{"id":407,"date":"2014-11-20T03:56:38","date_gmt":"2014-11-20T03:56:38","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=407"},"modified":"2015-08-14T01:58:58","modified_gmt":"2015-08-14T01:58:58","slug":"diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-pakikipagkapwa-pilipinong-lapit-sa-pananaliksik-2013-ni-robert-e-javier-jr","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-pakikipagkapwa-pilipinong-lapit-sa-pananaliksik-2013-ni-robert-e-javier-jr\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Pakikipagkapwa:  Pilipinong Lapit sa Pananaliksik (2013) ni Robert E. Javier, Jr."},"content":{"rendered":"<p><em>Rebyu<\/em><\/p>\n<p>Robert Javier, Jr. (2013). <em>Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik<\/em>. Quezon City: Central Book Supply, Inc.<\/p>\n<p><strong>LIKAS AT HANDA:<\/strong><br \/>\n<strong>PAGSUSURI SA MGA MAKA-PILIPINONG METODO NG PANANALIKSIK<\/strong><\/p>\n<p>Charmaine P. Galano<br \/>\nDepartment of Psychology<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City<\/p>\n<p>Nang simulan ni Virgilio Enriquez ang Sikolohiyang Pilipino (SP), mayroon siyang tinukoy na mga layunin nito: ang pag-aralan ang sikolohiya ng mga Pilipino na angkop sa kanyang kultura at palayain ang disiplina ng sikolohiya sa kolonyal na estado nito. \u00a0Upang maisakatuparan ang mga ito, kailangang taluntunin ng mga sikolohistang Pilipino ang tatlong gawain: (1) palitawin at pag-aralan ang mga katutubong konsepto, (2) mag-debelop at gumamit ng mga metodong angkop sa karanasan ng mga Pilipino, at (3) magsagawa ng mga pag-aaral na nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino (Enriquez 1992).<\/p>\n<p>Ang aklat ni Roberto Javier, Jr. na <em>Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik<\/em> ay isang antolohiya na binubuo ng labing-isang artikulo na pumapaksa sa mga konseptong may kinalaman sa pagsasakapangyarihan, pamumuno, pagkamamamayan, pananagutang panlipunan at pakikipamayapa. \u00a0Kabilang rin sa aklat na ito ang ilang empirikal na papel at sanaysay na tumatalakay sa mga maka-Pilipinong metodo sa pananaliksik tulad ng pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan at panunuluyan. \u00a0Ayon sa may-akda, ang pangunahing layunin ng aklat ay makapag-ambag sa \u201cpag-unawa sa paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino sa kung ano ang ugnayan ng pananaliksik bilang pakikilahok at pakikipag-ugnay pati ilang usaping gaya ng pananagutang panlipunan, pagsasakapangyarihan at pakikipamayapa.\u201d \u00a0Ngunit maliban pa rito, sa aking palagay, mas naging matingkad ang mga ginawang pagsusuri at pagtatasa ni Javier sa mga katutubong metodo ng pananaliksik. \u00a0Maaaring maging gabay ang pagsusuring ito sa sinumang mananaliksik na ibig magsagawa ng mga pag-aaral sa SP.<\/p>\n<p>Kapansin-pansin sa kabuuan ng aklat ang malay at hayagang pagpili ni Javier sa perspektiba ng Sikolohiyang Pilipino. \u00a0Ang kagustuhang makapag-ambag sa disiplina at sa literatura ng SP, partikular na sa pag-aaral ng mga lokal na konsepto, ay litaw na litaw sa bawat papel na kanyang isinulat. \u00a0Kaya naman maaari ring suriin ang aklat batay sa tatlong pakay ng SP. \u00a0Sa paanong paraan nakapag-ambag ang libro sa pag-aaral ng mga lokal na konsepto at metodo? \u00a0Paano nasasalamin sa mga pag-aaral ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino? \u00a0Sa unang bahagi ng rebyu na ito ay titignan ang naging kontribusyon ng aklat sa pagdadalumat ng pakikipagkapwa. \u00a0Tatalakayin naman sa ikalawang bahagi ang naging pagsusuri ng may-akda sa mga katutubong metodo ng pananaliksik.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>MAY PAKIKIPAGKAPWA SA PAMUMUNO, PAGKAMAMAMAYAN AT PAKIKIPAMAYAPA<\/strong><\/p>\n<p>\u00a0Ang unang artikulo sa antolohiya ay may pamagat na katulad ng sa aklat. \u00a0Dito ay tinalakay ng may-akda ang konsepto ng pakikipagkapwa at ang mahalagang papel nito sa pagsasagawa ng pananaliksik. \u00a0Ang artikulong ito ang magtatakda ng kabuuang tema ng buong aklat. \u00a0Alinsunod sa mga nauna nang bilin ng mga tagasulong ng SP (Enriquez 1992; Pe-Pua at Protacio-Marcelino 2002), pinanindigan rin ni Javier na ang pakikipagkapwa ay kailangan sa anumang pananaliksik, lalo na sa mga disiplina ng agham panlipunan. \u00a0Mahalaga ang pakikipagkapwa sapagkat tao ang pinapaksa at pinatutungkulan ng mga disiplinang ito. \u00a0Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa? \u00a0Ayon kay Javier, ang pakikipagkapwa ay pagturing sa isang tao bilang kapantay at katuwang sa pagbubuo ng kaalaman. \u00a0Sa konteksto ng pananaliksik, ito ay pagiging \u201cmakatao at pro-tao\u201d sa mga kalahok at sa komunidad. \u00a0Sa ibang bahagi ng aklat, sinabi niya na ang pakikipagkapwa ay isang pagsasakapangyarihan (<em>empowerment<\/em>). \u00a0Nabibigyang boses ang mga kalahok sa mga pananaliksik at nagiging daan ito upang mas maunawaan nila ang kanilang sarili. \u00a0Hindi lang sa konteksto ng pananaliksik pinalitaw ni Javier ang pakikipagkapwa, masasalamin rin ito sa mga pag-aaral na kanyang ginawa tungkol sa pamumuno, demokrasya at pagiging mamamayan, at kapayapaan.<\/p>\n<p>Dalawang artikulo sa antolohiya ang tumalakay sa konsepto ng pamumuno. \u00a0Sa isang artikulo, pinag-aralan ni Javier ang pagtingin sa pamumuno ng mga lider ng mga <em>non-government organization<\/em>, <em>people\u2019s organization<\/em> at mga taga-barangay sa dalawang bayan sa Nueva Ecija. \u00a0Lumitaw sa pag-aaral na itinuturing na epektibo ang pamumuno ng isang lider kung itinataguyod nito ang buting panlahat. \u00a0Ang mga katangian ng isang magaling na lider, ayon sa mga kalahok, ay ang pagkakaroon ng kasanayan at kaalaman sa pamumuno at pagkakaroon ng mabuting pagkatao. \u00a0Maliban pa rito, natukoy rin na ang epektibong pamumuno ay iniuugat nila sa mabuting pakikipagkapwa ng isang lider. \u00a0Ito ay maipapamalas sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-ugnayan niya sa loob at labas ng isang samahan at matalas na pakikiramdam sa kung ano ang pangangailangan ng mga tao.<\/p>\n<p>Sa isa pang artikulo, tinalakay naman ni Javier ang pamumuno sa konteksto ng pagboto. \u00a0Sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong at sarbey ay inalam niya ang saloobin ng mga kabataan tungkol sa paghalal at pagpili ng isang pinuno. \u00a0Lumitaw sa resulta ang mga katangiang hinahanap ng mga kabataan sa isang lider. \u00a0Maraming hinahanap ang mga kabataan sa isang lider, ngunit pinagtuunan ng pansin ni Javier ang may kinalaman sa pakikipagkapwa. \u00a0Ang isang mabuting halal ng bayan o pinuno ng pulitika ay dapat na nagtataglay ng mabuting pagkatao at mahusay na pakikitungo sa kapwa. \u00a0Kaya naman, isa sa naging rekomendasyon ng kanilang pag-aaral ang pagkakaroon ng oryentasyon sa kapwa ng sinumang nais mahalal sa posisyon sa pamahalaan o kahit anumang organisasyon.<\/p>\n<p>Dinalumat rin ni Javier ang demokrasya at pagkamamamayan sa mga pag-aaral na kanyang isinagawa tungkol sa impluwensiya ng isang NGO, ang Education for Life Foundation (ELF), sa iba\u2019t ibang bayan sa Isabela. \u00a0Natukoy ang dalawang mahalagang konseptong nagmula sa wikang Ilokano: ang <em>wayawaya<\/em> at <em>umili<\/em>. \u00a0Ang <em>wayawaya<\/em> ay maaaring ipakahulugan na \u201ckalayaan\u201d o kaya\u2019y \u201ckatinuan ng isip,\u201d habang ang <em>umili<\/em> naman ay tumutukoy sa \u201cpagiging mamamayan o taga-bayan.\u201d \u00a0Sinasabing ang <em>wayawaya<\/em> at <em>umili<\/em> ay mga sentral na konsepto sa demokrasya at pagkamamamayan ng mga taga-Isabela. \u00a0Dito umuusbong ang pananagutan at pakikilahok ng isang mamamayan sa kanyang bayan. \u00a0Itinuturing naman na kasingtulad ng pakikipagkapwa ang proseso ng pakikilahok at pagsasabuhay ng mga tao sa kanyang pagkamamamayan.<\/p>\n<p>Pinaksa naman ng dalawa pang artikulo ang konsepto ng kapayapaan. \u00a0Sa isang artikulo, tinalakay ang mga karanasan at kaisipan sa kapayapaan ng iba\u2019t ibang etnolinggwistikong grupo. \u00a0Kabilang sa mga kalahok ang mga mangingisda sa Bataan, manggagawang-bukid at magsasaka sa Nueva Ecija, Ifugaw ng Banawe, Ita ng Zambales, at mga mangangalakal na Muslim Maranaw sa Quiapo, Maynila. \u00a0Lumilitaw sa kinasapitan ng pananaliksik ang tatlong kategoryang may kinalaman sa sarili, kapwa, at komunidad. \u00a0May mga ideyal na kondisyon at kahingian sa bawat kategoryang ito upang maranasan ang kapayapaan. \u00a0Halimbawa, nakakamit ang kapayapaan sa sarili kung ang isang tao ay malusog, panatag ang kalooban at may kalayaan sa pagkilos. \u00a0Ngunit sinasabing hindi sapat ang makamit ang ideyal na kondisyon sa isang kategorya lang upang maranasan ang kapayaan. \u00a0Kinakailangang nagtatagpo o may harmonya sa tatlong nabanggit upang masabing may kapayapaan. \u00a0Kaya mas mahalagang elemento ang ugnayan sa isa\u2019t isa ng sarili, kapwa, at komunidad. \u00a0May paghahambing rin na ginawa ang may-akda sa karanasan ng kapayaan sa iba\u2019t ibang grupo ng kalahok. \u00a0Halimbawa, importante para sa mga Ita ang paggalang sa lupa at kalikasan upang maranasan ang kapayapaan habang para sa mga Ifugaw at Maranaw naman ay matatagpuan ang kapayapaan sa kasaganaan, sa mga salu-salo at pagdiriwang. \u00a0Magkakaiba man ang pananaw at pagpapakahulugan ng iba\u2019t ibang grupo, nagkakasundo naman ang mga ito na ang pagkakamit ng kapayapaan at pakikipamayapa ay nagmumula sa matiwasay na ugnayan sa kapwa. \u00a0Sa konteksto ng kapayapaan, ang pakikipagkapwa ay nangangahulugan ng pagtutulungan, pananagutan sa kapwa, at pagkakasundo.<\/p>\n<p>Kapayapaang may kinalaman sa diwa ng kabutihan at pag-debelop ng moralidad ang pinaksa ng isa pang artikulo ni Javier. \u00a0Sa kanyang pakikipagkwentuhan sa mga monghe ng isang monasteryo sa Malaybalay, Bukidnon, nabuo ang limang kwentong-buhay na naglalahad ng iba\u2019t ibang karanasan ng kapayapaan. \u00a0Maaaring masumpungan ang kapayaan sa paggawa, sa pamamahinga, o sa paglaya. \u00a0Maaari ring tignan ang kapayapaan bilang isang estado ng isipan o ng kalooban. \u00a0Ang mga ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga ritwal at kasunduan sa loob ng komunidad, at sa pagdanas ng tipan ng orden ng mga monghe. \u00a0Masasabi namang kaiba ang artikulong ito ni Javier sa mga nauna. \u00a0Ang ambag nito ay hindi lamang sa kinasapitan ng mga pag-aaral kundi sa paraan ng paglalahad ng mga kwentong nakalap.<\/p>\n<p>Masasalamin sa mga artikulong nabanggit ang tema ng pakikipagkapwa. \u00a0Intensiyon man o hindi ng may-akda na gamitin ang balangkas ng kapwa, lagi itong lumilitaw sa kanyang mga pagtatalakay sa bawat pag-aaral. \u00a0Tila ba pakikipagkapwa ang konseptong tumutuhog sa lahat ng ito. \u00a0At dahil dito, maituturing ang aklat ni Javier na isang magandang gawain sa pagdadalumat ng konsepto ng kapwa. \u00a0Bagaman itinuturing na pinakamahalagang kontribusyon ni Enriquez ang teorya ng kapwa (San Juan 2006), sa totoo lang, kulang na kulang pa rin ang mga pag-aaral na ginagawa tungkol dito. \u00a0Ngunit tulad ni Enriquez, mapapansin na hindi pinag-iiba ni Javier ang kapwa at pakikipagkapwa bilang mga sikolohikal na konstrak. \u00a0Nauna nang ipinanukala na ang dalawang ito ay magkaiba (hal. Yacat 2013). \u00a0Ang kapwa ay isang pagpapahalagang buod ng pagkataong Pilipino habang ang pakikipagkapwa ay ang kilos na masasalamin sa pakikipag-ugnayan sa iba. \u00a0Kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng dalawang ito. \u00a0Sa pagkilala magsisimula ang mas maayos na pagtatasa sa mga konseptong ito.<\/p>\n<p>Maituturing naman na <em>exemplar<\/em> na pag-aaral sa SP ang mga papel ni Javier. \u00a0Sa paksa, metodo, at tunguhin ay makikitang tumutugon ang mga ito sa tatlong pakay ng SP. \u00a0Ang mga naging kalahok ni Javier sa kanyang mga pag-aaral ay nagmula sa iba\u2019t ibang grupo (halimbawa, mga magsasaka, lider ng mga samahan sa komunidad) at pangkat etnolinggwistiko (halimbawa, mga Ilokano, Bisaya, atbp.) sa halip na mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad. \u00a0Matagal nang pinupuna sa disiplina ng sikolohiya ang kalakaran sa pagpili ng mga kalahok sapagkat tila ba nanggagaling lang ang datos sa mga \u201celite\u201d na nakapag-aral (Enriquez 1992). \u00a0Ang pagpili ng mga kalahok na nagmumula sa \u201cmga bayan\u201d ay isang pagpanig sa mga walang boses na nakalimutan na sa disiplina ng sikolohiya. \u00a0Ngunit kailangan rin namang linawin na nasa ganitong direksyon na rin ang karamihan ng mga pag-aaral sa sikolohiya (Clemente 2011). \u00a0Marami-rami na ring mga sikolohista ang nagsasagawa ng pag-aaral na tumutuklas sa sikolohiya ng iba\u2019t ibang grupo.<\/p>\n<p>Dalawang bagay naman ang aking napuna sa mga papel ni Javier. \u00a0Ang una ay may kinalaman sa pagtukoy ng mga konseptong nakaugat sa wika ng mga kalahok. \u00a0Isa sa mga batayang prinsipyo ng pananaliksik sa SP ay ang paggamit ng wika ng taumbayan. \u00a0Mahalaga ito hindi lamang para makapagpahayag ng maayos ang mga kalahok kundi para na rin mapalitaw ang mga konseptong taal sa kanilang kultura. \u00a0Halimbawa, sa pagsisiyasat ni Javier sa mga kaisipang may kinalaman sa pagkamamamayan, lumitaw ang diwa ng <em>wayawaya<\/em> at <em>umili<\/em> na mahalaga sa mga kalahok na Ilokano. \u00a0Ang pagkakatuklas ng mga konseptong ito ay maaaring daan upang masuri kung may sikolohiya ba na natatangi sa mga Ilokano at maaaring pag-aralan kung paano ito nauugnay sa pangkalahatang sikolohiya ng mga Pilipino. \u00a0Ngunit hindi ko naman nakita ito sa iba pang pag-aaral niya tulad sa pamumuno at kapayapaan. \u00a0Iba\u2019t ibang etnolinggwistikong grupo ang naging bahagi ng kanyang pag-aaral tungkol sa kapayapaan, ngunit walang lumitaw na lokal na termino para rito. \u00a0Sa aking palagay, mahalaga ang aktibong pagtukoy at paghahanap sa mga lokal na termino ng mga sikolohikal na konsepto. \u00a0Ito ay dahil hindi naman <em>homogenous<\/em> ang kulturang Pilipino. Ikalawa, ito ay para maiwasan ang pagtingin sa SP na nakatuon lamang sa sikolohiya ng mga \u201cTagalog.\u201d \u00a0Madalas kong marinig sa mga kumperensiya ang ganitong pagtingin, na sa totoo naman ay isa lamang pag-aakala. \u00a0Naging magandang oportunidad sana ang papel ni Javier tungkol sa kapayapaan upang makapagpalitaw ng mga lokal na konseptong nakabatay sa mga wika ng kalahok.<\/p>\n<p>Isa pang mapupuna sa mga papel ay ang paraan ng paglalahad ng mga datos at kinasapitan. \u00a0Naghahanap ako ng pagsipi sa mga aktwal na sagot ng mga kalahok na pinagbatayan ng kanyang analisis at pagtatalakay. \u00a0Maaaring personal na istilo ng may-akda ang hindi pagsisipi o paglalahad ng mga sagot ng mga kalahok. \u00a0Ngunit sa aking palagay, maganda kung maisasama ang mga ito. \u00a0Tugma ito sa prinsipyo ng \u201cpagbibigay boses\u201d at pagkilala sa aktibong papel ng mga kalahok (Pe-Pua 2005). \u00a0Sa ganitong paraan rin mas magiging matapat ang mananaliksik sa paglalahad ng kanyang bias sa pag-aanalisa ng datos.<\/p>\n<p>Ang aklat ni Javier ay matuturing rin na malaking kontribusyon sa literatura ng SP, partikular na sa pagtatalakay ng mga maka-Pilipinong metodo. \u00a0Sa bawat papel na kanyang inilahad, masinsin niyang inilarawan at dinetalye ang mga hakbang na kanyang isinagawa sa pagkalap at pag-aanalisa ng datos. \u00a0Maraming pwedeng matutunan sa mga pag-aaral na kanyang ginawa lalo pa\u2019t ginamit niya ang mga pamamaraang pakikipagkwentuhan, pagtatanong-tanong, at panunuluyan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG PAGGAMIT NG MGA KATUTUBONG METODO SA PANANALIKSIK<\/strong><\/p>\n<p>Ayon kay Yacat (2013), isa sa mga hamon sa pagsusulong ng makabagong SP ay ang usapin sa paggamit ng mga katutubong metodo. \u00a0May mga nauna nang obserbasyon na bagama\u2019t ang mga metodong ito ang itinuturing na pinaka-angkop sa karanasan ng mga Pilipino, may mga iilan pa rin ang hindi kumportable sa paggamit nito dahil sa pangamba ng pagiging hindi siyentipiko nito (Pe-Pua 2005; Sevilla 1978). \u00a0Ito ay matagal na ring pinabulaanan. \u00a0Ang pagiging siyentipiko ng isang pananaliksik ay wala sa gara o ganda ng metodo ngunit nasa maingat na pagpaplano at kahandaan ng mananaliksik. \u00a0Kaya nga para kay Yacat (2013), makakatulong kung makakapaglathala ng isang manwal sa pananaliksik na naglalarawan sa pormal na proseso at mga hakbang sa paggamit ng mga katutubong metodo.<\/p>\n<p>Maaari namang makatulong ang aklat ni Javier sa pagbubuo ng isang manwal. \u00a0Nakadetalye sa bawat papel ang mga hakbang at prosesong kanyang pinagdaanan sa pagsasagawa ng mga pag-aaral na ginamitan ng mga katutubong metodo. \u00a0Gayundin, tatlong artikulo sa antolohiya ang nakalaan upang talakayin ang kalikasan ng mga metodong tulad ng pakikipagkwentuhan at pagtatanong-tanong.<\/p>\n<p>Komprehensibo ang naging diskusyon ni Javier sa metodo ng pakikipagkwentuhan. \u00a0Inilahad niya sa aklat ang mga kalakasan at kahinaan ng metodo, mga saligang prinsipyo, at ilang etikal at praktikal na konsiderasyon sa pagsasagawa nito. \u00a0Ilan sa kanyang tinalakay ay ang bisa ng tulay, ang kalikasan ng umpukan, at ang mahalagang papel ng pakikiramdam sa pakikipagkwentuhan. \u00a0Pinagtuunan rin niya ng pansin ang pagtatalakay sa pakikipagkapwa bilang pundasyon ng pakikipagkwentuhan.<\/p>\n<p>Idinokumento rin niya ang naging karanasan ng kanyang mga estudyante sa pagtatanong-tanong tungkol sa paksa ng mga karamdaman sa komunidad. \u00a0Inilahad niya ang mga bawat hakbang na kanilang isinagawa at ang ilang mga balakid na kanilang kinaharap sa larangan. \u00a0Halimbawa, mainam raw na simulan ang pagtatanong-tanong sa pamamagitan ng pangungumusta at paghingi ng pahintulot. \u00a0Kailangan ring unahing itanong ang mga simple at madaling sagutin na tanong tulad ng ano, sino, saan, at kailan. \u00a0Ilan naman sa mga problemang kanilang kinaharap ay ang kasanayan sa pagtatanong ng mga <em>follow-up<\/em> na tanong. \u00a0Kinakailangan kasi na kabisado ng mananaliksik ang pasikot-sikot ng paksa upang madali siyang makapag-isip ng itatanong kahit pa wala ito sa gabay.<\/p>\n<p>Ilang tanong pa rin ang sumagi sa aking isipan habang binabasa ang aklat ni Javier. \u00a0Partikular na dito ang mga may kinalaman sa pagsasagawa ng mga katutubong metodo. \u00a0Sa modelo ng maka-Pilipinong pananaliksik na ipinanukala nina Santiago at Enriquez (1982), sinasabing may walong antas ng pagtutunguhan ang mananaliksik at kalahok na nakabatay sa paglalapit ng kanilang kalooban. \u00a0Inaaasahan na marating ng isang mananaliksik ang antas ng pakikipagpalagayang-loob upang makakuha ng mapagkakatiwalaang datos. \u00a0Ipinagpapalagay na hindi na ibang tao ang pagturing ng kalahok sa mananaliksik sa antas na ito. \u00a0Ngunit, paano nga ba nasasabi na palagay na ang loob ng isang kalahok? \u00a0Anu-ano nga ba ang mga indikasyon o palatandaan upang masabi na \u201chindi na ibang tao\u201d ang turing sa mananaliksik? \u00a0Sa mga ginawang pagtatasa sa ugnayang ibang-tao at hindi-ibang tao, makikita na may pagkakaiba ang dalawang ito sa limang katangian: paglalapit ng loob, gaan ng loob, tagal ng pagsasama, dalas ng pagsasama, at pagkakasundo (Yacat <em>et al<\/em>. 2010). \u00a0Ito ay sa konteksto ng mga relasyon. \u00a0Paano kaya sa interaksyon ng mananaliksik at kalahok?<\/p>\n<p>Sa isa pang banda, tila hindi rin naniniwala si Javier na may kabuluhan sa pananaliksik kapag ang pagtuturingan ay mas mababaw pa sa pakikipagpalagayang-loob. \u00a0Aniya:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Gayundin naman hindi maitataguyod ang kapakanan at kabutihan ng kapwa kung sa pakikipagkwentuhan hindi magtuturingang kapwa ang mananaliksik at kalahok at hindi \u201chindi-ibang-tao\u201d ang magiging pagkilala sa kanya. \u00a0Manapa ay wala na sanang antasan sa pakikipagkapwa kung saan may pagturing pa ng ibang tao at hindi ibang tao.<\/p>\n<p>Sa aking palagay, hindi naman talaga lahat ng pakikipagkwentuhang isinasagawa sa larangan ay nakakarating sa antas ng hindi ibang-tao. \u00a0Halimbawa na lamang ang mga estudyanteng nagsasagawa ng mga pag-aaral na mayroong konsiderasyon sa oras at panahon sapagkat mayroon lamang silang isang semestre. \u00a0Kung hanggang pakikibagay o pakikisama lang ang kanilang naabot, hindi nangangahulugang dapat nang iwanan ang kanilang datos. \u00a0Kailangan lamang talakayin sa kanilang ulat ang mga ganitong limitasyon. \u00a0Hindi rin naman nangangahulugan na hindi na kapwa ang kanilang pagturing sa kanilang kalahok dahil ang &#8220;ibang tao&#8221; ay kapwa pa rin naman.<\/p>\n<p>Maganda naman ang sinabi ni Javier tungkol sa pagbubuo ng kwento sa pakikipagkwentuhan. Ayon sa kanya, \u201cang kwento ay nailuluwal sa kwentuhan.&#8221; \u00a0Kumbaga, nabubuo ang kwento habang nagiging palagay ang loob ng mga tao sa isa\u2019t isa. \u00a0Ang datos na inaanalisa sa metodong ito ay ang kwento. \u00a0Ngunit alam naman nating may mga kwentong mas mahusay ang pagkakalahad at mayroon ding hindi; may mga kwentong mas pinapaboran at mas pinipili (McAdams 2008). \u00a0At madalas, ang mananaliksik ang nagsasagawa ng pagpili. \u00a0Paano makakasiguro na ang kwentong mapipiling ilahad ay tugma at tapat sa interes ng kalahok? \u00a0Magandang makabuo rin ng gabay hindi lang sa pag-analisa ng datos sa kwento, kundi sa kung paano pumipili ng kwento.<\/p>\n<p>Kaugnay naman ng usapin ng wika, malaon nang sinabi na kailangang gamitin ang wika ng taumbayan kapag gumagawa ng pananaliksik (Pe-Pua 2005). \u00a0Tinugunan naman ito ni Javier sa kanyang mga pag-aaral. \u00a0Sa mga pagkakataong hindi marunong ang mananaliksik ng wika ng kalahok, ibinahagi ni Javier na malaki ang maitutulong ng tulay upang maging tagasalin. \u00a0Maaari ngang natutugunan sa pagkakaroon ng tagasalin ang praktikalidad ngunit hindi maiiwasang mapaisip kung anong mangyayari kung magkaroon ng \u201c<em>lost in translation<\/em>.\u201d \u00a0Hindi nilinaw ni Javier kung anong mga hakbang ang maaaring gawin upang maiwasan ito.<\/p>\n<p>Minsan rin ay tila ba nagkakaroon ng impresyon na ang mga katutubong metodo ay nababagay lamang na gamitin sa \u201cmga bukid\u201d at \u201cprobinsya.\u201d\u00a0 Kailangang linawin na hindi ito totoo. \u00a0Ayon nga kay Javier, nakaugat ang mga metodong ito sa ating kultura kaya maaari itong magamit saan man naroroon ang Pilipino. \u00a0Ngunit magiging hamon naman sa mananaliksik ang paggamit nito sa mga nakatira sa \u201c<em>gated subdivision<\/em>\u201d dahil sa mga alalahanin sa pagka-pribado at seguridad.<\/p>\n<p>Likas nga daw sa ating mga Pilipino ang magtanong at makipagkwentuhan. \u00a0Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na hindi na maghahanda ang mananaliksik dahil sa pag-aakalang kusa namang lilitaw ang ganitong kalikasan. \u00a0Sa katotohanan pa nga, ibayong paghahanda ang kinakailangan upang maging tapat sa mga prinsipyo ng maka-Pilipinong pananaliksik (Pe-Pua 2005). \u00a0Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan rin lamang sa mga konsiderasyon na kailangan pang linawin sa pagsasagawa ng mga katutubong metodo.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGLALAGOM<\/strong><\/p>\n<p>Sa kabuuan, maituturing ang aklat ni Javier na isang magandang kontribusyon tungo sa pagkamit ng mga layunin ng SP. \u00a0Bilang isang guro, nakikita kong maaaring magamit ang mga artikulo bilang mga babasahin sa klase sa Sikolohiyang Pilipino, lalo na sa paksa ng metodo at larangang pananaliksik. \u00a0Habang wala pang naisusulat at nailalathalang manwal, makakatulong ang libro sa mga mananaliksik bilang gabay sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na gumagamit ng mga metodong tulad ng pakikipagkwentuhan at pagtatanong-tanong.<\/p>\n<p>Bagaman kailan lang nailathala ang aklat ni Javier, karamihan naman sa mga artikulong nakapaloob rito ay naisulat pa noong dekada 90. \u00a0Posibleng may mga iilan na ring pagbabago at pag-unlad sa disiplina ng SP, partikular na sa mga metodo, ang hindi pa nakakasali sa aklat na ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Clemente, J.A. (2011). \u00a0An empirical analysis of research trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for Sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Philippine Social Science Review<\/em>, 63 (1), 1-34.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992). \u00a0<em>From colonial to liberation psychology: The Philippine experience<\/em>. \u00a0Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>McAdams, D.P. (2008). \u00a0Personal narratives and the life story. \u00a0Nasa O.P. John, R.W. Robins, at L.A. Pervin (mga pat.), <em>Handbook of Personality: Theory and Research<\/em>, 3<sup>rd<\/sup> ed. \u00a0New York: The Guilford Press, 242-264.<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. (2005). \u00a0Kros-katutubong perspektibo sa metodolohiya: Ang karanasan ng Pilipinas. <em>Binhi<\/em>, 1 (2). \u00a0Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Pe-Pua, R. at E. Protacio-Marcelino (2002). \u00a0Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez. <em>Binhi, <\/em>1 (1). \u00a0Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>San Juan, E.Jr. (2006). \u00a0Toward a decolonizing indigenous psychology in the Philippines: Introducing Sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Journal for Cultural Research<\/em>, 10 (1), 47-67.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Santiago, C.E. at Enriquez, V.G. (1982). Tungo sa maka-Pilipinong pananaliksik. Nasa R. Pe-Pua (pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit<\/em>. \u00a0Quezon City: Surian ng Sikolohiyang Pilipino, 155-159.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Sevilla, J.C. (1982). \u00a0Indigenous research methods: Evaluating first returns. Nasa R. Pe-Pua (Pat.), <em>Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit<\/em>. \u00a0Quezon City: Surian ng Sikolohiyang Pilipino, 221-232.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013). \u00a0Tungo sa isang mas mapagbuong sikolohiya: Hamon sa makabagong Sikolohiyang Pilipino. \u00a0<em>Daluyan: Journal ng Wikang Filipino<\/em>, 19 (2), 5-32.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>Yacat, J.A., C.A. de Villa, J.A. Clemente, at J. Toledo (2010, Hunyo 24-27). \u00a0Filipino social relationships: Surfacing underlying themes of Ibang Tao\/Hindi Ibang Tao. \u00a0Di-nalathalang papel, 1<sup>st<\/sup> International Conference on Indigenous and Cultural Psychology, Yogyakarta, Ind<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Rebyu Robert Javier, Jr. (2013). Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik. Quezon City: Central Book Supply, Inc. LIKAS AT HANDA: PAGSUSURI SA MGA MAKA-PILIPINONG METODO NG PANANALIKSIK Charmaine P. Galano Department of Psychology University of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-pakikipagkapwa-pilipinong-lapit-sa-pananaliksik-2013-ni-robert-e-javier-jr\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Pakikipagkapwa:  Pilipinong Lapit sa Pananaliksik (2013) ni Robert E. Javier, Jr.<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/407"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=407"}],"version-history":[{"count":6,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/407\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":491,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/407\/revisions\/491"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=407"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=407"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=407"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}