{"id":680,"date":"2015-11-17T03:30:19","date_gmt":"2015-11-17T03:30:19","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=680"},"modified":"2018-01-08T03:34:28","modified_gmt":"2018-01-08T03:34:28","slug":"diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-si-doc-e-ang-sp-at-ang-pssp-panayam-kay-grace-aguiling-dalisay","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-si-doc-e-ang-sp-at-ang-pssp-panayam-kay-grace-aguiling-dalisay\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 3, Nobyembre 2015] Si Doc E, ang SP, at ang PSSP: Panayam kay Grace Aguiling-Dalisay"},"content":{"rendered":"<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Jayson D. Petras<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">University of the Philippines (UP), Diliman Quezon City<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>PAGPAPAKILALA<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Iginagalang na propesor sa Sikolohiya at pangunahing tagapagtaguyod ng naaayon-sa-kulturang praktis at kawanggawa para sa panlipunang pagbabago si Grace Aguiling-Dalisay.\u00a0 Nagtapos siya ng kaniyang digri sa B.S. Psychology (1977), M.A. Psychology (1983), at Ph.D. Psychology: Developmental (1990) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Mayroon din siyang Professional Diploma in Family Ministries mula sa Center for Family Ministries, Loyola School of Theology, Loyola Heights at naging Visiting Scholar sa Bank Street College of Education, New York.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mag-aaral at katuwang na mananaliksik ni Virgilio G. Enriquez, naging impluwensiyal kay Aguiling-Dalisay ang mga kaisipan at paninindigan ng Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Litaw ito sa kaniyang naging pagtuturo sa nakalipas na 37 taon sa UP Departamento ng Sikolohiya at sa kaniyang adbokasiya kaugnay ng bolunterismo sa loob at labas ng unibersidad.\u00a0 Ilan sa kaniyang mga hinahawakang kurso at isinasagawang pananaliksik, programa sa pagsasanay, konsultasyon, at kawangggawa ay umiinog sa mga larangan ng Sikolohiya ng Pag-unlad, Pagka-ama, at Pagkamagulang, Sekswalidad at Pagkatao, Kabataaang Nahaharap sa Krisis, Bolunterismo at Panlipunang Pananagutan, Kwalitatibong Pamamaraan ng Pananaliksik, at Sistema ng Pamamahala sa Kawanggawa.\u00a0 Dagdag pa rito, naging tagapanayam at tagapayo siya sa iba\u2019t ibang larangan ng katutubong sikolohiya sa mga programa ng simbahan, pamahalaan, akademya, at negosyo.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nagsilbi si Aguiling-Dalisay bilang Direktor ng UP Diliman Ugnayan ng Pahinungod noong 1994-1996 at Ugnayan ng Pahinungod System Office noong 1995.\u00a0 Siya rin ang Pinuno at Pangulong Tagapagtatag ng <em>Volunteer Organizations Information, Coordination and Exchange <\/em>(VOICE)<em> Network<\/em> simula 2001. Taglay ni Aguiling-Dalisay ang ekstensibong karanasan sa pagkakaloob ng kultural na pagsasanay sa mga expatriate ng iba\u2019t ibang kompanyang multinasyonal sa Pilipinas at mga banyagang boluntaryong naglilingkod sa bansa. Nagsisilbi rin siya bilang Resource Person para sa Cadetship Program of the Foreign Service Officers ng Department of Foreign Affairs.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Hindi matatawaran ang naging kontribusyon ni Aguiling-Dalisay sa pagtataguyod sa <em>Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino<\/em> (PSSP).\u00a0 Naglingkod siya bilang Miyembro ng Lupon at kabilang din sa Kasaping Panghabambuhay ng samahan.\u00a0 Tatlong termino rin niyang hinawakan ang pagka-Pangulo ng PSSP sa mga taong 1993-1994 at 2003-2007. Bukod dito, nasa ilalim din ng publikasyon ng PSSP ang dalawa sa kaniyang pinangunahang pag-aaral: <em>Usapang Lalake: Paglalahad ng mga Lalaking Cuyonon<\/em> (2000) kasama si N. Jagmis-Socrates; at, <em>Pagkalalake: Men in Control? Filipino Male Views on Love, Sex &amp; Women<\/em> (2000), kasama sina R. Mendoza, J. Mirafelix, J. Yacat, E. Sto. Domingo, at R. Bambico.\u00a0 \u00a0Kontribusyon din sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino ang kaniyang mga librong <em>Luto ng Diyos: Mga Kuwento ng Buhay Mag-asawa<\/em> (1995\/1996), kasama sina R. Mendoza, J. Santos, at A. Echevaria, na inilathala ng Philippine Psychology Research and Training House (PPRTH), at ang <em>Extending the Self: Volunteering as Pakikipagkapwa <\/em>(2004), kasama sina J. Yacat at A. Navarro, sa ilalim ng publikasyon ng UP National College of Public Administration and Governance Center for Leadership, Citizenship, and Democracy.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kaugnay naman ng kaniyang akademikong gawain bilang developmental psychologist, naglingkod si Aguling-Dalisay bilang Direktor sa Pananaliksik ng Philippine Sesame Street Project na siyang responsable sa pagkakabuo ng programang pantelebisyong <em>Batibot<\/em>. Nagsisilbi rin siya bilang Philippine Country Director ng International Children in Crisis Research Project. Bukod dito, siya ang tumatayong Consultant ng Wyeth Academic Series on Giftedness and Child Development.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Humawak at patuloy na humahawak si Aguling-Dalisay ng iba\u2019t ibang gawaing administratibo na kinapapalooban ng pagiging Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko ng Miriam College (2005-2008), Pangulo ng Republican College (2008-2010), Tagapangulo ng UP Departamento ng Sikolohiya (2012-2014), at Dekano ng UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (2014-kasalukuyan). Ang kaniyang mga boluntaryong gawain sa pangangasiwa at edukasyon ay kinapapalooban ng kaniyang pagiging kasapi ng iba\u2019t ibang tuon-sa-edukasyong samahan. Sa katunayan, siya ang Trustee ng Center for Educational Measurement (CEM) at ng Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU).<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>PANAYAM*<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Jayson D. Petras (JDP): Ano-ano ang pangunahing bagay na nagbunsod sa iyo upang tahakin ang landas ng Sikolohiyang Pilipino?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Grace Aguiling-Dalisay (GAD):<\/strong>\u00a0 Pwedeng sabihing hindi ko siya awtomatikong pinili.\u00a0 Nagsimula ang aking interes nang maging estudyante ako ni Doc E sa maraming asignatura.\u00a0 Noong araw naman kasi, maraming itinuturo ang titser.\u00a0 Bahagi nun ang mga klase ko sa kaniya.\u00a0 Estilo niya sa klase ay \u2018yung ipinapasalin niya ang mga aklat kasi kahit noon pa, ang sinasabi ng mga tao ay hindi pwedeng gumamit ng P\/Filipino kasi wala namang mga aklat sa P\/Filipino.\u00a0 Na hindi naman siya wikang ginagamit ng pormal sa mga pag-uusap kaya hindi siya wikang pwedeng gamitin sa unibersidad.\u00a0 Kaya \u2018yung isang naging, sabihin na nating proyekto niya, ay isinasalin \u2018yung mga aklat.\u00a0 Halimbawa, \u2018yung \u201cIntroduction to Psychology\u201d na teksbuk na Hilgard\u2019s. Ayun, may kanya-kanyang tsapter.\u00a0 So, parang nagsimula sa ganun.\u00a0 Tsaka nung bumalik si Doc E, estudyante ako noon.\u00a0 Very passionate siya sa Sikolohiyang Pilipino na itinuturo niya.\u00a0 Don nagsimula talaga, bilang estudyante n\u2019ya sa undergrad at pagkatapos nun ay bilang estudyante niya sa graduate school.\u00a0 Pagtagal, na-involve rin ako sa PSSP at kinalaunan ay sa PPRTH.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Sa iyong pakikipagtrabaho at pakikipag-unayan kay Doc E, ano ang pagkakilala mo sa kaniya, o ang masasabi mong pinakamahalaga niyang katangian?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD:<\/strong> Si Doc E e simbolong masasabing inspirasyon sa mga estudyante niya kasi malinaw kung ano ang paniwala n\u2019ya.\u00a0 Malinaw kung ano \u2018yung gusto niyang mangyari.\u00a0 So, madaling sundan kung ano \u2018yung gusto n\u2019ya at sino s\u2019ya.\u00a0 Generous siya sa mga alam niya.\u00a0 Hindi niya ipinapagkait ang mga alam niyang teorya. Kapag may ganitong libro s\u2019ya, sasabihin niya sa lahat. \u00a0Pwede mong tingnan \u2018yung mga libro niya.\u00a0 Kung meron siyang mga bagong ideya, mahilig nga siya doon sa uupo siyang kasama mo tapos, \u201cAnong tingin mo dito?\u201d Tapos, mag-uusap kayo tungkol don sa mga paksa. So, mentor siya na siguro sa tradisyunal na pamamaraan. Kaya lang, binabalanse niya ito kasi mahilig rin siyang mag-enjoy sa buhay.\u00a0 Estrikto siya sa kung ano \u2018yung hinihingi n\u2019ya para sa klase.\u00a0 Meron din siyang isang mukha o buhay na gusto niyang nag-e-enjoy. \u00a0Kakain sa labas.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Naalala ko rin, nung graduate student na ako.\u00a0 Kasi pumasok ako agad ng grad school pagkatapos ng bachelor\u2019s, so meron na akong mga kaklase noon na nagtatapos na ng Ph.D. Makikita mo na kahit sila, itong mga propesyunal na at \u2018yung mahaba-haba na ang karanasan sa kanilang pagiging sikolohista, pero kitang-kita nila \u2018yung kahalagahan ng sinasabi ni Doc E na importanteng isakonteksto \u2018yung gawain at mahalagang tingnan ang kulturang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Ano-anong mga piraso ng kabuuan ng SP (pilosopiya, teorya, metodo, gamit, at iba pa) ang itinuturing mong pinakamahalaga?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD<\/strong>: Siyempre magsisimula don sa konsepto, \u2018yung kaisipan, at saka \u2018yung paniniwala.\u00a0 \u2018Yung paninindigan na hindi maaaring maunawaan ang Pilipino nang hiwalay sa kaniyang kulturang ginagalawan.\u00a0 Sabihin pa na may mga pagbabago na sa mundo, na nasa iba\u2019t ibang lugar na ang mga Pilipino, na may iba\u2019t ibang grupo man sa Pilipinas, pero nandun \u2018yung pagkilala na gumagalaw tayo sa isang kultura na humuhubog sa kung sino tayo.\u00a0 Kaugnay nito ay \u2018yung pananaliksik.\u00a0 Sa tingin ko, sa SP nanggaling \u2018yung hamon na kapag gagawa ka ng pag-aaral o pananaliksik sa sikolohiya, kailangang lumabas ka sa unibersidad.\u00a0 Kailangan mong alalahanin na may iba\u2019t ibang sektor sa lipunan at mahalagang maunawaan din nila \u2018yung kahalagahan ng sikolohiya, \u2018yung sikolohiya na kabahagi sila.\u00a0 Mahalagang kabahagi sila ng pagiging Pilipino.\u00a0 Siguro sa trabaho ko, mas naroon ako sa mga paraan kung paanong ginagamit \u2018yung Sikolohiyang Pilipino sa pagtuturo at saka sa paggamit ng mga metodo, sa kung paano mo makikita ang kahalagahan ng SP sa iba\u2019t ibang gawain, nasa sikolohiya man o hindi.\u00a0 Don ko nakikita \u2018yung angking ambag ng Sikolohiyang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Para sa iyo, alin ang mas matimbang, SP bilang disiplina o SP bilang kilusan?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD:<\/strong> Sa tingin ko, magkatuwang sila.\u00a0 Mahirap siyang paghiwalayin sa kaso ng Pilipinas.\u00a0 Halimbawa, kung titingnan, kahit naman sa ibang disiplina, laging may professional organization.\u00a0 Ito kasi \u2018yung nagtutulak doon sa mga ginagawa sa loob ng akademya.\u00a0 Ito rin \u2018yung paraan paano mo maaabot \u2018yung iba pang mga grupo.\u00a0 Ito \u2018yung paraan kung paano nagtitipon ang mga taong nandoon sa larangan na iyon \u2013 iba\u2019t ibang sektor mula sa iba\u2019t ibang unibersidad sa iba\u2019t ibang lugar.\u00a0 Sa tingin ko, mahalaga \u2018yung professional organization sa kilusan, lalo\u2019t higit sa SP.\u00a0 Bakit? Dahil hanggang ngayon, nasa punto pa rin siya na may ipinaglalaban, na hindi pa rin malinaw sa mga tao kung ano ba \u2018yung kaibahan niya doon sa ibang larangan ng sikolohiya.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kaugnay nito, \u2018yung Sikolohiyang Pilipino bilang disiplina, siyempre kailangan mong i-assert sa Psych na \u2018yun ay isang disiplina.\u00a0 Madalas diyan, tila di nakikita ang kaibahan nito sa iba pero kailangan ding tandaan, na bago pa lang ang SP.\u00a0 Ilang dekada pa lang kung ikukumpara sa malalaking teorya \u2013 Piaget, Freud, etc.\u00a0 Hindi makatarungan talaga na pagbungguin.\u00a0 Kailangan lang e ipagpatuloy \u2018yung pag-aaral para matugunan o masagot \u2018yung mga bagay na hindi pa rin malinaw sa ngayon.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Mula sa panahong nailunsad ang SP, ano-ano ang mahahalagang pangyayari o pagbabago sa kilusang pang-akademiko, kung mayroon?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD:<\/strong> Okey. \u2018Yung isa, sa larangang akademya, ay naging required subject ang Psychology 108.\u00a0 So, \u2018yung Sikolohiyang Pilipino ay naging bahagi na ng kurikulum sa sikolohiya.\u00a0 Meron nang subject at naituro na rin ito sa ibang paaralan.\u00a0 \u2018Yun nga lang, iba-iba pa rin ang paraan ng pagtuturo nito.\u00a0 Sa UP, nakatulong din na merong mga disiplina na requirement din ang Sikolohiyang Pilipino gaya sa NCPAG, at sa iba ay elective naman.\u00a0 Sa UP Psych, merong Ph.D. in Philippine Psychology.\u00a0 Ibig sabihin nun, nakikitang mahalaga at bukod na larangan sa pag-aaral sa sikolohiya ang Sikolohiyang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mahalaga rin \u2018yung mga tao sa labas ng akademya. Nakita nila kung ano \u2018yung kahalagahan ng SP sa aplikasyon sa kanilang mga organisasyon at institusyon.\u00a0 So, kahit sa akademya ay may hindi naniniwala at may tumutuligsa, nakakatuwa na sa mga NGOs sa labas at mga business corporations, may nagsasabi na kita nila ang pagkakaiba sa pamamalakad sa Pilipinas ayon sa kultura at pagpapahalaga.\u00a0 Tapos, sila \u2018yung humihingi ng mga pagsasanay sa Sikolohiyang Pilipino.\u00a0 Ito \u2018yung pangyayaring nakatulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Bilang isa sa mga naging pangulo ng PSSP, ano-anong mga hamon ang kinaharap\/kinakaharap ng SP at PSSP at paano tinutugunan\/tinugunan ang mga hamon na ito?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD:<\/strong>\u00a0 Sa SP, ang laging hamon ay ang pananaw na wala namang theory ang SP.\u00a0 Ang tugon diyan ay depende sa kung ano ang ibig mong sabihin ng teorya.\u00a0 Kung ang hanap mo ay malaking teorya e siguro nga ay wala.\u00a0 Pero, kung ang ibig mong sabihin ay ang sistematikong pagsasama-sama ng mga ideya, meron.\u00a0 Kung sinasabi na hindi pa ito malinaw, siguro dahil na rin sa he [Doc E] did not live long enough to do it.\u00a0 \u2018Yung sinimulan niya, ganun ang pagsisimula ng bagong ideya.\u00a0 So with this, hindi siya nabuhay nang may sapat na panahon para itulak talaga iyon.\u00a0 Alam naman natin, kahit doon sa malalaking teorya, sila [teorista\/iskolar] mismo ay binabago nila \u2018yung ilang mga aspekto ng teorya nila.\u00a0 Pero sa tingin ko ay unti-unti naman, mayroon namang mga pag-aaral na \u2018yun talaga ang tinitingnan \u2013 \u2018yung kapwa, \u2018yung sa personality theory.\u00a0 Laging may nagsasabing kulang ang theory.\u00a0 Well, hindi pa siya tapos.\u00a0 Nililinang pa siya, kaya\u2019t kailangan pa siyang ipagpatuloy.\u00a0 Hindi ako naniniwala sa pananaw na kasi malabo siya ngayon, kasi may kulang pa, kaya bitiwan na natin, kasi wala namang mangyayari diyan.\u00a0 Hindi ganoon ang paraan natin sa pagtitiyak ng teorya.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">\u2018Yung ikalawang hamon sa SP ay \u2018yung sa wika.\u00a0 Nagsimula si Doc E na talagang Filipino \u2018yung inilalaban niya kasi sa tingin niya, ito ang wika ng mga Pilipino.\u00a0 Kailangan ding sumulat sa Ingles para maunawaan nung mga tao na nakikiisa sa diwa ng SP, kaya lang sa kasaysayan nila at sa personal na edukasyon nila ay hindi sila marunong mag-Filipino.\u00a0 At sa pagtagal, ang tingin ni Doc E dun ay oo, siguro praktikal na bakit mo oobligahin nang mag-aral muna sila ng wika para maintindihan ang isinusulat mo? Kung sinasabing, \u201cOo, aminado kami. May pagkukulang kami, kasi hindi namin nauunawaan \u2018yung wika,\u201d bakit mo ipagkakait ang SP? Alam naman natin \u2018yung naging pagtatalo nila ni Salazar.\u00a0 Malalim na pagtatalo na kaugnay sa wika.\u00a0 At ngayon naman, meron pa ring nagsasabi na hindi naman siya [SP] Filipino, Tagalog naman siya. Kaya nga hinihikayat \u2018yung mga iskolar sa labas ng Metro Manila na gumawa ng pag-aaral.\u00a0 Gumawa ka ng pag-aaral kung pinaniniwalaan mo ang SP.\u00a0 Hayun at lahat ng maynoridad na wala sa mainstream, \u2018yan ang kinakaharap ng SP.\u00a0 Kaya, kailangan talagang ipagpatuloy at kaya mahalaga \u2018yung organisasyon [PSSP].\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa totoo lang, sa akin, hindi naging mahirap \u2018yung pagiging Pangulo ng PSSP.\u00a0 Ang hamon naman noon ay pondo para sa kumperensiya. \u2018Yun naman \u2018yung laging hamon natin noong araw.\u00a0 Kaya, talagang kayod doon sa pag-oorganisa ng kumperensiya.\u00a0 Naghahanap ng pondo pero marami ang tumutulong.\u00a0 Ang isang hamon din don ay syempre \u2018yung dadalo sa conference.\u00a0 Marami ring natutunan sa ganon.\u00a0 Kaya mahalaga talaga na merong mga tao don sa lugar kung sa\u2019n mo gustong ganapin \u2018yung conference.\u00a0 \u2018Yung host kasi, sila ang magtatrabaho at hindi lang trabaho sa conference, sila \u2018yung magpapaliwanag kung ano ang SP.\u00a0 Kasi, kailangan mo rin \u2018yon ipaliwanag sa mga Presidente, sa Dean, kung sinuman.\u00a0 Kumbaga, kaya dito sa lugar na ito natin ginagawa \u2018yan kasi ganito, na alam niya kung ano ang SP.\u00a0 Hindi pwedeng teknikal lang na \u201cmasipag \u2018to kaya gagawa.\u201d Isa pa, \u201cSa dami-dami ng conferences, bakit \u2018yan ang ioorganisa natin?\u201d\u00a0 So, importante na maipaliwanag \u2018yon.\u00a0 Mahalaga \u2018yon, kagaya sa research, na may sinasabi tayong tulay.\u00a0 Sa conferences din, importante \u2018yung tulay.\u00a0 Merong naging diskusyon din non kung bukas ba ito [kumperensiya] sa mga hindi sikolohista.\u00a0 Hindi ko lang din tiyak pa kung paano tinutugunan \u2018yon ngayon dahil sa PRC requirements ng Psychology na bago ka mabigyan ng CPE points, kailangan muna na \u2018yung speaker ay Registered Psychologist din.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isa pa siguro sa pinakamainit na pag-uusap noon ay ano ba \u2018yung pagkakaiba ng PSSP at PAP.\u00a0 May panahon kasi nun na parang pinagtatalo o iniisip na magkatunggali \u2018yung dalawang organisasyon, bagama\u2019t simula\u2019t sapul ay hindi naman talaga.\u00a0 Si Doc E, PAP \u2018yan.\u00a0 Tapos, nag-a-attend naman siya ng board meeting.\u00a0 Kaya lang, \u2018yung ibang tao na wala sa PSSP, di nila makita \u2018yung kaugnayan ng dalawa.\u00a0 Presidente yata ako noong panahong lagi itong napag-uusapan.\u00a0 Malinaw naman na magkaiba ang layunin ng dalawang organisasyon.\u00a0 Malinaw na \u2018yung PAP ay para lamang sa mga sikolohista, \u2018yung PSSP ay hindi lamang sa mga akademikong sikolohista o mga sikolohistang may digri, kundi sa mga taong interesado sa sikolohiya at kultura.\u00a0 So, may pag-uusap nga noon na, \u201cGagawin na ba natin \u2018yung pangalan ng PSSP na sikolohiya at kultura?\u201d\u00a0 Kasi mahalagang bahagi naman \u2018yon at may isang kwento rin na \u2018yun ang sabi ni Doc E, na palaging dapat ang psychology at culture ay magkadikit.\u00a0 Pero ang naaalala ko e napagdesisyunan noon na magkaiba talaga [ang dalawang organisasyon].\u00a0 Magkaiba \u2018yung layunin, \u2018yung mga taong gumagalaw sa loob nito.\u00a0 Dapat maging kampante ang PSSP na ganun siya.\u00a0 So, hindi mai-benchmark \u2018yun sa PAP kasi magkaiba \u2018yung organisasyon.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa kumperensiya, nairaraos naman.\u00a0 Maganda rin \u2018yung sa PSSP ay napagdesisyunan nang maaga na iikot siya \u2013 meron sa Manila tapos meron sa labas ng Manila.\u00a0 Maagang ginawa \u2018yon ng PSSP.\u00a0 Noong araw, halimbawa sa Mindanao, maganda kasi lumitaw \u2018yung pagkakakilala doon sa ambag ng mga tao sa labas ng Katagalugan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">\u2018Yung hamon pa sa PSSP, may nagtatanong na sino \u2018yung pumalit kay Doc E.\u00a0 May pagtingin na parang dapat isang tao lang \u2018yung kapalit at sabi nito, wala namang naririnig na papalit kay Doc E, na walang nangyayari sa PSSP.\u00a0 Hindi naman kailangang isa lang \u2018yan kasi \u2018yung isa sa pinakamagandang nagawa ni Doc E, marami siyang naturuan.\u00a0 Marami siyang sinanay.\u00a0 Kaya, meron nang mga tao o maraming tao na nagtutulak ng SP.\u00a0 So, kung may lumutang na isa lang, kung sakaling meron, e di mabuti.\u00a0 Pero, hindi iyon indikasyon o pamantayan ng sigla ng SP.\u00a0 Hindi ka maghahanap ng isang tao lang.\u00a0 Dapat maintindihan kung paanong naipapakita \u2018yung sama-samang ginagawa ng mga tao bilang patuloy na pagsasabuhay ng pag-aaral sa SP.\u00a0 Minsan, iba-ibang grupo at iba-iba rin \u2018yung kakilala nila.\u00a0 So, hamon na rin sa atin na kilalanin kung sino \u2018yung mga nag-e-SP.\u00a0 Hanapin sino pa \u2018yung mga tao sa pagkaalam nila ay SP ang ginagawa nila at kilalanin.\u00a0 Pwedeng proyekto na gawin din na hanapin ang mga estudyante ni Doc E.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>JDP: Ano ang iyong maipapayo sa mga nagsisimulang mag-aaral o mga kabataang iskolar ng SP? sa kasalukuyang pamunuan ng PSSP?<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>GAD:<\/strong> \u00a0Sa mga mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino, importanteng makita kung ano \u2018yung mga naging development sa SP at tingnan kung paano sila makakaambag don sa gawain.\u00a0 Dahil nabanggit ko nga na mas doon ako sa kung paano \u2018yung aplikasyon ng SP, mahalagang siguruhin din sa mga estudyante, lalo na kung Psych siguro o kung sinuman, na tanungin ang sarili sa anong larangan, kumbaga, magagamit \u2018yung SP.\u00a0 \u201cPaano ko nakikita \u2018yung SP dito sa ginagawa ko?\u201d\u00a0 Kasi, tingin ko, kapag naipon natin \u2018yon, malaking kontribusyon \u2018yon doon sa paglago ng SP at sa pag-unawa ng SP. Kasi, ang tinatanong palagi ay, \u201cPapaano ba naman nasabing SP \u2018yan?\u201d\u00a0 So, palagay ko, with social media e baka mas madali nang gawin \u2018yon.\u00a0 Dapat alamin din ang mga puntong ibinabato sa SP kasi mahalaga \u2018yun para matugunan.\u00a0 Minsan nga lang ba ay nakakapagod at saka, minsan, \u2018yung nambabato ay di naman updated.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Simulan sa paghahanap nung mga pag-aaral \u2013 sa mga tesis, mga disertasyon.\u00a0 Sa SP, ang tingin ni Doc E ang pinanggagalingan at pangangailangan sa karanasan ay magkasinghalaga.\u00a0 Sinasabi niya, kung ang gusto mong pag-aralan ay \u2018yung mga konsepto na maaaring hindi naman dating kinikilalang mahalaga don sa ibang kultura pero nakikita mong mahalaga siya sa isa.\u00a0 Nakikita mo kung paano ito gumagalaw sa araw-araw na buhay o ito ba\u2019y nakikita mo na kaugnay ng iba pang konsepto pero may sarili pa ring kakanyahan.\u00a0 Importante \u2018yong pag-aralan at hindi nangangahulugan na kapag wala pang naisusulat tungkol sa gusto mong pag-aralan ay hindi siya nararapat pag-aralan, bagkus baka dapat mo nang simulan kasi mahalaga ito pero wala pang nagkakainteres.\u00a0 So, \u2018yun \u2018yong isang sa tingin ko rin na malaking nabago niya [Doc E] sa anumang pananaliksik.\u00a0 So, sana magkaroon ng research agenda at lahat ng pagtingin sa kurikulum at silabus.\u00a0 Mahalaga ring isipin kasi na ang SP naman ay multidisciplinary talaga.\u00a0 \u2018Yun \u2018yung isang alas ng SP.\u00a0 Mahalagang tingnan pa rin ito.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa board, hindi ako gaanong aktibo ngayon sa PSSP pero ang nakita ko lang naman ay maganda na may mga bagong mukha sa board.\u00a0 Sa isang banda kasi gusto nating isipin na may hatid itong bagong ideya.\u00a0 Importante lang din sa board na maging malinaw kung ano ba \u2018yung pag-unawa sa SP kasi hindi katulad dati na \u2018pag SP, Doc E version.\u00a0 Ngayon naman e marami na.\u00a0 So, sana \u2018yung board din ay merong pagkakataon na mag-usap nang bukas tungkol sa kung ano \u2018yung SP para sa kanila.\u00a0 Kumbaga, saan sila nagkakaisa sa kung ano ang SP.\u00a0 Kasi, sa tingin ko, di naman kailangang eksaktong pare-pareho.\u00a0 Iba-iba \u2018yun.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">\u2018Yung sa administrative, sana mahanapan ng paraan para mas dumami \u2018yung SP na gawa ng iba\u2019t ibang eskwelahan.\u00a0 Pwedeng pagtitimbang sa kani-kaniyang eskwelahang ginagalawan.\u00a0 So, ano ang stand ng SP sa kanilang mga eskwelahan?\u00a0 Sino ba \u2018yung mga kaalyado, kumbaga?\u00a0 Sino ang pwedeng champion at ano \u2018yung hamon? Ano ang state ng SP don sa eskwelahan nila? Baka magandang simulan siya para matugunan \u2018yung mga pangangailangan.\u00a0 Kasi, maaaring sa eskwelahan mo, ikaw lang ang board member ng PSSP at ang nakakaalam tungkol sa PSSP at naniniwala sa SP.\u00a0 Hindi iyon pagbawas sa kakayahan, pero sa akin, importanteng malaman \u2018yun.\u00a0 Kasi dun din maaaring magmula \u2018yung tugon ng SP sa mga pagtitipon at para maging pro-active kasi ang hirap naman kung nag-iisa ka lang.\u00a0 Lagi ko ngang tinatanong kung ano ang gagawin natin? Ano ang isasagot natin dito?\u00a0 Ano ba ang gustong maabot ng board ngayong taon? \u00a0Ano ba \u2018yung SP na gusto natin?\u00a0<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">* Pasasalamat para kay Jesame D. Domingo para sa transkripsiyon ng panayam.<\/span><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Jayson D. Petras Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman Quezon City PAGPAPAKILALA Iginagalang na propesor sa Sikolohiya at pangunahing tagapagtaguyod ng naaayon-sa-kulturang praktis at kawanggawa para sa panlipunang pagbabago si Grace Aguiling-Dalisay.\u00a0 Nagtapos &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-si-doc-e-ang-sp-at-ang-pssp-panayam-kay-grace-aguiling-dalisay\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 3, Nobyembre 2015] Si Doc E, ang SP, at ang PSSP: Panayam kay Grace Aguiling-Dalisay<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[1],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/680"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=680"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/680\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":682,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/680\/revisions\/682"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=680"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=680"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=680"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}