{"id":624,"date":"2016-11-01T04:08:30","date_gmt":"2016-11-01T04:08:30","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=624"},"modified":"2018-01-08T09:19:19","modified_gmt":"2018-01-08T09:19:19","slug":"diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-panimulang-pagsipat-sa-panggitnang-wika-o-interlanguage-ng-mga-mag-aaral-ng-wikang-filipino-na-may-lahing-filipino-o-heritage-learners","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-panimulang-pagsipat-sa-panggitnang-wika-o-interlanguage-ng-mga-mag-aaral-ng-wikang-filipino-na-may-lahing-filipino-o-heritage-learners\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 4, Nobyembre 2016] Panimulang Pagsipat sa Panggitnang Wika o Interlanguage ng mga Mag-aaral ng Wikang Filipino na may Lahing Filipino o Heritage Learners"},"content":{"rendered":"<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Ronel O. Laranjo<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mas nagiging masalimuot ang proseso ng pag-aaral ng ikalawang wika dahil kailangan nang mas maging malay ng isang tao sa pagkatuto at pag-aaral niya ng ikalawang wika. Layunin ng pag-aaral na mailarawan at masuri ang estruktural o kognitibong gramar ng panggitnang wika o interlanguage na nabubuo ng mga mag-aaral na may lahing Pilipino sa pag-aaral ng wikang Filipino sa intermediate o panggitnang lebel. Nakafokus ang papel na ito sa morpo-sintaks at semantiks na komponent ng interlanguage ng mga mag-aaral. Tinalakay din sa pananaliksik ang ugnayan ng saykolinggwistiks at panggitnang wika. Batay sa mga datos na nakalap mula sa sulatin ng 15 mag-aaral na may lahing Pilipino, nailarawan na ang panggitnang wika o interlanguage nila ay may omisyon ng pang-angkop na <em>-ng-\/ -g,<\/em> paggamit ng pang-angkop na <em>na<\/em> sa halip na <em>-ng-\/ -g<\/em>, paggamit marker na <em>ng<\/em> para sa <em>ng <\/em>at<em> nang<\/em>, paggamit o panghihiram ng mga pangngalan at pandiwa mula sa Ingles at mispormasyon ng mga pandiwa at mga parirala. Ang ganitong estruktura ay dala ng epekto ng unang wika ng mga kalahok (interlingual) at maging ng kumplikadong gramar ng wikang Filipino (intralingual) at nagpapatunay na aktibong gumagawa ng mga haypotesis ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstract<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">The process of learning a second language becomes more complicated because a person needs to be more conscious in acquiring and learning the second language. This study aims to describe and analyze the structure or cognitive grammar of interlanguage produced by Filipino heritage learners in intermediate level. This paper focuses on morpho-syntax and semantic component of the learners\u2019 interlanguage. The relationship of psycholinguistics and interlanguage is also discussed in the paper. According to the data gathered from the written essay of 15 heritage learners, the characteristics of interlanguage grammar is the omission of linker <em>-ng-\/ -g, <\/em>usage of linker <em>na<\/em> instead of <em>-ng-\/ -g<\/em>, usage of marker <em>ng<\/em> in replacement for <em>ng <\/em>and <em>nang<\/em>, usage or borrowing of nouns and verbs from English and misformation of verbs and phrases. This structure is brought about by the influence of the learners\u2019 first language (interlingual) and the complicated grammar of Filipino language (intralingual) and this also proves that the learners actively testing hypothesis as they learn the Filipino language.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Introduksiyon<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isang komplikadong proseso ang pagkatuto ng unang wika sa kabila ng tila pagiging natural na penomenon nito. Sa pag-aaral ng ikalawang wika, mas nagiging masalimuot ang prosesong ito dahil kailangan nang mas maging malay ng isang tao sa pagkatuto at pag-aaral niya ng ikalawang wika. Ang pag-aaral ng ikalawang wika ay proseso ng malikhaing pagbuo ng isang sistema na ang mga mag-aaral ay malay na gumagawa ng mga haypotesis tungkol sa target na wika mula sa iba\u2019t ibang posibleng panggalingan ng kaalaman nito (Brown, 2007, p.255). Tinatawag ang wikang ito na interlanguage o panggitnang wika. Ang interlanguage o panggitnang wika ay isang panggitnang sistemang nabubuo sa pagitan ng katutubong (una) wika at target (ikalawa) na wika.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Itinuturing nang internasyonal na wika ang wikang Filipino dahil itinuturo na ito sa iba\u2019t ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, Russia, France, at Korea bilang banyaga o pangalawang wika. Tinatawag na rin itong Global Filipino na unang ginamit sa <em>1<sup>st<\/sup> International Conference on Filipino as a Global Language<\/em> sa University of Hawaii (Yap, 2013). Ayon kay Mabanglo (1997), maaaring hatiin sa apat na kategorya ang mga mag-aaral ng Filipino batay sa layunin ng pagtuturo sa Filipino bilang wika: una, ang mga katutubong tagapagsalita na target ng pagtuturo sa Filipino bilang unang wika; ikalawa, ang mga tagapagsalita ng ibang katutubong wika tulad ng Ilokano, Ilonggo, Sebwano, atbp. na pangunahing mag-aaral ng Filipino bilang pangalawang wika; ikatlo, ang mga banyagang mag-aaral, dayuhang negosyante at dayuhang opisyal ng gobyerno na fokus ng pagtuturo ng Filipino bilang dayuhang wika; at ikaapat, ang mga <em>heritage students<\/em> o mga Filipino-American na maaaring ikalawa o ikatlong henerasyon ng mga Filipino naging migrante sa Estados Unidos. Masasabing masaklaw ang kategoryang ito ngunit may isang pangkat ng mga mag-aaral na hindi nakasama sa mga kategoryang ito, ang mga Filipinong ipinanganak sa Pilipinas na may magulang na isang Filipino at isang banyaga na bagaman lumaki dito sa bansa, Ingles ang naging unang wika. Hindi sila maaaring ibilang sa ikalawang kategorya dahil hindi katutubong wika sa bansa ang unang wika nila at hindi rin maaari sa ikatlong kategorya dahil bagaman ang isang magulang nila ay banyaga, hindi pa rin maikokonsiderang banyaga ang mga ito. May pagkakapareho ang kategoryang ito sa ikaapat na kategoryang\u00a0 mga heritage student dahil parehong Ingles ang kanilang unang wika at maaaring nagkaroon ng eksposyur sa wikang Filipino sa paglaki dahil sa magulang na Filipino. Magkaiba lang ang bansang kanilang kinalakhan, ang unang pangkat ay lumaki sa Estados Unidos habang ang ikalawa naman ay dito sa Pilipinas. Gayunman, ibibilang ang nasabing pangkat sa mga heritage student\/learner o mag-aaral na may lahing Filipino. Batay kina Polinksy at Kagan (2007), ang <em>heritage learners<\/em> ay mga indibidwal na nalantad sa isang partikular na wika sa kanilang pagkabata ngunit hindi ito lubusang natutuhan dahil naigpawan (usurp) ng ibang wika ang orihinal na wika. Sa kaso ng mga mag-aaral sa Pilipinas, nalantad sila sa wikang Filipino ngunit hindi nila ito natutuhan nang lubos dahil wikang Ingles ang naging unang wika nila. Ang grupo ng mga mag-aaral na ito ang pagtutuunan sa pananaliksik.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Layunin ng pag-aaral na mailarawan at masuri ang estruktural o kognitibong gramar ng panggitnang wika o interlanguage na nabubuo ng mga mag-aaral na may lahing Filipino sa pag-aaral ng wikang Filipino sa intermediate o panggitnang level. Nakafokus ang papel na ito sa morpo-sintaks at semantiks na komponent ng interlanguage ng mga mag-aaral. May mga naisagawa nang pag-aaral tungkol sa mahusay o mabisang pagtuturo ng wikang Filipino. Ngunit kakaunti ang pag-aaral na nakatutok sa proseso o mekanismo ng pagkatuto ng wikang Filipino bilang ikalawang wika na bahagi ng malawakang pag-aaral ng saykolinggwistiks.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>SAYKOLINGGWISTIKS AT PANGGITNANG WIKA O INTERLANGUAGE<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang panggitnang wika o interlanguage ay isang panggitnang sistemang nabubuo sa pagitan ng katutubong (una) wika at target (ikalawang) na wika. Ito rin ay tinatawag na <em>mental grammar<\/em> na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika (Constantino, 2012, p.14). Ang mental grammar na ito ay resulta ng mga kognitibong estruktura na ginagamit ng mga mag-aaral sa paglutas ng mga problemang kaniyang kinakaharap sa larangan ng pagkatuto at pag-aaral ng wika. Sa pag-aaral ng pangalawang wika, may dalawa o higit pang kasangkot na wika: ang katutubong (una) wika ng mag-aaral at ang target (ikalawa) na wika, maaari ring ikatlo o ikaapat na wika. Ang mga mag-aaral ay aktibong gumagawa ng kaniyang sistemang pangwika na batay sa mga kasangkot na wika. Habang hindi pa niya namamaster ang target na wika, kumukuha siya ng mga fityur mula sa kaniyang katutubong wika na akala niya ay pareho ng fityur ng wikang kaniyang inaaral. Natural ang ganitong proseso: habang hindi pa nagagagap ng mag-aaral ang buong sistemang pangwika ng target na wika, gumagawa siya ng haypotesis upang mapunan ang mga ito na mula naman sa wika o mga wikang alam na niya.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa paglalarawan ni Corder (1981) ng panggitnang wika o interlanguage, binigyang-diin niya ang pagiging pansamantala o hindi permanente ng sistemang ito na inirerepresenta ng bilog na may mga linya sa loob sa halip na bilog na may solidong itim na kulay:<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><a style=\"color: #000000;\" href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter size-full wp-image-625\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1.png\" alt=\"Laranjo 1\" width=\"391\" height=\"186\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1.png 391w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1-300x142.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1-100x47.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1-150x71.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-1-200x95.png 200w\" sizes=\"(max-width: 391px) 100vw, 391px\" \/><\/a><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa paglalapat nito sa pag-aaral na ito, Ingles ang unang wika ng mga mag-aaral habang Filipino naman ang target na wika:<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><a style=\"color: #000000;\" href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"aligncenter wp-image-626 size-full\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2.png\" alt=\"Laranjo 2\" width=\"381\" height=\"178\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2.png 381w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2-300x140.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2-100x46.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2-150x70.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2017\/12\/Laranjo-2-200x93.png 200w\" sizes=\"(max-width: 381px) 100vw, 381px\" \/><\/a><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang pangunahing katangian ng panggitnang wika ay ang pagkakaroon nito ng mga kamalian na resulta ng malay na pagbuo ng haypotesis tungkol sa mga fityur ng target na wika. Binibigyang-diin na hindi ito isang permanenteng sistema dahil sa oras na matutuhan ng mag-aaral ang sistema ng target na wika, naitatama niya ito. Ngunit may mga pagkakataon ding ang mga kamaliang ito ay hindi na kayang itama at nagiging permanente.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">May dalawang nagbabanggaang ideya na may kinalaman sa mga kamaliang nagagawa ng mga mag-aaral ng ikalawang wika na may kinalaman sa saykolinggwistiks. Ang unang perspektibo ay ang <em>behaviorist<\/em> (Fries, 1945; Lado 1964) na naniniwalang dapat iwasan ang mga kamalian ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng ikalawang wika dahil kung hindi, magiging gawi ito ng mag-aaral at nagpapakita rin umano ito ng kakulangan sa pedagohiya. Ang perspektibong <em>cognitivist<\/em> (James, 1998; Lightbown &amp; Spada, 1993; Selinker, 1972; Corder, 1971; Nemser, 1971) naman ang kasalungat na pananaw na nagsasaad na sa kabila ng mabuti at masigasig na pagtuturo ng mga guro sa ikalawang wika, magkakaroon ng mga kamalian ang mga mag-aaral ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagkabigo sa halip, nagpapatunay ito ng pagiging malay at aktibong mag-aaral ng ikalawang wika.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Batay kay Corder (1981) mahalaga ang mga kamalian ng mga mag-aaral dahil una, indikasyon ito para sa mga guro kung hanggang saan na ang natutuhan ng mga mag-aaral at ano pa ang mga dapat niyang matutuhan; ikalawa, ang mga kamalian ay ebidensiya para sa mga mananaliksik kung paanong natututuhan ang isang wika, at ano ang mga estratehiya o hakbang na inilalapat ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika; at panghuli, mahalaga ang mga kamalian sa mga mismong mag-aaral dahil maaaring magamit ang mga kamalian bilang kasangkapan upang matutuhan ang wika (Corder, 1981, p.10-11).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa Pilipinas, may mga nagsagawa na rin ng pag-aaral tungkol sa panggitnang wika o interlanguage at mga pagsusuri sa kamalian ng mga mag-aaral ng wikang Filipino sa mga Filipinong may ibang katutubong wika at mga banyaga. Batay sa pag-aaral ni Delima (1993) sa interlanguage at mga variability nito na mga salik linggwistikal, saykolinggwistikal, sosyolinggwistikal at pandamdamin o affective, natuklasan niya na gumamit ng mga estratehiyang panghihiram, paraphrasing, at transfer sa leksikal na level sa pasulat at pasalitang anyo ng Filipino ang mga guro (taal at di-taal na tagapagsalita ng Tagalog) sa kolehiyo sa Baguio. Batay sa resulta ng istatistikal na pagsusuri, lumabas na walang ipinagkaiba ang Academic Filipino Variety o varayti ng akademikong Filipino ng mga gurong taal na Tagalog at di-taal na Tagalog. Ang pag-aaral na ito ay hindi masyadong tumutok sa estruktura ng interlanguage kundi sa mas malawak na mga variability nito na linggwistik, saykolinggwistik, sosyolinggwistik, at pandamdamin.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ginamit din ni Mayos (1988) ang error analysis sa kaniyang pananaliksik tungkol sa mga mag-aaral ng wikang Filipino na Ilokano ang unang wika na nasa ikaapat na taon sa hay-iskul. Batay sa mga pasulat na tekstong sinuri ng mananaliksik, inisa-isa at binilang niya ang mga pagkakamali ng mga mag-aaral sa ortograpiya, pangngalan, aspekto ng pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-ugnay, at mga pananda o marker. Tiningnan din ng mananaliksik ang kuwalipikasyon ng mga guro ng Filipino na nagturo sa mga bata na maaaring naging dahilan ng mga kamalian. Ang input o pagtuturo sa mga mag-aaral ang naging tuon ng pagsusuri bilang pinanggalingan ng mga kamalian ngunit walang pagtalakay ang mananaliksik sa mga posibleng salik panlingguwistika na pinanggalingan ng mga kamalian ng mga mag-aaral.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Inilarawan ni Catabui (1969) sa kaniyang pananaliksik ang mga kamalian sa pasalita at pasulat na teksto ng mga mag-aaral sa unang taon na Ibanag ang unang wika. Sa pasalitang wikang Filipino, napapagpalit ng mga mag-aaral ang mga tunog na \/i\/ at \/e\/; \/o\/ at \/u\/ at nahirapan din sa pagbigkas ng mga diin. Sa pasulat na wika naman, may mga maling ispeling sa mga diptonggo,\u00a0 hindi pagsulat sa malaking titik, paggamit ng gitling, at pagpapalit ng mga letrang i at e; at o at u. Sa level naman ng gramar, may kamalian sa pagbuo ng mga pandiwa, paggamit ng panghalip paari at mga paningit. Batay sa kongklusyon ng mananaliksik, ang mga kamalian ay resulta ng interference o paglilipat ng mga fityur ng wikang Ibanag sa wikang Filipino ng mga mag-aaral.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pag-aaral ni Laranjo (2015), inilahad niya ang interlanguage ng mga Koreanong mag-aaral na nag-aaral ng wikang Filipino. Natuklasan niya na nakaapekto ang mga wikang Koreano at Ingles sa pagpoprodyus ng wikang Filipino ng mga mag-aaral na Koreano. Batay sa kaniyang pagsusuri, sa mga klase sa Filipino mula sa mababa hanggang mataas na level, ang mga Koreanong mag-aaral ay 1) nagkaroon ng pagdadagdag at pagbabawas ng gitling sa ortograpikong level; 2) hindi naglalagay ng pang-akop na <em>\u2013g\/ng\/na<\/em> sa morpolohikong level; at 3) may maling pormasyon ng mga pandiwa sa morpolohikong level. Masasabing ito ang unang pananaliksik na nakafokus sa estruktura ng wikang napoprodyus ng mga banyagang nag-aaral ng wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Inilahad naman ni Oue (1997) sa kaniyang artikulo ang mga problemang naranasan niya sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga mag-aaral na Hapones. Binigyang-pansin niya ang kahirapan sa pagbigkas sa patinig at katinig ng Filipino na may kahalintulad na tunog at maging ang mga tunog na wala sa wikang Hapones; problema kaugnay ng estandardisasyon sa pagbaybay ng mga salita at gramatika ng wikang Filipino; kahirapan ng mga mag-aaral na Hapones sa sistema ng fokus sa pandiwa ng Filipino at maging ang malakas na impluwensiya ng Ingles sa wikang Filipino na nagreresulta sa pag-asenso ng estudyante sa Filipino, batay sa kaniya. Ang artikulong ito ay may maraming halimbawa ng istruktural na kamalian at kahirapan ng mga mag-aaral na Hapones na pag-aaral ng wikang Filipino at mauuri sa dalawa: intralingual at interlingual.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa kanilang aklat na <em>Language Two<\/em>, nagmungkahi sina Dulay, Burt, at Krashen (1982) ng mga kategorya kung paano minamanipula ng mga mag-aaral ang mga pang-ibabaw na estruktura ng isang wika (surface structure). Nagbigay sila ng apat na kategorya: (1) omisyon o pagbabawas; (2) adisyon o pagdadagdag; (3) mispormasyon o misseleksyon o maling pagbubuo at maling pagpili; at (4) misorder o maling pagkakaayos. Ang omisyon ay ang pagkawala ng isang fityur (ng wika) ngunit dapat mayroon nito sa isang pangungusap. Kabaligtaran naman nito ang adisyon na may isang fityur na hindi naman kailangan ngunit nasa isang pangungusap. Ang mispormasyon naman ay mga pagkakamali sa porma ng morpema o estruktura. Ang misorder naman ay ang maling paglalagay ng isang morpema o grupo ng mga morpema sa isang pangungusap. Ang mga kategoryang ito ang gagamitin ng mananaliksik bilang paglalahad ng estruktural na katangian ng panggitnang wika o interlanguage ng mga mag-aaral na may lahing Filipino sa morpo-sintaktikal at semantiks na level ng wikang Filipino ngunit hindi rin limitado dito ang gagawing kategorisasyon.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>METODOLOHIYA<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nangolekta ang mananaliksik ng mga sulatin ng mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Ateneo de Manila na kumukuha ng klaseng Filipino for Non-Filipino Speakers. Labinlimang mga mag-aaral na mula sa antas na intermediate o panggitnang lebel ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Sa pagtatapos ng ikalawang semestre (akademikong taong 2015\u20132016), pinasulat ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay sa wikang Filipino (tingnan ang Apendiks) tungkol sa paglalarawan sa kanilang sarili, ginawa noong nakaraang bakasyon, mga balak sa darating na bakasyon at mga ginagawa sa pang-araw-araw. Pinili ang mga tanong upang makakuha ng mga pangungusap na magtataglay ng mga pang-uri at iba\u2019t ibang aspekto ng pandiwa. Ipinaalam sa mga mag-aaral na gagamitin ang mga sanaysay para sa pag-aaral na ito at nagpamahagi rin ng form ng pagsang-ayon para sa mga mag-aaral na lumahok. Binasa ng mananaliksik ang mga sanaysay at sinuri ang mga pangungusap na naprodyus ng mga mag-aaral. Itinuring na sistematikong pagkakamali ang isang fityur ng gramar sa pagkakataong tatlo o higit pang mag-aaral ang nakapagprodyus nito. Batay ito sa pamantayang ibinigay ni Corder sa pangongolekta ng pagkakamali ng mga mag-aaral ng ikalawang wika.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">May 248 na pangungusap ang naprodyus ng mga kalahok na may 2708 token. Gumamit ng AntConc 3.4.3 (2014), isang computer program para sa pagpoproseso ng panglingguwistikang datos, upang suriin ang mga datos o korpus na nakuha. Tiningnan din ang silabus ng klase upang magsilbing sanggunian sa pagsusuri.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>MGA KALAHOK<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Labinlimang mag-aaral mula sa isang pribadong pamantasan ang lumahok sa pag-aaral na ito, siyam ang babae habang anim naman ang lalaki at may edad na 16 hanggang 21 taon. Lahat ng mga kalahok ay ipinanganak dito sa Pilipinas at may isa o dalawang magulang na Filipino ngunit pinalaking Ingles ang unang wika. Lahat sila ay ipinanganak sa Pilipinas at nalantad sa wikang Filipino sa tahanan at sa kanilang kapaligiran habang lumalaki. Nasa intermediate o panggitnang level ng kasanayan sa wikang Filipino ang lahat ng kalahok pagdating sa pagsulat. Ang karamihan din sa mga kalahok ay unang natutuhan at napag-aralan ang wikang Filipino sa paaralan. Ilan sa mga motibasyon ng mga kalahok sa pormal na pag-aaral ng wikang Filipino sa unibersidad ay: una, isa itong kahingian sa kanilang pinapasukang paaralan; ikalawa, bilang isang Filipino, nais nilang matutuhan ang sariling wika; at ikatlo, nais ng mga kalahok na makausap nang maayos ang kanilang mga kasambahay, kaklase at mga kaibigan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Panggitnang wika o Interlanguage ng mga Mag-aaral na may lahing Filipino<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ilalahad sa bahaging ito ang mga nakuhang datos mula sa mga sulatin ng mag-aaral sa morpo-sintaks at semantiks na level ng wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><strong><span style=\"color: #000000;\">1. Paggamit ng pang-angkop na <em>na<\/em> sa halip na <em>-ng-\/g<\/em><\/span><\/strong><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. Gusto ko makapagluto ng ibat ibang klase ng pagkain na French o Italian.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. Ako ay isang Filipina <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>na<\/strong><\/span> maliit at kayumanggi.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. Gusto ko ng masaya <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>na<\/strong><\/span> parties pero ayoko rin na masiyadong maingay na lugar.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mayroong dalawang anyo ang pang-angkop (<em>na<\/em> at <em>\u2013ng\/g)<\/em> depende sa sinusundan nitong huling tunog. Sa mga pangungusap na B at C, mas angkop na gamitin ang <em>\u2013ng<\/em> dahil nagtatapos ang mga salita sa patinig habang sa A naman ay <em>\u2013g<\/em> dahil nagtatapos ito sa katinig na n.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>2. Omisyon ng pang-angkop na &#8211;<em>ng\/ -g<\/em>\u00a0<\/strong><\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. Isa akong babae na lumaki sa Pilipinas, maikli ang buhok ko at hindi ako <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>gaano<\/strong><\/span><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> matangkad.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. Mahilig <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ako<\/strong><\/span> kumain ng prutas, tulad ng mansanas at ubas.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. Mahilig <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ako<\/strong><\/span> maglaro ng mga sports.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> D. Nagcelebrate ako nalang ng birthday ko noong disyembre kasama ng <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>akin<\/strong><\/span> pamilya.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> E. Magaan <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ako<\/strong><\/span> kasama at ayoko ng nagaaway.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Maoobserbahang malapit sa anyo ng pasulat na wika ang mga pangungusap sa itaas.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Maaaring katanggap-tanggap ang pag-aalis ng mga pang-angkop sa pasalitang wika ngunit sa pasulat na anyo ng wikang Filipino, kinakailangan ng pang-angkop sa mga pangungusap sa itaas.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><strong><span style=\"color: #000000;\">3. Paggamit ng marker na <em>ng<\/em> para sa <em>ng<\/em> at <em>nang<\/em><\/span><\/strong><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. Hindi ako mahilig gumising <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> maaga, pero hindi ko rin gusto na tumulog <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span><strong>\u00a0<\/strong>maaga.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. Ngayong sem break, nais ko na magaral <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> mabuti at magexercise ng madami.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. Lumabas kami <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> madalas.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> D. Nagsosnow <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> malakas at talagang malamig.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> E. Kumain rin ako <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> madami at nahirapan ako magdiet dahil sa lechon.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> F. Matutulog ako <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong> <\/span>sampung oras.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa gramar ng Filipino, ang <em>ng<\/em> ay sinusundan ng objek ng pangungusap, adjunct ng ilang grupo ng pandiwa, pagmamay-ari, komponent, at pangnilalaman. Sa kabilang banda, ang <em>nang <\/em>ay sinusundan ng pang-abay tulad ng oras, panahon, dalas, paraan, at panukat.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pagsusuri sa silabus ng mga klase sa Filipino ng mga kalahok, naituro na sa kanila ang kaibahan ng dalawa at mayroon ding isang kalahok na nagtangkang gumamit ng <em>nang<\/em> ngunit ito ay isang kamalian.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. Sa break, kami <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>nang<\/strong> <\/span>aking nanay ay pupunta sa Japan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung susuriin ang mga pangungusap na nabuo ng mga mag-aaral sa ibaba, kapansin-pansin na tama ang paggamit ng mga kalahok ng <em>ng<\/em> bilang marker ng objek at marker ng pagmamay-ari tulad ng:<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. Gumigising ako, at kumakain <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> almusal.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. Kumain kami <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> iba\u2019t ibang local at native na pagkain.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. Itim ang kulay <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> buhok ko at morena naman ang kulay ng balat ko.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> D. Dito, madalas pag wala sa klase, ako ay kasama <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>ng<\/strong><\/span> aking mga kaibigan o blockmates.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ngunit ginamit din ng mga mag-aaral na may lahing Filipino ang <em>ng<\/em> bilang marker ng pang-abay na pamanahon na nagresulta sa mga kamalian sa mga pangungusap sa 3. A-F. Kung gayon, maaaring mahinuha na itinuturing ng karamihan ng mga mag-aaral na iisa lamang ang gamit ng <em>nang<\/em> at <em>ng<\/em>. Sa kasong ito, masasabing nagkaroon ng pagpapasimple ng komplikadong gramar ng wikang Filipino ang mga heritage learner<em>. <\/em>Tinatawag din itong <em>overgeneralization<\/em> sa larangan ng pagkatuto ng ikalawang wika kung saan ipinapalagay ng mga mag-aaral na ang isang panuntunan sa gramar ay maaari ring iaplay sa iba pang mga fityur nito (Brown 2007). Nararapat ding banggitin na isa rin itong karaniwang kamalian maging para sa mga katutubong tagapagsalita ng wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><strong><span style=\"color: #000000;\">4. Mispormasyon ng mga pandiwa<\/span><\/strong><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">4.1. Paggamit ng &#8211;<em>um<\/em>&#8211; para sa panlaping <em>ma<\/em>&#8211; at <em>nag<\/em>&#8211;<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> A. Hindi ako mahilig gumising ng maaga, pero hindi ko rin gusto na <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>tumulog<\/strong><\/span> ng maaga.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. Gumigising ako ng 6:50. <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Tumutulog<\/strong><\/span> ako ulit.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Tumutulog<\/strong><\/span> ako sa dorm sa break ko dahil palagi ako tired.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> D. Nagsho-shower at <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>bumibihis<\/strong><\/span> ako.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">4.2. Paggamit ng <em>mag<\/em>&#8211; para sa panlaping<em> ma<\/em>&#8211; at &#8211;<em>um<\/em>&#8211;<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> A. Pagkatapos noon, <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>nagliligo<\/strong><\/span> ako.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> B. <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Nagpasyal<\/strong><\/span> kami sa Singapore at kumain ng mga ibat ibang pagkain.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> C. Palagi ako <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>nagkakain<\/strong><\/span> sali ng kaibigan ko.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">May tatlong malalaking grupo ng panlapi para sa pandiwa para sa fokus ng tagaganap o aktor sa wikang Filipino: <em>-um-<\/em>, <em>mag-<\/em> at <em>ma- <\/em>(Schachter at Otanes, 1972). Mapapansin mula sa datos ng mga naprodyus na pangungusap ng mga kalahok na ang pinakagamiting panlapi para sa mga pandiwa ay ang <em>-um-<\/em> na sinundan ng <em>mag-<\/em> at pinakakaunti ang <em>ma-<\/em>. Maaaring mahinuha na ang dominanteng panlapi sa panggitnang wika o interlanguage ng mga mag-aaral ay ang <em>-um-<\/em> kaya naman iniaaplay nila ito kahit sa ibang grupo ng mga pandiwa na nagresulta sa pagkakamali sa 3.1. Ganito rin ang kaso ng 3.2. na mas ginagamit ang panlaping <em>mag-<\/em> kaysa <em>ma-.<\/em><\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><strong><span style=\"color: #000000;\">5. Paggamit o panghihiram ng mga pangngalan at pandiwa mula sa Ingles<\/span><\/strong><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">5.1. Mga pangngalang pambalana<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">A. Adik ako sa <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>music<\/strong><\/span> at Dota.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">B. Ako ay pumapasok sa <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>school<\/strong><\/span>, kung nasaan ako halos buong araw.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">C. Hindi maitim ang kulay ng <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>skin<\/strong><\/span> ko.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">5.2. Mga pangngalang pantangi<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">A. Ok lang ang bakasyon namin noong <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>December<\/strong><\/span> at <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>January<\/strong><\/span>.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">B. Nung Desyembre, pumunta ang pamilya ko sa Hongkong para sa <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Christmas<\/strong><\/span>.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">C. Napakasaya ng aking <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Christmas<\/strong><\/span> break dahil umuwi sa Pilipinas ang paborito <\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">kong pinsan.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">D. Bumisita ang mga pinsan ko na galing sa <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>US<\/strong><\/span>.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga pangungusap sa itaas ay katanggap-tanggap sa pasalitang anyo ng wikang Filipino. Ngunit sa pasulat na anyo, mas tinatanggap ang mga katumbas sa wikang Filipino ng mga nakasalungguhit na salita. Ang mga pagkakamaling ito ay bunga ng kakulangan ng bokabularyo sa wikang Filipino kaya humiram ang mga mag-aaral ng mga salita mula sa kanilang unang wika na Ingles. Ito ay itinuturing din na isang natural na penomenon sa baylinggwal na kaligiran ng Pilipinas.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">5.3. Mga pandiwa<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">A. <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Nag da-drive<\/strong><\/span> ako pa puntang University sa umaga para maka kuha ako ng parking.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">B. Pagkatapos ay bumalik ako sa Los Angeles kasama lamang ang aking kapatid at <\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"><span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>nag-travel<\/strong><\/span> papuntang Temecula.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">C. Gusto ko rin <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>magperform<\/strong><\/span> sa mga musikal na produksyons.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">D. Gusto kong magpunta sa beach para <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>magswimming<\/strong><\/span> at magpaitim sa ilalim ng araw.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa mga Filipinong baylinggwal, karaniwan din ang paghahalo ng mga panlaping Filipino at pandiwa o pangngalang Ingles at malawakan ang paggamit nito sa kasalukuyan dahil sa impluwensiya ng wikang Ingles sa lipunang Filipino. Ngunit sa pasulat na anyo at pormal na anyo ng wikang Filipino, maaaring ituring na kamalian ang mga nakasalungguhit sa itaas lalo pa\u2019t may mga tuwirang salin ang mga ito sa wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><strong><span style=\"color: #000000;\">6. Mispormasyon ng mga parirala<\/span><\/strong><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">A. ?Wala kaming nagawa na <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>sobrang maalala<\/strong><\/span> pero masaya parin ang <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>bisita<\/strong><\/span> nila. <\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\">We didn\u2019t do anything that is <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>very memorable<\/strong><\/span> but their <span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>visit<\/strong><\/span> is still fun.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">B. ?<span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Sa katotohanan<\/strong><\/span> hindi ako lumalabas ng bahay kasi mahilig ako mag-kompyuter lang at maglaro ng video games.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"><span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>In reality<\/strong><\/span>, I don\u2019t go outside home because I like computer and playing video games.<\/span><\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\"><span style=\"color: #000000;\">C. *<span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>Nasa Brazilian jiu jitsu ako<\/strong><\/span> at nag volleyball ako nuong highschool.<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"><span style=\"text-decoration: underline;\"><strong>I am into Brazilian jiu jitsu<\/strong><\/span> and I played volleyball during high school.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga pangungusap na 6A at 6B ay may simbolong \/?\/ dahil may paglabag sa gramar ngunit medyo naiintindihan pa rin ito ngunit ang 5C ay may \/*\/ dahil hindi talaga ito gramatikal. Ngunit kung isasalin sa unang wika ng mga mag-aaral na may lahing Filipino ang mga pangungusap na ito, makikita na halos pareho ang estruktura ng mga nakasalungguhit sa wikang Ingles sa mga nakasalungguhit sa wikang Filipino. Kung gayon, nagkaroon ng isa-sa-isang tumbasang pariralang pagsasalin mula sa unang wika ng mga mag-aaral papunta sa target na wika kaya masasabing ang mga pagkakamali sa itaas ay sistematiko pa rin.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>PAGSUSURI<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Batay sa mga datos sa sa itaas, kapansin-pansin na may mga pagkakamali ang mga mag-aaral na bunga ng komplikadong tuntunin sa gramar ng wikang Filipino tulad ng pang-akop na may dalawang anyo na <em>na <\/em>at <em>-ng\/-g<\/em>; marker na <em>nang <\/em>at <em>ng<\/em> at mga panlaping &#8211;<em>um-, mag- <\/em>at <em>ma-. <\/em>Maaaring masuri ang mga kamaliang ito batay sa <em>Markedness Differential Hypothesis <\/em>o<em> Markedness Theory<\/em> ni Fried Eckman. Isinasaad ng teoryang ito na nagkakaroon ng pag-iiba sa mga miyembro ng pares na may magkaugnay na porma o estruktura sa pamamagitan ng pagpapalagay na ang <em>marked<\/em> o markadong miyembro ng pares ay mayroong isa pang fityur kaysa sa <em>unmarked<\/em> o di-markadong kapares nito (nasa Brown, 2007, p.254-255). Dagdag pa, mas malawakan ang paggamit ng di-markadong fityur kaysa markadong fityur. Sa Ingles halimbawa, sa mga artikulong <em>a <\/em>at <em>an,<\/em> mas komplikado o markado ang <em>an<\/em> dahil sa karagdagang tunog nito habang ang <em>a<\/em> naman ang di-markado kaya mas ginagamit. Sa kaso naman ng wikang Filipino, batay sa mga datos mula sa interlanguage ng mga mag-aaral na may lahing Filipino, ang <em>na <\/em>at <em>-ng\/-g<\/em> ay dalawang porma ng pang-angkop. Bagaman mas malawak ang distribusyon ng &#8211;<em>ng\/-g <\/em>na may 92 token kaysa <em>na<\/em> na may 24 token lamang, sa mga pagkakataong kailangang gamitin ang anyong <em>\u2013ng\/-g<\/em>, tinantanggal o hindi ito ginagamit ng mga mag-aaral. Sa kaso ng paggamit ng pang-angkop na <em>\u2013ng\/-g<\/em> walang nakitang maling paggamit. Sa ngayon, kung pagbabatayan ang distribusyon ng dalas sa tamang pagkakagamit, maaaring masabing di-markado ang <em>\u2013ng\/-g <\/em>at markado ang <em>na <\/em>ngunit kung pagbabasehan ang tamang paggamit, masasabing di-markado ang <em>na <\/em>at markado naman ang <em>\u2013ng\/-g.<\/em> Sa kaso naman ng marker na <em>nang <\/em>at <em>ng<\/em>, mas gamitin ang <em>ng<\/em> na may 121 token habang isang beses lamang lumitaw ang <em>nang<\/em> sa pangungusap ng mga mag-aaral kaya naman <em>ng<\/em> ang di-markado habang <em>nang <\/em>naman ang markado.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa mga pangungusap na naprodyus ng mga mag-aaral, \u00adang panlaping <em>\u2013um-<\/em> ang pinakamaraming distribusyon na sinundan ng <em>mag-<\/em> at <em>ma-<\/em> ang pinakakaunti. Batay sa obserbasyon sa itaas, masasabing panlaping <em>-um-<\/em> ang di-markado dahil ito ang may pinakamaraming distribusyon na 102 pangungusap at ginagamit ng mga mag-aaral kahit sa mga panlaping <em>mag-<\/em> at <em>ma- <\/em>habang ang <em>mag-<\/em> (62 token) at <em>ma- <\/em>(18 token) naman ang mga markadong panlapi. Ang obserbasyong ito ay taliwas sa pag-aaral ni Gonzales (1984) kung saan naitala niyang unang napoprodyus ng mga batang Filipinong nagsasalita ng wikang Filipino ang panlaping <em>ma-<\/em> na sinundan ng <em>-um-<\/em> at <em>mag-<\/em>. Ipinakita ni Eckman na ang mga markadong aytem sa isang wika ay mas mahirap matutuhan kaysa mga di-markado at ang antas ng pagging markado (markedness) ay katumbas ng antas ng kahirapan (Brown 2007: 254). Kung gayon, masasabing para sa mga batang Filipino, <em>ma-<\/em> ang maituturing na di-markado at sa pagitan ng <em>-um-<\/em> at <em>mag-<\/em>, mas markado ang huli kaysa una. Maaaring matukoy ang magkataliwas na obserbasyong ito sa kaibhan ng pagkakalantad o pagkababad ng dalawang grupo sa wikang Filipino. Ang mga batang inobserbahan ni Gonzales sa kaniyang pag-aaral ay mas babad sa wikang Filipino at kakaunti lang ang eksposyur sa Ingles. Ang mga heritage learner naman sa pag-aaral na ito, bagaman nalantad sa wikang Filipino sa tahanan at sa kanilang kapaligiran habang lumalaki ay mas nababad sa wikang Ingles at unang natutuhan at napag-aralan ang wikang Filipino sa paaralan. Naobserbahan din ni Laranjo (2015) sa kaniyang pag-aaral na ang mga Koreanong mag-aaral ay may mga kamalian din sa paggamit ng mga panlaping aktor fokus habang naobserbahan naman ni Oue na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral na Hapones ang mga panlaping aktor fokus at kalimitan ding nagkakamali dito. Pinatutunayan ng mga obserbasyon mula sa mga nabanggit na pag-aaral na komplikado ang sistema ng paglalapi at fokus ng wikang Filipino at hindi ito madaling matutuhan para sa mga nag-aaral nito bilang ikalawang wika.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung pagbabasehan ang mga datos ng interlanguage ng mga mag-aaral sa panggitnang antas ng wikang Filipino, maaaring mapatotohanan ang teorya ni Eckman\u00a0 ngunit kailangan pa ring makita ang mas masaklaw na datos mula sa mga mag-aaral ng wikang Filipino mula mababa hanggang mataas na level upang tuluyang mapatotohanan ang teorya ng markedness o pagiging markado.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Tulad ng nabanggit sa itaas, itinuturing na sistematikong pagkakamali ang mga nasa kategoryang\u00a05 at\u00a06 dahil taglay nito ang mga morpolohikong fityur ng Ingles at wikang Filipino. Bagaman katanggap-tanggap sa pasalitang anyo ng wikang Filipino ang panghihiram ng mga pangngalang pambalana at pantangi sa Ingles, mas tinatanggap ang mga katumbas sa wikang Filipino sa pasulat na anyo nito. Ang mga pagkakamaling ito ay bunga ng kakulangan ng bokabularyo sa wikang Filipino kaya humiram ang mga mag-aaral ng mga salita mula sa kanilang unang wika na Ingles. Ganito rin ang kaso ng mga mag-aaral na Ilokano (Mayos, 1988), Ibanag (Catabui, 1969) at Koreano (Laranjo, 2015). Ito ay itinuturing ding isang natural na penomenon sa baylinggwal na kaligiran ng Pilipinas. Sa mga baylinggwal na Filipino, kapansin-pansin din ang paghahalo ng mga fityur ng wikang Ingles at Tagalog na tinatawag na Taglish tulad ng sa pag-aaral nina Tangco at Nolasco (2002) at maoobserbahan din ito sa mga heritage learner na Ingles ang unang wika. Kung susuriin, pinaghalo ng mga mag-aaral na may lahing Filipino ang panlaping Filipino na mag\u00ad- at Ingles na pangngalan o pandiwang katumbas tulad ng nagda-drive, nag-travel, magperform, at magswimming. Sinusuportahan at tumutugma ang mga datos na ito sa pag-aaral nina Tangco at Nolasco (2002) kung saan naobserbahan nilang mag\u00ad- ang pinakagamiting panlapi kasama ng mga Ingles na salita upang makabuo ng pandiwa. Ginagamit ang konstruksiyong mag- para sa gamit pang-intransitibo (intransitive) (Tangco at Nolasco, 2002, p.395). Makikita ang ganitong gamit ng nagda-drive sa pangungusap 5.3.A. Ang isa pang gamit nito ang pagiging anti-pasibo (anti-passive). Karaniwang kasama ng anti-pasibo ang hindi tiyak at non-referential na patient o objek (Tangco at Nolasco, 2002, p. 396). Makikita ito sa paggamit ng nag-travel, magperform, at magswimming sa mga pangungusap at 5.3.B-D. Batay sa pag-aaral, ginagamit at nagiging posible ang konstruksiyong mag+ Ingles na pangngalan\/ pandiwang katumbas dala ng pansemantiko at pragmatikong salik.\u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa mga pangungusap sa bilang 6, mapapansin naman ang direktang pagsasalin mula sa unang wika papunta sa wikang Filipino ng mga heritage learners. Batay kay Brown (2007: 63), nagkakaroon ng paglilipat interlingual dahil bago pa maging pamilyar ang mag-aaral sa sistema ng ikalawang wika, ang katutubong wika lamang ang maaaring pagkunan na linggwistikong sistema ng mag-aaral. Maoobserbahang hanggang sa panggitnang level ng pag-aaral ng wikang Filipino, nakaaapekto pa rin ang sintaktikal na estruktura ng unang wika ng mga mag-aaral na may lahing Filipino. Ganito rin ang kaso ng mga mag-aaral na Koreano kung saan hindi lamang wikang Koreano ang nakaaapekto sa sintaktikal na ayos ng mga pangungusap kundi maging ang wikang Ingles (Laranjo, 2015, p.75)<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>KONGKLUSYON<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mula sa mga pasulat na datos na naprodyus ng mga mag-aaral ng wikang Filipino na may lahing Filipino, nailarawan na ang panggitnang wika o interlanguage nila ay may omisyon ng pang-angkop na <em>-ng-\/ -g<\/em><em>,<\/em> paggamit ng pang-angkop na <em>na<\/em> sa halip na <em>-ng-\/ -g<\/em>, paggamit marker na ng <em>ng<\/em> para sa <em>ng <\/em>at<em> nang<\/em>, paggamit o panghihiram ng mga pangngalan at pandiwa mula sa Ingles at mispormasyon ng mga pandiwa at mga parirala. Maaaring mauri ang mga kamaliang nakita batay sa pinagmulan nito partikular sa estruktural at kognitibong perspektiba: ang interlingual at intralingual. Ang interlingual ay malay o di-malay na paglilipat ng mga fityur mula sa unang wika papunta sa ikalawang wika. Makikita ito sa paggamit o panghihiram ng mga pangngalan at pandiwa mula sa Ingles at mispormasyon ng mga parirala. Sa kabilang banda, ang paglilipat intralingual naman ay ang paglalahat o overgeneralization sa loob ng target na wika. Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-angkop na <em>na<\/em> sa halip na <em>-ng-\/ -g<\/em>, omisyon ng pang-angkop na <em>-ng-\/ -g<\/em><em>,<\/em> paggamit marker na ng <em>ng<\/em> para sa <em>ng <\/em>at<em> nang<\/em> at mispormasyon ng mga pandiwa. Ang mga pagkakamali ito ay manipestasyon na hindi pa lubusang natutuhan ng mga mag-aaral ang sistema ng ikalawang wika. Mapapansin sa kabuuan na sa panggitnang level ng wikang Filipino, mas malapit na sa target na wikang Filipino ang fityur ng interlanguage ng mga mag-aaral na may lahing Filipino kaysa unang wika nilang Ingles.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Almario, Virgilio (ed).\u00a0 (2014). <em>KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat<\/em>. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Brown. H. Douglas. (2007). <em>Principles of language learning and teaching. <\/em>(5<sup>th<\/sup> ed)<em>. <\/em>London: Prentice Hall Inc.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Carlos, Victoria P. (2008). <em>I\u2019d Like to Speak Filipino 2<\/em>. (Revised edition). Manila: Ample Printing Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Catabui, Sacrificia. (1969). <em>Problems in Learning Pilipino among the First Year High school\u00a0<\/em><em>students of the Cagayan Valley Institute of Technology<\/em>. MA Tesis, College of Education University of the Philippines-Diliman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Constantino, P., Peregrino, J., Ocampo, N. at Petras, J. (mga editor). (2012) .<em>Salind\u00e1w:\u00a0<\/em><em>Varayti at Baryasyon ng Filipino.<\/em> Lungsod Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Corder, Stephen. (1981). <em>Error Analysis and Interlanguage<\/em>. New York: Oxford University Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Delima, Purificacion D. (1993). <em>Emerging Filipino variety as interlanguage among native\u00a0<\/em><em>and non-native speakers: a descriptive analysis<\/em>. PhD Disertasyon, College of Education University of the Philippines-Diliman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Dulay, H., Burt, M., Krashen, S. (1982). <em>Language Two<\/em>. New York: Oxford University Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Gonzalez, Andrew. (1984). <em>Acquiring Pilipino as a first language: two case studies<\/em>. Manila: Linguistic Society of the Philippines.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Gonzales-Garcia, Lydia. (1999). <em>Makabagong Gramar ng Filipino<\/em>. (Revised edition). Manila: Rex Bookstore.\u00a0 \u00a0 \u00a0<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">James, Carl. (1998). <em>Errors in Language Learning and Use: Exploring Error Analysis<\/em>. New York: Longman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kagan, Olga. (2012). Intercultural Competence of Heritage Language Learners: Motivation, Identity, Language Attitudes, and the Curriculum<em>. Proceedings of Intercultural Competence Conference<\/em>, 2, 72-84. Niretrieve mula sa http:\/\/cercll.arizona.edu\/_media\/development\/conferences\/2012_icc\/kagan_ic_heritage_ic2012.pdf<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Laranjo, Ronel O. <em>An Error Analysis of Interlanguage of Heritage Learners and Korean\u00a0<\/em><em>Learners of Filipino Language<\/em>. MA Tesis, College of Liberal Arts, Korea University, 2015.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mabanglo, Ruth Elynia S. (1997). \u201cPagpapahusay ng Filipino sa mga Filipino\/ Di-Filipino sa Labas ng Filipinas.\u201d Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, Tomo VIII, Bilang 1-2, 35-48.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Malicsi, Jonathan C. (2013). <em>Gramar ng Filipino<\/em>. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mayos, Norma. (1988). <em>Difficulties in Filipino grammar of fourth year high school students\u00a0<\/em><em>from State University of Benguet (School year 1988-1989). <\/em>MA Tesis, College of Education University of the Philippines-Diliman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Paz, Consuelo et. al. (2003). <em>Ang Pag-aaral ng Wika<\/em>. Quezon City: University of the Philippines Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Oue, Masanao. (1997). \u201cAng Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Filipino sa mga Estudyanteng Hapones: Mga Suliranin at Solusyon.\u201d <em>Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, <\/em>Tomo VIII, Bilang 1-2, 21-34.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Polinsky, M. &amp; Kagan, O. (2007). Heritage Languages: In the \u2018Wild\u2019 and in the Classroom.\u00a0<em>Language and Linguistics Compass<\/em>, 1\/5, 368\u2013395. Niretrieve mula sa http:\/\/nrs.harvard.edu\/urn-3:HUL.InstRepos:3382973<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Quetua, Fe Laura et.al. Miclat, Mario and Baquiran, Romulo Jr. (mga editor). (1999).\u00a0<em>Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino<\/em>. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ramos, Teresita and Mabanglo, Ruth. (2012). <em>Southeast Asian Language Teaching:\u00a0<\/em><em>The Language Learning Framework for Teachers of Filipino, Special Issue.\u00a0<\/em>Niretrieve mula sa http:\/\/cotseal.net\/cotseal\/pages\/documents\/Journal_of_SEA_Filipino_2012.pdf<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Richards, Jack C., ed. (1974). <em>Error analysis: perspectives on second language acquisition<\/em>. London: Longman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sarabia, Anna Leah. (2012, December 16). Filipino language is going global. <em>Inquirer.net.\u00a0<\/em>Niretrieve mula sa http:\/\/globalnation.inquirer.net\/59675\/filipino-language-isgoing-global<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Schacter,Paul at Otanes, Fe. (1972). <em>Tagalog reference grammar<\/em>. Berkeley: University of California Press.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Selinker, Larry. (1992). <em>Rediscovering interlanguage<\/em>. London: Longman.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Tangco, R.D. and Nolasco, R.M. (2002). \u201c\u201cTaglish\u201d Verbs: How English Loanwords Make it Into the Philippine Languages.\u201d Nasa M. Macken (Ed.),\u00a0<em>Papers from the Tenth Annual Meeting of the Southeast Asian Linguistics Society<\/em>, (391-406). Arizona State University, Program for Southeast Asian Studies.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Yap, Fe Aldave.\u00a0 (2012). <em>Global Filipino crossing borders<\/em>.\u00a0 Manila: De La Salle University Pub. House.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Zafra, Galileo et.al. (2005). <em>Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (tuon sa pagbabaybay)<\/em>. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.<\/span><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ronel O. Laranjo Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City Abstrak Mas nagiging masalimuot ang proseso ng pag-aaral ng ikalawang wika dahil kailangan nang mas maging malay ng isang tao sa pagkatuto &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-4-nobyembre-2016-panimulang-pagsipat-sa-panggitnang-wika-o-interlanguage-ng-mga-mag-aaral-ng-wikang-filipino-na-may-lahing-filipino-o-heritage-learners\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 4, Nobyembre 2016] Panimulang Pagsipat sa Panggitnang Wika o Interlanguage ng mga Mag-aaral ng Wikang Filipino na may Lahing Filipino o Heritage Learners<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[9],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/624"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=624"}],"version-history":[{"count":8,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/624\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":653,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/624\/revisions\/653"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=624"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=624"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=624"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}