{"id":393,"date":"2014-11-20T03:34:40","date_gmt":"2014-11-20T03:34:40","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=393"},"modified":"2015-07-28T01:56:19","modified_gmt":"2015-07-28T01:56:19","slug":"diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-kuwento-ng-pagpapatawad-pagsuyod-sa-konsepto-gamit-ang-perspektibong-debelopmental","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-kuwento-ng-pagpapatawad-pagsuyod-sa-konsepto-gamit-ang-perspektibong-debelopmental\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Mga Kuwento ng Pagpapatawad: Pagsuyod sa Konsepto Gamit ang Perspektibong Debelopmental"},"content":{"rendered":"<p><strong>Teresita T. Rungduin<\/strong><br \/>\nPhilippine National Research Center for Teacher Quality<br \/>\nPhilippine Normal University (PNU), Manila<\/p>\n<p><strong>Darwin C. Rungduin<\/strong><br \/>\nCollege of Liberal Arts and Sciences<br \/>\nColegio de San Juan de Letran, Manila<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p>Sinuri sa pag-aaral na ito ang proseso ng pagpapatawad sa iba\u2019t ibang antas ng debelopment sa pamamagitan ng mga buhay-salaysay ng mga kalahok galing sa iba\u2019t ibang antas ng pamumuhay at pinag-aralan. \u00a0Binubuo ang pag-aaral na ito ng mag buhay-salaysay ng dalawampu\u2019t pitong (27) tao na ibinahagi ang tinahak nilang landas sa pagpatawad ayon sa pananaw at pakahulugan nila sa konsepto at damdaming kaakibat nito. \u00a0Gamit ang <em>cross-sectional developmental design<\/em> at <em>grounded-theory approach<\/em> sa pagkuha at pagsuri ng mga buhay salaysay, sumailalim sa apat na pagtitining ang mga salaysay.\u00a0 Lumabas sa mga buhay-salaysay ng mga kalahok na may pagkakaiba sa mga dahilan ng <em>transgression<\/em> sa bawat yugto ng debelopment. \u00a0Sa <em>middle childhood<\/em> ang sanhi ay pag-aagawan ng atensyon at kaibigan. Pakikipagbati ang paraan upang maipahayag ang pagpapatawad. \u00a0Sa mga nasa <em>adolescence<\/em>, paglabag sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan at paghanap ng kalinga ng magulang ang kadalasang sanhi ng hindi pagkakaunawaan. \u00a0Nagkakaroon ng pagpapatawad kapag tinanggap, nagpaparaya, at naniwalang nagsisisi ang nakagalit. Sa yugto ng <em>early adulthood<\/em> ang paglabag sa pinaniniwalang karapatan ng indibidwal sa ginagampanan niyang papel ang dahilan. \u00a0Naiproproseso ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng sarili at nagkakaroon ng pagpapalit ng pagtingin sa dahilan ng pagkakaroon ng alitan. \u00a0Sa <em>middle adulthood<\/em> naman, ang paglabag sa tiwalang ibinigay ang nagiging sentro ng nagpapatawad. \u00a0Ang nagpapatawad ay nagpaparaya, nakikiusap, at naniniwalang nagsisisi ang nanakit.\u00a0 Sa <em>late adulthood<\/em>, umiikot ang sanhi ng alitan sa paglabag sa kanilang karapatan bilang matatanda. Humahantong sila sa pagpapatawad sa pamamagitan ng pagtingin sa higit na positibong pananaw hinggil sa mga bagay-bagay.\u00a0 Mula sa nakuhang datos, binubuo ang pagpapatawad ng tatlong mahalagang salik\u2014ang pag-iisip sa pamamagitan ng paniniwala na nagsisisi ang nagkasala, sa pakiramdam na gumaan ang loob at sa pagbabago ng ugali na makikita sa pagpapahayag ng higit na positibong pananaw. \u00a0Ang modelong ito ay isang pagtatangka na maipaliwanag ang proseso na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa pagpapatawad sa iba\u2019t ibang yugtong debelopmental.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>\u00a0Abstract<\/strong><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\">This study sough to analyze the issues, processes, and effects of forgiving others from the perspectives of people from middle childhood to late adulthood.\u00a0 Analyzing 27 life stories of people, the study made use of the grounded theory to examine the context and meaning of forgiveness.\u00a0 The findings revealed that people from different age groups have varying issues as to how they view transgressions, however, it can be deduced that underlying transgression act include but are not limited to issues of entitlement, betrayal of trust and seeing the act as something that they deserve because they have transgressed another person in the past.\u00a0 On the other hand, differences in forgiving were seen across developmental stages, ranging from the act of saying \u201csorry\u201d in middle childhood, talking it out in adolescence, to the perceived repentance of the transgressor by people in early, middle and late adulthood.\u00a0 All of these forgiving experiences lead to feelings of \u201cgaan ng loob\u201d or being burden-free among the respondents.\u00a0 The end gola of the analysis was a role explaining the role of \u201cgaan ng loob\u201d in the process of forgiveness and the triumvirate functions of cognition (believing that the transgressor would want to be forgiven), behavior (doing positive things and going out of one\u2019s way to interact with the transgressor) and affect (feeling free from the burden that not-forgiving brought).<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>May kuwento ang bawat isa tungkol sa kanilang mga karanasang masaktan at magpatawad sa kaniyang pakikisalamuha sa kanilang pamilyang kinabibilangan, kaibigan at maging sa mga kakilala.\u00a0 Masasabing natatangi ang bawat kuwento sapagkat ito ang pinahahalagahan ng bawat isa at nagsisilbing gabay nila sa kung paano nila nakikita at binibigyang kahulugan ang mga taong kanilang nakikilala at pinipiling makasama.\u00a0 Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagpapatawad sa mga ugnayan at pakikipag-ugnayan.\u00a0 Masasabi rin na may katangi-tanging lugar sa ating lipunanang ang pagpapatawad kung titingnan ang kinalakhang relihiyon at mga nakamultang praktika\u2019t pagsasanay na ginagawa ng magulang ukol sa pakikipagkapwa-tao.<\/p>\n<p>Sa mga nakaraang dekada, umusbong sa mga libro, iba\u2019t ibang pag-aaral, at <em>print <\/em>media ang pag-aaral ukol sa pagpapatawad bilang isang kaisipang debelopmental at modelo sa pagtulong (Knutson, Enright, at Gerbers 2008).\u00a0 Bilang isang konseptong sikilohikal, nagiging sentro ng interes ang pagpapatawad sa mga empirikal na pag-aaral ukol sa paghihilom (Knutson, Enright, at Gerbers 2008); pag-aaklas laban sa o hakbang patungo sa pagkakaisa sa gobyerno (Ashy <em>et al<\/em>. 2010); at tinatanaw na mahalagang salik sa pagpapanatili ng magandang pangkabuuang katauhan (McCullough 2000).\u00a0 Binabanggit sa pag-aaral nina Freedman at Chang (2010) na dumami sa loob ng labinlimang (15) taong ang pagtukoy sa pagpapatawad bilang isang konsepto sa pananaliksik &#8211;\u00a0 mga pananaliksik na\u00a0 tumukoy sa sari-sari at magkakaibang antas ng pakikipagrelasyon at kung paano namumuhay ang tao sa lipunan.\u00a0 Kung titingnan naman ang perspektibong debelopmental sa pag-unawa sa pagpapatawad, sinasabing nauna itong binigyang pansin ni Piaget sa kaniyang pagpapaliwanag sa proseso ng nagsisimulang pag-unawa sa tama at mali.\u00a0 Binigyang-diin nina Williamson at Gonzales (2007) na sinimulang palawakin nina Enright at ng Human Development Group ang higit na malalim na pag-aaral sa pagpapatawad at nakita nila ang pagbabago-bago ng antas ng pagpapatawad na naayon sa teorya ni Kohlberg hinggil sa <em>moral development<\/em>.<\/p>\n<p>Sa kabila ng pagiging isang popular na pamamaraan sa paghihilom ng sakit na nagiging sentro ng mga <em>counseling<\/em> at <em>therapeutic interventions<\/em>, nanatiling mahirap ang pagtukoy sa kung ano talaga ang kahulugan ng pagpapatawad.\u00a0 Sa isang pag-aaral na ginawa nina Stelan at Covic noong 2006, sinasabi na higit na nagkakasundo ang mga eksperto sa kung \u2018ano ang hindi makapagpapaliwanag sa pagpapatawad\u2019 kaysa kung \u2018ano ang saklaw nito.\u2019\u00a0 Nagkakasundo naman sina Andrews (2000); Strelan at Covic (2006); at Knutson, Enright, at Gerbers (2008) na ang pagpapatawad ay hindi pagwawalang-sala, pagpapaumanhin, pagpapalampas at pagkalimot.\u00a0 Sa paghahanap ng isang malinaw na pagpapakahulugan ng pagpapatawad, sinasabi nina Enright at Worthington (nasa Knutson <em>et al<\/em>. 2008), na pagtugon ito sa hindi makatarungang pakikitungo na kinapapalooban ng paghupa ng galit o sama ng loob patungo sa nagkasala at ang pagkakaroon ng higit na positibong damdamdamin, pag-iisip, at pag-uugali sa taong iyon.\u00a0 Binibigyang-diin ng karamihan sa mga nag-aaral ukol sa pagpapatawad ang pagkakaiba ng pagpapatawad sa pagkakasundo (Knutson, Enright, at Garbers 2008).<\/p>\n<p>Sinasabi sa mga pag-aaral na maaaring patawarin ng isang indibidawal ang isang taong nagkasala ngunit maaari pang mahirapan siyang makipagkasundo rito katulad ng makikita sa mga mapang-abusong relasyon.\u00a0 Mariing tinutukoy rin nina Enright (2008) na maaaring magpatawad ang isang tao, ngunit patuloy na humanap ng hustisya sa pagkakasalang ginawa sa kaniya.\u00a0 Mahihinuha mula sa mga pagpapaliwanag na ito na ang pinanggagalingan ng pagpapatawad ay ang lakas ng isang tao at hindi ang kaniyang kahinaan sapagkat ang nagpapatawad ang nakatatalos ng pagkakasala at binigbigyang kahulugan niya ito ayon sa sakit na kaniyang nararamdaman bunsad nito.\u00a0 Pinaniniwalaan din na ang pagpapatawad ay nakasentro sa moralidad (kagandahang-asal), pakikisama at pakikipagkapwa (Freedman and Chang 2010).\u00a0 Inilalarawan ito bilang isang paghahandog ng nagkasala sa sinaktan niya kahit na hindi ito karapat-dapat ipagkaloob.\u00a0 Pinipili itong ibigay ng nasaktan upang makalampas siya sa pag-iisip ng masasamang bagay, pagkakaroon ng hindi magandang damdamin patungkol sa nagkasala, at mag-iba ng pakikitungo sa nanakit.<\/p>\n<p>Sa kabilang banda, kung susuriin ang pagiging iisang konsepto ng pagpapatawad, masasabing may katangi-tanging pagtingin dito ang mga lipunang may kulturang <em>individualistic<\/em> at <em>collectivistic<\/em>.\u00a0 Makikitang ang pananaw ukol sa kung ano ang hangganan o paghahantungan ng pagpapatawad ay masasabing magkaiba sa dalawang kategorya ng kultura.\u00a0 Sa kulturang <em>collectivists<\/em> pinahahalagahan ang magandang pakikitungo o pagsasama bilang resulta ng pagpapatawad samantalang; mahalaga ang pagpapatawad upang makamit ang pagkakasundo-sundo sa pananaw ng mga <em>individualists<\/em> (Rata <em>et<\/em> a<em>l<\/em>. 2008).\u00a0 Sinusuportanhan din nina Hook, Worthington, at Utsey (2009) ang pananaw na ito sa kanilang pag-aaral sa <em>collectivism<\/em>, pagpapatawad at pagkakasundong panlipunan.\u00a0 Tinutukoy sa pag-aaral na ito na ang pagkakasundong panlipunan ang pumapagitna sa loob ng kulturang <em>collectivistic<\/em>.<\/p>\n<p>Nagbigay sina Hook, Worthington, at Utsey (2009) ng dalawang proposisyon: una, nagaganap sa loob ng higit na malawak na konteksto ng social harmony, pagakaksundo-sundo at pagkukumpuni ng mga relasyon ang <em>collectivistic<\/em> na pagpapatawad. \u00a0Pangalawa, naiintindihan ang <em>collectivistic<\/em> na pagpapatawad bilang isang kapasyahang makapagpatawad na itinutulak ng pagsasaalang-alang sa pagsasama at pagkakaisa ng isang grupo at hindi upang magkaroon ng internal na kapayapaan.\u00a0 Isa ang mga pananaw na ito sa mga salik na nag-udyok sa mananaliksik upang patuloy na pag-aralan ang mukha ng pagpapatawad na mayroon ang isang lipunan.<\/p>\n<p>Dito sa PIlipinas, karamihan ng pag-aaral hinggil sa pagpapatawad ay umiikot sa paggamit nito bilang isang dulog terapeutiko (De Castro 2008), <em>psychoeducational interventions<\/em> para sa mga mag-aaral sa kolehiyo (Worthington <em>et al<\/em>. 2010), pagbibigay-kahulugan sa pagpapatawad bilang isang konsepto at paggamit nito sa pagpapatawad sa mga nagkasala (Torres 2009), at ang paggawa ng isang larawan ng pagpapatawad gamit ang balangkas ng pagdadala ni Decenteceo (Valbuena 2009).\u00a0 Sa pag-aaral nina Worthington <em>et al<\/em>. (2010), sinasabi na hindi malawakang tinatalakay ang pagpapatawad bilang isang konsepto kung mga maka-Pilipinong pananaw at pagpapahalaga ang paksa.\u00a0 Sa halip higit na binibigyang-pansin ang \u2018<em>utang na loob<\/em>\u2019 lalo na kung pagpapanatili ng magandang relasyon ang pinag-uusapan.\u00a0 Sa mga pag-aaral na ito, sinasabing may pangangailangang siyasatin ang pagbabago-bago ng pagkakaintindi sa pagpapatawad sa bawat yugto ng debelopment (Valbuena 2009; De Castro 2010).\u00a0 Sinang-ayunan ito nina Worthington <em>et al<\/em>. (2010) sa kanilang pag-aaral na binigyang diin ang kakulangan ng pag-aaral tungkol sa kung paano naiintindihan at inuunawa ng mga Pilipino ang pagpapatawad at ang mga interbensyong pangkapatawaran ay maaaring maging higit na matagumpay kung titingnan at higit na pag-aaralan ang konteksto nito sa kultura.<\/p>\n<p>Nilalayon ng pag-aaral na ito na matugunan ang direksyon ng pananaliksik na iminungkahi sa mga nabanggit na pag-aaral na galugarin ang mga isyu, proseso, at ang kahihinatnan ng pagpapatawad sa pananaw ng mga tao sa iba\u2019t ibang yugto ng kanilang buhay.\u00a0 Binubuo ang pag-aaral na ito ng mga kuwento ng dalawampu\u2019t pitong (27) tao na ninais ding ibahagi ang tinahak nilang landas upang sa huli ay magpatawad ayon sa pananaw at pakahulugan nila sa konsepto at damdaming kaakibat nito.<\/p>\n<p>Ang mga salaysay ng mga kalahok sa kung paano sila nagpatawad at kung paano ito nakaapekto sa kanilang mga relasyon ang inasahang magiging susi upang lalong maintindihan ang konsepto.\u00a0 Higit sa lahat, sa mga piniling magpatawad, bata man o matanda o mga nasa pagitan nito, ang mga buhay-salaysay ay masasabing kuwento ng tagumpay, ang mapagtagumapayan ang sakit na dinanas nila upang sa huli ay piliin na palayain ang taong nagkasala upang mapalaya rin ang kanilang sarili.<\/p>\n<p>Nilayon ng pag-aaral na makabuo ng isang modelo sa pag-unawa ng pagpapatawad batay sa iba\u2019t ibang yugto ng debelopment.\u00a0 Isa rin sa mga inasahang makalap ang sentro o tuon ng pagpapatwad sa bawat yugto ng buhay gamit ang paulit-ulit na pagtingin sa salaysay ng mga kalahok.\u00a0 Upang maging tiyak, ninais matugunan sa pag-aaral na ito ang sumusunod na mga tanong:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">1. Anong palagiang tema ang pumapapaimbabaw mula sa mga buhay-salaysay ng mga kalahok sa bawat yugto ng debelopment batay sa mga kalahok na nasa pagitan ng:<br \/>\na. 7 hanggang 9 na taong gulang?<br \/>\nb. 10 hanggang 20 taong gulang?<br \/>\nc. 20 hanggang 40 taong gulang?<br \/>\nd. 40 hanggang 60 taong gulang?<br \/>\ne. 60 taong gulang pataas?<br \/>\n2. Sa anong paraan inilarawan at ipinaliwanag ang proseso ng pagpapatawad kung ang batayan ng pagpapaliwanag ay inaayon sa yugto ng debelopment?<br \/>\n3. Mula sa nakuhang datos, anong modelo ang maaaring mabuo upang makita ang proseso ng pagpapatawad mula pagkabata hanggang pagtanda?<\/p>\n<p><strong>Pamamaraan<\/strong><\/p>\n<p>Ginamit ang <em>cross-sectional developmental design<\/em> bilang tagapagbuo ng datos.\u00a0 Isa rin sa nilalayon ng pag-aaral ay ang makita kung mayroon bang pagbabago sa uri ng pang-unawa ng mga taong kalahok hinggil sa pagpapatawad tungo sa pagtatala ng mga ito.\u00a0 Upang lalong mapag-aralan ang aspektong ito, ginamit ang <em>grounded theory<\/em>.\u00a0 Sa pamamaraang ito, ang paglalantad ng mga aspekto ng karanasan ang pokus.\u00a0 Sinasabi ni Moustakas (1994) na mula sa pag-aaral ng mga elemento at ng kanilang mga ugnayan at relasyon, isang teorya ang mahahalaw na makakapagbigay ng higit na malalim na pananaw sa nag-aaral ukol sa kahulugan ng karanasan sa isang grupo ng tao sa isang lugar.\u00a0 Sa pag-aaral na ito pag-aaralan ang pang-unawa ng mga kalahok sa pagpapatawad, ang mga desisyon na nakaapekto sa desisyon sa pagpapatawad.<\/p>\n<p>Nilalayon ng pag-aaral na masuri kung may pagbabago sa pananaw at pang-unawa sa proseso ng pagpapatawad kapag tiningnan ang mga salik kaugnay ng edad at kasarian.\u00a0 Hindi isinasali ang antas ng pamumuhay (<em>socio-economic status<\/em>), pinag-aralan at iba pang katangian sapagkat sinasabi sa literatura na ang pang-unawa sa pagpapatawad ay hinihigitan o nilalampasan ang pinag-aralan at pamumuhay ng isang tao.<\/p>\n<p>Pinili ang mga kalahok batay sa kanilang edad at kasarian.\u00a0 Sa bawat yugto ng pag-unlad (<em>developmental stage<\/em>) mayroong isang babae at isang lalaking kalahok.\u00a0 Ang pagkakahati-hati ng mga yugto sa adolescence ay batay sa mga yugto na iminungkahi ng <em>Child Development Institute<\/em>, samantalang ang pagbabaha-bahagi ng mga yugto para sa \u2018<em>midlife<\/em>\u2019 at \u2018<em>latelife<\/em>\u2019 ay ibinatay naman sa teorya ni Levinson (Berk 2002).\u00a0 Ang masusing paghahati-hati ay ginawa upang hindi magkaroon ng pagkakasanib-sanib sa edad na maaaring magdulot ng pagkakagulo-gulo sa proseso ng pag-unawa sa pagpapatawad kapag ang edad ang salik.\u00a0 Ipinakikita sa Talaan 1 ang pagbabahagi ng bawat kalahok sa iba\u2019t ibang yugto ng debelopment.\u00a0\u00a0 Ginawa ring batayan ang mga pag-aaral nina Wade at Wortnington Jr. (2003), nina Knutson, Enright, at Garbers (2008) at Fincham, Jackson, at Beach (2005) na sinasabing kadalasang nagkakaroon ng pagpapatawad sa pamamagitan ng mga taong magkakarelasyon tulad ng relasyon ng magulang sa anak, matalik na magkakaibigan o mga mag-asawa o magkarelasyon.\u00a0 Batay sa mga pag-aaral na ito, isa sa naging salik sa pagpili ng mga kalahok ay ang pagpapatawad sa mga taong malalapit sa kanila na tumutugma sa mga katangian na nabanggit sa mga pag-aaral. <em>Snowball technique<\/em> ang pangunahing pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok, kung saan may mga inirekomendang tao ang mga kakilala ng mananaliksik, at ang mga kalahok ay may mga binanggit na kakilala na maari ring kasapin ukol sa kanilang mga karanasan.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talaan 1<\/strong><br \/>\n<em>Pagkaka-uri-uri ng mga Kalahok sa Pag-aaral<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"size-full wp-image-437\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin.png\" alt=\"Rungduin\" width=\"626\" height=\"465\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin.png 626w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-300x222.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-100x74.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-150x111.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-200x148.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-450x334.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-600x445.png 600w\" sizes=\"(max-width: 626px) 100vw, 626px\" \/><\/a><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"size-full wp-image-438\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2.png\" alt=\"Rungduin 2\" width=\"631\" height=\"414\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2.png 631w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-300x196.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-100x65.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-150x98.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-200x131.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-450x295.png 450w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-2-600x393.png 600w\" sizes=\"(max-width: 631px) 100vw, 631px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Gumamit ng mga buhay-salaysay bilang pangunahing kaparaanan sa pagkuha ng impormasyon.\u00a0 Sinasabi na ang salaysay ng buhay ay nangangailangan ng masusing pagsusuri at pinahahalagahan nito ang pag-unawa ng isang tao sa kanyang karanasan.\u00a0 Nadadalas na ito ay nagdadaan sa matagal na proseso ng pagkuha ng impormasyon at pagtatanong sa mga kalahok kung ang nakuha ay katugma ng kaniyang salaysay.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Pigura 1<\/strong><br \/>\n<em>Iskrip ng Mananaliksik<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"size-full wp-image-439\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3.png\" alt=\"Rungduin 3\" width=\"564\" height=\"201\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3.png 564w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3-300x106.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3-100x35.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3-150x53.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3-200x71.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-3-450x160.png 450w\" sizes=\"(max-width: 564px) 100vw, 564px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Ang pag-aaral ay nakatuon sa mga kalahok na nakakapagsalita at may sapat na kaalaman sa paggamit ng Tagalog.\u00a0 Ito ay upang makuha at mailarawan nang buo ang kanilang mga karanasan sa pagpapatawad.\u00a0 Dahil dito, nakasentro ang pag-aaral sa iba\u2019t ibang lugar sa National Capital Region (NCR), Rehiyong 3 at sa Rehiyong IV-A partikular na sa mga Lungsod ng Maynila, Quezon, Kalookan, Cavite, at Bulacan.\u00a0 Kabilang sa mga isinaalang-alang ay ang mga kasapi ng iba\u2019t ibang organisasyon sa simbahan, mga mag-aaral na nagprisinta nang nagbigay ng paanyaya ng mananaliksik at mga personal na tinukoy ng mga kakilala na sumang-ayon na magbahagi ng kanilang mga karanasan.\u00a0 Binigyang-diin din ng mananaliksik ang mga etikal na konsiderasyon sa pagkuha ng impormasyon gaya ng paghingi ng pahintulot mula sa mga kalahaok at sa mga magulang na makausap ang mga batang kalahok, pagbibigay ng <em>debriefing<\/em>, at pagsisigro ng <em>confidentiality<\/em>.<\/p>\n<p>Sa pagsusuri ng datos, pinagsanib ang pagsusuri gamit ang buhay-salaysay at ang <em>grounded theory approach<\/em>.\u00a0 Ginamit ang pagsasaayos sa kuwento at ang <em>constant comparative method<\/em> kung saan ang pagsuri ay dumaan sa apat na bahagi ng <em>coding<\/em>. \u00a0Gumamit ng <em>theoretical saturation<\/em>, <em>frequency word<\/em> count sa bawat linya o pagsasaayos ng buhay-salaysay isasagawa ang pagsusuri sa bawat linya ng salaysay, <em>constant comparison approach <\/em>o pagsusuri ng mga salaysay ayon sa kabuuan nito, at <em>axial coding.\u00a0 <\/em>Sa pamamagitan ng <em>axial coding<\/em> mahihinuha ang mahahalagang elemento ng modelong binubuo na magpapaliwanag ng pagpapatawad sa bawat debelopmental na antas at isang komprehensibong larawan sa kung paano nagbabago ang pagpapatawad sa pagtanda ng tao<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS<\/strong><\/p>\n<p><strong><em>Palagiang Tema at Proseso ng Pagpapatawad sa Bawat Yugto ng Debelopment<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Kapansin-pansin ang pagkakaiba-iba ng katangian ng pagpapatawad sa bawat yugtong debelopmental.\u00a0 Nagbabago ang katangian at dahilan ng transgresyon ayon sa kakayahang makita ng mga kalahok ang mga nangyari bilang isang karansang nakapagpapabago sa kanilang perspektibo sa buhay, sa pakikipag-uganayan at sa halaga nila sa isang relasyon.\u00a0 Dahil rito, sinasabing nakabatay ang katangian ng pagpapatawad sa mga pinagdaraanan ng mga kalahok na nakaayon rin sa yugto ng kanilang buhay.\u00a0 Halimbawa, dahil sa nagbabagong pananaw ng mga bata ukol sa <em>reciprocity<\/em> na maaaring ibatay sa kanilang pagkakaintindi sa aspektong moral ng isang sitwasyon, nakikita nila na mahalaga ang mailabas ang saloobin sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin o pagsasabi ng <em>sorry.<\/em><\/p>\n<p>Bilang pagbibigay-diin, sa mga batang nasa edad pito hanggang siyam, nakikita ang pagpapatawad bilang nasa konteksto ng pagbabati na kung saan nangangailangan ang pagpapatawad ng magkaparehong pagnanais na maayos ang kanilang alitan.\u00a0 Masasabing nagiging kakaiba ang pagpapatawad sa yugtong ito dahil sa pangangailangang maging konkreto o hayag ang paghingi ng tawad.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Opo. Sabi po ng mama\u2019t papa, dapat daw po hindi ko na pinatulan kasi matanda daw po yun sa akin. <em>Mikaela, 9, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">[nagbati po kami ] kasi po naisip ko matutuwa si mama pati si papa. <em>Trisha, 7, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Kinuwento po nung kaklase naming [kay teacher] &#8230;. Pinagalitan po kami.\u00a0 Pinataas po yung kamay [bilang parusa].\u00a0 <em>Harvey, 8, L<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Hindi na po ako makikipag-away kasi nung nakipag-away po ako, wala na po akong nakalaro. <em>Mikaela, 9, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Masayang-masaya po [ako kapag nagsorry sya] kasi dati pa po maraming beses na nila ako inaway eh. Maraming beses na po.\u00a0 <em>Harvey, 8, L<\/em><\/p>\n<p>Makikita sa buhay-salaysay ng mga kabataan o adolesens na hindi lamang sa relasyon sa pagitan ng magkakaibigan umikot ang mga buhay salaysay kundi sa ugnayang magulang at anak.\u00a0 Sa kabila ng pumapapaimbabaw na konsepto ukol sa higit na pagpapahalaga ng mga kabataan sa kanilang mga kaibigan, pinatutunayan ng pananaliksik na mayroong mga nasa ganitong edad na pinahahalagahan at iniingatan ang ugnayan sa pagitan ng magulang at anak.\u00a0 Iba ang anyo ng pagpapatawad sa aspektong ito sapagkat higit na pumapapaimbabaw ang kakayahan ng anak na tanggapin ang pagkukulang ng kanyang mga magulang na hindi nakita sa mga pag-aaral nina Worthington at Enright sa mga kabataan na pinagkaitan ng pagmamahal ng kanilang magulang.\u00a0 Maaaring ang kakayahang magpatawad sa yugtong ito ay bunsod na rin ng lumalawig na konsepto ng pakikipagkapwa at pagpapahalaga sa ugnayang higit na pinahahalagahan ng ating kultura.<\/p>\n<p>Makikita sa buhay-salaysay ng mga kabataan o adolesens na hindi lamang sa relasyon sa pagitan ng magkakaibigan umikot ang mga buhay salaysay kundi sa ugnayang magulang at anak.\u00a0 Sa kabila ng pumapapaimbabaw na konsepto ukol sa higit na pagpapahalaga ng mga kabataan sa kanilang mga kaibigan, pinatutunayan ng pananaliksik na mayroong mga nasa ganitong edad na pinahahalagahan at iniingatan ang ugnayan sa pagitan ng magulang at anak.\u00a0 Iba ang anyo ng pagpapatawad sa aspektong ito sapagkat higit na pumapapaimbabaw ang kakayahan ng anak na tanggapin ang pagkukulang ng kanyang mga magulang na hindi nakita sa mga pag-aaral nina Worthington at Enright sa mga kabataan na pinagkaitan ng pagmamahal ng kanilang magulang.\u00a0 Maaaring ang kakayahang magpatawad sa yugtong ito ay bunsod na rin ng lumalawig na konsepto ng pakikipagkapwa at pagpapahalaga sa ugnayang higit na pinahahalagahan ng ating kultura.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Na-feel ko naman na ano sincere sya, na-touch din naman ako eh kasi alam ko may pagkakamali din ako, siguro may pagkakamali din sya.\u00a0\u00a0 Kasi nung &#8230; yung bang bagay na naniniwala sya agad sa ibang tao kasi hindi muna nya ko pinaniwalaan kasi hindi naman kami nakapag-usap ng maayos eh, yung talagang kami lang dalawa. <em>JM, 15, L<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Nalulungkot po ako kasi po bakit mama ko pa po yung nagso-sorry sa \u2019kin dapat po ako ang mag-sorry kasi ako po yung ano naaano po ako kasi mama ko yung nagso-sorry sa \u2018kin.\u00a0 Nalulungkot po ako, naiiyak po ako kasi po yung mama ko yung nagso-sorry dapat sa \u2018kin dapat sya po&#8230;Nung nag-sorry sya sa \u2018kin, naisip ko po kung gaano ko kamahal ang nanay ko.\u00a0 Tapos nyakap nya po ako niyakap ko rin sya kinausap nya po ako. <em>Francesca, 13, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Mixed emotions ma\u2019am nung makita ko siya ulit &#8211; kabado po ako talaga \u2013 galit na nanginginig po ako pero takot sa kung anong puwede mangyari.\u00a0 Nung nakita ko po na naiiyak sya tapos niyakap po nya ako, para pong may nawalang mabigat sa akin.\u00a0 Masikip po dibdib ko, umiiyak po ako pero hindi po yun dahil sa galit.\u00a0 Walang papantay sa yakap ng ina. \u00a0Para akong nakawala.\u00a0 Ang naisip ko lang ma\u2019am bakit ngayon kami binigyan ng pagkakataon kung kailan may sakit sya.\u00a0 Pero naisip ko din mabait pa din ang Diyos kasi po nagkaroon ako ng pagkakataon, yung iba po wala.\u00a0 <em>Jathry, 20, B<\/em><\/p>\n<p>Isa rin sa maaaring dahilan ang lumalaking pagpapahalaga ng mga kabataang kalahok sa ugnayang interpersonal lalo na sa kanilang mga kaibigan at kasintahan.\u00a0 Kaakibat nito ang yumayabong na pang-unawa nila sa pangangailangang kilalanin ang isyu na dapat harapin upang gumaan ang loob at mapagtibay ang relasyong sinimulan o ipagpapatuloy.<\/p>\n<p>Sa kabilang banda, kinakitaan naman ng pagsasaalang-alang sa nakagisnang pananaw sa pagpapatawad ang mga karanasang sumasalamin sa <em>early adulthood<\/em>.\u00a0 Karamihan sa nagbahagi ng kanilang salaysay ang nagbigay-diin sa pagpapatawad bilang anak sa kanyang mga magulang; bilang isang dati ring nagkasala; bilang isang hindi kakayanin ang magpatawad dahil naging napakalaki ayon sa kanya ang naging pagkakasala; at paggamit sa kinamulatang relihiyon bilang susi sa pagpapatawad.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Pinatawad ko, tapos na yun pero hanggang doon na lang, yung pagiging magkamag-anak ah wala na.\u00a0 Kakilala ko na lang. <em>Heidi, 31, B\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 <\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Kasi po\u00a0 naisip ko din na ang laki din ng mga bagay na nagawa niya [auntie] sa buhay ko, yun parang naisip ko din na ano hindi pala talaga ako makakarating sa kung ano ang meron ako ngayon kasi part talaga siya ng past ko, part din siya ng pagbuo ng kung ano talaga ako ngayon kung ano man yung meron ako ngayon. <em>Mhalyn, 25, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">You have to accept the person hindi lang yung strength, yung weakness din niya. Wag mo mahalin yung tao dahil mayaman, gwapo, mahalin mo yung tao dahil siya yung binigay ng Diyos sa\u2019yo&#8230; <em>Carlito, 38, L<\/em><\/p>\n<p>Umaangat sa mga naging karanasan ng mga taong ito ang dikta ng kung ano ang nararapat sa sitwasyong mayroong nagkasala sa kanila.\u00a0 Itinuturing ang pagpapatawad bilang isang katanggap-tanggap na pag-uugali at karapat-dapat ibigay sa mga taong nagkasala, ito man ay hinhingi o hindi.\u00a0 Kung susuriin, pinahahalagahan ng mga nasa edad na ito ang pagbabago ng pananaw sa nagkasala sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin sa kaniyang magagandang katangian matapos itong patawarin.\u00a0 Kapansin-pansin na matapos magpatawad, nagiging panlabas ang itinuturong dahilan kung bakit nagawa ng isang nagkasala ang kaniyang ginawa, halimbawa, itinutuon ang pagpapaliwanag na dahil sa impluwensiya ng alak kung kaya\u2019t naisipan na gumawa ng di karapat-dapat ang ama.\u00a0 Pumapaimbabaw rin ang pagtukoy sa panahon bilang isang mahalagang salik sa pagpapatawad, at pinatutunayan nito ang kasabihang kayang hilumin ng panahon ang anumang sugat.\u00a0 Nagiging higit na madali sa mga nasa <em>early adulthood<\/em> ang magpatawad lalo na kung lumipas na ang panahon at higit nilang nakikita ang perspektibo ng nagkasala.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Parang ngayon higit na naging close pa kami ng mama ko.\u00a0 <em>Peewee, 23, L<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Everyday po ako nagpupunta sa bahay nila tapos ano pumupunta na din po siya sa bahay para tignan. <em>Mhalyn, 25, B<\/em><\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">&#8230; lumambot yung damdamin ko towards him, tsaka naging protective ako sa kanya.\u00a0 <em>Lite, 33, B<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talaan 2<\/strong><br \/>\n<em>Ang Katangian ng Pagpapatawad sa Bawat Yugto ng Debelopment<\/em><\/p>\n<table width=\"100%\">\n<tbody>\n<tr>\n<td width=\"14%\"><strong>Yugto<\/strong><\/td>\n<td width=\"23%\"><strong>Temanng Pumapaimbabaw<\/strong><\/td>\n<td width=\"22%\"><strong>Katangian<\/strong><\/td>\n<td width=\"39%\"><strong>Paliwanag<\/strong><\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"14%\">Middle Childhood(7 \u2013 9)<\/td>\n<td width=\"23%\">Nagiging sanhi ng kanilang alitan ang pag-aagawan ng atensyon at kaibigan.\u00a0 Humahantong ito sa pisikal na pananakit at pagpapalitan ng masasamang salita.<\/td>\n<td width=\"22%\">Pagbabati<\/td>\n<td width=\"39%\">Ang pagpapatawad ay balikan.\u00a0 Kapag nakipagbati ang isa, saka lang makikipagbati ang nakaalitan.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td rowspan=\"4\" width=\"14%\">Adolescence(10 \u2013 20)<\/td>\n<td rowspan=\"4\" width=\"23%\">Nagiging sanhi ng alitan ang paglabag sa tiwala sa pagitan ng magkakaibigan at paghahanap ng kalinga ng magulang.\u00a0 Humahantong ito sa pagharap sa problema at pagsasabi ng antas ng sakit na naramdaman.<\/td>\n<td width=\"22%\">Pagpapalampas, Pagpapaubaya at Pagtanggap sa Pananaw ng Iba<\/td>\n<td width=\"39%\">Pinalalampas ang mga bagay na hindi nakikitang mahalaga upang maipagpatuloy ang relasyon o di kaya nakikita na maaari pang ulitin ang pagkakasala.Pagpapaubaya sa nakaalitan at paggawa ng paraan upang higit na mapadali ang pagpapatawad.Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga taong nasa paligid sa kung paano patatawarin ang nakaalitan (halimbawa mga kaibigan, magulang).<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Pagkilala sa mga Isyu na Kailangang Harapin<\/td>\n<td width=\"39%\">Ang pagharap sa problema ay mahalagang salik sa pagpapatawad.\u00a0 Ito ay nakakapagbigay ng pagkakataon upang maiparating ng adolesens ang hinaing niya sa kanyang mga kaibigan at magulang.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Paggaan ng Loob<\/td>\n<td width=\"39%\">Ang pagpapatawad ay nakapagpapalaya ng negatibong emosyon at nakikitang mahalaga upang maging maganda ang pananaw ng nasaktan.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Pagpapatuloy at Pagpapatibay ng Relasyon<\/td>\n<td width=\"39%\">Mahalagang salik ang pagpapatuloy at pagpapatibay ng relasyon sa pagpapatawad lalo na kung ang pinatawad ay bahagi ng kanyang mga tinatakbuhan sa oras ng problema.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td rowspan=\"2\" width=\"14%\">Early Adulthood(20 \u2013 40)<\/td>\n<td rowspan=\"2\" width=\"23%\">Sanhi ng pananakit sa yugtong ito, ang paglabag sa pinaniniwalaang karapatan ng indibidwal sa gampaning sosyal na mayroon siya.\u00a0 Naiproproseso ito sa pamamagitan ng pagsususri ng sarili at nagkakaroon ng pagpapalit ng pagtingin sa sanhi o sa dahilan ng pagkakaroon ng alitan.<\/td>\n<td width=\"22%\">Pagsaalang-alang ng Nakagisnang Pananaw sa Pagpapatawad (Social Norms)<\/td>\n<td width=\"39%\">Pinahahalagahan sa pagpapatawad ang relihiyon, katatanggap-tanggap na pag-uugali, mga pagpapahalaga, at ang paniniwala ng isang tao sa papel na kanyang ginagampanan sa relasyon.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Paglipat ng Pagtingin sa Magandang Katangian ng Nakaalitan Matapos Itong Patawarin at Paglipat ng Sisi sa mga Ibang Bagay<\/td>\n<td width=\"39%\">Pagkatapos patawarin ang nagkasala lumilipat ang sisi sa ibang aspeto ng kanilang karanasan (hal. Pagsisi sa edad, panahon o sakit na ang nakaalitan at kalahok ay walang kakayahang mapigil).Nakikita ang magandang katangian ng nakaalitan matapos itong patawarin.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td rowspan=\"4\" width=\"14%\">Middle Adulthood (40 \u2013 60)<\/td>\n<td rowspan=\"4\" width=\"23%\">Sanhi ng pananakit sa yugtong ito ang paglabag sa tiwalang ibinigay ng nagpapatawad.\u00a0 Dahil ibinigay ito, umaasa rin sila na susuklian ito ng karampatang pag-uugali at respeto sa kanila bilang magulang, asawa, kasintahan o malapit na kaibigan.<\/td>\n<td width=\"22%\">Paniniwala na ang Pagpapatawad ay Mahalagang Sangkap sa Pakikipag-ugnayan (Relational)<\/td>\n<td width=\"39%\">Bahagi ng ginagampanang papel sa isang relasyon ay ang magpatawad.\u00a0 Nagiging makabuluhan ang kanilang tungkulin bilang magulang, asawa, kaibigan at bilang tao.\u00a0 Kung kanilang nai-pro-proseso ang mga pangyayari nang naayon sa pagganap ng mga tungkuling ito.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Paniniwalang may Pagsisisi<\/td>\n<td width=\"39%\">Nagkakaroon ng kapatawaran kapag may paniniwalang nagsisisi ang nagkasala kahit ito ay hindi hayagang humingi ng patawad.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Pagpapatawad ng Sarili at Pagpaparaya<\/td>\n<td width=\"39%\">Sa pagpapatawad mahalaga na matanggap rin na may pagkakasala siya sa kanyang sarili.\u00a0 Ito ay naisasalarawan sa kanyang pagkukulang na pigilan ang pagkakaroon ng alitan.\u00a0 Sinasaklaw din ang pagpaparaya o pagbibigay ng laya sa taong nagkasala sa kanya.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Paggaan ng Loob<\/td>\n<td width=\"39%\">Malaking bahagi ng nakukuha sa pagpapatawad ay ang gaan ng loob na isinalarawan bilang pagkaalis ng galit, sama ng loob, nawawala sa isip at hindi na inaalala, at takot.\u00a0 Ito ay nangangailangan ng pagsisiyasat sa sarili at nagiging sentro ang pagpapalaya sa sarili.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td rowspan=\"3\" width=\"14%\">Late Adulthood (60 pataas)<\/td>\n<td rowspan=\"3\" width=\"23%\">Umiikot ang sanhi ng alitan sa paglabag sa kanilang karapatan bilang matatanda.\u00a0 Sa kanilang edad, inaasahan nila ang karapat-dapat na respeto at paggalang mula sa mga nakababatang miyembro ng komunidad.\u00a0 Kung hindi ito maibibigay, nagkakaroon sila ng mabigat na damdamin.<\/td>\n<td width=\"22%\">Epekto ng Tagal ng Panahon<\/td>\n<td width=\"39%\">Naapektuhan ng panahon ang galit o anumang negatibong emosyon na nararamdaman ng nasaktan.\u00a0 Napapadali ang pagtanggap sa nangyari at ang proseso ng pagpapatawad.<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Pagsasalang-alang sa Reputasyon ng Pamilya at Kanyang Pangalan<\/td>\n<td width=\"39%\">Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagprotekta sa pamilya upang mapanatili ang paggalang mula sa ibang tao na kanilang binuo sa pamamagitan ng magandang pakikisama noong kanilang kabataan<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"22%\">Paggaan ng Loob<\/td>\n<td width=\"39%\">Malaking bahagi ng nakukuha sa pagpapatawad ay ang gaan ng loob na isinalarawan bilang pagkaalis ng galit, sama ng loob, nawawala sa isip at hindi na inaalala, at takot.\u00a0 Ito ay nangangailangan ng pagsisiyasat sa sarili at nagiging sentro ang pagpapalaya sa sarili.<\/td>\n<\/tr>\n<\/tbody>\n<\/table>\n<p>Kapag pinag-usapan naman ang pagpapatawad sa <em>middle adulthood<\/em> kaikitaan ng pagpapahalaga sa relasyon ang nagiging dahilan kung bakit nararapat magpatawad ang isang tao. \u00a0Nagpapasyang magpatawad ang isang tao upang mapanatili ang maayos na ugnayan, halimbawa sa pagitan ng mag-asawa, mag-ama, mag-ina, dating magkarelasyon, o sa ugnayan ng pamilya.\u00a0 Kapansin-pansin sa mga salaysay na naging mabigat ang dalahin ng mga lalaking kalahok sapagkat sinukat ang kakayahan nilang tanggapin ang sarili sa kabila ng gumuhong mundo dahil sa pang-iiwan ng karelasyon; piliing mahalin muli ang asawa sa kabila ng pagsubok sa pagkalalaking kinaharap; at piliing huwag itakwil ang anak na paulit-ulit siyang sinaktan sa mga naging desisyon nito sa buhay.\u00a0 Kinakitaan na ang pagpapatawad sa yugtong ito ay nakasentro sa pagtupad sa papel na ibinigay ng lipunan tulad ng pagiging ama o asawa.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Napakalaki ng impluwensya ng relihiyon, kasi kung hindi siguro, sasabihin ko, bahala ka, magkanya knya tau, parang gnun, parang sino ka ba? \u00a0Kung ayaw mo e di ayaw mo, parang yung pagpapatawad eh, parang walang daan ba, pero yun nga malaki ang naitulong ng paniniwala ko sa Panginoon. \u00a0Yung <em>grace<\/em> Niya talaga, kasi yung mga tme n yun, pero sabi ko kasi sa Lord, Lord nahurt ako, nagagalit ako sa nangyare,gusto ko silang sigawan, yung mga ganun, ang nagging open up ko sa Panginoon. <em>August, 49, L<\/em>Kapag pinag-usapan naman ang pagpapatawad sa <em>middle adulthood<\/em> kaikitaan ng pagpapahalaga sa relasyon ang nagiging dahilan kung bakit nararapat magpatawad ang isang tao. \u00a0Nagpapasyang magpatawad ang isang tao upang mapanatili ang maayos na ugnayan, halimbawa sa pagitan ng mag-asawa, mag-ama, mag-ina, dating magkarelasyon, o sa ugnayan ng pamilya.\u00a0 Kapansin-pansin sa mga salaysay na naging mabigat ang dalahin ng mga lalaking kalahok sapagkat sinukat ang kakayahan nilang tanggapin ang sarili sa kabila ng gumuhong mundo dahil sa pang-iiwan ng karelasyon; piliing mahalin muli ang asawa sa kabila ng pagsubok sa pagkalalaking kinaharap; at piliing huwag itakwil ang anak na paulit-ulit siyang sinaktan sa mga naging desisyon nito sa buhay.\u00a0 Kinakitaan na ang pagpapatawad sa yugtong ito ay nakasentro sa pagtupad sa papel na ibinigay ng lipunan tulad ng pagiging ama o asawa.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Pero higit na magaan na sa loob ko, although di ko talaga nasabi at di ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-sorry sa isa\u2019t-isa&#8230; Alam ko sa sarili ko na nag-so-sorry sya kasi nung nagkita kami at nagtulungan.\u00a0 Saka kasalanan ko at kasalanan nya din.\u00a0 Kasalanan nya kasi pumayag sya sa ganoon.\u00a0 Kasalanan ko na napabayaan ko sya.\u00a0 <em>Rolly, 52, L<\/em><\/p>\n<p>Naging mahalaga rin upang makapagpatawad ang paniniwala na may pagsisisi ang nakagawa ng kasalanan.\u00a0 Hindi kinakailangang sabihin ng taong nagkasala ang <em>sorry<\/em> o humingi ito ng direktang paumanhin na ibang-iba sa pananaw at konsepto ng mga nasa <em>middle childhood<\/em>, ang mahalaga ay maipadama sa taong nasaktan na ang nagkasala ay nagsisisi.\u00a0 Batay sa mga karanasang ibinahagi, nagsisisi ang isang nagkasala kung siya ang unang lalapit sa nakaalitan, gumagawa ng bagay na makatutulong sa nakagalit, lumalapit at kinakausap ang nakaalitan nang parang walang nangyari, o pagpapakita sa kilos tulad ng pagyakap o pagmamano.\u00a0 Higit na maluwag sa loob ng mga nasa yugtong ito ang pagpapatawad sapagkat kaakibat nang pagpapatawad sa iba ang pagpapatawad sa sarili at ang pagtanggap na maaaring mangyari ito sa ugnayan.\u00a0 Dahil dito tinatayang higit na gumagaan ang loob ng mga nasa yugtong ito kapag sila ay nakapagpatawad, na masasabing isa sa mga pinakamagandang nararamdaman ng isang nagbigay ng pagpapatawad.<\/p>\n<p>Sa mga nasa <em>late adulthood<\/em>, panahon ang isa sa mga mahahalagang salik sa pagpapatawad.\u00a0 Ang negatibong emosyon ay nababawasan dahil sa tagal ng panahong ito ay maaaring kinimkim o hindi na nasabi.\u00a0 Isa ring mahalagang salik ang pagsasaalang-alang sa reputasyon ng pamilya.\u00a0 Mahihinuha na habang tumatanda ang isang tao, higit na malaki ang pagpapahalagang ibinibigay nito sa reputasyon ng pamilya at kung anuman o sinuman ang sumira nito, handing iipagtanggol ito ng nakatatanda.\u00a0 Marahil sapagkat iniisip nila na ang reputasyon at dangal ng kanilang pamilya ang tanging maiiwan nila sakali mang sila ay pumanaw na.\u00a0 Sa lahat nang ito, gumagaan ang loob ng nasa yugtong ito sa tuwing sila ay nakapagpapapatawad.<\/p>\n<p style=\"padding-left: 60px;\">Hindi naman umalis ang father ko ang ang ano lang ng tatay ko eh kung saan nya hahatiin sa dalawang pamilya ganun ang panahon kung may time sya pupuntahan nya dun pero lagi din sya sa amin kaya nga hindi mahalata ng mother ko na may ganun na may pamilya sya sa labas eh hindi nya alam tumagal nang matagal na panahon eh hindi nya alam. \u00a0Pinatawad ko na siya. \u00a0Matagal na. <em>Adelina, 64, B<\/em><\/p>\n<p><strong><em>Nabuong Modelo ng Pagpapatawad<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang huling pagtitining ng datos ang nakapagbigay ng pagpapatawad sa konteksto ng debelopment.\u00a0 Tiningnan mula sa iminungkahi nina Strauss at Glasser (na binanggit ni Gibbs 2008) ang <em>axial coding<\/em> na magbubuo sa isang pang-unawa sa penomenang nagaganap.\u00a0 Ang talaan ang nagpapaliwanag sa kontekstong ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talaan 3<\/strong><br \/>\n<em>Ang Modelo ng Pagpapatawad na Isinaalang-alang ang Debelopment<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><a href=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6.png\"><img loading=\"lazy\" class=\"size-full wp-image-442\" src=\"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6.png\" alt=\"Rungduin 6\" width=\"589\" height=\"377\" srcset=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6.png 589w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6-300x192.png 300w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6-100x64.png 100w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6-150x96.png 150w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6-200x128.png 200w, https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-content\/uploads\/2014\/11\/Rungduin-6-450x288.png 450w\" sizes=\"(max-width: 589px) 100vw, 589px\" \/><\/a><\/p>\n<p>Sa pagbabalik-balik sa datos, nakikitang na ang pinaghugutang kondisyon sa pagpapatawad ay ang uri ng relasyong mayroon ang nasaktan sa nanakit.\u00a0 Ito ay tumutugma sa relasyunal na teorya nina McCullough, Worthington, Enright at ng iba pang nag-aral sa pagpapatawad.\u00a0 Sa debelopmental na perspektibo, ang kadalasang phenomena naman ay ang paglabag sa tiwala at karapatan ng nasaktan.\u00a0 Ito ay maaaring pang-aagaw ng kaibigan nung bata, paninira at alitan sa pagitan ng mga magkakaibigan sa adolesens; paglabag sa karapatan bilang anak sa <em>early adulthood<\/em>; paglabag sa tiwalang ibinigay sa asawa at anak sa <em>middle adulthood<\/em>, at paglabag sa karapatan bilang matanda sa <em>late adulthood<\/em>.\u00a0 Ang mga paglabag na ito ang nakaapekto sa relasyong mayroon sila at sa paghahangad na sana ay maging maayos ito.<\/p>\n<p>Nagpapatawad ang mga tao sa iba\u2019t ibang yugto ayon sa kanilang natutunang pagpapahalaga dito.\u00a0 Para sa mga bata, mahalaga ang pagsasabi ng sorry bilang pagpapakita na pormal ang proseso ng pagpapatawad, sa mga adolesens, <em>early adults<\/em>, at tao sa <em>midlife<\/em> naman kinakailangang makita, maramdaman o maniwala ang nasaktan na nagsisisi ang nagkasala upang mapatawad niya ito, samantalang sa <em>late life<\/em> ang pagpapatawad ay tumutukoy sa pagsasaayos ng kalagayan at relasyon ng pamilya.<\/p>\n<p>Malaki ang gingampanang papel ng <em>social structure<\/em> at <em>social norms<\/em> sa proseso ng pagpapatawad, lalong-lalo na ang pagtingin sa Diyos bilang ehemplo ng pagpapatawad.\u00a0 Nakikita dito na ang mga magulang ay higit na inaasahang patawarin ang mga anak, tanggapin muli ang asawa alang-alang sa kpakanan ng mga anak, pagpasensiyahan ang manugang upang mapanatili ang magandang pakikitungo dito, at harapin ang problema upang maipagpatuloy o mapagtibay ang relasyon.<\/p>\n<p>Ang proseso ng pagpapatawad sa iba\u2019t ibang yugto ay may kaakibat na positibo at negatibong emosyon at ito ay may mga implikasyon sa mga taong nagbibigay ng kapatawaran.\u00a0 Paulit-ulit na sinasabi sa mga pag-aaral na gumagamit sa pagpapatawad bilang isang instrumento ng paghilom ang kagandahan sa kalooban at kalusugan na dulot ng pagpapatawad.\u00a0 Ito ang isang mahalagng gampanin ng pagpapatawad.<\/p>\n<p>At ang panghuli, ang kinahihinatnan ng pagpapatawad ay laging positibong emosyon, partikular na ang paggaan ng loob na inilarawan bilang pag-alis ng sama ng loob, galit, takot o pag-alala.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>DISKUSYON<\/strong><\/p>\n<p>Sa proseso ng pagpapatawad, nagakakaroon ng iba\u2019t ibang interaksiyon sa pagitan ng haba at klase ng relasyon, uri ng pagkakasala, haba ng panahon, at pang-unawa ng nagpapatawad.\u00a0 Ang mga salik na nabanggit ang kadalasang nagiging dahilan upang magpatawad ng mga kalahok ngunit isa sa mahahalagang punto kung bakit ninanais na magpatawad ay ang kagustuhan ng nagpapatawad na patawarin na ang kanyang sarili upang mabuo muli.\u00a0 Karamihan ng mga mattatandang kalahok ang nagbahagi na hindi na nila makikita ang mga taong nakasakit sa kanila na kanilang pinatawad.\u00a0 Nangibabaw rin ang konsepto na iniisip nilang nagsisisi ang mga ito kaya nila pinatawad, ang paniniwalang nagsisi ang nagkasala ay maituturing na konseptong bunga ng kagustuhang na magkaroon ng higit na magaan ng loob.<\/p>\n<p>Madaling naipapakita ang pagpapatawad kung ang kaniyang kinamulatang kapaligiran relasyon) ay nagbigay sa kaniya ng pagkakataon upang hamunin ang kanyang kakayahang magpatawad.\u00a0 Kapag maraming pagkakataon na mayroong ipinagkakait sa kaniya, nagkakaroon ang tao ng maraming pamamaraan upang kaniyang maintindihan ang mga sanhi ng pananakit at ito ay kaniyang madaling natatanggap.\u00a0 Nakita rin sa datos na ginagawang batayan ang nakaraang pagkaasala sa ibang tao sa uri ng mga kasalanang dapat patawarin.\u00a0 Ang konsepto ng pagbabalik ng pagkakataon sa kung ano ang ginawa sa iba ay nangibabaw kaya kahit na mabigat ang nagawang pagkakasala (pagnanakaw, pangangaliwa, at iba pa) pinpili pa ring magpatawad sapagkat nagkaroon ng panahon na ito ay ginawa rin ng taong nagpatawad.<\/p>\n<p>Habang tumatanda ang isang tao, lumalago ang pagpapatawad mula sa pansariling pananaw patungo sa higit na malawak na saklaw nito tulad ng reputasyon ng pamilya at pinanghahawakang pangalan.\u00a0 Nakita ito sa mga paglalahad ng mga nasa <em>midlife<\/em> at <em>latelife<\/em> kung saan umiikot ang pagpapatawad sa pag-unawa ng mga kakulangan ng anak o ng mga taong kasama sa bahay.\u00a0 Nakikita rin na mahalaga ang nakikitang epekto ng pagpapatawad sa mga kapamilya tulad ng pagpapatawad sa sumira ng pangalan ng pamilya na kapalit ay malayo sa kapahamakan ang mga anak.<\/p>\n<p>Nakita sa pag-aaral ang kahalagahan ng konsepto ni Enriquez (1992) ukol sa antas ng pakikipagkapwa kung saan lahat ng nagkasala ay itinuturing ng mga kalahok na hindi ibang-tao.\u00a0 Ibig sabihin nagbigay sila ng panahon at nilinang ang relasyon ngunit humantong sa pagkakamali ng kanilang matalik na kaibigan, magulang at anak.\u00a0 Mahihinuha na ang higit na binibigyan ng pagpapahalaga sa pagpapatawad ay mga taong malalapit sa atin.<\/p>\n<p>Isang salik sa kakayahan ng taong magpatawad ang pamumuhunan sa isang relasyon.\u00a0 Maaaring sabihin na ang bigat ng pagsisikap na ibinibigay sa isang relasyon ay nagiging batayan sa kung gaano magiging kasakit ang epekto ng hidwaan.\u00a0 Mula sa pag-aaral nararapat na suriin ang nabuong modelo ng pagpapatawad sa iba pang grupo lalo na\u2019t matuturing na may malawak na kultura ang Pilipinas. \u00a0Maaari ring tingnan ang mga karanasan ng mga taong piniling hindi pa magpatawad at maging partikular sa mga salik na nakaimpluwensiya sa desisyong iyon.\u00a0 Gayundin, pwede ring bigyang-pansin ang relasyon ng iba pang pagpapahalagang Pilipino sa pagbuo ng pagkakaunawa ng pagpapatawad tulad ng gaan ng loob, hustisya, at utang na loob.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Al-Mabuk, R.H. at R.D. Enright (1995). \u00a0Forgiveness education with parentally love-deprived late adolescents. \u00a0<em>Journal of Moral Education, <\/em>24 (4), 427.<\/p>\n<p>Andrews, M. (2000). \u00a0Forgiveness in context. \u00a0<em>Journal of Moral Education, <\/em>29 (1), 75-86.<\/p>\n<p>Baskin, T.W. at R.D. Enright (2004). \u00a0Intervention studies on forgiveness: A meta-analysis. \u00a0<em>Journal of Counseling &amp; Development, 82<\/em>, 79-90.<\/p>\n<p>Bauer, J.J., D.P. McAdams, at A.R. Sakaeda (2005). \u00a0Crystallization of desire and crystallization of discontent in narratives of life-changing decisions. \u00a0<em>Journal of Personality, <\/em>73 (5), 1181-1213.<\/p>\n<p>Cherubini, L. (2010). \u00a0A grounded theory of prospective teachers&#8217; meta-cognitive process: \u00a0Internalizing the professional standards of teaching. \u00a0<em>The Teacher Educator, <\/em>45, 96-117.<\/p>\n<p>Denton, R.T. at M.W. Martin (1998). \u00a0Defining forgiveness: An empirical exploration of process and role. \u00a0<em>The American Jourrnal of Family Therapy, <\/em>26 (4), 281-292.<\/p>\n<p>De Castro, F.R. (2008). \u00a0Effectiveness of a group forgiveness intervention on forgiveness and perceived stress of selected high school students. \u00a0Di-nalathalang gradwadong papel, University of Santo Thomas Graduate School, Manila.<\/p>\n<p>Enriquez, V.G. (1992). \u00a0<em>From \u00a0Colonial to Liberation Psychology<\/em>.<em> \u00a0<\/em>Quezon City: University of the Philippines Press.<\/p>\n<p>Edhborg, M., M. Friberg, W. Lundh, at A.M. Widstrom (2005).\u00a0 \u201cStruggling with Life\u201d: Narratives from women with signs of postpartum depression. \u00a0<em>Scandinavian Journal of Public Health, <\/em>33, 261-267.<\/p>\n<p>English, L. J. (1977). \u00a0<em>English-Tagalog Dictionary. <\/em>\u00a0Mandaluyong City: Congregation of The Most Holy Redeemer.<\/p>\n<p>Fincham, F.D., H. Jackson at S.R. Beach (2005). \u00a0Transgression severity and forgiveness: Different moderators for objective and subjective severity. \u00a0<em>Journal of Social and Clinical Psychology, <\/em>24 (6), 860-875.<\/p>\n<p>Frist, N.R., at M.R. McMinn (2010). \u00a0Forgiveness and reconciliation: The differing perspectives of psychologists and Christian theologians. \u00a0<em>Journal of Psychology and Theology, <\/em>28 (2), 83-90.<\/p>\n<p>Gibbs, G.R. (2007). \u00a0<em>Analyzing Qualitative Data.<\/em> \u00a0London: SAGE Publications Ltd.<\/p>\n<p>Gluck, J., S. Bluck, J. Baron, at D.P. McAdams (2003). \u00a0The wisdom of experience: Autobiographical narratives across adulthood. \u00a0<em>International Journal of Behavioral Development, <\/em>29 (3), 197-208.<\/p>\n<p>Hanek, K.J., B.D. Olson, at D.P. McAdams (2011). \u00a0Political orientation and the psychology of Christian prayer: How conservatives and liberals pray. \u00a0<em>The International Journal for the Psychology of Religion, <\/em>21, 30-42.<\/p>\n<p>Hui, E. K. at T.S. Chau (2009). \u00a0The Impact of a forgiveness intervention with Hong Kong Chinese children hurt in interpersonal relationships. \u00a0<em>British Journal of Guidance &amp; Counselling, <\/em>37 (2), 141-156.<\/p>\n<p>Kelly, D.L. at V.R. Waldron (2005). \u00a0An investigation of forgiveness-seeking communication and relational outcomes. \u00a0<em>Communication Quarterly, <\/em>53 (3), 339-358.<\/p>\n<p>Knutson, J., R. Enright at B. Garbers (2008). \u00a0Validating the developmental pathway. \u00a0<em>Journal of Counseling and Development, <\/em>86, 193-199.<\/p>\n<p>McAdams, D.P. (2006). \u00a0The problem of narrative coherence. \u00a0<em>Journal of Constructivist Psychology, <\/em>19, 109-125.<\/p>\n<p>McAdams, D.P. (2006). \u00a0The role of narrative in personality psychology today. \u00a0<em>Narrative Inquiry, <\/em>16 (1), 11-18.<\/p>\n<p>McAdams, D.P., B.J. Hoffman, E.D. Mansfield, at R. Day (1996). \u00a0Themes of agency and communion in significant autobiographical scenes. \u00a0<em>Journal of Personality, <\/em>64 (2), 339-378.<\/p>\n<p>Mccullough, M.E. (2000). \u00a0Forgiveness as human strength: Theory, measurement, and links to well-being. \u00a0<em>Journal of Social and Clinical Psychology, <\/em>19 (1), 43-55.<\/p>\n<p>Moustakas, C. (1994). <em>Phenomenological research methods.<\/em> \u00a0Thousand Oaks, California: Sage Publications, Inc.<\/p>\n<p>Pettigrove, G. (2009).\u00a0 The standing to forgive.\u00a0 <em>The Monist, <\/em>92 (4), 583-603.<\/p>\n<p>Rata, A., J.H. Liu, at K. Hanke (2008). \u00a0Te Ara Hohou Rongo (The Path to Peace): Maori conceptualisations of inter-group forgiveness. \u00a0<em>New Zealand Journal of Psychology, <\/em>37 (2), 18-30.<\/p>\n<p>Romig, C.A. at G. Veenstra (1998). \u00a0Forgiveness and psychological development: Implications for clinical practice. \u00a0<em>Counseling &amp; Values, <\/em>42 (3), 185.<\/p>\n<p>Schmitt, M., M. Gollwitzer, N. Forster, at L. Montada (2004). \u00a0Effects of objective and subjective account components on forgiving. \u00a0<em>The Journal of Social Psychology, <\/em>144 (5), 465-485.<\/p>\n<p>Siassi, S. (2007). \u00a0Forgiveness, acceptance &amp; the matter of expectation. \u00a0<em>Institute of Psychoanalysis, <\/em>88, 1423-1440.<\/p>\n<p>Simon, J.D. (2009). Understanding expression &amp; experience of forgiveness among married couples: Basis for a forgiveness intervention program. \u00a0Di-nalathalang gradwadong papel, University of Santo Thomas Graduate School, Manila.<\/p>\n<p>Strelan, P. (2006). \u00a0A Review of forgiveness process models and a coping framework to guide future research. \u00a0<em>Journal of Social and Clinical Psychology, <\/em>25 (10), 1059-1085.<\/p>\n<p>Wade, N.G. at E.L. Worthington Jr. (2003). \u00a0Overcoming interpersonal offenses: Is forgiveness the only way to deal with unforgiveness? \u00a0<em>Journal of Counseling and Development, <\/em>81 (3), 343-352.<\/p>\n<p>Williamson, I., at M.H. Gonzales (2007). \u00a0The subjectives experience of forgiveness: positive construal of the forgiveness experience. \u00a0<em>Journal of Social and Clinical Psychology,<\/em> 26 (4), 407.<\/p>\n<p>Wilt, J., K. Cox at D. McAdams (2010). \u00a0The Ericksonian Life Story: Developmental scripts and psychosocial adaptation. \u00a0<em>Journal of Adult Development, <\/em>17 (3), 156-161.<\/p>\n<p>Worthington, E.L.Jr. et al. (2010). \u00a0A psychoeducational intervention to promote forgiveness in Christians in the Philippines. \u00a0<em>Journal of Mental Health Counseling, <\/em>32 (1), 75-93.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Teresita T. Rungduin Philippine National Research Center for Teacher Quality Philippine Normal University (PNU), Manila Darwin C. Rungduin College of Liberal Arts and Sciences Colegio de San Juan de Letran, Manila Abstrak Sinuri sa pag-aaral na ito ang proseso ng &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-mga-kuwento-ng-pagpapatawad-pagsuyod-sa-konsepto-gamit-ang-perspektibong-debelopmental\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Mga Kuwento ng Pagpapatawad: Pagsuyod sa Konsepto Gamit ang Perspektibong Debelopmental<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/393"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=393"}],"version-history":[{"count":7,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/393\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":447,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/393\/revisions\/447"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=393"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=393"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=393"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}