa mga pagpapahalaga na gumagamit ng ibang balangkas.\u00a0 Ginamit ang resulta ng unang pag-aaral sa pagbubuo ng iskala.\u00a0 Bagaman nakakuha ito ng katanggap-tanggap na <em>alpha reliability<\/em>, kinikilala ng mananaliksik ang mga posibleng kahinaan nito.\u00a0 Kailangang magkaroon ng mas masusi pang pag-aaral upang masuri ang <em>reliability<\/em>, <em>validity<\/em>, at <em>social desirability<\/em> ng iskala.\u00a0 Panghuli, binibigyang-diin ding ang resulta ng ikalawang pag-aaral sa itaas ay sumusukat sa personal at indibidwal na pagpapahalaga ng mga kalahok.\u00a0 Hindi tinanong ng mananaliksik sa mga kalahok kung gaano kahalaga o makabuluhan ang mga ito sa kulturang Pilipino.\u00a0 Kailangan ng ibayong ingat sa pagbibigay ng interpretasyon kung kultural na lebel ang pag-uusapan.\u00a0 Magandang direksyon din ang pagtatasa sa <em>kagandahang-loob<\/em> sa kultural na lebel upang tunay na makapag-ambag sa pagdadalumat ng pagkatao at pagpapahalagang Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Aguiling-Dalisay, G.H., J.A.Yacat, at A.M. Navarro (2004).\u00a0 <em>Extending the self: Volunteering as pakikipagkapwa<\/em>.\u00a0 Quezon City: Center for Leadership, Citizenship, and Democracy (CLCD), University of the Philippines (UP) National College of Public Administration and Governance (NCPAG).<\/p>\n<p>Alejo, A.E. (1990).\u00a0 <em>Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao<\/em>.\u00a0 Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.<\/p>\n<p>Arellano-Carandang, M.L. (1987).<em>\u00a0 Filipino children under stress: Family dynamics and therapy<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo De Manila University Press.<\/p>\n<p>Bardi, A. at S.H. Schwartz (2003).\u00a0 Values and behavior: Strength and structure of relations.\u00a0 <em>Personality and Social Psychology Bulletin<\/em>, 29 (10), 1207-1220.<\/p>\n<p>Bernardo, A.B.I. (1997).\u00a0 Psychology research in the Philippines: Observations and prospects.\u00a0 <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 30 (1), 39-58.<\/p>\n<p>Cipres-Ortega, S. (2003).\u00a0 Ang larangang leksikal: Kalakaran at paraan.\u00a0 Nasa L.F. Antonio at L. Tiamson-Rubin (mga pat.), <em>Sikolohiya ng Wikang Filipino<\/em>.\u00a0 Quezon City: C &amp; E Publishing, Inc., 103-127.<\/p>\n<p>Clemente, J.A. (2011, Enero-Hunyo).\u00a0 An empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <em>Philippine Social Science Review<\/em>, 63 (1), 1-34.<\/p>\n<p>Clemente, J.A., D. Belleza, A. Yu, E.V.D. Catibog, G. Solis, at J. Laguerta (2008).\u00a0 Revisiting the kapwa theory: Applying alternative methodologies and gaining new insights.\u00a0 <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 41 (2), 1-32.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology: The Philippine experience<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1978, Enero-Disyembre).\u00a0 Kapwa: A core concept in Filipino social psychology.\u00a0 <em>Philippine Social Sciences and Humanities Review<\/em>, 42 (1-4), 100-108.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1997).\u00a0 <em>Filipino value system: A cultural definition<\/em>.\u00a0 Quezon City: PUNLAD Research House.<\/p>\n<p>Liem, G.A.D., A.J. Martin, E. Nair, A.B.I. Bernardo, at P.H. Prasetya (2011).\u00a0 Content and structure of values in middle adolescence: Evidence from Singapore, the Philippines, Indonesia, and Australia.\u00a0 <em>Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 42 (1), 146-154.<\/p>\n<p>Manalastas, E.J. (2009, Agosto 13-15).\u00a0 Acts of pakikipagkapwa: A proposal using the Act-Frequency Approach.\u00a0 Di-nalathalang papel, 47<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines (PAP), Dumaguete City, Philippines.<\/p>\n<p>Mercado, L. (1974).\u00a0 <em>Elements of Filipino philosophy<\/em>.\u00a0 Tacloban City: Divine Word University Publications.<\/p>\n<p>Miranda, D.M. (1992).\u00a0 <em>Buting Pinoy: Probe essays on value as Filipino<\/em>.\u00a0 Manila: Logos Publications.<\/p>\n<p>Ong, M.G. at A.C. Aguirre (2003).\u00a0 Bridging the gaps in childrens work: NGOs strategies in collaborating with LGUs \u2013 Documenting the best practices of Lunduyan and NMPC.\u00a0 Nasa Save the Children UK at University of the Philippines (UP) Center for Integrative and Development Studies (CIDS) Pychosocial Trauma and Human Rights Program (PST) (pat.), <em>Emerging good practices: A documentation of the experiences and learning of Save the Children UK\u2019s programme for abused and exploited children.\u00a0 <\/em>Quezon City: Save the Children UK at UP CIDS PST, 41-108.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (2012, Hunyo 1-2).\u00a0 Unpacking the concept of <em>loob<\/em> (inner): Towards developing culture-inclusive theories.\u00a0 Di-nalathalang papel, 2012 International Conference on New Perspectives in East Asian Studies, Taipei, Taiwan.<\/p>\n<p>Resurreccion, R.R. (2007).\u00a0 Malasakit, pakikipagkapwa, at kalinisang loob: Mga pundasyon ng Kagandahang Loob.\u00a0 <em>Malay<\/em>, 19 (3), 67-78.<\/p>\n<p>Roccas, S. (2003).\u00a0 Identification and status revisited: The moderating role of self-enhancement and self-transcendence values.\u00a0 <em>Personality and Social Psychology Bulletin<\/em>, 29 (6), 726-736.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1982).\u00a0 Ang kamalayan at kaluluwa: Isang paglilinaw ng ilang konsepto sa kinagisnang sikolohiya.\u00a0 Nasa R. Pe-Pua (pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit<\/em>.\u00a0 Quezon City: Surian ng Sikolohiyang Pilipino, 83-92.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2006).\u00a0 Basic human values: Theory, measurement, and applications. <em>Revue Fran\u00e7aise de Sociologie<\/em>, 47 (4), 929-968.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2007).\u00a0 Universalism values and the inclusiveness of our moral universe.\u00a0 <em>Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 38 (6), 711-728.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2014).\u00a0 Societal value culture: Latent and dynamic.\u00a0 <em>Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 45 (1), 42-26.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. at W. Bilsky (1990).\u00a0 Toward a theory of the universal content and structure of values: Extensions and cross-cultural replications.\u00a0 <em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 58 (5), 878-891.<\/p>\n<p>Vinzons, I.H. at M.D. dL. Jose (2013, Nobyembre).\u00a0 Kagandahang panloob at panlabas sa paglalarawan ng kababaihan sa piling epikong Pilipino.\u00a0 <em>DIWA E-Journal<\/em>, 1 (1), 21-36.<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013). Tungo sa isang mas mapagbuong sikolohiya: Hamon sa makabagong Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 <em>DALUYAN: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 5-32.<\/p>\n<p>Yacat, J.A., C.A.A. De Villa, at C.P. Galano (2011, Agosto 17-19).\u00a0 The role of values in predicting volunteering intentions among college students.\u00a0 Di-nalathalang papel, 48<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines (PAP), Iloilo City, Philippines.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Charmaine P. Galano Departamento ng Sikolohiya University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Ang kagandahang-loob ay nauna nang tinukoy ni Virgilio Enriquez (1992) bilang isang pagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan o \u201clinking socio-personal value.\u201d\u00a0 Ito ay may &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-ang-loob-at-pakikipagkapwa-sa-kagandahang-loob-pagsusuri-sa-pagpapakahulugan-at-mga-pagpapahalaga-ng-kabataan\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Ang Loob at Pakikipagkapwa sa Kagandahang-Loob: Pagsusuri sa Pagpapakahulugan at mga Pagpapahalaga ng Kabataan<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/730"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=730"}],"version-history":[{"count":8,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/730\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":787,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/730\/revisions\/787"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=730"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=730"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=730"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}