{"id":634,"date":"2016-11-01T05:20:04","date_gmt":"2016-11-01T05:20:04","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=634"},"modified":"2018-01-08T03:44:26","modified_gmt":"2018-01-08T03:44:26","slug":"diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-paano-ba-maging-mabuti-pagpapakahulugan-sa-pagiging-mabuting-tao-at-makataong-pagtrato","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-paano-ba-maging-mabuti-pagpapakahulugan-sa-pagiging-mabuting-tao-at-makataong-pagtrato\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 4, Nobyembre 2016] Paano ba Maging Mabuti? Pagpapakahulugan sa Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato"},"content":{"rendered":"<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Joseph Dominic S. Liao<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Departamento ng Sikolohiya<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Para sa maraming Filipino, hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao at ng makataong pagtrato sa kapwa. Subalit, wala pang pananaliksik na ginalugad ang lalim at lawak ng pagpapakahulugan sa dalawang konsepto at nagtatag ng kahalagahan ng mga ito sa mga Filipino. Sa pamamagitan ng siyam na <em>unstructured interview<\/em> sa mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga Children in Conflict with Law (CICL), inalam kung paano binibigyan ng kahulugan ang dalawang konsepto at kung tunay ngang <em>value <\/em>o pamantayang Filipino ang mga ito. Nahinuha mula sa <em>Thematic Analysis <\/em>na ang \u201cpagiging mabuting tao\u201d ay isa ngang pamantayan na tumutukoy sa isang <em>virtue<\/em> na rurok ng pangkabuuang pagkamoral batay sa pagkakaroon ng tiyak at obhetibo na mga \u201ctamang\u201d katangian sa \u201cLoob\u201d na marapat ay nakikita sa kilos sa \u201cLabas\u201d; kasama rito ang \u201cmakataong pagtrato.\u201d Ang makataong pagtrato naman ay isa ring pamantayan; siyang nakabatay sa kasadyaan ng kilos at sa mga tiyak at obhetibong mga \u201ctamang\u201d paraan ng pagtrato sa kapwa. Mahihinuha na ang mga pamantayang Filipino ay may tiyak at obhetibong batayan, may elemento ng <em>Virtue Ethics<\/em>, at maaaring naglalangkapan sa isa\u2019t isa sa paraang bukod sa pagkakaroon ng parehong <em>core value<\/em> na \u201cKapwa.\u201d Maaaring ipinapahiwatig ng mga resulta na malaki ang impluwensiya ng dalawang pamantayan sa pagkilos, pananaw, at nadarama ng mga Filipino sa kanilang lipunan.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstract<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">For many Filipinos, the importance of <em>pagiging mabuting tao<\/em> (being a good person) and <em>makataong pagtrato <\/em>(humane treatment) of fellow men is undeniable. However, no research has sought to explore the depths of the definitions of these two concepts as well as establish these as important to the Filipinos. Through nine unstructured interviews from professionals working with Children in Conflict with the Law (CICL), conceptualizations of the two concepts, as well as whether they may be considered Filipino values, were determined. Using Thematic Analysis, it was found that <em>\u201cpagiging mabuting tao, <\/em>as a value, pertains to a virtue considered as the highest form of one\u2019s overall morality based on possessing definite and objective \u201cright\u201d characteristics in your \u201c<em>Loob<\/em>\u201d that is imperative to be manifested in the actions of your \u201c<em>Labas<\/em>\u201d; these include \u201c<em>makataong pagtrato<\/em>\u201d. On the other hand, <em>makataong pagtrato<\/em> is a value that is based on intentionality of actions and congruence to specific and objective \u201cright\u201d ways of treating others. It can be inferred that Filipino values have specific and objective bases, may have elements of Virtue Ethics, and may overlap with each other in ways more than having the common core value of \u201cKapwa.\u201d These findings imply a great influence from the two values in the Filipinos\u2019 actions, views, and feelings as they move about in their society.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Ang mga CICL at mga Isyung Pangmoralidad<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Noong taong 2000, lumabas ang isang pelikula sa Pilipinas patungkol kay Sonny, isang labing-anim na taong gulang na batang inaresto, ikinulong kasama ang mga presong nasa legal na edad, at hinatulang bitayin. Si Sonny ay kathang-isip lamang, pero ang dinadanas ng mahigit libong mga kagaya niyang menor-de-edad na nasangkot sa ating sistemang panghustisya\u00ad\u2014o ang mga tinatawag na <em>Children in Conflict with the <\/em>Law (CICL)\u2014ay isang katotohanan noong mga panahong iyon. Sa pag-aaral nila Etemadi, Ye, at Bermudez, Jr. (2004), tinatayang mahigit 5900 na kabataan ang naikulong sa Cebu City, Mandaue City, Lapulapu City, Talisay City, at Consolacion pa lamang sa pagitan ng 1999 hanggang 2001. Ilan pa sa kanila ay nakaranas ng <em>police brutality<\/em>, kakapusan sa natatanggap na mga pangunahing pangangailangan, at pagsasailalim sa impluwensiya ng mga presong nasa legal na edad.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang ganitong sitwasyon ng mga CICL ay nagliyab ng isang debate ng moralidad: kung ano ba ang matatawag na \u201ctama\u201d o \u201cmali,\u201d kung kalian nga ba may pananagutan ang tao sa mga \u201cmali\u201d na nagawa, at kung ang pagkukulong \u00ad\u2014lalo na sa bata\u00ad\u2014ay\u00a0 magdudulot ng mabuti o mas makasasama pa sa \u201cnagkasala.\u201d Higit itong maigting sa mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa kanila kagaya ng mga kawani ng batas at mga <em>social worker.<\/em> Dahilan nito, ang mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga CICL ay tinatawag ng kanilang propesyon na kumapit sa mga pundasyong moral na maaaring gumabay sa kanilang pakikipagtrabaho.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Ang mga Pamantayan<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isa sa mga pundasyong moral na maaaring gumabay sa kanila ay ang kanilang mga <em>values, <\/em>o sa wari ni Jocano (1997), tinatawag na <em>pamantayan <\/em>sa Filipino<em>. <\/em>Ito\u2019y dahil ang mga pamantayan ang nagsisilbing gabay sa pagdanas at pagtingin natin sa mundo at sa kung ano ang mabuti; ginagamit na saligang prinsipyo at patakaran sa pagkilos sa lipunan; nagbibigay ng direksiyon sa ating mga pananaw at nadarama patungkol sa ating mga kilos; at nagsisilbing kabuuan ng mga kinikilingang uri ng pagsasama at pagtugon sa lipunan (Jocano, 1997). Makikitang malaking bahagi ng sikolohiya ng mga Filipino ang naiimpluwensiyahan ng mga pamantayan. Sa gayon, ang mas malalim na pagkilala sa mga ito ay maaaring mahalaga sa pag-intindi ng mismong sikolohiya ng mga Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Marahil dala ng pagkilala ng kahalagahang ito kung bakit naging laganap ang mga naging akda kaugnay ng mga pamantayang Filipino. Isang linya ng mga pananaliksik na nagbunga ay yaong sinusubukang tukuyin kung ano-ano ba ang mga pamantayan ng mga Filipino. Kasama sa mga natagpuan ay ang respeto, pagmamahal sa pamilya (Mendez et al., 1984, mula sa De Leon, 2012), pagrespeto at pagmamahal sa magulang, pagpapahalaga sa samahan (Mercado, 1994), asal na hindi nakapipinsala sa kapwa, hindi nakasasakit ng damdamin, at hindi nakadudungis ng karangalan (Jocano, 1997), at ang tinatayang <em>core value<\/em>, ang \u201cKapwa\u201d (Enriquez, 1992).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Masasabing ang larangan ng pamantayang Filipino ay isang larangang mayaman na sa literatura. Ngunit, kailangan nating banggitin na karamihan sa mga nasusulat tungkol sa mga ito ay, kung hindi nanggagaling sa metodong <em>rationalization<\/em>, ay nanggagaling sa pagsiyasat sa mga oral na anyo ng kultura o kahulugan mula sa mga diksiyonaryo. Bihira ang bumubuo ng pagpapakahulugan ng mga pamantayan mula sa mga karaniwang mamamayan. Isa pa, karamihan ng mga nasusulat dito ay nasa wikang Ingles. Ito ay magbubunga ng hirap sa pagtukoy ng mga kahulugang tanging ang wika lang ng mismong konsepto ang makapagdadala. Isa pang obserbasyon, sa lahat ng mga nabanggit na literatura ay mayroong dalawang konseptong nababanggit lang nang pahapyaw ngunit may pagpapahiwatig ng kahalagahan para sa pag-intindi sa pamantayang Filipino: ang Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Ang Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Para sa maraming Filipino, hindi maikakaila ang kahalagahan ng \u201cpagiging mabuting tao\u201d at ng \u201cmakataong pagtrato\u201d sa kapwa. Ang pananaw sa pagiging mabuti o makatao ng isang tao o kilos ay maaaring iniimpluwensiyahan ng anumang klaseng kilos na gagawin sa anumang klaseng tao. Halimbawa, sa kaso ng mga CICL, maaaring sila ay binibigyan ng tulong o parusa upang matiyak ang kanilang pagiging mabuting tao. Ang mga nakikipagtrabaho naman sa kanila ay inaasahang sila\u2019y tratuhin nang makatao. Bagama\u2019t ganito ang maaaring halaga, kaunti ang nasulat tungkol sa dalawang konsepto.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ayon kay Miranda (1994), ang \u201cbuti\u201d ay \u201c<em>moral goodness or virtue.<\/em>\u201d Batay sa panlapi na \u201cma\u201d sa \u201cmabuti,\u201d ang \u201cmabuting tao\u201d ay siyang taong may taglay na \u201c<em>moral goodness or virtue.<\/em>\u201d Kagaya ito ng kanluraning konsepto ng <em>Virtue Ethics <\/em>na ibinabatay ang pagiging tama o mali ng aksiyon hindi sa katangian ng aksiyon mismo kundi sa kung anong klaseng tao ka kapag ginawa ang partikular na aksiyon (Moral Psychology: Empirical Approaches, 2006). Ang mabuting tao din aniya ay ang masasabing \u201cethically ideal person,\u201d o ang isang taong masasabing rurok ng pagiging etikal, at sa gayo\u2019y nais maabot ng lahat.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ginamit din ni Miranda (1994) ang \u201cmabuti\u201d upang maglarawan ng <em>virtue <\/em>ng tao nang iugnay niya ito sa pagiging \u201cmakatao.\u201d Sinabi niya na maaaring mahinuha na ang \u201c<em>quintessential Pinoy value<\/em>\u201d ay binubuo ng pagkamakatao o \u201chumanness.\u201d Dagdag pa niya, kapag ang tao ay naging makatao, siya ay nagiging taong may halaga o mabuti. Samakatwid, ang pagiging makatao ng pagtrato sa iba ay isang paraan upang makamit ang <em>virtue<\/em> ng pagiging mabuting tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Hindi lang dahil kalangkap ito ng \u201cpagiging mabuting tao,\u201d ang mismong konsepto ng \u201cmakataong pagtrato\u201d ay mukhang mahalaga sa ating kultura. Sa pagdalumat ni de Mesa (mula sa Alejo, 1990) sa utang-na-loob, sinabi niya na \u201cSa bisa ng pagkakapantay-pantay, ang utang na loob ay maaaring maunawaan bilang \u2018utang na makataong kapatiran\u2019 na maisasalin bilang \u2018pananagutan sa ngalan ng makataong pagbubuklod sa isa\u2019t isa.\u201d Binigyang kahulugan naman ni Jocano (1997) ang pagkamakatao bilang \u201chaving compassion towards fellow men\u201d at pinaliwanag ito bilang isang \u201cintrinsic quality.\u201d Mula rito, makikita natin na ang makataong pagtrato ay tinitingnan bilang <em>imperative<\/em> o lubos na mahalagang gawin, at <em>innate <\/em>o lik\u00e1s sa atin bilang tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mula sa pagiging taong rurok ng etika at taong pinakaninanais maabot ng \u201cmabuting tao\u201d at sa pagiging \u201cutang\u201d sa kapwa ng \u201cmakataong pagtrato,\u201d maaaring napakalaki ng impluwensiya ng dalawang konsepto sa mga kilos, pananaw, paglilinang ng sarili, at pakikipagkapwa ng mga Filipino sa kanilang lipunan. Subalit, walang nakitang pananaliksik na nagtatatag o nagpapatunay na ang mga konsepto ay pinahahalagahan nga ng mga Filipino o itinuturing na pamantayan. Wala pa ring nakitang sumusubok na intindihin ang lalim at lawak ng mga konsepto, lalo na sa paraang empirikal at nanggagaling sa karaniwang mamamayan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato Bilang Pamantayan<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung tama ang hinalang ang \u201cpagiging mabuting tao\u201d at \u201cmakataong pagtrato\u201d ay itinuturing na pamantayan ng mga Filipino, ang kakulangan sa mas malalim na pag-unawa sa kanila ay maaaring punan pansamantala ng ating mga nalalaman tungkol sa mga pamantayan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bukod sa linya ng pananaliksik na sinubukang tukuyin kung <em>ano <\/em>ang mga pamantayan ng mga Filipino, ang isa pang linya ay yaong tinutukoy kung <em>ano ang mga katangian<\/em> ng mga pamantayang Filipino. Halimbawa nito ay ang mga akda na dinadalumat ang iba\u2019t ibang pamantayan ng mga Filipino bilang nauugnay sa isa\u2019t isa sa loob ng isang sistema, tinatawag ni Jocano (1997) na \u201c<em>pamantayan system<\/em>.\u201d Subalit, sa paghahanap ng literatura, mukhang kakaunti ang talagang naglalahad kung paano nauugnay ang mga pamantayan ng mga Filipino. Ang pinakamalapit na tumugon dito ay ang teorya ni Enriquez ng isang \u201c<em>core value<\/em>\u201d o isang pamantayan kung saan nakaugat ang iba pang mga pamantayan: ang \u201cKapwa\u201d o <em>shared identity<\/em> (Enriquez, 1992). Sa ganitong wari, ang iba\u2019t ibang mga pamantayang Filipino ay tinitingnang magkaugnay sa gawi ng kanilang parehong <em>core.<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mahihinuha din ang katangian ng mga pamantayan mula sa mga akdang naglalarawan kung paano ba tinitignan ng mga Pilipino ang pagiging tao. Isang halimbawa nito ang mga akda na sinasabing dinadalumat ng mga Pilipino ang tao bilang binubuo ng tambalang \u201cLoob\u201d at \u201cLabas\u201d. Ayon sa pananaw na ito, sa Loob nakasalalay ang mga ideya, damdamin, pagkilos, mga mithiin at pagpapahalaga ng isang tao. Ang Loob na ito ay tintignang masidhing nakatali sa Labas o ang mga salita, gawa, at <em>performance<\/em> ng isang tao (Covar, 1995; de Mesa, 1984, mula kay Alejo, 1990; de Mesa, mula sa Baquiano at Lopez, 2011; Baquiano at Lopez, 2011). Samakatuwid, maaaring ang mga pamantayan kagaya marahil ng Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato ay mayroong elementong panloob at katumbas na manipestasyong panlabas.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isa pang katangian ng mga pamantayan na napagtuunan ng interes ay ang pagtukoy kung mga pamantayan ba ay <em>objective<\/em> o may iisang tiyak na depinisyon, o ito ba ay <em>subjective<\/em> o nakadepende sa interpretasyon ng bawat tao. Para kay Miranda (1994), ang ethical value ay may elemento ng pareho. Hinati niya ang ethical value sa dalawa: ang \u201cpinagpapakatauhan\u201d at ang \u201cpagpapakatauhan.\u201d Ang \u201cpinagpapakatauhan\u201d ay ang esensiya ng pagiging tao, na may kaakibat na pagtugon. Dagdag pa niya, ito ay isang \u201cbatas\u201d sa loob ng isang nilalang na \u201cbukal sa kaibuturan\u201d at \u201cgaling sa kaloob-looban.\u201d Sinabi niya rin na ito ay mga \u201c<em>value\u201d<\/em> na obhetibo. Samakatwid, ang mga pamantayan ay tinitingnan bilang obhetibo, mahalagang-mahalagang tugunan, at lik\u00e1s sa tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa kabilang banda naman, ang \u201cpagpapakatauhan\u201d ay ang subhetibo na bahagi ng ethical value. Ito ay ang mga bagay na pinaniniwalaan ng isang tao na mabuti para sa kaniya. Binanggit din ni Miranda (1994) na mukhang may pagkakaisa sa mga manunulat sa paniniwalang ang etika para sa mga Filipino ay \u201c<em>personalist, even subjectivist<\/em>\u201d sa halip na obhetibo. Kung ilalapat sa mga konsepto ng \u201cpagiging mabuting tao\u201d at \u201cmakataong pagtrato,\u201d maaring asahan na kung sakaling pamantayan nga ang dalawa, sila ay mga elementong tiyak at obhetibo, at subhetibo.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Kasalukuyang Pananaliksik<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Para punan ang mga nabanggit na kakulangan sa literatura, nais ng kasalukuyang pananaliksik na hugutin mula sa mga karaniwang Filipino at sa paraang empirikal kung paano dinadalumat ang mga konspeto ng \u201cpagiging mabuting tao\u201d at ng \u201cmakataong pagtrato,\u201d at kung maaari bang ituring ang mga ito na pamantayang Filipino. Para ibaba ang mga konseptong abstrakto sa lebel ng kongkreto, hinugot ang mga pagpapakahulugan sa mga karanasan at pananaw sa trabaho ng mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga Children in Conflict with the Law (CICL).<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>MGA METODO<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Mga Kalahok<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sinubukang tugunan ang mga layunin sa pamamagitan ng isang pananaliksik sa kuwalitatibong lapit kasama ang mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga CICL. Ang tanging naging batayan sa pagpili ng kalahok ng mga propesyonal ay ang sumusunod: (1) ang pagiging mula sa National Capital Region (NCR); at (2) ang pagkakaroon ng karanasan sa paghawak ng isa o higit pang kaso kung saan nangailangan ng direktang pakikipagtrabaho sa CICL. Gamit ang <em>Purposive Snowball Sampling, <\/em>nakakalap ng siyam na kalahok: ang lima ay lalaki at ang apat ay babae; ang lima ay nasa larangan ng <em>Social Development Work<\/em>, at ang apat ay nasa larangan ng <em>Law Enforcement<\/em>.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Pagkalap ng Datos<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kumalap kami ng aking dalawang research partner ng datos mula sa mga kalahok gamit ang <em>one-on-one unstructured interview<\/em>: isang metodo ng pakikipagpanayam na gumagamit ng <em>interview guide <\/em>o gabay sa pakikipagpanayam. Nilayon ng panayam, una na mapakuwento ang mga kalahok tungkol sa kanilang trabaho kasama ang mga CICL. Ito\u2019y upang maitali sa sitwasyong kongkreto ang ikalawang layunin: ang pag-alam sa kanilang pagdalumat sa \u201cpagiging mabuting tao\u201d at \u201cmakataong pagtrato.\u201d Ito naman ay tinugunan sa pamamagitan ng pagtatanong ukol sa mga katangian at iba pang kaugnay ng pagiging: (1) Mabuti at hindi mabuting bata; (2) Mabuti at hindi mabuting tao, bata man o matanda; (3) Makatao at hindi makataong pagtrato sa mga CICL; (4) Makatao at hindi makataong pagtrato sa mga tao, CICL man o hindi. Sa huli, nilayon din ng panayam na alamin kung pinahahalagahan ba ng mga kalahok ang pagiging mabuting tao at makataong pagtrato sa pamamagitan ng pagtatanong kung kanilang pinahahalagahan ang pagiging: (1) Mabuti ng isang bata; (2) Mabuti ng isang tao, bata man o matanda; (3) Makatao na pagtrato sa mga CICL; (4) Makatao na pagtrato sa mga tao, CICL man o hindi.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Pagsusuri sa Datos<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga panayam ay ginawan ng verbatim na transkripsiyon, binigyan ng code bilang mga buod, at sinuri gamit ang <em>Thematic Analysis. <\/em>Gamit ang metodong ito, ang mga code ay pinaghiwa-hiwalay batay sa maaaring masagot na layunin ng papel at pinagpangkat-pangkat batay sa mga temang nababanaag namin.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Mga Hakbang Etikal<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Matapos ang pagpapakilala, pagpapaliwanag ng mga detalye ng pananaliksik, at pagiging kalahok, pagpayag sa interview, pagbibigay ng pahintulot na mairekord, at paglagda sa <em>informed consent form, <\/em>saka lamang nagsimula ang interbyu. Sa pagpapaliwanag ng pananaliksik, piniling hindi muna banggitin ang layuning alamin ang kahulugan ng mga konsepto upang hindi mapangunahan ang mga magiging sagot ng mga kalahok. Agad naman itong nilinaw matapos ang panayam, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa hindi agad na pagsasabi. Sa buong panayam, kami ay naging mapagmatyag sa mga <em>non-verbal cues<\/em>, tiniyak na payag ang kalahok na ituloy ang panayam sa gitna ng matinding emosyon o pagkatapos ng interupsiyon dahil sa trabaho, at iginalang sa kahilingang gawing <em>off the record<\/em> ang bahagi o buong panayam. Para protektahan ang identidad ng mga kalahok, walang impormasyon ang ilalahad sa papel na ito na maaaring magamit upang tukuyin ang kanilang identidad at kanilang mga institusyon.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>MGA RESULTA AT PAGTATALAKAY<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nang tingnan nang maigi ang datos tungkol sa pagdalumat sa mga konsepto, wari namin\u2019y magiging mas malalim ang magiging pagtalakay kung ilalahad ang bawat konsepto sa dalawang bahagi. Una, tatalakayin ang mga pangkabuuang katangian (<em>general properties<\/em>) ng mga konsepto. Ito ang mga kaalaman tungkol sa kung paano tintitingnan ng mga kalahok ang konsepto. Ikalawa, tatalakayin ang mga ispesipikong nilalaman (<em>specific content<\/em>) ng mga konsepto. Ito ang mga partikular na mga katangian at kilos na naiuugnay sa mga konsepto.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Pagiging Mabuting Tao: Mga Katangian ng Konsepto<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa aming wari, ang \u201cpagiging mabuting tao\u201d ay may limang katangian:<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Batay sa Pangkabuuang Moralidad<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mapapansin na kapag tinanong ang mga kalahok tungkol sa pagiging mabuti at hindi mabuti ng isang tao, nagmimistulang ang pinag-uusapan ay kung ang isang tao ba ay sa pangkabuuan (<em>in general<\/em>), gumagawa ng tama o mali, o di kaya\u2019y taglay ang tama o maling katangian ng tao. Makikita ito sa mga pahayag kagaya ng sa Social Development Worker na si Ma\u2019am Lea tungkol sa pagigng mabuting bata:<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">\u201cNgayon kung ang direksiyon na pinupuntahan niya at ang ipinapakita niyang prinsipyo niya sa buhay ay hindi naaayon sa\u2026tamang moralidad, yun yung maaaring hindi ka maging isang mabuting bata.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Makikita rin ito sa pagiging madalang, minsan nga\u2019y pagkawala ng paggamit ng salitang \u201cmabuti\u201d at pangingibabaw ng mga salitang \u201ctama\u201d o \u201cmali\u201d kapag tinatasa ang pagiging mabuti ng isang tao. Waring kapag binanggit ang \u201cmabuting tao,\u201d ang nasasaisip ng mga kalahok ay \u201ctamang klaseng tao\u201d o \u201cmoral na tao.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ito marahil ay patunay ng pagtawag ni Miranda (1994) sa mabuting tao bilang \u201c<em>ethically ideal person<\/em>\u201d o isang taong nagkamit ng pinakarurok ng moralidad. Sa gayon, masasabing masidhi ang halaga ng mga kaalamang sunod na ihahatid patungkol sa \u201cpagiging mabuting tao.\u201d Kung ipagpapalagay na ang mga Filipino ay gumagalaw patungo sa pagiging pinakaideyal na uri ng tao, ang pag-alam kung ano ang mga katangian ng ideyal na taong ito ay maaaring malaki ang maitutulong sa pag-intindi ng mga damdamin, pananaw, at kilos ng mga Filipino kaugnay ng paghubog ng sarili at pakikihalubilo sa ibang miyembro ng lipunan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Batay sa Moralidad na Tiyak at Obhetibo<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung ang pagiging mabuting tao ay nakabatay sa pangkabuuang moralidad, saan nakabatay ang kabuuang moralidad na ito? Batay sa mga pananaw ng kalahok, mukhang ang pagiging mabuting tao ay nakabatay sa \u201ctama\u201d o \u201cmali\u201d na tiyak at obhetibo (<em>definite and<\/em> <em>objective<\/em>) ang mga batayan<em>.<\/em> Makikita ito sa paraan kung paanong kapag tinanong ang mga kalahok kung paanong masasabing mabuti ang isang tao, kadalasa\u2019y naglilista ang mga kalahok ng espesipikong mga katangian at kilos na dapat nilang taglayin o ipinapakita. Waring ang mga espesipikong ito ay tinitingnan bilang siyang nag-iisang pamantayan na marapat sundin ng lahat. Patunay rin dito ang nabanggit na pahayag ni Ma\u2019am Lea na may pahiwatig ng isang \u201ctamang moralidad.\u201d Dagdag pa ni Ma\u2019am Lea, ang tama at maling ito ay \u201calam na natin\u201d na mga matatanda, na para bang lik\u00e1s itong umuusbong sa pagtanda. Interesanteng makikita dito ang pag-ayon sa literatura na nagpapahiwatig ng <em>ethical value<\/em> bilang <em>objective <\/em>at <em>innate <\/em>o obhetibo at lik\u00e1s sa tao (Jocano, 1997). Kaugnay ng mga naunang punto, ang pagiging obhetibo ng mga katangian at kilos na batayan ng taong rurok ng moralidad ay nagbibigay ng diin sa kahalagahan na mal\u00e1man kung ano ang mga batayan na ito. Ito nga ang tutugunan ng papel na ito paglaon.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bagama\u2019t isa lang ang nagbanggit, mayroon ding pananaw na ang tama at mali na pinagbabatayan ng pagiging mabuting tao ay <em>subjective <\/em>o nag-iiba depende sa tao at sitwasyon. Kagaya ito ng sinabi ni Miranda (1994) na nagkakasundo ang mga manunulat na ang moralidad para sa mga Filipino ay <em>subjective <\/em>at ang <em>ethical value <\/em>para sa mga Filipino ay may elementong subhetibo at obhetibo. Sa kabila nito, ang pagiging obhetibo ng moralidad para sa mga Filipino ang mukhang nangingibabaw sa aming mga resulta. Magandang maging tunguhin ng mga susunod na pananaliksik ang pagtuon ng pansin partikular sa usaping ito.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Nakakamit Sa Pamamagitan ng Salik sa Loob at Labas ng Desisyon<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang pagiging mabuting tao para sa mga kalahok ay isang estadong maaaring makamit dala ng panlabas na salik kagaya ng gabay ng pamilya, at maaaring hindi makamit dahil sa negatibong impluwensiya gaya ng pamamalagi sa kalye. Maaari rin itong aktibong nakakamit sa pamamagitan ng sariling desisyon, tulad ng nasasaad sa pahayag na: \u201cSiguro masasabi na lang na masama kung yung batang yun, yun na yung pinili niyang landas.\u201d [Kuya Russel, larangan ng Social Development Work]. Sabi naman ni Ma\u2019am Madonna, propesyonal ng larangang Social Development Work, ang sariling pagkamit ng mabuti ay hindi lang maaari kundi talagang kinakailangan: \u201cKailangan din, matuto rin siyang ma-realize sa sarili niya na yung ginawa niya pala ay&#8230;tama, o kaya yung ginawa niya ay mali.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>May Magkatambal na Elementong Loob at Labas <\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isang interesanteng pagtingin sa mga datos ay ang pagdalumat sa pagiging mabuting tao bilang parehong nagtataglay ng mga katangian sa \u201cLoob\u201d ng tao at nagpapamalas ng mga ito sa pamamagitan ng nakikita sa pang-\u201cLabas\u201d ng tao. Ayon nga kay Ma\u2019am Lea, hindi sapat ang pagtataglay ng mga katangiang \u201ctama.\u201d Nakasalalay din ang pagiging mabuting tao sa \u201ckung paano natin isasabuhay\u201d ang tama at maling katangian. Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kilos na \u201calam natin\u201d na tama. Ito ay kaayon ng teorya ni Covar (1995) na tinitingnan ang pagkatao bilang mga nilalaman na tinatawag na <em>Loob<\/em> na naipapamalas gamit ang mga katambal na parte ng katawan, at iba pang anyong <em>Labas<\/em> kagaya ng gawa at salita (Baquiano at Lopez, 2011). Ang mga datos ng pananaliksik na ito ay maaari ding tingnang patunay sa tambalang Loob at Labas sa pagdalumat na Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung iuugnay sa hinuha na ang Pagiging mabuting tao ay batay sa moralidad na tiyak at obhetibo, masasabing ang \u201cpagiging mabuting tao\u201d ay batay sa mga tiyak at obhetibong katangiang panloob na tinitignan bilang <em>virtue <\/em>na tamang taglayin at ang mga kilos panlabas bilang <em>rules <\/em>o <em>code <\/em>ng tamang pagpapamalas ng mga elementong loob na ito. Ang mga espesipikong elementong \u201cLoob\u201d at \u201cLabas\u201d na ito ang tatalakayin sa susunod na bahagi ng papel.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Mabuting Tao: Nauugnay na mga Katangian at Kilos<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Nakikitang Kakayahan at Kagustuhan na Umayon sa Tama<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung ang pagiging mabuting tao ang rurok ng pagiging moral, maaaring sabihin na ito ay isang tunguhin (<em>goal<\/em>) na nais makamit. Anang mga kalahok, para makamit ito, dalawang kasangkapan (<em>tool<\/em>) ang kailangan mong taglay sa iyong \u201cLoob.\u201d Una ay ang pagkakaroon ng kakayahang mal\u00e1man ang tama at mali. Kaugnay ito ng konsepto ng <em>discernment <\/em>na ginagamit sa pakikipagtrabaho sa mga CICL: ang pagkakaroon ng sapat na pag-iisip upang maintindihan ang implikasyon ng mga kilos sa ibang tao, sa sariling hinaharap, at sa kung ano ang tama at mali. Hindi lang kakayahan, ang panagalawang sangkap tungong pagiging mabuting tao ang kagustuhan na magbago at umayon sa tama. Ngunit hindi sapat na taglayin lang ang kakayahan at kagustuhang ito. Anang mga kalahok, kailangan nakikita ang pagsang-ayon sa tama, ang pagbabago, at ang pagsisikap.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Nakikitang Pagiging Makakapwa at Makapamilya<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Napapaloob din sa \u201cpagiging mabuting tao\u201d ang pagtaglay ng malasakit at awa, ang pag-intindi sa kapakanan ng marami, at ang pagmamahal sa pamilya. Anang mga kalahok, mapapamalas ang mga ito sa pamamagitan ng paggalang at pagrespeto sa kapwa, paggalang sa magulang, pagiging mabuting anak, hindi pananakit at pagpapahiya, pagiging tapat, at pagsisilbi\u2019t paggabay sa kapwa. Interesanteng punahin na ang pagiging mabuting tao sa temang ito ay makikitang lumalangkap sa ibang mga pamantayang nauna nang natukoy kagaya ng respeto, pagmamahal sa pamilya (Mendez et al., 1984, mula sa De Leon, 2012), pagmamahal sa magulang (Mercado, 1994), at hindi paggawa ng nakakapinsala sa kapwa, nakakasakit ng damdamin, at nakakdungis ng karangalan (Jocano, 1997). Lumalangkap din ang pagiging mabuting tao sa tinataguriang core value na \u201ckapwa\u201d (Enriquez, 1992).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mula rito, makikitang bukod sa pagkakaugnay ng mga konsepto sa isang <em>core <\/em>kung saan sila pare-parehong sinasabing nakaugat, maaaring ang mga pamantayan ay naglalangkapan din sa isa\u2019t isa sa ibang paraan: marahil may mga bahagi silang nagkukrus<em>,<\/em> o maaari ring ang buong pamantayan mismo ang pumapaloob sa isa pang pamantayan. Ang resultang ito ay maaaring ambag sa kakulangan sa mga akda na humihinuha sa kung paano magkakaugnay ang iba\u2019t ibang pamantayan ng \u201c<em>pamantayan system<\/em>\u201d ng mga Filipino, at sa gayo\u2019y makatutulong na mas maintindihan ang sistema na may malaking kapangyarihang hubugin ang ating pananaw at paggalaw sa ating lipunan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Makataong Pagtrato<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Interesante rin na isang inaasahan ng mga kalahok na makita sa kilos pang-Labas ng \u201cpagiging mabuting tao\u201d ay ang \u201cmakataong pagtrato.\u201d Patunay ito sa hinala na nakakamit ang pagiging mabuting tao sa pamamagitan ng pagtrato sa iba nang makatao (Miranda, 1994). Ayon nga sa salita ni Ma\u2019am Daisy, isang Social Development Worker, \u201cmukhang, ang pagiging mabuting tao ay laging nakabatay sa makataong pagtrato.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa ibang salita, ang pamantayan ng Makataong Pagtrato ay nasasaloob ng pamantayan ng pagiging mabuting tao. Dagdag suporta ito sa tinalakay kanina na posibilidad ng mga pamantayan na maglangkapan sa isa\u2019t isa sa ibang paraan bukod sa pagkakaroon ng parehong core.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Mabuting Tao: Isang Pamantayan<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nagkakasundo ang lahat ng aming mga kalahok na ang \u201cpagiging mabuting tao\u201d ay mahalaga na taglayin ng tao, bata man o matanda. Samakatwid, maaaring ituring na pamantayang Filipino o <em>Filipino value<\/em> ang pagiging mabuting tao. Makikita din natin na pumapaloob sa pagiging mabuting tao bilang pamantayan o value ang iba pang pamantayan tulad ng paggalang, pagiging makakapwa, at hindi pananakit. Maaaring mangahulugan ito na ang pagiging mabuting tao ay isang pamantayan na nakasasaklaw ng ilan, kung hindi marami sa mga pamantayang Filipino. Kung ganito, hindi malayong isipin na malawak ang epekto ng konsepto ng pagiging mabuting tao bilang konsepto sa paggalaw ng mga indibidwal sa lipunang Filipino. Isa pang implikasyon ng pagiging pamantayan ng pagiging mabuting tao ay ang pagkakaroon ng mga elemento ng <em>Virtue Ethics <\/em>ng<em> pamantayan system <\/em>ng mga Filipino kung saan ang gumagabay sa kilos ng tao ay hindi ang paggawa ng tama mismo kundi ang paggawa ng tama tungo sa pag-abot ng isang katangian o <em>virtue<\/em> (Moral Psychology: Empirical Approaches, 2006)<em>.<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Makataong Pagtrato: Mga Katangian ng Konsepto<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Limang katangian naman ang sa aming wari\u2019y taglay ng \u201cmakataong pagtrato\u201d:<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Batay sa Moralidad ng Pagtrato<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung ang pagiging mabuting tao ay nakabatay sa kabuuang moralidad, ang \u201cmakataong pagtrato\u201d naman ay nakaugat sa tama at mali na espesipiko sa paraan ng pagtrato. Pareho nga rin ng nabanggit sa pagiging mabuting tao, ang tama at mali ay tinitingnan bilang obhetibo at natural sa mga tao kagaya ng sa pahayag ni Ma\u2019am Daisy, Social Development Worker<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">\u201cEwan ko nga \u2019no, nararamdaman talaga natin parang\u2026 parang may nagawa akong hindi maganda. Yung parang ganun\u2026 parang may natural na sistema or may built-in na sistema na nakakatulong sa atin na maramdaman na may nagawa tayong mali at tama.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Batay sa Moralidad na Tiyak at Obhetibo<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kagaya ng sa pagiging mabuting tao, ang makataong pagtrato ay iniuugnay rin sa espesipikong paraan ng pagtrato sa mga tao. Makikita rin ito sa paraang naglilista ang mga kalahok ng mga espesipikong kilos na makatao o hindi makatao sa tuwing sila\u2019y tinatanong ng pagpapakahulugan ng mga ito. Marahil dagdag suporta ito sa hinuhang ang moralidad para sa mga Filipino ay nakabatay sa tiyak at obhetibong mga batayan. Ang mga tiyak at obhetibong pagtrato na iniuugnay sa makataong pagtrato ang tatalakayin sa susunod na bahagi.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Nakabatay sa Kasadyaan ng Kilos<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mukhang malaking batayan ng makataong pagtrato ang kasadyaan ng kilos. Nagkakasundo ang mga kalahok na ang mga kilos na hindi tama ngunit hindi sinadya ay hindi matatawag na hindi makataong pagtrato. Marahil dala na rin ito ng mismong salitang hinahanapan ng pakahulugan, ang makataong \u201cpagtrato,\u201d na may panlapi na \u201cpag\u201d: panlaping nagpapahiwatig ng kasadyaan. Sa gayon, maaari natin mahinuha na ang moralidad para sa mga Filipino ay hindi lang batay sa resulta ng isang kilos kundi maging sa kasadyaan o intensiyon ng isang kilos.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Ginagawa sa Lahat ng Tao nang Pantay-Pantay<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nang tanungin ang mga kalahok kung kailan ginagawa ang makataong pagtrato, maraming nagsabing ito\u2019y ginagawa sa lahat ng tao, kahit pa sa mga maituturing na \u201chindi mabuting tao.\u201d Ayon muli kay Kuya Russel na isang psychologist at counselor, \u201ckahit na malaki yung nagawa niyang kasalanan, hindi mo dapat gawin yun.\u201d Dagdag pa, ang paraan din ng makataong pagtrato ay ang pagtrato sa lahat nang pantay-pantay. Sabi ni Kuya Gilbert, isang Law Enforcer, \u201cAko kasi, mahirap, mayaman iisa sa akin. Yun bang kinakausap ko sila, nilalapitan ka. Di ba. Tinutulungan ko sila. Ganun.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ito ay tumpak na tumpak sa pagdalumat ni de Mesa (mula sa Alejo, 1990) sa utang-na-loob na \u201c\u2018utang na makataong kapatiran\u2019 na maisasalin bilang \u2018pananagutan sa ngalan ng makataong pagbubuklod sa isa\u2019t isa.\u201d Mula rito, ang krayterya lang sa pagtrato nang makatao sa iba ay ang simpleng pagiging tao niya; kagaya din ng dalumat ni Jocano (1997) sa pagkamakatao bilang \u201c<em>having compassion towards fellow men<\/em>\u201d o malasakit na dala ng pagkilala ng pagiging parehong tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Nakakatulong sa Kapwa na Makamit ang Pagiging Mabuting Tao<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nakita din na ang makataong pagtrato ay tinitignan bilang daan patungo sa pagiging mabuting tao ng mga tinatrato nang makatao, katulad ng sinabi ni Miranda (1994). Ayon kay Kuya Russel, psychologist at counselor, nang tanungin kung mahalaga ang makataong pagtrato, \u201cOo. Kasi kung, masama na nga siya tapos hindi pa maganda ang trato mo sa kaniya, ano na lang ang mangyayari? Lalo na lang siyang sasama.\u201d Lumilinaw dito ang ugnayan ng makataong pagtrato at pagiging mabuting tao: ang pagiging mabuting tao ay nakitang nakakamit sa pamamagitan ng salik sa loob at labas ng desisyon. Para sa tumatrato, siya ay magiging mabuti dahil sa panloob na desisyon na tratuhin ang iba nang makatao; para sa tinatrato, ang salik panlabas na pagtratong makatao mula sa iba ay makatutulong din na makamit niya ang pagiging mabuti.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Makataong Pagtrato: Nauugnay na Kilos<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Pagkilala sa Karapatan<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ayon sa ilang kalahok, ang makataong pagtrato ay lubhang nakaugat sa mga karapatang pantao. Marahil ang dahilan kaya may katangian ang makataong pagtrato na ginagawa sa lahat ng tao nang pantay-pantay ay dahil tinitingnan ng mga kalahok ang lahat ng tao bilang pare-parehong nagtataglay ng mga karapatang hindi maiaalis at hindi dapat labagin. Halimbawa, nang tanungin kung sa lahat ng oras ginagawa ang makataong pagtrato, tumugon ang pulis na si Kuya Inggo na \u201cOo, kailangan. Kasi karapatan din nila \u2019yan, tao din sila. Mabuti man \u2019yan o hindi mabuti, pare-parehas pa rin dapat ang pagtrato.\u201d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Maayos na Pagtrato<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang makataong pagtrato rin para sa mga kalahok ay nangangahuluguan din ng pag-iwas sa pagtratong hindi maayos. Kasama dito ang hindi pananakit, hindi pagpapahiya, pagprotekta sa dignidad ng kapwa, hindi paghihiwalay sa tao sa kapwa, at hindi negatibong pakikipag-usap o pakikitungo. Bukod sa pag-iwas sa negatibong pagtrato, kailangan din ang paggawa ng positibong pagtrato kagaya ng maayos na pakikitungo at pagrespeto sa iba bilang tao. Muli, maaaninag natin ang pagkakaroon ng mga pamantayan sa loob ng isa pang pamantayan; nasa loob ng makataong pagtrato ang mga pamantayan tulad ng respeto (Mendez et al., 1984, mula sa De Leon, 2012) at asal na hindi nakakapinsala sa kapwa, hindi nakasasakit ng damdamin, at hindi nakadudungis ng karangalan (Jocano, 1997).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Pagpapanatili sa Maayos na Samahan<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mukhang para sa mga kalahok, kailangan pang higitan ang maayos na pagtrato bilang kapwa-tao. Hindi lang ang paraan ng pagtrato ang kailangang bigyan ng pansin kundi pati ang mga samahang mabubuo kasama ang ibang tao. Ito diumano ay sa pamamagitan ng pag-intindi sa kalagayan ng kapwa, hindi panghuhusga sa kanilang mga aksiyon, maayos na pakikisama, at pakikibagay. Mahalaga din sa pagpapanatili ng samahan ang pagpapatawad kung nagawan ng mali, pagpapakumbaba, at pagiging tapat sa isa\u2019t isa. Makikita muli dito ang paglalangkap ng makataong pagtrato sa pamantayan ng pagpapahalaga sa samahan (Mercado, 1994).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong><em>Pagtulong na Mapabuti ang Kapwa<\/em><\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lampas pa muli sa pagtuon sa magandang samahan, ang makataong pagtrato din ay ang pagtulong sa pagpapabuti ng kapwa, lalo na kung nangangailangan. Ayon kay Kuya Gilbert, \u201cOo, \u2019pag distressed ang isang tao, kailangang tulungan. Yung kahit, ke Muslim, ke Iglesia ni Kristo, ke Katoliko, kailangan tulungan n\u2019yo.\u201d Kasama para sa mga kalahok sa pagpapabuti ng kapwa ang pag-aalaga, pagbibigay ng batayang pangangailangan (<em>basic needs<\/em>)<em>, <\/em>at pagtulong sa maaabot ng kakayahan sa pamamagitan ng pag-eengganyo at pagsisilbing ehemplo. Ang mga nangangailangan rin ay kailangan diumanong gabayan patungong tama, lalo kung nalilihis, sa pamamagitan ng pagdidisiplina, pangangaral, at pagbibigay ng angkop na parusa.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Makataong Pagtrato: Isang Pamantayan<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Katulad ng sa pagpapahalaga sa pagiging mabuting tao, ang makataong pagtrato rin ay pinahahalagahan ng lahat ng kalahok. Nangangahulugan ito marahil na ang makataong pagtrato ay isang pamantayang gumagabay sa pakikisalamuhang Filipino, partikular bilang kumpol ng <em>codes o<\/em> <em>rules <\/em>ng mga dapat o hindi dapat sadyaing gawin sa kapwa<em>. <\/em>Sa pamamgitan ng pagsunod sa ganitong pagtrato, maisasabuhay ng parehong tinatrato at tumatrato ang pagiging mabuting tao. Ang pamantayan din ng makataong pagtrato ay nagpapaloob ng iba pang mga pamantayan. Kagaya ng sa pagiging mabuting tao, ang ganitong resulta ay nagpapahiwatig na may malaking saklaw ang pamantayang ito sa <em>pamantayan system<\/em>, at sa gayo\u2019y may malaking impluwensiya sa ating pananaw, pagkilos, at nadarama habang gumagalaw sa lipunan.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>PAGLALAGOM<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Batay sa mga pananaw ng mga propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga CICL, nakitang ang pamantayan o <em>value <\/em>ng pagiging mabuting tao ay isang <em>virtue <\/em>na rurok ng pangkabuuang pagkamoral ng indibidwal batay sa pagkakaroon ng tiyak at obhetibo na mga tamang katangiang pang-\u201cLoob\u201d na marapat ay nakikita sa kilos pang-\u201cLabas.\u201d Ang makataong pagtrato naman ay isang pamantayan na nakabatay sa mga tiyak at obhetibong mga tamang paraan ng pagtrato sa kapwa at sa kasadyaan ng kilos. Interesanteng makita na ang pamantayan ng makataong pagtrato ay pumapaloob sa pamantayan ng pagiging mabuting tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Maaaring implikasyon ng mga resulta na ang mga pamantayang Filipino ay batay sa tiyak at obhetibong mga batayan, may elemento ng <em>Virtue Ethics<\/em>, at maaaring naglalangkapan sa isa\u2019t isa sa paraan bukod sa pagkakaroon ng parehong core value na \u201cKapwa.\u201d Maaaring ipinapahiwatig ng mga resulta na ang dalawang konsepto ay malaki ang saklaw na impluwensiya sa ating mga pagkilos at pananaw sa mga pagkilos sa ating lipunan bilang Filipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>MGA LIMITASYON AT REKOMENDASYON<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang kasalukuyang pananaliksik ay humango ng pagpapakahulugan sa mga konsepto mula sa\u00a0 pananaw ng siyam na propesyonal na nakikipagtrabaho sa mga CICL. Sa ganitong paraan, wari\u2019y tiningnan ang siyam na propesyonal na ito bilang representante ng pagpapakahulugan at pamantayan ng lahat ng Filipino. Bagama\u2019t batid naming malayo sa milyong may iba\u2019t ibang perspektiba ang siyam lamang sa isang grupo sa lipunan, nakikita namin ang paunang pananaliksik na ito bilang mainam na panimula at pansamantalang pundasyon sa paghinuha tungkol sa mga pamantayang Filipino sa kabuuan, at partikular sa dalawang konsepto. Ang panimulang mga hinuha na ito ay maaaring pag-ambagan, patunayan, o baguhin ng mga susunod na pananaliksik. Hamon nito na sundan ang pagsiyasat mula sa mas maraming mga representante ng lipunang Filipino at mula sa iba\u2019t ibang konteksto. Partikular, maaaring gawin ito katulad ng sa ginawa na pagsasakongkreto at paglapit sa pang-araw araw na karanasan ng isang grupo, ngunit sa iba namang mga grupo na napapalibutan rin ng mga <em>moral dilemma<\/em>. Maaari ding magpokus sa pagpapatunay sa iilang mga resulta ng pananaliksik, partikular ang tunggalian sa pananaw kung ang moralidad ng mga Filipino ay batay sa obhetibo at\/o subhetibo na moralidad.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Alejo, A. (1990). <em>Tao po! Tuloy!: Isang Landas ng Pag-Unawa sa Loob ng Tao. <\/em>Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Baquiano, M., Lopez, G. 2011. Dimensions of Loob: Can Politicians be Used as Exemplars? <em>Philippine Journal of Psychology, 44 (2), <\/em>pp. 181-204.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Covar, P. (1995). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino. <em>Professorial Chair Papers, Series 95-4. <\/em>Quezon City : College of Social Sciences and Philosophy Publications, University of the Philippines-Diliman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">De Leon, M. P. (2012). Methods and Practices of Urban Filipino Parents in Promoting Mabuting Asal among Preschool Children. <em>Social Science Diliman<\/em> 8:2, 41-46<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Etemadi, Ye, at Bermudez, Jr. (2004). Children in Conflict with the Law in Cebu: Profile and Experience with the Juvenile Justice Process. Save the Children UK. Quezon City, Philippines.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Enriquez, V. G., (1992). Kapwa and the Struggle for Justice, Freedom, and Dignity. <em>From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience<\/em>, p. 52. University of the Philippines Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Jocano, F. L. (1997) <em>Filipino Value System: A Cultural Definition.<\/em> Punlad Research House.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mercado, L. (1994). Environmental Ehtics.<em> The Filipino Mind<\/em>. Cultural Heritage and Contemporary Change. Series III, Asia ; Vol. 8.<\/span><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Joseph Dominic S. Liao Departamento ng Sikolohiya University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Para sa maraming Filipino, hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao at ng makataong pagtrato sa kapwa. Subalit, wala pang pananaliksik na ginalugad &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-paano-ba-maging-mabuti-pagpapakahulugan-sa-pagiging-mabuting-tao-at-makataong-pagtrato\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 4, Nobyembre 2016] Paano ba Maging Mabuti? Pagpapakahulugan sa Pagiging Mabuting Tao at Makataong Pagtrato<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[9],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/634"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=634"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/634\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":638,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/634\/revisions\/638"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=634"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=634"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=634"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}