{"id":381,"date":"2014-11-20T03:23:51","date_gmt":"2014-11-20T03:23:51","guid":{"rendered":"http:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/?p=381"},"modified":"2015-07-28T02:16:49","modified_gmt":"2015-07-28T02:16:49","slug":"diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-mga-kabihasnang-pangkaisipan-mga-kognitibo-replektibong-prosesong-hinalaw-mula-sa-pakikipag-usap-sa-piling-retiradong-guro-sa-unibersidad","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-mga-kabihasnang-pangkaisipan-mga-kognitibo-replektibong-prosesong-hinalaw-mula-sa-pakikipag-usap-sa-piling-retiradong-guro-sa-unibersidad\/","title":{"rendered":"[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Ang mga Kabihasnang Pangkaisipan:  Mga Kognitibo-Replektibong Prosesong Hinalaw mula sa  Pakikipag-usap sa Piling Retiradong Guro sa Unibersidad"},"content":{"rendered":"<p><strong>Noahlyn C. Maranan<\/strong><br \/>\nDepartment of Social Sciences<br \/>\nUniversity of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstrak<\/strong><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\">Tinalakay at binigyan ng mga halimbawang-sipi ang mga kabihasnang pangkaisipang gaya ng <em>pagsasalugar, paghugot, pag-aninaw, pagtumbok,<\/em> at <em>pagkakawing<\/em>.\u00a0 Mga kognitibo-replektibong proseso ang mga ito na tinatayang bahagi ng isang kaisipang bihasa\u2019t may malawak at malalim na pagtunghay sa mga bagay-bagay.\u00a0 Ang mga kabihasnang pangkaisipang ito ay hinalaw mula sa panayam sa mga retiradong guro ng <em>University of the Philippines<\/em> na bahagi ng isang panimulang pananaliksik hinggil sa <em>wisdom o karunungan<\/em>.\u00a0 May iba\u2019t ibang paraan ng manipestasyon ng mga prosesong ito.\u00a0 Ang pagsasalugar ay maaaring sa pinagmumulan, kasalukuyan o masaklaw na mga kairalan.\u00a0 Ang paghugot ay maaaring ginagawa naman sa mga karanasang dinaan, binalikan, at hinagap.\u00a0 Ang pag-aninaw ay maaaring sa mga elementong di pangkaraniwan, di nakikita, o di nababatid ng iba.\u00a0 Ang pagtumbok ay maaaring sa simula o kahahantungan, pinakamahalaga o pinakamatingkad, o iyong nasa pinakapuso o kaibuturan ng isang kairalan.\u00a0 Ang pagkakawing naman ay maaaring sa antas ng ideya o kaalaman, panahon at pangyayari, o kaya ay tao at institusyon.\u00a0 Tinataya ng awtor na ang mga kabihasnang pangkaisipang ito ay maaaring humantong sa mainam na pagtingin sa mga bagay-bagay, pagdadala ng sarili, paggampan, at paghahawak ng damdamin o emosyon.\u00a0 Hinihimok niya ang dagdag pang pag-unawa at pag-aaral ng mga kabihasnang pangkaisipan mula sa kasalukuyang panimulang pag-aaral\u2014o sa higit na masaklaw na pagkilala at pag-unawa pa kung paano nga ba mag-isip ang Pinoy.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Abstract<\/strong><\/p>\n<p style=\"text-align: left;\">This article discusses and gives examples for<em> kabihasnang pangkaisipan<\/em> which includes pagsasalugar (putting elements into its place), paghugot (extracting elements from a context), pag-aninaw (seeing things more sharply and clearly), pagtumbok (zeroing in on a particular element) and pagkakawing (connecting).\u00a0 <em>The kabihasnang pangkaisipan<\/em> are cognitive-reflective processes that are presumed to underlie wise thoughts and a healthier perspective about life.\u00a0 These processes were culled from a discovery-oriented research involving interview-conversations with a select group of retired University of the Philippines professors.\u00a0 These processes manifest themselves in different ways.\u00a0 For <em>pagsasalugar<\/em>, it may involve the past, the present and a bigger context or reality.\u00a0 For <em>paghugot<\/em>, elements could be culled from experiences that one previously encountered, reminisced, or heard about.\u00a0 <em>Pag-aninaw<\/em> could involve the beginning and the end, the most significant and important, or the heart and the core elements of a bigger reality.\u00a0 For <em>pagkakawing<\/em>, it may involve concepts and ideas, time and events, or people and institutions. The author thinks that these processes could lead to a better appreciation of reality, better management of one&#8217;s self, actions and emotions.\u00a0 It is recommended that further studies be done on the <em>kabihasnang pangkaisipan<\/em>\u2014or to generate more research about the cognitive psychology of the Filipinos in general.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANIMULA<\/strong><\/p>\n<p>Marami nang sumulpot sa literatura kaugnay ng mga kaparaanan ng pag-iisip sa kanluran. \u00a0Ang iba ay may kinalaman sa tuwirang pag-aaral halimbawa ng mga konseptong gaya ng <em>wisdom<\/em> (Sternberg 2001\/2005; Achenbaum 1997; Ardelt 2004), pagkamalikhain (Helson at Srivastava, 2002), talino, paraan ng pagpoproroseso ng impormasyon, istilong pangkaisipan, atbp. \u00a0Gayunpaman, wala gasinong pag-aaral nito sa Pilipinas. \u00a0Kung meron man, hindi direktang may kinalaman ito sa pagpoproseso ng impormasyon gaya halimbawa ng pag-aaral ni Yacat (2013) ng identidad, ng pagdalumat ni Alejo (1990) ng \u201cloob\u201d at ang pagtalakay ni Salazar (1983) sa kaisipang nakapaloob sa<em> faith healing.<\/em> \u00a0Sa partikular na pananaliksik naman na ito, tutunghayan ang mga kognitibo-replektibong prosesong pinapalagay na bahagi ng isang malawig at malalim na kaisipan.<\/p>\n<p>Ang kaisipan ay ang lunduyang nagpapagalaw sa kaisipan, pagdadala ng sarili, paggampan, pakiramdam, paghahawak ng sarili at emosyon. \u00a0Kaya naman, mahalagang pagtuunan nang pansin ang aspetong ito ng kakanyahan. \u00a0Hindi maiaalis na ang maraming sikolohikal na disposisyon ay nakakabit sa disposisyong pangkaisipan ng indibidwal. \u00a0Kaya, ano nga ba ang pinapalagay na halaga at pakinabang ng mga kabihasnang pangkaisipang ito?\u00a0 Pinapalagay na maaaring magamit ang mga ito upang lumalalim at mapalawak ng isang indibidwal ang kanyang pag-unawa at pagtingin sa mga bagay-bagay.\u00a0 At nang sa gayon ay maging mainam ang kanyang perspektiba, pagdadala ng sarili o paggampan, at paghahawak ng damdamin.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PAMAMARAAN<\/strong><\/p>\n<p>Ang mga kabihasnang pangkaisipang ito ay hinalaw mula sa mga transkrip ng panayam sa sa piling grupo ng labing-isang retiradong guro mula sa <em>University of the Philippines<\/em> na bahagi ng isang mas masaklaw na pag-aaral hinggil sa <em>wisdom <\/em>(na kahingian sa tesis masterado ng awtor).\u00a0 Ang panayam sa kanila ay kinasangkutan ng mga tanong na may kinalaman sa kanilang buhay, pananaw, estudyante, trabaho, atbp.\u00a0 May gabay na mga tanong ang interbyu bagama\u2019t hinayaan ng mananaliksik na lumihis ang usapan kung kinakailangan. \u00a0Kabilang sa mga hinandang mga tanong ay \u201c<em>What were you like when you were 25 years and how did you change since then?\u201d<\/em> o kaya ay <em>\u201cWhat advice can you give young students right now?\u201d <\/em>\u00a0Nagiging partikular ang paghahayin ng tanong sa mga kalahok depende naman sa partikular na kairalan ng kanilang larangan, at iba pang mga kahingiang kinaharap nang mismong interbyu. \u00a0Kabilang sa mga tanong na partikular sa mga kalahok ay may kinalaman sa opinyon ng kalahok hinggil sa kairalan ng isang Diyos sa konteksto ng empirikal na pananaliksik sa biolohiya (para sa kalahok mula sa College of Medicine\/ M3), opinyon ng kalahok hinggil sa mga partikular na kairalang panlipunan nang panahong ginagawa ang pananaliksik (para sa kalahok mula sa College of Social Sciences and Philosophy\/ M5), o kaya ay mga tanong hinggil sa mga palabas sa telebisyon at mensaheng maaring makuha mula sa mga palabas at popular na midya (para sa babaeng kalahok mula sa College of Arts and Literature (F2). \u00a0Ang mga tanong at pagsagot ay kadalasang sa pinaghalong lenggwaheng Tagalog at Ingles (Taglish), bagama&#8217;t matimbang ang paggamit ng wikang Ingles. \u00a0Kinalap ang mga datos, sa lugar at oras na sinang-ayunan ng mga kalahok noong 2008 hanggang unang mga buwan ng 2009.<\/p>\n<p>Ang mga minsanang panayam ay umabot ng isa hanggang higit sa dalawang oras na humantong sa transkrip ng panayam na mula labing-lima hanggang humigit sa trenta pahina ang haba (1.5 na spacing, 12 font size, sa A4 na papel).\u00a0 Mula sa mga tinaranskrayb na mga panayam, ay pinasadahan nang hindi bababa sa tatlong beses ang mga transkrip nang makita ang mga lumilitaw na mga obserbasyong may kinalaman sa <em>wisdom<\/em>.\u00a0 Nilapatan ng mga pananda ang mga lumilitaw na mga obserbasyong ito at pagkatapos ay sinalansan nang naayon sa mga nagtatahing tema. Madaming mga naobserbahang mga datos o tema mula sa panayam na may kinalaman sa paggampan, pagpapahalaga, o atitud ng mga kalahok. \u00a0Subalit, matingkad sa lahat ang umuulit na obserbasyon\u00a0 na may kinalaman sa pinapalagay na tinatahak ng kanilang pagrarason o pag-iisip\u2014na sa papel na ito nga ay tinatawag na &#8216;kabihasnang pangkaisipan.&#8217;<\/p>\n<p>Ang mga kabihasnang pangkaisipang ito (<em>e.g.<\/em>, pagsasalugar, paghugot) ay sarili kong mga katawagan sa mga nakita kong tinahak ng pag-iisip\/pagrarason ng mga kalahok batay sa kanilang mga sinabi. \u00a0Sapagkat proseso ang mga ito ng pag-iisip, ang mga ito ay di-hayag, at sadyang naririyang mga kabihasnang bahagi ng kanilang disposisyong pangkaisipan.<\/p>\n<p>Sa ibaba ay ang dagdag na pagpapaliwanag at pagtalakay sa mga kabihasnang pangkaisipan.\u00a0 Hindi iisa o eksklusibong nakapaloob sa iisang proseso ang marami sa mga halimbawang-sipi.\u00a0 Bagama\u2019t hiwa-hiwalay na tinunghayan ang mga ito, kadalasang may <em>overlap<\/em> ang mga ito sa hindi iisang proseso.\u00a0 Binanggit rin ang mga pinapalagay na kabaligtaran ng mga ito nang higit na mapatingkad ang ibig sabihin ng mga prosesong ito.\u00a0 Gumamit ng mga panandang pangalan o <em>code name<\/em> ng mga kinapanayam sa mga halimbawang-sipi.\u00a0 Makikita naman sa Talaan 1 ang buod ng mga kabihasnang pangkaisipang isa-isang tatalakayin sa mga susunod na talata.<\/p>\n<table>\n<tbody>\n<tr>\n<td width=\"213\"><strong>Kabihasnang Pangkaisipan<\/strong><strong>(Punong-Kategorya)<\/strong><\/td>\n<td width=\"213\"><strong>Kaugnay na mga Kategorya <\/strong><\/td>\n<td width=\"213\"><strong>Nagtatahing mga obserbasyon<\/strong><\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"213\">1. PAGSASALUGAR sa&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">a. pinagmumulang kairalanb. kasalukuyang kairalanc. masaklaw na kairalan<\/td>\n<td width=\"213\">Paglalagay ng isang obserbasyon (gaya ng kairalan, tao, sitwasyon, kinahantungan) sa isang kalalagyan (na maaaring ang pinagmumulan, kasalukuyang kaligiran, o ang mas malaking larawan).<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"213\">2. PAGHUGOT sa&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">a. dinaanang karanasanb. binalikang karanasanc. nahagap na karanasan<\/td>\n<td width=\"213\">Pagkuha ng pagkatuto (gaya ng aral, insight, realisasyon) mula sa karanasan (na dinaanan, binalikan o nahagap sa iba).<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"213\">3. PAG-ANINAW sa&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">a. di pangkaraniwan o palasakb. di nakikita o tagoc. di nababatid ng iba<\/td>\n<td width=\"213\">Pagkakita ng mga elemento ng isang kairalan (gaya ng esensiya o payak na kaanyuan, panloob na damdamin) na hindi lantad (dahil di pangkaraniwan, tago, di nababatid ng iba).<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"213\">4. PAGTUMBOK sa&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">a. simula at kahihinatananb. pinakapuso at kaibuturanc. pinakamahalaga at matingkad<\/p>\n<p>&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">Pagsapol sa elementong (na maaaring ang puno\u2019t dulong simula, pinakapuso, kaibuturan, pinakamatingkad, pinakamahalaga) nasa sentro ng isang kairalan (gaya ng paggampan, pagtingin, pag-unawa, sitwasyon o suliranin).<\/td>\n<\/tr>\n<tr>\n<td width=\"213\">5. PAGKAKAWING sa&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/td>\n<td width=\"213\">a. ideya at kaalamanMga paraan ng pagkakawing:<br \/>\n-pagkakabit, pagtutuhog, pag-iisa-isa,b. panahon at pangyayari<br \/>\nMga paraan ng pagkakawing: paghahantong, pagsasala-salabit, paghuhugpong, pagpapasa paghahalintulad<\/p>\n<p>c. tao at institusyon<br \/>\nMga paraan ng pagkakawing: pag-aanib, pagpapalawig, pagsasanib, pagpoposisyon<\/td>\n<td width=\"213\">Pagdurugtong ng isang elemento (gaya ng kairalan, sitwasyon, ideya, konsepto, kaalaman, tao, institusyon, panahon, pangyayari) sa iba pang elemento.&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/td>\n<\/tr>\n<\/tbody>\n<\/table>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>ANG MGA KABIHASNANG PANGKAISIPAN<\/strong><\/p>\n<p>Sa diksyunaryo (Almario 2011), ang \u201cbihasa\u201d ay ang \u201ctao na mahusay sa isang gawain,\u201d na singkahulugan ng \u201cdalubhasa\u201d o \u201ceksperto,\u201d samantala, ang \u201ckabihasnan\u201d naman ay ang \u201cpagkasanay sa kaugalian at pamamaraan,\u201d \u201cmaunlad na estado ng lipunan&#8230;,\u201d atbp. Sa isang lumang diksyunaryo naman nina Noceda at Sanlucar (1860),\u00a0 may iba&#8217;t ibang gamit nito sa \u201cnapapamisanhan\u201d o pinamimisanhan\u201d o \u201cquinabibihasaan\u201dna tumutukoy sa gawing nakakaugalian gaya ng siniping pangungusap na \u201cHouag papamisanhin ang catao-an sa masama.\u201d \u00a0Gayundin ay ang gamit naman ng \u201cpagcabihasa\u201d O \u201cpamimihasa\u201d na higit na kaugnay naman ng karanasan sa isang larangan gaya ng sa mga pahayag na \u201cbihasang gomaua\u201d at \u201cbihasang tomacbo.\u201d\u00a0 Mula sa mga kahulugan ng \u201cbihasa\u201d at \u201ckabihasnan,\u201d mapapansing pinakamahalagang aspeto ng mga kahulugang ito ay ang matagal-tagal nang karanasan at pagkakalantad sa isang sitwasyon, paggampan, buhay at iba pa upang maabot ang mataas na antas ng kairalan nito. \u00a0Sa mga nasulat nina Salazar et al., (1990), ang \u201ckabihasnan\u201d ay \u201cmay kinalaman sa uri ng pamumuhay at pag-uugali na kinabihasaan o kinagisnan na pinapino ng maraming pangkat ng tao.\u201d \u00a0Buo at mas malawak ang kahulugan nito kumpara sa &#8216;sibilisasyon.\u201d \u00a0Gayundin, ito ay patungkol sa \u201ckalawakan,\u201d \u201ckasalimuutan\u201d at \u201ckataasan\u201d ng \u201cnatamong uri ng buhay at pagsasamahan\u2014na hindi nalilimitahan ng pisikal na kaunlaran at ng iba pang mga ispisipikong katangian ng kinikilingang mga kultura. \u00a0Ang \u201ckabihasnan\u201d para kina Salazar <em>et al<\/em>. (1990) ay mas malawak rin sa \u201ckalinangan\u201d na nakatutok lamang sa \u201climitado ang saklaw\u201d na \u201cpaglilinang o pagpapabuti.\u201d \u00a0Bagama&#8217;t may pagtutok ang kasalukuyang papel sa kabihasnang kaugnay ng husay pangkaisipan\u2014may punto ng pagkakapareho ng kahulugan na kaugnay ng pagiging higit na malawak, masalimuot o mataas ng kaisipang natamo na ang mga kabihasnang tinutukoy sa papel na ito. \u00a0Sa kasalukuyang papel naman, sapagkat may pagtutok sa indibidwal na mga kaso, diniriin ang matagal-tagal nang karanasan\u2014sa buong kurso ng buhay ng isang indibidwal\u2014at pagkakalantad sa isang sitwasyon na pinapalagay na mahalagang aspeto sa pag-abot ng mataas na antas ng isang kairalan o &#8216;kabihasnan.&#8217;<\/p>\n<p>Pinapalagay na mga kognitibo-replektibong mga proseso ang mga kabihasnang pangkaisipang tatalakayin sa papel na ito.\u00a0 \u201cKognitibo\u201d ang mga ito na nangangahulugang kaugnay ng tendensyang pangkaisipan o kaparaanan sa pag-iisip.\u00a0 Ang \u201creplektibo\u201d naman ay isang paraan ng pag-iisip na may pagninilay-nilay at matamang pag-iisip.\u00a0 Samantala, ang \u201cproseso\u201d ay \u201cang serye ng mga kaganapan\u201d na humahantong sa isang resulta.\u00a0 Di ito malayo sa kahulugan nito sa diksyunaryo (Almario 2001; 2010) kung saan ang \u201cproseso\u201d ay may kahulugang \u201csistematikong serye ng mga pagkilos,\u201d o kaya ay \u201ctuluy-tuloy na serye ng mga pagbabago na nagaganap alinsunod sa isang tiyak na paraan.\u201d\u00a0 Gaya rin ito ng mga \u201cproseso\u201d sa pananaliksik na ito na tinatayang mga \u201cserye ng mga\u00a0 kaganapan\u201d sa antas ng kaisipan na maaaring humantong sa pagpapalalim at pagpapalawig ng dunong.<\/p>\n<p>Kabilang sa mga natukoy na mga kabihasnang pangkaisipan ay ang mga sumusunod:<\/p>\n<p style=\"padding-left: 30px;\">1. pagsasalugar<br \/>\n2. paghugot<br \/>\n3. pag-aninaw<br \/>\n4. pagtumbok<br \/>\n5. pagkakawing<\/p>\n<p><strong><em>Pagsasalugar<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sa pagsasalugar ay ang paglalagay ng isang obserbasyon sa isang kalalagyan.\u00a0 Ang \u201cobserbasyon\u201d ay maaaring tungkol sa tao, sitwasyon, kinahahantungan, paniniwala, gawi, ugali, kasanayan, paggampan, atbp.\u00a0 Samantala, ang \u201ckalalagyan\u201d naman ay maaaring ang (1) pinagmumulan, (2) kasalukuyan o (3) ang masaklaw na kairalan.\u00a0 Iisa-isahin ang mga ito sa mga halimbawang-sipi.<\/p>\n<p>Una ay ang <strong>pagsasalugar sa pinagmumulang kairalan<\/strong>.\u00a0 Ang pinagmumulang kairalan ay maaaring ang pinanggalingang kasanayan, ginisnang pamilya, pinagbubuhatang estado, pinagsisimulang paniniwala at atitud o kalalagyan sa isang mas maagang panahon.<\/p>\n<p>Sa halimbawang-sipi rito, pinakilala ng isang guro mula sa <em>College of Fine Arts (M2) <\/em>ang inklinasyon sa larangan ng kanyang dating guro sa Unibersidad. \u00a0Kwento niya \u201c<em>When I was in the School of ***** *****, we have a very good professor, the late ***** *****.\u00a0 He was a very good professor. Of course, as far as his personal style was concerned, it\u2019s classical.\u00a0 He didn\u2019t like contemporary modern.\u201d<\/em>\u00a0 Inunawa at inintindi niya ito at ang kaibhan nito sa kanyang personal na istilo sa pamamagitan ng pagsasalugar ng istilo ng kanyang dating guro at ng kaniyang sariling istilo sa kanilang magkaibang pinagmumulang kasanayan.\u00a0 Aniya \u201c<em>which is understandable because he was schooled in the old school.\u00a0 Because in my case I\u2019ve been more exposed to contemporary [medium].\u00a0 Well, that\u2019s a matter of exposure, one\u2019s liking.\u00a0 But it gives me a very good background as to the things that are demanded in the craft, in sculpture.\u201d\u00a0 <\/em>Naiiba ito sa higit na mapanghusga, isteriotipikal o nakakahong pagtingin ng pangkaraniwang mga tao sa mga taong naiiba sa kanila.<\/p>\n<p>Ikalawa naman ay ang <strong>pagsasalugar sa kasalukuyang kairalan.\u00a0 <\/strong>Ang kasalukuyang kairalan ay maaaring ang estado, kalagayan, kakanyahan, puntong-buhay, paniniwala o atitud sa kasalukuyang panahon.<\/p>\n<p>Sa ikalawang halimbawang-sipi, naging batayan o salalayan ng realistiko at kagawa-gawang tuon ng paggampan ang pagsasalugar ng isang kalahok mula sa College of Medicine sa UP Manila (M3) ng kanyang mga kayang gawin at limitasyon sa kanyang kasalukuyang kakanyahan bilang guro.\u00a0 Aniya \u201c<em>Of course you feel so helpless?\u00a0 Because I\u2019m only a poor professor, also trying to eke out a living, how can I contribute positively?\u00a0 I\u2019m giving my talent most of it, individual people, teaching people, motivating people, but there must be something more that you can do because the agenda for that is bigger than anyone or any group, it\u2019s got to be a national agenda.\u201d<\/em>\u00a0 Patuloy pa niya <em>\u201cTherefore without thinking that ikaw is a major player, or that you\u2019re really going to make a big splash, that\u2019s beside the point.\u00a0 Do what you can within your sphere of influence.\u00a0 No matter how small magcontribute ka.\u201d<\/em>\u00a0 May pagsasalugar siya ng mga kakayanan at limitasyon sa paggampan sa kairalan ng kakanyahan niya at ng kanyang mga kasamahan bilang guro.\u00a0 Pagdiriin pa niya \u201c<em>As we said, we\u2019re all limited.\u00a0 We are academicians.\u00a0 We\u2019re not social workers.\u00a0 We don\u2019t have the resources like the major foundations, etc.\u201d\u00a0 <\/em>May pagsalalay rin siya ng mainam na tuon ng paggampan sa kanyang pagsasalugar na ito.\u00a0 Aniya \u201c<em>All we can give is our brain, yung product ng thinking [at] critical analysis.\u00a0 So that\u2019s all that we can give, we try our best to give it.\u201d<\/em>\u00a0 Kaiba ito sa maaaring di realistikong tuon ng mga taong hindi magawang isalugar sa kasalukuyang kairalan ang kanilang mga paggampan.<\/p>\n<p>Ikatlo naman ay ang <strong>pagsasalugar sa masaklaw na kairalan.\u00a0 <\/strong>Ang masaklaw na kairalan ay maaaring ang malaking larawan o kaligiran ng isang sitwasyon, karanasan, kalagayan, paggampan, obserbasyon, atbp.\u00a0 Maaaring ito ay ang buong kurso ng buong buhay na mas malaki kaysa sa isang instansiya ng karanasan lamang.\u00a0 Maaari ring ito ay ang mas malaking kaligiran ng isang indibidwal na mas malaki kaysa sa mga ispesipikong elemento lamang nito.\u00a0 At maaari rin namang ito ay ang mahabang kairalan ng panahon na iniiralan ng lahat na mas malaki kaysa sa isang ispesipikong yugtong-buhay lamang.<\/p>\n<p>Sa ikatlong halimbawang-sipi, may pagsasalugar ang isang kalahok mula sa College of Arts and Letters (M1), isang manunulat, ng kanyang kakayanan sa masaklaw na kairalan ng iba pang mga mahuhusay na manunulat.\u00a0 Kwento niya \u201c<em>Even now as a writer, I can name almost a hundred or more who can do better that I can in writing.\u201d <\/em>\u00a0May pagsalalay dito ang kanyang mainam na paghahawak o pagdadala ng sariling atitud at damdamin.\u00a0 Patuloy niya, <em>\u201cThat should keep you humble.\u00a0 Humble ka lang.\u00a0 There are others who are better than you are.\u00a0 Don\u2019t resent it.\u00a0 Wish them well.\u00a0 Ganun kailangan yung attitude na wala kang bitterness.\u00a0 You\u2019re secured that way.\u201d\u00a0 <\/em>Kaiba ito sa kawalang kakayanang maghaya at tumanggap ng mga taong hindi magawang isalugar ang sariling mga kakayanan at limitasyon sa mas masaklaw na kairalan nito.<\/p>\n<p>Bunsod ng mga obserbasyon sa itaas, tinawag na \u201cpagsasalugar\u201d ang unang prosesong naobserbahan sa hanay ng mga kinapanayam.\u00a0 Mula sa unlaping \u201cpagsasa\u201d at salitang ugat na \u201clugar,\u201d nangangahulugan ito ng \u201cpaglalagay ng isang bagay sa isang lugar.\u201d\u00a0 Sa una, inilagay ang mga obserbasyon sa pinagmumulang kairalan ng isang sitwasyon.\u00a0 Sa pangalawa, inilagay mga ito sa kasalukuyang kairalan nito.\u00a0 At sa ikatlo nama&#8217;y inilagay ang mga ito sa inaanibang higit na masaklaw na kairalan nito.<\/p>\n<p>Pinapalagay na isang kabihasnang pangkaisipan ng isang taong <em>wise <\/em>ang pagsasalugar kung saan nagagawang makita ng isang indibidwal ang pinagmumulan, kasalukuyan at mas masaklaw na kairalang kinapapalooban ng isang obserbasyon.\u00a0 At sa pamamagitan ng pagsasalugar, mas nauunawaan at naiintindihan ng isang tao ang iba pang tao o sitwasyon, naisasaperspektiba ang mga ito at nailalabas sa isang limitadong perspektiba ng pag-unawa, nagkakaroon ng maalwang pakiramdam at nagbibigay-gabay sa mainam na tuon ng paggampan at paggawa.<\/p>\n<p><strong><em>Paghugot<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Sa paghugot ay ang pagkuha ng mga pagkatuto mula sa mga karanasan.\u00a0 Ang mga pagkatutong ito ay maaaring ang mga nagbibigay-linaw na mga obserbasyon at realisasyon, mga <em>inputs<\/em> galing sa iba na naghahatid ng mahalagang mga pagbabago, mga aral at obserbasyong nagpapalawak o nagpapalalim ng pag-unawa at iba pa.<\/p>\n<p>Kasama naman sa maaaring paghugutan ng pagkatuto ang mga (1) dinaanang karanasan, (2) mga binalikang mga karanasan, at (3) ang mga nahagap na karanasan.\u00a0 Kasama sa dinaanang karanasan ang sariling mga karanasang kinapulutan ng mga pagkatuto\u2014kasama rin ang mga payo, puna o sinabi ng iba na may pinaghugutan ring karanasan.\u00a0 Kasama sa binalikang karanasan ang mga personal na karanasan ng mas maagang panahon na binalik-tanaw at pinangibabawan sa kasalukuyang panahon.\u00a0 At kabilang naman sa mga nahagap na karanasan ang mga narinig na sinabi, pananaw o opinyon ng iba na tinatayang may pinagbuhatan ring karanasan. Isa-isang tutunghayan ang mga ito sa mga halimbawang-sipi.<\/p>\n<p>Una ay ang <strong>paghugot sa dinaanang karanasan<\/strong>.\u00a0 Ang dinaanang karanasan ay ang personal na mga karanasang pinagdaanan ng isang indibidwal na kinapupulutan ng mga pagkatuto para sa pag-unlad at pagbuti ng pag-unawa, paggampan o pagdadala ng sarili.\u00a0 Ang dinaanang karanasan ay maaaring buhat sa sariling mga karanasan o sa payo, puna o sinabi ng ibang-taong nakasalamuha.\u00a0 Ang mga payo, puna o sinabing ito ay tinatayang may pinaghugutan ring karanasan sa buhay ng mga taong ito.<\/p>\n<p>Sa isang yugto ng buhay ng kalahok mula sa IRRI ng UP Los Banos (F3), dumaan siya sa mahabang proseso ng gamutan para sa kanyang sakit na <em>tuberculosis<\/em>.\u00a0 Kwento niya \u201c<em>And I have to go through a lot because when you have tuberculosis that&#8217;s tough.\u00a0 I went through so many X-rays and so many lab exams, and what have you but Dra. ***** never gave up.\u00a0 Sige lang kung anong kailangan.\u201d\u00a0 <\/em>May paghugot si Meroon ng pagkatuto mula sa puna ng doktorang itong maituturing na higit na makakaranasan kaysa sa kanya.\u00a0 Aniya \u201c<em>And then after that, on my final interview, Doktora said \u2018You have very good grades, I\u2019m worried about you.\u2019\u00a0\u00a0 \u2018Why should you worry?\u2019\u00a0\u00a0 Sabi niya, \u2018Because there might be so much pressure on you baka ka magkasakit ulit.\u2019\u00a0 So I kept that in mind.\u201d\u00a0 <\/em>Pinakinggan, at tinalima ni Meroon ang tagpong iyon para sa mainam na pagdadala ng sarili at pagpapahalaga sa kalusugan.\u00a0 Kaiba ito sa taong hindi nagagawang humugot ng pagkatuto mula sa mga puna ng iba at na hindi nagpapabuti ng mga nakagawian nang mga tendensya.<\/p>\n<p>Ikalawa ay ang <strong>paghugot sa binalikang karanasan<\/strong>.\u00a0 Ang \u201cbinalikang karanasan\u201d ay ang sariling mga karanasang binalik-tanaw at pinangibabawan para kapulutan ng mga obserbasyong higit pa sa kongkretong detalye lamang ng mga karanasang iyon.<\/p>\n<p>Ibinahagi ng kalahok mula sa College of Social Sciences and Philosophy (M5) ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang buhay.\u00a0 Kwento niya \u201c<em>I live only on my pension but it\u2019s enough to keep me going&#8230;.\u00a0 All my children are already professionals but for the need of my wife and family [it] is more than sufficient.\u00a0 We are not living comfortable lives, we don\u2019t have air-conditioned rooms&#8230;.\u201d<\/em>\u00a0 Makikitang nauunawaan niya ang kaligiran ng kanyang kasalukuyang buhay sa kanyang pagbabalik-tanaw at pangingibabaw sa mga desisyong ginawa niya noong maagang yugto ng kanyang buhay.\u00a0 Aniya, <em>\u201cWhen I was ****** I did not want to live in the executive house because I didn\u2019t want to live in a certain degree of opulence and then at the end of your term you go back to your little home.\u201d<\/em>\u00a0 Nakita rin na hinigitan ni Wark ang mga kongkretong mga detalye ng kanyang paggampan sa dinaanang buhay sa pamamagitan ng pangingibabaw sa mga ito at paghugot ng mga pagsasapantaha sa mga di niya ginawang mga desisyon. Patuloy pa niya: <em>\u201cso I stayed in my faculty house and sweated it out rather than live in airconditioned rooms in the ***** House.\u00a0 I go to the ***** House only when there\u2019s a party and I have to entertain people but after that, I go back to where I was so I am still not used to these things otherwise I would be craving for it and I would be tempted to accept corporate directorships. <\/em>\u00a0Kaiba ito sa kawalan ng malalim na pag-unawa ng ibang mga tao sa kanilang paggampan at ginawang mga desisyon sa buhay.<\/p>\n<p>Ikatlo naman ay ang <strong>paghugot sa nahagap na karanasan<\/strong>.\u00a0 Ang nahagap na karanasan ay ang mga naobserbahan o nababatid na mga karanasan ng iba.\u00a0 Kasama rin dito ang mga opinyon at palagay ng ibang taong may pinaghuhugutan ring karanasan bagama\u2019t hindi direktang sinabi sa kanya.<\/p>\n<p>Ibinahagi naman ng kalahok mula sa IRRI (F3) ang kanyang obserbasyon sa mga ginagawa at sinasabi ng mahuhusay na mga tao sa kanyang larangan.\u00a0 Kwento niya<em> \u201cWe have Nobel Laureates in these meetings&#8230;\u00a0 One of them nagkwento siya na how she felt nung she got the award.\u00a0 One of them siya pa ang magdadala ng bag ko.\u00a0 Then all you could talk about are community-based health system.\u201d <\/em>At mula rito\u2019y ang kanyang pangingibabaw sa obserbasyong ito at paghugot sa taal na obserbasyong kaugnay ng matapat na damdamin ng paghanga at pagkasiya.\u00a0 Patuloy pa niya <em>\u201cWhat do I say to these guys?\u00a0 But these people are very human&#8230;. So they are very humanitarian.\u00a0 After they got the award, they want to be able to do something.\u00a0 So that was very inspiring you know when you see them.\u201d <\/em>Kaiba ito sa kawalan ng paghugot sa matapat na damdamin mula sa mga pinagdaraanang karanasan ng mga taong hindi<em> wise.<\/em><\/p>\n<p>Tinawag na paghugot ang prosesong naobserbahan para sa bahaging ito.\u00a0 Sa pananaliksik na ito, ang paghugot ay ang pagkuha ng mga obserbasyon (input, aral, realisasyon, pagkatuto, obserbasyon) mula sa kongkretong mga karanasa\u2019t pangyayari o kaya\u2019y mula sa mga interaksyo\u2019t pakikipag-ugnayan sa iba.\u00a0 Sa diksiyonaryo, ang \u201chugot\u201d ay may pakahulugan bilang \u201cpagkuha mula sa isang lalagyan\u201d at na singkahulugan ng \u201chila,\u201d \u201cbunot\u201d o kaya ay \u201chirang.\u201d\u00a0 Sa pananaliksik na ito, gaya ng nabanggit na, may \u201cpaghirang\u201d o \u201cpagkuha\u201d ng mga mahahalagang mga pagkatuto mula sa naranasan, naobserbahan o narinig ng isang indibidwal.<\/p>\n<p>Pinapalagay na isang kabihasnang pangkaisipan ng taong <em>wise<\/em> ang paghugot kung saan nagagawang kapulutan ng pagkatuto at mahahalagang mga obserbasyon ng mga taong <em>wise<\/em> ang dinaanang karanasan, binalikang karanasan at ang nahagap na mga karanasan.\u00a0 Nagdudulot ang prosesong ito ng mahahalagang mga <em>input <\/em>o impormasyon, bagong mga ideya, obserbasyon, at ideya para sa mas mainam na pagdadala ng sarili o mga pagganap, o maging pakiramdam.<\/p>\n<p><strong><em>Pag-aninaw<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang pag-aninaw ay ang pagkakita ng mga elementong hindi lantad sa isang kairalan.\u00a0 Ang elemento ay maaaring mga alternatibong paraan ng pagtingin, di kaagarang napapansing mga anyo, ang payak na kaanyuan o esensiya, mga panloob na damdamin atbp.\u00a0 Ang kairalan naman ay maaaring ang karanasan, sitwasyon, ugnayan, kakanyahan, paggampan atbp.\u00a0 Kadalasang hindi lantad ang mga elemento sa mga kairalan nito dahil (1) di palasak o di pangkaraniwan, (2) di nakikita, tago, natatabingan at (3) di nababatid ng iba.<\/p>\n<p>Una para sa ikatlong kabihasnang pangkaisipan ay ang <strong>pag-aninaw sa di pangkaraniwan o palasak<\/strong>.\u00a0 Maaaring di pangkaraniwan o palasak dahil hindi ito ang nakagawian at nakasanayang pagtingin, kaparaanan sa paggampan o paghahawak ng sarili o dahil hindi ito ang pagtingin, kaparaanan at ginagawang paggampan at paghahawak ng sarili ng nakararaming mga tao.<\/p>\n<p>Nilagpasan ni ng kalahok mula sa IRRI (F3) ang pangkaraniwang tendensya sa paggampan ng nakararami sa kanyang larangan.\u00a0 Aniya, \u201c<em>I have to study.\u00a0 A lot of people who are invited to these places, first thing they want to do is they want to be a tourist.\u00a0 They want to shop.\u00a0 When you do that, how can you be bright the following day?\u201d\u00a0 <\/em>Nababatid ni Meroon ang kahingian sa kanyang gumampan sa kanyang paglabas sa bansa bagama\u2019t may temptasyong umaktong turista.\u00a0 Aniya \u201c<em>Because you cannot afford to be stupid.\u00a0 They pay your way to Geneva.\u00a0 They pay your way to all these places. You have to be able to say something that makes sense.\u201d\u00a0 <\/em>Kaya naman pinaghahandaan niya ang mga imbitasyong ito.\u00a0 Aniya <em>\u201cI always have to study.\u00a0 I read every document that they sent me so that when I got there I am confident I will understand what\u2019s going on.\u201d<\/em>\u00a0 Mapapansin ang paglagpas niya sa pangkaraniwang tuon ng paggampan at ang pag-aninaw niya sa halaga ng mahusay na paggampan sa kanyang larangan.\u00a0 Kaiba ito sa wala sa isip na paggawa\/paggampan na basta lamang tumatalima sa subok na at nakagawiang mga kaparaanan.<\/p>\n<p>Ikalawa para sa ikatlong kabihasnang pangkaisipan ay ang <strong>pag-aninaw sa di nakikita at tago<\/strong>. Hindi nakikita at tago ang mga ito dahil (1) hindi matingkad, tahimik, at kadalasang nakakaligtaan sa isang kairalan, (2) natatabingan, nakukubli, di lantad at may kalabuan ang payak na kaanyuan o kaya\u2019y (3) hindi pa nagagagap ng ano mang ekspresyon o salita.<\/p>\n<p>Sa kasunod na sipi ay ang pagkasiya ng kalahok mula sa kolehiyo ng medisina (M3) sa dinaanang-buhay na may pag-aninaw sa payak na kaanyuan ng mga bagay na karaniwang pinahahalagahan.\u00a0 Aniya \u201c<em>I&#8217;m lucky na yun ang nagawa ko.\u00a0 For example, the value of things are not always the same when you are younger but once you\u2019ve experienced, because nakita mo na, then you begin to see it for what it is. It is stripped already of the glamour.\u00a0 You are now face to face with the real reality because what is reality ba?\u00a0 Illusion lahat naman yan.\u201d\u00a0 <\/em>Paliwanag pa niya \u201c<em>Kala mo pag nakagawa ka ng 1000 sq. m. house solve na yung problem mo, ang saya-saya mo.\u00a0 You didn\u2019t realize that to maintain a house like that is pain in the neck.\u00a0 Sa dami na lang ng bumbilyang napupundi diyan at sa faucet na nagleleak, you need a fortune to keep it and the question is kailangan mo ba yang 5 beds, 10 bedrooms?\u201d\u00a0 Di ba isa lang ang bedroom mo\u201d?\u00a0 <\/em>Patuloy pa niya \u201c<em>Maisipan mong puntahan yung parte ng bahay na hindi mo napupunta, pag punta mo sasama lang ang loob mo, nakita mo madumi, ang maraming sira, maraming kalat.\u00a0 What?\u00a0 Therefore, you ask yourself: Diyos ko, ano ba ito?\u00a0 Kailangan lang ba yung ganun? It just aggravates my condition.\u00a0 It does not reinforce the good feelings&#8230;\u201d <\/em>\u00a0Sa kasunod na linya, tila hinubdan niya ang kairalan ng pag-aakumula ng materyal na mga bagay nang makita ang payak at di lantad na kaanyuan nito.\u00a0 Aniya<em> \u201cFacing death, Diyos ko, pagkamatay ko\u2019t kineremeyt ako, anong madadala ko, [ni] wala ngang balot e. Sayang.\u201d\u00a0 <\/em>Patuloy niya<em> \u201cE why am I doing all of these?\u00a0 For this?\u00a0 One more car?\u00a0 One more resort house na hindi ko naman pupuntahan throughout the year.\u00a0 Gagamitin ko for less than a week, mayroon akong nagmementain, sinuswelduhan then [I] have to work like a slave to support this?\u201d\u00a0 <\/em>Para sa kanya, tila \u2018kabaliwan\u2019 lamang ang pag-aakumula ng mga ito.\u00a0 Aniya <em>\u201cHa, I must be crazy to do that. You really must be crazy to do that.\u00a0 But you didn\u2019t realize you\u2019re crazy until you\u2019re there.<\/em>\u00a0 <em>Wala naman palang silbi yung inacquire mo.\u201d\u00a0 <\/em>Kaiba sa kadalasang hinahangad ng marami at nagpapairal sa pagganap ng pangkaraniwang tao, nalalagpasan ni Minica ang pangkaraniwang kahingia&#8217;t paghahangad sa mundo ng mga materyal na bagay.\u00a0 Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-aninaw sa totoong kaanyuan ng mga ito.<\/p>\n<p>Kasama rin sa ikatlong kognitibo-replektibong proseso ang <strong>pag-aninaw sa di nababatid ng iba<\/strong>.\u00a0 Maaaring hindi nababatid ang mga ito dahil kailangan ng pag-ukilkil sa panloob na damdamin, motibasyon, iniisip o mga dahilan at iba pang di lantad na mga kairalan ng sarili o kaya\u2019y kailangan ng lapit ng tumutunghay sa kairalang ito nang magawa niyang makita ang mga bagay na maaaring wala sa posisyon ang iba upang makita.<\/p>\n<p>Sa halimbawang-sipi sa ibaba, ibinahagi ng kalahok mula sa College of Music (M6) ang kaligiran sa kanyang ginisnang pamilya ng mas bata pa siya.\u00a0 Kwento niya \u201c<em>Ever since I remember even during my youth I belong to a family of more or less musically inclined family.\u00a0 My mother was a piano teacher and my sisters and brother all took lessons in music.\u00a0 I was the youngest and in fact I was the most deprived because I did not have those opportunities that my older brother and older sisters had.\u201d<\/em>\u00a0 Sa kabila ng inklinasyon ng kanyang pamilya sa musika, nagulat ng mga ito nang ipahayag niya ang kanyang interes sa akademikong pag-aaral ng musika.\u00a0 Patuloy pa niya \u201c<em>And so after finishing highschool when I told my mother I wanted to take up music, everybody was flabbergasted.\u00a0 What in the world, where in the world did you get that idea?\u201d<\/em>\u00a0 Sa kasunod na linya, makikita ang pagsalalay ni Ngoon ng kanyang desisyon sa kanyang na-aninaw na taal na damdamin para sa paggampan sa larangan ng musika.\u00a0 Muling pagpapatuloy pa niya<em> \u201cBut there was this thing about me, you know, even when I was in the primary school that attracted me in music and I knew that and even if I was on the side line all the time listening to my sisters play the piano and things like that, there was something that was starting to burn there inside.\u201d<\/em>\u00a0 May pag-aninaw si Ngoon sa kanyang kalooban na wala sa posisyon ang iba para mabatid.\u00a0 Naging salalayan ang kanyang pagkilalang ito sa kanyang taal na damdamin sa kanyang ideya sa mainam na tuon ng paggampan.\u00a0 Kaiba ito sa hindi malalim na pagkilala sa sariling damdamin at hindi pagsungguni sa tapat na damdamin para sa mainam na paggampan ng taong hindi nagawang aninawin ang kaloobang siya lamang ang nasa posisyon para mabatid ito.<\/p>\n<p>Sa diksyunaryo, ang \u201caninaw\u201d ay nangangahulugan ng \u201cnakikita sa kabila ng kalabuan.\u201d\u00a0 Hindi ito nalalayo sa gamit sa pagtalakay rito kung saan, pinapalagay na nagagawang makita ang (1) mga di pangkaraniwan sa gitna ng di pagiging obyus at palasak ng mga ito, ang (2) mga di nakikita at tagong bahagi ng isang kairalan at ang (3) mga elementong bahagi ng malapit na kairalan ng isang indibidwal\u2014panloob man (e.g. damdamin, motibasyon) o panlabas (<em>e.g<\/em>., bahagi ng kasanayan ng isang indibidwal).\u00a0 Dahil dito tinawag na \u201cpag-aninaw\u201d ang ikatlong kabihasnang pangkaisipang naobserbahan sa hanay ng mga kinapanayam.<\/p>\n<p>Tinuturing na isang mainam na kabihasnang pangkaisipan ang pag-aninaw na naghahatid ng mga ideyang lumalagpas sa pangkaraniwang nalalaman na, nagpapatingkad ng mga ideyang hindi madalas napapansin o nababatid sa pangkaraniwang kalakaran, at naghahatid ng ideya ng alternatibong paggampan at pagdadala ng sarili, atbp.<\/p>\n<p><strong><em>Pagtumbok<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang pagtumbok ay ang pagsapol sa elementong nasa sentro ng isang kairalan.\u00a0 Ang kairalan ay maaaring isang problema, kalagayan, sitwasyon, karanasan o kaya\u2019y dinaanang-buhay.\u00a0 Ang elemento sa kairalang ito naman ay maaaring ang (1) simula at kahihinatnan, (2) pinakapuso at kaibuturan o (3) ang pinakamahalaga at pinakamatingkad.\u00a0 Iisa-isahin ang mga halimbawang-sipi para rito.<\/p>\n<p>Kasama sa ika-apat na kabihasnang pangkaisipan ang <strong>pagtumbok sa simula at kahihinatnan<\/strong>.\u00a0 Ang simula ay maaaring ang umpisa ng isang problema, ang instrumento at iba pang mga sangkap na nakapangyayari sa tuon.\u00a0 Ang kahihinatnan naman ay maaaring ang lohikal na kahahantungan ng umiiral na kairalan, ang ninanais na marating ng isang paggampan, atbp.<\/p>\n<p>Sa kasunod na sipi may pagtumbok ng babaeng kalahok mula sa College of Music (F1) sa mahalagang pinagsisimulang \u201c<em>passion<\/em>\u201d o pagkagusto sa larangan at disiplina upang makapangyari sa mainam na paggampan.\u00a0 Aniya \u201c<em>The only advice I can give is discipline and passion\u2026.\u201d \u00a0<\/em>Diniin niya ang halaga ng disiplina at pagmamahal sa ginagawa sa mga panimulang kahingian para sa mahusay na paggampan sa larangan sa kabila ng iba pang mga kahingian gaya ng talento.\u00a0 Sapagkat aniya<em> \u201cThey can develop the talent.\u00a0 I mean, of course, they won\u2019t become big if they don&#8217;t have that extra something.\u00a0 They won\u2019t reach the very top.\u00a0 They won\u2019t go somewhere.\u00a0 But without the discipline and without the passion, you won\u2019t get anywhere at all.\u201d\u00a0 <\/em>Kaiba ito sa kawalan ng pagsangguni sa pinagsisimulang damdamin at disiplina ng mga taong walang pagtumbok sa damdamin at disiplinang nagpapairal sa mga paggampan.<\/p>\n<p>Kasama rin sa ika-apat na kabihasnang pangkaisipan ay ang <strong>pagtumbok<\/strong> (paggagap at pagpiho) <strong>sa kaibuturan at pinakapuso<\/strong> ng isang sitwasyon.\u00a0 Ang pinakapuso at kaibuturan ng sitwasyon ay ang pinakabuod, kalikasan, esensiya at pinakasentro ng kairalan, paggampan at pagkilos.<\/p>\n<p>May lohikal na pagsusuri ang kalahok mula sa kolehiyo ng medisina (M3) hinggil sa eksistens ng Diyos.\u00a0 Aniya \u201c<em>But then let\u2019s say that premise ang question lang is: There\u2019s a God.\u00a0 Let\u2019s not call him God.\u00a0 Let\u2019s call him a Creator if you want to, a higher being that is the cause of it all.\u00a0 It\u2019s just a question of: Can things the way you see them have happened without any Creator doing it and for that matter, an intelligent Creator? Alright, the answer is either yes or no.\u201d <\/em>Mula sa kanyang pagtatayang ito ay ang kanyang pagtumbok sa kalikasan ng ating paniniwala\u2014na ito ay isa lamang \u201c<em>leap of faith.<\/em>\u201d\u00a0 Aniya \u201c<em>Now is there a process by which you can make a choice based on very sound reasoning just like when you study physics?\u00a0 The answer is: I\u2019m convinced there\u2019s none.\u00a0 It is a leap of faith.\u00a0 It is not something you can discover, argue about.\u00a0 It is something you take or leave depending on your choice.\u00a0 I chose to believe that there is.\u201d\u00a0 <\/em>Pinaliwanag rin niya na hindi salungat ang palagay niyang ito sa mga nalalaman na sa agham.\u00a0 Aniya \u201c<em>Now is that incompatible with what I\u2019m talking about that the mind?\u00a0 Fully compatible.\u00a0 Hundred percent compatible.\u00a0 How?\u00a0 If I were the Creator, and I gave you a soul and I want a mechanism by which the soul is given to you, I will not pull a magic.\u00a0 I will follow my own natural law since I was the author of the natural law governing the brain&#8230; I will wire the brain so that in effect, we will have a soul.\u00a0 I will not pick a soul na parang air and throw it to him.\u201d\u00a0 <\/em>Sa kanyang pagsasalohika ng tanong tungkol sa pagkakaroon ng isang Manlilikha, humantong si Minica sa pinakasagad na kayang maabot ng ating pag-unawa sa isang Manlilikha\u2014na isang \u201c<em>leap of faith<\/em>\u201d ito at na wala nang ibang paraan para makasigurado tayo sa pag-iral Niya.\u00a0 May malinaw at depinitibong pagtataya si Minica hinggil sa paniniwala sa Diyos.\u00a0 Kaiba ito sa di pagiging malinaw ng pag-unawa at pagkalito ng mga taong hindi magawang matumbok ang pinakapuso ng isang kairalan.<\/p>\n<p>Gayundin, bilang panghuli, kasama sa ika-apat na kabihasnang pangkaisipan ay ang <strong>pagtumbok<\/strong> <strong>sa pinakamahalaga at pinakamatingkad <\/strong>na elemento ng isang sitwasyon.\u00a0 Sa gitna ng maraming mga hindi mahahalaga at matitingkad nagagawang matumbok ng mga <em>wise <\/em>ang pinakamahalaga at pinakamatingkad sa isang kairalan o karanasan.\u00a0 Dagdag pa, sa pagtumbok, nangingibabaw rin ang pinakamahalaga at pinakamatingkad sa gitna ng iba pang mahahalaga at matitingkad na elemento sa isang karanasan o kairalan.<\/p>\n<p>Nababatid ng kalahok mula sa College of Arts and Letters (M1) ang pinakamahalagang layon ng ginagawang aktibidad sa klase\u2014ang pag-iisip at pag-unawa sa binabasa.\u00a0 Aniya \u201c<em>You have to develop that\u2014reading with real comprehension.\u201d<\/em> <em>\u00a0<\/em>Bagama\u2019t natumbok niya ang pinakamahalaga para sa pagkatuto ng kaniyang mga estudyante, kinikilala rin niyang hindi ito madaling gawin.\u00a0 Aniya \u201c<em>Mahirap yan. <\/em>\u00a0<em>Sa College pagdating dito, masyadong maraming distraction.\u00a0 They do their research thru the internet, fine no, pero kung minsan nahahalata ko cut and paste lang e.\u00a0 Walang synthesis. \u00a0These are all factual information.\u00a0 Walang thinking.\u00a0 Saka kailangan may mga power point presentation.\u00a0 Kailangan may mga visuals.<\/em>\u00a0 <em>Come on guys.\u00a0 Stay with the page can you?\u00a0 Just a page&#8230;.\u201d\u00a0 <\/em>Sa gitna ng maraming mga palamuti sa pagprepresenta sa klase at sa gitna ng maraming distraksyon, may <strong>pagtumbok<\/strong> si Dera sa pinakamahalagang matutuhan ng mga estudyante at higit na dapat pagtuunan sa pag-aaral\u2014ang pagbabasa nang may pag-unawa.\u00a0 Kaiba ito sa bara-barang paggampan ng mga taong walang pagtumbok sa pinakamahalagang tuon ng paggampan.<\/p>\n<p>Sa diksyunaryo, ang \u201ctumbok\u201d ay nangangahulugan ng \u201cderetsong tama sa gitna o malapit sa gitna.\u201d\u00a0 Hindi ito nalalayo sa pakahulugan ng \u201cpagtumbok\u201d sa mga ginawang pagtalakay kung saan napiho (1) ang simula o kahihinatnan sa gitna ng maraming mga \u201cpanggulo\u201d sa isang kairalan, (2) ang pinakapuso o kaibuturan ng isang kairalan sa gitna ng mga kasamang elemento ng kairalang ito, (3) at ang pinakamahalaga at pinakamatingkad sa gitna ng maraming mga impresyong maaaring kapwa mahahalaga o matitingkad rin.<\/p>\n<p>Tinuturing na isang kabihasnang pangkaisipan ng mga taong <em>wise <\/em>ang pagtumbok na nakakatulong para magkaroon ng kalinawan ang puno&#8217;t dulong simula, ang kalikasan o kaanyuan ng isang kairalan at ang matingkad at mahalaga.<\/p>\n<p><strong><em>Pagkakawing<\/em><\/strong><\/p>\n<p>Ang pagkakawing ay ang pagdurugtong ng mga elemento sa iba pang mga elemento.\u00a0 Ang mga elementong ito ay maaaring mga konsepto, panahon, pangyayari, ideya, tao at institusyon.\u00a0 Maaaring pinagdurugtong ang konsepto o ideya sa kapwa konsepto o ideya, ang tao sa iba pang tao, ang pangyayari sa kapwa pangyayari o kaya nama\u2019y ang tao sa institusyon, ang pangyayari sa panahon, ang ideya sa tao atbp.<\/p>\n<p>Higit na matiltil at kumplikado ang resulta sa bahaging ito sapagkat maraming paraan ng pagkakawing sa:<\/p>\n<ol>\n<li>antas ng konsepto at ideya,<\/li>\n<li>antas ng panahon at pangyayari,<\/li>\n<li>antas ng tao at institusyon.<\/li>\n<\/ol>\n<p>Bagama\u2019t sinalansan sa iba\u2019t ibang antas ang mga paraan ng pagkakawing, may mga pagkakataong ang mga ito ay masusumpungan rin sa iba pang mga antas.\u00a0 Para sa bahaging ito, magbibigay ng iisa lamang na halimbawa para sa bawat antas ng pagkakawing.<\/p>\n<p>Una dito ay ang <strong>pagkakawing sa ideya at kaalaman<\/strong>.\u00a0 Ang ideya o kaalaman ay maaaring mga obserbasyon, paniniwala, opinyon, pananaw atbp.\u00a0 Ang pagkakawing naman ay maaaring sa pagitan ng ideya at isa pang ideya, ng isang kaalaman sa isa pang kaalaman, atbp.<\/p>\n<p>Sa sumusunod ay ang pag-alam sa pagkakapareho at kaibhan ng isang kairalan sa iba pang mga kairalan na naghahatid ng linaw sa natatanging kakanyahan ng mga kairalang ito.\u00a0 Para sa kalahok mula sa mula sa College of Fine Arts (M2), kumpara sa larangan ng paglililok aniya <em>\u201cSometimes, I think writers are better off because once they have typed in the computer it\u2019s there, no.\u00a0 It has to see publication but at least the idea is already there<\/em>.\u201d\u00a0 Samantalang sa kanyang larangan, aniya<em> \u201cBut in an art they say good intentions are not good enough.\u00a0 That idea has to be interpreted in form, in wood, in bronze, or in metal.\u00a0 You will really have to execute, follow it up because if you stop, it will stop by itself.\u201d\u00a0 <\/em>Samantala, di gaya ng kanyang sining, sa pagsasaka aniya <em>\u201cAgain, this is where the farmers are better off because once they plant, it will certainly grow.\u00a0 Of course, you will have to take care [of it] but nature has its own [ways].\u201d\u00a0 <\/em>Samantalang sa kanyang larangan at sa iba pang katulad na sining, aniya<em> \u201cBut in an art if you stop, it will stop by itself.\u00a0 That\u2019s why in music, you have heard about unfinished symphony? It\u2019s unfinished because it was not terminated or it was not completed so it has to be what you call from concept to reality.\u00a0 That\u2019s why they say good intentions in art is not good enough it has to be expressed.\u201d<\/em>\u00a0 Pinakilala ni Erdeen ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kanyang sining sa iba pang mga paggawa\u2019t sining at diniin ang halaga ng mainam at matiltil na paggampan sa kanyang larangan.\u00a0 Kaiba ito sa kawalang-kakayanang linawin ang natatanging kakanyahan ng isang kairalan gaya ng sining sa iba pang mga kairalan.<\/p>\n<p>Para naman sa <strong>pagkakawing sa panahon at pangyayari<\/strong> ang panahon ay maaaring ang nakalipas, kasalukuyan o ang darating pa lamang.\u00a0 Kaakibat ng panahon ang mga pangyayari na maaaring tungkol sa buhay, paggampan, mga pagbabago, desisyon atbp.\u00a0 Ang pagkakawing naman ay maaaring sa pagitan ng isang panahon sa isa pang panahon, ng pangyayari sa kapwa-pangyayari, ng pangyayari sa panahon, atbp.<\/p>\n<p>Sa sumusunod, naiisip ng isa pang kalahok mula sa College of Arts and Letters (M4) ang pagpapasa o pagpapanatili ng mga elemento sa kasalukuyang kairalan hanggang sa hinaharap.\u00a0 Sa umpisa, may nakikitang tuon ng paggampan ni Anda\u2014ang maabot muna ang kamalayan ng mga kapareho niyang uri sa lipunan<em>.\u00a0 <\/em>Aniya<em> \u201cSiguro, because I belong to the middle class, so first layer of that audience would be middle class like me. I want them to see things, think things out the way I do.\u201d\u00a0 <\/em>Pero higit pa rito ang nais niyang maabot.\u00a0 Aniya \u201c<em>But then beyond this immediate audience, I\u2019m thinking of the greater masses of Filipinos.\u201d<\/em>\u00a0 Kaugnay rin ito ng kanyang tuon sa paggamit ng wikang pambansa\u2014ang maabot at mahagip ang kamalayan ng masang Pilipino.\u00a0 Aniya \u201c<em>And yung aking advocacy for the use of the national language for writers and scholars derives from that fact na in the long-run, it\u2019s the Filipino masses who know only Filipino or Tagalog whom I want to reach, that the Filipinos whose consciousness I want to touch.\u201d <\/em>\u00a0Kaiba ito sa mas makitid na perspektiba upang makapangyari ng mga taong hindi <em>wise.<\/em><\/p>\n<p>Sa <strong>pagkakawing sa tao at institusyon<\/strong>, ang tao ay maaaring ang sarili, mga kakilala, mga estudyante, mga kasamahan sa trabaho atbp ng ating mga kinapanayam.\u00a0 Ang institusyon ay maaaring ang mga kilalang mga pamunuan, ang mga kinaanibang kumpanyang pinagtratrabahuha atbp.\u00a0 Ang pagkakawing ay maaaring sa pagitan ng tao sa tao, ng tao sa institusyon, atbp.<\/p>\n<p>Sa sumusunod ay ang paglilinaw ng lugar ng isang elemento sa gitna ng kaligiran nito gaya ng ating halimbawang-sipi mula sa panayam sa kalahok mula sa IRRI (F3).\u00a0 Nag-umpisa siya sa pagpapakilala ng kanyang kaligiran sa paggampan kung saan aniya \u201c<em>But during that time because I was a member of the Board, I went from one Board to another&#8230; At the same time that these things were going on, I was also invited to join the ***** ***** ***** program.\u201d\u00a0 <\/em>Sa gitna nitong lahat ay ang kanyang pagkilala sa kanyang natatanging kakanyahan bilang siyentipikong pang-agham panlipunan at bilang babae sa gitna ng kaligiran nito.\u00a0 Aniya <em>\u201cI was the only social scientist. And in these international research centers I was the only female board member. At that time there were 12 international centers.\u00a0 I was the only female in that entire collection of boards.\u201d<\/em>\u00a0 Pinakilala niya ang kaligiran ng kanyang paggampan, ang koneksyon niya sa mga lupong kinaaaniban at ang natatangi niyang posisyon dito gaya ng kanyang pagiging natatanging babae at eksperto ng agham panlipunan sa grupong ito.\u00a0 Kaiba ito sa kawalan ng kalinawan ng kakanyahan sa gitna ng kaligiran nito para sa ibang tao.<\/p>\n<p>Dahilan sa koneksyon, ugnayan, pagtatahi, pagtatagni o paghuhugpong sa bahaging ito, tatawagin ang prosesong ito bilang \u201cpagkakawing.\u201d\u00a0 Sa diksyunaryo, ang \u201ckawing\u201d ay ang \u201cpagkadugtong-dugtong\u201d ng mga bagay tulad ng bagon ng tren, tanikala atbp.\u00a0 Tatawagin ditong \u201cpagkakawing\u201d ang pag-uugnay ng isang elemento sa iba pa.<\/p>\n<p>Tinuturing na isang kapaki-pakinabang na kabihasnang pangkaisipan ng mga taong <em>wise<\/em> ang pagkakawing kung saan nagagawa nilang makita ang ugnayan o koneksyon ng ideya, konsepto, panahon, pangyayari, tao, institusyon atbp na higit na nagpapayaman ng kanilang pag-unawa o kaya\u2019y naghahatid ng higit na malawak na perspektiba ng pag-unawa, paggampan at pagdadala ng sarili.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>PANGWAKAS<\/strong><\/p>\n<p>Sa gitna ng panimulang resultang kaugnay ng mga kabihasnang pangkaisipang nabanggit, inaasahang higit pang mapapalalim ang pagkilala sa mga ito sa pamamagitan ng dagdag pang mga pag-aaral.\u00a0 Mainam ring susugan kung paanong ang lenggwaheng naging daluyan ng sagot ng mga kalahok ay nakaapekto (o hindi nakaaapekto) sa mga naobserbahang mga kabihasnang pangkaisipan.\u00a0 O kung ang mga ganitong prosesong kaisipan kaya ay maoobserbahan rin sa grupo ng mga taong iba ang kaligiran at kairalan (<em>e.g.<\/em>, hindi mga guro, hindi nanomineyt na <em>wise,<\/em> hindi nalantad sa edukasyon sa labas ng bansa).\u00a0 O kung hindi man, paano nga ba mag-isip ang mga Pinoy? \u00a0At paano ito nagkakapareho o naiiba sa konteksto&#8217;t kalugarang kinakaharap niya? Inaasahang higit na pupukaw ang pananaliksik na ito ng higit pang interes upang mapag-aralan ang sikolohiyang pangkaisipan ng mga Pilipino.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Talahuli<\/strong><\/p>\n<p>* Kinikilala at pinasasalamatan ng awtor si Dr. Edwin T. Decenteceo ng Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman, ang kanyang tagapayo sa tesis masterado na nakakausap niya noong mga panahong ginagawa niya at sinusulat ang tesis kung saan hinalaw ang papel na ito.<\/p>\n<p style=\"text-align: center;\"><strong>Sanggunian<\/strong><\/p>\n<p>Achenbaum, W. (1997). \u00a0The wisdom of age: An historian\u2019s perspective. \u00a0<em>Distinguished Lecture Series of the UNC Institute on Aging<\/em>.<\/p>\n<p>Alejo, A. (1990). \u00a0Tao Po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. \u00a0Quezon City: Ateneo de Manila University Office of Research and Publications.<\/p>\n<p>Almario, V.S. (pat.) (2001).\u00a0 <em>UP diksiyonaryong Filipino.<\/em>\u00a0 Quezon City: University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Almario, V.S. (pat.) (2010). \u00a0<em>UP diksiyonaryong Filipino; Ikalawang Edisyon<\/em>. \u00a0Quezon City: University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Anvil Publishing, Inc.<\/p>\n<p>Ardelt, M. (2004). \u00a0Wisdom as expert knowledge system: A critical review of a contemporary operationalization of an ancient concept. \u00a0<em>Human Development, 47<\/em>, 257-285.<\/p>\n<p>Helson, R., at S. Srivastava (2002). \u00a0Creative and wise people: Similarities, differences, and how they develop. \u00a0<em>Personality and Social Psychology Bulletin, 28 <\/em>(10), 1430-1440.<\/p>\n<p>Noceda, J.D. at P. de Sanlucar (pat). (1860). \u00a0<em>Vocabulario de la Lengua Tagala<\/em>. \u00a0Manila: Imprenta de Ramirez y Giraudier.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A., J.B. Veneracion, W.E. Tamayo, at E.A. Pastores (1990). \u00a0<em>Kabihasnang Asyano: Isang Pangkasaysayang Introduksyon<\/em> (Binagong Edisyon). \u00a0Manila: Cacho Publishing House, Inc.<\/p>\n<p>Sternberg, R. (2001). \u00a0Why schools should teach for wisdom: The balance theory of wisdom in educational settings. \u00a0<em>Educational Psychologists, 36 <\/em>(4), 227-245.<\/p>\n<p>Sternberg, R. at J. Jordan (Eds.). (2005). \u00a0<em>A Handbook of Wisdom: Psychological Perspectives. <\/em>\u00a0USA: Cambridge.<\/p>\n<p>Salazar, Z.A. (1980). \u00a0Faith healing in the Philippines: A historical perspective. \u00a0<em>Asian Studies<\/em>, 18, 27-41.<\/p>\n<p>Yacat, J.A. (2013). Making Sense of Being and Becoming Filipinos: An Indigenous Psychology Perspective. <em>Philippine Journal of Psychology<\/em>, 38 (2), 19-37.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Noahlyn C. Maranan Department of Social Sciences University of the Philippines (UP), Los Ba\u00f1os, Laguna Abstrak Tinalakay at binigyan ng mga halimbawang-sipi ang mga kabihasnang pangkaisipang gaya ng pagsasalugar, paghugot, pag-aninaw, pagtumbok, at pagkakawing.\u00a0 Mga kognitibo-replektibong proseso ang mga ito &hellip;<\/p>\n<p class=\"read-more\"> <a class=\"more-link\" href=\"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/diwa-e-journal-tomo-2-bilang-1-nobyembre-2014-ang-mga-kabihasnang-pangkaisipan-mga-kognitibo-replektibong-prosesong-hinalaw-mula-sa-pakikipag-usap-sa-piling-retiradong-guro-sa-unibersidad\/\"> <span class=\"screen-reader-text\">[DIWA E-Journal Tomo 2, Bilang 1, Nobyembre 2014] Ang mga Kabihasnang Pangkaisipan:  Mga Kognitibo-Replektibong Prosesong Hinalaw mula sa  Pakikipag-usap sa Piling Retiradong Guro sa Unibersidad<\/span> Read More &raquo;<\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":[],"categories":[7],"tags":[],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/381"}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=381"}],"version-history":[{"count":10,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/381\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":478,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/381\/revisions\/478"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=381"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=381"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.pssp.org.ph\/diwa\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=381"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}