{"id":601,"date":"2017-10-25T03:45:37","date_gmt":"2017-10-25T03:45:37","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=601"},"modified":"2017-11-02T02:20:46","modified_gmt":"2017-11-02T02:20:46","slug":"diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-ang-pagkamatulungin-ng-kabataang-pilipino-sa-panahon-ng-kalamidad","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-ang-pagkamatulungin-ng-kabataang-pilipino-sa-panahon-ng-kalamidad\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 3, Nobyembre 2015] Ang Pagkamatulungin ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng Kalamidad"},"content":{"rendered":"<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Lorelie Ann Banzon-Librojo<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Department of Psychology<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Ateneo de Manila University<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Samantha Erika N. Mendez<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Department of Psychology<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Ateneo de Manila University<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Miriam College<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Eda Lou Ibasco Ochangco<\/strong><\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Department of Psychology<\/span><br \/>\n<span style=\"color: #000000;\"> Far Eastern University<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa mga pangyayaring dulot ng bagyong Yolanda noong 2013, kapansin-pansin ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa Visayas. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kahulugan, karanasan, at dahilan ng pagtulong para sa mga kabataang Pilipino. Ang mga kalahok ay tatlumpung kabataang Pilipino na nagmula sa tatlong pribadong kolehiyo sa Lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng pagtatanong, lumitaw na ang kahulugan ng pagtulong para sa kanila ay ang bukas at walang hinihintay na kapalit na pagbabahagi ng sarili sa anumang paraan para magdulot ng positibong epekto sa iba o makatulong na maibalik sa dati ang sitwasyon. Lumitaw rin sa kanilang karanasan ang malaking papel ng social media at iba pang <em>website<\/em> sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga nasalanta. Lumutang din ang mga isyu ng kalikasan, katahimikan, at kaayusang panlipunan at pampamahalaan. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng mga madamdaming emosyon para sa mga nasalanta, paggawa ng mga makabuluhang aksyon, at pagkakaroon ng mga positibong pag-unawa tungkol sa epekto ng pagtulong para sa mga nasalanta at sa mga tumulong mismo. Ang kanilang mga dahilan sa pagtulong ay karaniwang nagmumula sa sariling pag-udyok tulad ng malasakit sa kapwa, pag-alala, simpatiya, awa, at pagtanaw ng utang na loob. Nakaimpluwensiya rin ang paaralan, simbahan, kaibigan, at mga kakilala. Naniniwala ang mga kabataang kalahok na ang mahahalagang kontribusyon na magagawa nila ay ang magbigay ng pisikal na tulong, magtaas ng kamalayan ng taong bayan, at maging mabuting halimbawa. Malaki ang potensyal ng kabataang Pilipino upang makapag-ambag ng pagbabago sa lipunan. Kailangan lamang ng mga oportunidad at masidhing panghihikayat mula sa iba\u2019t ibang sektor ng lipunan upang maibahagi nila ang kanilang sarili para sa kapwa.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Abstract<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>In the aftermath of Typhoon Yolanda last 2013, the active involvement of Filipino youth in helping typhoon victims from the Visayas region had been noticeable and exemplary. This study investigated the meanings, experiences, and reasons of young people for helping during this period. Participants were thirty Filipino youth from three private colleges in Metro Manila. Through the use of semi-structured interviews (<\/em>pagtatanong<em>), their responses revealed that the meaning of helping pertains to the open and unconditional giving of self in any way possible, to bring about positive effect on others or help them recover from their situations. Their experiences of helping showed that social media and other websites played key roles in the dissemination of important information regarding the situation of typhoon victims. Participants learned about issues regarding the environment, peace and order, as well as government responses to the needs of the victims. They experienced strong emotions for the typhoon victims, were encouraged to engage in meaningful action, and developed a more positive understanding of the effects of helping for both the victims and those who provided help. Regarding their reasons for helping, participants said that helping was from their own initiative, inspired by their concern for others, worry, sympathy, pity, and debt of gratitude. They were also influenced by their schools, church, friends, and acquaintances. Participants believed that they make an important contribution particularly in providing physical assistance, increasing other people\u2019s awareness, and being good examples to others. It appears that there is a great potential among Filipino youth to contribute to social change. However, they need opportunities and strong support from different sectors of society so that they could go out and extend themselves for others.<\/em><\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bawat taon, iba\u2019t ibang bahagi ng Pilipinas ang nakararanas ng matinding kalamidad. Noong taong 2013, ang bagyong Yolanda, isa sa mga pinakamalakas na bagyo sa buong mundo, ay nagdala ng trahedya sa Visayas (Associated Press 2013). Ayon sa Department of Social Welfare and Development (2013), umabot sa 9.53 milyong katao mula sa 2.1 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Sa mga pangyayaring dulot ng bagyong Yolanda, kapansin-pansin ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagtulong sa mga naging biktima ng kalamidad (Baybado 2013; Diola 2013; Gallardo 2013).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang pagtulong ay isang mahalagang dimensyon ng kulturang Pilipino. Ang bayanihan o sama-samang pagtutulungan at pagbubuhat ng mga pasan ay itinuturing na isang mekanismo ng pagkaya sa mga problema ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng bayanihan, naipapakita ang pagkakaisa sa komunidad; ito ay isang paraan para magarantiya ang suporta, lalong-lalo na sa panahon ng kalamidad (Bankoff 2009; Jocano 1999). Ang pagiging matulungin ay magandang mapalalim sa mga kabataan. Layunin ng pananaliksik na ito na matalakay, masuri, at maunawaan ang mga <em>kahulugan<\/em><em>, <\/em><em>karanasan, at dahilanan <\/em>ng kabataang Pilipino sa pagtulong sa panahon ng kalamidad, partikular sa panahon ng pananalanta ng bagyong Yolanda.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sino ba ang mga itinuturing na kabataan sa ating lipunan? Ayon sa United Nations, ang kabataan ay ang mga taong nasa edad na labinlima hanggang dalawampu\u2019t apat. Gayunman, ang depinisyong ito ay maaaring maiba depende sa uri ng lipunang kinabibilangan nila (United Nations 2013). Sa Pilipinas, itinakda ng Republic Act 8044 o Youth in Nation-Building Act, na ang kabataan ay ang mga taong nasa edad labinlima hanggang tatlumpu. Sila ay itinuturing na nasa kritikal na panahon ng pagdebelop sa kanilang buhay, mula pagbibinata o pagdadalaga patungo sa pagiging responsableng mamamayan na may kakayahang magsarili. Ang batas na ito ay kumikilala sa mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng bansa.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Pagsusuri sa Kaugnay na Pag-aaral<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pag-aaral nina Lape\u00f1a, Tarroja, Tirazona, at Fernando (2009), nakita na ang mga kabataang Pilipino, kapag nahaharap sa mga problema at suliranin, ay may positibong pamamaraan ng pagtugon. Kasama rito ang pagtalakay sa suliranin, paghingi ng tulong, at aktibong paghahanap ng solusyon. Batid nila na ang pagtutulungan, partikular sa pamilya, kaanak, at mga kaibigan, ay mahalaga sa pagkaya sa mga problema. Ito ay nakaangkla sa mga pinahahalagahang mga relasyon, kaya naman malaki ang papel ng barkada sa mga kabataan. Ayon sa pag-aaral nina Lajom, Canoy, Amarnani, Parcon, at Valera (2009), ang barkada para sa mga kabataang Pilipino ay may malaking kontribusyon sa paglinang ng pagpapahalaga sa sarili at ng pagpapahalaga at pagtitiwala sa ibang tao. Ito rin ay nagsisilbing proteksyon at tulong sa panahon ng pangangailangan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ilang pag-aaral ang nagsuri sa pagtulong at pagboluntaryo. Sa pananaliksik nina Menguito at Macapagal (2010), limang tema tungkol sa pagtulong ng mga boluntaryo ang kanilang nakita. Para sa kanilang mga kalahok, ang pagtulong ay kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa o <em>nation-building<\/em>. Ito rin ay makahulugan, ginagawa ayon lamang sa kakayahan ng tumutulong, may dalang benepisyo para sa sarili, at isang paraan ng pagbabahagi ng mga biyaya sa iba. Sa pag-aaral naman nina Aguiling-Dalisay, Yacat, at Navarro (2004) tungkol sa boluntarismo, ito ay nakita bilang isang bukas o kusang-loob na pagtulong sa kapwa nang walang inaasahang kapalit, at karaniwang ikinakabit sa konsepto ng pakikipagkapwa.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa paghahanap ng mga nakaiimpluwensya sa pagtulong, nakita nina Avdeyeva, Burgetova, at Welch (2006) na ang pagtulong ay maaaring nakabatay sa katangian ng taong tumutulong (halimbawa, malakas makiramay at mag-alala sa iba) o sa sitwasyon (halimbawa, malinaw na kailangan ang tulong at ang pangangailangan ay hindi kagagawan ng biktima).\u00a0 Nakita naman nina Fernandez, Barbera, at van Dorp (2006) na ang edad at karanasan sa kalamidad ay may impluwensya sa pagbibigay ng tulong. Ang mga mas nakatatanda ay hindi kasimbilis magbigay ng tulong kumpara sa mga mas nakababatang kasapi ng komunidad, maaaring dahil sa kanilang mga pisikal na limitasyon. Dagdag dito, gumawa ng<em> path analysis<\/em> si Lamug (1985) upang malaman ang impluwensya ng <em>ethnic similarity, attribution of responsibility, <\/em>at<em> interpersonal attraction <\/em>sa desisyon ng tao na tumulong o hindi tumulong. Natuklasan niya ang mga sumusunod: Una, ang <em>ethnic similarity <\/em>ang nagdidikta kung tanggap sa kultura ang pagdepende sa iba o mas pinapahalagahan ang pagiging independyente, na siyang magdidikta kung tutulong o hindi. Pangalawa, ang <em>ethnic similarity<\/em> ay nakaiimpluwensiya rin sa atraksyon na siyang nakaaapekto sa desisyong tumulong. Panghuli, may impluwensya sa desisyong tumulong o hindi ang paglalagay ng sisi sa taong nanghihingi ng tulong kung bakit napunta siya sa ganoong sitwasyon. Ang paglalaan ng responsibilidad na ito ay sinasabing naaapektuhan din ng<em> ethnic similarity.<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Makabuluhan din ang kontekstong pangkultura sa usapin ng tulong. Isang pagsusuri ang ginawa ni Lin (2001) tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga estudyanteng Taiwanese at Amerikano hinggil sa paghingi at pagtanggap ng tulong sikolohikal. Gamit ang malalim na pakikipanayam, natuklasan na kumpara sa mga Amerikanong kumakatawan sa kanluraning kultura, ang mga Taiwanese na kumakatawan ng silanganing kultura ay higit na nag-aatubiling humingi at tumanggap ng tulong sikolohikal sapagkat hindi sila gaanong bukas sa ideya ng sikolohikal at pormal na paglutas ng problema. Pinapahalagahan ng mga estudyanteng Taiwanese ang tulong na pandagdag kaalaman, higit sa emosyonal at sikolohikal na suporta na siya namang pinapahalagahan ng mga estudyanteng Amerikano. Humihingi lamang ng tulong ang mga estudyanteng Taiwanese kapag hindi na nila malutas ang kanilang problema at sa mga panahong matindi at seryoso ang kinakaharap na suliranin. Sa isinagawang <em>factorial quasi-experiment <\/em>naman ni De Guzman (1979), natuklasan niyang salungat sa konsepto ng <em>diffusion of responsibility<\/em> ni Darley at Latane, ang tugon sa taong nangangailangan ng tulong ng dalawang magkasamang kalahok ay kasindalas ng tugon ng mag-isang kalahok. Nakita ring ang mga kalahok na taga-probinsiya, kumpara sa mga taga-siyudad, ay higit na mabilis magbigay ng tulong. Subalit walang pinagkaiba ang pagtugon kapag batid nila ang matinding pangangailangan ng tao.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kung damdamin naman ang tutukuyin, nakita nina Lowe at Fothergill (2003) na karamihan sa mga tumulong noong binomba ng mga terorista ang World Trade Center sa Estados Unidos noong Setyembre 2001 ay nakadama ng matinding tawag o pangangailangang tumulong sa anumang paraan. Tumulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga nagboluntaryo sa Ground Zero, paghahanda ng pagkain at pagpapakain sa mga nakaligtas, pag-aayos at paglilinis ng mga kwarto, at pagbibigay ng dugo. Ang pagtulong ay nakapagbigay ng positibong epekto hindi lamang sa mga biktima kundi pati na rin sa mga boluntaryo. Naging mahalaga ang tulong na ibinigay ng mga boluntaryo para sa mga biktima at nakapagdulot din ito ng pakiramdam ng pagkakaisa, pagpapagaling, at kapangyarihan o kalakasan sa kanilang sarili sa gitna ng sakuna. Ang <em>media<\/em> naman ay mayroon ding malaking impluwensiya sa pag-udyok sa mga tao na tumulong. Ibinalita ni Park (2013) na sa isang pag-aaral na ginawa ng Stanford University, mas malaki ang posibilidad na magbigay ng pera ang mga kalahok kung ang makikita nila ay buong mukha ng mga taong naapektuhan ng kalamidad. Nagbibigay rin ang mga tao dahil ito ay nagpapaganda ng kanilang pakiramdam.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kapansin-pansin na karamihan sa mga nakaraang pag-aaral ay tumatalakay sa pagtulong ngunit hindi nagtuon ng pansin sa mga ginawa ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng kasalukuyang pag-aaral, masusuri ng mga mananaliksik ang kaisipan at kaugalian ng kabataang Pilipino tungkol sa pagtulong sa panahon ng kalamidad, partikular sa mga pangyayaring kaugnay ng bagyong Yolanda. At dahil maaaring iba ang pagtulong ayon sa kontekstong pangkultura, lubos na mahalaga ang mga ganitong uri ng pag-aaral na gawa dito sa Pilipinas at may mga kalahok na kabataang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Konseptwal na Balangkas<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Tatlong aspekto ng pagtulong ang tiningnan sa pag-aaral na ito. Ang kahulugan ng pagtulong ay tumutukoy sa kung paano kinokonseptwalisa ng mga kabataan ang salitang \u201cpagtulong.\u201d \u00a0Ang karanasan ay tumatalakay sa mga naranasan ng mga kalahok noong nagbigay sila ng tulong noong nangyari ang bagyong Yolanda. Kasali na rito ang kanilang mga reaksyon, uri ng tulong na ibinigay, paningin kung paano nakatulong sa mga taong apektado ang kanilang ginawa, at kung paano naman nakaapekto sa kanilang pagkatao ang pagtulong. Ang kadahilanan ay tumutukoy sa mga rason na nag-udyok sa mga kalahok na magbigay ng tulong. Sa baybayin, ang pantig na \u201cka\u201d na siyang makikita sa bawat aspektong susuriin sa pag-aaral na ito; ito\u2019y nagpapahiwatig ng relasyon o koneksyon (T. Obusan, personal na pag-uusap, November 30, 2013). Ito ay angkop sa paksang pagtulong dahil sa kaugnayang dala ng konseptong ito sa pagitan ng tumutulong at tinutulungan. Sa pagsusuri sa tatlong aspekto, mas naging kongkreto, malalim, at malawak ang pag-unawa sa ginawang pagtulong ng mga kabataang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Kahalagahan ng Pananaliksik<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa tulang <em>La Juventud Filipina<\/em>, winika ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan (Purino, 2008). Ibig sabihin, malaking bahagi ng ating kinabukasan ay nakasalalay sa mga kabataan ngayon. Subalit marami ring puna sa mga kabataan ngayon. Sila ay kilala bilang mga <em>millennial<\/em>, bahagi ng tinatawag na <em>\u2018ME Generation.\u2019<\/em> Sila\u00a0 ay tinaguriang <em>\u201centitled\u201d<\/em> o may pakiramdam na may kaukulang karapatan, tamad, at makasarili (Stein, 2013). Sa ginawang <em>meta-analysis<\/em> nina Konrath, O\u2019Brien, at Hsing (2011), nakita ang malaking pagbaba sa antas ng pakikiramay ng mga Amerikanong estudyante sa kolehiyo ngayon kumpara sa mga nakaraang dekada. Ganito rin kaya ang katangian ng mga kabataang Pilipino?<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman at masusuri ang kaisipan at kaugalian ng mga bagong henerasyon ng kabataan tungkol sa pagtulong. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanilang mga dahilan at pagganyak, magkakaroon ng higit na malalim na pag-unawa sa kabataang Pilipino. Ang pag-unawang ito ay maaaring maging gabay sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan upang makamit ang pag-unlad bilang matulunging tao. Ang kaalaman mula sa pananaliksik ay maaaring maging kongkretong batayan ng mga programang makahihikayat sa kabataan na makisangkot sa mga pangangailangan ng lipunan, partikular sa mga problemang dala ng mga kalamidad. Ito ay mahalaga sapagkat ang pag-unlad ng ating bayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng ating kabataan.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>METODO NG PANANALIKSIK<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga layuning nabanggit ay tinangkang mabigyang-kahulugan sa pamamagitan ng pagtatanong o pakikipanayam. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay tatlumpung kabataang Pilipino na nakapagbigay ng tulong, sa iba\u2019t ibang paraan, sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.Parehong labinlima ang bilang ng mga babae at lalaki. Sila ay nagmula sa tatlong pribadong kolehiyo sa Lungsod ng Maynila at nasa pangalawa hanggang pang-apat na taon sa kanilang pag-aaral. Ang mga kalahok ay kumukuha ng iba\u2019t ibang kurso kagaya ng Chemistry, Communication, Engineering, Medical Technology, Nursing, at Psychology.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Pinili ng mga mananaliksik ang mga kalahok sa pamamagitan ng <em>purposive sampling<\/em>. Pinili lamang ang mga mag-aaral sa kolehiyo na interesadong lumahok at may oras na makipagpanayam. Hindi kasalukuyang estudyante ng mga mananaliksik ang mga kalahok. Ang pakikipanayam ay naganap sa loob ng kolehiyo kung saan nag-aaral ang mga kalahok at sa panahon na pinakamaluwag sa kanila. Bago sinimulan ang panayam, binigyan ng mga mananaliksik ang bawat kalahok ng impormasyon ukol sa ginagawang pag-aaral, ang mga layunin nito, mga maaaring benepisyo, at ang kanilang karapatang huminto sa pakikilahok anumang oras. Ang mga kalahok ay lumagda sa <em>informed consent form.<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Gumamit ang mga mananaliksik ng gabay sa pakikipanayam na may labintatlong <em>open-ended<\/em> na tanong tungkol sa paraan kung paano nila nalaman ang tungkol sa bagyong Yolanda, ano ang mga nalalaman at naging reaksyon nila, ang mga ginawa nilang tulong, mga dahilan kung bakit sila tumulong, at ang tingin nilang epekto ng kanilang pagtulong sa mga nasalanta at sa mga sarili nila, pati na ang papel nilang mga kabataan sa pagtulong sa panahon ng sakuna. Pagkatapos ng panayam, isa-isang itinala ng mga mananaliksik ang mga sagot ng kalahok at sinuri ang mga lumitaw na tema tungkol sa kanilang konsepto o kahulugan ng pagtulong, karanasan, at mga dahilan. Ang pananaliksik ay isinagawa mula Enero hanggang Marso 2014.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>RESULTA<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang unang bahagi ng resulta ay tumatalakay sa kahulugan ng pagtulong para sa mga kabataang kalahok. Kasunod nito ang pagtalakay sa kanilang iba\u2019t ibang karanasan ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa ikatlong bahagi, matatagpuan ang kadahilanan ng kanilang pagtulong. Ang panghuli ay ang kanilang pananaw tungkol sa maaaring kontribusyon ng mga kabataang Pilipino sa panahon ng kalamidad. Ang mga nakasulat sa bahaging ito ay nanggaling mismo sa mga kabataang nakapanayam, at maaaring eksaktong sipi o di kaya ay buod ng mga kanilang sinabi.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Kahulugan ng Pagtulong<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Upang masuri ang kahulugan ng pagtulong, tinanong ang mga kalahok kung ano ang kanilang konsepto ng \u201cpagtulong\u201d\u2014kung ano ang ibig sabihin nito, at kailan maituturing na pagtulong ang isang aksyon. Sa kabuuan, para sa mga kabataang kalahok, ang pagtulong ay pagbabahagi ng sarili, sa anumang paraan, para magdulot ng positibong epekto sa iba o makatulong na maibalik sa dati ang sitwasyon.Dagdag pa, ginagawa ito nang bukas sa kalooban at walang hinihinging kapalit, pagkilala, o iba pang motibo.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Pagbabahagi ng Sarili<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lumalabas na pagtulong ang isang aksyon kapag ito ay isang pagbabahagi ng sarili, kasama na dito ang oras, serbisyo, at suportang pisikal, pinansyal, materyal, at emosyonal tulad ng kaginhawaan. Ayon kay Ben, kapag ang isang tao ay tumutulong, <em>\u201cbinabahagi nila ang kanilang\u00a0<\/em><em>sarili, gaano man kaliit ang itinulong, alam nilang kahit papaano ay may pagkakataong maalala ka at makapag-iwan ng marka sa taong tinulungan nila.\u201d <\/em>Ang importante daw sa pagtulong ay malaman kung ano ang pangangailangan ng taong tutulungan upang malaman ng taong tutulong kung ano ang maaaring maibahagi. Batid ni Cindy, <em>\u201c\u2019Pag may nadapa, ikaw \u2018yung tutulong sa kanya na makabangon ulit.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>May Positibong Epekto<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Maituturing na pagtulong ang isang kilos kung ito ay may positibong epekto, hindi lamang sa taong natulungan kundi pati na rin sa taong tumulong. Kasama nito ang pagpapasaya at pagpapagaan o pagpapabuti ng sitwasyon ng mga tumanggap ng tulong. Ayon kay Lisa, kahit ang pagbibigay lang ng importansya sa iba ay uri na rin ng tulong. Aniya, <em>\u201cAng pagtulong ay pagpapakita ng importansya sa ibang tao. Ipapadama mo sa kanila na may magagawa ka para sa kanila.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sabi ng ilan, may positibong epekto rin ang pagtulong sa mga taong tumutulong. Batid ni Tara, <em>\u201cSiguro masasabi ko na pagtulong ang isang gawain kapag nakaapekto ka sa ibang tao, at pati sa sarili mo. \u2018Yung parang nagiging inspirasyon ka sa kanila. Nagbibigay ka ng <\/em>impact<em>, hindi lang sa pinansyal at pisikal, pati na sa emosyonal.\u201d<\/em> Sabi ng isang lalaking kalahok na si Nestor, dapat ang pagkilos ay <em>\u201cresults-oriented\u201d<\/em> na hindi na importante kung anong uri ng tulong ang ibinigay, basta may mabuting epekto sa tumanggap ng tulong. Dagdag niya, isa sa mga paraan upang malaman kung may mabuting epekto ang pagtulong na ginawa ay kapag pinasalamatan ng tumanggap ng tulong ang nagbigay ng tulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Taos-Pusong Pagbibigay na Walang Hinihinging Kapalit o Pagkilala<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang panghuling kahulugan ng pagtulong na binigyang-diin ng mga kabataan ay ang katapatan ng pagbibigay ng tulong. Anila, ang pagtulong\u00a0 ay kusa at taos-pusong ibinibigay.Ibig sabihin, wala itong hinihinging kapalit at pagkilala. Wala nang iba pang motibo o intensyon ang nagbibigay ng tulong kundi ang makatulong lamang. Hindi ito isang obligasyon o sapilitang aksyon. Karamihan sa mga kabataang nakapanayam ay naniniwala rito, gaya ng sinabi ni Mel na ang pagtulong ay <em>\u201cpaggawa ng bagay para sa ibang tao na walang hinihinging kapalit,\u201d <\/em>at tulad ng sinabi ni Trish na, <em>\u201chindi na kailangan i-utos sa iyo at gagawin mo iyon kasi alam mong tama at makakabuti sa kapwa mo.\u201d<\/em> Ayon sa kanila, hindi pagtulong ang pagsasagawa ng isang bagay kapag may ibang motibo ang nagbigay ng tulong, kahit nakapagpabuti pa iyon ng iba. Dagdag ni Maria, <em>\u201cMay ibang kabataan na tumutulong para sa <\/em>public image<em> lang, para makapag-<\/em>selfie<em> or makapagkuha ng litrato na mapopost sa <\/em>Facebook<em>.\u201d<\/em> Sabi ni Anna, kapag totoo ang pagtulong, <em>\u201cnakakalimutan mo ang iyong sarili para sa kapakanan ng iba.\u201d<\/em> Diin ni Ina, <em>\u201cHindi mo na kailangang sabihan ang isang tao na tumulong.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Karanasan ng Pagtulong<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Limang mahahalagang tema ang lumitaw mula sa pagtatanong tungkol sa mga karanasan ng mga kabataan kaugnay ng bagyong Yolanda. Kasama rito ang mahalagang papel ng <em>social media<\/em> bilang tagahatid ng mahalagang impormasyon, paglutang ng iba\u2019t ibang napapanahong isyu, paglabas ng madamdaming emosyon, paggawa ng makabuluhang aksyon, at positibong epekto sa nasalanta ng bagyo at sa kabataang tumulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Social Media at Iba pang Website Bilang Tagahatid ng Impormasyon<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Pinakamatingkad sa karanasan ng mga kabataang kalahok ang naging malaking papel ng <em>social media<\/em> at iba pang <em>website <\/em>sa pagpapalaganap ng balita tungkol sa bagyong Yolanda. Ang mga <em>social networking site<\/em> kagaya ng <em>Twitter, Facebook, <\/em>at <em>Instagram<\/em>, at mga <em>website<\/em> tulad ng Yahoo at Rappler ang siyang naging tulay upang mabatid ng mga kabataan ang mga pangyayari sa nakaraang sakuna at ang mga ginagawang <em>relief operation<\/em>. Nabanggit din ang kahalagahan ng telebisyon, radyo, at <em>cellphone<\/em>.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Paglutang ng mga Napapanahong Isyu<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lumutang ang usaping kalikasan noong panahon ng pananalanta ng bagyong Yolanda. Ang mga kabataang kalahok ay lalong namulat sa mga sanhi at epekto ng <em>climate change, <\/em>pati na rin sa <em>storm surge <\/em>na kaakibat ng bagyong Yolanda. Bukod dito, mas namulat din sila sa kagagawan ng mga tao sa kalikasan, mga bagay na siyang dahilan ng matinding pagbabago ng klima, hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Tungkol naman sa usaping panlipunan, nabalitaan ng mga kalahok ang tungkol sa bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino. Ayon kay Sara, <em>\u201cKahit naghihirap ang Pilipinas ay marami pa ring nagtutulungan.\u201d <\/em>Ngunit sa kabilang banda, kanila ring napag-alaman ang mga problema sa kakulangan ng pagkain at tubig na maaaring nagresulta sa nakawan, pananakit, at kawalan ng kaayusan at katahimikan ilang araw matapos ang bagyong Yolanda.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa usaping politikal, ang mga napabalitang problema ng gobyerno ay lubhang nakatulong upang mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan na tumulong noong panahon ng Yolanda. Marami sa kanila ang nabahala sa mabagal na pamamahagi ng mga <em>relief goods <\/em>at ang matagal na pangongolekta at paglilibing sa mga nabubulok na bangkay.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Madadamdaming Emosyon<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Marami sa mga kalahok na kabataan ang nagpahayag ng lungkot para sa kapwa. Nabatid nila ang sobrang hirap na dinaranas ng mga nasalanta ng bagyo. Wika ni Amy, <em>\u201cAs a Filipino citizen, nalulungkot ako para sa mga kababayan ko.\u201d <\/em>Ang iba naman sa kanila ay nalungkot at nabahala sa mga balita tungkol sa mga pagnanakaw, pananakit, at pati na rin sa mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa mga nangangailangan. May nag-alala para sa kanilang mga kamag-anak na nakatira sa Leyte at Eastern Samar. Ang mas nakararami ay nagpahayag ng pag-alala para sa lahat ng nasalanta. Ilan sa mga kalahok ang nakaramdam ng pagka-<em>guilty<\/em>. Pakiramdam nila ay wala silang magawa para sa mga nasalanta. May iba namang na-<em>guilty<\/em> dahil sila ay pinalad na di nasalanta ng bagyo samantalang marami ang sinamang-palad na nabiktima.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">May ilang kalahok na nagsabing sila ay nainis, <em>\u201csapagkat \u2018yung mga ibang tao na nasabihang lumikas ay \u2018di sumunod sa payo ng gobyerno,\u201d<\/em> wika ni Jose. Ayon sa kanila, \u201cnakakainis\u201d isipin na mas pinili pa ng ilang tao na isalba ang kanilang mga materyal na ari-arian sa halip na isalba ang kani-kanilang buhay.\u00a0 May ilang nagpahayag din ng pagkainis sa mabagal na pagtugon ng pamahalaan samantalang mabilis pa ang pagdating ng tulong mula sa ibang bansa. May mga kabataang nakiramdam muna sa mga susunod na pangyayari at kung ano ang maaari nilang gawin upang makatulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Paggawa ng Makabuluhang Aksyon<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lumalabas sa pakikipanayam sa mga kalahok na marami at iba\u2019t iba ang uri ng pagtulong na ginawa ng mga kabataan noong naganap ang bagyong Yolanda. Sila ay kakikitaan ng ibang klaseng sigasig <em>(enthusiasm) <\/em>at kaparaanan <em>(resourcefulness) <\/em>kung pagtulong din lang ang pag-uusapan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ilan sa mga paraan ng pagboboluntaryo nila ay ang kusang paglahok sa pagbalot ng mga <em>relief goods, <\/em>pagbabahagi ng pagkain, paglahok sa pagbibigay ng <em>Psychological First Aid<\/em> (PFA), o kaya naman ay pagsisilbing gabay sa mga dumating na mga nasalanta lulan ng eroplano mula Tacloban. Ang iba ay nagbigay ng pera, damit, kandila, tsinelas, tubig, biskwit, at de lata. Ilan sa kanila ay nanghikayat naman ng mga kamag-anak at kaibigan upang lumahok din sa mga <em>relief operation<\/em> o magbigay ng donasyon. Ang iba ay sumuporta sa mga <em>fund raising project<\/em> at <em>online petition <\/em>katulad ng <em>text donation<\/em> sa Red Cross, pagbili ng Yolanda t-shirts, pagpunta sa mga fastfood chain at nagpanukalang magbibigay ng donasyon sa mga biktima ng Yolanda.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ilan sa mga kabataang kalahok ay nagkusang magpasimula o mag-organisa ng mga <em>fundraising activities<\/em>, halimbawa na lamang ang <em>door-to-door<\/em> na paghingi ng donasyon at pagtugtog sa isang <em>benefit concert<\/em>. Mayroon ding nagpasyang ipagpaliban ang kanilang <em>Christmas party<\/em> para may malikom na pondong pandonasyon. Ang iba ay nag-organisa ng maliliit na <em>relief operation<\/em>, nagsaayos ng <em>support groups,<\/em> o di kaya ay tumulong sa pagpapalaganap ng balita tungkol sa Yolanda sa pamamagitan ng Facebook at Twitter. Samantala, may iba namang nagsabing sila ay nagdasal para sa mga nasalanta.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Positibong Epekto sa Nasalanta at sa Tumulong<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Naniniwala ang mga kalahok na positibo ang naging epekto ng kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing pisikal na pangangailangan. Ang kanilang ginawang mga pagtugon sa pisikal na pangangailangan ng mga nasalanta ay ang pagkalap, paghanda, at pagbalot ng mga pagkain, inumin, gamot, damit, at sapin sa paa. Bagama\u2019t di pangmatagalang lunas, ang mga ito raw ay mahalagang tulong na sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Naniniwala rin ang mga kalahok na kabataan na ang kanilang pagtulong ay may epekto, hindi lamang sa pisikal na aspekto kundi pati na rin sa emosyonal na aspekto. Paniniwalaan ng ilan na ang kanilang ginawang pagtulong ay nakapagbigay ng pag-asa, nakapukaw ng damdamin, at nakatulong na humikayat sa iba upang tumulong din.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Nakaranas din ng intelektwal, ispiritwal, at sikolohikal na pag-unlad ang mga kabataang tumulong noong panahon ng bagyong Yolanda. Ang mga pangyayaring dala ng Yolanda ay nakapagdulot ng iba\u2019t ibang klase ng pagtaba ng puso, isipan, at kakayahan ng mga kalahok na kabataan. Namulat sila sa mga isyu tungkol sa kapaligiran, kakayahan at katapatan ng gobyerno na tumulong, at iba\u2019t ibang pangangailangan ng mga taong nasalanta ng bagyo. May ilan ding nakatanto na kailangang tulungan ang sarili para makatulong sa iba. Karamihan sa kanila ay naramdamang naging mas mabuting tao sila. Ilan sa mga salitang kanilang ginamit ay <em>\u201cmasarap ang <\/em>feeling<em>,\u201d \u201cmay <\/em>sense of accomplishment<em>,\u201d <\/em>at<em> \u201c<\/em>fulfillment<em>.\u201d<\/em> Kahit matinding pagod ang naramdaman nila sa kanilang pagtulong, inilarawan nila ito bilang mas mataas na antas ng kasiyahan sapagkat nakatulong sila sa kapwa.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Kadahilanan ng Pagtulong<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Maraming dahilan ang nag-udyok sa mga kabataan upang tumulong. Karamihan sa mga ito ay nagmula sa sariling pag-udyok. Bukod dito, nakaimpluwensya din ang paaralan, simbahan, kaibigan, at mga kakilala.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Kadahilanan Mula sa Sariling Kalooban<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Malaking dahilan kung bakit nagpasyang tumulong ang marami sa mga kalahok ay ang kanilang likas na pagmamalasakit sa kapwa nila Pilipino. Ayon kay Melissa, <em>\u201cDahil kababayan [ko] sila, at parte ng paglago ng isang bansa ang pagtutulungan.\u201d <\/em>Bilang Pilipino, ipinaliwanag ni Brian na ang mga nabiktima ay <em>\u201chindi ibang tao.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Marami rin ang nahikayat na tumulong dahil sa iba\u2019t ibang naranasang damdamin. Kasama rito ang pag-alala sa kalagayan ng mga nasalanta. Ang kanilang pag-aalala ay mula sa balitang walang natatanggap na tulong ang mga nasalanta, o dahil mabagal ang pagdating ng tulong mula sa gobyerno, o kaya kaunti lamang ang tumutulong. Nakaramdam sila ng simpatiya, utang ng loob, awa, at pagka-<em>guilty<\/em> kung walang gagawin. Ani Alma, ang pagtulong ay solusyon sa kanyang pagka-<em>depress<\/em> at pagiging <em>\u201cheartbroken.\u201d<\/em> Dahil hindi siya mapakali, naisipan niyang tumulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Isang tungkulin at paggawa nang tama ang iba pang dahilan ng kanilang pagtulong. Sabi rin ni Alma, <em>\u201cBilang isang <\/em>citizen<em> ng ating bansa, <\/em>duty<em> [ko] na tumulong.\u201d<\/em> Ang pagtulong daw ay isang uri ng responsibilidad na hindi maaaring talikuran, kahit pa nga hindi tahasang humihingi ng tulong ang mga nasalanta. Si Brian naman ay nagsabing <em>\u201ctakot [ako] na mapintasan kapag hindi tumulong o hindi magampanan ang responsibilidad sa kapwa.<\/em>\u201d Samantala, si Sara naman ay nanindigang tumulong siya sapagkat ito ang sa tingin niyang tamang gawin. Maganda rin daw sa pakiramdam ang gumawa ng tama. Wika ni Amy, tumulong siya<em> \u201cdahil ang stiwasyon ay nangangailangan talaga ng pagtulong.\u201d<\/em> Para sa kanya, ito raw ang tamang gawin sa ganoong sitwasyon.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa kanilang pagtulong, nais ng mga kalahok na magbigay ng pag-asa sa mga nasalanta. Nais daw nilang maipakita na kahit sa maliit lang na bagay ay makakatulong sila.\u00a0 Nais nilang maipadama sa mga biktima na may mga tao pa ring\u00a0 handang tumulong para sa mga nawalan, na may mga tao pa ring <em>\u201cconcerned\u201d<\/em> para sa mga biktima. Nais ni Noel na makitang <em>\u201cmakabangon muli\u201d<\/em> ang mga nasalanta, at kahit kaunti ay <em>\u201cmakabawas sa problema\u201d <\/em>nila.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><em>Impluwensya ng Paaralan, Simbahan, Kaibigan, at Kakilala<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Malaking impluwensya rin ang paaralan, simbahan, kaibigan, at mga kakilala ng mga kalahok sa kani-kaniyang pagtulong. May mga tumulong dahil kailangan o <em>required<\/em> sa NSTP at PE na mga klase nila, ngunit marami ang nagsabing tumulong sila dahil maluwag ang kanilang oras at paniwala nila ay mas magiging produktibo sila kaysa manood lamang ng balita sa telebisyon o mag-<em>Facebook<\/em>. Ibang sa mga dahilan ang pagiging Katoliko o kaya ang pag-aya ng kaibigan o kakilala. Sa tingin ng ilan, halos lahat ay tumulong kung kaya\u2019t sila rin ay nagpasyang tumulong. Dagdag dito ay masaya raw ang tumulong lalong-lalo na kung kasama ang mga kaibigan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\"><strong>Sa Kabuuan: Kabataan bilang may Kapasidad na Magbigay ng Tulong<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lahat ng kalahok ay nagsabing may mahalagang papel na ginagampanan ang mga katulad nilang kabataan sa panahon ng kalamidad.\u00a0 Ang mga tugon ng mga kabataang kalahok ay maaaring i-grupo sa tatlong mahahalagang kontribusyon \u2013 ang magbigay ng pisikal na tulong, magtaas ng kamalayan ng taong bayan, at maging mabuting halimbawa.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Dahil marami at malakas ang kabataan, sila ang maaaring magbigay ng pisikal na tulong. Kasama rito ang paggawa ng mga trabaho gamit ang mga kamay tulad ng pagkalap, pagbili, pagbalot, at pagbuhat ng mga bagay na kailangang ihanda. Sa kanila rin maaaring manggaling ang mga gamit, damit, pagkain, at tubig na kailangan. Ang kabataan daw ang mga kamay at katawang nagsasakatuparan ng mga plano. Sabi ni Pedro, \u201c<em>We are the ones who should be able to mobilize&#8230; others are the heads.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bukod sa pisikal na tulong, naniniwala ang mga kalahok na malakas ang boses ng kabataan. Dahil sila ang magaling sa teknolohiya at aktibo sa pagbisita sa mga <em>social networking <\/em>site at iba pang <em>website<\/em>, kung saan napakabilis kumalat ang impormasyon, madaling humingi ng tulong ang kabataan. Sa pamamagitan nito, sila ang maaaring magtaas ng kamalayan ng taong bayan tungkol sa kailangang gawin. Ang papel daw ng kabataan ayon kay Ruth ay <em>\u201cmag-<\/em>voice out<em>, mag-<\/em>spread<em> ng balita, mag-<\/em>disseminate<em> na may nangangailangan ng tulong, para magkaroon ng kamalayaan ang kabataan at malaman ng lahat.\u201d<\/em><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Panghuli, sa pamamagitan ng pagtulong ng mga kabataan, sila rin ay lumalabas na mabuting halimbawa para sa iba, bata man o matanda. Ang kanilang simpleng pagtulong ay inaasahang makakapag-udyok ng kaparehong pagkilos mula sa iba. Kanila ring natanto na may responsibilidad ang kabataan lalong-lalo na sa pag-aalaga sa kapaligiran at kalikasan. Sa halip na magtanong lamang kung bakit nangyayari ang mga kalamidad na ito, mahalaga raw na humanap na lamang ng paraan na magawa ang kailangan nilang gawin. Ang mga kabataan ay maaari ring magbigay ng pag-asa sa kanilang kapwa kabataan sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa ng pagtulong sa iba.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bilang paglalagom, naniniwala ang mga kalahok na ang papel ng kabataan ay tumulong sa nangangailangan sa anumang paraan at hanggang sa abot ng kanilang makakaya, sapagkat sila ay may lakas, talino, at kakayahan.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>DISKUSYON AT INTERPRETASYON<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pag-aaral na ito, natuklasang sa perspektibo ng mga kabataang kalahok, ang pagtulong ay pagbabahagi ng sarili, sa anumang paraan, para magdulot ng positibong epekto sa iba o makatulong na maibalik sa dati ang sitwasyon, na ginagawa nang bukas sa kalooban at walang hinihintay na kapalit o pagkilala. Ang mga ideyang ito ay sang-ayon sa konsepto ng <em>kagandahang-loob<\/em> na naipahihiwatig sa paggawa ng kabutihang bukal na lumalabas mula sa puso o kabaitan ng isang tao. Ito ay walang ibang motibo kundi ang likas na mapagkaloob (Enriquez 2008).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga binigay na kahulugan ng mga kalahok ay may pagwawangis sa mga natuklasan nina Aguiling-Dalisay, Yacat, at Navarro (2004) sa pag-unawa sa konseptong boluntarismo bilang isang uri ng pakikipagkapwa, kung saan inaalay ang serbisyo na kusang ginagawa at walang hinihintay na kapalit. Ngunit sa kasalukuyang pananaliksik, may dagdag na temang lumabas na hindi nabanggit sa naunang pag-aaral: ang paggawa ng isang bagay na may nakikitang positibong epektong binanggit ng karamihan sa mga kalahok. Posibleng dala ito ng kanilang edad at kasalukuyang antas ng pag-iisip at karanasan\u00a0 kung saan mahalagang nakikita at nadarama ang aktwal na epekto ng isang gawain. Kaya naman, sa pagbuo ng mga programa para sa pag-unlad ng kabataan, mahalagang isaalang-alang na importante sa kanilang makita ang kongkreto at positibong epekto ng kanilang mga ginagawang pagtulong. Maaaring ang kongkreto at positibong epektong ito ang magpapatibay na may halaga ang kanilang mga ginagawa. Ayon kay Jocano (1997), ang halaga ay isang malakas na puwersang pagganyak sa ating mga pagkilos. Ito ang nagbibigkis sa tao at sa kanyang trabaho, o sa kanyang relasyon sa iba. Marahil ang kongkretong epektong ito ang magpapatunay at magpapalakas sa kanilang mga pagpupunyagi.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Malawak ang naging karanasan ng pagtulong ng mga kabataang kalahok noong panahon ng bagyong Yolanda at ang mga ito ay masasabing alinsunod sa konsepto ng kapwa at pakikipagkapwa. Marami sa kanila ay nakaranas ng iba\u2019t ibang antas ng pakikisangkot at pakikiisa sa karanasan at damdamin ng mga nasalanta\u2014masasabing isang uri ng pakikipagkapwa. Halimbawa ay marami ang nalungkot para sa kanilang kababayan at sa mga masasamang dulot ng bagyo, nag-alala para sa mga kamag-anak, na-<em>guilty<\/em>, at nainis. May mga nakaranas din ng pakikiramdam, sa kung paanong paraan sila maaaring makatulong para sa mga nasalanta\u2014masasabing nagpapahiwatig ito ng pagturing sa mga nasalanta ng bagyo bilang \u201chindi ibang tao\u201d (Enriquez 2008). Marami rin sa mga kabataang kalahok ang nagpasiyang makisangkot at makiisa bilang kapwa sa pamamagitan ng pagtulong upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta. Karamihan sa kanila ay kusang lumahok sa iba\u2019t ibang klase ng pagtulong na noon ay nagaganap sa Kamaynilaan. Ang mga pagkilos na ito na sinalihan ng mga kabataan ay nagdala ng diwa ng pagiging isang komunidad na kung saan tila konektado ang mga Pilipino sa isa\u2019t isa, mga nasalanta man o hindi. Ayon kay Abas at Lape\u00f1a (2011), ang <em>\u201ccommunitarian spirit\u201d <\/em>ang laganap sa pagkaya ng problema sa panahon ng krisis. Ang damayan ay mahalaga para makayanan ng Pilipino ang mga problema. Ang mga pagtulong na ginawa ay nagpapahiwatig na ang konsepto ng kapwa sa Sikolohiyang Pilipino ay hindi lamang nasa isipan kundi nasa mga kongkretong gawaing bunsod ng lakas ng loob.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Makikita na iba\u2019t ibang antas ang kadahilanan ng mga kabataang kalahok, mula pagtulong dahil ito ay <em>requirement<\/em> sa klase hanggang sa pagturing sa nasalanta bilang kapwa. Kung mayroong mga tumulong dahil kailangan lang gawin para sa kanilang mga klase o kaya\u2019y naimpluwensyahan dahil maraming tao ang tumulong, mayroon din namang mga nakonsensya sa mga pangyayari at nagkaroon ng pag-agam-agam kung bakit iba ang naranasan nila kumpara sa mga hindi pinalad na taga-Visayas. Mayroon ding nagpahiwatig ng pagtulong na nagmula sa pagturing sa mga nasalanta bilang kapwa. Nakita nila bilang tungkulin ang pagtulong para sa mga kababayang Pilipino, na itinuring at tinawag na \u201cdi ibang-tao.\u201d Bahagi nito ang pakikipagsimpatiya at pakikiisa sa kanila. Sinasabing ang kapwa ay siyang buod na konsepto sa Sikolohiyang Pilipino. Tumutukoy ito sa pagsasanib ng \u201cako\u201d at \u201ciba\u201d at nagsisimula sa pagkilala ng kaugnayang ito. Kasama rito ang pagkakaroon ng kamalayan ng isang tao na siya at ang iba sa kaniya ay iisa (Enriquez 1978; Yacat 2013). Ito ay nakita sa ilan sa mga kabataang nakapanayam. Ang lalim ng mga dahilan nila ng pagtulong ay nagkakaiba; marahil ay depende na rin ito sa mga personal na katangian at karanasan ng mga kabataang tumulong tulad ng nasabi nina Avdeyeva, Burgetova, at Welch (2006).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Kapansin-pansin ang iba\u2019t ibang matinding emosyong naramdaman ng mga kabataang kalahok. Isa rito ay ang pagka-<em>guilty<\/em> at agam-agam na nangyari ang kapahamakan sa iba at hindi sa kanila. Masasabing may kaugnayan ito sa konsepto ng<em> katarungan.<\/em> Ang kanilang pagtulong ay maaaring isang paraan ng paglaganap ng katarungan sa pamamagitan ng pagpantay sa mga benepisyo at pasan ng lahat, pagbabalik sa mga nasalanta sa kanilang dating kondisyon, at paggawa ng nararapat (Enriquez 2008), kaya naman may mga nakaramdam ng pagka-<em>guilty<\/em> kung walang gagawin. Ang ibang mga madamdaming emosyong naramdaman ay pag-alala, simpatiya, at awa, na siyang nagbunsod sa ilang mga kalahok na gumawa ng makabuluhang aksyon para makatulong. Ayon kay Jocano (1997), mahalagang bahagi ng asal ang damdamin. Ito ang gabay para sa karamihan upang maintindihan ang mga pangyayari, gawain, at mga relasyon. Ang mga emosyon at ang kaakibat na pagtulong ng ilang mga kalahok ay nagpapakita ng kanilang pakikiramay. Ang pakikiramay ay isang mahalagang pamantayan ng kapwa, lalo na sa panahon ng krisis. Sa mga ganitong sitwasyon, boluntaryong ginagawa ang hindi karaniwan upang makibahagi sa dalamhati ng iba (Jocano 1997).<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa pag-aaral na ito, malinaw na may kapasidad ang kabataan na tumulong sa panahon ng kalamidad at batid nila ito. Ayon kay Puyat (2005), isang kalakasan ng kabataang Pilipino ang mataas na pagpapahalaga sa sarili, positibong saloobin, at paniniwalang kaya nilang gumawa ng magagandang bagay. Sang-ayon din ito sa mga panloob na kakayahan ng kabataan tulad ng tiwala sa sarili, lakas ng loob, diskarte, talino at talento, at paniniwala sa Diyos na nakita nina Lape\u00f1a, Tarroja, Tirazon, at Fernando (2009). At dahil malaki ang kayang iambag ng kabataan, ang isang mahalagang tanong ay kung paano mahuhubog ang kanilang aktibong partisipasyon sa mga organisasyon na may layuning tumulong o di kaya ay magpayabong ng isang komunidad. Ayon sa pag-aaral ni Yacat (2006), karamihan sa mga pangkabataang organisasyon ay nakadepende sa pamamalakad ng kanilang <em>adult organization<\/em>. Mahalaga para sa kanilang nakakatulong ito sa paglinang ng identidad at layunin ng mga kabataan. Nakita naman sa pag-aaral nina Sta. Maria at Diestro (2009) na hadlang sa partisipasyon ng kabataan ang kakulangan ng panghihikayat mula sa iba, ngunit ang pagmamahal sa ginagawa ang makakapagtaguyod sa kanilang partisipasyon. Mabuting banggiting sa pinakabago at malawak na pag-aaral na kabilang ang 4,325 na mga Pilipinong <em>millennial<\/em> na mga estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo sa Maynila, nakitang marami sa kanila (46%) ang nagpapahalaga sa pag-aalaga ng kapaligiran (Far Eastern University Policy Center 2015). Maaaring gamitin ang interes na ito at kanilang talento sa mga programang makakatulong sa pagsugpo sa mga sanhi ng kalamidad.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Mahalagang isaalang-alang na ang mga resulta ng saliksik na ito ay nagmula sa mga kabataang estudyanteng tumulong noong nangyari ang bagyong Yolanda. Lamang ay ang pag-aaral na ito ay gumamit ng <em>purposive sampling<\/em> para makita ang pananaw at karanasan ng tig-labinlimang lalaki at babae mula sa tatlong pribadong kolehiyo sa Maynila. Kaya naman hindi masasabing\u00a0 ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay mailalahat sa kabataang Pilipino sa panahong ito. Dagdag dito, ang bagyong Yolanda ay nagdulot ng isang napakalaking kalamidad na naging malawak ang publisidad. Lubhang katangi-tangi ang mga pangyayari. Kaya naman kinakailangan ng karagdagang pananaliksik tungkol sa karanasan ng kabataan sa pagtulong sa pang-araw-araw na sitwasyon. Dapat ding isali ang iba pang kabataang kalahok, katulad ng mga nasa hayskul at ang mga nakapagtapos na ng kolehiyo, upang makakuha ng higit na buong pang-unawa hinggil sa pagkamatulungin ng kabataang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Ang mga napag-alaman mula sa pag-aaral na ito ay may mahahalagang implikasyon. Una rito ang paggamit ng mga <em>social networking site<\/em> at iba pang <em>website<\/em> bilang mabisang paraan para maabot ang kabataan. Ito rin ay isang plataporma para sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagpapalawak ng kamalayan, paghihikayat ng mga kaibigan at kakilala, o pagiging mabuting halimbawa. Kahit hindi lahat ng kalahok ay nakitaan ng malalim na pagpapakahulugan sa pagtulong, ito ay maaaring maging daan para sa mga karagdagang pag-aaral tungkol sa mga pagkakaiba at kung paano mapaunlad sa kabataan ang magagandang kaugalian ng kulturang Pilipino tulad ng pagtulong. Dapat alalahaning ang mga kalahok ay nasa simula pa lamang ng kanilang paglalakbay tungo sa pagiging ganap na responsableng mamamayan. Ang napag-alamang karanasan at kadahilanan ay isang gabay sa mga programang ididesenyo para sa kabataan. Isang halimbawa ang nakitang malaking impluwensya ng kanilang damdamin at ang impluwensya ng mga organisasyon.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sa kanilang mga ginawang pagtulong sa panahon ng kalamidad at sa kanilang mga ideya tungkol sa pagtulong, makikitang ang kabataang Pilipino ay tunay na maraming maaaring maiambag sa panahon ng sakuna. Mahalagang punahing ang tinatawag na \u201cME generation\u201d ay nanggaling sa Kanluraning pag-iisip. Samantala, malaki ang potensyal ng kabataang Pilipino upang makagawa ng pagbabago sa buhay ng ibang tao at sa lipunan. Bukas sila sa pagtulong sa iba\u2019t ibang paraan. Kailangan lamang ng mga oportunidad upang maibahagi nila ang kanilang oras, lakas, talento, at kakayahan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Marahil mahalaga rin na mapalalim pa ang pang-unawa ng mga kabataan sa konsepto ng pagtulong bilang pakikipagkapwa. Bagama\u2019t mayroong mga kalahok na nagpakita ng malalim na pakahulugan sa pagtulong, masasabing hindi pa gaanong maimpluwensiya ang ideyang ito ay ang pagbabahagi ng sarili. Karamihan sa kanilang mga halimbawa ay ang pagbibigay ng donasyon o <em>dole-out <\/em>sa halip na pagbibigay ng sarili sa pamamagitan ng serbisyo. Marahil ay kailangan din ng mga kabataan ng higit na masidhing panghihikayat mula sa iba\u2019t ibang sektor ng lipunan, katulad na lamang ng sektor ng edukasyon. Bukod pa sa panghihikayat at pagpapaliwanag, magandang maging layunin din ng mga <em>youth-oriented social media <\/em>o<em> mass media platform <\/em>na magpalaganap ng kamalayan sa pagtulong o di naman kaya ay magpakita ng mga modelo ng pagtulong na maaaring mag-udyok sa mga kabataang makilahok at magsipagtulong.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Para sa bansang Pilipinas na madalas nakakaranas ng mga bagyo at iba pang natural na kalamidad, ang pagtutulungan ng sambayanan ay mahalaga. Ang bantang dala ng kalamidad sa bansa ay malaki kaya kailangan ng organisado at sama-samang pagtulong sa lebel ng komunidad (Bankoff 2009). Sa mga pangyayaring dulot ng bagyong Yolanda at sa pag-aaral na ito, naipakita na may malaking puwang na maaaring punuin ang mga kabataang Pilipino para sa ganitong adhikain. Subalit, sa pagpapatupad nito, kailangan din ang sama-samang pagtutulungan ng lahat ng taong sangkot sa pagpapalaki at papapaunlad ng kabataang Pilipino.<\/span><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><span style=\"color: #000000;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">\u00a0Abas, F., at Lape\u00f1a, M. A. G. (2011, Agosto). <em>Filipinos coping in times of crisis.<\/em> Di-nalathalang papel, 46<sup>th<\/sup> Annual Convention of the Psychological Association of the Philippines, Puerto Princesa, Palawan.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Aguiling-Dalisay, G. H., Yacat, J., at Navarro, A. (2004). <em>Extending the self: Volunteering as\u00a0<\/em><em>pakikipagkapwa<\/em>. Quezon City: National College of Public Administration and Governance.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Associated Press. (2013, November 9). One of world\u2019s strongest storms blasts Philippines.\u00a0<em>Manila Bulletin. <\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/PXnKaS<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Avdeyeva, T. V., Burgetova, K., at Welch, D. (2006). To help or not to help? Factors that determined helping responses to Katrina victims. <em>Analyses of Social Issues and<\/em> <em>Public Policy, 6<\/em>(1), 159-173.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Bankoff, G. (2009). Culture of disaster, cultures of coping: Hazard as a frequent life experience in the Philippines. Sa C. Mauch, &amp; C. Pfister (Mga pat.), <em>Natural disasters, cultural responses: Case studies toward a global environmental history <\/em>(pp. 265-284). Plymouth, UK: Lexington Books.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Baybado, D. (2013, December 6). The Thomasian spirit is alive in volunteer efforts. <em>Philippine Daily Inquirer. <\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/nUsFci<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">De Guzman, J. (1979). Helping a lost passenger: An analysis of the number of bystanders and dependency of the victim in an urban and rural community. <em>Philippine Journal of Psychology, 12<\/em>(2)<em>, <\/em>10-16.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Department of Social Welfare and Development. (2013). <em>2.1 million families affected by<\/em><em>\u00a0Yolanda. <\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/sxXM1b<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Diola, C. (2013, November 15). Mammoth relief, acts of kindness lighten \u2018Yolanda\u2019 tragedy.\u00a0<em>The Philippine Star. <\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/xiik2d<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Enriquez, V. G. (1978). Kapwa: A core concept in Filipino Social Psychology. <em>Philippine Social\u00a0<\/em><em>Science and Humanities Review, 42<\/em>(1-4), 100-108.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Enriquez, V. G. (2008). From Colonial to Liberation Psychology The Philippine Experience. Quezon City: The University of the Philippines Press<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Far Eastern University (2015). <em>FEU and partner universities conduct pioneering study to\u00a0<\/em><em>understand Filipino millennials.<\/em> Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/2fRWBY<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Fernandez, L. S., Barbera, J. A., at van Dorp, J. R. (2006). Spontaneous volunteer response to disasters: the benefits and consequences of good intentions. <em>Journal of Emergency<\/em> <em>Management, 4<\/em>(5)<em>,<\/em> 57-68.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Gallardo, F. (2013, November 15). Yolanda draws student volunteers in CDO. <em>Minda News.\u00a0<\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/NKBboZ<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Jocano, F. L. (1997). <em>Filipino value system: A cultural definition.<\/em> Manila: Punlad Research House, Inc.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Jocano, F. L. (1999). <em>Working with Filipinos: A cross-cultural encounter.<\/em> Manila: Punlad Research House, Inc.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Konrath, S. H., O\u2019Brien, E. H., at Hsing, C. (2011). Changes in dispositional empathy in American college students over time: A meta-analysis. <em>Personality and Social Psychology Review, 15<\/em>(2), 180-198.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lajom, J. A., Canoy, N., Armanani, R., Parcon, A. &amp; Valera, P. (2009). Barkadahan: A Study of Peer Group Norms and Values among Filipino Adolescents. <em>Philippine Journal of Psychology, 42<\/em>(2), 195-211.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lamug, C. (1985). A path analysis to test a model of helping behavior. <em>Philippine Journal of\u00a0<\/em><em>Psychology, 17-18, <\/em>3-14.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lape\u00f1a, M. A. G., Tarroja, M. C., Tirazona, M. A., at Fernando, K. (2009). Filipino youth\u2019s concerns and worries and their ways of coping. <em>Philippine Journal of Psychology, 42<\/em>(2), 251-269.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lin, Y. (2001). Conceptions of helping: a cross-cultural comparison from the helpee perspective.\u00a0<em>Philippine Journal of Psychology, 34<\/em>(2)<em>, <\/em>125-143.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Lowe, S., &amp; Fothergill, A.\u00a0 (2003). A need to help:\u00a0 Emergent volunteer behavior after September 11<sup>th<\/sup>. In J. L. Monday (Pat.), <em>Beyond September 11<sup>th<\/sup>:\u00a0 An Account of Post-<\/em><em>Disaster Research, Special Publication No. 39 <\/em>(pp. 293-314).\u00a0 Boulder: University of Colorado, Institute of Behavioral Science, Natural Hazards Research and Applications Information Center. Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/x7dcXd<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Menguito, M. L., &amp; Macapagal M. E. (2010). Helping by volunteers: A social representations approach. <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, <em>43,<\/em> 59-80.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Park, A. (2013, November). The emerging science of why we give. <em>Time.com. <\/em>Nakuha mula sa https:\/\/goo.gl\/ZAsZyC<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Purino, A. P. (2008). <em>Rizal, the greatest Filipino hero. <\/em>Quezon City: Rex Bookstore.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Puyat, J. (2005). The Filipino youth today: Their strengths and the challenges they face. In F. Gale, &amp; Fahey, S. (Mga pat.), <em>Youth in Transition: The challenges of generational change in Asia <\/em>(pp. 191-205). Bangkok, Thailand: UNESCO.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Sta. Maria, M., at Diestro, J. M. (2009). The youth speak: Forms, facilitators, and obstacles to their political participation. <em>Philippine Journal of Psychology, 42<\/em>(2), 291-313.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Stein, J. (2013, May). Millennials: The me me me generation. <em>Time,<\/em> <em>181<\/em>(19), 26-34.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">United Nations (2013). <em>Definition of Youth<\/em> [Fact Sheet]<em>. <\/em>Retrieved from <a style=\"color: #000000; text-decoration: underline;\" href=\"http:\/\/www.un.org\/\">http:\/\/www.un.org\/<\/a>esa\/socdev\/documents\/youth\/fact-sheets\/youth-definition.pdf<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Yacat, J. A. (2006). Exploring the psychology of children and young people\u2019s participation in \u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 organizations. <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, <em>39<\/em>(2), 124-152.<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #000000;\">Yacat, J. A. (2013). Tungo sa isang mas mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa makabagong Sikolohiyang Pilipino. <em>Journal ng Wikang Pilipino, 19<\/em>(2).<\/span><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Lorelie Ann Banzon-Librojo Department of Psychology Ateneo de Manila University Samantha Erika N. Mendez Department of Psychology Ateneo de Manila University Miriam College Eda Lou Ibasco Ochangco Department of Psychology Far Eastern University Abstrak Sa mga pangyayaring dulot ng bagyong &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-3-nobyembre-2015-ang-pagkamatulungin-ng-kabataang-pilipino-sa-panahon-ng-kalamidad\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 3, Nobyembre 2015] Ang Pagkamatulungin ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng Kalamidad<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[8],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/601"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=601"}],"version-history":[{"count":5,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/601\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":616,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/601\/revisions\/616"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=601"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=601"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=601"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}