{"id":411,"date":"2014-11-20T04:00:15","date_gmt":"2014-11-20T04:00:15","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=411"},"modified":"2015-08-14T02:20:35","modified_gmt":"2015-08-14T02:20:35","slug":"diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-nawalang-kapatid-2014-nina-floy-quintosceejay-javier-at-dexter-m-santos","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-nawalang-kapatid-2014-nina-floy-quintosceejay-javier-at-dexter-m-santos\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Ang Nawalang Kapatid (2014) nina Floy Quintos,Ceejay Javier, at Dexter M. Santos"},"content":{"rendered":"<p><em>Rebyu<\/em><\/p>\n<p>Dexter Santos (direktor at koreograpo), Ceejay Javier (musika), at Floy Quintos (manunulat) (2014). <em>Ang Nawalang Kapatid [Dulang musikal]<\/em>. Quezon City: Dulaang Unibersidad ng Pilipinas.<\/p>\n<p><strong>ANG NAWALANG KAPATID:<\/strong><br \/>\n<strong>ANG LOOB NG ISANG PINUNO<\/strong><\/p>\n<p><strong>Amihan Bonifacio-Ramolete<\/strong><br \/>\nDepartment of Speech Communication and Theater Arts<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p>Sa ika-38 na <em>Theater Season<\/em> ng Dulaang\u00a0 Unibersidad ng Pilipinas (DUP) ay itinanghal <em>Ang Nawalang Kapatid<\/em> mula ika-5 hanggang ika-23 ng Pebrero 2014 sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater. \u00a0Ito ay isang musikal na sinulat ni Floy Quintos, musika ni Ceejay Javier at sa direksiyon at koreograpiya ni Dexter M. Santos.<\/p>\n<p><em>Ang Nawalang Kapatid<\/em> ay hango sa isa sa dalawang pinakamahalagang epiko ng India, ang <em>Mahabharata<\/em>, na nagsasalaysay ng dakilang giyera sa pagitan ng mga pamilyang Pandava at Kaurava dahil sa pagkatalo sa laro ng pustahan. \u00a0Bahagi rin ng kuwento ang mga aral mula sa <em>Bhagavad Gita<\/em>, isang banal na kasulatan, na nagsasaad ng mga aral ukol sa buhay at pamumuhay.<\/p>\n<p><strong>UNANG YUGTO<\/strong><\/p>\n<p>Nagsimula ang dula sa pagpapakilala sa mga tauhan ng kuwento nina Vyasa, ang Tagapagsalaysay, at Ganesh, isang diyos ng musika at Tagapagtala ng kuwento na may ulo ng elepante. \u00a0Si Haring Pandu ay mahilig mangaso at nang makita ang nagtatalik na usa sa gubat ay kanya itong pinana. \u00a0Isinumpa siya ng usa at sinabing kapag siya ay nakipagtalik sa kanyang asawang si Kunti ay mamamatay siya. \u00a0Nagpasya si Haring Pandu na ipasa ang korona sa kanyang bulag na kapatid na si Dritarastra. \u00a0Hiniling naman ni Reyna Kunti sa mga diyos na bigyan siya ng tatlong anak upang maging tagapagmana ng korona. \u00a0Biniyayaan sila ng tatlong anak\u2014sina Yudistira, Bhima at Arjuna. \u00a0Bilang pakikiisa sa pagiging bulag ni Haring Dritarastra ay piniringan ni Reyna Ghandari ang kanyang mga mata. \u00a0Nahabag ang mga diyos sa malaking sakripisyo ni Reyna Ghandari kung kaya\u2019t siya ay biniyayaan ng isang anak, si Duryodhana.<\/p>\n<p>Noong kabataan ni Reyna Kunti ay hinamak niya si Kali, diyosa ng kamatayan, kung kaya\u2019t siya\u2019y sinumpa na magka-anak sa diyos ng araw. \u00a0Nang magkamalay ay nagulantang si Kunti sa katabing sanggol kung kaya\u2019t iniutos niya na patayin ang sanggol sa gubat. \u00a0Nahabag ang mga katulong sa sanggol kung kaya\u2019t iniwan na lamang nila ito gubat. Ang sanggol ay natagpuan ni Hanuman, ang diyos ng mga tsonggo, at kanya itong inalagaan. \u00a0Ang sanggol ay pinangalangang Karna.<\/p>\n<p>Lumaki ang magpipinsang Duryodhana, Yudistira, Bhima at Arjuna. \u00a0Sila ay sinanay ni Poong Krishna at mandirigmang si Drona. \u00a0Si Karna naman ay sinanay din ni Hanuman sa gubat at binilinang sundin ang kanyang <em>dharma <\/em>o daang sinusundan at katungkulan.\u00a0 Pinapunta siya ni Hanuman sa kaharian ng Kaurava kung saan ang unang makikilala niya ang tutulong para makamit ang kanyang <em>dharma<\/em>.<\/p>\n<p>Nasalubong ni Karna si Duryodhana patungo sa kaharian. \u00a0Hinamon si Karna sa labanan subalit natalo niya si Duryodhana. \u00a0Nang dumating sila sa paligsahan ay ipinakilala ni Duryodhana si Karna bilang kanyang kapatid na siyang lalaban kay Arjuna. \u00a0Makikilala ni Kunti ang kanyang anak na si Karna subalit di niya ito sasabihin kay Pandu.<\/p>\n<p>Dahil sa parehong lugar naasinta nina Arjuna at Karna ang ibon ay hiniling ni Draupadi na siya ang pumili ng kanyang kabiyak. \u00a0Pinili ni Draupadi si Yudistira at ito ay ikinasama ng loob ni Duryodhana.<\/p>\n<p>Upang makaganti ay hinikayat ni Ministro Shakuni si Duryodhana na yayain si Yudistira sa laro ng pustahan at hilingin ang lahat ng gusto nito. \u00a0Sa bawat laro ay talo si Yudistira hanggang ang natira na lamang ay si Draupadi. \u00a0Sa kagustuhang makapaghiganti ni Duryodhana ay iniutos niyang hubaran si Draupadi subalit namagitan si Krishna. \u00a0Sa payo ni Karna ay ipinatapon ni Duryodhana ang magkakapatid na Pandava, kasama si Draupadi, ng 10 taong pamamalagi sa gubat. \u00a0Isinumpa ni Yudistira na sa kanilang pagbabalik ay nakatakda ang dakilang giyera at dito ay tatalunin nila si Duryodhana. \u00a0Sa kawalan ng pag-asa ay pumanaw ni Pandu.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>IKALAWANG YUGTO<\/strong><\/p>\n<p>Nakalipas ang sampung taon at naghanda sila Yudistira para sa dakilang giyera. \u00a0Bawat araw ay lumalakas ang bawat hukbo. \u00a0Si Krishna ang nagsasanay sa magkakapatid na Pandava samantalang si Drona ang nagtuturo kay Duryodhana at Karna. \u00a0Malaki ang pinagbago ng mga prinsipe. \u00a0Ninanais ni Duryodhana na talunin ang mga Pandava samantalang hangad ni Yudistira ang kapayapaan.<\/p>\n<p>Sa unang sagupaan ay patas ang kanilang laban. \u00a0Humiling ang bawat kampo ng isang malakas na sandata upang manalo.<\/p>\n<p>Bago magpatuloy ang giyera ay siniwalat ni Kunti ang lihim na katauhan ni Karna. \u00a0Nagmakaawa si Kunti na itigil ang giyera upang maligtas ang kanyang mga kapatid, ang mga Pandava.\u00a0 Nagdalawang-isip si Karna subalit di naglaon ay nangako siyang ititigil ang giyera.<\/p>\n<p>Sinubukang pigilan ni Karna ang giyera subalit naniniwala sila Duryodhana at Yudistira na matatapos lamang ang giyera kapag natapos na ito.\u00a0 Sinubukang pigilan ni Krishna ang kanilang kahibangan sa pamamagitan ng pagbigkas ng <em>Bhagavad Gita<\/em> subalit hindi rin siya nagtagumpay.<\/p>\n<p>Dahil sa mga mapanirang sandata na ginamit ng magkabilang puwersa ay namatay ang lahat.\u00a0 Sa paraiso ay bumalik sa pagkabata ang mga naglalabang prinsipe. \u00a0Sa kanilang bagong mundo ay kanilang tinatanong kung ano ang saysay ng giyera (Dulaang UP 2014).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG <em>LOOB<\/em> NG ISANG PINUNO<\/strong><\/p>\n<p>Bagamat hango ang kuwento sa India ay kakikitaan ito ng mga pagkakahawig sa kulturang Pilipino.\u00a0 Isa na rito ay ang pagpapahalaga sa grupo o pagkakamag-anak o ang pagiging \u2018collectivistic\u2019 (Nolasco, 2005).\u00a0 Binibigyang-diin ng mga tauhan ang kanilang katapatan sa pamilya at angkan tulad ng sinabi Arjuna at Bhima.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">ARJUNA Ang tunay na hari<br \/>\nTapat sa kapatid<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">BHIMA Ang tunay na hari<br \/>\nAt tapat sa angkan (Unang Yugto, Tagpo 3).<\/p>\n<p>Maging ang tagumpay ng paglaban ay iniaalay para pamilya\/kapatid.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">ARJUNA Lukso ng dugo<br \/>\nKapangyarihang mapanukso\u2026<br \/>\nPara sa angkan<br \/>\nAko ang lalaban.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA Lukso ng dugo<br \/>\nKapatirang bagong tagpo.<br \/>\nPara sa kapatid kong bago,<br \/>\nAko ang mananalo (Unang Yugto, Tagpo 5).<\/p>\n<p>Bilang pagtatanggol ay ipinamalas din ni Duryodhana ang pagpapahalaga sa kanyang kaugnayan kay Karna<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA Karna, hinahamak ka nila.<br \/>\nMakinig kayo\u2026 ama, ina, poong Krishna\u2026 at mga pinsan ko\u2026<br \/>\nKinikilala kong kapatid ang taong ito! At bilang aking kapatid,<br \/>\nmaaari siyang lumaban sa paligsahan para sa akin. Tulad ng<br \/>\npaglaban ni Arjuna para sa mga kapatid na Yudistira at Bhima\u2026<br \/>\n(Unang Yugto, Tagpo 5)<\/p>\n<p>Bukod sa pagpapahalaga sa katapatan at katungkulan sa pamilya at sa komunidad ay nabanggit ang <em>dharma <\/em>o ang daang sinusundan at katungkulan. \u00a0Ito ang nagtatakda ng kapalaran ng bawat tauhan.\u00a0 Sa pagpapakilala ng bawat tauhan ay kaniyang binabanggit ang <em>dharmang <\/em>nakatakda sa kanya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">ARJUNA Arjuna ang ngalan,<br \/>\nBunso ng Pandava.<br \/>\nAng aking dharma,<br \/>\nGamit ang pana,<br \/>\nManupil ng kaaway.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">BHIMA Ako naman si Bhima,<br \/>\nmatanda kay Arjuna,<br \/>\nang aking dharma<br \/>\nmaging matapat, maalam<br \/>\nna katuwang ng angkan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">YUDISTIRA Panganay na Pandava<br \/>\nNgalan ko\u2019y Yudistira<br \/>\nAng dharma ko\u2019y maghari<br \/>\nSa buong Kaurava.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA Ako si Duryodhana<br \/>\nPanganay si Dritarastra<br \/>\nSiyang haring tunay ng Kaurava<br \/>\nDharma ko\u2019y sumunod<br \/>\nSa yapak ng ama ko&#8230; (Unang Yugto, Tagpo 3)<\/p>\n<p>Dahil na rin sa sinabi ni Hanuman kay Karna na ang una niyang makikilala ang magbibigay-daan sa kanyang <em>dharma<\/em>, pinahahalagahan ni Karna ang kanyang sumpa ng katapatan kay Duryodhana.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 \u00a0Dharma ko ang maging tapat sa isang kaibigang\u2026 isang kaibigang<br \/>\npinili ako na maging kapatid.<\/p>\n<p>Sa isang eksenang kasama si Poong Krishna ay muling inilahad ni Karna ang katapatan kay Duryodhana.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 \u00a0Tinutupad ko lang ang pangako ko sa aking kapatid.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KRISHNA Kapatid? Hindi ka tumutulong sa iyong kapatid<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 Lahat lahat po gagawin ko sa kanya.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KRISHA \u00a0 \u00a0kahit na hindi mo siya kadugo?<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 Mas mahalaga pa sa dugo ang bumibigkis sa akin kay Duryodhana,<br \/>\nhigit pa sa kapatiran. Tinutupad ko lang ang pangako ko sa aking<br \/>\nkapatid (Ikalawang Yugto, Tagpo 1)<\/p>\n<p>Maging sa pagpili ng ipakakasal kay Prinsesa Draupadi ay nabanggit niya ang kanyang <em>dharma.<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DRAUPADI \u00a0 \u00a0Mga poon ko, ako naman ang pakinggan! Napatunayan na nila ang<br \/>\nkanilang mga galing. Patas ang naging labanan, malinaw sa lahat.<br \/>\nNgayon, pagbigyan ninyo ang aking hiling. Ako ay isang dalaga\u2026 at<br \/>\nprinsesang kasingbughaw ang dugo sa inyo. Karapatan ko ngayon<br \/>\nang mamili kung kanino ako ipapangako. Kay Yudistira at sa angkan<br \/>\nng Pandava. Ito ang aking dharma, isinisigaw ng aking puso! (Unang<br \/>\nYugto, Tagpo 5<\/p>\n<p>Sina Yudistira, Bhima, Arjuna, Duryodhana at Karna ang limang prinsipe sa kaharian ng Kaurava at mga pangunahing tauhan ng dula.\u00a0 Ano ang nasa <em>loob<\/em> ng limang prinsipe? \u00a0Ano ang kanilang intensyon bilang pinuno ng kaharian?<\/p>\n<p>Ang katauhan ng isang indibidwal ay base sa kanyang pisikal na kaanyuan (labas) at <em>internal traits<\/em> (<em>loob<\/em>). \u00a0Ang <em>loob<\/em> ng indibidwal ay ang pamamahala ng kanyang sarili sa sitwasyong sosyal (Baquiano at Lopez 2011). Maihahalintulad ang loob sa <em>inner core<\/em> o ang pag-iisa ng sarili at ng iba (Sta. Maria 1999; Sta. Maria at Largoza na nasa Baquiano at Lopez 2011)<\/p>\n<p>Ayon din kay Bulatao <em>et al<\/em>. (na nasa Baquiano at Lopez 2011) may apat na dimensyon ng <em>loob<\/em>:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">\u201cKaaya-aya ang loob (pleasant)\u2014maganda, maliwanag, maaliwalas, magaan ang loob<br \/>\nMapagtotoo ang loob (true)\u2014hindi mapagkunwari, tapat, matuwid ang loob<br \/>\nMalakas ang loob (strong)\u2014matapang, matatag, malakas, matigas ang loob<br \/>\nMalambot ang loob (soft)\u2014maluwang ang loob\u201d<\/p>\n<p><strong><em>Kaaya-aya ang loob<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Noong hindi pa batid ni Karna ang kanyang pinagmulan ay pinamalas niya ang <em>Kaaya-aya ang loob<\/em> . Bagamat nag-iisa at hindi batid ang pinagmulan, nagpakita siya ng katatagan ng loob at tiwala sa sarili.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0Susundin ko ang daang<br \/>\nHinanda para sa akin.<br \/>\nTatapangan ang loob,<br \/>\nPuso\u2018y patatahimikin.<br \/>\nNarito ako, dharma\u2026<br \/>\nHalina\u2018t ako\u2018y yakapin.<br \/>\nIkaw ang ina\u2026<br \/>\nIkaw ang ama\u2026<br \/>\nIkaw ang mga kapatid\u2026.<br \/>\nNa \u2018di ko nakilala (Unang Yugto, Tagpo 3).<\/p>\n<p><strong><em>Mapagtotoo ang loob<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Nasambit din nila Yudistira at Duryodhana ang kanilang paninindigan bilang pinuno na nagpapakita ng mapagtotoong loob \u2014tapat at matuwid ang loob.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">YUDISTIRA \u00a0 \u00a0Ang tunay na hari<br \/>\n\u2018di nakakalimot ng utang!<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0 Ang tunay na hari<br \/>\nIpaglalaban ang karapatan! (Unang Yugto, Tagpo 3)<\/p>\n<p>Sa unang pagtatagpo naman nina Karna at Duryodhana, kung saan saglit silang naglaban at natalo ni Karna si Duryodhana, humanga si Duryodhana sa inasal ni Karna sa pagpapakita nito ng kanyang mapagtotoong loob.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0 Magaling na mandirigma\u2026 at magalang pa. Alam kong magiging<br \/>\nmagkaibigan tayo\u2026 Sumunod ka sa akin\u2026 halika\u2026 huli na tayo<br \/>\n(Unang Yugto, Tagpo 4).<\/p>\n<p><strong><em>Malakas na loob<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bilang guro ng mga batang prinsipe sa pagpana, sa pag-espada, sa pangangabayo ay itinuro ni Drona ang lahat ng gawain ng isang tunay na mandirigma kung kaya\u2019t kakikitaan ang mga prinsipe ng malakas ang loob\u2014matapang, matatag, malakas, matigas ang loob<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DRONA \u00a0 \u00a0 Ang tunay na hari<br \/>\nAy mandirigmang matapang! (Unang Yugto, Tagpo 3)<\/p>\n<p>Sa eksena ng pag-eensayo sa laban ay ipinamalas din ni Duryodhana ang kanyang katapangan subalit ipinaalala ni Drona na huwag padadala sa kanyang damdamin.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DRONA \u00a0 \u00a0 Tama na, Duryodhana! Ensayo lang ito.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0 Patawad, Karna\u2026 nadala lang ako.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DRONA \u00a0 \u00a0 Ganyan talaga. Huwag na huwag lang padadala sa iyong mga d<br \/>\namdaamin. Ang tunay na mandirigma, marunong maghintay ng<br \/>\ntama at sapat na pagkakataon (Ikalawang Yugto, Tagpo 1).<\/p>\n<p><strong><em>Malambot ang loob<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Bagamat may angking katapangan ang mga prinsipe ay may bahagi pa rin sa kanilang <em>malambot ang loob<\/em>. \u00a0Ipinayo ni Karna kay Duryodhana na magpakita ng awa sa pagkatalo ng kaniyang mga pinsan sa laro ng pustahan.\u00a0 Hindi kahinaan ang pagkakaroon ng <em>malambot na loob<\/em> kundi pagpapakita ng pagpapakatao.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 Huwag kang malasing sa iyong kapangyarihan. Magpakita ka ng<br \/>\nawa. Talong-talo na ang lahat ng Pandava. Ipakita mo na ikaw ay<br \/>\nkakaibang hari.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230;Handa ka bang makipaglaban kay poong Krishna na nanghimasok<br \/>\nna upang matigil na ang iyong kabaliwan? At dapat manaig ang<br \/>\niyong pagkatao. Paalisin sila. Ipatapon sa gubat. Doon sila ng ilang<br \/>\ntaon\u2026 At pagkatapos noon, pabalikin sila. Makakalimutan na ang<br \/>\nlahat, at ikaw pa rin ang mananatiling hari. Magpakatao ka,<br \/>\nDuryodhana.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0 \u00a0Sasabihin ng lahat na mahina ako\u2026<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA Nagpakita ka ng awa\u2026 Pinakita mo na tao ka na may pusong<br \/>\nnahahabag. At maski sa iyong pagkapanalo, nangingibabaw pa rin<br \/>\nang pagkatao mo! (Unang Yugto, Tagpo 6)<\/p>\n<p><strong>Ang pagbabago ng <em>loob<\/em> ng mga prinsipe<\/strong><\/p>\n<p>Sa pagsapit ng giyera ay kapansin-pansin ang pagbabago ng <em>loob<\/em> ng mga prinsipe partikular na sina Yudistira at Duryodhana. \u00a0Ang pagbabagong ito ay dala na rin ng kanilang paniniwala sa kung ano ang makapaghahatid ng kapayapaan.<\/p>\n<p>Ninais ng inang sina Kunti at Ghandari na pigilan ang giyera subalit mahirap ito dahil puro sila mga anak ng diyos.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KUNTI \u00a0 \u00a0Wala akong magagawa\u2026 Ang dugo ng mga diyos ang nananalaytay sa<br \/>\nkanilang mga ugat! Kapag naisipan nila ang isang bagay, hindi mo na<br \/>\nsila mapipigilan hangga\u2018t nakamit nila ito\u2026<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">GHANDARI \u00a0 \u00a0Nakakalimutan mo yata na si Duryodhana rin ay ibinigay ng mga<br \/>\nDiyos\u2026 Pare-pareho silang magpipinsan. Mapusok, mainit ang dugo.<br \/>\nNatatakot ako sa mangyayari (Ikalawang Yugto, Tagpo 1).<\/p>\n<p>Naobserbahan ni Krishna ang pinagbago ni Yudistira.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KRISHNA \u00a0 \u00a0Ito si Yudistira, ang dating mapusok at mayabang. Ngayon, binago<br \/>\nna siya ng kaniyang karanasan. Narito siya at kaniyang sinusumpa\u2026<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">YUDISTIRA \u00a0 \u00a0Kapayapaan lang ang aking tunay na sadya.<br \/>\n\u2026Hindi na ako ang dating prinsipeng kilala niyo.<br \/>\nAng tangi ko lang gusto ay matapos na itong giyera.<br \/>\nKapayapaan\u2026 oo, yun ang nais ko (Ikalawang Yugto, Tagpo 3)<\/p>\n<p>Ibinahagi rin Karna kay Hanuman ang naobserbahan niyang pagbabago ni Duryodhana.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0Ang sabi mo rin dati, kung sino ang unang naging mabait sa akin<br \/>\nang siyang kaibigang magpapatupad sa aking dharma\u2026 Nagbago na si<br \/>\nDuryodhana. Hindi na siya ang binatang dating kilala\u2026 Ngunit<br \/>\nkailangan kong maging tapat sa kaniya (Ikalawang Yugto, Tagpo 3).<\/p>\n<p>Lumabas din ang <em>totoong loob<\/em> ni Duryodhana nang hilingin niya kay Karnang kunin ang mahiwagang armas upang matapos na ang labanan.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA<b>\u00a0 \u00a0 \u00a0<\/b>Malaki na ang pinagbago mo, Duryodhana.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0 Ang nais ko ay durugin ang mga Pandava.<br \/>\nSaka lang mapapayapa ang puso ko!<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KARNA \u00a0 \u00a0 Kapayapaan\u2026 \u00a0sa pamamagitan ng mahiwagang armas?<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">DURYODHANA \u00a0 \u00a0Yun lang ang paraan para maghari nang payapa<br \/>\n(Ikalawang Yugto, Tagpo 2).<\/p>\n<p>Samantalang may pagdududa pa rin si Yudistira kung dapat nga bang ituloy ang giyera.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KRISHNA \u00a0 \u00a0 Sa init ng labanan, huwag na huwag kang bibitiw! Nakikita ko sa mga<br \/>\nmata mo kanina, iba ang iniisip mo. Para kang nawawalan ng gana\u2026<br \/>\nNaramdaman mo rin?<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">YUDISTIRA<b>\u00a0 \u00a0 \u00a0<\/b>Opo\u2026<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">KRISHNA Kung ganyan ang magiging asta mo, papanig na lang ako kay<br \/>\nDuryodhana! Ano ang nangyari sa iyo?<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">YUDISTIRA Naisip ko\u2026 Bakit ba natin ginagawa ito?<br \/>\n(Ikalawang Yugto, Tagpo 1)<\/p>\n<p>Sino nga ba ang iniisip ng dalawang prinsipe sa kanilang pagsabak sa giyera? \u00a0Ang galit ni Duryodhana ay dahil sa pagkatalo niya sa kamay ni Draupadi at pagkapahiya sa buong korte. \u00a0Samantalang si Yudistira naman ay may pagdududa sa giyera dahil sa maaring idulot nito sa kanilang kaharian. \u00a0Dahil sa <em>dharma<\/em> at itinakda ng mga diyos ay natuloy ang giyera at humantong sa pagkawasak ng sangkatauhan. \u00a0Subalit dala ng pagkawasak na ito ang pagsibol ng isang bagong mundo na ayon kay Vyasa ay<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Walang ganid, walang pag-aangkin. Puno lamang ng pag-asa\u2026 Payapa at walang<br \/>\nhanggang pag-asa&#8230; Tama si Krishna. Ang lahat ng nangyari ay may ikabubuti<br \/>\n(Ikalawang Yugto, Tagpo 7).<\/p>\n<p>Kapansin-pansin na ang <em>loob <\/em>ay nagbabago sa pagdaan ng panahon dahil na rin sa mga karanasang pinagdaraanan ng isang indibidwal. \u00a0Mahalagang sa pagbabago ng <em>loob<\/em> ay isinasaalang-alang ng pinuno di lamang ang sarili kundi maging ang kanyang kapwa. \u00a0Maaring tingnan ang panghihina o pagbabagong <em>loob<\/em> bilang kahinaan subalit sa pinunong may paninindigan ay pagpapakita ito ng kalakasan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Baquiano, M.J. at G.D. Lopez (2011). Dimensions of <em>loob<\/em>: Can politicians be used as exemplars. <em>\u00a0Philippine Journal of Psychology<\/em>, 44 (2), 181-204.<\/p>\n<p>DULAANG UP. (2014).\u00a0 <em>Ang Nawalang Kapatid.\u00a0 <\/em>Souvenir Program.<\/p>\n<p>Nolasco, J.M. (2005). \u00a0Individualism-collectivism, attributions, and leadership styles of Asian and Western managers. \u00a0<em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 38 (2), 50-74.<\/p>\n<p>Quintos, F. (2014).\u00a0 <em>Ang Nawalang Kapatid. <\/em>Di-nalathalang playscript.<\/p>\n<p>Sta. Maria, M. (1999). \u00a0Filipinos\u2019 representations for the self. \u00a0<em>Philippine Journal of Psychology, <\/em>32 (2)<em>,<\/em> 53-88.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Rebyu Dexter Santos (direktor at koreograpo), Ceejay Javier (musika), at Floy Quintos (manunulat) (2014). Ang Nawalang Kapatid [Dulang musikal]. Quezon City: Dulaang Unibersidad ng Pilipinas. ANG NAWALANG KAPATID: ANG LOOB NG ISANG PINUNO Amihan Bonifacio-Ramolete Department of Speech Communication and &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-nawalang-kapatid-2014-nina-floy-quintosceejay-javier-at-dexter-m-santos\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Ang Nawalang Kapatid (2014) nina Floy Quintos,Ceejay Javier, at Dexter M. Santos<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/411"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=411"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/411\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":493,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/411\/revisions\/493"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=411"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=411"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=411"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}