{"id":719,"date":"2017-11-16T06:36:50","date_gmt":"2017-11-16T06:36:50","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=719"},"modified":"2018-08-17T02:18:35","modified_gmt":"2018-08-17T02:18:35","slug":"diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-sino-ang-may-hiya-at-sino-naman-ang-wala-paunang-pagtitibay-sa-panukat-ng-hiya-bilang-isang-pagpapahalaga","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-sino-ang-may-hiya-at-sino-naman-ang-wala-paunang-pagtitibay-sa-panukat-ng-hiya-bilang-isang-pagpapahalaga\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Sino ang May Hiya at Sino naman ang Wala? Paunang Pagtitibay sa Panukat ng Hiya Bilang Isang Pagpapahalaga"},"content":{"rendered":"<p><strong>Jose Antonio R. Clemente, Ph.D.<\/strong><br \/>\nDepartment of Psychology<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p><strong>Adrianne John R. Galang <\/strong>at<strong> Alessandra T. Arpon<\/strong><br \/>\nDepartment of Psychology<br \/>\nDe La Salle University, Manila<span style=\"color: #000000;\"><a style=\"color: #000000;\" href=\"#_ftn1\" name=\"_ftnref1\">[1]<\/a><\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Paano nga ba naiiba ang isang taong may mataas na pagpapahalaga sa <em>hiya<\/em> (may <em>hiya<\/em>) kumpara sa isang taong mababa ang pagpapahalaga dito (<em>walang hiya<\/em>)?\u00a0 Upang masagot ito, nagsagawa ng dalawang pag-aaral na may dalawang pangunahing layunin: (1) bumuo ng isang matatag at mabisang <em>Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga<\/em> (PHP) at (2) tukuyin ang empirikal na kaugnayan ng <em>hiya<\/em> sa mga ugali (<em>trait<\/em>), saloobin (<em>attitude<\/em>), at kilos na lumalabag sa panuntunan ng lipunan (<em>norm violation<\/em>).\u00a0 Sa parehong pag-aaral, sumagot ng <em>online questionnaire<\/em> ang mga kalahok.\u00a0 Alinsunod sa mga naunang pagdalumat sa <em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga (<em>e.g.<\/em>, Enriquez 1992), binigyang-kahulugan ito bilang pagsasaalang-alang sa mga iisipin at mararamdaman ng ibang tao bago ang ano mang pagkilos.\u00a0 Mula rito, lumikha sa unang pag-aaral ng mga aytem na susukat sa <em>hiya<\/em>.\u00a0 Nirebisa ito sa ikalawang pag-aaral.\u00a0 Matatag ang mungkahing bersyon ng PHP na may 16 na aytem (<em>\u03b1<\/em> = .89).\u00a0 Tinasa ang bisa nito sa pamamagitan ng pagpapakita na may pagkakatangi ang <em>hiya<\/em> sa mga ugaling tulad ng <em>agreeableness<\/em> at <em>social desirability <\/em>(SD).\u00a0 Nakita ring may kontribusyon ang <em>hiya<\/em> sa pagpapaliwanag ng mga <em>norm violation <\/em>na iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga ugali.\u00a0 Tinalakay ang posibilidad na may (1) <em>inhibitory <\/em>at <em>accommodative function <\/em>ang <em>hiya<\/em> at (2) dalawa ang dimensyong pumapailalim dito (<em>hiya<\/em> sa <em>hindi ibang tao<\/em> at <em>hiya<\/em> sa <em>ibang tao<\/em>).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p>What is the difference between a person who highly endorses\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0as a value (<em>may hiya<\/em>) versus someone who is least likely to endorse it (<em>walang hiya<\/em>)? To answer this question, two studies were conducted with the following goals: (1) develop a reliable and valid scale of\u00a0<em>hiya\u00a0<\/em>as a value [the\u00a0<em>Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga <\/em>(PHP)] and (2) establish the empirical relations between\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0and traits, attitudes, and norm violations. In both studies, participants answered an online questionnaire. Based on prior theorizing (<em>e.g.<\/em>, Enriquez 1992),\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0was defined as considering other people\u2019s thoughts and feelings before deciding to act or behave. An initial pool of theory-based items was developed in Study 1. In Study 2, items were modified to improve internal consistency. The construct validity of the scale was also examined. The results suggest that the 16-item version of the PHP was internally consistent (a\u00a0= .89). Discriminant validity was established by differentiating\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0from traits such as agreeableness (A) and social desirability (SD). Furthermore, results showed that\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0explains a significant amount of variability in self-reports of prior norm violations over and above the traits A and SD. The implications of\u00a0<em>hiya<\/em>\u00a0as a value\u2019s inhibitory and accommodative functions and its bi-dimensional structure (<em>i.e.<\/em>,\u00a0<em>hiya sa hindi ibang tao<\/em>\u00a0and\u00a0<em>hiya sa ibang tao<\/em>) are discussed.<\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><a style=\"color: #000000;\" href=\"#_ftnref1\" name=\"_ftn1\">[1]<\/a><\/span> Nagpapasalamat ang mga may-akda kay Prop. Jay A. Yacat sa pagtawag ng pansin sa mga may-akda sa posibilidad ng pagkakaroon ng dalawang dimensyon ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Lubos din ang pasasalamat ng mga may-akda sa mga referi na nagbigay ng kanilang mga komentaryo at mungkahi sa unang bersyon ng papel na ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>INTRODUKSIYON<\/strong><\/p>\n<p>Nang naibalita sa dyaryo at iba\u2019t ibang websayt ang tungkol sa paghingi ng paumanhin sa publiko ng may-ari ng isang Korean <em>airline<\/em> dahil sa aberyang idinulot sa mga pasahero ng kanyang anak, ilang Pilipinong <em>netizen <\/em>ang nagkomento na mabuti pa ang <em>chief executive officer <\/em>na ito dahil marunong siyang mahiya at magpakumbaba sa ngalan ng kanyang anak (AFP 2014).\u00a0 Kapag naman may napapabalitang pulitiko sa Pilipinas na diumano ay may ginawang hindi etikal o naaayon sa kanilang responsibilidad bilang <em>public servant<\/em>\u2014halimbawa, ang pagsama ng mga kongresista sa isang biyahe ng pangulo para mamasyal o di kaya ang hindi pagsagot ng isang mataas na opisyal sa mga alegasyon ng kurapsyon na ipinupukol sa kanya\u2014pinupuna sila ng publiko at sinasabihang wala talaga silang <em>hiya<\/em>.\u00a0 May isang kasabihan ding kumalat sa <em>social media<\/em> na pabirong idineklarang, \u201cHindi uso ang <em>hiya<\/em> sa mga taong makapal ang mukha.\u201d\u00a0 Hindi marunong mahiya.\u00a0 <em>Walang hiya<\/em>.\u00a0 Makapal ang mukha.<\/p>\n<p>Sa mga halimbawang nabanggit, tila iniuugnay ang <em>hiya<\/em> sa pagkilos ng nararapat o naaayon sa inaasahan ng ibang tao.\u00a0 Mukhang kapuri-puri ang isang taong may <em>hiya<\/em> samantalang kinaiinisan naman ang sino mang wala nito.\u00a0 Tila lumalabas na sa pang-araw-araw na gamit, kung ang isang tao ay marunong mahiya, gagawin niya kung ano ang tama.\u00a0 Kung lalapatan ang pag-unawa sa <em>hiya<\/em> gamit ang isang sikolohikal na lente, ilang tanong ang posibleng lumitaw: Ano nga kayang mga katangian ang tangan ng isang taong \u201c<em>may hiya<\/em>?\u201d\u00a0 Kung marunong ang isang taong mahiya, ano mismo ang kaalamang mayroon siya?\u00a0 Anu-anong pagkilos ang nagiging bunga ng pagkakaroon ng <em>hiya<\/em>?\u00a0 Marahil ang mas payak pang katanungan: Anong uri ng sikolohikal na konsepto nga ba ito\u2014damdamin (<em>emotion<\/em>), ugali (<em>trait<\/em>), o pagpapahalaga (<em>value<\/em>)?<\/p>\n<p>Layunin ng papel na ito na bigyang-linaw ang <em>hiya<\/em> bilang isang pamantayan ng kilos, isang pagpapahalaga na maaaring magsilbing gabay sa gawi o asal ng isang tao.\u00a0 Matagal nang iminungkahi na isa ang (pagkakaroon ng) <em>hiya<\/em> sa mga pangunahing pinanghahawakang pagpapahalaga ng mga Pilipino (Enriquez 1992).\u00a0 Ayon sa Teorya ng Kapwa ni Virgilio Enriquez, ang pagkataong Pilipino ay binubuo ng isang sistema ng mga magkakaugnay na pagpapahalaga.\u00a0 Labindalawang pagpapahalaga ang ninomina niya na bumubuo sa sistemang ito, kabilang ang kapwa, pakikiramdam, utang na loob, pakikisama, kagandahang-loob, lakas ng loob, pakikibaka, bahala na, karangalan, katarungan, kalayaan, at <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p>Gayumpaman, sa isang pag-aaral na sinubok kumpirmahin ang ilan sa mga proposisyon ng teoryang ito, halos dalawampung porsyento ng mga kalahok ang pumili sa <em>hiya<\/em> bilang isang pamantayang hindi mahalaga sa kanilang buhay.\u00a0 Kung ang mga kalahok ang papipiliin, isa ang <em>hiya<\/em> sa mga pwede nang tanggalin sa listahan ng mga pagpapahalagang Pilipino.\u00a0 Nang inihanay rin ang labindalawang pagpapahalagang nabanggit ayon sa kanilang <em>importance rating<\/em>, ang <em>hiya<\/em> ang nakakuha ng pangalawa sa pinakamababang iskor pagdating sa <em>value endorsement<\/em> (Clemente <em>et al<\/em>. 2008).\u00a0 Idagdag pa na para sa ilang dalubhasa, mas angkop na ituring ang <em>hiya<\/em> bilang isang damdamin kaysa bilang isang pagpapahalaga (<em>e.g.<\/em>, Jocano 1997).<\/p>\n<p>Upang mapagtibay ang proposisyon na isang pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em>, sinikap naming lalo pang pinuhin ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang panukat para rito.\u00a0 Bilang bahagi ng proseso ng pagsubok sa katatagan (<em>reliability<\/em>) at bisa (<em>validity<\/em>) ng binuong panukat, tuwiran naming iniugnay ang pagpapalahaga sa <em>hiya<\/em> sa mga ugali at pagkilos na naaayon sa panuntunan ng lipunan (<em>normative behaviors<\/em>).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGDALUMAT SA <em>HIYA<\/em> BILANG SIKOLOHIKAL NA KONSEPTO<\/strong><\/p>\n<p>Maraming paraan upang unawain ang konsepto ng hiya, lalo pa\u2019t posibleng mag-iba ang depinisyon nito depende sa panlaping ikakabit dito (Salazar 1985).\u00a0 Sa halimbawang ibinigay ni Zeus Salazar, magkakaiba ang \u201cmahiyain\u201d (isang ugali), \u201ckahiya-hiya\u201d (isang damdaming dulot ng isang bagay na ginawa ng isang tao), at \u201cmanghiya\u201d (isang kilos).\u00a0 Kung susuriin ang ilang naisulat na tungkol dito, lumalabas na tatlo ang kadalasang paraan ng pagdalumat sa <em>hiya<\/em>: bilang damdamin, ugali, at pamantayan (<em>value<\/em>) o pagpapahalaga.\u00a0 Bawat isang konseptwalisasyon ay may implikasyon sa pagpapakahulugan sa <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p><strong><em>Hiya Bilang Damdamin<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ayon sa ilang akda (<em>e.g.<\/em>, Lynch 1962; Bulatao 1964; Jocano 1997), ang <em>hiya<\/em> (<em>shame<\/em>) ay isang negatibo at hindi kanais-nais na emosyon.\u00a0 Ang mga damdamin o emosyon\u2014gaya ng tuwa, lungkot, at galit\u2014ay mga dinamikong reaksyong bunga ng pagtatasa (<em>appraisal<\/em>) sa personal na kabuluhan ng isang pangyayari o sitwasyon (Scherer 2000).\u00a0 Kung gayon, may sanhi o pinagmumulan ang isang damdamin.\u00a0 Sa kaso ng <em>hiya<\/em>, nararamdaman ito kapag napagtanto ng isang indibidwal na ang ikinilos niya ay hindi naaayon sa dikta ng lipunan (Lynch 1973) o lumabag ito sa isang obligasyon at mga napagkasunduan (Torres 1985).\u00a0 Maaari ring pagmulan ng <em>hiya<\/em> ang mga sitwasyong nagbubukas sa sarili na maging <em>target <\/em>ng panghuhusga at pangungutya mula sa ibang tao (Bulatao 1964).\u00a0 Bahagi ng karanasan ng <em>hiya<\/em> ang pangamba na madiskubre ng iba ang mga taglay na kahinaan at nagawang kamalian ng sarili.<\/p>\n<p>Itinuturing din ang <em>hiya<\/em> bilang isang damdaming interpersonal at panlipunan (Salazar 1985; Tabbada 2005).\u00a0 Nararanasan ito sa konteksto ng isang interaksyon, sa harap ng ibang tao, o sa mga sitwasyong isinasaalang-alang ng isang indibidwal ang maaaring maging reaksyon o epekto ng kanyang kilos sa lipunan.\u00a0 Subalit, kung walang pakialam ang isang indibidwal sa magiging ebalwasyon sa kanya ng ibang tao, posibleng hindi siya makaramdam ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Kadalasan, ang ibang taong ito na nakapagdudulot ng <em>hiya<\/em> ay yaong mga may kakayahang makaimpluwensya sa pagtingin sa sarili, tulad ng mga magulang o ang lipunan sa pangkabuuan (Bulatao 1964).<\/p>\n<p>Panghuli, madalas na may kaukulang kilos (<em>action tendency<\/em>) na maaaring kasabay, kasunod, o nauuna sa pagdanas ng partikular na damdamin (<em>e.g.<\/em>, ang paghahanda ng katawan na tumakbo o lumaban kapag nakaramdam ng takot) (Lowe at Ziemke 2011).\u00a0 Ang isang taong nakaramdam ng <em>hiya<\/em> ay maaaring mapayuko upang itago ang kanyang mukha o lumisan sa sitwasyong nagbunga ng damdaming ito.\u00a0 Kapag ang isang tao ay nahihiya, may mga kilos na hindi maisagawa (<em>e.g.<\/em>, hindi makapagsalita sa harap ng awtoridad, hindi makapagtanghal sa harap ng maraming tao, hindi makapagpahayag ng tunay na nararamdaman, at iba pa).\u00a0 Kung gayon, isang epekto ng <em>hiya<\/em> ang pagpipigil (<em>inhibition<\/em>) tulad ng pangingimi, pag-aatubili, o pag-aalinlangan sa pagkilos (Torres 1985; Jocano 1997).<\/p>\n<p><strong><em>Hiya Bilang Katangian<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bilang katangiang naglalarawan sa isang tao, mas palasak ang paggamit sa \u201cmahiyain\u201d (<em>shy <\/em>o <em>timid<\/em>) bilang porma ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Sa pagdadalumat na ito, ang pagkamahiyain ay isang ugali (<em>trait<\/em>), isang <em>pattern <\/em>ng pagkilos at pag-iisip na ipinapamalas ng isang inibidwal at madalang magbago-bago sa mga sitwasyon o panahong kinaroroonan ng indibidwal na ito (Nilsson 2014).<\/p>\n<p>Alinsunod sa tradisyon ng <em>trait approach<\/em> sa pag-unawa ng pagkatao (<em>personality<\/em>), masusukat ang pagkamahiyain ng isang indibidwal.\u00a0 Ang bawat indibidwal ay maihahanay ayon sa taas o baba ng kanilang iskor sa panukat; halimbawa, mula sa pinaka-hindi mahiyain hanggang sa pinakamahiyain.\u00a0 Bagama\u2019t itinuturing namin ang <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga, ang pagbuo ng panukat para rito ay nakahanay sa mga nauna nang inisyatiba ng pagbuo ng mga katutubong panukat para sa ugali.\u00a0 Kabilang dito ang <em>Panukat ng Pagkataong Pilipino<\/em> (PPP) (Carlota 1997), <em>Panukat ng Ugali at Pagkatao<\/em> (PUP) (Enriquez at Guanzon-Lape\u00f1a 1997), at <em>Masaklaw na Panukat ng Loob<\/em> (MAPA) (Del Pilar <em>et al<\/em>. nasa imprenta).<\/p>\n<p>Iba\u2019t iba ang naging pamamaraan sa paglikha ng mga aytem at pagbuo ng mga nasabing panukat.\u00a0 Ang PPP, halimbawa, ay gumamit ng <em>inductive emic approach<\/em> kung saan ang mga kalahok ay inatasang maglarawan ng (1) kanilang sariling gawi at (2) gawi ng mga taong kanilang gusto at (3) hindi gusto (Guanzon-Lape\u00f1a <em>et al.<\/em> 1998).\u00a0 Sa isang banda, ang PUP naman ay binuo upang masukat ang mga ugali at ilang pagpapahalaga gamit ang <em>lexical approach<\/em>.\u00a0 Ang mga aytem nito ay hango sa mga kasabihan, salitang makikita sa diksyunaryo, at panayam mula sa mga impormante sa iba\u2019t ibang lalawigan (<em>e.g<\/em>., Bulacan).<\/p>\n<p>Nakita sa pag-aaral nina Marcia Katigbak <em>et al<\/em>. (2002) ang posibilidad na maaaring ilapat sa <em>Five-Factor Model<\/em> (FFM) (McCrae at John 1992) ang 19 na dimensyon ng PPP at 24 na dimensyon ng PUP.\u00a0 Ang FFM ay isang sistematiko at komprehensibong organisasyon ng pagkatao.\u00a0 Kamakailan, sa layong paunlarin ang PPP, sinimulan nina Gregorio E.H. del Pilar <em>et al<\/em>. (nasa imprenta) ang pagsasagawa ng maka-Pilipinong bersyon ng FFM at pinangalanan ngang MAPA.\u00a0 Ang mga aytem ng MAPA ay naglalayong sukatin ang mga <em>facet<\/em> o mga ispisipikong ugali na siyang kumakatawan sa limang masasaklaw na ugali ng FFM: <em>openness to experience, conscientiousness, extraversion, agreeableness<\/em>, at <em>neuroticism<\/em>.<\/p>\n<p>Sa tatlong panukat na nabanggit, tila ang pagkadimayabang mula sa MAPA (ang tendensya na iwasang ipresenta ang sarili bilang mas mahusay sa iba) (Del Pilar <em>et al<\/em>. nasa imprenta), pagkamahiyain ng PUP (Enriquez at Guanzon-Lape\u00f1a 1997), at pagkamaaalalahanin ng PPP (ang tendensya na iwasang makaabala sa iba) (Carlota 1997) ang mga ugaling pinakamalapit sa <em>hiya<\/em> na tinutukoy sa kasalukuyang pag-aaral.\u00a0 Gayumpaman, wala sa mga ito ang eksaktong sumusukat sa <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Idagdag pa na tila bihira ang mga nailathalang pananaliksik na nakatuon mismo sa relasyon ng pagkadimayabang, pagkamahiyain, at pagkamaalalahanin sa mga kaukulang damdamin, paraan ng pag-iisip o pagkilos na bunsod nito.\u00a0 Dahil dito, limitado pa ang maaaring mabanggit tungkol sa kung ano ang kayang i-<em>predict<\/em> ng mga ugaling ito.<\/p>\n<p><strong><em>Hiya Bilang Isang Pagpapahalaga<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa pagdadalumat ni Enriquez (1992) na ang <em>hiya<\/em> ay isang pagpapahalaga.\u00a0 Matatandaang nauna nang nabanggit na ayon sa Teorya ng Kapwa, isa ang <em>hiya<\/em> sa labindalawang pagpapahalagang bumubuo sa <em>value structure <\/em>ng mga Pilipino. \u00a0Bihira ang ganitong konseptwalisasyon ng <em>hiya<\/em> kung kaya marapat na linawin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa dalawang naunang pagdadalumat na natalakay sa itaas.<\/p>\n<p>Kung pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em>, isa itong pamantayan, prinsipyo, o paniniwala na nagsisilbing gabay sa pagkilos ng tao (Schwartz 2006).\u00a0 Naiiba ang mga pagpapahalaga sa ugali o damdamin dahil ang nauna ay laging ninanais o nakabubuti para sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon.\u00a0 Walang pagpapahalagang masama at kapag sinunod na prinsipyo sa buhay ang pagkakaroon ng <em>hiya<\/em>, positibo ang nagiging epekto nito sa kahit saang konteksto (<em>e.g.<\/em>, sa bahay, paaralan, opisina, at iba pa).\u00a0 Hindi tulad ng ugali o damdamin na mas likas sa isang tao (<em>innate<\/em>) at madalas ay awtomatikong naipapahayag, ang mga pagpapahalaga ay natututunan at maaaring magbago.\u00a0 Ang bawat isang pagpapahalaga rin ay may pinag-uugatang mga pangunahing motibasyon (<em>primary motivation<\/em>) (Schwartz 2006; Schwartz 2012).\u00a0 Ibig sabihin, bawat isa sa kanila ay nagpapahayag at kumakatawan sa mga pangunahing mithiin sa buhay.\u00a0 Halimbawa, kung mahalaga sa isang tao ang <em>security<\/em>, pangunahing mithiin niya ang kaligtasan, panlipunang kaayusan, pagkakasundo, at katatagan ng relasyon ng sarili sa ibang mga tao (Schwartz 2006).\u00a0 Sa pagpapakahulugan sa <em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga, importanteng tukuyin ang pangunahing motibasyon nito.<\/p>\n<p>Batay sa mga nasulat na tungkol sa <em>hiya<\/em> (<em>e.g.<\/em>, Bulatao 1964; Church 1986; Mataragnon 1987; Enriquez 1992; Tabbada 2005), binigyang-kahulugan namin ito bilang paniniwala na nararapat o mahalagang isaalang-alang ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao tungkol sa sarili bago ang ano mang pagkilos, lalo na sa mga kontekstong may normatibo at moral na implikasyon.\u00a0 Pansining sa pagpapakahulugang ito, binibigyang-diin ang katangian ng <em>hiya<\/em> bilang isang paniniwala o prinsipyo.\u00a0 Ang isang taong <em>may hiya<\/em> o marunong mahiya (<em>i.e.<\/em>, mataas ang pagpapahalaga sa <em>hiya<\/em>) ay may pakialam sa magiging ebalwasyon sa kanya ng ibang tao.\u00a0 Mahalagang mabanggit na ang isang taong <em>may hiya<\/em> ay hindi kinakailangang mahiyain din o mabilis makaramdam ng <em>hiya<\/em> dahil nga sa magkakaiba ang pagpapahalaga sa ugali at sa damdamin.<\/p>\n<p>Bakit pinahahalagahan ang <em>hiya<\/em>?\u00a0 Pangunahing motibasyon kasi nito ang kabutihang-asal, ang pagkilos ng tama o naaayon sa panuntunan ng lipunan.\u00a0 Sa termino ng Teorya ng Kapwa (Enriquez 1992), isang <em>accommodative value<\/em> ang <em>hiya<\/em> dahil kinakatawan nito ang mithiin ng mga taong panatilihin ang kaayusan ng mga samahan at ng lipunan sa pangkalahatan.\u00a0 Para rin kay Enriquez, may <em>social<\/em> at <em>moral<\/em> na aspekto ang <em>hiya<\/em>, subalit hindi niya gaanong pinalawig ang puntong ito.\u00a0 Sa palagay namin, binibigyang-diin niya rito ang \u201c<em>oughtness<\/em>\u201d na taglay ng mga pagpapahalaga.\u00a0 Kung gayon, pinagsisikapan ng isang taong <em>may hiya<\/em> ang kumilos ng naaayon sa inaasahan sa kanya ng ibang tao at ng lipunan, mula sa mga kapamilya at kaibigan hanggang sa mga awtoridad at taong makapangyarihan, dahil ito ang tamang gawin.<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aantas ng Lebel ng Hiya<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Isang implikasyon ng pagdadalumat sa <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga ay maaaring sukatin o antasin ang kahalagahan nito para sa mga tao.\u00a0 Madalas ay batid ng mga tao ang mga prinsipyong pinanghahawakan nila kaya maaari silang direktang tanungin tungkol dito.\u00a0 Kaiba sa mga damdamin na mga panandalian at lumilipas na karanasan, ang mga pagpapahalaga ay mga prinsipyong pinanghahawakan sa mahaba-habang panahon (<em>e.g.<\/em>, Jin at Rounds 2012; L\u00f6nnqvist <em>et al<\/em>. 2013).\u00a0 Katulad ng mga ugali, maaaring ihanay ang mga indibidwal ayon sa antas ng pag-endorso nila sa sa <em>hiya<\/em> (<em>endorsement of value importance<\/em>), mula sa mga <em>walang hiya<\/em> (<em>i.e.<\/em>, mababa ang pagpapahalaga sa <em>hiya<\/em> o mababa ang pag-endorso sa <em>hiya<\/em> bilang pamantayan sa kanyang buhay) hanggang sa mga <em>may hiya<\/em>.<\/p>\n<p>Isang halimbawa ng mahusay na panukat ng mga unibersal na pagpapahalaga na madalas gamitin sa mga kros-kultural na pag-aaral ang <em>Portrait Values Questionnaire<\/em> (PVQ) (Schwartz <em>et al<\/em>. 2001).\u00a0 Sa PVQ, hindi direktang tinatanong ang kalahok ng kahalagahan ng isang pamantayan sa kanyang buhay (<em>rate the importance of each value as a guiding principle in your life<\/em>).\u00a0 Sa halip, tinatanong ang kalahok na ikumpara ang isang <em>portrait<\/em> (paglalarawan ng mga mithiin sa buhay ng isang tao) sa sarili, kung saan ang paghahambing ay nakapokus sa mithiing nakasaad sa aytem (<em>e.g.<\/em>, kung mahalagang isaalang-alang ang opinyon ng iba) at hindi sa ugali ng isang tao (<em>e.g.<\/em>, kung mahiyain siya o hindi).\u00a0 Tiniyak nila na sa pagbuo ng PVQ, pwede itong magamit sa mga batang kalahok at mga kalahok sa labas ng Estados Unidos ng Amerika at Europa (Schwartz 2012).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RELASYON NG PAGPAPAHALAGA SA MGA UGALI<\/strong><\/p>\n<p>Ang bisa (<em>validity<\/em>) ng <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga ay nakasalalay sa dalawang bagay: (1) may patunay na iba ito sa mga sikolohikal na konsepto na kahawig nito at (2) may kakayahan itong magpaliwanag ng kilos o ng isang sikolohikal na penomena (<em>e.g.<\/em>, Cronbach at Meehl 1955; Comrey 1988; Hinkin 1995; Dawis 2000).\u00a0 Ang pruweba sa unang punto ay batay sa istatistikal na relasyon ng <em>hiya<\/em> sa iba pang <em>individual difference variable<\/em> (<em>e.g.<\/em>, ugali): kung mababa ang korelasyon nila sa isa\u2019t isa, may sapat na basehan para sabihing bagama\u2019t may <em>overlap <\/em>sa mga <em>feature<\/em> nila bilang mga konsepto, mas mataas pa rin ang antas ng pagkakaiba nila.\u00a0 Kaugnay nito, ang pruweba para sa ikalawang punto ay batay sa <em>variance <\/em>na kayang ipaliwanag ng <em>hiya<\/em> kumpara sa kayang ipaliwanag ng ibang mga <em>predictor<\/em> tulad ng mga ugali.\u00a0 Kung kayang ma-<em>predict <\/em>ng <em>hiya<\/em> ang isang kilos (<em>e.g.<\/em>, pagsunod sa mga batas) nang iba at higit pa (<em>over and above<\/em>) sa nape-<em>predict<\/em> ng mga ugali, may malinaw na kontribusyon ito bilang paliwanag ng kilos na hindi naipapaliwanag ng mga ugali.<\/p>\n<p>May ilang pag-aaral nang naghambing sa mga pagpapahalaga at mga ugali (<em>e.g.<\/em>, Roccas <em>et al<\/em>. 2002; Olver at Mooradian 2003; Parks-Leduc <em>et al<\/em>. 2015).\u00a0 Ang mga teoryang kadalasang sinusubok ay ang <em>theory of basic values<\/em> ni Shalom Schwartz (2006) at ang FFM ng pagkatao (<em>e.g.<\/em>, McCrae at John 1992).\u00a0 Ang parehong teoryang ito ay nagmumungkahi ng komprehensibong mga sangkap na bumubuo ng pagkatao.\u00a0 Sa mga pag-aaral na nabanggit, konsistent ang mga resulta sa pagsasabing may sistematikong kaugnayan man ang mga pagpapahalaga at ugali (<em>i.e.<\/em>, <em>significant<\/em> ang korelasyon sa pagitan nila), \u201c<em>conceptually<\/em> <em>distinct<\/em>\u201d pa rin ang dalawang ito (<em>i.e.<\/em>, hindi mataas ang korelasyon sa pagitan nila).<\/p>\n<p>Para sa kasalukuyang imbestigasyon, pinili naming pag-ugnayin ang <em>hiya<\/em> at mga ugali, partikular na ang <em>agreeableness<\/em> at <em>social desirability <\/em>(SD).\u00a0 Ang <em>agreeableness<\/em> (na kabaligtaran ng <em>antagonism<\/em>) ay isang inklinasyon tungo sa pagmintina ng positibong relasyon sa ibang tao.\u00a0 Malapit sa ideya nang \u201cmabait na tao\u201d ang pagiging <em>agreeable<\/em>.\u00a0 Ang mga indibidwal na mataas sa dimensyong ito ay kadalasang mataas ang tiwala sa ibang tao (<em>trusting<\/em>); tapat at mapagkakatiwalaan (<em>straightforward<\/em>); may konsiderasyon sa iba at matulungin (<em>altruistic<\/em>); masunurin, mahinahon, at hindi agresibo (<em>compliant<\/em>); at mapagkumbaba (<em>humble<\/em>).\u00a0 Ang mga mas <em>antagonistic<\/em> ay matigas ang ulo (<em>hardheaded<\/em>), mapagduda (<em>skeptical<\/em>), mayabang (<em>proud<\/em>), palaban (<em>hostile<\/em>), at <em>competitive<\/em> (McCrae at Costa 2003).<\/p>\n<p>Sa isang <em>meta-analysis<\/em>, napag-alamang may katamtamang korelasyon ang <em>agreeableness <\/em>sa mga pagpapahalaga tulad ng <em>conformity <\/em>at <em>tradition<\/em> (Parks-Leduc <em>et al<\/em>. 2015).\u00a0 Pangunahing motibasyon ng <em>conformity<\/em> ang kahinahunan sa pagkilos upang maiwasan ang makapanakit ng iba at makalabag sa inaasahan ng ibang tao, samantalang motibasyon ng <em>tradition<\/em> ang pagrespeto at pagpapanatili ng mga nakaugalian at kalakaran ng lipunan.\u00a0 Ang mga motibasyong nabanggit ay tila sinasalamin rin ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Kung gayon, inaasahang magkakaroon din ng korelasyon ang <em>hiya<\/em> sa <em>agreeableness<\/em>.<\/p>\n<p>Ang SD naman ay ang tendensyang ipresenta at ilarawan ang sarili sa isang positibong paraan (L\u00f6nnqvist <em>et al<\/em>. 2007).\u00a0 Pansining itinuturing namin ang SD bilang isang ugali (<em>i.e.<\/em>, bahagi ng pagkatao), at hindi bilang isang paraan ng pagsagot ng mga panukat (<em>i.e.<\/em>, <em>response style<\/em>) na kailangan kontrolin (Schwartz <em>et al<\/em>. 1997; L\u00f6nnqvist <em>et al<\/em>. 2007; De Vries <em>et al<\/em>. 2014).\u00a0 Maaaring sadya o <em>conscious<\/em> ang isang indibidwal sa tendensya niyang ito (<em>i.e.<\/em>, <em>impression management<\/em>) at maaari rin namang hindi niya namamalayang ginagawa pala niya ito (<em>i.e.<\/em>, <em>self-deceptive enhancement<\/em>).\u00a0 Ang aspekto ng SD na <em>impression management<\/em> (IM) ay nakitang may positibong korelasyon sa <em>agreeableness<\/em> at <em>honesty-humility <\/em>(De Vries <em>et al<\/em>. 2014).\u00a0 Kung gayon, ang mga nagsasabing mataas sila sa IM ay karaniwang inilalarawan ang sarili nilang umiiwas sa pagsisinungaling, panloloko, at iba pang <em>status-oriented misdemeanor<\/em>.<\/p>\n<p>Tulad ng <em>agreeableness<\/em>, positibo rin ang korelasyon ng SD sa mga <em>conformity <\/em>at <em>tradition value <\/em>(Schwartz <em>et al<\/em>. 1997).\u00a0 Para kina Schwartz at sa kanyang mga kasama, may kinalaman sa pagsisikap makakuha ng <em>approval<\/em> ang SD.\u00a0 Layunin ng pagkilos sa isang <em>socially desirable<\/em> na paraan ang pagpapanatili sa <em>status quo<\/em>.\u00a0 Dahil dito, mainam na kandidato ang <em>agreeableness <\/em>at SD bilang mga ugaling ihahambing sa <em>hiya<\/em> dahil pinag-uugnay sila ng magkakatulad na motibasyon.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>RELASYON NG PAGPAPAHALAGA SA MGA SALOOBIN AT KILOS<\/strong><\/p>\n<p>Nabanggit kaninang importante sa pagtakda ng bisa ng <em>hiya<\/em> ang pagpapatunay na may kakayahan itong mag-<em>predict <\/em>ng kilos.\u00a0 Kung hindi man direktang masusukat ang mga aktwal na pagkilos, nagsisilbing <em>proxy<\/em> sa mga ito ang pagsukat ng mga saloobin (<em>attitude<\/em>) at pagtingin ng isang indibidwal sa isang partikular na kilos, tao, bagay, pangyayari, at iba pa (Ajzen 1991).\u00a0 Kung pabor ang isang estudyante sa isang kilos (<em>i.e.<\/em>, positibo ang saloobin niya sa isang kilos) tulad ng pangongopya sa eksam, mataas ang probabilidad na magtatangka siyang gawin ito.<\/p>\n<p>May mga saloobin at kilos na itinuturing na <em>value-expressive<\/em> (<em>e.g.<\/em>, Maio at Olson 1995; Bardi at Schwartz 2003) o mga tahasang manipestasyon ng mga prinsipyong pinanghahawakan.\u00a0 Halimbawa nito ang pagiging magalang at masunurin sa mga nakatatanda bilang mga kilos na direktang nagpapahayag ng pagtataguyod sa <em>conformity <\/em>(<em>i.e.<\/em>, mataas ang <em>importance rating<\/em> dito).\u00a0 Dahil dito, madalas nagiging konsistent ang mga pinanghahawakang prinsipyo, saloobin, at pagtingin sa isang kilos, at ang mismong kilos na isinasagawa ng isang tao.<\/p>\n<p>Madami-dami na rin ang nag-aral tungkol sa ugnayan ng mga pagpapahalaga at iba\u2019t ibang saloobin, mula sa mga saloobin at pagtingin sa mga pagkaing <em>genetically-modified<\/em> (<em>e.g.<\/em>, Dreezens <em>et al<\/em>. 2005) hanggang sa mga saloobin tungkol sa <em>immigration <\/em>(<em>e.g.<\/em>, Davidov <em>et al<\/em>. 2008).\u00a0 Sa kabilang banda, nakikitang ginagamit ang mga pagpapahalaga upang makatulong sa paggawa ng mga desisyon: ang mga prinsipyo sa buhay ang nagiging basahen sa pagtatasa kung alin sa mga pagpipiliang kilos ang mas importante o dapat unahin at makapagdudulot ng pinakakaakit-akit na resulta (Schwartz 2006).\u00a0 Ilan sa mga desisyong nakitaan ng impluwensya ng mga pagpapahalaga ang pagboto sa eleksyon (<em>e.g.<\/em>, Schwartz <em>et al<\/em>. 2010), pangangalaga sa kalikasan (<em>e.g.<\/em>, Schwartz <em>et al<\/em>. 2005), at pagtulong sa kapwa (<em>e.g.<\/em>, Schwartz 2010).<\/p>\n<p>Para sa kasalukuyang imbestigasyon, sinubok namin ang proposisyong may <em>inhibitory function <\/em>ang hiya (<em>e.g.<\/em>, Enriquez 1992; Tabbada 2005).\u00a0 Dahil pangunahing layunin ng <em>hiya<\/em> na gabayan ang isang taong kumilos nang naaayon sa dikta ng lipunan, ang mga indibidwal na <em>may hiya<\/em> ay magiging mas maingat sa kanilang pagkilos.\u00a0 Iiwasan nila dapat ang paglabag sa mga inaaasahan sa kanila ng mga tao.\u00a0 Sa madaling sabi, ang mga <em>may hiya<\/em> ay may mababang probabilidad na gumawa ng hindi kanais-nais o hindi nararapat. \u00a0Aasahang mapapanatili ang maayos na samahan at natitiyak na natutupad ang mga napagkasunduan.\u00a0 Samakatwid, ang mga indibidwal na <em>may hiya<\/em> ay aasahang mas kakaunti ang maitatalang paglabag sa mga panuntunan ng lipunan (<em>norm violation<\/em>).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG KASALUKUYANG PAG-AARAL<\/strong><\/p>\n<p>Alinsunod sa nauna nang pagdalumat sa konsepto (<em>e.g.<\/em>, Enriquez 1992), ang (pagkakaroon ng) <em>hiya<\/em> ay isang pagpapahalaga\u2014isang paniniwala o prinsipyong gumagabay sa kilos.\u00a0 Kung isang pagpapahalaga nga ang <em>hiya<\/em>, paano ngayon ito maaaring sukatin?\u00a0 Sa pagkakaalam namin, wala pang nailathalang pag-aaral na sumubok bumuo ng panukat ng hiya bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Kaugnay nito, madalas ding ang mga pag-aaral sa Pilipinas tungkol sa mga pagpapahalaga ay nakatuon sa pag-unawa ng istruktura ng ugnayan ng mga ito (<em>e.g.<\/em>, Talisayon 1994; Clemente <em>et al<\/em>. 2008; Billedo <em>et al<\/em>. 2011; Bernardo <em>et al<\/em>. 2014) at bihira ang mga sumusuri sa mga sikolohikal na penomenang kaya nitong i-<em>predict<\/em> (<em>e.g<\/em>., Santos 2012).\u00a0 Ano nga kaya ang relasyon ng <em>hiya<\/em> sa mga ugali, saloobin, at kilos?<\/p>\n<p>Dahil inihahanay namin ang kasalukuyang pag-aaral sa mga mas nomotetiko at kros-kultural na tradisyon sa pagsusuri ng mga pagpapahalaga (<em>e.g.<\/em>, Schwartz <em>et al<\/em>. 2001; Roccas <em>et al<\/em>. 2002; Schwartz 2012), mahalagang hakbang ang pagbuo ng panukat ng <em>hiya<\/em> para sa paglinang at pagpapalawig ng <em>nomological network <\/em>nito (Cronbach at Meehl 1955).\u00a0 Kung kakayanin nang antasin o sukatin ang lebel ng <em>hiya<\/em> ng isang tao, magbibigay-daan ito sa mga kwantitatibong paghahambing ng <em>hiya<\/em> sa iba pang sikolohikal na konseptong kamag-anak nito.\u00a0 Magbibigay-daan din ito sa mga pag-aaral na magpapakita ng ebidensya ng kakayahan ng <em>hiya<\/em> na mag\u00ad-<em>predict<\/em> ng iba pang mga sikolohikal na konsepto; halimbawa, mga imbestigasyong sumusuporta sa proposisyong ginagabayan ng <em>hiya<\/em> ang mga kilos, damdamin, at desisyon.<\/p>\n<p>Dalawa ang pangunahing layunin ng papel na ito: (1) bumuo ng isang matatag at mabisang <em>Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga<\/em> (PHP) at (2) tukuyin ang empirikal na kaugnayan ng <em>hiya<\/em> sa mga ugali, saloobin, at kilos na <em>normative-moral<\/em>.\u00a0 Isinakatuparan namin ang dalawang layuning ito sa pamamagitan ng magkahiwalay na pag-aaral.\u00a0 Sa parehong pag-aaral, sumagot ng <em>online questionnaire<\/em> ang mga kalahok.\u00a0 Sinunod namin ang mga mungkahing hakbang sa pagbuo ng isang panukat (<em>e.g.<\/em>, Comrey 1988; Hinkin 1995; Dawis 2000): (a) paglikha ng mga aytem; (b) pagpili ng mga aytem na bubuo sa iskala; at (c) pagtatasa sa katatagan at bisa ng panukat.<\/p>\n<p>Batay sa mga naunang pag-aaral, inasahan naming magkaugnay (<em>correlated<\/em>) subalit may pagkakatangi pa rin (<em>distinct<\/em>) ang <em>hiya<\/em> sa mga ugaling tulad ng <em>agreeableness<\/em> at SD.\u00a0 Inasahan din naming negatibo ang relasyon ng <em>hiya<\/em> sa mga <em>norm violation<\/em> at saloobin patungkol sa mga pagkilos na <em>morally debatable<\/em>.\u00a0 Ibig sabihin, ang mga kalahok na <em>may hiya<\/em> ay may mas mababang probabilidad na lumabag sa batas at mga panuntunang napagkasunduan ng lipunan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>UNANG PAG-AARAL: PAGBUO NG PHP<\/strong><\/p>\n<p>Sa bahaging ito ng kasalukuyang pag-aaral, nilikha ang mga panimulang aytem na siyang bumuo sa unang bersyon ng PHP.\u00a0 Nagkaroon muna ng <em>pilot test<\/em> sa preliminaryong porma ng mga aytem.\u00a0 Sinundan ito ng isa pang mas pormal na pagtatasa ng katatagan ng panukat.\u00a0 Ang nirebisang bersyon ng PHP na bunsod ng pag-aaral na ito ang siya namang ginamit sa ikalawang pag-aaral.<\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Lahat ng mga kalahok sa pag-aaral na ito ay boluntaryong pumayag na sumagot ng isang <em>online questionnaire<\/em>.\u00a0 Napili sila sa pamamagitan ng <em>nonprobability sampling<\/em>.<em>\u00a0 <\/em>Limampu\u2019t tatlong (53) kalahok (37 ang babae, 14 ang lalake, 2 ang hindi nag-ulat ng kasarian) ang sumali sa <em>pilot test<\/em>.\u00a0 Halos lahat sila ay nakatapos na ng kolehiyo habang may dalawang kalahok na mga di-gradwadong mag-aaral.\u00a0 Nasa pagitan ng 17-61 taon ang kanilang mga edad (2 ang hindi nag-ulat ng edad).\u00a0 Nakatira silang lahat sa Kalakhang Maynila.<\/p>\n<p>Para sa sumunod na pormal na pagtatasa ng mga nirebisang aytem, 105 di-gradwado at gradwadong mag-aaral mula sa isang pribadong pamantasan sa Maynila ang lumahok.\u00a0 Nasa pagitan ng 19-27 taong gulang ang mga kalahok.\u00a0 Nakatanggap sila ng insentibo mula sa kanilang mga guro para sa kanilang partisipasyon.<\/p>\n<p><strong><em>Pagsasagawa ng Pananaliksik<\/em><\/strong><\/p>\n<p><em>Paglikha ng mga Aytem<\/em><\/p>\n<p>Ayon sa mungkahi ng ilang mananaliksik (<em>e.g.<\/em>, Comrey 1988; Hinkin 1995; Dawis 2000), mahalaga sa paglikha ng mga aytem ang malinaw na depinisyon ng konseptong susukatin.\u00a0 Sa pamamagitan ng masaklaw na rebyu ng literatura, nabuo ang mga aytem mula sa ilang katutubong panukat ng ugali ng mga Pilipino (<em>e.g.<\/em>, Guanzon-Lape\u00f1a <em>et al<\/em>. 1998).\u00a0 Dahil dito, nagmula ang depinisyon ng <em>hiya<\/em> at maging ang mga aytem na susukat dito mula sa mga nakalap naming naunang pag-aaral tungkol sa <em>hiya<\/em>.\u00a0 Nilimitahan lang namin ang rebyu sa mga nailathalang pananaliksik.\u00a0 Saklaw ng mga ito ang iba\u2019t ibang paraan ng padadalumat sa <em>hiya <\/em>(Lynch 1962; Bulatao 1964; Lynch 1973; Salazar 1985; Torres 1985; Church 1986; Mataragnon 1987; Enriquez 1992; Jocano 1997; Tabbada 2005).\u00a0 Mula sa mga ito, binigyang-kahulugan namin ang <em>hiya<\/em> bilang isang paniniwalang mahalagang isaalang-alang ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao tungkol sa sarili bago ang ano mang pagkilos, lalo sa mga kontekstong may <em>normative-moral<\/em> na implikasyon.<\/p>\n<p>Pagkatapos mapagkasunduan ang kahulugan ng <em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga, nagkanya-kanya kami sa pagsulat ng mga aytem.\u00a0 Ginamit naming batayan ang PVQ (Schwartz <em>et al<\/em>. 2001) para sa porma ng mga ito.\u00a0 Ang bawat aytem sa PVQ ay isang <em>verbal portrait<\/em>, mga kongkretong paglalarawan ng mga mithiin o pangarap ng isang tao nang hindi tuwirang binabanggit ang pagpapahalagang sinusukat.\u00a0 Halimbawa, ang aytem na \u201cImportante para sa kanya ang yumaman.\u00a0 Gusto niyang magkaroon ng maraming pera at mamahaling gamit (<em>It is important to him to be rich.\u00a0 He wants to have a lot of money and expensive things<\/em>)\u201d ay naglalarawan ng isang taong nagpapahalaga sa kapangyarihan (<em>power<\/em>).\u00a0 Kung gayon, ang mga aytem sa PHP ay mga <em>verbal portrait<\/em> din.\u00a0 Naglalarawan sila ng mga mithiin o layon ng isang taong may (mataas na pagpapahalaga sa) <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p>Apat ang naging konsiderasyon namin sa pagsulat ng aytem.\u00a0 Una, kung mapapansin, binubuo ng dalawang pahayag o pangungusap ang isang <em>verbal portrait<\/em>.\u00a0 Ang ganitong porma ng mga aytem ay gumagana sa at nauunawaan ng mga kabataan (<em>e.g.<\/em>, mga estudyanteng nasa hayskul at kolehiyo).\u00a0 Nagamit na ang PVQ sa ilang pag-aaral sa Pilipinas (<em>e.g.<\/em>, Bernardo <em>et al<\/em>. 2014).\u00a0 Dahil panimulang bahagi pa lamang ito ng pagbuo ng panukat ng <em>hiya<\/em> at tinantya pa namin kung aling porma ang pinakamainam para sa aming mga layunin, napagpasyahan naming isulat ang mga <em>verbal portrait <\/em>para sa<em> hiya <\/em>gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap.\u00a0 Ikalawa, tiniyak naming kongkreto ang mga sitwasyon at paglalarawang pinabasa namin sa mga kalahok para madali itong sagutin.\u00a0 Ikatlo, sinikap naming magsulat ng mga aytem na <em>reverse-coded <\/em>para maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga <em>portrait<\/em>.\u00a0 Ikaapat, bagama\u2019t ang pagpapakuhulugan namin sa <em>hiya<\/em> ay nakabatay sa iniisip at nararamdaman ng <em>ibang tao<\/em> (<em>generalized other<\/em>), nagsama rin kami ng mga aytem patungkol sa mga taong mas malapit sa mga kalahok, tulad ng pamilya at mga kaibigan.<\/p>\n<p>Pagkatapos naming pagsama-samahin ang mga sinulat naming aytem, sinuri namin kung alin ang mga magkakatulad o masyadong magkakalapit sa isa\u2019t isa. \u00a0Napagkasunduan naming sapat na ang dalawampu\u2019t limang (25) aytem upang ganap na mailarawan ang isang taong <em>may hiya<\/em> (o <em>walang hiya<\/em>).<\/p>\n<p><em>Pilot Test<\/em><\/p>\n<p>Nagsagawa kami ng <em>pilot test<\/em> upang matiyak naming (a) malinaw at madaling maintindihan ang mga aytem at (b) nasaklaw ng mga aytem ang iba\u2019t ibang sitwasyon kung kailan itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Para sa bahaging ito, nagtanong kami ng mga kakilala na malugod na pumayag na sumagot ng isang <em>online survey<\/em>.\u00a0 Ipinaliwanag namin kung para saan ang pag-aaral, in-<em>e-mail<\/em> sa kanila ang <em>link <\/em>ng palatanungan, at tinanong sila pagkatapos kung may mga pahayag o salitang malabo at mahirap sagutin.<\/p>\n<p>Narito ang panutong binasa ng mga kalahok: \u201cSa bahaging ito, maglalarawan kami ng ilang tao.\u00a0 Pakibasa ang mga deskripsyon sa kanila at pag-isipan mo kung katulad o kapareho mo ang taong inilalarawan ng bawat aytem.\u201d\u00a0 Inantas nila ang mga pahayag gamit ang sumusunod na iskala: 1 = hinding-hindi ako \u2018yan; 2 = hindi ako \u2018yan; 3 = ako \u2018yan nang kaunti; 4 = medyo ako \u2018yan; 5 = ako \u2018yan; at 6 = akong-ako \u2018yan.\u00a0 Bago isagawa ang <em>analysis<\/em>, ni-<em>reverse<\/em> muna ang iskor ng mga aytem na negatibo ang pagkakasulat (<em>negatively-worded<\/em>).\u00a0 Pagkatapos ay kinuha ang <em>mean<\/em> ng iskor para sa sagot sa lahat ng aytem ng bawat isang kalahok.\u00a0 Kapag mataas ang iskor, nangangahulugang <em>may hiya<\/em> o mataas ang pagpapahalaga ng kalahok sa <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p>Dagdag pa rito, binigyan ang mga kalahok ng opsyon kung gusto rin nilang magbigay ng maiigsing sagot para sa mga sumusunod: (1) Magbigay ng mga sitwasyon kung kailan masasabi mong mahalaga ang <em>may hiya<\/em>.\u00a0 (2) Kailan ka nakakaramdam ng <em>hiya<\/em>?\u00a0 (3) Magbigay ng mga katangian ng taong <em>walang hiya<\/em>.\u00a0 Upang tasahin ang <em>content validity<\/em> ng panukat (Cronbach at Meehl 1955), sinuri namin ang mga sagot sa unang tanong, na siyang direktang may kinalaman sa dalumat na pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p><em>Pormal na Pagtatasa ng Katatagan ng Panukat<\/em><\/p>\n<p>Ipinadala namin ang <em>online<\/em> <em>link <\/em>ng panukat sa ilan sa mga kakilala naming guro na nagtuturo ng mga di-gradwado at gradwadong klase sa sikolohiya upang hikayatin ang kanilang mga estudyanteng lumahok sa pag-aaral.\u00a0 Sa unang pahina ng <em>online questionnaire<\/em>, binasa muna ng mga estudyanteng boluntaryong lumahok ang ilang panuto hinggil sa panukat.\u00a0 Nagbigay rin sila ng kanilang <em>consent<\/em>.\u00a0 Pagkatapos ay inantas nila ang 25 aytem gamit ang iskala na nabanggit na sa <em>pilot test<\/em>.\u00a0 Nakasaad sa huling bahagi ng palatanungan ang mga layunin ng pag-aaral, pati na rin ang <em>e-mail<\/em> namin kung sakaling may tanong o paglilinaw ang mga kalahok.\u00a0 Pagkatapos naming kunin ang <em>mean<\/em> ng iskor para sa sagot sa lahat ng aytem ng bawat isang kalahok, nagpatuloy na kami sa pagtatasa ng <em>reliability <\/em>at istruktura ng mga aytem gamit ang<em> exploratory factor analysis <\/em>(EFA).<\/p>\n<p>Ang EFA ay isang matematikong pamamaraan ng pagtukoy kung may istruktura ang ugnayan (<em>correlation<\/em>) na namamagitan sa mga aytem sa isang panukat.\u00a0 Madalas itong gamitin upang malaman kung iisang salik o konsepto (<em>factor<\/em>) lamang ang ipinapahiwatig ng mga iskor sa mga aytem o higit pa sa isa (Reynolds at Livingston 2013).\u00a0 Sa madaling sabi, hinahanap ng EFA ang mga aytem na may mataas na ugnayan sa isa\u2019t isa (<em>e.g.,<\/em> kayang i-<em>predict<\/em> ng aytem 1 ang mga iskor sa aytem 2 pero hindi ng mga iskor sa aytem 3; kung ganoon, mataas ang ugnayan ng aytem 1 at 2).\u00a0 Pagsasama-samahin ng EFA ang mga aytem na mataas ang ugnayan sa isa\u2019t isa at ihahanay sila sa partikular na <em>factor <\/em>kung saan sila nabibilang.\u00a0 Sa kasalukuyang pag-aaral, dahil makitid ang pagdalumat namin sa konsepto ng <em>hiya<\/em> at nakaangkla ang lahat ng mga binuong aytem ng PHP sa partikular na depinisyong inilahad sa itaas, inasahan naming <em>unidimensional<\/em> o iisang salik lang ang pumapailalim sa lahat ng mga aytem (Clark at Watson 1995).\u00a0 Ibig sabihin, inasahan naming mataas ang ugnayan ng lahat ng mga aytem ng PHP sa isa\u2019t isa at pagsasamahin sila ng EFA upang bumuo ng iisang <em>factor<\/em> lamang (<em>i.e.<\/em>, <em>hiya<\/em>).<\/p>\n<p>Malaki ang papel ng EFA sa mga pag-aaral ng mga kakayahan at pagkatao, lalo na sa proseso ng pagbuo ng mga panukat para sa kanila (<em>e.g<\/em>., Meyers <em>et al<\/em>. 2013).\u00a0 Maaari kasing ipakita ng resulta ng EFA kung anong mga aytem ang pwede nang hindi isama sa pinal na bersyon ng isang panukat dahil mababa ang ugnayan nito sa mga <em>factor <\/em>na lumabas.\u00a0 Sa kabilang banda, makikita rin kung minsan sa EFA na higit na sa kailangan ang mga aytem na sumusubok sukatin ang isang <em>factor<\/em>, dahil masyado naman silang magkakaugnay na tila paulit-ulit na lang ang mga tanong at na mas magiging mabisa pa ang panukat kung mas kaunti ang aytem para sa partikular na salik na iyon.\u00a0 Maaari ring matukoy sa resulta ng EFA kung may mga <em>subscale<\/em> ang isang iskala (<em>i.e<\/em>.<em>, <\/em>higit sa isang <em>factor<\/em> ang pumapailalim sa isang konsepto).\u00a0 Halimbawa, gamit ang EFA, nakita sa ilang pag-aaral ng <em>social desirability<\/em> na dalawang salik ang bumubuo nito: ang <em>impression management<\/em> at <em>self-deception<\/em> (<em>e.g.,<\/em> Schwartz <em>et al<\/em>. 1997).\u00a0 Mahalagang tandaang ang resulta ng EFA ay isang gabay lamang sa pagbuo at pagtatasa ng isang panukat.\u00a0 Sa huli, nakasalalay pa rin ang pinal na bersyon ng panukat sa kung ano ang akma ayon sa layunin ng mga mananaliksik, ano ang siyang idinidikta ng teorya, at sa marami pang pag-aaral na siyang kukumpirma sa tatag at bisa ng mga aytem (Clark at Watson 1995; Comrey 1988; Myers <em>et al.<\/em> 2013).<\/p>\n<p><strong><em>Resulta at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Layunin ng unang pag-aaral na ito na makalikha ng mahuhusay na aytem para sa PHP.\u00a0 Ang unang batayan ng kahusayan ay ang katatagan (<em>reliability<\/em>) ng panukat.\u00a0 Mula sa <em>pilot test<\/em>, masasabi nang matatag ang iprinisentang 25 aytem sa mga kalahok (<em>\u03b1<\/em> = 0.88).\u00a0 Ayon sa mga naunang sumagot ng panukat, malinaw ang mga pahayag at madali nilang naunawaan ang mga ito.\u00a0 Batay naman sa pahapyaw na pagsusuri ng ilang sagot hinggil sa mga sitwasyon kung kailan masasabing mahalaga ang <em>hiya<\/em> (hindi lahat ng kalahok ay sinagot ito), masasabi ring malawak na ang saklaw ng mga aytem upang ilarawan ang isang taong <em>may hiya<\/em>.\u00a0 Ilan sa mga sitwasyong nabanggit ng mga kalahok ang mga sumusunod: mga pagkakataong kaharap mo ay estranghero, may awtoridad, matatanda, at mga taong mas mataas sa iyo; sa pampublikong konteksto; kung kukuha ng bagay na hindi iyo kahit walang nakakakita; sa pakikisalamuha sa tao o sa pagtitipon; sa harap ng mga magulang, at iba pa.\u00a0 Ang lahat ng mga sitwasyong ito ay naisali na sa mga aytem na nabuo (tingnan ang Hanayan 1). Dahil may paunang ebidensya na sa tatag at kasapatan ng bilang ng mga aytem, wala nang binago sa mga ito.<\/p>\n<p>Sa mas pormal na pagtatasa ng panukat, kung saan mas marami at mas magkakatulad ang mga kalahok (<em>i.e.<\/em>, mga estudyante ng pamantasan), lumabas pa ring matatag ang panukat (<em>\u03b1<\/em> = 0.92). \u00a0Una muna naming sinuri ang lawak (<em>range<\/em>) ng mga iskor ng mga kalahok, at lawak ng mga sagot sa mga aytem (<em>variability<\/em>).\u00a0 Makikita sa Hanayan 2 na hindi nagkakalayo ang mga lawak ng mga sagot sa bawat aytem sa isa\u2019t isa base sa <em>standard deviation<\/em> (s.d.).\u00a0 Mapapansin ding sa bawat aytem ay may sumagot ng pinakamababa (<em>minimum<\/em>) at pinakamataas (<em>maximum<\/em>) sa iskala.\u00a0 Sa kabuuan, nasa bandang gitna ng iskala (3 = <em>ako \u2018yan nang kaunti<\/em>) ang <em>mean <\/em>(<em>M<\/em>) ng kabuuang iskor ng mga kalahok (<em>M<\/em> = 2.84, s.d. = 0.90).<\/p>\n<p>Pagdating sa usapin ng lawak ng sagot ng mga kalahok, napansin ng ilang mga mananaliksik na dahil ang mga pagpapahalaga ay laging ninanais o nakabubuti para sa lahat ng tao at sa lahat ng pagkakataon (<em>e.g<\/em>., Schwartz 2003, 2006), sa kabuuan ay mataas ang pag-endorso ng mga kalahok sa mga aytem (pansinin na nakasaad sa mga aytem ang mga salitang \u201cmahalaga para sa kanya\u2026\u201d at \u201cimportante para sa kanya\u2026\u201d).\u00a0 Na may mga aytem sa PHP na nakakuha ng mababang <em>mean<\/em> pagdating sa pag-endorso sa kanila (<em>e.g.<\/em>, 2 = <em>hindi ako \u2018yan<\/em>) ay konsistent sa isang pag-aaral kung saan nakitang mababa ang <em>importance rating <\/em>na ibinigay ng mga kalahok sa <em>hiya<\/em> kumpara sa iba pang mga pagpapahalaga (Clemente <em>et al<\/em>. 2008).\u00a0 Kung gayon, bagama\u2019t pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em>, para sa partikular na mga kalahok na ito sa kasalukuyang pag-aaral, maaaring hindi lubusang importante para sa kanila ang <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 1. Rotated Structure Matrix ng Unang Bersyon ng PHP<br \/>\nPagkatapos ng Factor Analysis<\/p>\n<p><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-720 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1.jpg\" alt=\"Clemente 1\" width=\"412\" height=\"710\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1.jpg 412w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1-174x300.jpg 174w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1-100x172.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1-150x258.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1-200x344.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-1-300x516.jpg 300w\" sizes=\"(max-width: 412px) 100vw, 412px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-721 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2.jpg\" alt=\"Clemente 2\" width=\"413\" height=\"733\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2.jpg 413w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2-169x300.jpg 169w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2-100x177.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2-150x266.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2-200x354.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-2-300x532.jpg 300w\" sizes=\"(max-width: 413px) 100vw, 413px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-722 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3.jpg\" alt=\"Clemente 3\" width=\"413\" height=\"733\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3.jpg 413w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3-169x300.jpg 169w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3-100x177.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3-150x266.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3-200x354.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-3-300x532.jpg 300w\" sizes=\"(max-width: 413px) 100vw, 413px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 2. Lawak ng mga Iskor ng mga Kalahok at<br \/>\nLawak ng mga Sagot sa mga Aytem<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-723\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4.jpg\" alt=\"Clemente 4\" width=\"413\" height=\"500\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4.jpg 478w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-247x300.jpg 247w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-100x121.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-150x181.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-200x242.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-300x363.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-4-450x545.jpg 450w\" sizes=\"(max-width: 413px) 100vw, 413px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Dahil iisang konsepto lang naman ang binalak sukatin, inasahan naming <em>homogenous<\/em> ang mga aytem at na iisang <em>factor<\/em> lamang ang pumapailalim sa kanila.\u00a0 Sa madaling sabi, inasahan naming <em>unidimensional <\/em>ang panukat.\u00a0 Upang matiyak ito, sunod naming isinagawa ang EFA.<\/p>\n<p>Batay sa rekomendasyon ng ilang mananaliksik (<em>e.g.<\/em>, Meyers <em>et al<\/em>. 2013), nakaulat dito ang resulta ng <em>principal axis factoring<\/em>.\u00a0 Lumabas na may limang <em>factor<\/em> ang may <em>eigenvalue<\/em> na higit sa 1.00.\u00a0 Kayang maipaliwanag ng limang ito ang 71.12% ng <em>total variance<\/em>.\u00a0 Sinubukan namin ang <em>5-<\/em>, <em>4-<\/em>, <em>3-<\/em>, at <em>2-factor solutions<\/em>.\u00a0 Ngunit mula na rin sa inspeksyon ng <em>scree plot<\/em>, mukhang pinakamakahulugan ang <em>3-factor solution<\/em>, na kayang magpaliwanag ng 57.49% ng <em>total variance<\/em>.\u00a0 Gamit ang <em>promax rotation with Kaiser normalization<\/em>, nakitang mataas ang ugnayan (<em>correlation<\/em>) ng <em>Factor <\/em>1 at 2 (<em>r<\/em> = 0.61), samantalang mababa ang ugnayan ng nauna (<em>r<\/em> = -0.20) at nahuli (<em>r<\/em> = 0.16) sa <em>Factor <\/em>3.<\/p>\n<p>Kung susuriin ang Hanayan 1, ang isang posibleng paliwanag sa pagkakagrupo ng mga aytem ay mula sa mismong porma nila.\u00a0 Maliban sa aytem 11, lahat ng napasailalim sa <em>Factor <\/em>1 ay mga <em>verbal portrait<\/em> na katulad ng porma ng PVQ; dalawang pangungusap ang bawat <em>portrait<\/em>.\u00a0 Sa kabilang banda, lahat ng nasa <em>Factor <\/em>2 ay mga paglalarawan na gumamit ng isang pahayag lamang.\u00a0 Lahat naman ng kabilang sa <em>Factor <\/em>3 ay mga aytem na <em>reverse-coded<\/em>.<em>\u00a0 <\/em>Idagdag pa na kung ang <em>2<\/em>&#8211;<em>factor solution<\/em> ang pagbabatayan, nagsama-sama sa isang <em>factor <\/em>ang mga <em>reverse-coded<\/em> na aytem samantalang sa isa namang <em>factor<\/em> ang mga hindi.\u00a0 Sa puntong ito, kung gayon, mas kumikiling kami sa proposisyong <em>unidimensional <\/em>ang PHP (<em>i.e.<\/em>, lahat ng mga aytem ay sumusukat sa <em>hiya<\/em> kung paano ito binigyang-kahulugan).\u00a0 Ang ano mang pagsasama-sama ng mga aytem ay marahil bunga ng paraan ng pagsulat sa kanila at hindi ng magkakaibang dimensyong pumapailalim sa konsepto.<\/p>\n<p>Bunsod nito, napagkasunduan naming gumamit na lamang ng iisang porma para sa mga <em>portrait<\/em>.\u00a0 Lahat ng dalawampu\u2019t limang aytem na ginamit sa ikalawang pag-aaral ay tig-isang pahayag na lamang.\u00a0 Tingin namin mas nakatulong sa mga kalahok ang pinaikli at simpleng PHP, lalo pa na sa sumunod na pag-aaral ay nadagdagan ang mga iskalang sinagutan nila.\u00a0 Isa pang bentahe ng rebisyong ito ay na kung sakaling may makahulugang dahilan nga sa likod ng pagsasama-sama ng mga aytem, hindi lang ang anyo nila ang magiging posibleng dahilan.<\/p>\n<p>Nakita sa unang pag-aaral na ito na mataas ang <em>internal consistency <\/em>ng unang bersyon ng PHP.\u00a0 Ganito pa rin kaya ang magiging kalalabasan para sa nirebisang bersyon nito?\u00a0 Dagdag dito, pagkatapos mapakita ang katatagan ng panukat, ano ang ebidensya para sa bisa nito?\u00a0 Sinubukan naming sagutin ang mga ito sa ikalawang pag-aaral.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>IKALAWANG PAG-AARAL: PAGTATASA NG KATIBAYAN AT BISA NG PHP<\/strong><\/p>\n<p>Pagkatapos mabuo ang unang bersyon ng PHP, sinikap ng pag-aaral na ito na lalo pang paghusayin ang katatagan ng panukat.\u00a0 Dagdag dito, sinubok din ang husay ng PHP sa pamamagitan ng pagpapatunay na ang sinusukat nitong konsepto ay iba sa mga sikolohikal na konseptong kahawig nito at na may kakayahan itong magpaliwanag ng iba\u2019t ibang sikolohikal na penomena tulad ng mga saloobin at kilos.<\/p>\n<p><strong><em>Kalahok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>403 di-gradwadong mag-aaral mula sa iba\u2019t ibang kolehiyo at pamantasan ang boluntaryong lumahok sa pag-aaral.\u00a0 Napili sila sa pamamagitan ng <em>nonprobability sampling<\/em>.<em>\u00a0 <\/em>May limang estudyanteng nagsumite ng hindi kumpletong datos kaya 398 ang kabuuang bilang ng mga kalahok na sinama sa analisis (228 ang mga babae, 170 ang mga lalake).\u00a0 Nasa pagitan ng 16-31 taong gulang ang edad ng mga kalahok (<em>M<\/em> = 18.86, <em>SD<\/em> = 1.80).\u00a0 Lahat sila ay nakatanggap ng insentibo mula sa kanilang mga guro para sa kanilang partisipasyon.<\/p>\n<p><strong><em>Panukat<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ipinadala namin ang <em>link <\/em>ng <em>online questionnaire<\/em> sa mga kakilala naming guro. \u00a0Hinikayat nila ang kanilang mga estudyante na lumahok.\u00a0 Bukod sa mga panukat, laman din ng palatanungan ang <em>informed consent<\/em>, mga tanong tungkol sa <em>demographic profile<\/em> ng mga sumagot, at sa huli, paliwanag ng mga layunin ng pag-aaral.\u00a0 Ang pagsagot sa <em>online questionnaire<\/em> ay tumagal mula 12 hanggang 30 minuto.\u00a0 Sinagutan ng mga kalahok ang mga sumusunod na panukat:<\/p>\n<p><em>Panukat ng Hiya bilang isang Pagpapahalaga (PHP)<\/em><\/p>\n<p>Pinasagot sa mga kalahok ang 25 aytem ng PHP.\u00a0 Kinumpara nila ang bawat <em>portrait <\/em>o paglalarawan ng isang taong <em>may hiya<\/em> sa kanilang mga sarili.\u00a0 Kaiba sa naunang pag-aaral, tig-isang pangungusap ang bawat pahayag para magkakatulad ang porma nilang lahat.\u00a0 Inantas ng mga kalahok ang mga aytem gamit ang isang iskala (1 = hinding-hindi ako \u2018yan, 6 = akong-ako \u2018yan; <em>\u03b1<\/em> = 0.82).\u00a0 Ang mataas na iskor sa panukat ay nangangahulugang mataas ang pagpapahalaga sa <em>hiya<\/em> ng kalahok.<\/p>\n<p><em>Agreeableness<\/em>.\u00a0 Hango mula sa <em>short form<\/em> ng MAPA ang sampung aytem na sumukat sa <em>agreeableness<\/em> (Del Pilar <em>et al<\/em>. nasa imprenta).\u00a0 Ang MAPA ay isang katutubong panukat na nilikha upang sukatin ang limang masasaklaw na ugaling kabilang sa FFM ng pagkatao (<em>personality<\/em>) (McCrae at John 1992).\u00a0 Ang ilan sa mga aytem na kabilang sa dimensyon ng <em>agreeableness<\/em> (inklinasyon tungo sa pagmintina ng positibong relasyon sa ibang tao) ay ang pagkadimayabang (\u201cHindi importante sa akin na malaman ng iba na mas magaling ako sa kanila\u201d), pagkamapagtiwala (\u201cNaniniwala ako na ang karamihan ng mga tao ay nagsasabi ng totoo\u201d), pagkamaunawain (\u201cMadali kong tinatanggap ang mga dahilan ng ibang tao sa kanilang mga pagkakamali\u201d), at pagkamapagparaya (\u201cNaiinis ako kapag inuunang pagsilbihan ang ibang tao kaysa sa akin,\u201d <em>reverse-coded<\/em>).<\/p>\n<p>Pagkatapos i-<em>reverse-code <\/em>ang ibang aytem, kinuha ang <em>mean<\/em> ng iskor para sa sagot sa lahat ng aytem ng bawat isang kalahok.\u00a0 Kapag mataas ang pag-aantas sa aytem, nangangahulugang <em>agreeable <\/em>ang isang tao (1 = lubos na di sumasang-ayon, 5 = lubos na sumasang-ayon; <em>\u03b1<\/em> = 0.72).<\/p>\n<p><em>Social Desirability (SD)<\/em>.\u00a0 Hango rin mula sa MAPA ang labindalawang aytem na sumukat sa tendensya na ipresenta at ilarawan ang sarili sa isang positibong paraan (Cagasan 2015).\u00a0 Muli, itinuring naming ugali ang SD at hindi isang <em>response<\/em>&#8211;<em>tendency<\/em>.\u00a0 Kabilang dito ang pag-ayon ng mga kilos batay sa kung ano ang katanggap-tanggap sa lipunan (\u201cNi minsan ay hindi ko sinuway ang aking mga magulang;\u201d \u201cAko ay huwarang mamamayan\u201d) at maging ang tendensya ng isang taong magsinungaling (\u201cMay mga pagkakataon na nagpapanggap ako na gusto ko ang isang tao,\u201d <em>reverse-coded<\/em>).\u00a0 Tulad ng unang dalawang panukat, ni-<em>reverse code <\/em>muna ang ibang aytem at saka kinuha ang <em>mean<\/em> ng iskor para sa bawat kalahok.\u00a0 Inantas ang mga aytem gamit ang iskalang tulad ng sa <em>agreeableness<\/em> (<em>\u03b1<\/em> = 0.74).<\/p>\n<p><em>Saloobin Tungkol sa Iba\u2019t Ibang Isyu<\/em><\/p>\n<p>Isang paraan para malaman kung ano ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang nararapat, patas, at makatuwiran ay sa pamamagitan ng pag-alam ng kanyang \u201c<em>moral tolerance<\/em>\u201d (Katz <em>et al.<\/em> 1994).\u00a0 Kaugnay nito, sinukat namin ang mga saloobin ng mga kalahok sa iba\u2019t ibang kontrobersyal at pinagtatalunang isyu.\u00a0 Inangkop namin ang <em>Morally Debatable Scale <\/em>(Katz <em>et al.<\/em> 1994; Vauclair at Fischer 2011) para alamin ang mga pananaw ng kalahok sa dalawang domeyn: (1) mga isyung personal at sekswal (<em>i.e.<\/em>, <em>euthanasia, prostitution, homosexuality, divorce, abortion, <\/em>at <em>suicide<\/em>) at (2) mga isyung may kinalaman sa pandaraya at paggawa ng mga ilegal at maling kilos (<em>i.e.<\/em>, pagtanggap ng lagay o suhol, pag-angkin ng benepisyo mula sa gobyerno na hindi sa iyo, pag-iwas sa pagbayad ng pamasahe, at pandaraya sa pagbayad ng buwis).\u00a0 Nakatuon ang mga naunang isyu sa mga saloobin tungkol sa mga kalayaang dapat tinatamasa ng mga tao, samantalang ang nahuli ay nakapokus sa ideya nila ng katarungan at pagsunod sa obligasyon sa lipunan.<\/p>\n<p>Tinanong ang mga kalahok kung gaano pwedeng pangatwiranan (<em>justify<\/em>) ang sampung isyung nakapaloob sa bawat domeyn.\u00a0 Inulat nila ang kanilang mga saloobin gamit ang <em>10<\/em>&#8211;<em>point<\/em> na iskala (1 = <em>never justified<\/em>, 10 = <em>always justified<\/em>; para sa unang domeyn, <em>\u03b1<\/em> = 0.85; para sa ikalawang domeyn <em>\u03b1<\/em> = 0.81).\u00a0 Kapag mataas ang iskor, ibig sabihin mas <em>lenient<\/em> o <em>tolerant<\/em> ang kalahok sa mga nabanggit na isyu.<\/p>\n<p><em>Tala ng mga Paglabag sa Panuntunan<\/em><\/p>\n<p>Inulat ng mga kalahok ang mga naging <em>norm violation<\/em> nila gamit ang dalawang panukat.\u00a0 Ang mga paglabag na ito ay mga kilos na hindi katanggap-tanggap para sa nakararami o isang grupo ng mga tao dahil sinusuway nito ang mga napagkasunduang batas o panuntunan (McLaughlin at Vitak 2011; Sauerland <em>et al<\/em>. 2013).\u00a0 Ang mga paglabag ay kadalasang may karampatang parusa, na maaaring legal, moral, o kultural.\u00a0 Dalawang klase ng paglabag ang iniugnay sa <em>hiya<\/em>: <em>offline<\/em> at <em>online<\/em>.<\/p>\n<p>Una, ang mga <em>offline violation<\/em> ay mga paglabag na maaaring gawin ng harapan at sa mga konteksto, lugar o sitwasyong nasa labas ng <em>cyberspace<\/em>.\u00a0 Ang mga ito ang kadalasang halimbawa ng maliliit na krimen o kasalanan (<em>petty crime<\/em>).\u00a0 Para sukatin ito, inangkop namin ang <em>Questionnaire about History of Norm-Violating Behaviors<\/em> (Sauerland <em>et al<\/em>. 2013).\u00a0 Iniulat ng mga kalahok kung nagawa na nila at kung gaano nila kadalas gawin ang labimpitong <em>violation<\/em> (1 = hindi ko pa nagawa kahit kailan, 4 = madalas kong gawin; <em>\u03b1<\/em> = 0.86).\u00a0 Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod: pandaraya sa pagsusulit noong hayskul, pag-iwan ng kalat o basura sa mga pampublikong lugar, at pananakit ng iba dahil sa kaaway.<\/p>\n<p>Ikalawa, tiningnan din namin kung may impluwensya ang <em>hiya<\/em> sa mga <em>online violation<\/em> o mga hindi katanggap-tanggap na kilos sa <em>cyberspace<\/em>, partikular na sa mga <em>social networking site<\/em> tulad ng <em>Facebook<\/em>. <em>\u00a0<\/em>Ang mga <em>norm <\/em>sa kontekstong ito ay kadalasang <em>implicit <\/em>at wala masyadong mga pormal na dokumentong nagtatakda kung paano kumilos sa mga kontekstong ito, maliban sa mga <em>user-agreement<\/em> na maaaring nag-iiba-iba sa bawat websayt (Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Ayon din kina Val Hooper at Tarika Kalidas, hindi madaling mapag-iba ang tama sa maling pagkilos kapag <em>online <\/em>ang konteksto kung ikukumpara sa mga paglabag na <em>offline<\/em>.\u00a0 Mas mabilis din magbago-bago ang mga panuntunan sa kontekstong <em>online <\/em>kumpara sa <em>offline<\/em>. <em>\u00a0<\/em>Dahil malawak ang mga posibleng <em>online <\/em>na paglabag, napagkasunduan naming magpokus muna sa mga normatibong pagkilos sa paggamit ng <em>Facebook<\/em>.<\/p>\n<p>Ang mga aytem para sa panukat ng mga <em>online violation<\/em> ay ibinatay namin sa resulta ng dalawang kwalitatibo at eksploratoryong pag-aaral tungkol sa mga katanggap-tanggap na kilos sa <em>Facebook<\/em>.\u00a0 Ang parehong pag-aaral ay Kanluranin (McLaughlin at Vitak 2011; Hooper at Kalidas 2012).\u00a0 Mula sa inilista nilang mga pagkilos, sumulat kami ng walong hindi katanggap-tanggap na pagkilos, tulad ng <em>stalking<\/em>, pag-<em>text<\/em> o pagtingin sa <em>Facebook<\/em> habang may kausap, at pag-<em>post<\/em> ng mga nakakahiyang <em>status<\/em>, larawan, at iba pa.\u00a0 Iniulat din ng mga kalahok kung nagawa na nila at kung gaano nila kadalas gawin ang mga nabanggit (1 = hindi ko pa nagawa kahit kailan, 4 = madalas kong gawin; <em>\u03b1<\/em> = 0.78).<\/p>\n<p><strong><em>Resulta at Diskusyon<\/em><\/strong><\/p>\n<p><em>Nirebisang Bersyon ng PHP<\/em><\/p>\n<p>Isa sa mga layunin ng imbestigasyong ito ay ang makalikha ng isang matatag na panukat ng <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Tulad ng naunang pag-aaral, mataas pa rin ang <em>internal consistency<\/em> ng dalawampu\u2019t limang aytem sa bersyong ito ng PHP na may tig-isang pahayag bawat <em>portrait<\/em>.\u00a0 Sinuri muli namin ang istruktura ng panukat gamit EFA upang malaman kung (a) may mga aytem na mababa ang <em>loading<\/em> at kung gayon pwede nang hindi isama sa panukat; (b) paano magsasama-sama ang mga aytem; at (c) ano ang posibleng paliwanag sa kilos nila.\u00a0 Ginabayan kami ng resulta ng unang pag-aaral sa analisis.<\/p>\n<p>Sa pamamagitan ng <em>principal axis factoring,<\/em> lumabas na may limang <em>factor<\/em> ang nagtamo ng higit sa 1.00 na <em>eigenvalue<\/em>.\u00a0 Kaya ng limang ito na ipaliwanag ang 53% ng <em>total variance<\/em> ng mga iskor.\u00a0 Gamit ang <em>promax rotation with Kaiser normalization<\/em>, sinubukan namin ang <em>5-<\/em>, <em>4-<\/em>, <em>3-<\/em>, at <em>2-factor solutions<\/em>.\u00a0 Muli naming ginamit ang <em>promax rotation<\/em> dahil napag-alaman sa unang pag-aaral na <em>correlated<\/em> ang mga posibleng dimensyon ng iskala.\u00a0 Pinakamainam ang <em>3-factor solution<\/em>.\u00a0 Mula dito, nakitang may limang aytem na mababa ang <em>loading<\/em> sa tatlong domeyn.\u00a0 Tinanggal sila at muli kaming nagsagawa ng EFA sa dalawampung aytem.<\/p>\n<p>Sa pangalawang EFA, 41% ng <em>total variance<\/em> ang kayang ipaliwanag ng solusyong may tatlong domeyn.\u00a0 Sa pagsusuri ng mga aytem sa ilalim ng bawat <em>factor<\/em>, napansin naming nagsama-sama ang lahat ng mga aytem na <em>reverse-coded<\/em>.\u00a0 Napagdesisyunan naming para mas maging konsistent ang PHP sa PVQ na siyang pinagbatayan namin ng porma ng mga aytem (Schwartz <em>et al<\/em>. 2001), tinanggal na rin ang lahat ng mga <em>reverse-coded<\/em>.\u00a0 Tulad ng iba pang panukat ng pagpapahalaga na palasak na sa literatura (<em>e.g.<\/em>, Schwartz 2003; Schwartz 2012), wala rin silang <em>reverse-coded<\/em> na mga aytem at lahat ay nagpapahiwatig ng mga positibong mithiin, layunin, o aspirasyon ng mga tao.\u00a0 Mukhang mainam na desisyon naman ito dahil may kababaan ang <em>internal consistency<\/em> ng <em>sub-scale <\/em>na ito (<em>\u03b1<\/em> = 0.67 para sa 4 na aytem).<\/p>\n<p>Nagsagawa muli kami ng EFA sa natirang labing-anim na aytem.\u00a0 Pinakamainam ang solusyong may dalawang domeyn na kayang magpaliwanag ng 41% ng <em>total variance<\/em> (at kung gayon, walang gaanong nabawas sa kahusayan ng paliwanag mula sa <em>3-factor solution<\/em>).\u00a0 Nasa Hanayan 3 ang mungkahi naming nirebisang bersyon ng PHP.<\/p>\n<p>Nang suriin ang katatagan ng bersyong ito, tumaas ang <em>internal consistency<\/em> mula sa naunang bersyon (<em>\u03b1<\/em> = 0.89).\u00a0 Mula sa dalawampu\u2019t limang aytem, ang nirebisang PHP ay mayroon nang labing-anim (16).\u00a0 Bagama\u2019t mukhang may magkahiwalay na domeyn o dimensyong pumapailalim sa panukat, may kataasan ang <em>correlation<\/em> ng dalawang ito (<em>r<\/em> = 0.59).\u00a0 Dahil dito, napagpasyahan naming pagsamahin muna ang lahat ng aytem ng PHP para sa mga susunod na analisis.\u00a0 Babalikan namin uli ang implikasyon na may dalawang domeyn ang hiya sa pagtalakay.<\/p>\n<p><em>Ugnayan ng Hiya sa mga Ugali, Saloobin, at Kilos<\/em><\/p>\n<p>Ang isa pa sa pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tiyaking mabisa ang PHP.\u00a0 Upang mapakita ito, sinuri namin ang empirikal na ugnayan ng <em>hiya <\/em>sa mga ugali, saloobin, at kilos na lumalabag sa panuntunan ng lipunan.\u00a0 Makikita sa Hanayan 4 ang mga <em>correlation<\/em> ng mga <em>variable<\/em> na sinuri rito (<em>i.e.<\/em>, hiya, <em>agreeableness<\/em>, SD, <em>attitudes toward personal-sexual issues <\/em>at<em> illegal-dishonest issues<\/em>, <em>online<\/em> at <em>offline norm violation<\/em>).\u00a0 Mahalaga sa puntong ito na makita ang ugnayan ng <em>hiya<\/em> sa mga ugali.\u00a0 Lumabas sa analisis na <em>correlated <\/em>ang <em>hiya<\/em> sa <em>agreeableness<\/em> pero hindi sa SD.\u00a0 Mahalaga ito dahil naipakitang iba ang sinusukat ng PHP kumpara sa mga <em>sub-scale<\/em> ng MAPA ng loob.\u00a0 May <em>overlap<\/em> man ang <em>hiya<\/em> sa isa sa mga ugali, kaiba (<em>distinct<\/em>) pa rin ito sa <em>agreeableness<\/em> dahil mababa lang ang korelasyon nilang dalawa.\u00a0 Konsistent ang resultang ito sa naunang mga pag-aaral na naghahambing sa mga pagpapahalaga at ugali (<em>e.g.<\/em>, Roccas <em>et al<\/em>. 2002; Olver at Mooradian 2003; Parks-Leduc <em>et al<\/em>. 2015).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 3. Nirebisang Bersyon ng Panukat ng Hiya<br \/>\nbilang isang Pagpapahalaga<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-724\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5.jpg\" alt=\"Clemente 5\" width=\"433\" height=\"702\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5.jpg 407w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5-185x300.jpg 185w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5-100x162.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5-150x243.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5-200x324.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-5-300x486.jpg 300w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-725\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6.jpg\" alt=\"Clemente 6\" width=\"433\" height=\"184\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6.jpg 409w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6-300x127.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6-100x42.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6-150x63.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-6-200x85.jpg 200w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 4. Mean at Correlation ng mga Variable sa Ikalawang Pag-aaral<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-726\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7.jpg\" alt=\"Clemente 7\" width=\"433\" height=\"346\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7.jpg 650w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-300x240.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-100x80.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-150x120.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-200x160.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-450x360.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-7-600x480.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 433px) 100vw, 433px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Batay sa resulta, kung ilalarawan ang isang taong <em>may (pagpapahalaga sa) hiya<\/em>\u2014iyong naniniwalang marapat na isaalang-alang ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao tungkol sa sarili bago ang ano mang pagkilos\u2014maaaring sabihing mataas ang probabilidad na siya rin ay mapagkumbaba, mapagtiwala, at mauunawain.\u00a0 Sa kabilang banda, maaari ring sabihing kahit na <em>may hiya<\/em> ang isang tao, hindi ibig sabihing may tendensya siyang ipresenta ang sarili niya sa positibong paraan kahit pa ang motibasyon nito ay para makakuha ng <em>social approval<\/em>.<\/p>\n<p><em>Relasyon ng Hiya at mga Ugali sa mga Saloobin<\/em><\/p>\n<p>Sunod naming inalam kung may kakayahan ang <em>hiya<\/em> na magpaliwanag ng mga sikolohikal na penomena tulad ng saloobin at kilos.\u00a0 Una munang sinuri ang ugnayan ng <em>hiya<\/em> sa bawat isyung personal, sekswal, at ilegal nang hindi kasama ang iba pang <em>predictor<\/em>.\u00a0 Nakitang may ugnayan (bagama\u2019t mababa) ang <em>hiya<\/em> at apat sa sampung isyu.\u00a0 Positibo ang relasyon ng <em>hiya<\/em> sa mga saloobin tungkol sa tatlong isyung personal at sekswal: <em>euthanasia<\/em> o <em>mercy killing<\/em> (<em>r<\/em> = 0.12, <em>p<\/em> = .02), <em>homosexuality<\/em> (<em>r<\/em> = 0.17, <em>p<\/em> = .001), at <em>divorce<\/em> (<em>r<\/em> = 0.17, <em>p<\/em> = .001).\u00a0 Ibig sabihin, mas <em>lenient<\/em> ang pananaw ng isang taong <em>may hiya<\/em> pagdating sa mga isyung ito.\u00a0 Sa kabilang banda, mas mababa naman ang <em>tolerance<\/em> ng mga <em>may hiya<\/em> pagdating sa saloobin tungkol sa pandaraya sa pagbabayad ng buwis (<em>r<\/em> = -0.10, <em>p<\/em> = .048).\u00a0 Interesante ang mga ugnayang ito dahil maaari silang magsilbing patunay sa pagiging <em>inhibitory <\/em>ng <em>hiya<\/em>, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.\u00a0 May mga usapin kung saan ang pagsasaalang-alang sa iisipin ng iba ay magdudulot ng negatibong pagtingin dito samantalang may mga usapin na mas nagiging <em>justifiable<\/em> sila.<\/p>\n<p>Pagkatapos, nagsagawa kami ng <em>hierarchical regression<\/em> kung saan unang ipinasok ang mga <em>demographic variable<\/em> tulad ng kasarian (0 = babae, 1 = lalake) at edad.\u00a0 Sunod na ipinasok ang mga ugali.\u00a0 Para makita kung may dagdag na paliwanag pa ang <em>hiya<\/em> bukod sa kasarian, edad, at mga ugali, huling ipinasok ang <em>hiya<\/em> sa modelo.<\/p>\n<p>Bagama\u2019t <em>significant <\/em>ang modelo na kasama lahat ng <em>predictor<\/em> para ipaliwanag ang <em>variance <\/em>ng kabuuang grupo o domeyn ng mga saloobin, wala nang naidagdag pang paliwanag ang <em>hiya<\/em> pagkatapos itong ipasok sa <em>regression <\/em>(tingnan ang Hanayan 5).\u00a0 Halimbawa, 24% ng <em>variance <\/em>ng pangkabuuang saloobin sa mga isyung personal at sekswal ay naipaliwanag na ng kasarian, edad, <em>agreeableness<\/em>, at SD.\u00a0 Hindi na nagbago ang numerong ito pagkatapos ipasok ang <em>hiya<\/em> sa modelo.\u00a0 Ganito rin ang naging resulta nang subukan naming isa-isahin ang pag-<em>predict<\/em> ng saloobin sa bawat isang isyu.\u00a0 Tila nawawalan ng <em>explanatory power <\/em>ang <em>hiya<\/em> kung kasabay nito ang mga <em>demographic variable <\/em>at ugali.\u00a0 Sa madaling sabi, sa pag-<em>predict<\/em> ng mga saloobin sa mga isyung inaral dito, mas <em>informative<\/em> malaman ang ugali ng isang tao (partikular na ang SD) kaysa pagpapahalaga niya sa <em>hiya<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\">Hanayan 5. Relasyon ng Hiya at mga Ugali sa mga Saloobin at Kilos<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8.jpg\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-727\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8.jpg\" alt=\"Clemente 8\" width=\"500\" height=\"192\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8.jpg 827w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-300x114.jpg 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-100x38.jpg 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-150x57.jpg 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-200x76.jpg 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-450x172.jpg 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2018\/08\/Clemente-8-600x229.jpg 600w\" sizes=\"(max-width: 500px) 100vw, 500px\" \/><\/a><\/p>\n<p><em>Relasyon ng Hiya at mga Ugali sa mga Kilos<\/em><\/p>\n<p>Pagdating naman sa pag-<em>predict <\/em>ng kasaysayan ng mga kalahok sa paglabag sa mga panuntunan ng lipunan, nagkaroon na ng epekto ang <em>hiya<\/em>.\u00a0 Nagsagawa uli ng dalawang magkahiwalay na <em>hierarchical regression<\/em> kung saan unang ipinasok ang mga <em>demographic variable<\/em>, na sinundan ng mga ugali, at panghuli ang <em>hiya<\/em> (tingnan ang Hanayan 5).<\/p>\n<p>Para sa mga <em>offline violation<\/em>, may 8% nang kayang ipaliwanag ang kasarian (mas mataas ang <em>norm violation<\/em> ng mga lalake kumpara sa mga babae).\u00a0 May nadagdag na 9% sa paliwanag pagkatapos idagdag ang mga ugali (mas madaming <em>violation<\/em> ang mga mababa sa <em>agreeableness<\/em> at SD).\u00a0 May panibagong 3% pa ang nadagdag sa paliwanag pagkatapos isama ang <em>hiya<\/em> sa modelo (mas madaming <em>violation<\/em> ang mga <em>walang hiya<\/em>).\u00a0 Muling lumabas dito ang isang posibleng ebidensya ng <em>inhibitory<\/em> <em>function<\/em> ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Sa mga kalahok na mataas ang pagpapahalaga sa iisipin at mararamdaman ng iba, mas mababa ang probabilidad na nagawa na nilang mandaya sa exam, mag-iwan ng kalat sa <em>park<\/em>, at makapanakit ng kaaway.\u00a0 Posibleng maging gabay ang <em>hiya<\/em> upang kumilos ng naayon o nararapat sa isang partikular na sitwasyon.<\/p>\n<p>Halos ganito rin ang nakita sa kaso ng mga <em>online violation<\/em>.\u00a0 May 2% kayang ipaliwanag ang kasarian nang ipasok ito sa modelo.\u00a0 Pero nawala rin ang epekto nito nang idagdag ang mga ugali.\u00a0 Labing-anim na porsyento (16%) ang nadagdag sa paliwanag ng <em>agreeableness<\/em> at SD (mas madaming <em>violation<\/em> ang mga mababa sa <em>agreeableness<\/em> at SD). \u00a0Bagama\u2019t maliit ang naging epekto, nakadagdag pa rin ng 1% sa paliwanag ang <em>hiya<\/em> pagkatapos itong isama sa modelo.<\/p>\n<p>Ang kaibahan sa naging prediksyon ng <em>online <\/em>sa <em>offline violation<\/em> ay positibo ang relasyon ng <em>hiya<\/em> sa nauna kumpara sa huli.\u00a0 Ibig sabihin, ang mga <em>may hiya<\/em> ay mas nakapag-<em>stalk online<\/em>, nag-<em>text<\/em> o nag-<em>Facebook<\/em> habang may kausap, at nag-<em>tag<\/em> ng larawan ng kaibigan sa <em>Facebook<\/em> sa mga kuhang hindi maayos ang itsura nila.\u00a0 Pinapasubalian ba nito ang pagiging <em>inhibitory<\/em> ng <em>hiya<\/em>?\u00a0 Maaaring hindi, kung pagbabasehan ang <em>feature <\/em>ng mga pagpapahalaga na maaaring magbago depende sa konteksto.<\/p>\n<p>Pansining negatibo ang relasyon ng mga ugali sa parehong grupo ng paglabag.\u00a0 Naaayon ito sa katangian ng mga ugali na hindi gaanong nagbabago-bago ano man ang konteksto at panahon.\u00a0 Kahit <em>online <\/em>o <em>offline <\/em>ang konteksto, konsistent na mababa ang paglabag ng mga mataas ang <em>agreeableness <\/em>at SD.\u00a0 Sa kabilang banda, ang mga pagpapahalaga ay mas sensitibo sa konteksto.\u00a0 Halimbawa, para kay Enriquez (1992), isang <em>accommodative value<\/em> ang <em>hiya<\/em>.\u00a0 Isang pangunahing motibasyon para pahalagahan ang <em>hiya<\/em> ay ang pagpapanatili ng maayos na samahan.\u00a0 Kung gayon, posibleng sensitibo ang <em>hiya<\/em> sa <em>status quo<\/em> at sa <em>norm <\/em>ng isang partikular na konteksto.\u00a0 Para sa <em>offline violation<\/em>, may malinaw na regulasyon at batas na pinagbabatayan kung ano ang tama sa mali.\u00a0 Malinaw na ang pagnanakaw o pagsira ng gamit ay mali at maaaring sabihing normatibo ang pananaw na ito.\u00a0 Kung gayon, kung <em>may hiya<\/em> ang isang tao at iisipin niya ang pananaw ng karamihan, iiwas siya sa paggawa ng <em>offline violation<\/em>.<\/p>\n<p>Samantala, hindi pa ganoon kalinaw ang mga regulasyon o patakaran pagdating sa mga kilos <em>online<\/em>.\u00a0 Siguro nga maaaring ituring na \u201c<em>violation<\/em>\u201d ang <em>online stalking<\/em> o sunud-sunod na pag-<em>post<\/em> ng mga emosyonal na <em>status <\/em>sa <em>Facebook<\/em>.\u00a0 Subalit kung sa tingin ng mga kalahok ay normatibo naman ito sa kanilang edad o grupo, kahit \u201cmali\u201d ang pananaw sa mga ito, gagawin pa rin nila ang \u201cpaglabag.\u201d\u00a0 Muli, kung <em>accommodative <\/em>nga ang <em>hiya<\/em>, sensitibo ito sa kung ano ang normatibo.\u00a0 Kung kaya, ang mga <em>may hiya<\/em> na nagpapahalaga sa iniisip ng iba ay mas gagawa ng <em>online violation <\/em>kung sa tingin nila ito ang ginagawa ng karamihan.\u00a0 Ito rin ang posibleng paliwanag kung bakit may mga saloobing nagiging mas <em>justifiable <\/em>kung <em>may hiya<\/em> ang kalahok.\u00a0 Balikan ang nakaraang pagtalakay na para sa mga kalahok na <em>may hiya<\/em>, mas <em>lenient<\/em> ang pagtingin nila sa <em>euthanasia, homosexuality, <\/em>at <em>divorce<\/em>.\u00a0 Maaaring normatibo kasi ang ganitong pananaw para sa mga isyung nabanggit.\u00a0 Kailangan pa nang mas masinsing pag-aaral tungkol sa mga puntong ito.\u00a0 Kung sakali, maaaring bigyang-linaw ng mga pag-aaral na ito kung talaga bang <em>dual-process<\/em> ang <em>hiya<\/em>: <em>inhibitory <\/em>at <em>accommodative<\/em>.<\/p>\n<p>Sa kabuuan, maliit man ang kontribusyon (1-3%), may dagdag pa ring paliwanag ang <em>hiya<\/em> nang iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga ugali pagdating sa paglabag sa mga panuntunan.\u00a0 Paunang ebidensya ito na posibleng magkaiba nga ang mga ugali (<em>agreeableness, SD)<\/em> sa <em>hiya<\/em>.\u00a0 Subalit, dahil sa maliit lamang ang kontribusyon ng <em>hiya<\/em> sa pagpapaliwanag ng mga pagkakaiba sa saloobin at kilos, kailangan pa ng higit na pagpipino ng instrumento bago masabing mabisa ang PHP sa pag-<em>predict<\/em> ng mga sikolohikal na penomena.<\/p>\n<p><em>Dalawang Dimensyon ng Hiya?<\/em><\/p>\n<p>Nang suriin namin ang istruktura ng nirebisang bersyon ng PHP, lumabas na may dalawang dimensyon o domeyn na pumapailalim dito (balikan ang Hanayan 3).\u00a0 Interesante ito dahil ganito ang pagdalumat nina Enriquez (1992) at Salazar (1985) ng <em>hiya<\/em>: mayroon itong panloob\/<em>internal<\/em>\/<em>being<\/em> at panlabas\/ <em>external<\/em>\/<em>interpersonal<\/em> na aspekto.\u00a0 Mukhang tinutukoy ng panloob na aspekto ng <em>hiya<\/em> ang pagsasaalang-alang sa personal na <em>conviction <\/em>at <em>moral compass<\/em> ng isang tao.\u00a0 Kabilang dito ang pagpapahalaga sa kanyang konsensya at pagtupad sa mga napagkasunduan kahit hindi siya paalalahanan.\u00a0 Sa kabilang banda, ang panlabas na aspekto ay nakatuon sa iniisip at nararamdaman ng mga <em>generalized other <\/em>(<em>e.g., <\/em>lipunan, mga taong kilala o hindi kilala).<\/p>\n<p>Bagama\u2019t lumabas na may dalawang domeyn ang PHP, hindi pa ito tuwiran o matibay na ebidensya na sinusukat ng mga aytem ang panloob at panlabas na dimensyon.\u00a0 Una sa lahat, may kataasan ang korelasyon ng <em>factor <\/em>1 at <em>factor <\/em>2 (balikan ang Hanayan 4).\u00a0 Ibig sabihin, posibleng iisang salik pa rin ang pumapailalim sa mga aytem (<em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga).<\/p>\n<p>Ikalawa, siniyasat namin kung magkaiba ang kayang i-<em>predict<\/em> ng dalawang <em>factor<\/em> ng PHP.\u00a0 Nagsagawa kami ng hiwalay na mga <em>hierarchical regression<\/em> para sa bawat domeyn (<em>e.g.<\/em>, ni-<em>regress <\/em>ang <em>offline violation <\/em>sa modelong unang pinasok ang mga <em>demographic variable<\/em>, sinundan ng ugali, at panghuli ang <em>factor <\/em>2 lamang).\u00a0 Mas konsistent ang resulta ng <em>factor <\/em>1 ng PHP kumpara sa <em>factor <\/em>2.\u00a0 Halimbawa, ang mga mataas sa <em>factor <\/em>1 ay mababa ang probabilidad na nakagawa ng mga <em>offline violation <\/em>at mataas ang probabilidad na nakagawa ng mga <em>online violation<\/em>.\u00a0 Ang mga aytem sa <em>factor <\/em>2 ay <em>significant predictor<\/em> lang para sa mga <em>offline<\/em> pero hindi sa mga <em>online <\/em>na paglabag.\u00a0 Muli, mahalaga ang mga pag-aaral na mas malinaw na maipapakita ang bisa ng pag-iiba ng dalawang domeyn (panloob at panlabas).\u00a0 Bahagi ng pagtatasa ng <em>2-factor model<\/em> ng <em>hiya<\/em> ang pagpapakitang may kayang i-<em>predict<\/em> ang panloob na aspekto na iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng panlabas na domeyn.<\/p>\n<p>Ikatlo, balikan ang pagpapakahulugan namin ng <em>hiya <\/em>bilang pagsasaalang-alang sa iniisip at nararamdaman ng <em>ibang tao<\/em> bago ang anumang pagkilos.\u00a0 Dahil sa konseptwalisasyong ito nakabatay ang pagbuo ng mga aytem, maaaring sabihing mas nabigyang-diin ng PHP ang panlabas na aspekto ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Paano kaya pag-iibahin ang dalawang domeyn ng <em>hiya<\/em> sa Hanayan 3?<\/p>\n<p>Tila ang mga aytem sa <em>factor <\/em>1 ay nakatuon sa pagsasaalang-alang sa nararamdaman at iisipin ng mga itinuturing na <em>hindi ibang tao <\/em>(HIT) (Enriquez 1992), o mga taong malapit sa sarili.\u00a0 Halimbawa ng mga HIT ang mga kapamilya at kaibigan.\u00a0 Samantala, ang mga aytem sa <em>factor <\/em>2 ay may kaugnayan naman sa pagpapahalaga sa mga <em>ibang tao <\/em>(IT).\u00a0 Ang pinapahalagahan dito ay kung ano ang normatibo para sa lipunan, mga nakatataas sa isang tao, mga estranghero, at maging ang mga taong hindi lubusang kilala.\u00a0 Nakaangkla pa rin ang <em>hiya<\/em> sa kung ano ang normatibo, subalit ang bigat ng pagpapahalaga sa paggawa ng desisyon ay nasa pagitan ng pagsasaalang-alang sa mga HIT o mga IT.\u00a0 Kung gayon, ang pagkakaiba sa pagitan ng <em>factor <\/em>1 at <em>factor <\/em>2 ay posibleng hindi dahil sa sinusukat ng nauna ang panloob na aspekto samantalang panlabas naman ang sa huli.\u00a0 Marahil mas angkop na tawaging <em>hiya sa HIT<\/em> ang <em>factor <\/em>1 samantalang <em>hiya sa IT<\/em> naman ang <em>factor <\/em>2.<\/p>\n<p>Mahalaga para sa mga susunod na pag-aaral na tuwirang bumuo ng mga aytem na nakabatay sa depinisyon ng panlabas at panloob na domeyn ng <em>hiya<\/em> upang mapalitaw ang ugnayan, pagkakatulad, pagkakaiba, at posibleng kontradiksyon nila (<em>e.g., <\/em>pinairal ang konsensya o panloob na pamantayan ng tama sa mali, pero gumawa pa rin ng mga kilos na lumalabag sa kung ano ang normatibo ayon sa pamantayan ng lipunan).\u00a0 Sa puntong ito, naipakita ng pag-aaral ang posibilidad na may dalawang mukha ang <em>hiya<\/em> (sa HIT at IT) at na kailangan pa ng ibang ebidensya para mas patotohanan ang proposisyong ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>KONKLUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Sa pamamagitan ng dalawang pag-aaral, pinakita naming ang nirebisang PHP, na may labing-anim na aytem, ay isang matatag na <em>self-report<\/em> <em>measure<\/em> para sa isa sa mga itinuturing na pagpapahalagang Pilipino.\u00a0 Kung gagamitin ang PHP, masasabing ang isang taong <em>walang hiya<\/em> ay hindi sang-ayon sa pahayag na ito: \u201cMahalaga para sa kanya na malaman kung paano siya nakikita ng ibang tao.\u201d\u00a0 Nakita rin ang empirikal na ugnayan ng <em>hiya<\/em> sa mga ugali, saloobin, at kilos na lumalabag sa mga panuntunan.\u00a0 Kahit may <em>overlap<\/em>, may pagkakaiba ang <em>hiya<\/em> bilang pagpapahalaga kumpara sa <em>agreeableness<\/em> (walang nakitang ugnayan sa pagitan ng <em>hiya<\/em> at SD).\u00a0 Bukod dito, may dagdag na paliwanag ang <em>hiya<\/em> (mga 1-3%) na iba at higit pa sa kayang ipaliwanag ng mga <em>demographic variable<\/em> at mga ugali pagdating sa mga <em>offline<\/em> at <em>online violation<\/em>.\u00a0 Sa puntong ito, maaaring sabihing may kinalaman ang <em>hiya<\/em> sa ilang mga sikolohikal na penomena.\u00a0 Mahalagang kontribusyon ang mga resultang ito dahil konsistent ito sa mga natalakay na ng ibang mga Kanluraning pag-aaral pagdating sa konsepto ng pagpapahalaga.\u00a0 Kabilang dito ang kakayahan ng isang pagpapahalaga na gabayan ang kilos ng isang tao.<\/p>\n<p>Sinikap naming ilatag ang ilang preliminaryong pundasyon para sa mas malawak pang imbestigasyon ng <em>hiya<\/em> bilang isang pagpapahalaga.\u00a0 Sa pagkakaalam namin, ito ang unang pag-aaral na may tahasang ebidensya na tila sumusuporta sa ilang proposisyon ni Enriquez (1992) tungkol sa <em>hiya<\/em>.\u00a0 Naipamalas ang posibilidad na parehong <em>accommodative <\/em>at <em>inhibitory<\/em> ang <em>hiya<\/em>: kung isasaalang-alang ang iniisip at nararamdaman ng ibang tao bago ang ano mang pagkilos, maaari nitong pigilan ang isang kilos, samantalang sa ibang konteksto naman ay iaaayon ng isang tao ang kilos niya sa kung ano ang normatibo.\u00a0 Lumabas din ang posibilidad na may dalawang dimensyon ang <em>hiya<\/em>: ang <em>hiya<\/em> sa HIT at <em>hiya<\/em> sa IT.\u00a0 Kailangan pang kumpirmahin ng ibang pag-aaral ang mga resultang ito.<\/p>\n<p>Kabilang sa mga susunod na hakbang ang pagbuo ng mga aytem para sa panlabas na aspekto ng <em>hiya<\/em> upang malinaw na mapag-iba ito sa panloob na aspekto, na hindi pa na-<em>accommodate<\/em> ng kasalukuyang porma ng PHP.\u00a0 Maaaring gawing mas partisipatoryo ang proseso kung saan magsasagawa muna ng pagtatanong-tanong o ginabayang talakayan sa iba\u2019t ibang grupo ng mga kalahok upang makalikha ng mga aytem bago ang kwantitatibong pagtatasa ng mga ito (<em>e.g.<\/em>, Rowan at Wulff 2007; Castro <em>et al<\/em>. 2010; Ungar at Liebenberg 2011).\u00a0 Bagama\u2019t iniayon naman namin sa mga nailathalang akda ang pagbuo ng aytem at tiniyak ang masusing pagtatasa ng mga ito sa abot ng aming makakaya, maaaring nalimitahan pa rin kami ng aming mga pansariling karanasan at pag-unawa sa konsepto.<\/p>\n<p>Dagdag pa na isang limitasyon din ng kasalukuyang pag-aaral ay puro taga-Maynila at mga mag-aaral sa unibersidad ang mga kalahok.\u00a0 Balikan ang posibilidad na kaya mababa ang pag-endorso sa <em>hiya<\/em> o na makitid ang lawak ng mga iskor ng mga kalahok ay dahil sa pagiging <em>homogenous<\/em> ng grupong sumagot ng PHP.\u00a0 Maganda kung maisasagawa ang pagtatasa ng tatag at bisa ng panukat gamit ang mga kalahok mula sa iba\u2019t ibang lalawigan ng Pilipinas para matiyak na may pagkakapareho sa pag-unawa ng <em>hiya<\/em> kahit magkakaiba ang pangunahing wikang gamit ng mga kalahok.\u00a0 Mainam din kung masusuri ang debelopmental na pagkakaiba sa pag-endorso ng <em>hiya <\/em>sa pamamagitan ng pagpapasagot ng PHP sa mas nakatatanda at maging sa mas nakababata pa sa mga mag-aaral sa kolehiyo (<em>e.g.,<\/em> mga estudyante sa primarya o sekundaryang lebel).<\/p>\n<p>Kaugnay nito, iminungkahi ni Schwartz (2003) ang pagbabago sa porma ng mga <em>portrait <\/em>upang mapalawak pa ang mga sagot sa bawat aytem.\u00a0 Karamihan sa mga aytem ng PHP ay nagsisimula sa \u201c<em>mahalaga para sa kanya<\/em>\u201d at \u201c<em>importante para sa kanya<\/em>\u201d bago ang deskripsyon ng <em>hiya<\/em>.\u00a0 Maaaring subukan ang paggamit ng \u201cnapakahalaga\u201d o \u201cnapakaimportante\u201d sa halip na \u201cimportante\u201d o \u201cmahalaga\u201d lamang para sa ibang mga aytem.\u00a0 Sa gayon, mas magiging <em>extreme<\/em> na ang ibang mga <em>portrait<\/em> na kailangang ikumpara sa sarili na maaaring magresulta sa mas malawak na pagsagot sa mga aytem.<\/p>\n<p>Sa pagtatasa ng tatag at bisa ng PHP, isang estratehiya pa ang pagsasagawa ng <em>re-test<\/em>.\u00a0 Kung pagpapahalaga ang <em>hiya<\/em>, inaasahang matatag ang iskor ng mga parehong kalahok sa ikalawang ulit ng pagkuha ng panukat, kahit pa sa paglipas ng mahaba-habang panahon.\u00a0 Sa susunod na pagkakataon, halimbawa, maaaring pakuhanin ng PHP ang mga estudyanteng kalahok sa simula ng semestre at sa katapusan nito.<\/p>\n<p>Upang lalong mapalawig ang <em>nomological network <\/em>ng <em>hiya<\/em>, mainam kung masusubok din ng mga susunod na pag-aaral ang ilan pang proposisyon ni Enriquez (1992).\u00a0 Halimbawa, para sa kanya, magkaugnay ang <em>hiya<\/em> at pakikiramdam: ang isang taong walang pakikiramdam ay hindi inaaasahang <em>may hiya<\/em>.\u00a0 Itinuring din niyang mga <em>accommodative value <\/em>ang utang na loob at pakikisama.\u00a0 Ibig sabihin kaya ay ginagabayan din ng mga pagpapahalagang ito ang kilos sa pamamagitan ng pag-udyok sa mga taong umayon sa ginagawa ng nakararami?\u00a0 Mayaman sa proposisyon ang Teorya ng Kapwa kung kaya marami ang pwedeng pag-aaral na gawin na nag-uugnay sa <em>hiya<\/em> at iba pang pagpapahalagang Pilipino.<\/p>\n<p>Bahagi ng pagpipino ng pagpapakahulugan sa <em>hiya<\/em> at ng mismong panukat ang pag-imbestiga sa <em>cultural specificity <\/em>o <em>uniqueness <\/em>ng mga ito.\u00a0 Isinagawa ito para sa mga katutubong panukat ng ugali sa pamamagitan ng paghahambing ng mga ito sa mga itinuturing nang <em>universal <\/em>na panukat (Katigbak <em>et al<\/em>. 2002).\u00a0 Ang mapangahas na tanong dito ay: kung mayroon nang mga panukat na kahawig ng PHP, ano pa ang dagdag na kontribusyon nito sa pagpapaliwanag ng mga saloobin, damdamin, at kilos?\u00a0 Halimbawa, itinuturing nang unibersal, matatag, at mabisa ang mga panukat ni Schwartz (2012).\u00a0 Masaklaw na rin ang mga pagpapahalagang iminungkahi niya sa kanyang modelo at nasakop na nito ang mga pagpapahalaga ng maraming bansa at grupo.\u00a0 Makakatulong sa pagtatasa ng <em>cultural specificity<\/em> ng PHP ang maipakita kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng <em>hiya<\/em> sa mga pagpapahalagang tulad ng <em>conformity<\/em> (<em>e.g.<\/em>, pag-iwas na makabagabag o makapanakit ng iba) at <em>tradition<\/em> (<em>e.g.<\/em>, pagrespeto sa mga gawi ng lipunan), mga pagpapahalagang sinasabing unibersal at pamantayan ng nakararami sa loob at labas ng bansa.<\/p>\n<p>Panghuli, sinubukan naming ipakitang may ugnayan ang <em>hiya<\/em> sa mga saloobin at paglabag sa mga panuntunan ng lipunan.\u00a0 Ipinagpalagay naming mga <em>norm violation <\/em>nga sa Pilipinas ang mga aytem na inangkop namin mula sa mga naunang pag-aaral.\u00a0 Sa mga susunod na imbestigasyon, magandang paghusayin pa ang mga panukat ng saloobin at paglabag na aaralin sa pamamagitan ng paggamit ng mas angkop na isyu at paglabag na maaaring mas ispesipiko o malapit sa karanasan ng mga Pilipino (<em>e.g.<\/em>, opinyon at kasaysayan sa paggawa ng mga maituturing na mga <em>corrupt practice<\/em>).\u00a0 Mapag-iibayo rin nito ang mga pag-aaral tungkol sa mga normatibong kilos sa bansa, <em>offline <\/em>o <em>online<\/em> man ang konteksto.\u00a0 Ngayong may panukat nang maaaring tasahin at gamitin sa iba\u2019t ibang konteksto, inaasahan naming mas lalawak pa ang pag-unawa natin tungkol sa mga taong <em>may hiya<\/em> at iyong mga wala.\u00a0 Kontribusyon namin ito sa higit pang pag-unawa sa pagkataong Pilipino at sa paghahanap ng mga posibleng salik na magpapatibay sa mga relasyon at pagkilos na nakabubuti para sa lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Mga Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Agence France-Presse (AFP) (2014, Disyembre 12).\u00a0 Korean Air CEO apologizes for daughter\u2019s \u201cfoolish act.\u201d\u00a0 Nakuha noong Hulyo 31, 2016, mula sa Rappler Website: <a href=\"http:\/\/goo.gl\/wZWBeY\">http:\/\/goo.gl\/wZWBeY<\/a>.<\/p>\n<p>Ajzen, I. (1991).\u00a0 The theory of planned behavior.\u00a0 <em>Organizational Behavior and Human Decision Processes<\/em>, 50 (2), 179-211.<\/p>\n<p>Bardi, A. at S.H. Schwartz (2003).\u00a0 Values and behavior: Strength and structure of relations.<em>\u00a0 Personality and Social Psychology Bulletin<\/em>, 29 (10), 1207-1220.<\/p>\n<p>Bernardo, A.B.I., J.A.R. Clemente, at G.A.D. Liem (2014).\u00a0 Describing the values of Filipino adolescents: A comparison with pan-cultural norms.\u00a0 <em>Journal of Tropical Psychology<\/em>,\u00a04, (e2), 1-8.<\/p>\n<p>Billedo, C.J., J.A. Clemente, E.J. Manalastas, D.M. Qui\u00f1ones, J.A. Yacat, R. Fischer, at H. Cari\u00f1o-Mattison (2011, Agosto 17-19). \u00a0Are Filipino values local or global? Testing the cultural particularity and universality of Filipino values. \u00a0Di-nalathalang papel, 48<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines (PAP), Iloilo City, Philippines.<\/p>\n<p>Bulatao, J.C. (1964).\u00a0 Hiya.\u00a0 <em>Philippine Studies<\/em>, 12 (3), 424-438.<\/p>\n<p>Cagasan, L.P. (2015). \u00a0<em>The development of a Filipino social desirability scale<\/em>. \u00a0Di-nalathalang tesis masteral, University of the Philippines, Diliman, Quezon City.<\/p>\n<p>Carlota, A.J. (1997).\u00a0 <em>Panukat ng Pagkataong Pilipino (Manual)<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Castro, F.G., J.G. Kellison, S.J. Boyd, at A. Kopak (2010). \u00a0A methodology for conducting integrative mixed methods research and data analyses. <em>\u00a0Journal of Mixed Methods Research<\/em>, 4 (4), 342-360.<\/p>\n<p>Church, A.T. (1986). \u00a0<em>Filipino personality: A review of research and writings<\/em>. \u00a0Manila: De La Salle University Press.<\/p>\n<p>Clark, L.A. at D. Watson (1995).\u00a0 Constructing validity: Basic issues in objective scale development.\u00a0 <em>Psychological Assessment<\/em>, 7 (3), 309-319.<\/p>\n<p>Clemente, J.A., D. Belleza, A. Yu, E.V.D. Catibog, G. Solis, at J. Laguerta (2008).\u00a0 Revisiting the kapwa theory: Applying alternative methodologies and gaining new insights.\u00a0 <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 41 (2), 1-32.<\/p>\n<p>Comrey, A.L. (1988). \u00a0Factor-analytic methods of scale development in personality and clinical psychology. <em>\u00a0Journal of Consulting and Clinical Psychology<\/em>, 56 (5), 754-761.<\/p>\n<p>Cronbach, L.J. at P.E. Meehl (1955). \u00a0Construct validity in psychological tests.<em> \u00a0Psychological Bulletin<\/em>, 52 (4), 281-302.<\/p>\n<p>Davidov, E., B. Meuleman, J. Billiet, at P. Schmidt (2008). \u00a0Values and support for immigration: A cross-country comparison. <em>\u00a0European Sociological Review<\/em>, 24 (5), 583-599.<\/p>\n<p>Dawis, R.V. (2000). \u00a0Scale construction and psychometric considerations. \u00a0Nasa H.E.A. Tinsley at S.D. Brown (mga pat.), <em>Handbook of applied multivariate statistics and mathematical modeling<\/em>. \u00a0San Diego, California: Academic Press, 65-94.<\/p>\n<p>Del Pilar, G.E.H., C.P. Sio, L.P. Cagasan, A.C. Siy, at A.J.R. Galang (nasa imprenta). \u00a0<em>Mapa ng Loob: Masaklaw na Panukat ng Loob (Broadband measure of personality); Professional manual. <\/em>\u00a0Quezon City: University of the Philippines Press<em>.<\/em><\/p>\n<p>De Vries, R.E., I. Zettler, at B.E. Hilbig (2014). \u00a0Rethinking trait conceptions of social desirability scales impression management as an expression of honesty-humility. <em>\u00a0Assessment,<\/em> 21 (3), 286-299.<\/p>\n<p>Dreezens, E., C. Martijn, P. Tenb\u00fclt, G. Kok, at N.K. De Vries (2005). Food and values: an examination of values underlying attitudes toward genetically modified-and organically grown food products. <em>\u00a0Appetite,<\/em> 44 (1), 115-122.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992).\u00a0 <em>From colonial to liberation psychology: The Philippine experience<\/em>.\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G., at M.A. Guanzon-Lape\u00f1a (1997).\u00a0 <em>The Panukat ng Ugali at Pagkatao test manual<\/em>.\u00a0 Quezon City, Philippines: Philippine Psychology Research and Training House.<\/p>\n<p>Guanzon-Lape\u00f1a, M.A., A.T. Church, A.J. Carlota, at M.S. Katigbak (1998). \u00a0Indigenous personality measures: Philippine examples.<em> \u00a0Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 29 (1), 249-270.<\/p>\n<p>Hinkin, T.R. (1995). \u00a0A review of scale development practices in the study of organizations. \u00a0<em>Journal of Management<\/em>, 21 (5), 967-988.<\/p>\n<p>Hooper, V. at T. Kalidas (2012). \u00a0Acceptable and unacceptable behaviour on social networking sites: A study of the behavioural norms of youth on Facebook. <em>\u00a0Electronic Journal of Information Systems Evaluation<\/em>, 15 (3), 259-268.<\/p>\n<p>Jin, J. at J. Rounds (2012). \u00a0Stability and change in work values: A meta-analysis of longitudinal studies. <em>\u00a0Journal of Vocational Behavior<\/em>, 80 (2), 326-339.<\/p>\n<p>Jocano, F.L. (1997).\u00a0 <em>Filipino value system: A cultural definition<\/em>.\u00a0 Quezon City: PUNLAD Research House.<\/p>\n<p>Katigbak, M.S., A.T. Church, M.A. Guanzon-Lape\u00f1a, A.J. Carlota, at G.E.H. Del Pilar (2002). \u00a0Are indigenous personality dimensions culture specific? \u00a0Philippine inventories and the five-factor model. \u00a0<em>Journal of Personality and Social Psychology<\/em>, 82 (1), 89-101.<\/p>\n<p>Katz, R.C., J. Santman, at P. Lonero (1994). \u00a0Findings on the revised morally debatable behaviors scale. <em>\u00a0The Journal of Psychology<\/em>, 128 (1), 15-21.<\/p>\n<p>L\u00f6nnqvist, J.E., I. Jasinskaja-Lahti, at M. Verkasalo (2013). \u00a0Rebound effect in personal values: Ingrian Finnish migrants\u2019 values two years after migration.<em> \u00a0Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 44 (7), 1122-1126.<\/p>\n<p>L\u00f6nnqvist, J.E., S. Paunonen, A. Tuulio\u2010Henriksson, J. L\u00f6nnqvist, at M. Verkasalo (2007). \u00a0Substance and style in socially desirable responding. <em>\u00a0Journal of Personality<\/em>, 75 (2), 291-322.<\/p>\n<p>Lowe, R. at T. Ziemke (2011). \u00a0The feeling of action tendencies: On the emotional regulation of goal-directed behavior. <em>\u00a0Frontiers in Psychology, <\/em>2 (346), 1-24.<\/p>\n<p>Lynch, F. (1962). \u00a0Philippine Values II: Social Acceptance. <em>\u00a0Philippine Studies<\/em>, 10 (1), 82\u201399.<\/p>\n<p>Lynch, F. (1973).\u00a0 Social acceptance reconsidered.\u00a0 Nasa F. Lynch at A. de Guzman II (mga pat.), <em>Four readings on Philippine values; Fourth edition<\/em>.\u00a0 Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1-68.<\/p>\n<p>Maio, G.R. at J.M. Olson (1995). \u00a0Relations between values, attitudes, and behavioral intentions: The moderating role of attitude function.<em> \u00a0Journal of Experimental Social Psychology<\/em>, 31 (3), 266-285.<\/p>\n<p>Mataragnon, R.H. (1987).\u00a0 Pakikiramdam in Filipino social interaction.\u00a0 Nasa E.R. Ventura (tagapag-ugnay), <em>Foundations of behavioral sciences: A book of readings.\u00a0 <\/em>Quezon City: University of the Philippines Social Science Committee, 470-482.<\/p>\n<p>McCrae, R.R. at P.T. Costa (2003). <em>\u00a0Personality in adulthood: A five-factor theory perspective<\/em>. \u00a0New York: Guilford Press.<\/p>\n<p>McCrae, R.R. at O.P. John (1992). \u00a0An introduction to the five\u2010factor model and its applications.<em> \u00a0Journal of personality,<\/em> 60 (2), 175-215.<\/p>\n<p>McLaughlin, C. at J. Vitak (2011). \u00a0Norm evolution and violation on Facebook. <em>\u00a0New Media at Society<\/em>, 14 (2), 299-315.<\/p>\n<p>Meyers, L.S., G.C. Gamst, at A.J. Guarino (2013).\u00a0<em> Performing data analysis using IBM SPSS<\/em>. \u00a0Hoboken, New Jersey: John Wiley at Sons, Inc.<\/p>\n<p>Nilsson, A. (2014). \u00a0Personality psychology as the integrative study of traits and worldviews. <em>\u00a0New Ideas in Psychology<\/em>, 32, 18-32.<\/p>\n<p>Olver, J.M. at T.A. Mooradian (2003). \u00a0Personality traits and personal values: a conceptual and empirical integration. <em>\u00a0Personality and Individual Differences<\/em>, 35 (1), 109-125.<\/p>\n<p>Parks-Leduc, L., G. Feldman, at A. Bardi (2015). \u00a0Personality traits and personal values: A meta-analysis. <em>\u00a0Personality and Social Psychology Review<\/em>, 19 (1), 3-29.<\/p>\n<p>Reynolds, C.R. at R.B. Livingston (2013).\u00a0 <em>Mastering modern psychological testing: Theory &amp; methods<\/em>.\u00a0 Boston: Pearson Education Limited.<\/p>\n<p>Roccas, S., L. Sagiv, S.H. Schwartz, at A. Knafo (2002). \u00a0The Big Five personality factors and personal values. \u00a0<em>Personality and Social Psychology Bulletin,<\/em> 28 (6), 789-801.<\/p>\n<p>Rowan, N. at D. Wulff (2007). \u00a0Using qualitative methods to inform scale development. <em>\u00a0The Qualitative Report<\/em>, 12 (3), 450-466.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1985).\u00a0 Hiya: Panlapi at salita.\u00a0 Nasa A. Aganon at M.A. David (mga pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Isyu, pananaw, at kaalaman<\/em>.\u00a0 Manila: National Book Store, 288-297.<\/p>\n<p>Santos, H.C.Y. (2012).\u00a0 Interpersonal motives and cultural values behind forgiveness: A study in the Philippines and in the United States (Doctoral dissertation).\u00a0 Nakuha noong Abril 11, 2016, mula sa Georgetown University Institutional Repository Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/utOB3h\">https:\/\/goo.gl\/utOB3h<\/a>.<\/p>\n<p>Sauerland, M., J.M. Schell, J. Collaris, N.K. Reimer, M. Schneider, at H. Merckelbach (2013). \u00a0\u201cYes, I have sometimes stolen bikes\u201d: Blindness for norm\u2010violating behaviors and implications for suspect interrogations. <em>\u00a0Behavioral Sciences at the Law<\/em>, 31 (2), 239-255.<\/p>\n<p>Scherer, K.R. (2000). \u00a0Emotions as episodes of subsystem synchronization driven by nonlinear appraisal processes. \u00a0Nasa M.D. Lewis at I. Granic (mga pat.), <em>Emotion, development, and self-organization: Dynamic systems approaches to emotional development<\/em>. \u00a0Cambridge, New York: Cambridge University Press, 70-99.<\/p>\n<p>Schultz, P.W., V.V. Gouveia, L.D. Cameron, G. Tankha, P. Schmuck, at M. Fran\u011bk (2005). \u00a0Values and their relationship to environmental concern and conservation behavior. <em>\u00a0Journal of Cross-Cultural Psychology<\/em>, 36 (4), 457-475.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2003).\u00a0 A proposal for measuring value orientations across nations.\u00a0 Nasa <em>Questionnaire development report of the European Social Survey<\/em> (Chapter 7).\u00a0 Nakuha noong Abril 6, 2016, mula sa European Social Survey Website: <a href=\"https:\/\/goo.gl\/lTAqJi\">https:\/\/goo.gl\/lTAqJi<\/a>.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2006).\u00a0 Basic human values: Theory, measurement, and applications. <em>Revue Fran\u00e7aise de Sociologie<\/em>, 47 (4), 929-968.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2010). \u00a0Basic values: How they motivate and inhibit prosocial behavior. \u00a0Nasa M. Mikulincer at P.R. Shaver (mga pat.), <em>Prosocial motives, emotions, and behavior: The better angels of our nature<\/em>. \u00a0Washington, DC: American Psychological Association, 221-241.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H. (2012). \u00a0An overview of the Schwartz theory of basic values. <em>\u00a0Online Readings in Psychology and Culture<\/em>, 11, 1-20.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H., G.V. Caprara, at M. Vecchione (2010). \u00a0Basic personal values, core political values, and voting: A longitudinal analysis. <em>\u00a0Political Psychology<\/em>, 31 (3), 421-452.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H., G. Melech, A. Lehmann, S. Burgess, M. Harris, at V. Owens (2001).\u00a0 Extending the cross-cultural validity of the theory of basic human values with a different method of measurement. \u00a0<em>Journal of Cross-Cultural Psychology,<\/em> 32 (5), 519-542.<\/p>\n<p>Schwartz, S.H., M. Verkasalo, A. Antonovsky, at L. Sagiv (1997). \u00a0Value priorities and social desirability: Much substance, some style. \u00a0<em>British Journal of Social Psychology<\/em>, 36 (1), 3-18.<\/p>\n<p>Tabbada, E.V. (2005). \u00a0A phenomenology of the Tagalog notions of hiya and dangal. \u00a0Nasa R.M. Gripaldo (pat.), <em>Filipino cultural traits: Claro R. Ceniza lectures<\/em>.\u00a0 Washington, D.C.: The Council for Research in Values and Philosophy, 21-55.<\/p>\n<p>Talisayon, S.D. (1994).\u00a0 Distinct elements of Filipino values: Cross-national comparisons.\u00a0 Nasa T.B. Obusan at A.R. Enriquez (mga pat.), <em>The Filipino spiritual culture<\/em>.\u00a0 Quezon City: Mamamathala, Inc., 39-48.<\/p>\n<p>Torres, A.T. (1985). \u00a0Kinship and social relations in Filipino culture.\u00a0 Nasa A. Aganon at M.A. David (mga pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Isyu, pananaw, at kaalaman<\/em>.\u00a0 Manila: National Book Store, 487-509.<\/p>\n<p>Ungar, M. at L. Liebenberg (2011). Assessing resilience across cultures using mixed methods: Construction of the child and youth resilience measure. \u00a0<em>Journal of Mixed Methods Research<\/em>, 5 (2), 126-149.<\/p>\n<p>Vauclair, C.M. at R. Fischer (2011). \u00a0Do cultural values predict individuals\u2019 moral attitudes? A cross\u2010cultural multilevel approach. \u00a0<em>European Journal of Social Psychology, <\/em>41 (5), 645-657.<\/p>\n<p><strong>\u00a0<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Jose Antonio R. Clemente, Ph.D. Department of Psychology University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Adrianne John R. Galang at Alessandra T. Arpon Department of Psychology De La Salle University, Manila[1] Abstrak Paano nga ba naiiba ang isang taong &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-sino-ang-may-hiya-at-sino-naman-ang-wala-paunang-pagtitibay-sa-panukat-ng-hiya-bilang-isang-pagpapahalaga\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 5, Nobyembre 2017] Sino ang May Hiya at Sino naman ang Wala? Paunang Pagtitibay sa Panukat ng Hiya Bilang Isang Pagpapahalaga<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[10],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/719"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=719"}],"version-history":[{"count":13,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/719\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":812,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/719\/revisions\/812"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=719"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=719"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=719"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}